Expect The Unexpected

Von Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... Mehr

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

41.

155 16 0
Von Akatsuki_Haru

Lumipas ang maghapon. Malapit nang mag-uwian nang makita ko ang sekretarya ni Ken. So, what is she doin' here and or gonna say? "Rose, pinapatawag ka ni Miss Ken." Sabi lang niya sa'kin.

"Bakit daw?" Tanong ko. Magkakasama kami ngayon nila Lina. Napadaan si Danilo at napansin kami.

"Wala, hindi ko alam. Baka may sasabihin sa'yo."

"Hi Maymay." Bati ni Danilo sa sekretarya ni Ken.

Napatingin ito sa kaniya. "Hello." Bati din nito pero hindi ngumiti. "Rosen, sumunod ka na ah." Sabi ni Maymay. Oh Maymay pala ang name niya.

Kainis naman. Mas gusto kong magtrabaho eh. Baka isipin ng iba na pinapabayaan namin ang ibang area. "Bakit daw?" Tanong sa'kin ni Danilo.

"Pinatawag ako ni Miss Ken." Sagot ko.

"Loko 'yun ah. Hindi na nagpaalam sa'kin." Umiling si Danilo tapos napansin ko si Leni na mapakla ang ngiti pag talikod ni Danilo.

"Hindi na naman siguro kailangan kung si Miss Ken ang nagpautos." Sabi ko kay Danilo.

"Kahit na." Dismayado si Danilo na akala mong kalevel lang niya si Ken. Taas ng pangarap ah. Ako nga lupa kay Ken eh. Siya pa. "Paghahalikan ko 'yan sila eh." Nagulat ako kasi parang binastos niya si Ken. "Joke lang. Baka isumbong mo ako ah."

Napatitig ako sa kaniya. "Ano naman ang tingin mo sa'kin?" Seryoso kong sinabi. Nagkatitigan kami. "Basta pangit lang pakinggan 'yun."

"Teka, kaano ano mo ba siya? Balita ko siya ang naghire sa'yo 'di ba pero hindi mo siya kaibigan."

"Kahit na." Nagkatitigan kami.

Umalis siyang bigla. Naiwan kaming tatlo. "Hayaan mo na siya. Maiinis lang siya pag sinasagot siya ng ganiyan." Sabi ni Leni.

"Nakakabastos lang kasi."

Sumingit si Jerry. "Sige na pre, baka hinihintay ka na ni Miss Ken."

"Kung si Miss Ken nga tinuturing kong ordinaryo lang, siya pa."

"Nakakainis na naman ang araw na 'to." Sabi ni Leni.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi naman eh, napapagbintangan kaming walang ginagawa dahil diyan kay Danilo."

"Bakit naman?"

Sumingit si Jerry uli. "Dahil imbes na kumpleto kami, kulang lagi dahil kasama niya ang iba. Minsan tatlo silang magkakasama sa labas. Kaya minsan napapansin kami dahil walang janitor sa ibang area. Maya't maya pa naman nadudumihan."

"Talaga?"

"Oo." Sabi ni Leni. "Buti na lang hindi ka sumasama sa kaniya. Akala tuloy ni Mr. Silva, mga mababagal kami. Magpapacheck sila ng attendance sabay lalabas na kaya hindi sila halata."

"Huwag kang mag-alala." Sabi ko. "Kita naman ni God na masipag ka kahit hindi makita ng mga boss natin." Wala akong mai-advice eh. Mukhang mabait naman si Leni kaya okay lang siguro. Hindi pa ito ang tamang oras para gumawa ng aksyon. Ngumiti si Leni.

"Alam mo Rosen, akala ko kahit mabait ka, may ugali kang siraulo! Nakikilala na kita unti unti."

Tumawa lang si Jerry. "Oh pa'no, wait me ah. Magmamadali na ako para hindi mapagalitan ang team natin." Sabi ko at umalis na ako.

Pumasok ako sa office ni Ken. "Pinapatawag mo daw ako?" Sabi ko agad.

"Oo may sasabihin ako sa'yo."

"Pakibilisan lang dahil may lilinisin pa ako." Totoo naman eh. Magalit na siya pero sa totoo lang, istorbo siya. Malakas nga ako sa kaniya tapos maiinis naman sa'kin ang mga kasama ko dahil may ipapagawa siyang iba. Pero ang ganda niya talaga. Lalo pag-nakangiti tapos ngayon, nakatingin siya sa'kin ng seryoso. Nanghahamon ang mapupula niyang labi para halikan ko.

"Ano ba? Kilala mo naman ako 'di ba? Sagot kita sa kanila kaya hangga't ako ang may gusto, walang sinuman ang pwedeng magalit sa'yo dito."

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin! Hindi kita gagamitin dito tandaan mo 'yan. Ayoko nang may maiinis sa'kin dahil sa'yo. Kawawa naman 'yung kasama ko."

"Rosen!! Walang magagalit sa'yo." Oo kasi mataas ka. Pero ngayong alam ko ang buhay ng isang empleyado ay hindi malayong mainis sila sa mga hindi sinasadyang pangyayari.

Kaya nilapitan ko siya. "Sabihin mo na dahil inuubos mo ang oras ko!" Seryoso ako pero masaya din dahil kausap ko siya. Pinapatagal pa.

"Oo na!" Para siyang bata. "Kanino mo nakuha ang hover board?"

Patay! Mukhang nagsumbong si Maico. "Huh? Wala akong alam sa sinasabi mo!" Pagmamaang-maangan ko. Nahiya din naman ako.

"Huwag ka nang tumanggi."

"Si Miss Maico ba nagsabi sa'yo?"

"Oo."

"Baka trip lang ako nun. Hindi totoo 'yun."

"Rosen, 'wag mo nang patagalin, hindi naman ako magagalit eh."

Mabuti naman. Aamin na nga ako. Baka kasi ano ang isipin niya eh. "Hiniram ko sa bata. Galing silang ibang bansa, inuuto-uto ko lang pero one minute lang. Grabe naman si Miss Maico makasabi na nakahover-board ako maghapon!"

"Wala siyang sinasabing ganun Rosen! Ang sabi niya, enjoy na enjoy ka daw. Dinahilan mo pa daw na mas madali 'yun dahil madali kang makakapunta sa gusto mong area." Enjoy na enjoy? Talagang ang balita laging may dagdag.

"Tama naman eh. Pero alam kong bawal kaya isang beses lang 'yun." Hindi ko na tinanggi. Sigurado hindi niya maniniwala. Okay lang. Mukhang hindi naman talaga siya galit. Nag-aalala lang ako. Baka mahalata ako na ginagamit ko siya.

"Pero nagsasabi ka ng totoo? Na mas madali 'yun o nagdadahilan ka lang?" Ano ba naman na tanong 'yun?

"Hindi naman playground ang lugar na 'to para sa mga empleyado 'di ba? Kahit totoo naman na madali dahil mas mabilis ang trabaho."

"Umalis ka na. Andami mong sinasabi."

"Yun lang ang sasabihin mo? Namuti na 'yung mata ng partner ko doon. Malapit nang mag-uwian eh." Pero it was nice. Ano ang gusto niyang palabasin? Gusto niya akong makausap. Malapit na kaming maging real close friend kaya oras na umalis ako dito. Madali ko nang maipagtatapat ang lahat.

"Wait mo 'yung ipapadala kong hover board. Para sa'yo 'yun."

Doon ako nagulat. Gagawin niya talaga 'yun? "Talaga Miss Ken?" Kahit alam kong mahirap, mukhang enjoy ang maghover board.

"Narinig mo naman 'di ba? It was clear. Do you want me to change my mind?"

"Yehey!! Thanks!! Sagot mo ako ah!" Sumaya ako dahil matututo akong maghover board. May basbas ng Anak ng CEO kaya walang problema. Sagot naman niya ako. Walang palag si Danilo sa'kin.

"Oo na umalis ka na." Hindi na niya ako tinignan. Medyo iba sa pakiramdam 'yun ah. Lumabas ako para balikan sila. Hindi na yata isang ordinaryong empleyado lang ang tingin niya sa'kin. Ang hirap paniwalaan pero mukhang may something nga sa kaniya.

Pumunta agad ako sa area namin ng mawala sila. Napansin ko ang ilan sa kasamahan ko. Ang laging kasama ni Danilo. "Rosen, tawag ka ni Danilo. Andoon sila sa kwarto." Tinuro niya ang kwarto na nakabukas. "Pagpasensyahan mo na siya ah. Sana huwag mo siyang pansinin. Malakas kasi sa supervisor eh. Ako nga, napipilitan lang sumama sa kaniya kahit ayoko."

"Ganun ba?" Siguro nahihiya o natatakot tumanggi.

"Oo, basta huwag mo na lang sundin 'yung mga kalokohan niya. Para hindi na madagdagan. Aalis na ako. Magtatrabaho muna. Andami kong hindi natrabaho kanina." Mabait pala siya.

Umalis na siya. Pumasok ako sa kwarto. Napansin ko si Leni at Jerry. Kasama si Danilo na nakahubad ng t-shirt. Muntik na akong matawa. "Rosen." Tawag ni Danilo. Ang yabang ng tingin niya. Pinagyayabang ang tatu niyang halatang pinagpraktisan ng preso. "Linisin niyo 'tong kwarto." Utos niya.

"Bakit nakahubad ka?" Tanong ko. Hindi pwede 'tong ginagawa niya.

"Ang init eh." Mainit? O gusto lang ipakita 'yung katawan niyang pinagtripan sa loob ng kulungan? "Bawal ba?" Tumingin siya kay Leni. "Bawal kung may magsusumbong." Tumingin uli siya sa'kin. Alam ko na. Dahil sa nangyari kanina, sinisindak niya ako. Kahit magdasal pa siya ng isang daang 'Ama namin' hanggang baklaran ng nakaluhod, hindi ako masisindak sa nakita ko.

"Wala naman kaming planong isumbong ka kaya huwag kang matakot." Sabi ko sa kaniya.

"Alam ko. Dahil lagot sa'kin ang magsumbong."

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo, Danilo? Lahat na yata ng bawal ginagawa mo na." Pangaral ni Leni.

"Hindi bawal kung walang nakakakita." Inangasan pa niya si Leni palibhasa babae. Sige, kumilos ka ng isang hindi ko magugustuhan, yari ka. Akala mo yata takot akong mawalan ng trabaho ah.

"Nakikita ng Diyos 'yang ginagawa mo. Hindi ka ba naniniwala sa karma."

Tumawa si Danilo. Alam kong sa ugali niyang 'yan ay hindi siya tatablan ng ganung salita. "Hindi ako makikita ng Diyos dahil.." Tinuro niya ang itaas. "May bubong." Tumawa pa ng malakas sabay umalis na.

Hindi na niya nirespeto ang Diyos. Kung ganito ng ganito ang mangyayari. Mapupuno agad ako sa kaniya pero sige, pakasaya ka lang. Likas siyang masamang tao kasi masama din ako. Hindi ako sinabihan ni Ate Paulina na likas na masama dahil magalang ako. At higit sa lahat, masama ako pero hindi namin binabastos ang Diyos kahit sa talikuran dahil naniniwala kami sa kapangyarihan Niya. Alam ni Waine 'yan. Kahit bumasag siya ng mukha, he did to sign of the cross kung dadaan kami sa church. Ganun niya ginagalang ang Diyos kaya alam kong balang araw magbabago din siya.

Nilinis namin ang kwarto. Mabilis lang naman. Lamabas kami. Napansin kong malapit nang maglabasan. Napansin ko ang sekretarya ni Ken na may hinihilang bagay. Nakatunog ako na hover board 'yun. Naalala kong bigla. "Yan na ba 'yun?" Tanong ko.

"Opo!" Pasungit pero natawa si Leni sa reaksyon ni Maymay.

"Ano 'yan?" Tanong ni Leni.

"Huwag niyo nang alamin. Ang mga taong pinagpala lang ni Ken ang makakatanggap niyan." Sagot ko.

"Sira!"

Binuksan namin. "Bakit dalawa?" Tanong ko.

"Dalawa 'yung dapat bilhin. Buy one take one kasi."

Tumingin ako sa dalawa kong kasama. "Alam ko 'yan! May ganiyan 'yung kapit bahay namin." Sabi ni Leni.

"Hindi ako makapaniwala na nagawa mong magpabili niyan kay Miss Ken." Sabi naman ni Jerry.

"Sino gusto?" Alok ko. Umiling sila pareho. Mukhang hindi sila sanay sa ganito. Ako kasi kahit ano--gusto kong subukan basta may pagkakataon. "Ayaw niyo! Jerry, samahan mo na lang ako mamayang uwian. Magpapraktis ako nito sa baba."

Hanggang maglabasan na. Nasalubong namin si Maico. "Ano 'yan?" Tanong niya.

"Hover board. Wala sa bundok nito." Sabi ko sabay pinigil ni Jerry ang matawa. Sinipa ako ng pasimple kasi sinabihan ko si Maico nang ganun. Ituturing kong kaibigan sila ni Ken. "Joke lang." Duktong ko kasi nakatingin ng masama si Maico sa'kin.

At ngayon, magkahawak kami ng kamay dahil sinubukan namin pareho ang hover board. Takot na takot siya. Nung nalaman niyang kay Ken galing 'to, hindi na siya nagalit. May hindi pa talaga ako alam sa kanila. "Hoy ikaw akala mo naman... enjoy na enjoy ka sa panchachansing mo." Sabi niya sa'kin kasi nahahawakan ko ang bewang niya. Nakatingin lang sa'min ang ibang napapadaan. Nanonood naman si Jerry sa'min.

Naalala ko 'yung sinabi niya na parang ako daw si Ken. "May napansin ka ba sa'tin Miss Maico?"

"Ano naman 'yun?" Tuloy lang kami sa pag-andar. "Yung mga bida sa movie. Minsan nag aaway muna bago nagkakatuluyan."

"Nag-away ba tayo?!"

"Oo 'di ba? Inaway mo ako tapos ngayon ang sweet natin!"

Tinulak niya ako kaya muntik na siyang mahulog. Tapos umandar siyang mag-isa. "Marunong na ako. I can balance myself." Medyo hirap ako pero hindi na din ako natutumba. Hanggang sa marunong na siya. Dumaan siya sa'kin. "Hindi ikaw ang bida sa story ko. Parehong pareho kayo ni Ken. Hinahambing ang totoong buhay sa libro." Libro? Mahilig siguro siyang magbasa.

"Sino ang bida?"

"Wala pa siyang papel." Umalis siyang bigla. "Diyan na nga kayo!" Habol niya bago umalis ng naka-hover board. Napansin kong tawa ng tawa si Jerry. Isasama ko nga pala siya sa bahay. Pero maglalaro muna ako bago kami umuwi.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

6M 235K 64
A battle between love and service.
98.5K 1.4K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
444K 13.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.