Expect The Unexpected

بواسطة Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... المزيد

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

53.

33 2 0
بواسطة Akatsuki_Haru

Lumabas si Ken para hindi niya marinig ang sasabihin sa'kin ng CEO. "Sir, ang pangyayaring ito ay sa pagitan lang namin ni Ken." Sabi ko dahil hindi niya pwedeng turuan si Ken na layuan ako. Alam kong galit siya sa'kin pero lalo lang magkakagulo kapag pinigilan niya kami sa gusto namin. Walang masamang mangyayari kay Ken, sinisiguro ko 'yan.

Nakatayo parin siya sa harap ko. "Wala akong pakialam sa nararamdaman ng Anak ko. Ang akin lang, papayag naman akong umalis kayo. Pero ipagpaalam niyo sana sa'kin. Kahit kailan walang ginawang kapalpakan si Ken. Tanging ngayon lang." Hinawakan niya ang kwelyo ko. Tinitigan ako ng masama. "Lahat ng gusto ni Ken ay pinapayagan ko. From now on, huwag mo siyang tuturuan na gumawa ng kalokohan." Nakahinga ako ng maluwag. May chance pa pala ako. Hindi ko na uulitin 'yun. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko ay mag-aalala ka dahil ni minsan, hindi pa ginagawa ni Ken ang mag-iwan ng trabaho ng walang paalam o hindi nagbilin. Mai-aalis mo ba sa'kin ang mag-alala?! Alam kong kaya niyo ang sarili niyo dahil malaki na kayo."

"Pero si Ken parin ang magpapasya."

Tinanggal niya ang kamay niya sa kwelyo ko at bumalik sa upuan niya. "Ako ang CEO! Under ko siya." Hindi ako makasalita. Nasa katwiran din siya. Gusto ko lang naman iparanas kay Ken ang hindi pa niya nararanasan. Last na to. "Wala din akong pakialam kung maging kanang kamay ka niya. Buhay niya 'yan. At kung hindi ko Anak si Ken, malamang masasabon ko kung sino ang hindi pumasok ng walang paalam. Wala akong pakialam kung ano ang dahilan niya. Pero dahil kilala ko si Ken, alam kong may nangyaring hindi ko alam kaya hindi siya nag-paalam. Naiintindihan mo ba ako?"

Okay, alam ko na kung bakit. Nawala ang kaba ko. Natatakot pa din siyang utusan si Ken na layuan ako. "I'm sorry."

"Yan lang ang sasabihin mo?"

"May dahilan ako."

"Kung ano man 'yang dahilan mo na 'yan, hindi ko na aalamin pa dahil panatag na ako ngayon. Hindi mo ba tatanungin kung paano namin kayo nahanap?"

"Dahil hindi kayo tumigil kakahanap?"

"Dahil sa Ama mo!"

Nagulat ako. "Kay Daddy?"

"Ngayon, malaki ang mawawala sa'kin. May alam na ang Daddy mo tungkol sa inyo." Nagtataka ako. Bakit si Daddy? Alam ko na. Baka pinaalam ni Kuya Rogelio. Bakit kasi nakita niya pa kami eh. Sabagay, no matter what, magagalit parin ang Daddy ni Ken. Ang mali lang, nalaman pa ni Daddy.

Pero ano naman 'yung nawala sa kaniya? "Wala nang kinalaman si Daddy dito."

"Meron, dahil ayokong gamitin si Ken para makuha ko ang gusto ko. Ano na lang ang iisipin ng Daddy mo?"

"Pero ang alam ko, magkakilala na kayo bago ko pa makilala si Ken."

"Pareho din 'yun. The continuance of my Business proposals wouldn't be go on. Unless, you and Kennedy aren't connected or both of you haven't known each other. I don't wanna do this to have an advantage. Baka ano ang isipin ng Ama mo. Kaya iaatras ko ang lahat. Hindi niyo kasi alam kung ano ang nawala sa'kin ng dahil sa inyo. Pero pera lang 'yan. Mas importante parin sa'kin si Ken. At dahil wala akong dapat ipag-alala pa, kaya kitang sapakin kung sasaktan mo ang Anak ko."

This is a mess. Ibang iba siya sa magulang ni Arseli. Siguro kung hindi ko parin alam ang point of view ng mga negosyante ay baka masabihan ko siyang mukhang pera. Ang mga katulad ni Daddy at ni Mr. Go ay hindi umaasa sa corrupt kaya achievement nilang mapalago ang yaman nila ng dahil na rin sa tulong ng kapwa nila negosyante dahil din sa sariling pagpapasya at husay sa negosyo. Napapaunlad nila ang yaman nila dahil 'yun ang passion nila. Nahiya tuloy ako dahil parang nagsakripisyo pa siya para lang kay Ken. Ayaw niyang mag-iba ang paningin sa kaniya ni Daddy ng dahil lang sa pera. Pero gaya nga ng larong Farmville, nakakapanghinayang din kahit hindi totoong pera ang nasasayang. Sa totoo pa kaya? Naiintindihan ko siya. "Hindi na kailangan pa 'kong alalahanin. Gagawin ko ang lahat."

"Naniniwala naman akong mabait ka. I don't have any choice. I can't stop Kennedy. The only thing I can do is to protect her. But no one can seize what she wants to do. Ayokong sumama ang loob niya sa'kin." Iba nga siya sa mga magulang ni Arseli. Hindi niya kayang utusan ang Anak niya dahil alam niyang hindi din naman siya susundin. Mag-aaway lang sila. "Kaya mula ngayon, kailangan ko ng contact number mo. Alam kong hindi pa ito ang huli. Inaalala ko lang kayo. Mag-suot ka ng naa-ayon."

"Pero, hindi pa ako kilala ni Ken."

Napasapo siya sa ulo niya. "Yan ang isa sa nakakainis eh. Ipaalam mo na sa kaniya sa lalong madaling panahon. Hindi mo habang buhay maitatago 'yan."

"Mahirap. Hindi ko din naman po gusto na itago sa kaniya."

"Hindi naman pwedeng ako ang magsabi."

"Sa pagkakaalam niya, wala akong pera. Wala akong phone. Ayokong gumamit ng mumurahin lang."

"Ano ang gusto mong palabasin?"

"Kunyari na lang po ikaw ang bumili."

Napapikit siya. Parang uminit na talaga ang ulo. "Ipaalam mo na ang lahat sa kaniya para wala na akong itatago."

"Please Mr. Go! Huwag muna ngayon."

"Ipaliwanag mong maigi sa kaniya. Maiintindihan niya 'yun."

"Natatakot ako. Basta magtiwala lang kayo."

"Sige na. Mabuti na lang at hindi si Ken ang taong makitid ang utak. Alam ko naman na maiintindihan niya kung bakit mas na-una ko pang nalaman ito. Ikaw na bahalang dumiskarte. Hindi na siguro magtatanong pa si Ken sa'kin." Lumabas ako ng kwarto. Masaya ako dahil hindi nangyari ang ina-asahan ko. Naging maayos pa ang pag-uusap namin ni Mr. Go. Nakahinga na din ng maluwag si Ken. Balik kami sa dati pero ang kaibahan lang ay kailangan ko siyang pakibagayan ayon sa gusto ng Ama niya.

-

"What happened?" Tanong ni Waine. Nadatnan ko siyang kakauwi lang. Gumala pa pala sila nila Jerry at Chukoy. Pinaliwanag ko na lang sa kaniya. Mabuti naman at ayaw pa niyang umalis sa trabaho.

Ilang oras ang lumipas, hindi na naman ako makatulog. Tinawagan na naman ni Maico si Waine. Binigay sa'kin ni Waine ang phone. "Hello, Rosen." Alam ko na ang sasabihin niya. Magagalit dahil sa ginawa ko. Wala naman siyang magagawa sa gusto ni Ken.

"Maico, alam ko ang ginagawa ko kaya--"

"Huwag akong mag-alala? Ano pa ang sasabihin mo?"

"Oo, pero nai-intindihan naman kita dahil kaibigan mo siya." Nakita ko si Waine na pumikit na. Narinig ko ang paghinga ni Maico ng malalim. Alam kong nag-alala din siya kahit nakausap na niya si Ken.

"Sino si Waine?"

"Kaibigan ko."

"Pareho din ba siya na galing sa marangyang Pamilya?" Bigla akong kinabahan. May alam na ba siya? "Kaya ba ganiyan ang itsura niyo? Kaya ba marunong kayong makisama at hindi masyadong pressure sa trabaho? Ano pa?" Hindi ako maka-imik. Ano ang sasabihin ko? "Totoo ba na Anak ka ni Mr. De Rocca? Gusto kong alamin ang lahat Rosen. Sabihin mo ang totoo!"

Baka sinabi na ni Mr. Go at baka sabihin niya kay Ken. "Teka Maico, magpapaliwanag ako. Makinig ka."

"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Ang kailangan ko lang ay katotohanan. Totoo ba?"

"Maico, may dahilan ang lahat, ganito kasi 'yun--"

"Hindi ako galit sa'yo. Sabihin mo ang totoo."

"Sino ba ang nagsabi sa'yo?" Hindi na ako makakatanggi pero sana hindi niya sinabi kay Ken.

"Para matahimik ka. Wala akong planong sabihin kay Ken dahil alam kong pwede siyang masaktan. Sinabi sa'kin ni Tito Arman ang lahat. Hindi namin kayang sabihin kay Ken ang totoo. Pero gusto kong malaman ang totoo sa'yo even without explanation. Huwag muna ngayon pero alam kong hindi scripted ang lahat. Aksidente lang. Kaya nakikiusap ako. Sabihin mo ang totoo sa'kin. Sabihin mong kasinungalingan ang lahat."

Tumingin ako sa taas at napapikit. Bahala na. "Totoo 'yun, Maico pero sana sa'kin mo na ipaubaya ang pagsasabi kay Ken ng katotohanan."

"That's bull shit!!"

"Maico, may dahilan ako."

"Hindi ako makapaniwala. Akala ko kailangan ng trabaho ni Waine. Pero may chance na kapareho mo siya dahil hindi kayo nagkakalayo ng itsura!"

"Oo, kapareho ko siya. Pero Maico, ako parin 'to. Walang nagbago."

"Sa lalong madaling panahon, sabihin mo kay Ken ang lahat. Kinakabahan na ako. Kanina kasama ko siya. Ibang iba ang saya niya. Masaya siya Rosen. Ang akala ko talaga magtutuloy-tuloy na pero nangangamba ako. Bakit hindi mo agad sinabi?"

"May dahilan ako. Nagustuhan niya ako kaya sana maintindihan mo. Baka 'yung tipo ko ang gusto niya. 'Yung mahirap lang."

"Hindi, Rosen. May ugali kang gusto niya. Napapangiti mo siya at kilala mo ang Diyos. That's the reason. Hindi niya kayang magmahal ng iba dahil n'andiyan ka."

"Basta sa'kin mo na ipagkatiwala ang lahat."

"Wala akong sinabi sa kaniya. Nakakainis ang nangyari."

"Ako pa din 'to. I'm sorry, Maico."

"Sabihin mo na agad ah. Huwag kang matakot. Kaysa naman palalain mo pa. Mag-isip kang maigi. Hindi namin alam ang takbo ng isip ni Ken sa ngayon. Bukas din kailangan mo nang ipagtapat."

Kinakabahan ako. "Bigyan mo ako ng tatlong araw." Napahawak ako sa ulo ko. Ano ang gagawin ko? Paano ko mai-pagtatapat ang lahat?

"Tatlong araw?"

"Oo."

"Bukas din, sabihin mo na dahil kung maghihiwalay din naman kayo, bakit patatagalin mo pa? Masasaktan din naman kayo pareho bakit kailangan pang patatagalin?"

"Hindi ganun kadali 'yun, Maico!"

"Madali lang 'yun. Gawin mo dahil--"

"Promised Maico. In just 3 days."

"Siguraduhin mo lang ah. Naniniwala naman akong kaya ka niyang patawarin."

Mabuti at natahimik si Maico. Kinabukasan ay pinuntahan niya pa ako sa office ni Ken. Inis na inis ang itsura niya sa'kin. Wala namang nagbago at walang magbabago. Hanggang sa nabasa ko ang sinulat ni Ken tungkol sa isang lalaking nagpanggap. Paano nga kaya niya sasabihin ang totoo? Pareho din. Pero sa Fiction lang naman nagkakatuluyan ang mga bida. Totoong buhay 'to. Kaya nag-iba ang mood ko nang mabasa ko ang story niyang walang ending. Bakit niya kaya nai-sulat 'yun? Nagka-idea siya? Baka naman alam na niya? Hindi parin ako sigurado. Habang kumakain kami ng lunch ay nakatingin sa'kin si Maico. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. After 2 days ko sasabihin. Gusto kong mapag-isa para makabwelo. After 2 days, ko sasabihin. Para handa ako sa reaksyon niya kung sakali at maghahanda ako ng maganda paliwanag.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
40.9K 1.1K 84
"Wait the one who is destined for you, don't rush time, right time will come, with the right person and with the right use of love" -Maganda, Matalin...
1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...