Clash Between Campus Royaltie...

By wonrangkei

370K 9.2K 1K

Cold vs Hot Play Girl vs Snobber Bully vs Cranky Childish vs Casanova War-freak vs Troublemaker They have a c... More

Characters and Prologue:
Author's NOTEU: 📝
• Chapter 1 •
• Chapter 2 •
• Chapter 3 •
• Chapter 4 •
• Chapter 5 •
• Chapter 6 •
• Chapter 7 •
• Chapter 8 •
• Chapter 9 •
• Chapter 10 •
• Chapter 11 •
• Chapter 12 •
• Chapter 13 •
• Chapter 14 •
• Chapter 15 •
• Chapter 16 •
• Chapter 17 •
• Chapter 18 •
• Chapter 19 •
• Chapter 20 •
• Chapter 21 •
• Chapter 22 •
• Chapter 23 •
• Chapter 24 •
• Chapter 25 •
• Chapter 26 •
• Chapter 27 •
• Chapter 28 •
• Chapter 29 •
• Chapter 30 •
• Chapter 32 •
• Chapter 33 •
• Chapter 34 •
• Chapter 35 •
• Chapter 36 •
• Chapter 37 •
• Chapter 38 •
• Chapter 39 •
• Chapter 40 •
Questions for Royalties
Short Announcement
Answers from Royalties

• Chapter 31 •

6K 162 34
By wonrangkei

Chapter 31: How about him?

🔥🔥🔥🔥🔥

Kyle's POV:

Pagkatapos ng araw ng pag-amin ko kay Xana, hindi ko mapigilang mapangiti pagkatapos ng party.

"Lapad ng ngiti ahh" Pang-aasar sakin ni Kuya.

"Manahimik ka dyan, Kuya! Di pa ako nakakamove-on sa nangyare" Sabi ko sa kanya kaya natatawa siyang napailing. On the way na kami pauwi dahil katatapos lang ng celebration.

"Hanggang ngayon pa rin ba, bunso?" Sabi sakin ni Mommy.

"Mom, si Kyle yan eh. At si Kyle, hindi agad nakakamove-on sa isang bagay so malamang sa malamang hanggang bukas pa yan or worse umabot ng isang linggo" Sabi ni Ate kaya natawanan sila.

"But seriously, Son. I'm so proud of you, you man up kid" Sabi ni Daddy kaya napangisi ako.

"You man up, pero tinawag na 'kid'. 'Nu daw, Dad?" Naguguluhang saad ni Kuya kaya nagtawanan kami, mukha kasi siyang monggoloid. HAHAHAHA!

Kinagabihan, hindi agad ako nakatulog. Hindi makatulog I mean, dahil siguro sa nangyare kanina. Nakakatuwa lang kasi, hindi ko aakalain na iyon ang itutugon ni Xana.

Mas naniwala ako na irereject niya ako o kung ano pa man pero haaayyy! Bahala na.

Swerte ko talaga sa mga kaibigan ko, lalo na si Daryl dahil tinulungan niya akong gumawa ng poetry na yun.

Pero napa-isip ako bigla. Tinulungan ako ni Daryl, pero habang tinutulungan niya ako ay may sinabi siya sakin.

Totoo kaya yun?

Pero ayos na rin yun, susuportahan ko na lang si pare. Psh!

**

*MONDAY*

"Good Morning, Mom, Dad, Kuya and Ate" Bati ko sa kanila nang marating ko ang Dining.

"Ganda ng gising ah" Sabi ni Mommy.

"Syempre, Mom. Kahit mageeleven na akong nakatulog kagabi ay ayos lang, kasi kausap ko si Xana" Pag-amin ko kaya kinatyaw nila ako.

"Binata ka na talaga" Sabi ni Kuya.

"Ehh! Ikaw nga nanliligaw pa lang eh" Sabi ko sa kanya.

"Atleast sasagutin ng oo" Sabi niya at binelatan ako pero di ko na lang siya pinansin.

"Kamusta ang panliligaw mo kay Yella?" Tanong ni Dad kay Kuya.

"Ayos naman po, Dad" Sabi ni Kuya sa kanya.

"Kailan ka niya balak sagutin? Halos isang buwan mo na siyang nililigawan tama?" Tanong ni Mom.

"Opo, mag-iisang buwan na po pero kaya kong mag-hintay kaya ayos lang" Sabi ni Kuya.

"Ikaw, Lian. Kamusta na kayo ng boyfriend mo?" Tanong ni Mom kay Ate. Boyfriend niya si Kuya Jehan, yung kaklase niyang Heartthrob.

"Maayos naman ang relasyon namin kaya no problem" Sabi ni Ate.

"Haay! Lumalaki na talaga ang mga anak natin, Kit. Lahat sila ay may kasintahan na" Sabi ni Mom, tumango naman si Dad.

"Mom, si Kuya wala pa" Sabi ko kaya binatukan niya 'ko, bumabawi lang. Hehe!

Pagkatapos ng breakfast, nauna na akong umalis. Wala lang, gusto ko lang ng maaga-aga. Ang sabi ni Xana ay magkita-kita kami sa field kaya dun ako naghintay kasama si Daryl.

Pero syempre, dahil may mga nakakitang taga-Presly ang ginawa ko nung birthday ay naging usap-usapan sa buong campus ang pangyayareng yun.

"Grabe ang swerte ni Xana ano? Biro mo, isang Kyle Verdez ang sinagot niya!"

"Nakakakilig kaya nung tambalan nila, Hot 'n Cold ika nga nila!"

"Hahahahaha! Pero seryoso ah, ang effort nung ginawa ni Kyle"

"Nakatanggap pa ng short poetry si Xana, ang sweet lang"

"Ang unique nga eh, sana all!"

"I agree!"

Napa-iling na lang ako dahil yan ang balita sa buong school. Pero may gusto akong kumpirmahin mula kay Daryl.

"Oy Cabeza, totoo ba yung sinabi mo sakin nung last Thursday?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin. Nagbabasa kasi psh!

"Ang alin?" Geh, magmaang-maangan ka pa.

"Yung sinabi mo? Tungkol kay--"

"Oo, may problema ba tayo dun?" Seryoso niyang tanong kaya napataas ako ng kilay.

"Walang problema, pero bakit di ka umamin? Ang tagal mo na ring tinatago yan, 'dre" Sabi ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya.

"Bakit ko kailangang umamin? Kung una palang talo na 'ko, halata namang hanggang kaibigan lang ang turi niya eh and besides, it doesn't matter. My feelings are nothing but a destruction" Bago ako mag-react, eto muna...

Haba nun ah. Hahahahaha!

"Gago! Lahat ng nararamdaman ng tao ay importante, kasi dun lang natin maipapakita ang gusto nating ipahiwatig sa mga taong nakapaligid satin. Sige nga, kung hindi mo pa sinabi sakin ang tungkol dun malamang kinikimkim mo pa rin yan hanggang ngayon" Sabi ko sa kanya para hindi siya makasagot. Pero maya-maya pa ay nagsalita na siya.

"Pwedeng mawala ang nararamdaman ko para sa kanya kaya wag na lang" Mahinahon niyang saad at binalik ang tingin sa libro.

"Mature ka na ah, infairness" Napatingin ako sa nagsalita, kaagad akong napangiti nang makita si Xana.

"Hi po" Nakangiti kong saad.

"Galang ah, ganyan ba talaga epekto ng drogang Xana Melendez?" Sabi ni Zia kaya nagtawanan sila.

"Hindi naman, naadik lang" Sabi ko kaya kinatyaw nila kami.

"Aga-aga, bumabanat ka ng ganyan. Tara na nga" Naiiling na saad ni Xana at hinawakan ang kamay ko, nagpahila na lang ako sa kanya habang sumusunod ang iba.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong namin sina Adrian, Jevin at Edward kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa classroom.

At dahil katabi ko si Xana, hindi ko na kailangang lumipat ng upuan. Hehe!

"Ayos ka lang?" Tanong ng katabi ko.

"Ayos lang, baket?" Tanong ko sa kanya.

"Namumula tenga mo eh" Walang gana niyang sagot.

"Ang init eh" Pagdadahilan ko pero halatang di siya naniwala. Eh sa totoo lang, ang lamig-lamig nga eh.

"Mainit ba talaga o dahil hawak ko kamay mo kaya ka namumula?" Mapang-asar niyang saad kaya lalo akong nailang.

"Iba talaga epekto mo" Tangi ko na lang nasabi at nagtakip ng mukha. Bahagya naman siyang natawa.

"Hahahahaha!"

"Wala pong nakakatawa" Sabi ko, nakatakip pa rin ang mukha.

"You're cute, Kyle" Nakangiti niyang saad, kita ko kasi hindi naman totally nakatakip ang mukha ko.

"You're cuter" Sambit ko.

"I know" Sabi niya kaya natawa kami.

"May tinatago ka rin palang confidence, I like it" Sabi ko sa kanya.

"Of course, I have a high confidence" Sabi niya kaya napatango ako.

"Edi may lakas-loob ka ring sabihan akong 'I love you'?" Pag-hahamon ko sa kanya.

"Yes, want me to do it now?" Nakangisi niyang hamon.

"Sige nga" Sabi ko kaya tumayo siya.

"Everyone, I have an announcement" Bigla niyang saad. Luh! Gagawin talaga.

"Ano yun, Xa?" Tanong ni Leslie.

"This guy, beside me" Sabi niya at tinuro pa ako na nakanganga.

"Anong meron?" Tanong ni Sav. Tiningnan lang ako ni Xana at nginitian bago magsalita.

"I love you"

**

Hindi ako makaimik dahil sa nangyare kanina. Taas nga ng confidence, hindi ko aakalain na ganun kang kadali para sa kanya yun.

"Ayown! Naputol dila ni Mainit dahil sa sinabi ni Malamig" Sabi ni Zia kaya nagtawanan sila. Nandito kami ngayon sa cafeteria, break time kasi. 30 minutes.

"Ang sweet niyo masyado, pati mga words na dapat kayo lang nakakarinig eh naisigaw pa ni Xa-Xa" Sabi ni Yisa at bahagya pang kinilig.

"Pero wala pa ring forever" Bitter na saad ni Leslie.

"Ampait mo teh! Kain ka nga ng chocolate para naman malagyan ng kahit konting tamis yang katawan mo" Sabi ni Zia kaya tumawa ulit sila.

"Ayoko ng chocolate, masyadong sweet. Di ako sweettooth" Sabi ni Leslie at kumain ng  chicken sandwich.

"Bitter" Bulong ni Xana pero narinig ko kaya bahagya akong natawa.

"Yaan mo na, magkakalovelife rin yan pagdating ng panahon" Sabi ko sa kanya kaya tumango siya.

Paano ko nasabe? Simple lang, kasi--

"Kyle" Napatingin ako sa tumawag sakin, si Daryl.

"Bakit?" Tanong ko.

"We need to talk, privately" Sabi niya kaya tumango ako.

"Private talaga? Bawal kaming sumama?" Tanong ni Jevin.

"Oo, madaldal ka kasi" Sabi ni Zia at tumawa na naman.

"Mas madaldal ka" Inis na saad ni Jevin.

"Pinakamadaldal ka" Dagdag pa ni Zia kaya ayun, nagsagutan na naman sila.

"Bawal kaming sumama?" Tanong ni Adrian sakin pero hindi ako nakasagot at tiningnan lang si Daryl. Siya ang magdedesisyon dahil siya ang may kailangan sakin.

"Pwede" Tipid na sagot ni Daryl at kumain ulit.

"Pero bawal ang mga babae, kasama ka Xana" Seryoso kong saad kaya tumango sila, pati si Xana.

Hinawakan ko ang kamay niya ang pinagsiklop ito, sa totoo lang ang lambot ng kamay niya, hindi rin kahabaan ang daliri niya kaya ang sarap hawak-hawakan.

"Sorry, Xa. Hindi pwede eh" Sabi ko sa kanya kaya tumango ulit siya.

"It's okay, I understand. Maybe a boys talk is in" Sabi niya kaya ako naman ang tumango.

Pagkatapos ng recess, sa tambayan kami pumunta dahil mamaya pa ang susunod na klase.

"Ngayon, anong problema?" Tanong ni Adrian, ang tatay ng tropa.

"I have this weird feelings towards someone" Panimula ni Daryl habang kami nakikinig, naglalaro lang ako ng billiards dito habang sila ay nag-uusap pero syempre sasabat ako.

"Sino muna si 'someone'?" Tanong ni Edward.

"No other than--"

"Eh?! Siya talaga? Bakit siya pa?" Sabi ni Jevin.

"Hindi ko alam, kung bakit si Zianna pa" Sabi ni Daryl.

Yes, you read it right. Si Zianna Ward, ang dakilang mang-aasar ay gusto ni Daryl. Kagulat no?

"I mean don't get me wrong but, akala ko talaga si Leslie eh" Sabi ni Edward.

"But I'm not sure, nalilito ako between Zia and Leslie" Sabi niya kaya napatigil ako sa pagtira gamit ang sarili kong tako.

"P-Pati si Leslie?" Gulat kong tanong.

"Yes, hindi ko alam ang gagawin ko" Sabi niya, hirap ng sitwasyon niya sa totoo lang.

"Ano ba ang dapat niyang gawin?" Tanong ni Jevin samin.

"Simple lang, alamin niya sa sarili niya kung sino talaga ang babae para sa kanya para sa bandang huli ay hindi siya mag-sisi sa pinili niya" Sabi ni Adrian. Grabe! Words of Wisdom is real!

"Pero sino nga ba?" Tanong ni Edward.

"Hindi pa natin alam, pero sana malaman mo na hangga't maaga pa" Sabi ni Adrian.

"Kung ako sayo, pre. Dun ka sa taong una mong nagustuhan, bakit? Kasi siya yung unang nagpatibok ng puso mo. Bukod dun, siya ang unang nagparamdam niyan sayo" Sambit ko.

"Wow! Nagmatured na si Mainit" Sabi ni Jevin pero pinakyuhan ko lang siya at naglaro ulit.

"Pero wag kang mag-alala, 'dre. Tutulungan ka namin" Sabi ni Adrian.

"Naku! Si Snobber Boy nagkakaproblema" Biglang sambit ni Edward kaya nagtawanan kami.

"Tarantado" Sabi ni Daryl kaya lalo kaming natawa.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na kami sa room, kaming dalawa ni Edward. Economic Class kasi ngayon.

Pagkatapos ng dalawang klase, lunch time na. Magkakasama kaming sampu syempre pero hindi pa rin nawala sa pandinig ko ang balita.

"OMG! Ang cute nilang dalawa!"

"Sana may Kyle din ako"

"Gaga! Wala ng ganyang Kyle sa mundo, taken na siya"

"Ang swerte nila sa isa't isa"

"Support natin ang loveteam nila"

"XanYle for the win hahahaha!"

"Oo naman no!"

"Yes naman!"

Napangiti na lang ako at umiling dahil sa naririnig ko.

"Edi sumoporta sila" Walang ganang saad ni Xana, narinig niya malamang.

"Buti nga suportado sila eh" Sabi ko.

Hindi naging tahimik ang table naman, syempre nangunguna si Sav at Edward na laging nagbabarahan pero nauuwi sa fork fight. Hahahaha!

"Nga pala, Kyle. May ipapakilala ako sayo mamaya after class" Sabi ni Xana kaya napataas ako ng kilay.

"Sino naman?" Tanong ko at bahagyang tinabingi ang ulo.

"You'll see" Tangi niyang sinabi bago pinagpatuloy ang pagkain.

Sino naman kaya?

**

Pagkatapos ng klase, gaya ng sinabi ni Xana ay may pinuntahan nga kami na kasama si Xian, kinakailangan daw eh. Kasalukuyan kaming nasa byahe, ako ang nagdadrive dahil ako ang nagprisinta. Ako lalake eh.

"Tapos kumanan ka" Sabi niya kaya pinihit ko ang manibela pakanan. Halos malaglag ang panga ko ng makita ang dadaanan namin.

Quezon Memorial Cemetery

Sementeryo? Ahhhh! Y-Yung parents nila.

"Stop" Utos niya kaya tinapakan ko ang break at pinatay ang kotse, bumaba na rin ako mula driver's seat at pinagbuksan siya ng pinto. Nauna namang lumabas si Xian dahil sa excitement.

"May dala ka palang bulaklak" Taka kong saad.

"Yes, that's why the car smells nice" Nakangisi niyang saad at naglakad papasok. Sinundan lang namin siya nang walang imik dahil tahimik ang lugar.

Maya-maya, tumigil kami sa harap ng dalawang puntod.

"Ma, Pa nice to see you again. Finally kasama ko na si Xian sa pagbisita ko sa inyo" Malumanay na saad ni Xana at pinalapit si Xian sa puntod. Nanatili akong nakatayo at pinagmamasdan ang dalawang magkapatid na kausapin ang mga magulang nila.

"Hi po, mama at papa. Sorry po kung natagalan ang pagbisita ko sa inyo, pero ayos lang po yun di ba? Kasi magkasama na naman kami ni Ate ngayon" Naiiyak na saad ni Xian.

"Hindi na kayo mag-aalala samin kasi magkasama na kami, hindi ko na rin papabayaan si Xian gaya ng pangako ko sa inyo" Sabi ni Xana at nilingon ako.

"What?" Tanong ko pero binalingan niya lang ang puntod.

"Nga pala, may kasama pa kami" Sabi ni Xana at sinenyasan ako na lumapit, kaya lumuhod ako at tumapat sa dalawang puntod.

"Hello po, Mr and Mrs. Melendez nice to meet you" Magalang kong saad.

"This guy, right here is my boyfriend, Kyle. Hindi niyo man siya nakilala ng personal pero alam kong masaya kayo para sakin dahil sigurado akong hindi ako papabayaan ni Kyle" Sabi ni Xana at hinawakan ang kamay ko.

"Wag po kayong mag-alala, kaya ko pong alagaan ang anak ninyo pati na rin ang kapatid niya" Sabi ko sa kanila, bigla namang umihip ng malakas ang hangin kaya bahagya kaming napapikit.

"Pasensya na, mama at papa pero kailangan na naming umalis. Dumidilim na rin kasi, paalam" Sabi ni Xana at niyapos muna ang dalawang puntod bago tumayo, ganun din ang ginawa ni Xian kaya tumayo na rin ako.

"A pleasure to meet you, Tito and Tita" Sabi ko at nagbow pa bago umalis.

Hinatid ko ang dalawang magkapatid bago umuwi sa bahay. Tinanong ako ni Mom kung saan ako galing at sinabi kong pinakilala ako ni Xana sa parents niya. Napangiti na lang siya kaya umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

"Grabe Kye! Ang daming nangyare ngayong araw, uhhh hindi naman gaano pero parang nakakapagod" Sabi ko sa aso ko na tinahulan lang ako.

Nagpalit ako ng pajamas at humiga na sa kama, tinitigan ko na lang ang kisame dahil wala akong magawa para antukin.

Pero bigla akong napa-isip.

Sino ba kina Zianna at Leslie ang totoong nagugustuhan ni Daryl?

Nung una, akala ko kasama si Xana sa options niya dahil madalas kong nahuhuli si Daryl na nakatingin kay Xana. Inamin niya sakin na nagkacrush siya kay Xana pero hindi rin naman na umabot ng pagkagusto kaya kampante na 'ko.

Pero ang naisip ko na magugustuhan ni Daryl ay si Leslie, si Leslie lang wala nang iba.

Bagay naman sila eh.

Naku! Mukhang silang dalawa naman ang kailangan naming tulungan.

Kung sakali mang maconfirm na ni Daryl ang babaeng nagugustuhan niya ay dun lang namin siya tutulungan.

Dahil sa ngayon, mahirap ang sitwasyon niya lalo na't magkaibigan ang dalawa.

And honestly, yang si Daryl. Kahit ang tahimik at masungit, may hidden personality yan.

Ano yun?

Simple lang, hindi siya loyal.

Kaya dala-dalawa ang nagugustuhan niya. Kaso sana, malaman na niya ang babaeng unang nagpatibok ng puso niya.

Tsk! Hirap ah.

******

To Be Continued...

_______________________________

Woookeeeeey! Yan na yung update, sana magustuhan niyo huehue.

Yun lang!

Jal ga, Yeoreobun!

Continue Reading

You'll Also Like

14.5K 1.9K 35
"It's not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good." -Whyrhus Alcomendras A/N: Places, and Scenario...
13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
97.7K 3K 30
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
150K 270 3
Alcantara Series #2 Kendrik Smith Alcantara's Story