Expect The Unexpected

Galing kay Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... Higit pa

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
58.
Epilogue

57

40 2 0
Galing kay Akatsuki_Haru

Tumalikod ako. Nakatingin sa sahig habang naglalakad. Pipilitin kong kayanin dahil wala na siya. Hindi ko na pinapansin ang mga bumabati sa'kin. Sumakay na ako ng elevator. Paano ko ba tatanggapin ang lahat. Nang makarating ako sa 4th floor, nasalubong ko si Maico. "Ken, ano na?" Nilampasan ko lang siya. "Ken, nakaalis na si Rosen?" Parang wala lang na tanong niya. Palibhasa kasi hindi niya minahal si RM kaya balita lang ang hanap niya. Hindi ko na siya pinansin. "Ken..." Gusto kong magkulong sa office. Sumilip ako sa bintana pag-pasok ko sa office. Lumilipad na ang eroplano. Nag-uunahan na ang mga luha ko sa pisngi. Sinara ko ang kurtina. Umupo ako sa table ko. Kinakaya ko. Pinipilit kong maging normal pero hindi ko magawa. Pumapasok parin sa isip ko si Rosen. Naging isa na lang siyang tauhan sa story. Hindi nag-exist. Wala na siya. Kailangan kong harapin ang buhay. Kahit may kaibigan na kagaya ni Maico, baliwala din dahil wala na si Rosen na minsang nagpasaya sa'kin. Unti unti akong naiinis. Ilang minuto na ang lumilipas. Nawawalan na ako ng pag-asa. Siguro, hindi ako mahal ni RM gaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Naging okay sila ng Dad niya. Masaya na siya. Hindi katulad ko. Tumungo ako sa lamesa. Umiiyak parin ako.

"AYOKONG BUMALIK SA DATI!!" Tatabigin ko palang lahat ng nasa lamesa ko ng may kumatok. Sino kaya 'yun? Si Maico? "Maico, leave me alone!!" Pinarinig ko at nagpunas ng luha. Baka kasi bigla siyang pumasok. Makita niya pa akong basa ng luha.

"Ang Mommy mo 'to, Ken!!"

Si Mommy? "Mommy, mamaya na muna tayo mag-usap. May ginagawa ako." Sana hindi halata sa boses ko na umiiyak ako. Tumayo ako para ilock ang pinto. Ayokong makipag-usap. Hindi kaya ng dibdib ko ang nangyari. Pero papalapit pa lang ako sa pinto nang bumukas ito.

"Ken?"

"Mommy, mamaya na tayo mag-usap." Ano ba ang idadahilan ko. A soon as possible, kailangan nang mawala ni Mommy para mailabas ko ang lahat. Hindi na kaya ng dibdib ko. Pinipilit kong huwag lumabas ng mga natitirang luha ko. Gusto ko na itong ilabas.

"Sumama ka muna sa'kin sa ibaba."

"Mommy, I'm very sorry. Hindi muna. Iwan mo muna ako. Please."

Pero hinila niya ako. "Magsaya ka ngayon. Alam kong may pinagdadaanan ka."

Agad agad? Hindi ba pwedeng sa ibang araw na ako magpipilit magsaya. Kung alam nilang broken heart ako, hindi dapat pwersahan ang pagsasaya. "Mommy please!" Kinontra ko ang paghila niya sa'kin.

"Ken, just give yourself time to be happy. Kaya nga tutulungan kita."

"Mommy, hindi mo ako naiintindihan." Pero hinila niya ako. Wala akong nagawa. Sige, kung pwersahan ba ang gusto niya. Ipapakita kong walang silbi ang gagawin niya. Kakain kami? Wala akong gana. Mag-uusap tungkol sa mga bagay bagay? Ayaw gumana ng utak ko. May ipapakitang magandang bagay sa ibaba? Sa ngayon ay walang ibang magandang bagay akong gusto.

Sumakay kami sa elevator. "Hindi pwedeng maging ganiyan ka habang buhay." Sabi niya habang nakasakay kami. Oo may narinig ako. Dama ko na gusto niya akong sumaya pero hindi talaga ako masaya. Hindi na lang ako nagsalita. "Noon pa'y pansin na kita. Ayokong maging ganiyan ka. Ginawa ko ang lahat pero wala pa din." Hindi ikaw Mommy ang may kasalanan. "But now, hangga't may magagawa ako, kahit halos wala akong nai-ambag sa happiness mo, isa ako sa kikilos para maging masaya ka. Kahit kahangalan pa." Naawa naman ako kay Mommy. Ramdam ko siya. Happiness ko siya. May nai-ambag siya. Pero sa ngayon, hindi talaga ako kayang pasayahin.

And we step out from the elevator. Nakarating kami sa first floor. "Tita." Bati ni Maico. "Hi Ken, mag-enjoy ka naman." Mabuti pa si Maico. Walang problema. Pero hindi ko madama ang simpatya mula sa kaniya sa pagkakataong ito. Nakita ko si Waine at ang iba niyang kasama. Kumpleto sila. Akala ko wala na si Waine? Humiwalay sa'kin si Mommy.

Bumulong sakin. "My surprise kami sa'yo." Surprise? Ano 'to, laruan? Lalaki? Si Jordan? Wala akong maisip na surprise. Tulala lang ako ng biglang lumuwag ang daan. Napansin ko ang mga tao na biglang bumilog. Production number ba ito. May mga magpapatawa? Hindi ito ang hinahap ko. Tumingin ako sa paligid. Bakit lahat ng tao--nandirito? Hindi ko gusto 'to. Pati ang mga matataas na opisyal. Kasama ni Daddy sa isang sulok. Tinitignan ako. Lahat ng empleyado na nagmamahal sa'kin.. andito din. Biglang may isang lalaki na naglalakad papalapit sa'kin. Nashock ako. RM? Nananaginip ba ako? Teka baka hindi. Ayokong kurutin ang pisngi ko. Awkward. Baka hindi panaginip 'to. Pagtawanan pa ako. Papalapit ng papalapit sa'kin si RM. Seryoso ang mukha niya. Shocks. Akala ko umalis na siya.

"Delayed ng 30 Minutes ang lahat ng flight dahil dito kaya sana bilisan mo, Ken." Sabi niya at lumuhod. Nakatingin ako. Teka, marriage proposal ba ito? Napatakip ako sa bibig ko. Ano 'to? Napaki-usapan siya ni Mommy? Para akong bata na naagawan ng candy tapos iiyak. Para lang tumahan ako, ibabalik ang candy sa'kin? Hindi na ako bata. "Will you marry me?" Binubuksan niya ang kahon na may lamang singsing. Tumingin ako sa paligid. Lahat sila ay seryosong pinapanood kami. Ayaw mabuksan ng kahon kaya ngumiti ng pilit sa'kin si RM na tila napapahiya. "Sorry." Tumingin din siya sa paligid. Oh my. "Inuulit ko.." Nakuha na niya ang singsing sa wakas. "Will you marry me?" I'm shocked. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano. Parang pinaglaruan nila ang damdamin ko. Planado ba ito. Hindi nakakatuwa. Pero naalala kong totoong buhay 'to. At.. at... akala ko iiwan na ako ni RM. Hindi pa pala. "Ken." Nagising ako sa pagkakatulala nang banggitin niya ang pangalan ko. "Tanggapin mo na dali." Tumingin siya sa paligid. "Nangangalay na ako. Hindi ko gusto 'to. Ginawa ko lang dahil napilitan ako." What? Mali ito. "Hinding hindi kita kayang iwan Ken. Malaki ang malulugi sa'kin pag nawala ka. Kaya kung sino man ang nagdadasal diyan para maghiwalay tayo.. sorry siya. Ako ito si Rosen. Umalis na si RM."

"Teka, ikaw din 'yun eh. Akala ko umalis ka na. Bakit bumalik ka?" Tanong ko. Nakatingin ako sa kaniya. Feeling ko, takot na takot ang itsura ko.

"Alam mo naman na makapangyarihan ako 'di ba? Kaya kong pabalikin ang eroplano na pag mamay-ari ko. Para pabalikin si Rosen."

Hindi. Si RM parin ang nakikita ko. "Napipilitan ka lang? Ano 'yan, para lang sumaya ako?"

"Syempre, wala nang ibang dahilan. Malaki ang matatalo ko sa pusta. Tanggapin mo na ang singsing. Kung ayaw mo, huwag mo na lang akong ipahiya. Awayin mo ako after nito. Kunyari na lang tinanggap mo."

"Nakipag-pustahan ka?"

"Oo dahil sure akong tatanggapin mo."

Naalala ko sa story. Ang babaing pinagpupustahan ay malaking pagkakamali. Pero totoong buhay ito. Baliw ang kaharap ko. Wait. "Rosen?"

"Oo, tanggapin mo na. 31 minutes nang dalayed ang flight dahil sa preparations ko. Baka murahin na tayo ng mga taga ibang bansa."

"Baliw ka talaga!!"

Tumulo na ang luha ko. "Ken, will you--" Hinila ko siya dahil si Rosen na talaga ang nakikita ko sa kaniya. Pati ang pananalita. Saka ko naisip na hindi malayong mangyari itong pagpaplano na ito at alam kong hindi mai-isip ni Mommy ito. Mga baliw na tao lang ang makakaisip ng ganito. Pinatayo ko siya para yakapin.

"Rosen, akala ko iniwan mo na ako. Nagbalik ka!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Akala ko malulungkot ako. Hindi pala.

"Ken, wait!"

"Rosen, bakit mo nagawa sa'kin 'to?" Garalgal na ang boses ko. "Bakit kailangan mo pa akong saktan tapos babalik ka din pala."

"Ken, hindi mo pa sinusuot ang singsing."

Oo nga pala. Nilahad ko ang kamay ko. This time nakangiti si Maico sa'kin. Malayong malayo sa ibang event na kahit masaya ang lahat ay seryoso lang siya dahil alam niyang malungkot ako. Si Maico talaga. Kilalang kilala ako. "Tinatanggap ko Rosen, isuot mo na. Bukas din ay pakakasal na ako sa'yo."

"Pasensya ka na ah." Sinuot niya ang singsing. "Part 1 lang 'to. Gold lang ang nabili ko. Naalala kong nakahold pala ang account ko. Sa part 2 na yung brilyante."

Baliw talaga. May part 2 pa? "Wala nang part 2. Okay lang sa'kin 'yun. Nalimutan kitang swelduhan."

"Hindi, Daddy mo ang nagpasahod sa'kin." Natapos na niyang maisuot ang singsing. Nagpalakpakan ang mga tao at yumakap ako sa kaniya.

"Rosen, damn you! Akala ko iniwan mo ako! Galit ako sa'yo!" Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Wala na akong paki kung mabasa ng luha ang polo niya.

"Magagawa ko ba 'yun? Wala kaming usapan ni Daddy na aalis ako. Gawa gawa ko lang 'yun dahil gusto kong bumalik ang pagtingin mo sa'kin bilang si Rosen. Ginawa kong saktan ka para maging masaya ka."

Wala na akong pakialam sa dahilan niya. Totoong buhay 'to. Hindi na kailangan pang kunin ang panig niya. Ang mahalaga ay habang buhay na kaming magsasama. "Mahal na mahal kita, Rosen. Maraming salamat."

"Hindi. Ikaw ang kailangang pasalamatan. Hindi mo lang alam na ako na ang pinaka-tanga sa buong mundo pag iniwan kita. Mahal na mahal kita. Mamaya magrerequest sila ng kiss. Pagbigyan mo ah. Kunyari aarte akong ayaw ko!"

"Rosen!" Iyak ako ng iyak. "Baliw ka talaga. Ramdam ko ang higpit ng pagyakap niya at paghikbi niya.

"Ken, ikaw ang nagbalik at hindi ako. Bumalik na ang dating pagtingin mo sa'kin bilang si Rosen."

Akala ko talaga, babalik ako sa dati. Dear God. You never disappoint me. I thought You can break my heart but You did not. Thank you very much.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
448K 13.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...