Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

49.

35 2 0
By Akatsuki_Haru

Kinuha ko ang mop. Nakatingin parin sila sa'kin. "I'm sorry. Nakastorbo ba ako?" Tanong ko sa kanila. Hindi na dapat ako nagtanong. Ayokong itanong sa kanila ang tungkol sa pinag-uusapan nila. Napansin kong nagkalabitan silang dalawa. Hindi ako makapaniwala. Binirahan ko ng alis. Naalala ko si Maymay. Alam kong siya ang nakakaalam ng lahat. Naglakad ako at binati ko ang mga tao. Kahit hindi ko kaclose basta araw araw kong nakikita ay nginitian ko. Pati ang pagala-gala na security na kinababanasan ko ay nginitian ko. Laging may dalang radyo at laging nakangiti sa mga babae. Sarap kotosan pero this time, ang bait ko sa kaniya kaya tinapik ko pa ang balikat niya. Umakyat ako sa 4th floor. Nakita ko si Maymay. "Pwedeng magtanong?"

"Ikaw pala. Bakit nandito ka?"

"Pwedeng magtanong!" Tinitigan ko siya. Tumingin ako sa pintuan ng office ni Ken.

"Sabay tayong maglunch mamaya."

"Pwedeng magtanong?!"

"Basta sabay tayong maglunch mamaya."

"Pwedeng magtanong?!"

"Bakit ba ang init ng ulo mo, ang aga aga?"

Biglang nagbago ang isip ko. Baka makahalata ito. Ngumiti ako. "Andiyan na ba si Miss Ken?"

"Oo, bakit?" Kinabahan ako. Hindi ko pala dapat itanong kung totoo 'yung chismis. "Mainit ang ulo ni Ma'am ngayon. Hindi siya pwedeng kausapin."

Dahil ba sa proposal 'yun? Totoo nga. "Ah ganun ba?"

"Ano? May sasabihin ka pa?"

"Lunch? Oo ba!"

"Sige ah. Promise mo 'yan."

"Baba na ako. Kailangan pa ako sa baba." Lunch lang pala eh.

Kinakabahan talaga ako. Totoo nga kaya talaga 'yun? Kasi kung totoo 'yun. Ayos lang na masira ang lunch ko ngayong tanghali dahil kasabay ko si Maymay. Hindi ko akalain na nangyayari pala sa totoong buhay 'yun. Tumanggi si Ken? Hindi nga talaga siya masaya siguro kay Jordan? Nakita ko ang mga kasama ko. "Saan ka galing?" Tanong ni Leni na hindi nila matanong kung si Danilo ang dumating.

"Sa taas lang." Simpleng sagot ko. Sana hindi sila makahalata na si Ken ang pinunta ko doon.

Wala naman akong ibibilin sa kanila. Kaya tumayo lang ako saglit. Tinitignan sila. Wala akong dalang mop ngayon. Naglakad lakad ako. Isip ako ng isip sa nangyari. Ano nga kaya ang kasunod ng mangyayari? Itanong ko kaya kay Leni? Kaso baka nabalitaan nila ang chismis. Magtamang hinala pa na inaabangan ko ang paghihiwalay ng dalawa. Napansin kong lumalakad si Leni papunta sa'kin. Sumisensyas na lumapit ako sa kaniya. Sinalubong ko siya. "Hinahanap ka ni Maymay. May sasabihin daw sa'yo."

Napakamot ako ng ulo. Baka naman pati sa breaktime sa umaga magsasabay pa kami. "Nasa'n siya?"

Tinuro niya 'yung pinanggalingan niya. "Alam mo naman na mas mataas ang secretary sa'tin kaya sinunod ko siya ng ipatawag ka niya."

"Magkaibigan naman kayo eh. Ayos lang 'yun." Sagot ko at lumapit. Nakita ko na siya. Halos sabay kami ni Leni na makarating kay Maymay. Hinila ako ni Maymay.

"May pinabasabi si Ma'am sa'yo."

Nagtaka ako. "Ano 'yun?"

"Sabay daw kayong maglunch."

Hindi ako makapaniwala. Ako ba talaga ang dahilan kung bakit hindi niya tinanggap ang singsing? Ngayong niyaya niya akong maglunch, bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit masaya ako pero hindi ako makangiti? Dapat babae ang nakakaramdam nito. Dapat babae ang kikiligin? "Bakit daw?" Tanong ko.

"Ewan ko."

"Akala ko ba tayo ang sabay?"

"Hello, si Miss Ken 'yun noh. Gusto mong magalit sa'kin 'yun?"

"Ganito ang gawin mo.." Nakaisip ako ng idea. "Sabihin mong tayo ang magkasabay."

"Pero--"

"Basta! Sagot kita. Hindi magagalit 'yun sa'yo." Tama! Mas maigi na 'yung ganun. Kilala ko si Ken. Kung gusto niya akong makasabay, hindi muna ngayon para hindi halatang may alam ako.

Breaktime sa umaga. Nagpunta ako sa locker room dahil hinihintay ko ang tawag ni Waine. Binalikan ko siya ng tawag. "Hello, Waine. Sinabi ko na sa hiring manager na mag-aapply ka. Magpagupit ka bago ka magpunta dito ah."

"Mamaya na. Agad agad ba?"

"Oo, bakit papatagalin pa?"

"Sige, sige.."

"Magaang lang naman ang trabaho. Walang makakakilala sa'yo dito. Pwede ka namang umayaw kung ayaw mo."

"Wala na kasi akong ginagawa. Baka lang enjoy diyan kaya ayaw mong umalis pa. Atleast kasama kita."

Ngumiti ako. "Okay."

"Every Sunday na lang akong uuwi dito para dalawin 'tong bar. And then, may time naman yata tayong mag-enjoy diyan."

"Oo na." Natapos ang pag-uusap namin. Ibang enjoy ang meron dito pero hindi ko na sinabi sa kaniya dahil baka magbago pa ang isip. Mas nauna pa yata akong sumaya nung nalaman kong mag-aapply din siya. Siraulo talaga si Waine. Para sa'kin talaga gagawin niya ang ayaw niya. Matapos naming maglunch ni Maymay ay nagkita na naman kami ni Ken. Sa pag-uusap naming tatlo nila Maico ay parang may tinatago talaga silang dalawa na hindi ko alam. Natuwa talaga ako dahil nawala lahat ng sakit sa dibdib ko. Kung hindi ko nabalitaan na hindi tinanggap ni Ken ang singsing.. baka hindi ko bigyan ng kahulugan ang lahat.

Kailangan kong magtrabaho. Lumapit sa'kin ang isang babae na bihira kong makita. "Rose!" Kilala niya ako.

"Ako nga."

Ngumiti siya. "Oo alam kong ikaw 'yan. Kilala ka ng friend ko. Secretary ako ng CEO. Pinapatawag ka niya."

-

Natagpuan ko ang sarili kong binubuksan na naman ang pinto ng office ni Mr. Go. Ano kaya ang kailangan niya? Baka ako ang sisihin nila kung bakit hindi tinanggap ni Ken ang singsing. Well, anyone doesn't have the right to blame me. Ngayon ko kailangan ang tulong ni Ken. Huminga ako ng malalim. Binuksan ko ang pinto. Pumasok ako. Naagaw ko ang pansin niya. "Upo ka."

Umupo ako. "Magandang hapon po Mr. Go."

Tumayo siya kaya hinabol ko siya ng tingin. Patay ako. Mukhang tatanggalin niya ako. Hindi na yata ako makakahingi ng tulong kay Ken. Bahala na. Sige ganun na nga lang. Tapos mamimiss ako ni Ken. "Alam mo, Rose!" Napapikit ako. "Nung unang pagkakakilala ko sa'yo, mayabang ka. Sabihin na nating totoong may itsura ka nga kaya pwede kang umastang gwapo sa mga babae dito. Tingin ko sa'yo ay mahangin. Nakachamba ka kay Ken. Nabalitaan kong nakasuntok ka. Naiinis ako sa'yo pero dahil sa mga narinig kong reklamo sa sinuntok mo, pumayag akong manatili ka dahil kay Ken. Pinalampas ko lang pero ang yabang yabang mo para sa'kin." Nakayuko lang ako. Nanliliit talaga. Mukhang tama nga ang hinala ko. Feeling ko, wala na akong karapatan ngayon kay Ken. "Tapos ngayon para kang basang sisiw kasi kaharap mo ako." Tumingin ako sa kaniya.

"Sir, sa totoo lang.."

"Huwag ka munang magsalita." Magdadahilan sana ako. Sige, sigawan mo ako. Ipagtatapat ko ang isa pang dahilan kung bakit ko nasapak si Danilo. "Nakausap ko ang isa sa kasama mong janitor. Binastos pala ng taong sinapak mo si Ken." Napatingin ako ng diretso sa kaniya. Ngayong alam niya, sasabihin niya kaya kay Ken? Walang problema. Mas magandang hindi sa'kin nagmula 'yun. "Hindi ko nahalata ng oras na 'yun na kakaiba ka. Ang inakala ko ay wala kang modo. Pinagtanggol mo si Ken sa maling paraan. Ano naman kung may gusto ka kay Ken. Wala akong paki. Alam ko lang ay malaki ang mahihita mo kay Ken kaya ka ganiyan." Inaasahan ko na ang iniisip nila. Hindi naman siya galit pero kinakabahan ako. Bigla niya akong hinawakan sa kwelyo.

"Sir, teka lang.. hindi na po mauuli--"

"Wala akong paki doon. ANAK KA PALA NI MARCO BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SA'KIN!!

Gulat na gulat ako. Sino kaya ang nagsabi sa kaniya? Nakahawak parin siya sa kwelyo ko. Sasabihin kaya niya kay Ken ang nalaman niya. Sabagay, bakit ko pa ba aalamin kung kanino niya nalaman. Basta ang alam ko--hindi na ako makakatanggi pa. "Mr. Go. Kasi ano eh..." Wala akong masabi.

"Akala ko mayabang ka pero sa lahat ng taong nakilala ko parang ikaw na yata ang pinaka-mapagkumbaba. Biruin mo, sumabak ka sa ganito? Kung hindi sasabihin sa'kin ng Ama mo, hindi ko malalaman." Napatingin uli ako sa mukha niya at iniwas ko din. Binitawan niya ako. "Bakit? Bakit mo ginawang magtrabaho dito? Ikaw pala ang tinutukoy sa'kin ni Marco na Anak niyang kulang na lang ay sabihan niyang walang kwenta."

Naku.. kinukwento pala ako ni Daddy sa kaniya. "Sir, pwede niyo bang sabihin kung kailan niyo nalaman?" Baka wala akong alam na alam na pala ni Ken ang lahat.

"Ngayong umaga lang sinabi ng Daddy mo!! Ano akala mo, last week pa?! Papatagalin pa ba? Nag-aalala na siya sa'yo kaya kinausap na niya ako."

Nawala ang kaba ko. "Ganun po ba?" Napalunok lang ako.

"Bakit ka pumayag sa kalokohan ng Ama mo? Marco said, hiniling daw niya sa'yo na magtrabaho dito para maging ordinary employee. Why you suppose to do it?"

"Alam mo kasi, Mr. Go, malaki ang atraso ko kay Daddy. Sampung taon akong walang ginawa. Hindi nakatulong sa kaniya. Kaya ko siya sinunod. Pangako ko sa sarili ko na susundin ko siya hangga't kaya ko para makabawi. Parusa ko na rin sa sarili ko."

"I know you're a good man. Ngayon panatag na ako. Nawala na ang lahat ng akala ko. Alam ba ni Ken 'yun kaya malapit kayo sa isa't isa? Nanliligaw ka ba? Akala ko talaga puro ka lang porma. Hindi ako makapaniwala." Umiling iling pa siya.

"May boyfriend si Ken, kaya magkaibigan lang kami. Isa pa po, ang alam niya--janitor lang ako kung ngayon niyo lang nalaman 'yan at hindi niyo pa sinasabi sa kaniya."

"Ganun ba? Kaibigan kayo, hindi niya alam na Anak ka ni Marco?"

"Pwede po bang ilihim niyo na lang?"

"Pwede pero, kasi ano eh.." Nag-isip siya. "Dahil wala na akong plano na paglayuin kayo.. hahayaan ko na lang kayo. Hindi ko sasabihin ang tunay na pagkatao mo. Pero sabihin mo na dahil baka ikaw ang dahilan kaya hindi tinanggap ni Ken ang singsing. Jordan, her boyfriend wants to be engaged with Ken but.. She didn't accept." Totoo nga. 100 percent. "She repuses Jordan. I know anytime ay makikipagbreak na si Ken sa kaniya. Pero hindi pa naman 'yun sigurado. Kung totoo ang hinala ko, sana ayusin mo ang buhay mo. Hindi ka pa pasado sa'kin. Hindi porke Anak ka ni Marco, boto na agad ako sa'yo."

Nawala ako sa sarili ko. "Mr. Go, maniwala kayo. Wala akong masamang intensyon kay Ken."

"Sana nga. Sabagay, dahil sa ginawa mo, alam kong nabago ka na. Hindi ko pa din alam kung paano mo napasaya si Ken pero, sana hindi siya masaktan kung totoong ikaw ang dahilan ng lahat. Hindi ka niya kilala. Magmumukhang niloko mo siya. Ipaliwanag mong maigi."

"Opo." Hindi ako ngumingiti pero buong buo ang pag-asa ko. Sana naman huwag nilang pangunahan ang gusto ni Ken. Sana kung totoong ako nga ang dahilan ay huwag na lang silang makialam.

"Umalis ka na." Nilapit niya ang mukha niya sa'kin. "Alam kong hindi ka naghahariharian dito dahil nalaman ko ang totoong pagkatao mo. Pero ayusin mo ah. Si Marco na nagsabi sa'kin na pwede kitang sapakin kung may kalokohan kang ginawa."

Nye! "Okay po." Feeling ko isa akong komidyante sa isang pelikula kahit hindi ko nakikita ang reaksyon ko.

Lumabas ako. Hindi ko na nakita si Ken sa maghapon kaya plano ko na lang sunduin si Waine sa terminal. Palabas ako ng hindi ko inakalang magkikita pa kami ni Ken. Nakangiti siya sa'kin. Kung hindi nangyari ang tungkol sa pag-ayaw niya kay Jordan ay hindi ko iisipin na may kahulugan ang ngiti niya pero lalo akong na-in love sa kaniya. Kung hindi lang ako nagmamadali ay kakausapin ko pa siya. Fortunate things happened in my life. Marami pang araw. Pero may chance pala na hindi pa sila maghiwalay ni Jordan. For now, I am about to wait for a big hope.

Nakita ko na si Waine. Natawa ako kasi bagong gupit pa siya. Hindi na siya nagdala ng kotse. Usapan namin 'yun. The new adventure is coming.

To be continued ....

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 262 21
What does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga kata...
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
6.1M 235K 64
A battle between love and service.
73K 1.8K 35
"Mas mabuti pang ikaw nalang Ang namatay!" "Bakit ba nabuhay kapa?!" "Dahil sa'yo naging miserable Ang buhay!" "Mamatay kana!" Tama na... Tama na... ...