Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
56.
57
58.
Epilogue

55.

34 2 0
By Akatsuki_Haru

Ken's POV

Kaya ko siya minahal ay dahil may pambihira siyang katauhan. Pero mali pala ako. Halos magkapareho din pala kami. Natakpan ng totoong katauhan niya ang nung una'y pambihira niyang ugali. Sa ngayon siguro maninibago ako pero hindi ko kailangang ipakita sa kaniya na nagbago ang tingin ko. Ayokong mawala siya sa'kin. Saka nagbalik ang lahat sa ala-ala ko. Ang unang pakita niya sa'kin hanggang makilala ko siya na akala ko'y lubos ko na siyang kilala. Hindi pala. Ang pambihirang katauhan na hindi ko nakita sa iba. Ang isang gwapong mahirap at may pang-unawang napakalalim. Ang isang gwapong nilalang na biglang sumulpot sa harap ko at pinasaya ako dahil ngayon lang ako nakakita ng katulad niya. Pero lahat ng ito ay imahinasyon lamang. Ang totoo'y hindi siya pambihira. Kapareho ko lang din siya na Anak ng negosyante. Ang kaibahan lang ay may pinag-dadaanan siyang hindi ko pa alam. Pero hinding hindi ako magagalit sa kaniya nang dahil lang dito. I can be happy. I can't be broken. I can love him the way I love him before. I will love RM as I love Rosen. "Okay ka lang?" Tanong niya. Kaharap ko siya ngayon. Nag-iinom kami sa isang kwarto.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Ayos lang ako." Ngumiti lang ako. Alam kong duda pa siya sa nararamdaman ko pero walang dahilan para magalit ako. Masaya na ako ngayon at ayokong mawala ang kasiyahan na nararamdaman ko. Sa sobrang saya ko nga ay handa kong ipagsigawan na nagmamahal ako ng isang janitor pero ngayong isa na siyang Prinsipe, paano pa ako magiging tagapagligtas?

Hanggang dumating ang sandali na nagsasayaw kami ng tugtog ng musikang nakakaaliw pero emosyonal. Bagay na bagay sa mood ko. Nakayakap ako sa kaniya. Ayoko na siyang pakawalan pa. "Ken." Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Nasa-dibdib niya ang pisngi ko. Hindi ako nagsalita dahil alam naman niyang naririnig ko. "Ken." Inulit niya. Tumingin na ako sa mukha niya. "Hindi ba nagbago ang pagtingin mo sa'kin?"

"Hindi. Inamin ko na sa'yong mahal kita."

"Sana nga."

Ngumiti ako. "Huwag mo nang alalahanin pa ang nangyari. Malalaman ko din naman ang dahilan 'di ba?"

"Salamat, Ken." Pero nananatiling seryoso ang mukha niya. Ayokong maging malungkot. Ayokong masaktan kaya tatanggapin ko nang buong puso ang lahat. Pero malaking bahagi ang nagbago. Biglang nawala si Rosen. Nasaan na kaya siya? Alam kong balang araw ay magpapakita siya sa'kin. Sa ngayon ay iba na talaga siya. Siya na si RM. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Maraming nagbago. Hindi na kami gaya ng dati. Masyado nang pormal ang pakikitungo namin sa isa't isa. Ayoko munang alamin ang katotohanan sa likod ng pagpapanggap niya. Ayoko muna dahil natatakot akong may malaman uli. Oras na nang pagtulog. Ano pa ba ang aasahan ko? Ito na ang huli. Ang imahinasyon na nabuo sa isip ko ay magwawakas na. Pero hindi ito fiction. Makatotohanan ito kaya magtatapos ito sa simple lang. Ang lalaking nagpanggap para hanapin ang kaligayahan niya. Ngayon ay may wakas na. Pero ano nga kaya ang dahilan niya? Bakit hindi siya nagpursigi na makapasok bilang empleyado? Tinanggap ko lang siya talaga kaya hindi ito katulad ng istorya na nabuo sa isip ko. "Tawagan mo ang Daddy mo para hindi na mag-alala. Bukas na tayo babalik sa KG."

I don't know if excited ba akong makatabi siya sa higaan o ano. Ito na ang sinasabi sa'kin ni Maico na magmamahal ako dahil 'yun ang kailangan. Lahat ng tao ay pwedeng mag-asawa, sapilitan man o hindi. Lahat ng tao ay nagmamahal kaya ito na ang pagkakataong iyon. Mamahalin ko si RM dahil 'yun ang kailangan. At alam kong sasaya ako kung magiging asawa ko siya gaya ng sinasabi nila na mag-aasawa at magmamahal ako in the future. Madedevelop din daw ito sa pag-ibig. Lumapit sa'min si Tita Paulina. "Suutin mo muna ang damit ko. Halos pareho lang naman tayo ng katawan. Ang kaso, makaluma ito dahil dalaga pa ako noong ginagamit ko ito."

Nakita ko ang damit na binigay niya. "Napakaganda po." Ito ang kasuotan na gustong gusto ko. Susuutin ko ang isa bukas. Tiyak na matutuwa si Maico.

Matapos kong tawagan si Daddy ay naging maayos na ang lahat. Alam na pala ni Daddy pero mas pinili niyang ako na ang makatuklas. Maraming kailangang ipaliwanag sa'kin ang lahat pero saka na iyon. Ang alam ko'y masaya ako ngayon. "Doon ka sa kabilang kwarto matulog." Sabi sa'kin ni Rosen. Hindi. Siya na si RM. Iba na ang katauhan niya. Pero bakit hindi niya ako makakatabi ngayon?

"Hindi ba pwedeng katabi kita?"

"Bawal sa bahay na ito ang magtabi sa pagtulog hangga't hindi kasal. Hindi pinapayagan ni Ate Paulina."

Naisip kong magpapakasal na kami. Handa akong ibigay ang sarili ko dahil mahal ko siya. Hindi dahil gusto ko lang ipakita na mahal ko siya gaya ng nangyari sa'min ni Jordan. Pero masaya ako sa sinabi sa'kin ni RM. Hindi talaga siya tulad ng iba. Pumasok ako sa guest room nila. Humalik sa noo ko si RM. "Pasensya na talaga, Ken. Alam kong naintindihan mo na pero magpapaliwanag ako."

I nodded then I smiled. Sinara ko ang pinto. Hilo na ako dahil sa alak. Tinignan ko ang kwarto. Mas malaki pa ito sa kwarto ko. Nasasabik na tuloy akong makita ang kwarto ni RM. Pero hindi pa ngayon. Dadating din ang oras na makikita ko 'yun. Humiga ako. Sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Hindi ko alam kung dismayado ba ako o ano. Basta ang alam ko ay malaki ang nawala sa'kin dahil sa nangyari. Kinabukasan ay masaya kaming magkakasabay na nag-almusal. Tinawagan ako ni Daddy.

"Hello, Dad."

"Hello Ken, paki sabi kay Rose na pumunta sa opisina ko mamaya."

"Ba-bakit?" Napatingin ako kay RM.

"Basta, gusto ko siyang makausap ng kami lang."

"Sige Dad."

Sinabi ko kay RM 'yun. Ngayon ay magpapaalam na kami kay Tita Paulina. Nakangiti siya sa'kin. "Ang ganda mo pala iha."

Sa totoo lang, maganda din siya. Isa siyang makaluma na nagtatago sa babaing makabago. Para siyang Lola ko pero kasing edad lang ni Mommy. "Salamat po." Seryoso parin si RM.

"Mag-iingat kayo ah. Lahat ng bagay ay may paliwanag kung bakit nangyayari. Parang isang trahedya. Isang malagim na aksidente na dadanasin mo sana kung hindi ka lumihis ng landas. Isipin niyo na lang na nakatalaga na ito." Mukhang may alam na siya sa'min kahit hindi siya nagtatanong. Mukhang close sila ni RM dahil may alam siya sa nangyayari. Ngumiti lang ako. "Parang Anak ko na din ito si RM." Duktong niya.

"Hindi kaya ikaw ang tunay kong Nanay, Ate Paulina." Nagbiro si RM pero iba ang feeling ko ngayon.

Natawa kami. "Imposible dahil saksi ako ng ipinanganak ka." Sagot ni Tita Paulina. Iba na ang dating ni RM, hindi katulad noon.

"Eh 'di ba ganun sa mga Tv series?" Tumingin sa'kin si RM.

"Totoong buhay 'to. Ikaw talaga."

Sumagot ako. "Gusto mo bang magkapatid pala tayo?"

Tumawa ng mahina si Tita Paulina. "Kayo talaga. Huwag niyong ihalintulad ang totoo sa napapanood niyo." Sa wakas ay ngumiti si RM.

"Pa'no, Ate. Aalis na kami. May trabaho pa siyang naiwan." Tinuro niya ako.

Humalik kami sa kaniya at ngayon ay nakasakay na kami sa kotse na minamaneho mismo ni RM. Wala kaming kibuan dahil parang bago kaming magkakilala ngayon. Hindi ko alam kung paano mag-oopen ng topic para may mapag-usapan kami. Hanggang sa habang nagmamaneho siya ay narinig ko ang pag-hinga niya ng malalim. Napatingin ako sa kaniya. "Ken, ako parin 'to. Walang magbabago."

"Alam ko. Sa una lang siguro 'to." Nakatingin ako sa kaniya pero sa iba siya nakatingin. Malungkot ba siya o seryoso lang dahil sa nangyari? Dismayado din yata siya o ganiyan ang tunay niyang ugali?

Humaba pa ang sandali. Sandali na wala kaming kibuan pero dahil gusto kong ipakita na mahal ko siya.. hindi ko pinapakita na dismayado ako. Minsan hinahawakan ko siya sa kamay, minsan ngumingiti ako sa kaniya. Ayokong madismaya siya. Nang malapit na kami ay nagbilin siya. "Pupuntahan ko muna si Daddy. Babalik ako mamaya para puntahan ka at kausapin na din ang Daddy mo."

Tumango lang ako. Hanggang sa bumaba ako ng kotse. Nasa airport na kami. "Pumunta ka ah." I said. Ngumiti lang siya at iniwan na ako. Naglakad ako papasok. Hindi ko alam kung paano itutuloy ang lahat. Basta ang alam ko lang ay hindi ko ititigil kung ano man ang meron kami. Ganito lang siguro talaga dahil inamin na namin sa isa't isa ang nakatago naming damdamin. Sa umpisa lang ito siguro. Binati ako ng mga empleyado hanggang makapasok ako sa office ko. Huminga ako ng malalim. Sa umpisa lang ito. 'Di magtatagal ay magiging okay na uli. Umupo ako at nagrelax saglit. Hindi ko na tinawagan si Maico dahil alam kong makakarating sa kaniya ang balita na narito na ako. Bakit ba ganito? Bakit ba sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Hindi ko hahayaang maging ganito kami. Hihintayin ko siya para kausapin nang taos sa puso. Hanggang sa pumasok na si Maico dito sa office ko.

"Kamusta?" Tumingin ako sa kaniya. Alam kong kilala na niya si Rosen ayon sa pag-uusap nila kahapon lang. Mabuti pa siya. Parang walang nabago sa kanila. "Are you okay?" Parang tanong na din ng lahat sa'kin. Umupo siya. "Andito ka na pala. Kanina ko pa kayo hinihintay. Si Tito Arman lang ang nagsabi sa'kin kung nasaan kayo kaya ko nalaman."

"Oo, sinama niya ako sa kanila." Sumandal ako at tumingin sa kawalan. Alam kong nakatingin siya sa'kin.

"Okay ka lang ba?"

"Yes, medyo pagod lang ako sa byahe."

"Pinaamin ko si Waine matapos sabihin sa'kin ni Tito ang totoo. Umamin naman siya pero hindi ko parin sinabi sa'yo. Dahil--"

"Gusto mong ako ang mismong makatuklas?" Tumingin ako sa kaniya.

"No, gusto kong si Rosen na mismo ang magsabi sa'yo."

"Hindi na siya si Rosen. RM ang talagang palayaw niya." Huminga na naman ako ng malalim.

"Galit ka ba?"

"Hindi. Nanibago lang talaga ako."

"Hindi naman talaga siya nakakapanibago. Siya parin si Rosen para sa'kin."

"Oo nga dahil kaibigan mo siya. Pero hindi na issue sa'kin kung sino siya. Ang importante ay nagka-intindihan na kami."

"Pero bakit parang..." Tumayo siya. "Bakit parang nag-iba ka? Sana nga lang sa umpisa lang."

Napatingin ako sa kaniya. Oo nag-iba ako. Parang ang layo na sa'kin ni Rosen. Si RM na ang hihintayin ko na seryoso at hindi baliw. Paano ako masasabik kay Rosen kung alam kong wala siya. Si RM ang lumitaw. "Huwag mo muna akong isipin, Maico. Magiging maayos din ang lahat. Wala naman talagang problema. Marami pang araw ang dadating. Masaya ako at ayokong mawala sa isang iglap ang lahat. Okay naman kami. Nanibago lang ako dahil ang akala ko ay iba siya. Pareho din pala siya sa mga nakikilala kong pangkaraniwan. Parang si Jordan pero ang kaibahan lang ay masaya ako ngayon kumpara noong wala si RM.. o si Rosen."

Nalungkot ako pero hindi ako papayag na mawala ang feelings ko. "Sige, mamaya na tayo magkita uli." Lumabas na siya. Pakiramdam ko ay bumalik ang lahat sa dati. 'Yung pakiramdam ko habang nagtatrabaho nang mga oras na hindi ko pa kilala si Rosen. Kahit ibalik niya ang Rosen. Kahit Rosen ang itawag ko sa kaniya. Kahit magpakabaliw o magpatawa siya. Parang ang hirap nang ibalik dahil sa pagbabago niya ng katauhan. Mula sa janitor hanggang naging isa sa pinakamayaman sa Pilipinas. Parang isang kakilala na biglang sumikat. Pero ako ang bahala. Hindi ko hahayaan na isipin niyang nagbago ako. Ako parin si Kennedy Go na.. wala akong maisip dahil hindi ko alam kung sino ba ako sa kaniya. Kaya kung ituring niya ako ay halos kalevel niya lang ay dahil magkalevel lang kami. Kaibahan lang ay alam kong hindi siya mahilig sa negosyo.

Continue Reading

You'll Also Like

30M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
The Mayor By Dany

General Fiction

14M 255K 61
.
144K 3.8K 61
BOOK 2 of Revenge On My Player Ex (COMPLETED) After their enchanted wedding proposal, Sheliah and Art flew to Paris to enjoy their lives and love eac...
21.7M 798K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...