Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

48.

36 2 0
By Akatsuki_Haru

Nagpaalam at nagpasalamat agad ako kay Kuya Rogelio kaya ngayon ay papasok na ako. "Rosen!" Salubong sa'kin ni Leni na hindi pa naka-uniform. "Papasok ka din pala sa wakas."

"Namiss niyo ako ah."

"Oo naman."

Tuwang tuwa silang lahat. Dinahilan ko na lang na sinadya kong umabsent. Ngayon ay sabay sabay kaming naglalakad papunta sa second floor. "Rosen, wala pang nilalagay dito para maging headman, ako nga lang pansamantala sabi ni Miss Ken. Pwede bang ikaw na lang?" Sabi ni Jerry.

Alam kong ako pero nagtanong parin ako. "Bakit ako?"

Sumabat si Leni. "Baka kasi magkaroon pa tayo ng headman na masungit eh. Mas maigi nang ikaw. Malakas ka naman eh. Sige na para masaya tayong lahat."

Ngumiti ako. "Mas matindi ako kaysa kay Danilo. Kailangang may tagamasahe pa ako."

"Oo naman." Bigla akong minasahe ni Chukoy.

Nakatingin lang sila. "Ikaw naman." Tinuro ko si Annafe. "Linisin mo sapatos ko."

Sinuntok niya ako sa balikat at nagkatawanan sila. "Mas malupit pala 'to." Sabi ng isa pero nakangiti. "Ibalik na lang natin si Danilo." Nagtawanan sila ng malakas. Kilala nila ako. Alam nila na palabiro lang talaga ako kaya kahit anong gawin ko, walang epekto sa kanila. Ngayon alam kong masaya na sila dahil wala na si Danilo.

"Rosen, alam mo ba 'yung nangyari kay Danilo?" Tanong ng isa na dating partner ni Danilo sa katamaran. "Tanggal na." Siya na din ang sumagot.

"May nakapagsabi nga sa'kin."

"Ayoko naman talagang sundin 'yun eh. Napipilitan lang ako. Hiyang hiya na nga ako kaso mas nakakahiyang tanggihan si Danilo."

"Sige, naiintindihan kita. Simula ngayon, aayusin natin ang lahat. Para hindi kayo mahirapan, tutulong ako na parang isa sa inyo kahit headman ako. Headman lang ako sa pagkakaalam nila. Ako ang malalagot pag tamad kayo kaya sana mahiya kayo sa mga balat niyo ah."

Nagtawanan sila. "Oo naman. Kahit tumayo ka lang diyan, ayos lang. Gawain naman ng headman 'yun 'di ba?" Sabi ni Leni.

Magsasalita sana ako ng napansin ni Jerry na papalapit na si Ken. Kinalbit niya ako. "Ayan na si Miss Ken."

Sinenyasan ko sila. "Kunyari hindi ko siya nakita ah. Kunyari magpaplano tayo." Sinakyan lang nila ako.

Hindi ako tumitingin pero nakita ko siya sa salamin na papalapit na. "Kayo, magtrabaho kayo ng ayos ah. Nakakahiya kay Miss Ken. Nagtiwala sa'kin tapos tatamad tamad kayo! Gagawa tayo ng play." Nakita ko siya sa salamin sa gilid na nasa likod ko na kaya hinarap ko siya. "Miss Ken! Andiyan ka na pala." Kunyari nagulat ako kaya hindi na nila napigilan na tumawa.

"Hoy, ano 'yang pinagsasasabi mo?"

"Ako na ang headman 'di ba?"

"Hindi pa nga yata alam ng supervisor eh."

"Hindi na papalag sa'kin 'yun."

"Oo kasi tinawagan ko na!"

"Kaya pala." Well, it's okay to hear that. Wala nang problema. "Okay ba 'yung narinig mo?" Alam kong hindi talaga dapat ganoon. Gusto ko lang siyang patawanin.

Magdadahilan sana siya pero biglang nagsalita si Annafe. "Ma'am, nakita ka niyang parating na kaya kunyari masipag siya." Nagtawanan ang lahat. Nakakainis naman siya. Kaya pinadilatan ko. Sira ang diskarte ko.

Umiling siya pero hindi naman dismayado. "Sige na, see you around." Ngumiti at umalis na siya habang umiiling. Nakatingin lang ako sa kaniya habang papaalis na siya.

"Ano na.. ano na? Naiinip na ako." Sabi ni Annafe. Napatingin ako. "Wala pang utos!! Ang tagal naman!!" Excited talaga sila sa pagbabalik ko. Tingin ko, hindi lang ako ang nabunutan ng tinik. Sila din.

Natawa ako sa kaniya. "Sumama ka sa'kin." Sabi ko. "Magyoyosi tayo sa labas."

Tuwang tuwa ang lahat sa mga biruan namin. "Ako, basta ayoko nang inuutusan ako." Sabi ni Chukoy. Tumingin ako sa kaniya na tila nagagalit. "Kasi, may kusa ako. Hindi pa tapos eh." Nagtawanan kami.

"Sige, start na tayo. Alam niyo na ang lugar ah. Uulitin ko, headman lang ako sa paningin nila pero hindi ako feeling headman ah. Maglilinis ako."

"Opo Sir!" Kunyaring dismayado si Leni.

Pinisil ko na lang ang pisngi niya. Ngayon ay mag-isa akong naglalakad. Noon, ang dami kong gustong gawin pero hindi ko magawa. Inaalala kong maigi. Wala akong kasama kasi busy ang lahat. Hindi ako pwedeng makisiksik kaya naghanap na lang ako ng gagawin. Magawi ako sa CR. Napansin kong madumi ang dingding. Kung tutuusin, trabaho ng iba ito. Naalala ko ang payo ni Ate Paulina. Nakikita ng Diyos ang lahat na tunay na Boss. Kahit walang credit sa boss namin, gagawin ko. Kumuha ako ng timba at sabon. Habang naglilinis ako ay may nakapansin sa'kin. "Kilala kita ah." Sabi niya. Nakita ko si Mrs. Gonsalez.

"Ma'am ikaw pala." Nginitian ko siya.

"Ikaw 'yung tinatawag nilang Rose 'di ba? Nabalitaan kong nanuntok ka daw." Patay. "Marami akong nalaman tungkol kay Danilo. Kaya pala nasuntok mo siya. Ang daming nagsumbong sa'min. Kung hindi siya tatanggalin ni Ken, hindi ko malalaman na sira-ulo pala 'yan. Kaya mo pala siya sinuntok." Buti naman. Haaay! Akala ko kung ano na eh. Napaganda pa pala 'yung pagkakasuntok ko.

"Sige na Ma'am, pwede ka nang umalis."

Sumama ang tingin niya sa'kin. "Bakit?!"

"Masama akong iniistorbo dahil nanununtok ako." Magsasalita sana siya pero inunahan ko na. "Joke lang."

Pinandilatan niya ako. "Nalaman ko din na si Ken pala ang nagpasok sa'yo dito. Kaya pala pinasok ka niya. Unang beses nangyari na may pinasok siyang empleyado dito. Sure palang pagkakatiwalaan ka."

Naisip nila 'yun? Samantalang nagkakilala lang kami ni Ken nung nag-apply ako. "Ang hirap nga eh. Para lang hindi siya mapahiya, kailangan kong magsipag."

"Ano? Pero teka, bakit nililinis mo 'yan?"

"Dahil madumi, Ma'am. Hindi naman pwedeng linisin ang malinis na." Wala akong pressure sagutin sila. Iba talaga ako sa totoong empleyado.

"Sira! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Sa second floor daw kayo 'di ba?"

"Ayos lang 'to, Ma'am." Nginitian ko siya.

"Pasikat ka lang yata."

"Para sikat." Bigla niya akong hinampas sa hita. Nakatungtong kasi ako sa upuan. "Aalis na nga ako. Mababaliw ako sa'yo. Good job."

Tinuloy ko lang. Ayoko din naman na makakita ng marumi. Hindi naman talaga marumi pero gusto kong paputiin eh. Naramdaman kong may tao sa likod ko. Si Ken at Ayie pala. Inis na inis ako sa Ayie na 'yan dahil feeling ko hindi niya ako maintindihan. Pero ngayong nakausap ko na siya, saka ko nalaman na mabait din pala siya.

Nakasabay ko sila sa lunch. Pinilit ko na lang na maging kalmado kahit sumupresa ang boyfriend ni Ken. Nakakainis lang. Gusto kong magbreak sila pero parang hindi mangyayari 'yun. Bagay na bagay sila. Tanggap ko na ang lahat. Pero ayoko pang maging malungkot. Natuklasan kong masaya ako dito kaya titiisin ko na lang ang sakit. Maybe need kong magpakilala kay Ken dahil hindi habang buhay na magpapanggap lang ako. Pero ramdam kong sila na talaga nung Jordan na 'yun. Ang ngiting pinapakita ni Ken sa'kin ay ngiting naaaliw lang pero kay Jordan niya ibibigay ang pagmamahal na dapat para sa kaniya. Kahit wala nang mag-advice sa'kin, alam ko na ang gagawin. Pauwi na ako. Tinawagan ako ni Waine. "Hello RM. Kamusta? Akala ko magreresign ka na."

"Ayoko pa."

"What?!"

"Saka na. Magsasaya muna ako dito."

"Ano ba ang meron diyan?"

"Basta, huwag mo nang alamin."

"Nakakainis ka naman. May tinatago ka yata sa'kin."

"Wala akong tinatago sa'yo."

"Bakit ayaw mong sabihin ang dahilan?"

"Ako lang ang makakaalam nun dahil alam kong hindi mo magugustuhan dito."

"Hindi ko magugustuhan pero ikaw gusto mo?"

Naalala kong halos pareho kami ni Waine ng taste. "Hindi ko kayang ipaliwanag. Baliwala din. Kung gusto mo, magtrabaho ka dito." Biniro ko lang.

"Oh my. Nakakahiya."

"Kaya hindi ko maipapaliwanag sa'yo. Masaya ako dito kasi may bago akong kaibigan. Pero the best ka, Waine. Ikaw parin ang orig. Pangpatanggal lungkot na din siguro. Palipas oras. Aalis din ako."

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Naiinis na nga ako eh."

"Magmahal ka. Ako kasi, medyo papunta doon eh. Pero wala akong girlfriend dito."

"Ano bang uri meron ang mga tao diyan?"

"Iba sila eh. Ang hirap iexplain. Iba ang biruan dito sa biruan natin. Basta."

"Parang gusto ko na din tuloy diyan para magkasama tayo."

Nag-isip ako. Bakit nga ba hindi? Mas masaya 'yun. "Pwede, kaso baka ipahiya mo ako."

"Ewan ko sa'yo."

Natapos kaming mag-usap. Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang, hindi ko alam kung masaya talaga ako. Ilang araw pa ang lumipas, sinabi ko na kay Maico na magaapply ang kaibigan ko. Naalala kong iniwan ko ang bestfriend kong laging hindi kasama sa reunion ng Family niya. Anak kasi siya sa labas. Alam kong nalungkot siya dahil wala ako. Kaya siguro gusto niya ding mag-apply para makasama ko. Masaya naman ako sa ngayon tapos makakasama ko uli si Waine. Masaya dahil ginagawa ko ang gusto ko. Tambay, maglinis, makipagbiruan at kausapin si Ken. Tinanggap ko nang hindi kami para sa isa't isa pero isang araw may gumimbal na balita sa'kin. "Nabalitaan mo bang nagpropose na pala ang boyfriend ni Miss Ken sa kaniya." Napatigil ako sa nag-uusap na Flight Stewardes. Kinikilig pa ang isa. Hindi ko napaghandaan. Sumakit ang dibdib ko.

"Talaga. Ang gwapo ng boyfriend niya 'di ba?"

"Bali-balita kanina. Sa harap ng maraming tao." Kalmado lang ang nagbalita.

Nakikinig ako sa kanila. May hawak akong mop. Hindi ko pinahalata na nakikinig ako. Hawak ko parin ang mop. Naalala ko 'yung mga napapanood ko, pag may bitbit na baso biglang naibabagsak nila ang baso at nababasag. Katibayan na may narinig silang nakakagimbal. Pero totoong buhay 'to. Naalala ko si Ken na tinutulad sa totoong buhay ang novel. Kahit anong gawin ko, hindi ko kaya. Ihuhulog ko itong mop? Babaksak sa lupa? Hindi ko maimagine talaga. Hindi pwedeng ikumpara ang totoong buhay sa novel kahit anong gawin ko. Doon nagkamali si Ken. Sobrang sakit talaga. Hindi ko akalain na masakit parin pakinggan ang inaasahan na. Nagsalita na naman ang Stewardes na kinikilig. "So tinanggap ni Miss Ken ang singsing?"

"Umalis si Miss Ken. Hindi niya tinanggap ang singsing."

Napalingon ang dalawang babae dahil nabitawan ko ang mop sa narinig kong balita. Naagaw ng mop ang atensyon nila. Nakita kong naibagsak ko pala ito.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 235K 64
A battle between love and service.
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...