Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.1K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

37.

175 19 0
By Akatsuki_Haru

Day 3 sa pagiging empleyado. Maganda ang gising ko. Nagsindi ako ng maliit na kandila bago ako maligo. Wala naman akong pagkain ngayon. Ayoko namang bumili sa gabi at kainin sa umaga. I don't wanna eat lapse foods. Iba talaga pag nag-iisa. Handa ako sa lahat. Handa akong magutom unlike kung may kasama ako. Malate lang ng isang minuto ang pagkain ko, nag-aaway na kami ng kasambahay. Nakatingin ako sa kandila habang nakangiti. Ngayon ko lang napagtanto na hindi dapat maging malungkot sa araw ng birthday. Lungkot sa tuwing kaarawan ko ang tumutukso sa'kin para gumawa ng kalokohan. Kung tiniis ko ang lahat lahat ng lungkot na wala ang Parents ko, baka maayos ang buhay ko ngayon. Parang si Ken.

Isa-isa nang nagtext ang lahat para batiin ako. Tumawag na naman si Ate Paulina. "Hello." Tinatamad pa akong magsalita. My voice is so very baritone.

"Happy Birthday. Sana maging masaya ka."

"Well Ate, I'm happy."

"Talaga lang ah. Try mong dalawin ang Daddy mo. Binati ka na ba niya?"

"Nagtext na."

"Mukhang hindi ka masaya." Huminga ako ng malalim. "Minsan lang dumating ang araw ng kaarawan mo. Kung sana na-andito ka, ipagluluto ko kayo kasama ang tropa mo."

"Ate, I'm okay." Sa dalawang araw ko sa trabaho, nalaman ko ang pagkakaiba ng buhay ko sa kapwa ko empleyado. Sa halip na magalit ako sa mundo dahil wala akong narating, kailangan ko pa palang magpasalamat dahil hindi ko dinadanas ang dinadanas ng mga kasamahan ko ngayon. Hirap sila sa buhay na hindi ko alam kung kaya ko bang ipagpalit ang buhay ko sa kanila para lang maging masaya. Sobrang swerte ko talaga. Kaya siguro inutusan ako ni Daddy na magtrabaho bilang ordinaryong empleyado. Para ipamukha sa'kin ang lahat ng hindi ko alam.

Wala namang masyadong ipinayo si Ate Paulina about my birthday pero ako na mismo ang nakatuklas ng lahat. Medyo may lungkot dahil magtatrabaho ako sa araw na ito. But if I'm comparing myself to the other people. I'll suppose to be happy. Matapos lang ang dalawang buwan na ito, malamang, marami na akong matututunan kaya magkakaroon na ako ng trabaho sa sarili kong negosyo. Unti unti hanggang sa katulong na ako ni Daddy. Magkaroon ng bagong sariling negosyo na ako mismo ang mag-aalaga like Farmville. After kong maligo ay maliit na lang ang kandila. Ano ba ang wish ko ngayong birthday ko? Magpapakaplastik ba ako o magpapakatotoo? So, before I blew the candle, I say to myself that someday, Kennedy will be my girl. Ngumiti ako. Nagpakatotoo lang. Alam kong rinig ng Diyos pero wala naman akong masamang sinabi. Hinipan ko ang kandila. Bago daw ako magtrabaho, magsimba ako. So, I went to the church. Wala akong ibang dinasal kundi ang kaligayahan ng lahat ng tao. Very unfair kasi kung swerte na nga akong pinanganak, magiging masaya pa ako tapos ang ibang tao ay puro problema. I wish the happiness of others. I'm very proud na lumabas ng simbahan. Sana dumaan si Ken tapos makita niya akong nagsimba. Kaso, hindi yata siya dumadaan dito o kung dadaan man, hindi ngayon o hindi matyetyempuhan. Noon, nahihiya akong mag-simba pero ngayon, feeling ko, natutuwa sa'kin ang taong nakakasalubong ko palabas ng simbahan.

Pumasok uli ako. Kung nakikita lang ako ni Ate Paulina, mag-aalala 'yun sigurado dahil hindi pa ako kumakain. Pero 'tong katawan kong 'to manlalambot? Kung 'yung ibang kasama ko nga, nagtitiis ng gutom eh. Hindi nga lang kumpleto ang araw ko kung hindi ko nakikita si Ken. Sa wakas, break time na naman. Nakakapanlambot din 'yung walang almusal. Birthday ko pero para sa'kin regular day lang. Mamayang gabi ko na lang pupuntahan si Daddy at Mommy. "Hi Rose!" Nakita ko na naman 'yung gay. Nginitian ko na lang. Bahala siya sa buhay niya kung Rose ang itawag niya. Nakangiti lang ang kasama niya dahil natatawa din siguro. Siguro alam na nila na si Ken talaga ang naghire sa'kin.

After ng breaktime ay tumambay muna ako saglit kasama ang ibang kasamahan kong loader. "Pre yosi muna tayo sa labas." Yaya ng kasama ko sa'min.

Naalala kong medyo nababawasan na din ang pagyoyosi ko. Pero sumama ako sa kanila. Saglit lang naman. Sa tatlong araw, medyo close ko na sila. Pero maigi din pala kung may trabaho dahil mababawasan ang pagyoyosi. Ayaw yata ni Ken sa lalaking nagyoyosi. After a while ay lunch time na agad. Lagi kong nakikita si Ken pagkatapos kong maglunch. Napansin niya pala ako kaya ngumiti siya kahit sa malayo. Kasama na naman niya si Maico Piol. Ganun lang lagi. Hanggang hapon ay hindi ko siya nakausap. Umuwi ako at nagbihis saglit. May oras pa naman. Pinuntahan ko si Daddy at Mommy. Hindi ko na kailangang sabihin sa kanila na alalahanin ang birthday ko. Lalong hindi ko pwedeng isumbat sa kanila na hindi na naman nila ako niyaya ngayong birthday ko dahil sanay na ako. Pero nasa taxi pa lang ako ay tumawag na si Mommy. "Hello, RR."

"Mommy, papunta ako ngayon diyan."

"Oh really, papapuntahin sana kita. And again, happy birthday. Maigi dahil malapit ka ngayon. Kamusta ang trabaho?"

"Okay lang, Ma." May dahilan naman kasi sila kung bakit wala sila everytime na birthday ko. Bakit ba hindi ko naisip 'yun?

"Mabigat ba ang trabaho? Pagtiisan mo na lang. We'll be having a dinner together with your Dad."

"Wow ah. First time."

"Tumigil ka, RR! Alam mong bu--"

Tumawa ako. "I know, Ma. Just wait me there."

Umiling ako at ngumiti. Hindi ko kailangang magpatalo sa lungkot. Hanggang sa naghintay pa ako ng 2 hours pagdating ko doon, oh my god! Maiinis ba ako. Pwede! "Ang tagal naman!!" I said as we walk towards the car.

"So busy, maraming appointments." Sabi ni Daddy. Nakahawak sa braso ko si Mommy. "Baka may makakita sa'yo ah. Nagtaka ako. Why is it very so fast? May trabaho ka na agad?"

'Ako pa.' Gusto ko sanang sabihin kaso nakita naman kasi ng Diyos ang nangyari. Walang masama pero hindi ko naman talaga ginawa ang lahat, nakakahiya. Sumakay kami ng kotse. "It's not what you think, Dad. Hindi ko ginamit ang pangalan mo."

"I know, Mr. Go doesn't know about you."

Daddy ni Kennedy Go. Magkaibigan nga pala sila. Kailangan kong gumawa ng paraan para pumasa ako sa Dad ni Ken kung manliligaw man ako someday. Kumain kami. "Dad, paano ba talaga patatakbuhin ang isang negosyo? Plano kong bigyan ang sarili ko ng posisyon after 2 months sa resort ko."

"Kung resort mo lang, wala kang problema dahil secure na 'yun. Magtatanong ka pa?" Sabi ni Mommy.

"Wala ka nang dapat pang isipin RM." Sabi naman ni Dad.

"Akala ko ba magsisimula ako sa una." Tanong ko.

"Oo, gusto kong iparanas sa'yo na mahirapan para alam mo ang feeling. Since, nagbago ka at sinusunod mo na ako. Kaya kailangan kong ipagawa sa'yo 'yun. Sana pagtiisan mo. After you made it, mapapakisamahan mo ng maayos ang mga empleyado mo."

"Pero Dad, lahat ba ng matataas nanggagaling diyan?"

"Hindi sa ganun. Ikaw lang ang kilala kong gumawa niyan kaya masaya ako. Mas maiging parang ako ikaw, ang kaibahan lang, totoong naghirap ako noon. Iba kung na-experience mo kaysa ipapaliwanag lang sa'yo."

I nodded. Tingin ko nga, hindi alam ng ibang matataas ang nararamdaman namin kaya ang alam lang nila ay mag-utos na medyo akala mo kung sino. Nakakahiya din minsan sa mga taong nakakakita kahit sanay na silang makakita ng empleyadong inuutusan. Wala naman din kaming magagawa. Sanay na ang maliliit na tao. Pero ang concern nila ay sa trabaho, hindi sa empleyado mismo. So, alam ko na ang gagawin ko after nito. "Sige Dad, salamat."

"Pero RR." Sabi ni Mommy. Hinaplos ako sa likod. "Sana walang maging problema ah. Pagtiisan mo lang ang trabaho, makakaraos ka din."

"Don't worry, Ma, let me make out to handle my own situation. Nag-advice na si Ate Paulina sa'kin."

Sumabat si Dad. "Huwag kang basta basta magsasalita ng ganiyan, mamaya mapaaway ka. Kaya mo bang iwasan 'yan?" Napailing ako.

"Mababait sila kaya walang magiging problema."

"Sinabi ko lang. Baka ako na naman ang masisi mo kung makulong ka o maipapulis. Tandaan mo ah, walang kasalanan ang hindi mo pagbabayaran. Makaligtas ka man dahil sa pera, ang kapalaran ang gaganti sa'yo kaya sana matuto kang magsisi. Ihingi ng tawad sa Diyos ang lahat. Mabuti na lang hindi ka nakapatay. Kung hindi, baka nakukusensya ka na ngayon na lalong magpapabagsak sa'yo."

Masaya na kasama ko sila kaya kahit puro pangaral ang sinasabi nila, masaya ako. Unang pagkakataon na nakasama ko sila sa birthday ko. "Kahit hindi tao ang mapatay ko Dad, ihihingi ko ng tawad 'yun." Tinignan ko siya ng seryoso na parang kaaway habang sumusubo ng pagkain. Pero alam niyang hindi ako galit kaya okay lang siguro 'yun.

"Gusto mo ba talagang matuto?" Tanong niya. Tumingin ako sa kaniya. "Tandaan mo na walang mananalo kung walang kalaban. Pwede ka namang magtayo ng negosyo mo basta pag-aralan mo lang ang lugar. Pwedeng restaurant. Mas masarap sa feeling 'yung ikaw ang nagtaguyod ng sariling negosyo mo."

"Hindi ako sure, Dad. Wala pa naman akong alam sa pag-uumpisa."

"Kumuha ka ng mga taong tutulong sa'yo. May kaibigan ka naman na may negosyo. Humingi ng advice sa'kin. At kung okay na, simulan mo na. In case lang naman na gusto mo. Isa pa, huwag mong hintayin na may lumaban sa'yo. Baka matalo ka dahil ang idea mo ay nakuha din nila. Baka mas maging maganda ang takbo ng kanila. Mas mauna pa silang makilala kaysa sa'yo."

"Paano 'yun Dad?"

"Yung posibleng mangyayari ang paghandaan mo. Oras na bumenta ka, hindi agad magiging success 'yan dahil hindi ka pa kilala. Tapos, makikita ka ng ibang negosyante kaya lalabanan ka nila. Unahan mo na sila. Labanan mo ang sarili mo para wala nang lumaban pa sa'yo. Walang mananalo kung walang kalaban. At may natatalo kung may malakas na kalaban. Huwag kang maging kampante sa lakas ng benta mo. Anumang oras ay mawawala 'yan kung may lumaban sa'yo na kontrahin ang produkto mo. Ikaw na mismo ang magtayo ng kalaban."

Nagtaka ako. "Bakit?"

"Para wala nang lumaban sa'yo. And then, ipasara mo din para kunyari natalo mo siya. Then, magtayo ka uli ng iba para wala nang makasingit hanggang maiisip ng ibang negosyante na hindi ka kayang pabagsakin. Ang resulta, lalong dadami ang benta mo dahil mas dadami ang makakakilala sa'yo. Utakan lang 'yan. Once na magkaroon ka ng totoong katunggali, kilala ka na kaya mahihirapan siyang talunin ka pa dahil sikat ka na."

Okay gets ko na. Para maisip din ng iba na ako talaga ang gusto ng mga tao kaya lalo nila akong magugustuhan. Kaso hindi naman restaurant ang gusto ko. I think pareho din naman sa ibang negosyo, maybe. "RR, sikreto 'yun dahil hindi mo pwedeng ipagsabi na sarili mo ang kinalaban mo." Sabi ni Mommy.

-

Ginabi na ako. Masaya ang naging araw ko. Ngayon ko napag-isip isip na hindi kailangang hintayin ang happiness. Lalo lang magpapalungkot sa'yo pag hindi ito dumating. Gumawa ng paraan para maging masaya. Ilang araw pa ang lumipas. Kaclose ko na ang karamihan sa mga empleyado. "Rose." Tawag ni Banni. Nasanay na din ang iba. Nakatambay kami dahil breaktime palang naman. Pinakilala niya sa'kin ang ilang babaing kasama niya.

"Bakla ka ba?" Tanong ng kasama niya.

"Hindi siya bakla." Sagot ni Banni.

"Bakit Rose?"

Sasagot pa sana si Banni pero inunahan ko na. "Gusto mong itry?"

"Biro lang." Nagtatawanan sila. Halata naman na madaling bumigay. Kung sira-ulo lang ako, araw araw, ibang babae ang maiuuwi ko sa bahay. Napansin ko ang isang janitress.

"Hi Ate Lina." Bati ni Banni.

Tumingin ako sa janitress. May mga janitor din naman. Magaang ang trabaho kaya pwede sa babae. "Ate patesting nga." Sabi ko para masubukan kong mag-map. Binigay niya sa'kin. "Madali lang pala." Sabi ko tapos nagtatawanan pati ang mga kasama kong loader dahil para sa kanila, nagtrip lang ako.

May dumating na babae. "Hi Mrs. Gonsalez." Bati nila.

Nakatingin sa'kin ang babae. Mataas yata ang posiyon niya. Breaktime naman eh. Nagsalita siya. "Bakit puro kayo kwentuhan dito?" Tanong niya.

"Breaktime pa, Ma'am." Sagot ng kasama kong loader.

"Ah okay, akala ko puro lang kayo chismisan eh." Tumingin sa'kin si Mrs. Gonsalez. "Bakit nag-mamap ka?"

"Nagtry lang Ma'am." Sabi ko.

"Ayokong ginagawang playground ang lugar na ito ah. Bumalik kayo sa trabaho niyo!!"

Nakakainis. Hindi ko matanggap na mapapagalitan ako ng wala man lang akong ginagawang masama. Nagsalita ako. "Gusto mong ipanguya ko sa'yo ang mga papel na pera ko?! Ako ang Anak ng may ari ng Philippine airlines kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganiyan! Bumalik ka sa trabaho mo para hindi kita palunukin ng isang kilong barya!!" Binagsak ko ang map na tila nagdadabog.

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 479K 74
ā—¤ SEMIDEUS SAGA #03 ā—¢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
45.9K 1.3K 79
A man who always play a girl. Hurting every girls feelings, breaking their hearts but what if the day will come that someone with play his feelings...
40.8K 1.1K 84
"Wait the one who is destined for you, don't rush time, right time will come, with the right person and with the right use of love" -Maganda, Matalin...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...