Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.1K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
57
58.
Epilogue

56.

34 1 0
By Akatsuki_Haru

"Ma'am Ken." Tinawag ako ng sekretarya ko. "Kakausapin daw kayo ng Daddy niyo."

Tumayo ako at lumakad papunta sa office ni Daddy. Hanggang makarating ako. "Dad." Pumasok ako sa loob ng office niya at umupo sa paborito kong upuan. Kahit malayo ako sa kaniya ng konti ay sanay kaming mag-usap basta walang ibang tao sa loob.

"Are you okay?" Parang nanlalambot kasi ako. Kaya tanong 'yan sa'kin ng buong mundo.

"Okay ako, Dad."

"Thank you dahil naging mabait ka sa'kin at ang reputasyon mo ang nagdadala ng lahat."

"Dad, ayoko muna ng message or drama."

"I mean.." Tumingin ako sa kaniya. At parang ayaw pang lumabas ng sasabihin niya. "Hindi na ordinaryo ang tingin sa'kin ni Marco.. na.. Ama ni Rose. Kasi malapit kayo sa isa't isa. Naramdaman kong naging mas malapit siya sa'kin because of you. Gustong gusto ka niya. Kaya naging madali sa'kin ang transaksyon tungkol sa negosyo para sa kaniya. Hindi sa nagmumukha akong pera, Anak. Pero malaki talaga ang ginampanan mo para mas lalong mapalapit kay Don Marco. Hindi talaga ikaw o si Rose. Kundi ang paglalapit niyo. Masaya ako para sa'yo."

"Thanks, Dad pero hindi ko sadya ang lahat."

"Alam namin. Alam din ni Don Marco na imposibleng magustuhan mo ang Anak niya dahil wala itong alam sa negosyo."

"Hindi importante 'yun, Dad."

Matapos naming nag-usap ay halos walang nabago sa mood ko. Nakikita ko talaga sa'min ni RM ang samahan ng ordinaryong pamilya. Mula kami sa matataas na angkan. Kaya kaysa masayang ito, wala naman kasi talagang Rosen sa totoong buhay. Walang janitor na mapapasaya ako dahil mayaman siya. Sa umpisa lang ito at hindi ko hahayaan na hindi maduktungan ang puhunan ko sa kaniya. Malaki ang malulugi sa'kin oras na mawala siya.

Umabot pa ang ilang oras. Sinabihan ko si Maico na gusto ko munang mapag-isa. Hanggang sa pumasok na si RM sa kwarto ko. "Kamusta?" Nginitian ko siya. 'Yung tipo na hinihintay ko siya pero kada bukas ng pinto ay ipinagdadasal ko na sana hindi siya ang dumating. Pero na'ndito na siya.

"Nakausap ko na ang Daddy mo. Pasensya na kung siya ang inuna ko. Para lang mauna ang pressure."

"Okay lang." Ako ang amo mo kaya dapat ay ako ang inuuna mo. Pero hindi ko na kaya pang sabihin 'yun. Iba na ang katauhan niya.

"Well, I'm happy and sad. I have a bad news or not." Kinabahan akong bigla. Hinawakan niya ang kamay ko. Ibang iba na siya maging sa pananalita. Ang hinahanap parin ng tenga ko ay ang pananalita ni Rosen.

"Wala bang good news?" Nakangiti ako. Hinihintay ko ang bad news na ito.

"Ken, alam kong magiging ganito tayo umpisa pa lang na minahal kita. Alam kong hindi mo makikita sa'kin ang lalaking gusto mo dahil ako man ang gumanap bilang si Rosen ay puro pagpapanggap lang dahil ayokong malaman niyo kung sino ako. Hindi ko akalain na mapapamahal ako sa'yo. I guess I like you and your attitude. Pero hindi ko inaasahan na mamahalin kita sa maiksing panahon lang. You're so amazing. You're so beautiful and lovely. One in a million. But I am just an ordinary. Kaya natatakot akong malaman mo kung sino ako ngayon. Nung una, plano kong magpakilala sa'yo at ligawan ka pero habang tumatagal, nakikilala kita kaya sobrang natakot akong baka ayaw mo sa mga katulad ko. Isang mayaman na walang alam."

"No.." Hinawakan ko ang kamay niya. "Ikaw pa din 'yan. Madedevop ang feelings. Minsan 'yung ayaw mo ang minamahal mo."

Ngumiti siya. Hawak parin niya ang kamay ko. "Really?"

"Sure ako. Kaya masaya talaga ako ngayon."

"Kasalanan ko ang lahat. Hinayaan kong maging malapit sa'yo."

"Ano ba ang pinagsasasabi mo. We are okay. I'm happy. Walang may kasalanan. Sabi nga ni Tita Paulina, isang trahedya ang mangyayari minsan kung hindi tayo lumihis ng daan. Pero ang totoo, wala namang lumilihis ng daan. Diyos ang may gusto nito. Naniniwala akong may malaking dahilan ka."

Lalong naging seryoso ang mukha niya. Kinakabahan ako. Gusto kong mawala ang pag-aalala niya. Pero paano ko magagawa? "Sampung taon na akong hindi sumusunod kay Daddy sa lahat ng utos niya. Medyo labag sa loob kong sundin siya na magtrabaho dito kahit gusto kong bumawi. Nangako akong magbabago na at pati si Ate Paulina ay susundin ko ayon sa gusto ng Diyos. Pero labag man sa loob ko, sinubukan ko. Palalabasin ko lang na sumunod ako kaya ako nag-apply dito pero ayoko talaga." Napatingin ako ng seryoso. Kaya pala hindi na siya nagpursigeng matanggap pa. Alam ko na ngayon. Pero dahil tinanggap ko siya, sinubukan na din niyang ituloy. "Nang malaman ni Ate na mag-aapply ako bilang ordinaryong empleyado ay nag-advice siya sa'kin ng dapat kong gawin." May taga advice pala siya. Kaya pala ni minsan hindi ko nakitaan na tamad siya. Na-iintindihan ko na ang lahat. "Pero aksidente na maglapit tayo. Hindi ko talaga ugaling magpanggap pero nagawa ko. Gaya nga ng sabi ko sa'yo. Masaya ako kaya nagagawa ko ang hindi ko nagagawa noon. Naging wirdo ako sa paningin ni Waine at maging siya ay natuwa din. Alam kong gusto niya dito. Dito na nagtatapos ang lahat Ken. Ako parin 'to pero hindi na pwedeng ibalik ang lahat." Lumakas ang kaba ko. Ano ang ibig niyang sabihin? "Lahat ng utos ni Daddy ay hindi pwedeng hindi ko tutulan dahil pangako ko sa sarili ko na lahat ng gusto niya ay susundin ko bilang pagbawi sa mga kalokohan na nagawa ko sa nakaraan. Pasensya na kung may hindi ako nasabi sa'yo."

"A-ano 'yun? Bad news ba or good? Maybe good 'yan 'di ba?"

"Maybe bad maybe not and also not a good news Ken."

"Ano 'yun? Tatanggapin ko kahit ano." Handa ako kung ano man ito. Ayoko nang itigil pa ang nasimulan namin. Ayokong bumalik sa dati kong buhay.

"2 months lang ang usapan namin ni Daddy and after that, may kasunduan kaming ipapatapon ako sa US para ako na ang mag-asikaso ng iba pa naming ari-arian at negosyo. Pinaranas niya sa'kin na mabuhay at magtrabaho bilang ordinaryong empleyado bilang training ko." Ano ang ibig sabihin nun? Lumakas ang kaba ko.

"US? Malapit lang 'yun para sa'tin 'di ba?"

"Oo pero marami nang nagbago. Gusto ni Daddy na doon na ako tumira."

"What?! Isasama mo ako doon?"

Umiling siya. "No Ken. You can't be with me. Nagbago na ang lahat."

"Pero paano tayo?"

"Ken, makinig ka muna." Umupo siya sa lamesa at pinatong ang kamay ko sa hita niya. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Hindi na maibabalik pa ang lahat. Magiging mali kung itutuloy natin dahil kung wala akong karapatan sa'yo noon, mas lalo ngayon dahil nalinlang ka. Hindi natin kagustuhan pero nangyari."

"RM, naman! Nasimulan na natin."

"Pero matagal akong mawawala."

"Pwedeng doon din ako tumira."

"How can you manage your career? Masasayang ang pinagpaguran ng Daddy mo kung iiwan mo din lang."

"Pero nagpasalamat sa'kin si Daddy dahil naging malapit sila lalo ng Dad mo."

"Oo, hindi kasi mapagsamantala ang Daddy mo kaya nagustuhan siya ni Daddy. Pero hanggang doon lang 'yun. Gagampanan ko muna ang pagiging Anak sa Daddy ko. Pasensya na talaga Ken."

No.. no it can't be. Ayokong bumalik sa dati. Ayokong maiwan dito. "RM, babalik ka pa din naman 'di ba?"

"Doon na ako maninirahan."

"Hindi pwede, RM. Buhay mo ang Pilipinas. Dito ka lumaki. Pwede kang magpabalik balik doon pero dito ang buhay mo. Ano ba?! Hindi pwedeng iwan mo ako."

"Kung babalik man ako'y walang kasiguraduhan."

"Ilang taon? Lima sampu? Maghihintay ako basta maging intact tayo. Masaya ako ngayon huwag mo naman akong iiwan." Tumulo na ang luha ako.

"I'm sorry, Ken pero hindi ako pwedeng sumira sa usapan. 2 months ako dito bilang training. Kaya ngayong lumampas na ang oras. Humiling ako kay Daddy na manatili dito dahil sa'yo habang inaayos ang lahat. Mga papeles at kung ano pa para maihanda ako sa pag-alis ko. Hindi ako pwedeng sumira maging sa pangako ko sa sarili ko. Sana maintindihan mo."

Hindi ko akalain na ako ang masasaktan dito. Panay lang ang tulo ng luha ko. Bakit ba kailangang mangyari sa'kin 'to? Akala ko matatapos ang lahat sa simple. Sisisihin ko siya? Huli na ang lahat. Mangyayari na. Hindi niya kasalanan pero lalong hindi ako. "Hihintayin kita. Hindi ako mag-aasawa. Ilang taon ba? Paano kung hindi mo magustuhan doon? Uuwi ka dito, hihintayin ko ang araw na 'yun."

"No, Ken. Usapan namin ni Dad na occational lang ang uwi ko."

"Pwede na 'yun."

"Mas magiging masaya ka kung ang mapapang-asawa mo ay nasatabi mo. Malayo ako kaya mas maiging itigil na natin."

"RM!" Nakatingin lang ako. No, babalik ako sa dati. Bakit kailangang mangyari 'to? "Hihintayin kita. Baka mamiss mo ako. Mahal mo ako 'di ba? Kahit ilang taon. Aasa ako RM, huwag kang mag-aasawa doon. Please. Ayokong bumalik sa dati ang buhay ko. 'Yung wala ka. 'Yung malungkot ako. Malaki ang mawawala. Please RM. Makiusap ka sa Daddy mo. Gusto mong ako na ang kumausap sa kaniya?"

"Hindi pwede. Kapag-ginawa mo 'yun. Masisira ang pangako ko sa sarili ko. Baka lalo lang makagulo. Baka lalo tayong mag-away. Buo na ang loob ko. Bukas na ang alis ko."

Lalo akong nabigla. Hindi niya sinabi sa'kin. "Bakit naman nilihim mo?" Kinuha ko ang kamay ko at tinakpan ko ang sarili kong mukha. "Hindi mo ba naisip na in love ako sa'yo?" Tumingin ako sa kaniya na puro luha. "Daddy mo parin ba ang susundin mo? Hindi ba pwedeng bumali sa usapan? Paano tayo? Hindi na ako mag-aasawa dahil aasa ako sa'yo."

"Hindi pwede, Ken. May dadating pang lalaki para sa'yo."

"Maghihintay ako sa'yo. Oo wala na si Rosen pero andiyan ka. Ikaw na ang kasiyahan ko. Hindi naman masama ang loob ko. Maghihintay ako para may aasahan ako. Ayokong matapos ito sa wala."

"Ken. I'm sorry. Hindi mo na ako mahihintay."

"Kaya ko 'yan. Wala na akong pwedeng gawin pa. Ikaw lang ang nagpasaya sa'kin."

"Gaya nga ng pagkakakilala natin. Baka magkaroon pa ng taong magpapasaya sa'yo."

"Wala na. O baka nagbibiro ka lang?"

"Makinig ka. Alam mo ba ang sabi ng taxi driver sa'kin nang sinabi kong hihintayin ko siya? Hindi siya pumayag dahil baka makakuha pa siya ng pasahero. Paano na ako? Maghihintay sa wala? Hindi pwedeng hindi niya isakay ang makikita niyang pasahero dahil baka pag binalikan niya ako ay naisakay na ako ng iba. Mawawalan siya. Paano kung may lalaki kang magustuhan? Paano kung may babae din akong magustuhan. Sila ang pwedeng magpasaya sa'tin pero binaliwala natin dahil hinihintay mo ako at alam ko 'yun. Iiwasan ba natin sila? Hindi mo na ako pwede pang hintayin, Ken."

"Hindi mo pwedeng ihalintulad sa taxi ang pagmamahalan natin?!"

"Halimbawa lang 'yun para maintindihan mo!" Naiintidihan ko ang punto niya pero kailan pa 'yun? Paano kung siya ang makakita ng babae at ako ay hindi? Wala akong masabi hanggang sa umalis na siya. Bukas na ang alis niya. Umasa ako na hanggang sa huling sandali ay magbabago ang isip niya. Aasa ako hanggang sa huling sandali ng buhay ko para hindi ako malungkot. Ayokong bumalik sa dati. Umuwi agad ako sa bahay dahil hindi ko kinaya. Uminom akong mag-isa. Tawag ng tawag sa'kin si Maico pero hindi ko sinasagot. Mas malala pa ito sa magiging buhay ko. Ayoko nang mabuhay kung babalik din lang ako sa dati. Panay ang silip sa'kin ng mga kasambahay. Wala naman akong ibang gagawin. Lalasapin ko lang ang kalungkutan ko.

Kaya kinabukasan ay hindi na ako bumangon ng maaga. Pero plano kong pumunta sa airport. Hanggang sa huling sandali ay aasa akong hindi tutuloy si Rosen. Hindi pwedeng mangyari ang lahat ng ito. Nalate ako. Sa daanan pa lang ay may tumawag na sa'kin sa phone. "Hello Ken." Boses ni RM.

"He-hello."

"Kung ayaw mong makita ang pag-alis ko, okay lang. Pero gusto kitang makita sa huling sandali." Sumakay ako ng elevator. Tumutulo na ang luha ko. Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa'kin.

"Hindi na ba talaga mababago ang isip mo?"

"Wala nang atrasan 'to, Ken."

"What time?"

"Now na." Lumakas na naman ang kaba ko. Nagpunta ako kung nasaan siya. May dala siyang mga bagahe. Totoo ngang aalis na siya. "Ken." Lumapit siya sa'kin. Niyakap niya ako. "Nagkaganiyan ka lang dahil alipin ka ng istorya sa libro. Akala mo laging masaya kahit may sakit."

Oo nga. Hindi ito story. Totoong buhay ito. Sa libro lang may happy ending. Totoong buhay ito na walang nagsulat. At kung walang happy ending sa isang story, may part 2 or maraming tututol kahit may explanation ang Author. May masisiyahan at makakaintindi. May nagagandahan dahil hindi lahat ng reader ay happy ending ang gusto. Pero totoong buhay ito. Walang reader na makakaintindi sa'kin. Walang iiyak para sa'kin.

Humarap siya sa'kin at tinignan ako. "Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito." Sabi ko. "Sana hindi na lang totoo na may usapan kayo ng Dad mo. Sana janitor ka na lang. Sana panaginip lang ang lahat pero hindi RM."

"Pasensya na. Hindi na kasi talaga tayo ang para sa isa't isa. Alam ko na 'yan. Hindi ko lang sinabi dahil natatakot akong masaktan ka." Hindi parin ako tumitingin sa kaniya.

"Masisisi mo ba ako? Tinanggap naman kita dahil ayokong masaktan. Gusto kong sumaya." Malapit na siyang sumakay ng eroplano. 'Yun ang pinaka-nakakatakot. "Handa akong mahalin ka bilang RM. Ang totoo, hindi naman mababago ang pagkatao mo. Ikaw parin 'yan."

"Alam ko 'yun."

"At pina-alahanan pa ako ni Maico na baka saktan kita. May paninindigan ako. Hindi ko gagawin 'yun pero ano ang ginawa mo? Mas matatanggap ko pa kung may mahal kang iba. Iiyak at magagalit lang ako sa'yo dahil may dahilan ang paghihiwalay natin. May katarungan ang pagiging sawi ko. Pero ano ang ginawa mo? Mababago pa ba? Wala naman tayong pinag-awayan? Kundi ito lang."

"Hindi pa natatapos ang lahat dito, Ken. Alam kong magiging masaya ka. Ipagdadasal ko 'yan."

"Ikaw ang dasal ko. Ipagdasal mo naman tayo. Huwag na ang kaligayahan ko dahil wala na."

"Kaya nga ipagdadasal ko ang kaligayahan mo eh." Alam ko naman ang gusto niyang ipahiwatig. Hindi naman kasi story ito kaya hindi pa ending. Tuloy tuloy ang sakit na parang walang katapusan. "Paalam, Ken. Aalis na ako."

Nakatingin ako sa kaniya habang paakyat siya ng eroplano. Dala niya ang bagahe na halatang hindi na babalik pa. Hindi ko inaasahan na masasaktan ako. Unfair nga naman sa ibang tao kung sila ay masasaktan at ako ay biglang sasaya ng hindi nasasaktan. Ano man ang mangyari sa buhay ko ay taos puso kong tatanggapin. Tumalikod ako. Ayoko nang makita pang lumilipad ang eroplano. Maghihiwalay na kami ni RM. Paalam sa'yo.

At si Rosen ay isa na lamang ala-ala.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
286K 8.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...