Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 114K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 62

63.4K 1.8K 201
By Ineryss

Jealous

Iyak ako ng iyak habang pauwi na kami ni Israel at nilisan namin ang lugar na iyon. Naging tahimik sila Papa at mukhang pinoproseso parin nila sa kanilang isipan ang ginawa kong desisyon. Kahit noong dumating na kaming dalawa sa condo ay mas bumuhos lang ang aking mga luha.

"Nagsisisi ka ba sa desisyon mo?" bigong tanong ni Israel at hinawakan ang magkabila kong pisngi habang nakaupo ako rito sa dulo ng kama.

Ibinaba ko ang aking mga kamay at umiling. Pinunasan niya iyon habang sinisikap ko siyang tingnan kahit na nanlalabo na ang aking mga mata.

"They will accept us eventually... But for now, let's just give them space to think about it." Yumuko siya at hinagkan ang aking mata.

"Gusto kong..." Napayuko ako at hindi agad iyon natuloy.

"Anong gusto mo?" Tuluyang lumuhod si Israel para makalebel ako.

"Gusto kong bumalik sa bukid, Israel. A-Ayoko na dito..." Humikbi akong muli at bumuhos na naman ang panibagong mga luha.

"W-What? But what about your school? May exam ka pa bukas?" Hinaplos ni Israel ang aking buhok at ang isang kamay ay patuloy parin sa pagpunas ng aking mga luha.

"I-Isinuko ko na ang pagiging Chua ko. Si Papa naman a-ang nagpapaaral sa'kin..."

"I can pay for your expenses in school, Trace. Ako ang magpapaaral sa'yo," aniya.

Agad akong umiling. Ang gusto ko ngayon ay umuwi sa amin. Nababahala ako dahil baka nagsumbong narin si French kay Mama. Ayoko nalang patagalin ito at gusto kong sa aking bibig mismo manggaling ang balita.

At hindi na ako mapipigilan ni Papa na umuwi. Gusto ko nang makita ulit si Mama.

"Gusto ko nang umuwi." Natakpan ko ang aking mukha at umiyak lalo.

"Ayoko na dito... G-Gusto ko ng umuwi sa bukid..." hirap kong bigkas at hinahabol ko pa ang aking hininga.

"But we can't travel right now since gabi na, Trace. Bukas nalang ng umaga-"

"Pwede..." putol ko sa kanya at nafufrustrate na naman ako dahil bakit kailangan pang ipagpabukas.

"We can't. Let's just leave tomorrow morning," aniya at hinawakan na ang aking pulso.

"Pag dito lang ako... B-Baka maisipan kong umuwi kay Papa, Israel!" sigaw ko sa frustration sa nakatakip kong mukha na ikinatahimik niya.

Ilang sandali lang ay binitiwan niya na ang aking pulso at tumayo na ito.

"I'll just pack our things." Sigurado niyang sabi kaya ibinaba ko na ang aking mga kamay at nakita ko siyang pumasok sa walk-in.

Kaya habang nag-iimpake siya ay umiyak ulit ako sa kama. Naroon lang ako, nakaupo at tinatakpan ang aking mukha. Pupuntahan ako ni Israel at hahalikan ang aking ulo saka niya ulit ipagpapatuloy ang pag-iimpake. Tatahan ako tapos iiyak na naman ulit. Minsan naiisip ko kung ano na ang iniiyak iyak ko. Tumutulo lang bigla bigla ang aking mga luha. Konting pag-iisip ko lang ay maiiyak na agad ako.

Pinagbihis ako ni Israel ng makapal na maisusuot at may scarf din na nakapalupot sa leeg ko. Kahit gloves ay pinagsuot niya ako. Kaya balot na balot ako noong umupo na sa front seat ng kanyang kotse.

"How about your school?" tanong niyang muli sa akin. "It's your finals. We'll be back by Monday so you could take the exam at least. I'll try to request a special exam for you so you won't be able to join French in a room."

Tahimik ko lamang siyang tiningnan. Sa tuwing naiisip ko si French, parang kinukurot ang dibdib ko.

"P-Pwede next year na ang last sem? Magtatrabaho muna ako para makapag-ipon ako ng sarili kong pera at pag-aaralin ko ang sarili ko," sabi ko pa habang binubuhay niya na ang kanyang kotse.

"I won't let you work, Trace. I'll pay for your expenses. But for now... I'll give you time to think. Baka ito rin ang nakakabuti sa'yo. I don't want to stress you out. School can wait..."

Hindi na ako makapalag sa desisyon ni Israel.
Kumakain lamang ako habang nasa byahe kami. Ayokong matulog dahil hindi naman tulog si Israel.

"Namimiss ko na ang bulaklak namin sa bahay..." sambit ko sa kanya habang nagbubukas ako ng panibagong pagkain.

"We can plant some flowers if you want," aniya at tiningnan ang aking ginagawa.

"Talaga? Pero saan naman?" tanong ko.

"Iyong unahan sa bahay niyo. That's my grandfather's land. Pinamana niya sa akin," aniya na ikinakurap ko.

"Talaga?"

"You'll see..." saka siya ngumisi ulit ng pilyo, may pinapahiwatig na naman iyon.

Hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako nangulila ng husto sa bukid. Namimiss ko ang preskong hangin doon... ang katahimikan ng paligid, ang batis, ang malawak na lupain na matatanaw mo, ang huni ng mga ibon sa umaga, namimiss ko ang buong bukid at gusto kong doon muna ng ilang araw para naman mahimasmasan ako sa mga nagpatong patong na problema. Mas makakahinga ata ako ng maluwag doon.

Higit sa lahat, gusto kong yakapin si Mama. Na sa wakas, makakauwi na ako. Alam ko naman na pinipigilan niya na akong bumalik doon dahil gusto niya, kalimutan ko na ang Bukidnon. Ayaw din akong pabalikin ni Papa pagkatapos ng nangyari kay Kuya Bram.

Ngunit...doon ang tahanan ko. Layasan ko man iyon, babalik at babalik pa rin sa tunay na kinagisnan.

Nakaidlip ako sa front seat. Noong paggising ko ay umaga na at mukhang wala na kami sa syudad. Mga puno na ang nakikita ko sa labas ng bintana at puro narin mga bundok ang natatanaw ko.

"Morning..." Hinila ni Israel ang aking kamay para mas mapalapit ako sa kanya. Hinagkan niya ang gilid ng aking ulo at ngumiti na.

Bakas ang pagod sa kanyang mukha at nagmamaneho siya gamit lamang ang isa niyang kamay. Dapat pala sa umaga nalang kami bumyahe... Nakakaawa naman si Israel.

"Di ka nakatulog." Sumimangot ako sa kanya at binitiwan ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

Idinampi ko sa kanyang pisngi ang aking palad saka ko hinaplos haplos ang kanyang panga.

"It's okay. Malapit narin tayo. Ilang minuto nalang..." aniya.

"Dapat tumigil ka nalang sa gilid ng daan tapos nagpahinga ka rin."

"Stop worrying... How's your sleep?" Nilingon lingon niya ako.

"Okay lang naman," sagot ko at itinuon ulit ang tingin sa bintana. Naeexcite ako sa pagbabalik sa bukid kahit na alam ko namang ilang beses na akong isinuka ng lugar na iyon paalis.

May nakita akong pinapaypayan na barbeque at umuusok pa.

"Israel... Gusto kong kumain diyan oh." Itinuro ko ang bintana at naroon na ang tingin.

"Where?" Tiningnan niya rin ang aking tinuturo at nagkasalubong na ang kilay.

"Diyan?" tanong niya sa akin na ikinatango ko agad.

"Kumakain ka parin sa karinderya?"

"Oo naman! Purket puro na kami Restaurant ni French at Kuya Brennan kumakain parin ako 'no." Ngumuso ako at hindi nilubayan sa bintana ng tingin ang karinderya at ang usok doon.

I'm hungry...

Ang kanyang magarang itim na kotse na Mercedes Benz S-class ay ipinarada niya na sa gilid ng daan at pinagtitinginan na ng mga taong naririto.

Naunang lumabas si Israel. Kitang kita ko ang mga matang awtomatikong namalagi sa kanya. Ang mga grupo ng babaeng nagsikuhan at nginuso ni Israel.

Tiningnan ko saglit ang aking mukha sa ibabaw ng salamin. Humalukipkip naman siya roon at tiningnan ang aking ginagawa habang nakasandal sa gilid noong kotse.

"You look like an angel eary in the morning. No need to worry about your face, Trace..." aniya nang hinalungkat ko na ang aking bag.

Bahagyang namula ang aking pisngi at nilingon ito. Umabante siya at pinatakan ako ng halik sa aking labi.

"There... just wear my kiss and you're done. Let's go and eat. I'm sure you're hungry." Kinuha niya ang aking bag at itinabi na iyon saka niya ako hinila palabas.

Kasi naman... naaasiwa ako sa mga mata nila. Inayos ko nalang ang aking buhok habang hawak hawak ni Israel ang kamay naming magkasalikop at hinihila parin ako.

"Di ba iyan 'yung anak ni Don Facundo? Iyong lalake?"

"Oo nga 'no? Siya 'yan..."

"Bumalik na pala siya?"

"Kasal na ba iyan? May babaeng kasama... Baka asawa niya?"

"Sino 'yan?"

"Tagasyudad?"

"Tagasyudad ata. Makinis oh..."

Pagkapasok sa karinderya ay nagsilingunan pa ang kumakain sa amin. Para kaming mga dayuhan na napadpad sa isang lugar. Binitiwan ni Israel ang aking kamay at inilipat iyon sa aking baywang nang tumigil kami sa harap ng mga ulam.

"Ano po yung nasa malaking kaldero?" tanong ko sa tindera na nakay Israel..

"Ah... Sinabawang baka iyon..." sagot niya at di man lang matanggal tanggal ang tingin kay Israel.

"Ah sige. At limang barbeque na rin..." sabi ko sa babaeng palingon lingon parin kay Israel.

"Ano?" tanong niya pa ulit at mukhang hindi nagets ang pinagsasabi ko.

Nakakapang-init ulo naman ang tinderang ito. Kinalabit ko ito kaya natuon sa akin ang kanyang atensyon. Ngumiti ako sa kanya.

"Uhm, di tayo magkakaintindihan kung palingon lingon ka sa fiance ko," sabi ko sa kanya na ikinadaloy ng hiya sa kanyang mukha.

Si Israel naman ay nagkakasalubong rin ang kilay.

"Ilang cup po ng kanin?" iritado niyang tanong at padabog pang binuksan iyong malaking kaldero ng kanilang kanin.

"Uh... Tig dadalawa nalang kami," saka ko hinawakan ang kamay ni Israel.

Si Israel naman ay gumala ang mga mata para maghanap ng mauupuan namin.

"Drinks?" tanong niya pa.

"'Yung sprite nalang, dalawa... Yun lang." Ngumiti ako sa kanya at hinila na si Israel paalis.

Umupo kaming dalawa ni Israel.

"Dapat sa hacienda nalang tayo kumain," aniya.

S-Sa hacienda nila ako dadalhin?

"H-Huh? Doon tayo dederitso?" tanong ko sa kanya na ikinatango niya.

"I'll just get some things at aalis rin naman tayo."

Aalis rin kami?

"Aalis?" Nagtataka kong tanong na ikinatango niyang muli.

Saan kami pupunta pagkatapos?

"Yes. Pero kung ayaw mong pumunta tayo roon dumeritso nalang tayo lupain," si Israel.

Ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya.

"Pero dapat umuwi muna ako. 'Tsaka... si Mama... di niya pa alam iyong sa atin," sabi ko.

Dumating rin naman iyong babae at inilapag iyong mga order namin. Napatingin ako roon habang si Israel naman ay hinihintay lang na matapos iyong babae para makapagsalita ulit.

Kinuha ko ang barbeque at iyon ang kinagatan.

"Are you gonna tell her about us today?" tanong niya at kinuha na ang kubyertos.

Tumango ako at tiningnan ang kinakain kong barbeque.

"Tikman mo, Israel. Ang sarap..." Itinapat ko sa kanya iyon kaya kumagat siya roon.

"Sasama ako sa bahay niyo?" tanong niyang muli habang ngumunguya.

Kumagat ako ulit. Tiningnan ko pa ang apat pang barbeque.

"Trace..." tawag ni Israel kaya napagtuunan ko siya ng pansin.

"Ah... Ayokong biglain si Mama pero pwede mo akong hintayin sa labas ng bahay?" Kumagat akong muli.

Tinitigan niya ako ng ilang sigundo. Umangat ang kanyang kamay at pinunasan lamang ang gilid ng aking pisngi dahil sa sauce na lumagpas na ata roon saka niya iyon inilagay sa kanyang bibig at kinain.

"You'll tell her today?" tanong niya ulit.

Pero kakarating ko palang... Paano kung magalit siya bigla at paalisin rin ako ng bahay? Ipagpabukas ko nalang kaya? Gusto ko munang makipagkwentuhan kay Mama. Gusto ko siyang makumusta.

"Bukas?" di sigurado kong sagot na ikinaangat ng kanyang kilay.

"I'm going to fetch you tomorrow morning then," sigurado niyang sabi at sumubo na ng pagkain.

Kung ano man ang magiging reaksyon ni Mama, tatanggapin ko. Ayoko nang mag-isip isip pa ng kung ano ano. Mas mabuti na iyong masabi ko sa kanya kaysa naman manggaling pa sa ibang tao at magagalit lamang siya lalo.

Ilang oras kami roon sa karinderya kakakain ko ng barbeque. Nagiging mainit na ang paligid at pinagpapawisan narin ako dala ng suot kong jacket. Tumabi na si Israel sa akin at inasikaso ang aking buhok. Tinalian niya iyon habang kumakain ako.

"Can you stop the electricfan to my fiancee? She's sweating." Utos niya roon sa babaeng nagbigay ng order namin.

"H'wag na Israel! Maraming kumakain..." sabi ko pa kaso ang kanyang mga mata ay naroon sa electric fan na panay ikot.

Iyong babae naman ay mabilis na sinunod ang kanyang gusto at itinapat na nga sa akin iyong electric fan.

Nagtake-out nalang si Israel ng sampo pang barbeque dahil napansin niyang nawiwili ako kakakainin. Ano kayang sauce nila? Ang sarap kasi ng pagkakatimpla.

"Thank you, Sir... Balik po ulit kayo dito ha..." Napatingin agad ako roon sa kinaroroonan ni Israel dahil sa lambing noong boses ng babae at pasimple pang hinawakan ang kamay ni Israel nang kinuha na nito ang inilalahad na sukli.

"You ate alot today. I hope you're always like this everyday..." Ngumisi na si Israel nang nasa kotse na ulit kami.

Lumilipad pa ang isip ko at naiirita ako.

"I'll bring some barbeques for you tomorrow morning-"

"Babalik ka pa roon?!" putol ko at nalakasan na ang aking boses.

"To buy you some barbeques-"

"Barbeques o iyong babae na sinabihan kang bumalik ka roon?" Nilingon ko siya at pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Nagtataka niya akong nilingon habang nagsisimula nang magdrive.

"Pag babalik ka bukas doon, di na ako makikipagkita sa'yo," matigas kong sabi na ikinaguhit na ng ngiti sa kanyang labi.

"My angel is jealous?" he chuckled.

Hindi ako umimik at uminit lamang ang aking pisngi. Mas lalong tumawa si Israel at tuwang tuwa na.

"Oh damn... I want to make love to you right now. Nakakapanggigil ka." Sinuklay niya pa ang kanyang rebeldeng buhok paatras na ikinainit lalo ng aking pisngi.

"Yung babae nalang. Magtusukan kayong dalawa ng barbeque," inis kong sabi na ikinalingon ni Israel sa akin at pilyo na naman ang ngisi.

Hindi ko mapigilang hindi iyon lingunin. Ang kanyang kamay ay nagtungo sa aking hita at humawak doon.

"Mas gusto kong ikaw ang tinutusok ko..." pilyo niyang sabi na ikinanguso ko.

"Baka mas gusto mong siya nalang... Okay lang sa'kin," dagdag ko pa sa nagtatampong boses.

Humalakhak si Israel at tuwang tuwa na.

"Alam mo, sa tuwing nagseselos ka ng ganyan... ang sarap mong hubaran at halik-halikan ang buo mong katawan. The more you get jealous... The more I want to spread your legs and make love to you until you realize I'm more inlove with you..."

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 181K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...
17K 930 29
one cosmopolitan, please.
3.4K 268 15
It was love. Race Eleyn Miriazo knew that it wasn't a typical moment of time. It was a season of butterflies and sunrise. Their feelings were at the...
114K 3.3K 102
Eli Landon x Kirsten Jaysel (Epistolary)