LEKSYON

By PrincessSofiaCorteza

40 5 2

One great lesson I learned from my life: Smile like you've never cried. Fight like you never lost, Love like... More

Leksyon

40 5 2
By PrincessSofiaCorteza

Nabubuhay tayo sa daigdig ng pag-mamahalan.Mula sa paggising sa umaga patungong pagtulog sa gabi,nagmamahal tayo dahil nagsasalita at nakikipag-usap tayo.May taong nagmamahal sa hindi dapat mahalin,may mga taong kahit na tutulog ay nagmamahal parin sa kanilang panaginip.Minamahal din natin ang kinakausap sa ating pag-iisa o kahit may kaharap pa tayong iba.Kaya masasabi kong walang panahong hindi tayo nagmamahal ,dahil sa pagsasalita pa lang natin malakas man o mahina,pabulong man o sa isip lamang.At syempre ,sa pag sasalita gumagamit tayo nang emotion katulad na lamang nang pagmamahal.Ngunit,ano nga ba talaga ang pagmamahal?

"Uy,ano yang sinusulat mo Tiffany?" sabi ni Savior Srite ang aking kaibigan simula ng nagtapos ako ng college at ka trabaho ko sa America na isang Pilipino na may lihim na pagtingin sa bestfriend kung si Annie De Lavega.

"Sinusulat ko lang kung gaano ka halaga ang pagmamahal sa tao, Save."

"Iba talaga pag-inlove ka oh mapapasulat ka talaga."
pang-a-alaska niya sa akin na may pangiti-ngiti pa kaya pinatikim ko ng batok.

"Tumahimik ka nga alam mong nag-iisip ang tao eh!"
"Ma kabatok ah di mo ako boss? Act properly nandito patayo sa conference room.Sasabihin ko lang naman po na wagas makatawag ang bestfriend mo sayo,yan kasi lutang yang utak mo kaya di mo naririnig." Sabi nito sabay abot ng cellphone ko sa akin.

Pag ka hawak ko pa lang ng cellphone ko agad kung nakita sa skype ang bestfriend kung loka na tinuturing ko nang totoong kapatid simula nang iligtas ko siya sa mga bully noong gradeschool palang hanggang sa naging sobrang close talaga kami noong college na hindi na kami mapaghiwalay.

"Hi Tiffy,Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi, Alam mo ba miss na miss ka na ni Allen, Ikaw lagi ang bukang bibig sa akin. kumain ka na ba?, natutulog ka ba nang maayos?, mahal mo pa ba daw siya o may iba ka na ? ang advance nang utak niya,Tiffy parang praning na dito." Sabi niya sa akin with hand gestures at make faces pa.Natawa ako sira talaga to.

"Hello rin sayo noh.alam mo naman ang sagot diyan diba pina-intindi ko naman na sa kanya. Na matatagalan pa talaga ako dahil may 2 years contract pa ako dito bilang isang exchange secretary ni Sir Srite." Pagpapa liwanag ko ulit sa kanya nang may mahinahon at mababang boses na may diin sa bawat salita.

"Nag chat naman kami at nag video call kanina lang at Ann please lang pakihinaan yung boses mo nandito ako sa conference room nakakahiya sa boss ko."

"Ay sorry Tiffy na carried away lang ako."paghingi niya nang pasensiya sa akin.

"So kumusta yung ibinilin ko sayo ? May umaaligid bang mga hayop di yan.Katulad ng mga higad at ahas sa nobyo ko? " 

"Wala pa naman, alam mo naman ako makikipagpatayan talaga ako kung sino ang mangaagaw ng sayo." Sagot niya sa tanong ko bago ako nagpaalam ay nagbigay habilin ako ulit sa dapat gawin niya sa nobyo ko, na diyan lang siya sa tabi nito upang maiwasan ang dapat iwasan.

"Hi babe, kamusta ka diyan?" I said it with a faint smile on my face.

"Okay lang naman pero nami-miss na kitang kasama. Pasalamat na lang talaga ako at nandito si Ann kundi nasa mental na ako. " sabi niya sa aking. Nakita kung inaantok na siya kaya nag paalam na kami pareho.

Lumipas ang dalawang buwan na hindi na ako na katawag dahil sa napaka busy kung schedule dahil pinatrabaho ni sir sa akin ang lahat ng report sa pag export nang food products sa ibang bansa, perma dito, pa perma doon kaya pagod na ako pagka-uwi ko sa apartment. Kaya hindi na ako naka chat at naka skype kay Annie at Allen ngunit pinapadalhan naman nila ako nang mga photos na sila lang dalawa ang magkasama at wala nang iba at pati na rin videos, katulad nitong pinapanood ko ngayon. "Uy Allen tingin ka naman sa gilid mo para malaman mong nandito lang ako sa tabi mo." Sabi ni Annie sabay lapit nang daliri na may icing sa mukha ni Allen. "Ano ba Annie."sagot nito na may galit at biglang ngumiti at naghabulan silang parang mga bata.

Siguro kung nakakamatay lang ang tingin malamang sa malamang ay patay na silang dalawa sa titig ko. Kasi sa panonood ko palang sa video a-akalain ko talagang magkasintahan silang dalawa dahil kong magtitigan sila sa isa't isa napaka inlove. Hindi ito maaari kailangan ko na talagang bumalik sa madaling panahon.

"Tiffany wag kangang pa dalos dalos,umayos ka nga! "sita sa akin ni Savior ng pinakita ko sa kanya ang video at I-kweninto ko ang hinala ko.

"Savior , pinakita ko sayo.Nakita mo naman diba? Kitang kita ko na may kakaiba na sa kanila ano ang gagawin ko tutunganga lang ! Tu-tunganga lang na yung bestfriend ko at yung boyfriend ko ay niloloko na ako!" 
Dinuro ko si Savior at yung sarili ko.

"All my life, Savior I been so good to them at ga-ganituhin lang nila ako ,hindi ako makakapayag. Tapos na tapos na talaga ang pagiging bulag ko!"

Bulalas ko sabay lagay nang gamit sa maleta nang walang ka ayos-ayos.

"Fine,sasamahan kita baka anong gawin mo doon!"
-

Nang nakalapag na ang eroplano ay madali kaming sinundo ng driver ni Savior.
Tapos pumunta ako sa condo ni Allen na kasama si Savior at doon ko nakita kung paano naging totoo ang mga hinala ko,kung paano gumuho ang mundo ko. Nakita ko ang mga gamit na hindi sa akin, nakita ko ang mga picture na nakatago sa lalagyan ko nang aming masayang memories na mag kasama ang dalawa. May nakita ako, yung isang litrato kung saan naghahalikan sila sa isang resto.Mga hayop sila, mga wala silang puso't kaluluwa. Simula sa araw na ito ipinapangako ko na magbabayad sila at sisiguraduhin kong hindi ako iiyak sa huli.Nandito si Savior sa tabi ko hinahagod yung likod ko at binibigyan ako nang lakas upang harapin ito,kino-comfort niya ako.

Pagkatapos kung makumperma ang totoo nakipagkita ako sa kanila sa Jollibee kasi nandoon na sila at sinabi ko sa kanila na nakauwi na ako sa magiliw na boses.Saktong pagbukas nang pinto bumungad sa akin ang sweet na mag-syota.

"Hi Tiffy I miss you "mag kasabay na sabi nila na nagkatawanan pa. "I miss you both." I said it with a smile in my face.

Nang maka upo na kami ay naging awkward na ang paligid at sa hindi inaasahang pangyayari ay sabay pa kaming tatlong tumayo pero sa magkaibang pakay. Si Allen ay mag-oorder ng kakainin namin at kaming dalawa naman ay papuntang CR.

"Mahal mo ba ang syota ko?"

tanong ko sa kanya nang may galit sa mga mata pati narin sa boses ng nasa loob na kami nang cr.

" Kitang kita ko sa tingin mo sa kanya.Please lang Annie. Wag kang malandi. Alam ko na ang lahat.Wag kang tanga dahil hindi ko siya papakawalan." Sabi ko sa pagalit na boses hangang sa maging normal ito.

" Dahil unang una ay hindi ko siya naging pagmamay-ari.Sa tawagan,oo.Pero sa puso't isipan niya ay ikaw ang mahal niya.Please lang,Annie.Piliin mo ang lalaking nararapat sayo at wag kayong mandamay ng ibang tao dahil may puso rin ang niloloko ninyo,nasasaktan din." Sinabi ko ito sabay alis sa restroom.

Sa pagbalik ko tinapos ko na ang lahat ,I broke up with Allen. Hindi ako nagalit ngunit pinalaya ko na ang taong hindi kailanman naging akin. Sa pag hakbang ko palang nang isang paa paalis nang Jollibee may napagtanto ako sa aking sarili . Hindi si Allen ang totoong pag-ibig  ko kundi ang lalaking dumamay sa akin simula pa noong mga estudyante palang kami.

-

"May sasabihin sana ako sayo,Tiffany Racay.siguro ito na ang tamang panahon na malaman mo ang tunay kong nararamdaman para sayo.Mahal kita. Hindi bilang kaibigan,kundi mas higit pa roon. Alam kong wala ng hadlang sa ating dalawa kaya hayaan mo muna akong palipasin ang panahon .Takot akong maging isang panakip-butas mo lang,Tiffany.Kaya sana sa panahon na tatanungin kita kung pwede na ba kitang ligawan at maging girlfriend ,sana ay alam mo na sa puso't isip mo ang sagot. "

Hindi ko mapigilan ang ngumiti bilang pagpapasalamat niyakap ko siya tapos hinawakan ang kanyang kamay upang iparating ang sagot ko.

"Thank you Savior,you are really my second savior in life syempre una parin si papa God dahil mas nakahihigit siya sayo. "

"Of course Tiffy, you silly girl. Pa salamat ka talaga mahal kita kung hindi di talaga ako papayag na maging second option mo lang. I'm your knight in shining armour  because I Savior is your man."
He proudly said that and I laugh like I never cried at all.

One great lesson I learned from my life:

Smile like you've never cried.

Fight like you never lost,

Love like you've never been hurt and live like you'll die tomorrow.

And also there is no market for your emotions so never advertise your feelings just show your attitude towards life.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
656K 50.3K 34
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...