Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 113K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 60

62.4K 1.6K 140
By Ineryss

One Mistake

Hindi ko nalang binanggit kay Israel ang naging sagutan namin ni French sa classroom. Hindi ko rin alam kung anong plano niya sa aming dalawa ni Israel. Umiiwas nalang ako sa kanya sa eskwelahan lalo na't hindi niya rin naman ako pinapansin.

Noong matapos ang midterm, nangako si Israel sa akin na magbabakasyon kami sa isang Resort kaya naging ganado ako.

Pinagliligpit ko ang mga dadalhin ko sa pupuntahan naming Resort. Isang long dress na straps ang ipinasok ko sa maliit kong bag at mga sunblock. Sinigurado ko ang mga personal kong gamit at ako narin ang naghanda ng dadalhin ni Israel.

Lumabas rin naman ito sa banyo at kinukusot na ang kanyang buhok. Nauna kasi akong maligo sa kanya. Minsan naman sabay kami pero minsan ay mag-isa lang ako lalo na pag may mga lakad kami dahil natatagalan kami sa loob pag kaming dalawa. Minsan ay lumalagpas ng tatlong oras...

"Nahanda ko na ang gamit mo." Proud kong anunsyo sa kanya at itinuro pa ang bag ng pinaglagyan ko sa kanyang kama.

Ngumisi agad ito at lumapit sa aking tabi. Sinilip niya ang loob noon at nakontento naman sa kanyang nakita.

"Wife material..."

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at ngumiti na.

"Marami pa akong kailangang matutunan 'no."

Mas lalo lang lumaki ang ngisi ni Israel.

"Ano pa bang gusto mong matutunan?"

Napisil ko ang aking pang-ibabang labi at nag-isip na.

"Hmm... Pag-aalaga ng bata? Parang makukulit kasi ang mga anak natin."

Humalakhak siya.

"Seryoso nga! H'wag kang tumawa..." Sumimangot ako at hinagilap ang kanyang mga mata..

"It's just that you're so adorable. Can't help it..." Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.

"Totoo naman kasi! Uso ang divorce ngayon, Israel. Pag di tayo nagwork-out bilang mag-asawa doon tayo mahuhulog."

"Sa isa't isa lang tayo mahuhulog," aniya at umangat pa ang kilay.

"Posible tayong mahulog sa ganoon." Marahan ko siyang itinulak at humarap ulit sa aking ginagawa roon sa kama.

"Ba't tayo mahuhulog doon?" Nagkasalubong na ang kanyang kilay at mukhang interesado na sa aking sagot.

"Kasi wala pa akong masyadong experience sa ibang bagay."

"Edi makikipagdivorce ka dahil lang doon?" tanong niya at nafufrustrate na naman ata.

Humalukipkip ako nang umupo siya sa kama. Inabot niya ang aking baywang at doon humawak.

"Makikipagdivorce ka sa'kin pag ikinasal na tayo? You're planning to break up with me? How about our kids?" Magkasalubong na naman ang kanyang kilay habang nililingon ako.

"Hindi sa ganoon. Uso ang divorce-"

"At makikiuso ka?" putol niya pa sa akin.

Haynako Buenaventura. Minsan rin talaga ang hirap mong kausapin.

"H'wag na nga lang tayong magtopic ng tungkol sa divorce." Nailing ako at nasuklay na ang aking buhok.

"Dahil hindi naman talaga tayo magdidivorce," si Israel na pinoproblema ang maliit na bagay.

"Di nga tayo magd-divorce."

"Hindi talaga. I'm not going to sign it even if you beg for it." Sinuklay niya paatras ang kanyang buhok at iba na ang timpla ng kanyang ekspresyon.

Ano ba 'yan... Wala kaming pinag-aawayan na malalaking bagay pero iyong ganito kaliit talaga ang nakukuha naming pagtalunan. Paano rin ako maiinis kung nakakaaliw siya?

"Hassle rin kaya ang divorce, Israel," pag-oopen-up ko ulit nang nasa kotse na kami.

"Are you really expecting us to divorce someday?" Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.

"Di mo talaga gets." Humalukipkip ako sa aking upuan. "Kanina... Ang sabi ko gusto kong maging handa sa pagiging asawa mo dahil natatakot ako na baka magdivorce tayo dahil di nagwork-out." Naggesture na ako at pilit iyong pinapaintindi sa kanya.

"Ba't di tayo magwowork-out? Besides, if you fall out of love, I'll make you fal for me again. That's easy."

"Oo na nga! Di tayo magdidivorce someday." Tumawa ako.

Mahaba ang byahe lalo na't sa Samal Island ang balak namin dahil nandoon daw ang magandang Resort dito sa Davao. Ang Pearl Farm.

Noong dumating kami, napagtanto ko na maganda nga. Pakiramdam ko nasa ibang bansa ako. Kumuha pa ng isang room si Israel at excited ako na maligo sa infinity pool nila dahil maganda ang view roon. Tanaw na tanaw mo ang malawak na dagat.

"Mag-oovernight tayo?" tanong ko kay Israel habang inaayos niya ang mga gamit namin sa room.

"We will," aniya at nagpatuloy sa kakahalughog doon.

Ngumiti ako at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Ang perfect ng araw na 'to—

"You forgot to bring some of my boxers?" tanong niya na ikinalingon ko agad sa kanya.

"H-Huh? Wala ba?" Naglakad ako malapit sa kanyang dako.

Tumango siya at binasa na ang pang-ibabang labi.

"Yun ang hindi mo nadala."

Kinabahan ako at kinalkal narin ang loob ng kanyang bag. May mga sweatpants niya akong dinala, cotton shirts, sunblock, showergel niya, toothbrush, at personal niya pang gamit pero iyong boxer... W-Wala.

Sumimangot ako at nadismaya.

"Did you purposely forget them?" At ang kapal niya sa parteng ito!

"H-Hindi ah... Akala ko kasi nalagyan ko na..." Napabuga ako ng mahabang hangin at natampal ang aking noo. "Palpak. Sabi ko naman sa'yo marami pa akong kailangang matutunan bilang asawa mo."

Humalakhak siya at hinila ang aking baywang.

"But it doesn't mean we're going to divorce just because you don't have any experience... Di naman trabaho ang papasukan mo, Trace. You're going to be my wife. Anak lang ang hinihingi ko sa'yo at wala ng iba. I don't care if you burn our kitchen. I don't care if you forgot my boxers and misplace our things. I don't fucking care if you're bad at everything. Iyong pinakasalanan mo ako... doon palang ay ang laking bagay na para sa'kin." Hinaplos niya ang aking pisngi at mataman na akong tiningnan.

Ngumuso ako. Boxers lang naman sana pero...

"Marunong ako magluto, maglaba at magplantsa 'no!" sabi ko.

"Ah... You're just forgetful..." Pang-aasar niya at ipinagsalikop ang aming mga kamay habang lumalabas na ng room para makagala.

"Ngayon lang naman. Nawala sa utak ko ang boxers mo."

Yumuko siya at nakangising bumulong sa aking tainga.

"I'll think you purposely forgot them coz you want an easy access to my..."

Namilog ang aking mga mata. Humalakhak si Israel habang pulang-pula ako at hinampas ang dibdib niya.

Doon lang yata kami kumalma nang makarating sa pool. Naka bikini na ako sa loob ng aking see through na puting dress at sa ganda ng pool area, halos mamangha ako.

"I'll gust get your sunblock," aniya na ikinatango ko.

"Doon lang ako ha." Itinuro ko ang lounge chairs.

"Sige na..." Itinulak ko ng bahagya ang kanyang dibdib at natatawa na akong umalis. Nagkasalubong pa ang kanyang mga kilay habang sinusundan ako ng tingin.

Umalis rin naman ito. Umupo ako roon sa bakanteng lounge chair. May parang malaking payong naman ang tapat noon para di ganoong mainit. Ipiniko ko ang isa kong paa at iyong isang paa lamang ang namamahinga.

May dumaan na mga grupo ng lalake at tiningnan pa ako. Iyong isa ay siniko ang kanyang kaibigan at nginuso ako kaya ang tingin rin noong tatlo ay nasa akin na.

"Hi Miss!" Kumaway sa akin iyong isa kaya pasimple nalang akong nag-iwas ng tingin.

"Di ka type!" Humalakhak iyong kaibigan niyang nakaitim ng trunks. Lahat sila ay topless at nakatrunks at mukhang kakaahon lang sa pool dahil sa mga katawan nilang basa.

Nagulat ako nang nagtungo na sila sa aking harapan. Ang view ng pool area ay tinakpan na nila.

"Ilang taon kana Miss? Mukhang kaedad ka lang namin ah? Gusto mong sumama sa amin? Mag-isa ka lang dito oh..." Hirit noong may maiksing trunks at pilyo ang ngiti.

Umiling lang ako sa kanila at tipid na ngumiti. Nagkatinginan pa sila at mukhang ayaw paawat.

"Ayaw mo? Sige na. H'wag nang pakipot." Hinagod ako ng tingin noong isang lalake at siniko niya pa ang kanyang katabi.

"May kasama kasi ako," tanging sambit ko hanggang sa makita ko nga ang madilim na ekspresyon ni Israel sa kanilang likuran. He towered the four boys like he's more mighty and masculine. Walang wala ang tindig ni Israel sa apat na nagmukhang typical college boys hindi kagaya niyang sobrang manly na ang dating at itong mga apat ay nasa stage pa ng puberty.

"Kasama? Sus iwan mo na 'yon. Iniwan kang mag-isa rito oh."

"Oo nga! Pabayaan mo na 'yon. Sa amin ka nalang sumama mas maaaliw ka pa namin!"

"Oo nga miss! Sayang yang ganda mo kung mag-isa ka rito!"

Umangat ang kilay ni Israel sa likuran at humalukipkip na roon. Ngumuso ako at nagpigil ng tawa dahil sa pagdilim ng kanyang mga mata at pinapakiramdaman lang ang apat sa kanyang harapan.

"Ah... my fiancee just talked to my four punching bags today," si Israel na natatarantang ikinalingon ng apat sa kanya.

At si Israel, akala mo sasabak sa suntukan nang hinila niya sa likod ang suot niyang t-shirt hanggang bumalandra ang malaki niyang katawan. He looked so massive and...hot.

"A-Ah... M-May kasama ka pala..." Iyong isang lalake at hilaw na natawa sa akin habang kinakamot ang batok.

"Mukha bang tourist attraction ang fiancee ko at dadayuhin niyo?" Isa isa niyang tiningnan ang apat sa madilim at matalim niyang mga mata na ikinasindak agad nila.

Wala pang limang sigundo ay mabilis ng nagsialisan ang apat at tumakbo na palayo sa amin. Sinundan pa ito ng tingin ni Israel at sobrang nagkasalubong na ang kanyang kilay.

Umangat ang kilay ni Israel at sinundan sila ng tingin. Natatawa ko siyang hinila sa gilid ng lounge chair.

Sinimulan niya akong lagyan ng sunblock habang naaliw ako sa kanyang phone lalo na't kinukuhanan ko ng picture ang paligid. Hinawakan ko rin ang pisngi niya at p-in-icturan ang mukha niya habang hawak ko iyon.

Noong mga hapon na kami naligo. Panay lang ako angkas sa kanyang likod at minsan ay sumisigaw pa ako pag pumupunta kami sa malalalim na parte.

Sa jacuzzi rin naman kami ng aming kuwarto tumambay noong gabi na. Papalubog na ang araw at ang ganda ng pagbabagong kulay ng langit na nagiging purple na.

The color of the sky at night when the hues were mingling with the darkness will always remind me of Israel's shade—a beauty in the middle of its chaos.

"Ang ganda 'no..." bulong ko.

"Parang ikaw lang at ako..." Niyakap niya ako galing sa aking likuran at hinalikan ang exposed kong balikat. Nakabikini lang rin kasi ako total kami lang namang dalawa rito.

"Huh?" Nilingon ko siya sa aking gilid. Nakasuklay paatras ang basa niyang buhok pero sa gilid noon ay naroon na naman ang iilang hiblang nagrerebelde sa kanya.

"Imagine the city without lights, Trace."

"Uhm... Madilim."

"Exactly. Imagine my world without you. Imagine my life without you." Namungay ang kanyang mga mata sa akin.

Nangingiti ko siyang nilingon. Yumuko siya at hinagod ng halik ang aking labi. Namumungay ang mga mata kong humalik pabalik habang ang aking kamay ay nasa kanyang balikat na kumapit.

Hinaplos niya ang aking baywang at mas hinila ako hanggang madiin ako sa kanya habang lumalalim ang hagod ng kanyang halik.

It felt so romantic. Sa tuwing kasama ko si Israel, pakiramdam ko ay ginagawa niyang langit ang paligid at nakakatakas ako sa magulong mundo. Na nasa hardin kami at napapaligiran ng bulaklak. Na walang makakapanakit sa akin hangga't siya ang kasama ko.

"Israel," daing ko nang pagkapasok sa aming kuwarto, tuloy tuloy agad ang halikan namin.

Sanay ako na marahas si Israel sa kama. Pero ang pagiging marahan niya sa gabing iyon, ang nakakapaso niyang mga hagod habang nakaupo siya sa sofa at nakasandal ko sa kanyang dibdib habang nakabukaka, halos makita ko sa malaking salamin ang namumungay kong mga mata nang tuloy tuloy ang galaw niya sa mabagal na paraan.

Tumingin din siya sa salamin. Ang dim na kuwarto ay parang sumanib kay Israel dahil madilim siyang tingnan, tila ba demonyo na nang-aakit ng anghel habang hawak ng isa niyang kamay ang aking dibdib, at ang isa ay humahaplos sa aking gitna.

Ang makita ang sarili ay may kakaibang hatid sa akin. I've never seen myself this sensual. Ngayon lang. Tila ba lasing, halos sinikap kong dumilat para patuloy kaming mapanood doon.

"So you like this kind of kink?" he chuckled against my ear.

Kahit ang tinig ni Israel, nagpapadagdag lang ng init ng katawan ko.

Pinosisyon niya ang sarili na makikita kami lalo roon. Hiyang hiya ako nang malinaw kong nakita ang kanya nang sunod sunod agad ang kanyang galaw.

Hindi ko na yata nabilang kung ilang beses namin iyong ginawa lalo na't pagod na pagod na ako noong humiga na kami sa kama.

"How's your bratty sister?" tanong niya habang marahang humahaplos ang kamay niya sa aking braso.

"Ayos lang naman..."

"Di ka inaaway?"

Sa mga nagdaan na araw... hindi naman. Kinakabahan nga ako kung ano iyong tinutukoy niya pero sana huwag lalong lumala.

"Hindi naman..."

"Isumbong mo sa akin pag inaway ka," aniya at akala mo ay bata ang kausap niya.

Tumawa ako. Ano ako bata na kailangang magsumbong?

"Oo nga pala... Gusto nga ni Papa this month umuwi na raw ako sa bahay."

Iyon ang kumuha ng buo niyang atensyon. Nagkasalubong pa ang kanyang kilay at interesado na sa aking sinabi.

"So... Uuwi kana?" Nahimigan ko agad ang lungkot sa boses niya.

Tumango ako at malungkot na napangiti. Hinaplos ko ang kanyang panga. Ang kanyang mga mata ay nanatili sa akin habang nakaawang ng kaonti ang basa niyang labi.

"Baka namimiss narin ako ni Papa, Israel. At baka ito ang maging daan na magkaayos rin kami ni French... Baka kailangan ko lang siyang suyuin..."

Umirap agad siya nang marinig ang tungkol kay French.

"One mistake..." aniya at dumilim agad ang kanyang mga mata. "Isang pagkakamali lang at babawiin talaga kita sa mga Chua."

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
790K 40.7K 61
• BOOK LAUNCH on April 25-28 at the Philippine Book Fest • Featured in WattpadRomancePH's Official Reading List! •Highest Ranking: #1 Savior *** One...
3.4K 268 15
It was love. Race Eleyn Miriazo knew that it wasn't a typical moment of time. It was a season of butterflies and sunrise. Their feelings were at the...
90.5K 5.3K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.