School of Myths: Ang ikalawan...

By chufalse

751K 16.2K 2K

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon... More

Prologue
Chapter 1: Ang mga bagong transfer student.
Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o
Chapter 3: Sa pagbabalik ng mga Draken.
Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.
Chapter 5: April Swatzron.
Extra Chapter: The family members of the Vampire clan.
Chapter 6: Ang mga Isenhart.
Chapter 7: Combat Practice.
Chapter 8: Jigo Lancelot
Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.
Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 2. xD
Chapter 11: Alex Nightmiere at ang isinumpang sandata.
Chapter 12: Evis City
Chapter 13: Evis City part 2.
Chapter 14: Aviona.
Chapter 15: False of Truth Castle.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 3. xD
Chapter 16: Ang muling pagkikita.
Chapter 17: Pagbalik sa Odin city.
Chapter 18: Mishia Crimson.
Chapter 19: Mga hindi inaasahang pangyayari.
Chapter 20: Ang Lihim sa likod ng Vielzkud family.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 4. xD
Chapter 21: Special Myths' exam.
Chapter 22: Hudyat
Chapter 23: Ang simula.
Chapter 24: Nakaraang tatlong daang taon
Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2
Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.
Chapter 28: Nakaraang tatlong daan at tatlumpong taon.
Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.
Chapter 30: Ang pagwawakas ng dalawang lahi.
Chapter 31: Sa pagpapatuloy na mga paglalaban.
Extra Chapter: Behind the scene part 3.
Chapter 32: Ang anak ng mga makasalanan.
A halloween special: Scary Mount Olympus.
Chapter 33: Paglisan
Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.
Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.
Extra Chapter: Side story - Chris Crescentmoon at Sai Kerberos
Chapter 36: Pagpapaliwanag
Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.
Chapter 38: Reign Icarus.
Chapter 39: Ang pagpapatuloy sa hindi natapos na paglalaban.
Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.
A new year's special: School of Myths X Charm Academy
Chapter 41: Mga paghahanda.
Chapter 42: Pagsalakay.
Chapter 43: Nalalapit na pagtatapos.
Chapter 44: Sa wakas.
Afterwords - January 07, 2015.
Special chapter: chufalse' kagaguhan awardings
A valentine's special: School of Myths X Charm Academy. Part 2

Extra Chapter: Nang makilala ng mga karakter ang kanilang lumikha.

9K 224 50
By chufalse

*Ehem. bago tayo magsimula ay nais ko munang magpakilala. Ako nga pala ang lumikha sa inyo, ang inyong lingod si chufalse!” Sambit ni chufalse

 

*** SFX: clap! clap! clap! clap! clap! clap! clap! clap! clap! clap! clap! clap! clap! ***

 

“Thank you, maraming salamat. Ngayon ay maaari na kayong magtanong.” Sambit muli ni chufalse.

Matapos magsalita ni chufalse ay agad tumayo si Selina at kalaunan ay masayang nagtanong.

“Creator! Kailan po kami magkakatuluyan ni Rain?!” Masayang pagkakatanong ni Selina.

 

“Whoa! Ang bold mo naman, ate Selina!” Sambit ni Melisa.

 

*Umm.. Magandang tanong, Selina. Pero mas lamang sayo si Lina sa ginawa kong poll sa facebook page ng SOM eh. Kaya baka mahirapan akong magkatotoo ang mga sinabi mo.” Tugon ni chufalse.

 

“Ano?!” Gulat na pagkakasambit ni Selina.

 

“*Hohohohoho!!” Medyo mayabang na pagtawa ni Lina.

Agad napalingon si Selina kay Lina at dito ay labis siyang nakaramdam ng pagkainis dahil sa kaniyang nakitang pagtawa nito. xD

Sa mga sandaling ito ay si Rain naman ang tumayo at kalaunan ay nagsalita.

“Creator, bakit lagi akong hinihimatay sa tuwing may nag-ple-flirt sa'king babae? Bakit ganon ako?” Tanong ni Rain.

*Ahh! Magandang tanong yan, Rain. Ang sagot sa katanungan mo ay dahil naiingit ako sayo! Sobrang dami mo kasing chicks, kaya isinumpa kita na laging himatayin sa oras na may mam-flirt sayo!” Medyo inis na pagkakasambit ni chufalse.

 

*Waaaaah! That's unfair creator! *Huhuhuhu! Reklamo ni Rain.

Matapos magsalita ni Rain ay wala na siyang nagawa pa, kaya umupo na lang ito at nagmukmok.

Ilang sandali pa ay tumayo naman si Aron at kalaunan ay nagtanong.

“Bakit po hindi nasusunog yung mga damit na'min sa oras na nababalutan kami ng apoy o kaya nasisira yung mga weapon na may enchant?” Nagtatakang tanong ni Aron.

 

“Ipinaliwanag ko na 'to dati Aron eh! Hindi ka kasi nakikinig!” Tugon ni chufalse.

 

“Tagala? Kailan naman po yun?” Nagtatakang tanong muli ni Aron.

*Tsk! Okay makinig ang lahat! Ipapaliwanag kong muli! *Ehem! Kaya hindi nasusunog ang mga kasuotan nang mga nag-enchant gamit ang elemento ng apoy ay sa kadahilanang ang mga apoy na bumabalot sa kanila ay hindi nakaka-damage. In-short, enchancement iyon! Hindi damaging skill para sa caster.” Pagpapaliwanag ni chufalse.

 

*Ahh! Naalala ko na! Maraming salamat po, Creator!” Masayang pagkakasambit ni Aron.

Hindi pa man nakakaupo si Aron ay may isang boses ang narinig ni chufalse at nagtatanong ang tono nito.

“Maitanong ko lang po? Bakit po hindi nasisira yung damit nung mga nag-te-take over mode sa oras na bumalik na sila sa mga original form nila?” Tanong ni Jigo.

“Aba oo nga no! *Tsk! Bakit ngayon ko lang napansin yon?” Tanong ni chufalse derekta sa kaniyang isipan.

 

“Creator?” Tanong muli ni Jigo.

 

*Ahh! Tungkol sa bagay na yan ay wag nyo nang alamin pa!” Medyo awkward na pagkakasambit ni chufalse.

 

*Huh? Pero gusto ko pong malaman ang dahilan eh.” Sambit muli ni Jigo.

 

“Tumigil ka na Jigo! Dahil kung hindi ay papatayin ko na yung character mo sa kwento!” Galit na kakasambit ni chufalse.

 

*Waaah! Sorry po! Sorry po!” Natatarantang pagkakasambit ni Jigo.

Matapos magsalita ay agad nang yumuko si Jigo at kasunod nito ay naupo na rin si Aron. Ilang sandali pa ay tumayo naman si Alex at kalaunan ay nagtanong.

 

“Creator, kailan ba mawawala ang pagiging emotionless ko?” Walang emosyong pagkakatanong ni Alex.

 

*Ahh! Tungkol sa bagay na yan ay wag ka nang mag-alala. Konting tiis na lang.” Tugon naman ni chufalse.

 

“Mabuti naman po kung ganon.” Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

Matapos magsalita ay agad ng umupo si Alex nang may konting ngiti sa kaniyang mga labi. Samantala, agad namang nagtaas ng kaniyang kamay si David na agad namang napansin ni chufalse.

 

“Yes, David?” Tanong ni chufalse

 

“Bakit po walang hybrid na mythical shaman?” Tanong ni David.

 

“Magandang tanong, David. Well, sa totoo lang ay may mga hybrid naman. Tulad na lang ni Mark na kalahating tao at kalahating mythical shaman ng fenrir.” Tugon ni chufalse.

“Totoo nga po ang mga sinabi nyo, pero bakit po walang hybrid ng mga shaman? For example po, kalahating mythical shaman ng giant at kalahating mythical shaman ng mermaid, bakit po hindi pwede ang ganon o bakit wala pong ganon? Ayon po kasi sa isang aklat na nabasa ko ay imposible pong magka-supling ang dalawang magkaibang uri ng mythical shaman, maliban na lang po kung magkasama sila sa clan.” Sambit muli ni David.

“Totoo nga ang mga nabasa mo David. Ang mga magkakasama lang sa isang clan ang posibleng magka-supling, pero ang mga magiging anak nila ay hindi pa rin matatawag na hybrid. Dahil magmamana lang ito sa isa sa kaniyang mga magulang. Halimbawa, may mag asawang mythical shaman ng griffon at mythical shaman ng harpie. Posible silang magka-supling, ngunit ang kanilang magiging anak ay posibleng maging isang griffon o kaya naman ay isang harpie. At ang kanilang magiging apilyido ay babase sa kanilang magiging uri ng mythical shaman.” Pagpapaliwanag ni chufalse.

 

“Hindi po ba posible na magka-supling ang magkaibang uri ng shaman, kahit magkaiba sila ng clan?” Tanong muli ni David.

 

“Makinig ka, David. Ang rason kung bakit hindi pwede ang sinasabi mo ay hindi lang basta ginusto ko. Lahat ito ay pinag-isipan ko ng lubos, kaya making ka ah. *Ehem! Kaya posibleng magka-supling ang makaibang uri sa magkasamang clan ay dahil sa kanilang mga lumikha. Tulad na lang ng mga dragons. Ang lumikha sa kanila ay ang mga sorcerer/sorceress, kaya naman ang DNA structure nila ay halos magkakamukha. At dahil dito ay posible silang magka-supling, ngunit katulad nga ng sinabi ko kanina ay mamamana lang ng magiging anak nila ang alin sa katangian ng kaniyang magulang.” Pagpapaliwanag muli ni chufalse.

“What?! Kung ganon po ay hindi kami magkaka-anak ni Rain kung sakali mang magkatuluyan kami?!” Gulat na pagkakasambit ni Selina.

 

*Hmmm.. Posible namang magkaroon ng mga hybrid na mythical shaman. Pero iilan palang ang nagtagumpay dito.” Sambit muli ni chufalse.

 

“Talaga po?! Kung ganon posible pong mangyari ang bagay na yon?” Masayang pagkakatanong nila David at Selina.

“Tama, pero kinakailangan ng isang abilidad na tanging mga mythical shaman ng elemental earth dragon lang ang makakagawa.” Tugon ni chufalse.

Matapos marinig nila David at Selina ang mga sinabi ni chufalse ay dali-dali na silang napalingon kay Rachelle.

“*Ehem!” Sambit ni Rachelle.

Napalunok na lang si David matapos makita si Rachelle at umaasang tutulungan siya nito sa hinaharap. Samantalang napangiti na lang si Selina, dahil batid niyang matutulungan siya ni Rachelle sa hinaharap. xD

Matapos ang mahabang diskusyunan ay naupo na si David, kaya naman nagsimula na muling magsalita si chufalse.

“Teka, hindi nga pala mythical shaman yung tinutukoy kong nagtagumpay na magka-anak ah. Well, hindi na gaanong mahalaga yon.” Sambit ni chufalse derekta sa kaniyang isipan.

 

*Oh! Sino pa ang may mga katanugan?!” Sambit ni chufalse.

Agad nagtaas ng kamay ang mag-pipinsang Eyesdrap na agad namang napansin ni chufalse.

 

*Ahh.. Yes?! Kayong apat?” Medyo awkward na pagkakasambit ni chufalse.

 

“Bakit po bigla na lang kaming nawala sa kwento?” Medyo malungkot na pagkakatanong ni Magu.

 

“Oo nga po.” Sambit naman ni Wolkan.

 

“Bakit po ganon creator? *Huhuhu. Sambit naman ni Mhumak.

 

“Sayang naman ang talino ko at bigla na lang akong nawala sa story.” Sambit naman ni Saru.

 

*Umm.. Tungkol sa bagay na yan ay sana patawarin nyo ako, kasi habang tumatagal ay nadaragdagan ng nadaragdagan ang mga characters, kaya kinailangan ko ng mag-alis muna. At sa kasamaang palad ay nakasama kayo sa mga yon. Hindi ko naman ginusto na alisin kayo sa story, nagkataon lang na sobrang nahihirapan na akong magsingit ng eksena para sa inyong apat. Pero wag kayong mag-alala, gagawa ako ng paraan para mabalik muli kayo sa kwento.” Sambit naman ni chufalse.

“Ganon po ba? Wala naman po kaming magagawa kundi ang umasa na masama muli kami sa kwento.” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Mhumak.

 

“Pasensya na kayong muli ah.” Sambit muli ni chufalse.

Matapos magpaliwanag ay sandaling yumuko si chufalse upang punasan ang kaniyang mga luha, dala na rin ng kaniyang kalungkutan sa naganap na pangyayari sa magpi-pinsang Eyesdrap.

Makalipas ang ilang minuto.

 

“May magtatanong pa ba?” Tanong ni chufalse.

Matapos marinig ang mga sinabi ni chufalse ay dali-daling lumapit sa kaniya si Eclaire at kalaunan ay may ibinulong.

 

“Bakit hindi kami nagkatuluyan ni Hades? Okay lang naman sa’king hindi magka-anak eh, dahil mga anak na rin naman ang turing ko sa magkakapatid na Icarus.” Bulong ni Eclaire.

 

“*Ahh! Tungkol sa bagay na yan, kasi friendship never ends! Kaya ganun.” Mahinang pagkakatugon naman ni chufalse.

Biglang sumama ang tingin ni Eclaire kay chufalse at tila ba gusto na niya itong paslangin. Pero nagawa pa rin niyang pigilan ang kaniyang sarili, kaya naman hindi na lang siya nagsalita at bumalik na lang sa kaniyang pwesto kanina.

Labis namang nagtaka ang iba lalo na si Hades sa kung ano ang ibinulong ni Eclaire sa kanilang creator.

 

“Ano yung tinanong mo sa creator na’tin?” Tanong ni Hades

“Wag mo nang alamin pa.” Medyo inis namang pagkakatugon ni Eclaire.

“Ang sungit naman nito.” Sambit muli ni Hades.

Mabalik tayo muli sa pagtatanong kay chufalse. Sa ngayon ay kasalukuyang nakatayo si Krystine at patuloy sa kaniyang pagsasalita.

“Nagpapasalamat po ako sa inyo dahil ginawa nyo po akong magaling pagdating sa pagluluto katulad ng kaibigan kong si Khaye.” Masayang pagkakasambit ni Krystine.

 

*Ahh! Ganon ba?! *Hahaha! Walang anuman. Walang anuman! *Hahahaha! Medyo awkward na pagkakatugon ni chufalse.

 

“Pati ba naman si creator? Hindi na ako nagtataka na siya yung lumikha sa’kin.” Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Matapos marinig ang mga sinabi ni chufalse ay masaya nang umupo si Krystine. At makalipas lang ang ilang mga sandali ay nagtaas ng kamay si Aviona at kalaunan ay nagsalita.

 

“Ano ba talaga ang kahalagahan ko sa story?” Tanong ni Aviona.

 

“Wag kang mag-alala at malalaman mo rin yun sa mga susunod na chapters.” Nakangiting pagkakatugon ni chufalse.

 

“Okay! Salamat.” Nakangiting pagkakasambit ni Aviona.

 

“At ang susunod na magtatanong?” Sambit muli ni chufalse.

Agad itanaas ni June ang kaniyang kamay matapos marinig ang mga sinabi ni chufalse.

 

“Yes, June?” Sambit muli ni chufalse.

Agad tumayo si June matapos siyang tawagin ni chufalse at kalaunan ay nagsalita.

 

“Bakit ko kinailangang mamatay at mabuhay bilang isa sa mga kalaban? Bakit po ganon?” Tanong ni June.

“Lahat ng mga pangyayari sa isang kwento o sa totoo mang buhay ay hindi mo lahat aasahang maganap. Ngunit lahat ng bagay ay may rason at lahat ng pangyayari ay may dahilan. Kaya wag mong isipin naka-sama ito sa iyong karakter.” Malalim na pagpapaliwanag ni chufalse.

 

*Ahh! Ang lalim po non ah! Pero nauunawaan ko po, creator. Maraming salamat po sa inyong pagpapaliwanag.” Sambit muli ni June.

 

“Parang si Tata Lino ang dating ko dun ah!” Sambit ni chufalse derekta sa kaniyang isipan. xD

Matapos magsalita ay agad nang umupo si June at kasunod ng kaniyang pag-upo ay siya namang pagtayo ni Zeus.

 

“Creator! Bakit ako yung lumalabas na masama dito? At si Hades naman ang lumalabas na mabuti? Kabaliktaraan ito ng kwento sa greek mythology ah.” Sambit ni Zeus.

 

*Hmmm.. Gusto ko lang kasing maiba ang kwento ng story na ginawa ko at gusto kong lumabas na unique ito at walang katulad, although ang concept ng buong story ay common na common. Ngunit umaasa pa rin akong kakaiba ito sa ibang school related stories na nabasa nyo na.” Tugon ni chufalse.

*Ahh! Magandang idea nga ang naisip mo, creator. Katulad nga ng sinabi nyo kanina, lahat ng bagay ay may dahilan.” Sambit muli ni Zeus.

 

“Ganon na nga.” Nakangiting pagkakasambit muli ni chufalse.

Matapos maunawaan ni Zeus ang sagot sa kaniyang itinanong ay naupo na ito.

Tumagal at dumami ang mga nagtanong na nabigyan naman ng mga pagtugon ni chufalse. At nang halos patapos na ay may isang katanungan ang nagpatahimik sa lahat at kalaunan ay napasang-ayon sa katanungan iyon na nagmula kay Mark.

“Maiba lang po ako, creator. Sino po ba talaga kayo? Pen name nyo lang naman po diba ang “chufalse”?” Tanong ni Mark.

Sandaling natahimik si chufalse at kasabay nito ay napakamot siya sa kaniyang patilya bago magsalita.

“Tungkol sa bagay na yan. *Hmmm.. tama ka, Mark. Pen name ko nga lang ang “chufalse”. Pero hindi naman sekreto kung sino talaga ako eh. Yun nga lang, konti lang ang nakaka-alam nito.” Tugon ni chufalse.

 

“Talaga po? *Eh kung ganon, sino po ba talaga kayo? Maaari nyo po bang sabihin sa’min?” Tanong muli ni Mark.

 

“Okay sige, sasabihin ko na.. Ang tunay ko talagang pangalan ay...” Nabiting pagkakasambit ni chufalse.

Sa mga sandaling ito ay nawalan ng koryente, kaya naman naputol at hindi na natapos ang pagsisiwalat sana ni chufalse! At dito na po natatapos ang extra chapter na ito. Hahaha! xD

Sa mga may katanungan at mga bagay na napuna tungkol sa story ay maaari kayong mag-comment sa ibaba.

Alam ko ang iba sa inyo ay iniisip na baliw ako, dahil kinakausap ko yung mga ginawa kong character! Hahaha! Ganon ko kasi sila pinapahalagahan. At tulad ng sinabi ko, lahat ng bagay ay may dahilan at kahulugan. Cheers! –chufalse!

Bonus: Pasensya na kung medyo malayo ito sa story. Gusto ko lang i-share ang isa sa mga paborito kong tula.

Pader

Matagal ko ng pinag-iisipan kung papaano aakyatin,

Ang napakataas na pader na para bang lagi sakin ay nakatingin.

At sa tuwing ako'y dumaraan lagi itong takaw pansin.

Hindi ko na tuloy mawari pa ang mga nais kong sabihin.

 

Nung minsan nga ng tinangka kong ayatin ito,

Nahulog at nasaktan lamang ako.

At sa dinami-rami ng mga naging saksi ko,

Nakakapagtakang walang man lang saking sumalo.

 

At ngayon isang panibagong pader ang natagpuan,

Halos kaparehas ng sa unang pader ang aking naramdaman.

Gusto ko nga sanang subukang akyatin ito.

Ngunit ito'y nagbibigay ng takot na baka masaktan muli ako.

 

Pero wala naman na akong mapagpipilian pa,

Kundi ang subukang akyatin ang pader na kakaiba.

Dahil nasa likod lang nito ang inaasam na kasiyahan,

At sana naman sa pagbaba ko makamit na ang tunay na kaligayahan

Trivia 1: Alam nyo bang tapos na sana ang school of myths: Ang ikalawang aklat, noong augost 22, 2014? Kung hindi lang nasira yung PC ko ay malamang sa malamang ay nagsisimula na akong magsulat para sa book 3, kasabay ng pagsusulat ko para sa Gun x Bounty. Pero eto ako ngayon at pinipilit humabol sa mga araw na lumipas. Hanggang sa ngayon tuloy wala pa akong nasusulat para sa next UD ng GxB. L

Trivia 2: Alam nyo bang si Hello kitty ay hindi talaga pusa? Isa daw siyang batang babae yun yung sabi nung creator nila. *Hahaha! Buti na lang si Snoopy aso talaga.. Pero yung “Bawang na Bawang” na hindi naman talaga bawang eh. Cornic yun eh! Dapat magpaliwanag din sila diba? Ano sa tingin nyo? Hahaha!

#chufalseMakulit!

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 64.5K 51
"Facing Darkness in the depths of their souls." Second book of Sky Trilogy. Completed. Published under Lifebooks, available for only 199.75 php on an...
10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
90.1K 2.6K 57
Paano haharapin ng isang buong klase ang matinding suliranin dulot ng paghihiganti mula sa nakaraan? Labing-walang taon na ang nakalilipas. Muling na...
6.7M 12.2K 4
May tatlong hiling ang pumayapa niyang lolo. Ang una ay pamahalaan niya ang academy na itinayo nito. Pangalawa, lumipat sa academy bilang isa sa mga...