Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.1K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

42.

148 16 0
By Akatsuki_Haru

Day 15 as an employee. Nakapwesto na agad kami sa dadaanan ni Ken. Nakahover board pa ako. Hanggang sa nagkita na nga kami. "Ano, okay ba?" Tanong niya sa'kin habang naglalakad. Kasama ko si Jerry at nakangiti kami sa kaniya. Sinabayan ko siya habang naglalakad. Tumingin siya sa'kin. "Nasaan na 'yung isa?" Tanong niya. 'Yung isang hover board yata ang tinutukoy. Magsasalita pa lang ako pero inunahan na niya ako. "Bawiin mo kay Maico 'yun ah. Bawal sa kaniya." Alam naman pala niya.

"Pero sa'kin pwede?" Hinarangan ko ang daanan niya.

"Alis!" Utos niya pero hindi ako umaalis. Ngayon pang naging malapit ang loob ko sa kaniya. Kasalanan niya kasi 'yun eh, inispoil niya ako. Hindi ako umaalis pero medyo umatras ako. Lumapit siya and oh my, hinawakan niya ang dibdib ko para bahagya akong tulakin. "Sabing alis sa harap ko, dadaan ako." Halos pabulong lang niyang sabihin 'yun.

Nagbigay tuloy ako ng daan. "Ayaw ng kasama ko. Hindi sila marunong." Sabi ko. "Nakakahiya naman na iuwi nila 'yun para ibigay sa kapatid o kamag-anak nila." This time sabay na naman kami. Tumigil siya kaya napatigil din ako.

"Para sa'yo 'yan. Wala na akong paki kung ipamigay mo!" Tinuloy niya ang paglalakad.

"Pasalamat ka.."

"Pasalamat ako ano?!" Tumigil na naman siya.

"Wala. Sabi ko, pasalamat ka maganda ka dahil kung hindi.."

"Paano nga kung hindi?" Napansin ko lang na binibigay niya talaga ang atensyon niya sa'kin.

"Feeling ko istorbo ka." Kumunot ang noo niya na parang sinasabing 'Kasalanan ko pa?' Pero inunahan ko na siya. "Nagbibiro lang. Sige na, back to work na ako. Salamat sa hover board. Magiging masaya ang maghapon ko."

Hindi na siya nangatwiran. Umalis na siya. Hindi ko na siya hinabol. Sobra ang saya ko. Oras na umabot sa dalawang buwan nang hindi kami nagbabago, aaminin ko na ang buong pagkatao ko. May naipundar na kaming closeness kaya tingin ko naman, pwedeng ituloy namin 'yun. Pero bakit ba ako umaasa na mapapang-asawa ko siya? Hindi ko pa nga siya lubos na kilala. Una, hindi ko alam kung may boyfriend siya. Kung meron man, bakit hindi niya kasama o hindi nababalita? Pwedeng ipagtanong ko pero ayokong malaman. Baka mamaya meron pala tapos masaktan ako. Siguro nga gusto ko na siya. Tanging opinyon lang naman ang sinabi ni Ate Paulina. Hindi naman daw nadadaan sa itsura ang ibang babae. Minsan kung sino pa ang pinaka hindi napapansinin sa grupo ng mga lalaking magkakatropa, siya pa ang papansinin ng pinakamagandang kaibigan nila sa kabilang babaeng magtotropa. Hindi ko maintindihan 'yun. Bakit ganun? Pero dahil daw 'yun sa ayaw ng babae na may kaagaw siya. Hindi ko talaga maintindihan. Ganun din ba sa mga lalaki? Sa'min kasi, first come first serve, first in and first out. Walang forever. Dumating si Leni sa area namin. "Tawag kayo ni Danilo."

Mukhang may iuutos na naman si Mokong. Si Leni kaya ang tanungin ko? Mamaya na. Hindi ito ang oras. Napansin ko si Danilo, kasama ang iba. Tumingin siya sa'kin. Wala siyang magawa ng makita niya ang gamit kong hover board. "Ayusin mo ang trabaho ah." Paalala niya. Parang tunay na concern talaga siya sa posisyon niya. Nakakapikon tuloy.

"Nakita mo bang hindi ako nasa-ayos pag nagtatrabaho?" Sabi ko tapos napatingin sa'kin si Leni na tila sinasaway ako. Pwes hindi ako natatakot kay Danilo.

Napailing lang at tinitigan niya ako. "Umakyat kayo sa taas. Sabihin niyo kay Mr. Silva, pinadala ko kayo dito. Huwag mo munang dalhin 'yang hover board, baka pagalitan ako."

"Hindi pwede." Tutol ko.

"Kahit ngayon lang."

"Iba na lang ang ipadala mo sa taas. Huwag na kami."

"Sundin mo ang utos ko." Lumapit siya sa'kin na tila sinisindak ako.

Tinapik ni Leni ang kamay ko. Takot talaga sila kay Danilo. "Hindi ko naman talaga planong dalhin ang hover board sa taas." Sabi ko na lang para hindi na humaba ang gulo. Alam kong sagot ako ni Ken pero hindi ganun kakapal ang mukha ko para samantalahin 'yun. Ako ang bahala sa lahat.

"Maigi 'yung nagkakaintindihan tayo." Sabi ni Danilo. Medyo inis na yata siya sa'kin. Dumating si Banni. "Hi Banni." Biglang bati ni Danilo.

Ngumiti lang si Banni at tumingin kay Leni. "Ate Leni, sabay tayong maglunch ah."

"Sige ba, puntahan mo na lang ako."

"Banni, wala ba tayong nakukulimbat diyan." Tanong ni Danilo.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Huwag ka nang magkunwari Banni. May mga gamit na naiiwan ng pasahero sa loob ng eroplano."

"Binabalik ko sa office ang mga naiiwan nila. Mahahalata ako kung kukuhanin ko 'yun."

"Yung mga gamit na tipong hindi na babalikan ng pasahero, kunin mo na." Iba talaga 'to si Danilo.

"Hindi pwede. Hindi ko gagawin 'yun."

"Ako ang bahala sa'yo. Text mo ako pag maglilinis ka. Ibigay mo sa'kin. Para wala na sa'yo 'yung gamit. Tutulungan kita."

Tumingin si Leni. "Hoy Danilo, kahit turuan mo nang kalokohan si Banni, hindi ka niya susundin."

"Ang hihina niyo kasing dumiskarte eh. Hindi tayo kita ni Lord. May bubong." Tumawa pa si Danilo. Hindi na kumibo si Leni. Nakakapikon na ah. Tumingin siya sa'kin. Umakyat na kayo ah." Umalis na siya.

Ano kaya kung isumbong ko na siya kay Ken? Parang mahalay pa. Baka hindi agad ako paniwalaan kung malaman ng supervisor. Konting oras pa. Hanggang umakyat na kami sa taas. "Dito muna kayo ah." Napatingin sa'kin si Mr. Silva. "Sure ka bang trabaho ang pinunta mo dito?"

"Opo." Sagot ko.

"Baka bukas makalawa, girlfriend mo na ang sekretarya ko ah." Tumawa siya. "Biro lang. Dito muna kayo ah. Linisin niyo ang buong area dito." Pumasok na siya sa loob.

Napangiti si Jerry. "Ang pogi mo kasi pre."

Miski si Mrs. Gonsalez, parang pikon sa'kin. Mukha kasi akong tamad. Makahusga naman kasi agad sila. Naglinis kami, inaabangan kong lumabas si Ken pero nagkataon na nasa malayo na siya kaya hindi ko siya nakausap. Sayang! Saan kaya siya pumupunta ng ganitong oras? Nakita na naman namin si Mr. Silva. "Break time na. Good job guys." Sabi niya ng makita ang sahig.

"Salamat sir." Sabi ni Jerry.

"Pwede na kayong manalamin sa sahig sir." Sabi ko naman. Natawa na naman si Jerry.

"Talaga lang ah." Pinandilatan niya ako pero halata naman na hindi siya galit. "Sige, bukas, dito uli kayo ah." Hindi pala siya masungit.

Umalis na kami. 9:30 am. Breaktime sa umaga. "Hinahanap ka ni Miss Ken!" Sabi agad ni Leni nang malapit na kami sa canteen.

Nagtaka ako. 'Yung labas ni Miss Ken na 'yun, ako pala ang sadya niya. "Bakit daw?" Tanong ko.

"Ewan."

Minsan nagtataka ako. According to Ate Paulina, sometimes the boss had a favorite employee. I'd like to think it but may nakikita akong iregular talaga sa pagitan namin ni Ken. Gwapo ako. Ayokong isipin sana pero baka nga may gusto sa'kin si Ken. Parang sobra naman yata lahat ng pakita niya sa'kin. Matapos ang ilang oras, lunch na. Paalis na kami kasama si Danilo pero na-salubong namin ang grupo nila Ken. Apat sila. 'Yung gay, 'yung kasama niya, si Maico at Ken. "Magbigay pugay tayo." Medyo pabiro ni Danilo.

"Ikaw talaga Danilo ah." Sabi nung gay. Nakangiti silang lahat maliban kay Ken. Saka ko naisip na totoo ang sabi sabi na hindi palangiti si Ken. "Oh, it's you again." Sabi sa'kin nung gay.

Inakbayan ako ni Danilo. "Tropa ko 'to." Nagpapasikat talaga si Danilo dahil alam niyang malakas din ako kay Ken. Tatanungin ko sana kung bakit niya ako hinanap kanina pero hindi ko magawa dahil may mga kasama siya.

Ngumiti lang ako na tila nahihiya kay Ken. "Dito muna kami ah." Sabi ni Ken. Sinuntok ako sa balikat ni Maico.

Lumampas na sila. "Nice seeing you Miss Ayie." Pahabol ni Danilo.

"Anong Miss?! Suntakan na lang!" Nagtawanan sila pati si Danilo, maliban kay Ken. Akala ko talaga mababaw ang kaligayahan niya pero 'yung mga ganung pangyayari ay hindi niya inenjoy. Kahit kaplastikan lang na ngiti dahil tropa niya si Ayie. Hindi ako kuntento. Gusto kong makausap si Ken pero marami pa namang araw.

Hanggang mag-uwian na. Kasabay ko si Jerry. Aabangan ko na lang bukas si Ken. Palabas na kami ng mapansin ko si Ken. Nabigla ako. "Miss Ken."

Napatigil kami. "Pauwi na pala kayo." Tanong niya.

Nagmamadali si Jerry ngayon. Kasabay ko siya. "Pauwi na kami, nagmamadali kami." Sabi ko pero nanghinayang ako sa pagkakataon. "Teka, bakit mo ako hinahanap kanina?"

"Wala ka kasi nung dumaan ako. Hahanapin talaga kita. Kung nakita kita, hindi naman siguro kita hahanapin." Nakangiti siya. Akala ko may kailangan. "Pagpasensyahan mo na si Danilo. Ganun talaga siya." Nagulat ako. Bakit kaya parang kilala na niya si Danilo?

Tumingin ako kay Jerry. "Mauuna na kami. Magmamadali 'tong kasama ko."

"Ayaw mo ba akong kausap? May lakad ba kayo?"

"Hindi sa ganun. Nagmamadali siya."

Tumingin si Ken kay Jerry. "Mauna ka na. Mukhang wala naman kayong lakad." Nginitian siya nito.

"Oo Rosen, okay lang. Mauuna na ako." Umalis na si Jerry.

"Nakakahiya sa kasama ko." Sabi ko agad.

"Walang magagalit sa'yo."

"Hindi mo sure, Miss Ken. Ayokong dahil sa'yo, mainis sila--"

"Hindi sila maiinis. Bakit ba kinakabahan ka?" Nakatingin siya sa'kin. Maybe I'm her favorite but kahit gusto ko siyang makita at makausap, mas pipiliin ko ang mga kasama ko. "Baka hindi mo alam na ako ang dahilan ng paglaki ng sahod niyo o nila. Ako din ang dahilan kaya nabigyan kayo ng tatlong breaktime maghapon. Basta ako na ang nagpasya, wala silang galit sa'kin."

Naalala ko 'yung sinabi ni Jerry at kung paano salubungin si Ken nung birthday niya. Mukhang wala ngang magiging problema. Ito na ang pagkakataon ko para magsalita tungkol kay Danilo. "Sige na nga. May sasabihin ka ba kaya mo ako tinawag?"

"Napadaan lang ako. Wala ka kaya hinanap kita. Masama ba 'yun?"

"Sabi ko nga." Ngumiti siya. "Pwede bang magsabi sa'yo ng konting problema?"

"Sige."

Napansin kong walang pakialam ang ibang tao maliban sa konting bumabati kay Ken. "Maangas si Danilo eh. Nakakainis." Ayoko muna siyang isumbong.

"May problema ba sa ugali niya?"

"Nakakapikon lang."

"Pikon lang. Wala ba siyang nilalabag?"

Hindi ko pwedeng sabihin. Pero alam kong may alam siya sa ibang ugali ni Danilo. Baka makatunog na para kahit hindi ko na isumbong. "Siguro. Pero bakit mo sinabi na pagpasensyahan siya?"

"Napapansin ko lang na medyo iba ang approach niya minsan sa ibang empleyado. Ayokong isipin na sipsip siya. I don't judge him."

"Ikaw nga eh, ang bait mo kahit Anak ka ng CEO."

"Don't judge him. Ikaw nga hindi ko hinusgahan. Alam mo ba sa sports.. hindi agad agad hinuhusgahan ang laban hangga't hindi pa natatapos." Nagulat ako. Parang siya si Ate Paulina. Nagbibigay siya ng ibang halimbawa para makumbinsi niya ang kausap na gaya ko. Hindi ako makapaniwala. "Kahit alam mo na ang mangyayari ay hindi mo parin pwedeng husgahan ang laban. Pangit man o maganda, tambak man o dikit lang, sa pagtatapos ito hinuhusgahan dahil may laban na nababaliktad pa. Maraming pwedeng mangyari. Sinasabi ko sa'yo 'to kasi ayokong magkaroon ka ng problema dito sa kompanya. Kaya tandaan mo ito, huwag ka munang babase sa mga nakikita mo. Saka na kung tapos na o may katibayan ka na." Pero may laban na madaling mapredict. Siguro nga ito 'yung tungkol kay Danilo. Hindi ko siya pwedeng kontrahin dahil baka malaman niya agad ang tungkol kay Danilo.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi talaga ako makapaniwala. "Salamat sa sinabi mo." Sagot ko pero sa totoo lang, pwede na talagang husgahan si Danilo dahil halos tapos na ang laban. Pero hindi kasi alam pa ni Ken ang ibang pangyayari. Baka hindi siya agad maniwala at baka mapaaway ako.

"Sige na, baka gusto mo nang umuwi. Isumbong mo sa'kin kung may nangyayaring kakaiba para maiwasan ang gulo. Magkita na lang tayo bukas."

"Sige." Sabi ko at ngumiti.

Umalis siya kaya nakatingin lang ako sa kaniya habang binabati siya ng ibang nakakasalubong niya. I can't believe.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 187 16
Awit Series #3 Ang highschool crush ni Adel ay muling nag balik upang guluhin ang nananahimik niyang buhay. May pag asa pa rin ba si Raiden sa pusong...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.1M 29.9K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy