MR MISTRESS

BDHOSME

24.3K 193 16

Merong isang special mission sa sarili niya si Lizette, ang buuin ang nasirang pamilya ng pinakamamahal niyan... Еще

MR MISTRESS

24.3K 193 16
BDHOSME

Mr. Mistress

03/13/2008

Merong isang special mission sa sarili niya si Lizette, ang buuin ang nasirang pamilya ng pinakamamahal niyang kuya. Magagawa niya kung paglalayuin niya ang kanyang sister in law at ang lalaki nito.

Pero ano ang gagawin niya kapag nalaman niya na ang sinasabi niyang lover ng hipag niya ay ang ultimate crush niya?

1

5 years ago...

Sa pintuan pa lang ay rinig na rinig na ang ingay sa buong coliseum habang dinadaos ang isang fashion show ng isang sikat na clothing company. Napatakbo si Lizette, kasama ang boss niyang bading na si Trofer sa harapan ng stage nang maglabasan na ang mga lalaking models.

Napatili ang dalawa nang makita ang nagkakaguwapuhan ng models suot ang damil ng clothing company. Napatingin si Lizette sa isang guwapong model na may suot na black jacket at jeans at may bandana sa leeg. Grabe ang cute naman nitong lalaking ito. Ang ganda-ganda ng mga mata niya, ang sexy pa ng lips niya at saka ang ganda ng katawan, hunk na hunk.

Inalis ng model ang bandana na nasa leeg niya at inihagis ito sa audience, walang kamalay-malay si Lizette na nalaglag sa mukha niya ang bandana.

'Wow ang swerte mo!' sabi sa kanya ng kanyang boss.

Agad niyang kinuha ang bandana at inilagay ito sa bulsa niya.

Sa lobby ng coliseum ay naglalakad si Lizette habang hininhintay ang boss niya na may kausap pa sa loob ng coliseum. Sa isang gilid ng lobby ay namataan niya ang lalaking model, nakasuot na ito ng putting T-shirt bitbit ang kanyang back pack at may kausap sa celphone, "Ano bang sasabihin mong importante? Nasaan ka ba?"

Kinuha ni Lizette ang bandana sa bulsa niya, lalapit sana siya sa lalaki nang biglang lumabas ito ng lobby, "Lalabas lang ako, mahina ang signal ditto eh." Sabi niya sa kausap niya sa phone.

L Lumabas naman ng coliseum si Trofer at lumapit kay Lizette, "Hoy bakla, pasensya na ha, may kinukulit lang akong kliyente sa loob."

"Ah, okey lang po."

Napansin ni Trofer ang bandana na hawak ni Lizette at kinuha niya ito, "Hoy paamoy nga, mabango ba. Wow ang macho ng amoy."

Ngumiti si Lizette, "Sir talaga oh."

Sinauli ni Trofer ang panyo sa assistant niya, "Oh ayan, baka magalit ka pa sa akin."

Ibinulsa uli ni Lizette ang panyo.

"Ano, halika na."

"Sige po." Sabi ni Lizette.

Ibinaba si Lizette ng boss niya sa tapat ng bahay nila, nagulat siya ng makita ang isang babae na palabas ng gate ng bahay nila.

"Sino ka?" tanong niya sa babae.

Isang parang may pagkainis na tingin ang ibinigay sa kanya ng babae at saka ito lumabas ng gate ng bahay nila.

Pagpasok niya sa bahay nila ay namataan niya sa salas ang kanyang tatay at nanay na galing pa sa probinsya, ang kanyang kuya na may kausap na may edad na lalaki na nakasuot ng uniporme ng pulis, "Dapat pag-usapan na natin ito, ayoko namang kung kailangan lumolobo na ang anak saka niyo pag-susuotin ng traje de boda."

"Wag po kayong mag-alala, ipapaayos natin yun." Nagmano si Lizette sa kanyang ina at ama, "Siyanga pala, ito po yung bunso naming si Lizette.'

"Ah, siya ba ang maid of honor?" sabi ng lalaki.

'Maid of honor?' tanong ni Lizette sa kanila.

"Am... ikakasal na kasi ang kuya mo." Sabi ng kanyang ama.

"Kasal?"

"Mamaya na lang naming ipaliliwanag sayo, anak. Pumasok ka muna at magpahinga sa kuwarto mo."

Pumasok sa loob ng kuwarto niya at napaupo sa kama niya, Ano na ba ang nangyayari, yung babae kaya na yun, ang pakakasalan ni kuya. Tumayo siya sa kama at sumilip sa bintana, nakita niya ang babae na nasa gate at may kausap sa celphone niya na parang umiiyak. Sino kaya siya? Bakit kaya ngayon ko lang siya nakita? Girlfriend kaya talaga siya ng kuya ko?

"Ano ba talagang nangyari? Anong kasal?" tanong niya kanyang mga magulang.

"Mahal ko naman talaga siya, at willing akong panagutan siya." sabi ng kuya niya.

Binatukan ng nanay niya ang kanyang kapatid, "Mahal ka riyan, ang sabihin mo gago ka. Kahit kailan sira ulo ka talaga, muntikan ka ng makulong dahil sa kasong rape dahil diyan sa ginawa mo. Ayoko mang ipakasal ka, pero ano pa ba ang choice naming, kesa naman makulong ka."

"K-kuya ng rape ka?"

"Hindi rape yun, nalasing siya, sinamahan ko lang tapos yun na.... Malay ko bang may na bubuo rin pala sa minsang ginawa."

Pinaghahampas ng nanay ni Lizette ang kanyang kapatid, "Ang tanga-tanga mo talaga, ang inisip mo lang kasi ay ang magpasarap!"

Inawat ni Lizette ang kanyang ina, "Nay tama na."

"Wala na tayong magagawa." Sabi ng kanilang ama, "Ituloy na lang natin ang kasal. Sumunod na lang tayo sa kanila, tutal andiyan na yan."

"Naku, ganon na ba ako katanda para maging ninong sa kasal na yan."

"Ayaw mo ba, pasensya na ha, wala kasi akong makitang iba eh."

Tinapik ni Trofer ang balikat ng assistant niya, "Okey lang yun noh. Hay, kung ako rin naman kasi riyan sa nanay mo, baka hindi lang batok ang abutin sa akin niyang kuya mo. Aba'y tignan mo nga naman, Dubai na naging bato pa."

"Mahal daw niya kasi kaya di niya napigilan."

"Mahal? Ang sabihin, mapagsamantala lang talaga siya, pasensya na Lizette ha, pero naaawa lang talaga ako sa mga magulang mo. Ang laki ng hirap nila sa probinsya para pag-aralin kayo rito sa Maynila, umasa pa naman ang nanay mo na sa isang buwan makakalipad na siya sa Dubai pero mas bibigyan lang pala niya kayo ng mas malaking problema."

"Ganon daw ka siyang mainlove di niya kayang pakawalan." Sagot ni Lizette.

"Ano bang tingin mo don sa babae?" tanong ng boss niya sa kanya.

"Maganda naman siya."

"Hindi yun, mukha bang mabait."

Nagkibit balikat si Lizette, "Ewan ko."

"Anong ewan ko? Wala ka naman bang vibrations sa girlalet na yun. Kung ano man yung feelings niya sa mga pangyayaring ito."

Naaalala ni Lizette yung nasilip niya ang babae sa may bintana na umiiyak at may kausap sa celphone niya. napailing si Lizette, "Hindi ko alam, di ko naman kasi masyadong nameet rin yung babae. Wala akong idea." Sagot ni Lizette.

Niyaya si Lizette ng kanyang boss sa isang bar sa Libis, kasama ang iba nilang kasamahan. Medyo naiilang siya dahil first time niya lang magpunta sa ganong lugar. Umupo sila sa isang table at habang nag-oorder ang mga kasamahan niya ay napatingin siya sa kalapit nilang table, natulala siya ng makita niya ang lalaking model na tinitignan niya sa fashion show. Binuklat niya ang kanyang bag at kinuha ang bandana ng lalaki.

"Hoy, Lizette ikaw anong oorderin mo?"

Tumayo ang lalaki sa kinauupuan niya.

"Ha? Kung ano na lang ang I-order niya, teka, magsiCR lang ako."

"Kararating lang natin CR na agad ano ba naman yang pantog mo." Sabi ni Trofer.

"Sige, I-order niyo na lang ako." Tumayo agad si Lizette at hinanap ang lalaki.

Nakita niya ang lalaki na nagpunta sa cashier, nilapitan niya ito agad, "Hi."

Lumingon sa kanya ang lalaki, "Yes?"

Nagulat si Lizette ng ibang lalaki pala ang nilapitan niya, "Miss anong problema mo? Type mo ba ako?"

"Hi-hindi, akala ko kasi kilala kita, pasensya na." At bumalik na lang sa table niya si Lizette.

Naging mabilis ang dalawang buwan para sa mga ikakasal, si Lizette ang napiling maid of honor sa ginanap na kasal. Kahit ilang buwang madalas magkasama si Lizette at ang hipah nitong si Debbie ay di pa rin sila lubusang magkakilala. Tahimik lang kasi si Debbie at parang laging may iniisip, subukan man ni Lizette na iapproach siya pero hindi pa rin ito umuubra.

Sa kasalang iyon ay panay ang tingin ni Lizette sa sapatos niya, "Ano bang problema?" tanong ni Trofer sa assistant niya.

"Para po kasing bibigay yung sapatos ko." Sabi niya sa kanyang boss.

"Naku, wala yan, kinakabahan ka siguro kaya ka nagkakaganyan. Wag mo kasing pansinin."

Ilag sandali pa ay dumating na ang bridal car kaya pinapila na ang lahat ng abay. Sa may di kalayuan ng pintuan ng simbahan ay may isang lalaking nakasilip sa nangyayaring kaganapan. Bumaba si Debbie sa kotse at nagsimula ng patugtugin ang wedding march. Walang kamalay-malay ang lahat na dulo ng simabahan ay nakaupo ang lalaki at pinanonood ang nagaganap na kasalan.

Nagsimula ng maglakasd si Lizette sa aisle nanginginig ang kanyang mga tuhod dahil sa takong ng sapatos niya at nangyari nga ang kinakatakutan ng maid of honor, natalisod siya sa kalagitnaan ng pagmamartsa. Napatayo ang mga tao nang makita ang pagtalisod niya, isa na rin don ang lalaki. Pulang-pula naman si Lizette sa kahihiyang dinanas niya, agad siyang inalalayan ng mga tao sa pagtayo.

"Okey lang po ako, salamat po." Upang makabawi sa kahihiyan ay tiniis na lang ni Lizette ang sakit ng kanyang paa at paika-ikang nagmartsa sa aisle.

Habang nagmimisa ay hawak-hawak ni Lizette ang kumikirot niyang paa, nakakahiya, parang gusto ko ng umuwi sa kahihiyan.

"Henry, do you accept Debbie as your lawful wife....."

Agad sumagot si Henry ng, "I do."

"Debbie, do you accept Henry as your lawful husband...."

Napayuko si Debbie at mula sa kanyang kumikirot na paa ay napatingin si Lizette kay Debbie.

Napatahimik ang lahat ng nasa loob ng simbahan, hinihintay nila ang sagot ni Debbie.

Pati ang lalaking nasa dulo ng simbahan ay nararamdaman ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa paghihintay ng sagot ni Debbie.

2

"Debbie?" tanong ng pari sa kanya.

Tumingin si Debbie sa kanyang ama, matapang ang tingin nito sa kanya parang gusto sabihin nito na wag siyang ipahiya.

"I-I do."

Napahinga ng maluwag ang lahat, tumayo naman ang lalaki at lumabas ng simbahan na iyon.

Sa reception ay mabilis na nagpunta sa CR si Lizette at pumasok sa cubicle upang pagbigyan ang tawag ng kalikasan. Sa loob ng cubicle ay narinig ni Lizette na pumasok sa CR ang dalawang babae napakiwari niya'y mga kaibigan ng hipag niya.

"Kinabahan ako kanina, akala ko gagawa ng eksena yang si Debbie."

"Hindi yun, nakita kong napatingin siya sa tatay niya, takot niya lang don."

"Sabagay, nakita ko pa naman si Jerwin."

"Ano? Hindi nga."

"Oo, di ba imaginin mo kung nagkataon na nag- I do not yang si Debbie eh di tatakbo yan papunta kay Jerwin at aalis sila."

"Wow, parang eksena sa sine yun eh, sayang."

"Napansin nga naming umalis si Jerwin ng nag- I do na yang si Debbie, disappointed siguro akala niya ipaglalaban ni Debbie yung five years na pinagsamahan nila."

"Oo nga." Ilang sandali pa ay lumabas din ng CR na iyon ang dalawang babae.

Pagkabalik ni Lizette sa kinauupuan niya ay tinignan niyang mabuti ang kanyang hipag habang nilalapitan ang bawat ng mesa ng mga bisita, parang pilit ang mga ngiti nito habang kuya naman niya ay masayang-masaya sa naganap na kasalan, Ate Debbie, totoo ba? Totoo bang may iniwan mo ang tunay na minamahal mo?

Pagkalabas ni Lizette sa kuwarto niya ay naabutan niya ang kanyang kuya Henry na nagluluto ng almusal.

"Aba kuya, buhay may asawa ba yan? Dati rati ako lagi ang gumigising ng maaga para maghanda ng almusal natin tapos ngayon..."

"Gusto ko kasi pagkagising ng Ate Debbie mo ready na ang almusal niya, alam mo naman masama sa buntis ang nagugutom. Hoy Lizette, wag mong kakainin yung buo yung pula, sa ate mo yan. Yang basag na lang yang kainin mo."

"Ganon? Yung rejected ang kakainin ko, kawawa naman pala ako sayo kuya. Okey, iintindihin na lang kita, in love ka talaga." Sabi ni Lizette..

Ilang sandali pa ay lumabas na ng kuwarto nila si Debbie.

"Ay Debbie gising ka na pala."

"Ate kumain ka na, napakaspecial ng niluto ni kuya para sayo."

"Wala pa akong ganang kumain eh, mamaya na lang."

"Ha, pero gumising pa kaya ng maaga ang kuya ko para ipagluto ka tapos hindi mo kakain..."

"O-okey lang yun." Sagot ng kuya niya, "Masama naman kung pipilitin mong kumain ang taong busog di ba? Sige Debbie, basta kung nagugutom ka na kumain ka na lang okey."

Hindi sumagot si Debbie at tumuloy lang ito sa banyo.

Gustong sanang mainis ni Lizette sa ginawa ng kanyang hipag pero ng makita niyang after non ay nakangiti pa rin ang kanyang kuya ay naaawa siya rito.

After 5 years....

Katulad ng araw-araw na nararanasan ng kanyang kuya, maaga itong nagigising para ipagluto sila ng almusal. Pagdating ni Lizette sa kusina ay natagpuan niya si Henry na kasa-kasama ang four years old nitong anak na lalaki na si Hebbie at ang three years old nitong anak na babae na si Hannah..

"Tapos kapag buo na ang itlog baligtarin na natin siya." turo ni Henry sa kanyang mga anak. Nagpalakpakan ang mga bata nang mabaliktad na ang itlog.

Natatawa naman si Lizette sa kanila habang nakikitang nagpapalakpakan ang mga pamangkin at dumedede pa sa bote si Hannah habang nanonood sa tatay niya.

"Ang galing-galing ni daddy noh." Sabi ni Hebbie sa kapatid niya.

"Oo na magaling na ang daddy niyo." Umupo na si Lizette para mag-almusal, "Ngayon baka pwede na akong kumain."

"Oh, magserve na ang mga waiter ko." Utos ni Henry sa mga anak niya, Kinuha ni Hebbie ang plato, kutsara at tinidor at sinet yun sa table. Kinuha naman ni Hannah ang itlog at tinapay, "Heto na po ang order niyo. May order pa po kayo?"

Kinurot ni Lizette ang pisngi ng pamangkin, "Ang cute-cute mo namang waitress."

Inilahad naman ni Hebbie ang palad niya sa kanyang tita.

"Ano yan?" tanong ni Lizette kay Hebbie.

"Tip niyo po?"

"Ano? Tip? Eh hindi pa nga ako kumakain saka di pa ako nagbabayad ng bill, kayo talaga ha."

Nagtawanan naman ang magkapatid.

Lumabas naman ng kuwarto niya si Debbie na nakabihis na ng pangopisina.

"Aalis na ako."

"Hindi ka man lang ba kakain?" tanong ni Henry sa kanya.

"Naku wag na, malilate na ako."

"Pero sayang naman yung niluto ng kuya ko."

"Oo nga mommy niluto pa yun ni daddy especially for you." Sabi ni Hebbie.

"Mamili kayo, hindi ko kakainin yan o mawawalan ako ng trabaho."

"Am, sige, umalis ka na baka ma-late ka pa." Nasabi na lang ni Henry sa asawa.

"Sige, aalis na ako." At lumabas ng bahay si Debbie.

Napabuntong hinihinga si Lizette, "Alam mo kuya, kung hindi lang kita mahal, matagal ko ng pinatulan yang babaeng yan."

"Sshh, naririnig ka ng mga bata."

"Kuya ayaw mong marinig ng mga bata, pero kapag pinapakita niya sa mga anak mo, okey lang? Ano ka ba naman."

"Intindihin mo na lang siya, busy lang siya sa trabaho niya." ang nasabi na lang ni Henry sa kanyang kapatid.

"Aba, talaga naman palang malditang natural yang hipag mong yan." Sabi ni Trofer sa assistant niya habang inaayos nito ang projector.

"Gusto ko sana siyang intindihin, masakit naman talaga yung nangyari sa kanya, pero ang hindi ko maatim eh yung ginawa na ng kuya ko ang lahat para I-please siya pero wala pa rin siyang pakialam. Bosing naawa na ako sa kapatid ko, dalawa na ang anak nila pero ang lamig pa rin ng trato ng asawa niya sa kanya."

"Paano nga di niya love, at siguro naiisip pa rin niya yung sinasabi mong ex niya."

"Nakakapagtaka nga eh, these days, late na siya kung umuwi."

"Hmmm so you smell something fishy?"

"Ayokong sanang mag-isip ng ganon dahil sa kapatid ko pero....parang "

Papasok sana ng kitchen si Lizette nang hating gabi dahil bigla siyang nauhaw ng marinig niyang may kumakaluskos sa kusina, nang sinilip niya iyon ay nakita niya ang hipag niya na may kausap sa celphone.

"Kaunting tiis na lang magiging masaya rin tayong dalawa. Hindi, kailangan kitang ipaglaban, ayoko na rito Jerwin, napapagod na akong tiisin itong nararamdaman kong ito."

Napaiyak si Lizette sa mga narinig, napabalik siya sa kanyang kuwarto at awing-awa siya sa kanyang kapatid.

"Sige, kumain lang kayo ha." Sabio ni Henry sa kanila.

"Nasaan si ate?" tanong ni Lizette sa kapatid niya.

"Maaga siyang umalis eh, mas nauna pa ngang nagising sa akin, may breakfast meeting daw kasi sila sa opisina."

"Breakfast meeting, hmp." Sabi niya habang hinihigop niya ang kanyang kape.

Napansin niyang iba ang aura ng kanyang kapatid, nanginginig ito at parang balisa.

"Kuya, okey ka lang?"

Pilit na ngumiti ang kapatid niya, "Okey lang, talaga. Ammm, teka may kukunin lang ako." Lumabas ng kitchen si Henry at pumasok sa kuwarto niya.

"Ano bang problema ng daddy niyo?"

Nagkibit balikat ang dalawang bata.

Sinundan ni Lizette ang kapatid niya sa kuwarto, nakita niyang nakaupo ito sa kama at umiiyak.

"Kuya? Anong problema?" nilapitan niya ang kanyang kapatid.

"Ano bang ginawa kong mali? Ginawa ko naman ang lahat para sa kanya di ba? Ano pa bang kulang?"

"Kuya, wala kang ginawang kulang, sobra-sobra pa nga ang ginawa mo eh, talagang tanga lang ang asawa mo para di niya ma-appreciate yun."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon, Lizette. Sabi niya, iiwan na raw niya ako. Paano na ang mga anak naming? Paano ko sasabihin sa kanila ang tunay na sitwasyon naming ngayon."

"Kuya, ayokong mong aminin sayo ito pero sa tingin ko kailangan mo ring malaman ito. Kuya, may hinala kasi akong may ibang lalake ang asawa mo..."

Napayuko si Henry at patuloy na umiyak.

Nang araw na iyon ay di na naisipan pang pumasok sa opisina ni Lizette, gusto niyang damayan ang kapatid sa panahong iyon. Maghapong tahimik si Henry at nakakulong sa kuwarto na pinagtatakhan ng mga anak niya.

"Tita, may sakit ba si daddy? Ba't hindi siya pumasok sa office?"

"Am... oo may sakit kasi ang daddy niyo. Kaya wag kayong masyadong maglalalapit sa kanya kasi baka mahawa kayo."

"Tita, ba't si mommy di pa umuuwi kung may sakit si daddy." Tanong sa kanya ni Hebbie, "Di ba dapat kapag ganyan si daddy, hindi muna pumapasok ng office si mommy para alagaan siya."

"Amm... busy kasi ang mommy niyo sa office." Sagot niya sa mga bata.

"Tita, love ba ni mommy si daddy?" tanong ng bunsong si Hannah sa kanya.

"Bakit niyo naman naitanong yan?"

"Kasi di ba kapag love niyo ang isa't isa sweet dapat kayo, sweet si daddy kay mommy pero ba't si mommy hindi kay daddy."

"Hindi ko alam eh." Ang tanging sagot niya.

"Ilang araw na bang di umuuwi yang babaeng yan." Tanong kay Lizette ng kanyang ina na galing pang probinsya, "Mga tatlong araw na po."

"Ano? Tatlong araw? Ano ba namang klaseng babae yan, kahit man lang yung mga anak niya di niya naisip, tinawagan mo ba?"

"Masama man sa loob ko tinatry ko siyang tawagan pero laging cannot be reach, tinawagan ko rin siya sa bahay ng tatay niya, pero wala naman siya run. Nag-aalala na nga rin pati yang tatay niya. Minumura na nga niya yang anak niya. napakasira ulo raw para maglayas ng ganon."

"Nasaan ba ang kuya mo?"

Lumabas ng kuwarto niya si Henry magulo ang ayos at parang wala sa sarili, ni hindi nito namalayan na dinadalaw siya ng kanyang ina.

"Ang anak ko, Henry. Ano na ba ang nangyayari sayo?" tanong sa kanya ng kanyang ina.

"Bumalik na ba siya?" tanong ni Henry sa kanila, "Bumalik na ba ang asawa ko. May balita na ba kayo sa kanya?"

"Kuya, hindi ko kasi siya macontact, wala rin siya sa bahay nila." Sabi ni Lizette.

Napaupong umiiyak si Henry at agad siyang inalalayan ng kanyang ina, "Anak, wag kang mag-alala, ginagawa naman ni Lizette ang lahat ng paraan para kausapin yang asawa mo. Di ba Lizette, tutulungan mo ang kuya mo."

Napatango na lang si Lizette.

Nasa isang photo shoot si Trofer sa may Cubao, papasok siya ng kotse nang makita niya si Lizette na papasok sa isang condo sa lugar na iyon.

Naintriga si Trofer kaya sinundan niya si Lizette, nakita niyang umakyat si Lizette sa elevator kaya hindi na niya ito nasundan.

"Ano pong kailangan nila?" tanong ng security guard kay Trofer.

"Yung babaeng kaakyat lang ng elevator, ditto ba nakatira yan."

"Naku hindi naman po siya nakatira ditto eh, pero madalas po siyang andito, sa pagkakaalam ko dinadalaw niya palagi yung boyfriend niya."

"Boyfriend niya? talaga? Saang floor nakatira yung boyfriend niya?"

Nagkamot ng ulo ang sikyo, "naku hindi ko na po alam yan."

"Ah sige, thank you bosing ha."

Paglabas ni Trofer sa condo ay agad niyang tinawagan sa celphone niya ang kanyang assistant, "Hello bakla, may balita ako sayo."

Kinabukasan ay agad nagpunta si Lizette sa condo para abangan si Debbie. Bago pa man pumasok si Lizette ay nakita niya agad ang hipag na pumasok ng elevator. Hindi niya alam kung paano ito susundan kaya napilitan siyang umakyat ng hagdanan at silipin ang bawat floor kung naglalakad ron si Debbie.

Umabot na siya ng seventh floor na hingal-hingal nang makita niyang naglalakad don ang hipag niya. Nakita niya itong huminto sa isang pintuan at kumatok, bumukas ang pintuan at lumabas don ang isang lalaki at pumasok sila sa kuwarto. Naghintay si Lizette na lumabas sa pad na iyon ang hipag niya, umabot ng tatlong oras sa loob. Nang makalabas na ang hipag ay muli siyang nagtago at hinintay itong makapasok sa elevator. Nang nakasakay na ito sa elevator ay agad niyang nilapitan ang pintuan at kumatok ditto.

Bumukas ang pintuan, "May nakalimutan ka pa ba?"

Nagulat si Lizette nang makita ang lalaki, "Ikaw?"

3

"Yes?" tanong ng lalaki sa kanya.

Hindi makapagsalita si Lizette, hindi siya makapaniwala na ang lalaking kinakatagpo ng hipag niya ay ang crush niyang model na may-ari ng bandana.

"Kilala ba kita?"

"Ha?"

"Do I know you?" tanong muli ng lalaki.

"Hi! Taga Red Magazine ako, Im Miss Lizette Santos."

"Teka have we met before, para kasing pamilyar na yung mukha mo sa akin?"

Napag-isip si Lizette, "Baka don sa Fashion show sa Araneta noon. Andon kasi kami noon eh. Yung sa GB clothing? Di ba rumampa ka ron?"

"Five year ago na yun di ba?"

Nilabas ni Lizette sa bulsa niya ang bandana at ipinakita yun sa lalaki, "Heto oh, buti na lang dala ko ito. Ako yung nakakuha nung bandanang suot mo."

"Talaga? Doon kita na meet, parang kasing sa iba, pero ano ba ang kailangan mo sa akin, saka paano mo nalaman yung address ko?"

"Gusto sana kitang kuning model sa magazine naming. Actually noon pa kasi kita gustong gawing model kaya lang di ka naming mahigalap, tapos.... Nakita kita diyan sa labas kaya sinundan kota."

"Ha? Sinundan mo ako." Tinignan niya ng masama si Lizette, "Alam mo kasi mahirap ng magtiwala sa mga panahon ngayon."

"Hindi, hindi ako katulad ng iniisip mo." Kumuha siya ng calling card sa wallet niya at ibinigay iyon sa lalaki.

Binasa ng lalaki ang calling card, "Pinagloloko mo ba ako, Christopher Sevilla?"

"Ay, kasamahan ko yan, naubusan lang kasi ako ng calling card." Sabi ni Lizette.

"Hay naku miss, pwede ba, wag mo na akong raketan ng ganyan, umalis ka na siguro bago pa man ako magpatawag ng security."

"Sir nagkakamali po kayo, matino po akong tao, gusto ko lang talaga kayong kunin sa Red Mag."

"Miss wag mong sayangin ang oras ko may trabaho pa ako." At sinaraduhan siya ng pintuan ng lalaki.

Kinatok ni Lizette ang pintuan, "Sir teka, maniwala ka sa akin, sir."

Lumabas ang isang lalaki sa kabilang pintuan, "Hoy miss, manahimik ka nga riyan, may natutulog ang ingay-ingay mo."

Umuwi si Lizette sa kanila na bigong-bigo at malungkot na malungkot, nakakainis naman, bakit naman sa dami pa kasing lalaki sa mundong ito bakit siya pa. Pagkatapos ko siyang hanap-hanapin at habul-habulin noon, ditto lang pala kami magkakakilala, dahil kabit siya ng hipag ko. Sayang ang guwapo-guwapo pa naman niya maslalo na kapag nasa malapitan.

Natagpuan niyang umiiyak ang mga pamangkin kaya nabahala siya, "Hoy, anong nangyari ba't kayo umiiyak?"

"Tita, totoo bang hindi na babalik si mommy naming?" tanong ni Hebbie sa kanya.

"Babalik ang mommy niyo sino ba ang nagsabi sa inyo niyan ha."

"Si daddy." Sagot ni Hannah, "Naglalaro lang kami ni kuya, tapos sabi niya manahimik daw kami kasi wala na kaming mommy."

"Ha? Sinabi ng tatay niyo yun." Agad nagpunta sa kuwarto ng kapatid niya si Lizette, natagpuan niya ron ang kanyang kuya na nanonood ng TV at may dalang alak.

"Kuya?"

"Sabihan mo nga yang dalawang bata riyan na wag maingay at nanonood ako."

Pinatay ni Lizette ang TV kaya sinigawan siya ng kapatid, "Ano ba! Bastos ka rin noh."

"Kuya, wag mong sabihin na dahil lang sa babaeng yun nawalan ka na sa sarili mong katinuan, hindi ka na ba naaawa sa mga anak mo, wala na nga silang ina, pinalala mo pa ang sitwasyon nila. Wag mo namang hayaang magdusa ang mga anak mo, kailangan ka nila."

"Ang kailangan nila pamilya, hindi ako. Gusto ko silang bigyan ng magandang pamilya, pero hindi ko magawa. Wala akong magawa."

"Kuya, maayos din naman natin ito, tutulungan kita. Wag mo lang pabayaan ang sarili mo at ang mga anak mo. Ha, kuya?"

Tumango ang kapatid nito at yumakap sa kanya, kailangan talagang magawan ko ng paraan ito. Dapat mapaghiwalay ko sila ng lalaking yun.

Sa isang call center siya nagtatrabaho, pero kahit pa sabihin nila na mataas-taas ang sweldo niya sa call center kulang pa rin ito sa pangtustos sa pamilya niya sa probinsya. Kumakailan lamang ay nakatanggap siya ng text sa kapatid niya, nanghihingi ito ng pera dahil na-ospital ang isa nilang kapatid.

"Saan kaya ako kukuha ng pera?"

"Di ba model ka naman dati? Ba't di ka rumaket uli sa pagmomodel?"

At napag-isip siya sa naging payo sa kanya ng kaibigan.

Busy sa pag-aayos ng computer ni Trofer si Lizette nang tinawag siya ng isa niyang kasamaha, "Hoy Lizette, may tawag sayo."

Napakamot ng ulo si Lizette, "Istorbo naman yan may ginagawa ako."

"Jerwin daw."

"Oh, sinong Jer..." naalala niya ang pag-uusap ng mga kaibigan non ni Debbie at ang narinig niyang kausap ni Debbie sa phone kaya napatakbo siya sa telepono.

"Teka akin na yan!" agad inagawa ni Lizette ang telepono sa kasamahan, "Hello?"

"Hello? Lizette Santos? Ako pala si Jerwin yung pinuntahan mo sa condo."

"Yes oo, naaalala kita, bakit ka napatawag?"

'Yung tungkol sa Red Mag, open pa ba yun for screening?"

"Oo naman! Open na open para sayo."

"Pwede bang mag-apply?"

"Sure... am punta ka rito sa office, magdala ka ng mga pictures mo and then iendorse na lang kita sa mga bosing ko rito."

"Sige, dadaan na lang ako riyan tomorrow."

"Sige bye!" binaba ni Lizette ang phone at saka nag "Yes!!!"

Natulala si Trofer nang makita si Jerwin.

"Bosing pwede ba siya?" bulong ni Lizette kay Trofer.

"Hayop kang babae ka saang lupalop ng daigdig mo siya natagpuan."

"Am.. diyan-diyan lang." Sagot ni Lizette.

"Excuse us lang ha." Hinila ni Trofer ang assistant niya, "Saan mo siya nakita?"

"Shhh, wag kang maingay. Gusto ko talagang kuhanin mo siya, gusto kong maging close kami para kapag naging close kami, pwede ko na siyang pakiusapan. Sir, siya ang lalaki ng hipag ko."

"What!!! Sigurado ka ba riyan!"

"Ano pa. Siya ang boyfriend non ni Ate Debbie nung nabuntis siya ni kuya "

"Akalain mo, ang gwapo pala ng boyfriend ng ate po, ang swerte niya."

"Ang malas niya kamo, kasi hindi naman siya ang napang-asawa niya eh."

"Sayang noh, ang gwapo niya niya tapos kabit naman pala siya, sa tingin mo Lizette, pumapatol kaya siya sa bading."

Napatingin si Lizette sa boss niya, "Bosing ano ba naman yang iniisip niyo."

Lumabas ng office sina Lizette at Jerwin, "Sabi ni sir tatawagan na lang daw kita kapag okey ka na, pero sa tingin naman daw niya magugustuhan ka nila."

"Sa totoo lang ayoko ng gawin ito." Sabi ni Jerwin sa kanya.

"Ayaw mo ng magmodel."

Tumango si Jerwin, "Na trauma siguro ako sa mga indecent proposals ko non."

"Eh natural lang naman sa inyong mga models yun di ba? Okey lang yuin, guwapo ka kasi kaya ka nakakatanggap ng mga ganon."

"Baguhan lang kasi ako non kaya naiilang ako."

"Bakit? Bumibigay ka na ba?"

"Hindi ah, ayoko lang talaga ng ganon."

"Ang sabihin mo, natetempt ka, pera rin yun noh."

"Mahirap nga kami pero di ko kayang ibenta ang kaluluwa ko para sa pera." Sagot ni Jerwin sa kanya.

Bumulong si Lizette sa sarili niya, "Kaluluwa? Meron ka pala nun."

"Anong sabi mo?"

"Ha, ako, sabi ko ang linis ng kaluluwa mo."

"Lizette, thank you ha, kailangan ko kasi talaga, pang ospital ng kapatid ko, kaya kahit ayokong gawin napipilitan tuloy ako."

"Iba ka rin noh. Alam mo ba kung gaano karami ang nagpapakahirap pumila rito para lang makapagpost sa Red Magazine, tapos ikaw sasabihin mo napipilitan ka lang. Ano ba yan true to life ba yan o umiere ka lang."

Napakunot ng noo si Jerwin, "Anong umiere ka riyan? Totoo yung mga sinasabi ko noh. Sino kaya ang sumunod pa sa akin hanggang condo ko para imbitahan lang sa screening na ito."

"Oo na, joke lang naman yun, sineryoso mo naman." Sabi ni Lizette.

"Joke lang ba yun? Parang seryoso ka nga nun eh. Kumakambiyo ka lang ata eh. Wag kang mag-alala hindi ako magquiquit kailangan ko ng pera."

"Sus, lahat tayo kailangan nun." Sabat ni Lizette.

"Sige na, mauna na ako, tawagan niyo na lang ako ha."

Habang naglalakad ay natalisod si Lizette at napahawak agad siya sa braso ni Jerwin.

4

Namula siya ng ma realize niyang nakahawak siya sa braso ng lalaki/

"Okey ka lang? Ano bang nangyari sayo?" tanong sa kanyan ni Jerwin, inalalayan niya ito.

Napabitaw siya kay Jerwin, "Hindi ko lang kasi napansin yung bato."

"Ah, sa susunod kasi tumingin ka sa nilalakaran mo, nasaktan ka ba?'

"O-okey lang."

"Sigurado ka ba riyan?"

"Oo na, sige na umuwi ka na, may pasok ka pa yata."

"Sige. Salamat pala ha."

"Wala yun."

Pumara ng jeep si Jerwin at sumakay siya rito.

"Oh bakla, tawagan mo na yang jowa mong hilaw, pumasa na siya sa screening." Sabi ni Trofer sa assistant niya na busy sa pagtatype sa computer.

"Hindi ko jowang hilaw yun noh."

"Kunwari ka pa, if I know kung hindi lang yan lover ng hipag mo, tinuhog mo na yan."

"Hindi noh."

"Hoy tawagan mo na nga yun. Sabihin mo sa next week na ang schedule ng pictorial."

Kinuha ni Lizette ang telepono at nagsimulang tawagan si Jerwin, "Hello?"

"Hello?' sumagot sa kabilang linya ang pamilyar na boses na babae kaya agad niyang binaba ang phone.

"Si ate Debbie ba yun?" tanong niya sa kanyang sarili.

Sa lobby ng umaga ay nasalubong ni Lizette si Jerwin. Agad siyang nakita ng lalaki kaya nilapitan siya nito agad, gusto na sana niyang umatras pero agad siyang nilapitan ni Jerwin.

"J-Jerwin, kamusta na pala yung pictorial niyo."

"Hindi pa nagsisimula, hinihintay lang naming yung photographer, ang aga mo pa lang pumasok noh."

"Ah, oo, ito talaga ang time ko."

"Minsan naman dumalaw ka sa set naming."

Napakunot ng noo si Lizette, "Bakit naman ako dadalaw sayo?"

"Ang taray mo naman."

"Hindi joke lang."

"Alam mo, kung hindi lang tayo magkakilala, iisipin ko na galit ka sa akin. Para kasing ang sungit-sungit mo sa akin eh. Pero nung sa condo ko halos magmakaawa ka na para kunin ko. Matanong ko nga, ano ba talaga ang feelings mo sa akin?"

Namula si Lizette sa tanong ni Jerwin, "Feelings?"

Ngumiti si Jerwin, "Joke lang. Siguro masungit ka lang talaga."

"Hoy, hindi totoo yun ha. Bawiin mo yun. Baka may makarinig diyan sabihin pa totoo yun."

"May boyfriend ka na ba?" biglang tanong ni Jerwin sa kanya.

"Teka, ba't mo tinatanong yan? Saka ano ngayon sayo kung may boyfriend ako o wala?"

"Siguro wala kang boyfriend, masungit ka kasi." Ngumiti si Jerwin at saka siya lumayo kay Lizette.

"Aba! Sabi ko sayo wag mo kong sasabihang masungit eh." Pahabol ni Lizette sa kanya.

Hinatid ni Henry si Hebbie sa school nito. Pagkahatid ay nakita niya si Debbie na sumisilip sa eskwelahan ni Hebbie, 'Debbie?"

Lalapitan na sana siya ni Henry pero agad tumakbong palayo si Debbie.

Pagkauwi ni Lizette ay naabutan niya ang kanyang kuya na nag-iisang nakaupo sa dining table.

"Kuya? Ba't mag-isa ka lang ditto? Nasaan ang mga bata?"

"Nasa kuwarto nila." Sabi ni Henry, "Nakita ko ang Ate Debbie."

"Ha? Talaga?"

"Oo, sa school ni Hebbie, sinisilip niya ang anak niya."

"May pakialam pa pala siya sa mga anak niya noh."

"Sinubukan ko siyang habulin pero nang makita niya ako agad siyang tumakbo." Napayuko si Henry, "Namimiss ko na siya."

"Kuya naman eh."

"Pasensya na Lizette ha, pero mahal na mahal ko talaga ang ate mo eh."

"Naiintindihan kita. Kuya. Sige, wag kang mag-alala, babalik din siya sayo." Sabi ni Lizette.

Napatingin si Lizette sa isang studio nang makita niya si Jerwin na kinukuhanan ng picture.

"Good pose, perfect." Sabi ng photographer, "Oh sige break muna tayo."

Napangiti si Jerwin nang makita si Lizette, agad siyang nagsuot ng bathrobe at nilapitan ang dalaga, "Hi, anong ginagawa mo rito?"

"Ang gulo mo rin noh, di ba ikaw ang humiling sa akin na dumalaw ako sayo rito." Sabi ni Lizette.

"Oo nga noh. Teka kumain ka na ba, tutal break naman naming."

"Sige, hintayin na lang kita sa lobby." Sagot ni Lizette.

Sa isang fastfood malapit sa opisina kumain sina Jerwin at Lizette, "Alam mo, nakakapanibago na nga, hindi na ako sanay sa mga ganito."

Tahimik lang na nakikinig si Lizette.

"May problema ba?" tanong sa kanya ng kasama.

"Ha? Wala naman."

"Ba't parang ang tahimik mo? Kanina pa ako dumdaldal ditto hindi mo naman ako sinasagot." Sabi sa kanya ni Jerwin, "Nagmumukha na tuloy akong tanga."

"Sa guwapo mong yan, kahit magsalita ka pa ng magsalita hindi mukhang tanga. May family problem lang."

"Ah, mukhang matindi yang family problem na yan ha." Sabi ni Jerwin.

"Jerwin, matanong nga kita, anong tingin mo sa mga kabit."

"Kabit?"

"Oo, as in kabit, mistress, another woman, another man o di kaya another lover, kalaguyo."

"Yan ba ang pinoproblema mo sa bahay niyo? Bakit sino ba ang may kabit sa inyo?"

"Wala ka ng pakialam don. Sagutin mo na lang yang tanong ko."

"May mga kabit kasi na ang habol lang pera, yun bad yun. Pero kung talagang mahal nila, wala silang magagawa ganon talaga ang buhay pero siyempre dapat isipin muna nila yung mga taong masasaktan nila."

Nagulat siya sa sagot ng lalaki, baka naman nagbabait-baitan lang ito.

"Baka naman kasi totoo." sabi ni Trofer sa kanya, "Baka naman kasi hindi talaga siya lover ng hipag mo."

"'Sabi nung guwardiya, halos araw-araw daw andon si Ate Debbie, ano kayang tawag don."

"Alamin mo na lang kasi kung ano talaga ang realsyon nila, wag mo ka munang maghusga agad." Payo sa kanya ng kanyang boss.

"Basta, ang iniisip ko lang ngayon bumalik na si Ate Debbie sa pamilya niya."

Hinatid ni Lizette sa school ang pamangkin niyang si Hebbie nang makita niya sa gate ang hipag niyang si Debbie. Agad lumapit si Hebbie para yakapin ang kanyang ina.

"Wala ka na bang balak umuwi sa bahay?" tanong niya sa hipag niya nang makapapasok na sa school si Hebbie.

"Gusto kong maging masaya, Lizette. And to be honest with you, di ako masaya sa piling ng kapatid mo."

Nasaktan si Lizette sa sinabi ng hipag, "Kahit pa ginawa niya na ang lahat para mapaligaya."

"Alam ni Henry ang lahat, una pa lang hindi ko na siya mahal. Nang may nangyari sa amin, alam niyang may boyfriend akong iba non. Alam din niyang labag sa loob ko ang pagpapakasal sa kanya."

"Ate, ano pa ba ang kailangang gawin ko para bumalik ka na sa kuya ko."

"Wala, wala kang dapat gawin."

Sa isang bar ay nagdididwang ng kanyang birthday si Trofer. Napansin ng mga kasamahan nila na walang tigil sa pag-inom si Lizette.

"Hoy bakla, hilong-hilo ka na diyan ayaw mo pang tumigil." Sabi sa kanya ni Trofer.

"Ano pa kasing kailangang gawin ko para mapabalik ko siya sa kuya ko."

"Hay naku, for sure yang si Jerwin na naman yang sisihin mo."

"At sino pa ba ang sisihin ko, alam mo ba ang sabi sa akin ng tinamanang kong hipag na yan, di raw siya naging masaya sa kuya ko dahil sa tukmol na lalakiNG yan."

"Hay naku, ang dapat mo lang namang gawin ay magpakatotoo ka sa sarili mo, jowain mo na yang boylet na yan noh para hiwalayan niya na yang hipag mo, eh di ang ending happy ang lahat, happy na ang kuya at ang mga pamangkin at mas lalong happy ka na rin kasi may jowa ka na."

"Jowa... maganda yun ha. Tama, aakitin ko na lang yang si kabit para tuluyan na silang magkahiwalay ni ate. Kaya..." kumuha uli ng isang basong beer si Lizette, "Kailangan ko nito, pampalakas ng loob."

Nagpababa sya sa taxi sa condo ni Jerwin. Kahit aminado siyang hilong-hilo na siya ay tiniis niya ito para hindi mahalata ng guwardiya na lasing siya. Hindi ko akalain na ditto matatapos ang lahat. Pagkatapos kong pagkaiingat-ingatan ang sarili ko, ibibigay ko lang pala sa kabit na yun ang kahinaan ko. Kung hindi lang dahil kay kuya, di ako magsasakripisyo ng ganito.

Napatingin sa kanya ang guwardiya at agad niya itong ningitian saka sumakay ng elevator.

"Sandali lang."

Binuksan ni Jerwin ang pintuan ng kuwarto niya at nakita niyang nakatayo ron si Lizette.

"Oh Lizette, gabing-gabi na ha.ba't napadalaw ka?"

Ngumiti siya at hinila ang suot na T-shirt ng lalaki, "Na miss kasi kita eh, ikaw ba na miss mo ba ako."

"Na miss? Eh di ba kanina lang tayo huling nagkita."

Pumasok sa loob ng kuwarto si Lizette kaya napaatras ang lalaki, "Yung nga eh, ilang oras lang akong nawalay sayo, hinahanap-hanap na kita."

"Teka, lizette, parang nakainom ka yata." Napaupo si Jerwin sa kama niya at napaatras habang si Lizette ay paluhod sa kama na lumapit sa lalaki, "Oo nga eh, kahit lasing na ako ang guwapo-guwapo mo pa rin pala." Hinawakan niya ang mukha ng lalaki at inilapit ang labi niya sa labi nito. Hindi naman makakilos si Jerwin sa ginagawa ni Lizette sa kanya.

4

"Jerwin!"

Naitulak bigla ni Jerwin si Lizette at dahil sa kahiluhan ay di na namalayan ni Lizette na napagulong na siya kama hanggang sa bumagsak na siya sa sahig.

"Naku, pasensya na ha." Dispensa sa kanya ng lalaki.

"Jerwin!!!"

"T-teka." Agad tumayo si Jerwin para buksan ang pintuan.

"Ba't ang tagal mo namang buksan ang pinto?" tanong sa kanya ni Debbie.

Habang nakatago sa tabi ng kama ay naulinagan ni Lizette ang boses ng hipag niya, si ate Debbie yun ha, gabing-gabi na andito pa siya, mga hayop talaga.

"Naglilinis kasi ako eh, dun na tayo sa labas mag-usap, maalikabok kasi rito eh." At hinila siya ni Jerwin palabas ng kuwarto.

Teka, kailangan kong marinig ang pinag-uusapan nila, tatayo na si Lizette ng tumama ang ulo niya sa gilid ng kama, kaya napabagsak siya at nakatulog agad.

Sa lobby nag-usap sina Debbie at Jerwin, "Ano ba namang mga babae kayo, kung kailan gabi saka kayo sumusugod ditto."

"Kayo? Bakit meron pa bang iba?" tanong ni Debbie kay Jerwin.

"Ha? Hindi, ang ibig kong sabihin ikaw."

"May pinuntahan lang kasi ako riyan sa tabi-tabi kaya naisip kong daanan na rin kita." Sabi ni Debbie.

"Debbie, di ba sabi ko naman sa iyo noon na bumalik ka na sa kanya. Kailangan ka ng pamilya mo." Sabi ni Jerwin.

"Paano mo nagagawa sa akin ito Jerwin? Dati noong mga bata pa tayo lagi mong iniisip ang ikaliligaya ko pero ba't ngayon, ba't ayaw mo na akong maging masaya." Tanong ni Debbie sa kanya.

"Lagi kong hinahangad sayo ang lumigaya ka, pero gusto ko lumigaya ka sa tamang paraan. Debbie, nung una hinahayaan kitang pumunta-punta sa akin dahil sabi mo kailangan mo ng kaibigan pero ngayon, sa tingin ko, tapos na ang pagiging kaibigan ko sayo, dahil narealize ko na hindi pala pwedeng takpan ng pakikipagkaibigan ko ang namagitan sa atin noon."

Hinawakan ni Debbie ang damit ni Jerwin, "Oo, tama ka." At nagsimula na itong umiyak, "Hindi talaga tayo pwedeng maging magkaibigan lang dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin kita. Jerwin, mahal na mahal pa rin kita."

Inalis ni Jerwin ang kamay ni Debbie sa T-shirt niya, "Alam mong noon, pinangarap kong makasama ka habang buhay, pero Debbie, hindi ko pinangarap na maging kabit mo. Sige, umuwi ka na mag-gagabi na."

Nang tumalikod si Jerwin ay tinawag siya ni Debbie.

"Jerwin, naisip mo din ba noon ang buhay na wala ako?"

"Noon, akala ko hindi ko kayang mawala ka, pero ngayon, marami palang pwedeng mangyari para magbago ang isip ko at makalimutan ko ang nararamdaman ko noon sayo." At pumasok muli ng kuwarto niya si Jerwin.

Pagpasok niya sa kuwarto ay agad pinuntahan ni Jerwin si Lizette na natutulog pa rin sa sahg ng gilid ng kama niya. Nilapitan niya ang babae at ibinuhat niya ito para pahigain sa kama niya.

Nainat si Lizette at dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata ay nakita niya si Jerwin na natutulog sa sofa, napangiti siya ng makita ang lalaki, nakakatuwa naman itong lalaking ito, ang gentleman, kung ibang lalaki siguro ito baka pinagsamantalahan na nila ako. Nagulat si Lizette sa naisip niya kaya agad siyang napailing, hindi, hindi dapat ako mabaitan sa kanya dahil sinira niya ang pamliya ng kuya ko.Walang mabait na tao ang naninira ng pamilya. Saka... tinignan niya ang sarili niya, paano naman ako nakakasure na hindi niya ako pinagsamantalahan eh lasing na lasing ako noon. Napayakap si Lizette sa sarili, hala baka hindi na nga ako virgin.

Nag-inat mula sa pagkatulog sa maliit na sofa si Jerwin.

"Hoy lalaki! Anong ginagawa ko rito?" tanong ni Lizette sa kanya.

"Anong anong ginagawa mo rito, eh ikaw ang lasing na lasing na sumugod rito."

Umiling si Lizette, "Anong ginagawa ko sa kama mo?"

"Ah, binuhat kita riya, naawa naman kasi ako sayo, natutulog ka kasi sahig tapo nabukulan ka pa."

Napahawak si Lizette sa ulo, kaya pala kumikirot ito nabukulan pa la siya mula sa pagkakauntog sa kama."

"May nangyari ba sa atin?"

"Teka, ano ba namang tanong yan, eh ikaw nga itong nagpunta rito kagabi na niyaya ako na may mangyari sa atin."

"Sagutin mo ang tanong ko!"

"Wala, wala akong ginawang masama sayo, ikaw pa nga ang nagsasamantala sa akin buti na lang hindi kita pinatulan kung hindi pala baka ako pa pala ang mademanda ng rape." Sabi ni Jerwin.

"Buti na, buti na't nililiwanag mo." Sagot ni Lizette, "Thank you na rin pala sa mga ginawa mo."

"Okey lang yun. Ba't mo pala ginawa yun?" tanong ni Jerwin sa kanya.

Namula si Lizette sa tanong sa kanya ni Jerwin, "Ha?"

"I mean, totoo ba yung mga pinagsasabi mo sa akin kagabi."

"Ahhhh..."

"Totoo bang may gusto ka sa akin?"

"Kung totoo, eh ano man ngayon sayo." May pagkasupladang sagot ni Lizette.

Ngumiti si Jerwin, "Kasi sa totoo lang, noong mga nakaraang narerealize ko na kahit medyo masungit ka, cute ka naman pala."

Napakunot ng noo si Lizette, "Ha?"

"Noong nabanggit mo sa akin kagabi na namimiss mo ako, sa totoo lang parang natutuwa akong marinig yun sayo kahit alam kong lasing ka non. Kasi... Lizette, crush kasi kita."

Napahawak agad si Lizette sa bibig niya na parang gusto niyang magsuka.

5

Kinaumagahan ay napansin ni Trofer, na nakahalumbaba si Lizette sa harap ng computer niya at mukhang may malalim na iniisip.

'Hoy bakla, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Mr. Mistress at tulalang-tulala ka riyan."

Umiling si Lizette, "Wala."

"Wala? Eh ba't hanggang ngayon tulalang-tulala ka pa rin na parang di ka makapaniwala sa mga pangyayari, bakit ba Lizette? Nasarapan ka ba?"

Tumingin si Lizette sa boss, "Wala talagang nangyari sa amin. Dahil dumating si Ate Debbie."

"Ano! Eh di nakita ka niya."

"Hindi, nahulog, kasi ako sa gilid ng kama eh, nagkabukol na nga ako oh. Basta pagkagising ko na lang na sa kama na ako tapos siya nakahiga sa sofa niya."

"Wow, ang bait naman talaga niya, so you mean, kaya ka natutulala ng ganyan kasi na touch ka sa kabaitan niya."

"Hindi rin don, umamin kasi siya eh."

'Anong inamin niya."

Napayuko si Lizette at nagsimulang mamula ng pisngi niya, "Crush daw niya ako."

Napatawa ng malakas si Trofer at napalo sa braso ang assistant niya, "Nakakakilig naman pala yan eh. Sana inamin mo ng crush mo rin siya para magkatuluyan na kayong dalawa."

"Nagulat na nga ako eh. Saka kahit crush pa niya ako di pa rin natin maidideny ang fact na, isa siyang kabit."

"Kabit, kabit, eh hindi ka naman siguradong kabit siya ha."

"Ano ka ba? Sobrang na witness ko na noh, gabing-gabi dinalaw siya ni Ate Debbie sa condo niya. Hindi pa malinaw na ebidensya yun na isa siyang kabit."

"Eh malay mo naman may kinailangan lang ang ate mo diyan sa papa mo."

"Hay naku, basta itutuloy ko pa rin ang misyon na paghiwalayin sila ni ate, hindi ko na nga lang alam kung paano, pero may paraan pa." Sabi ni Lizette.

Sa lobby ay kinukulit pa rin ng boss niya si Lizette tungkol kay Jerwin, "Pero bakla aminin mo, kinilig ka di ba?"

"Medyo, pero ang naiisip ko pa rin kabit siya ng hipag ko. Kung hindi sana ganon ang sitwasyo baka nga kinilig na ako ng tuluyan. Nakakainis nga eh, minsan na nga lang ako magkakalove life, ganito pa kacomplicated."

"Hay naku kahit pa yan complicated, kung masaya ka naman, gumo ka na, go girl!"

"Pansin ko yata nitong mga nakaraang araw masaya ka." Sabi ng kasamahan ni Jerwin sa call center, "Naka-move on ka na ba sa ex mo."

"Sus, ano ka ba, five years siyang kasal, siyempre matagal na rin akong nakamove on."

"Pero ngayon lang kitang nakitang napapangiti ng ganyan, siguro napalitan mo na siya. may girlfriend ka na ba?"

Umiling si Jerwin, "Naku wala pa."

"Pero may balak ka ng ligawan?"

Ngumiti si Jerwin sa kasamahan niya.

"Hay, buti naman at pinatibok na muli ng Diyos ang puso na five years ng nahihimlay." Ang nasabi na lang ng kasamahan niya.

"Ba't sa dami naman kasi ng lalaki riyan, bat siya pa?" tanong ni Lizette sa sarili niya habang kumakain sila ni Trofer sa canteen.

"Hay naku, day, wala ka talagang magagawa ganon talaga tumatakbo ang mundo mo. Ba't di mo kasi subukan? Saka di ba ang gusto mo naman talaga is paghiwalayin yang ate mo at si Jerwin, heto na yun girl, nahuhulog na ang loob sayo ni Jerwin pwede mo na siyang agawin sa hipag mo."

"Ang pangit namang pakinggan non, ang karibal ko yung hipag ko." Sabi ni Lizette.

"Aba'y sa ikaliligaya rin yan ng kuya mo at sa ikaliligaya niyo rin, ayaw mo non pareho kayong naging masayang magkapatid."

"Lahat na lang talaga ng ginagawa ko para sa ikaliligaya ng kuya ko. Naisip ko lang boss, ang kuya ko kaya naiisip ang kaligayahan ko?" tanong niya sa kanyang sarili.

"Iha, buti naman naisip mo yan. Pero wala eh, santa ka kasi kaya nagsasakripisyo ka ng ganyan, na muntikan mo ng isakripisyo pati ang kaluluwa mo para sa kanya. Kaya nga patusin mo na yang si pogi para pareho kayong happy ng kuya mo." Payo ni Trofer sa kanya.

Naglalakad sa lobby si Lizette nang makasalubong niya ron si Jerwin, aatras na sana siya pero tinawag siya ni Jerwin kaya napahinto na lang siya.

"Hi, kamusta?" tanong ni Lizette kay Jerwin.

"Siguro na miss mo na ako noh."

"Ba't naman kita mamimiss, lagi naman kitang nakikita ha."

"Hay, mas gusto talaga kita kapag lasing ka." Sagot ni Jerwin, "Kapag lasing ka kasi hindi mo magawang madeny."

"Kaya nga eh, lasing ako non, hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Feeling mo naman patay na patay ako sayo."

"Hindi kaya?" ngumiti si Jerwin, "Joke lang."

Napangiti na rin si Lizette sa sinabi ni Jerwin.

Kinurot ni Jerwin ang pisngi ni Lizette, "Mas kumucute ka kapag ngumingiti ka."

Napayuko si Lizette sa hiya, "Pumasok ka na nga lang baka hinahanap ka na sa studio."

"Sige magkita na lang tayo mamaya." Kinurot niya muli ang pisngi ni Lizette saka siya pumasok ng studio.

Napapangiti naman si Lizette sa ginawa ng lalaki sa kanya.

Pagpasok ni Lizette sa bahay nila ay naabutan niya ang kanyang mga pamangkin na nanonood ng TV.

"Kamusta naman ang mga pamangkin kong nagmana sa akin."

Yumakap ang dalawang bata sa kanilang tiyahin.

"May pasalubong ka?"

Binigay ni Lizette ang isang box ng chocolates sa mga pamangkin at kinain nila agad ito. Napansin niyang madusing na madusing ang dalawang bata, "Bat ba ang dudumi niyo? Nasaan ang tatay niyo?"

"Nasa kapitbahay, kila Mang Iko."

"Mang Iko? Di ba inuman yun?" lumabas agad si Lizette ng bahay at natagpuan niya ang kapatid na nasa kalye at nakikipag-inuman.

"kuya." Hinila niya ang kapatid, "Ano ka ba naman, nakikipag-inuman ka rito tapos walang kasama yung mga anak mo sa bahay."

"Eh ano naman ngayon ha! Hindi ako ang kailangan nila, dapat ang gumagawa niya yang nanay nila."

"Kuya? Ikaw pa ba yan? Sa pagkakakilala ko sayo kahit kailan hindi mo pinabayaan ang mga anak mo."

"Alam sabi nga nila, yang mga batang yan, habang bata yan, aasa yan sayo, pero kapag lumaki ng yang mga yan at nagsitubuan na ang mga sungay ng mga yan, magiging katulad lang din sila ng nanay nila, iiwan din nila ako."

"Alam mo kuya tama ka, iiwan ka rin ng mga anak mo. Dahil kung ako nga san kanila at nakita kong nagkaganyan ka, baka iiwan din talaga kita at hindi na kita rerespetuhin bilang tatay ko." Tumalikod si Lizette para bumalik sa bahay nila nang makita niya sa likuran niya ang dalawang bata na di niya namalayan na sinusundan pala siya.

Nilinis ni Lizette ang katawan ng dalawang bata saka sinamahan sa kuwarto nila para patuugin.

"Magpray muna kayo para matulog ha." Bilin niya sa mga bata.

"Mommy Lizette." Sabi ni Hannah, "Bakit di na umuuwi si mommy naming."

"Oo nga tita, tapos si daddy lagi pang naglalasing. Ano bang pinag-awayan nila tita?"

"Gusto lang ng mommy niyong makapag-isip, kaya umalis muna siya, pero babalik din yun. Di naman siguro kayo nun iiwan."

"Sana nga magbalik na siya para magbalik na uli si daddy sa dati." Sabi ni Hannah.

"Sana nga, sana."

6

Kumakain ng mag-isa sa canteen si Lizette nang tinabihan siya ni Jerwin, "Loner ka yata ngayon."

"May meeting kasi si bosing eh." Sagot niya sa lalaki.

"Hindi mo naman ako tinawag para samahan ka."

Umiling si Lizette, "Wag na, nakakahiya iistorbihin pa kita."

"Okey lang yun, basta ikaw. May good news pala ako sayo, nailabas na yung kapatid ko sa hospital at dahil yun sayo, kasi inendorse mo ako rito sa Red."

"Buti naman. Close kayo ng mga kapatid mo noh." Sabi ni ya sa lalaki.

"Nong mga bata kami, oo, kaya lang mula ng pinaluwas na ako ng mga magulang ko ditto sa Maynila para mag-aral di na kami masyadong nag-uusap. Nakakabalita na lang ako sa kanila kapag kailangan nila ng tulong ko. Ang pangit noh, pero siguro ganon talaga ang buhay."

"Pareho lang pala tayo." Sabi ni Lizette, "Matulungin sa kapatid."

"Ako lang naman kasi talaga ang aasahan nila eh, ako itong nakapagtapos sa Maynila at nagtatrabaho rito."

"Kaya kahit gipit na gipit ka na at di mo na kaya ang mga hinihingi nila sayo, umu-oo ka na lang ng umu-oo kasi ganon talaga."

"Nagagawan ko naman ng paraan eh, naaayos ko rin." Sagot ni Jerwin, "Kaya nga malaki ang pagpapasalamat ko sayo di ba nga? Ikaw ba, ilang kayong magkakapatid?"

"Dalawa lang kami ng kuya ko." Sagot ni Lizette.

"Eh di close na close kayo?"

"Siyempre."

"Siguro mahal na mahal ka ng kuya mo."

Nagkibit balikat si Lizette, "Ewan ko, pero ang sure ako mahal na mahal niya ang asawa niya."

"Natural lang yun, ang pangit naman kung di niya mahal ang asawa niya di ba?"

"Kahit may ibang lalaki ang asawa niya?"

"Ow? Grabe naman pala yang asawa niya, ang pangit namang tignan na yung babae pa ang may kabit."

Napatingin siya kay Jerwin, ano bang pinagsasabi niya, ang lakas naman ng loob niyang magreact ng ganon, ang plastik talaga nito, "Akala niyo kasing mga lalaki kayo lang ang kayang mambabae."

"Naku, ibahin mo ako one woman man ako. Sabi nga nila sobra raw akong magmahal, alam mo ba yung last girlfriend ko tumagal kami ng seven years."

Nacurious si Lizette sa kanyang narinig, "Wow ang tagal niyo pala. Ahh.. what I mean is anong nangyari sa inyo ng ex mo."

"Five years na siyang kasal at may dalawang anak." Sagot ni Jerwin, "Steady pa kami non ng sabihin niya sa akin na buntis siya sa ibang lalaki."

Naawa siya sa kalungkutan ng mukha ni Jerwin, "Sabi niya, di raw niya sinasadya yun, nalasing sila non at sinamantala ng napang-asawa niya ang kahinaan."

Ouch! Sinamantala ang kahinaan niya, ang sakit naman non, kulang na lang sabihin niya rapist ang kuya ko ha.

"Pero siguro, mabuti na yung nangyari, tutal ayaw naman ng tatay niya sa akin."

"Bakit naman, mabait ka naman ha."

"Mahigpit kasi ang tatay nun eh, palibhasa pulis kasi. Gusto niya ang mapang-asawa ng anak niya yung may kaya sa buhay, hindi katulad ko na promdi at nag-iisang head of the family."

"Eh yung napang-asawa niya, buti hindi inayawan yun ng tatay niya." naiintrigang tanong ni Lizette

"Paano ba naman siya aawayan nun, balita ko yung magulang nun may-ari ng malaking palayan sa probinsya nila."

"Ano?!" napasagot si Lizette, kaya pa nong kasal ang dami niyang dindemand sa amin, iniisip niya na mayaman kami. Hindi kaya totoo yun, ang liit lang kaya ng lupain naming sa probinys at puro utang pa yun.

"Saka" dagdag pa ni Jerwin, "Ayaw niya ng kahihiyan din. Ayaw niyang tawagin ang anak niyang disgrasyada kaya pinilit niya ipakasal."

'At hindi ka niya ipinaglaban?" tanong sa kanya ni Lizette.

"Umasa ako hanggang sa araw na kasal niya na pipiliin niya ako, willing naman akong tanggapin kung ano man ang nangyari sa kanya pero hindi eh, nag-abang ako, naghintay ako sa simbahan na piliin niya ako pero nag -I do siya"

Gusto ng umiyak ni Lizette sa mga narinig, Grabe kung nagkataon pala ang swerte ni hipag kung ito ang nakatuluyan niya. Buti na lang hindi kasi hindi sila bagay, hindi niya deserved ang pagmamahal ni Jerwin.Napailing si Lizette, Hoy Lizette ano na bang nangyayari sa iyo, ba't biglang napunta sa kabit na yan ang simpatiya mo ha, dapat maawa ka sa kuya mo, siya ang inapi, siya iniwan, siya ang sinaktan at mas matimbang dapat ang kadugo. Hmp hindi ako dapat magpadala sa lalaking ito, malay ko ba, nagbabaitbaitan lang ito sa akin.

"Pero masaya na ako ngayon, naka-move on na ako. Siguro dahil wala na rin akong feelings sa kanya at unti-unti ko ng naibabaling ang feelings ko sa iba."

Hindi alam ni Lizette kung bakit lumakas ang kabog ng puso niya, ba't bigla naman akong kinabahan ng ganito, ano bang iniisip ko, hindi, sinabi niya lang na crush niya ako at iba yun sa feelings, crush lang yun.

Napangiti sa kanya si Jerwin.

"Amm... Jerwin..."

"Hoy bakla!" lumapit sa kanila si Trofer, "Hoy bakla umattend lang ako ng meeting nakikipaglunch date ka na."

"H-hindi noh, nagkataon lang ito." Sabi ni Lizette.

Natawa naman sa kanila si Jerwin.

"Kunwari pa ito, if I know kahit nagkataon lang yan gustongt-gusto mo naman."

Tinapakan ni Lizette ang paa ng boss niya.

"Aray, maldita kang babae ka, ba't mo ko tinapakan/"

"Ako? Tinapakan, bosing ba't naman kita tatapakan, ginagalang kaya kita."

Natutuwang napapailing sa kanila si Jerwin, "Nakakatuwa talaga kayong mag-bosing" tumayo si Jerwin, "Sige mauna na ako, may pictorial pa kasi ako."

Lumabas ng canteen si Jerwin at umupo sa harapan niya ang boss niya.

"Akala mong babae ka ha, ang sakit ng ginawa mo sa akin na yun."

"Sorry na boss, kasi naman kayo, pinapahiya niyo ko don sa tao, nalilito na nga ako eh."

"Aray, ang lola ko confuse, bakit napapatunayan mo na bang hindi siya kabit ng hipag mo."

"Malay naman natin binobola lang naman pala niya ako. Saka kung hindi siya kanit bakit hindi pa rin siya tinatantanan ni hipag."

"Aba'y tanungin mo sa hipag mo."

"Basta mag-iimbestiga pa rin ako, hindi ako titigil hanggang sa madiskubre ko kung ano na ba ang relasyon nila ngayon."

Palihim na nagpunta si Lizette sa condo ni Jerwin upang abangan kung dadalawin ba siya ng hipag nito. Nagtago siya sa isang gilid ng lobby at nasilip niya na lumabas sa elevator ang hipag niya, "Ha, si ate ko."

Pagpasok ni Debbie sa kuwarto ni Jerwin ay agad lumapit sa pintuan si Lizette at pinakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Di ba sabi ko naman sayo, wag mo na akong puntahan pa rito. Debbie layuan mo na ako at balikan mo na ang pamilya mo."

Narinig niyang umiiyak si Debbie kay Jerwin, "Pero ikaw pa rin ang mahal ko. For five years Jerwin ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ng puso ko. Aayusin ko naman ang lahat, ihahanda ko na ang annulment naming ni Henry basta magsama na lang tayo ngayon, tuparin na natin ang mga pangarap na yun."

"Debbie, matagal ko ng tinanggap na hindi na matutupad ang mga pangarap natin na yun. Debbie, sa totoo lang, kung alam ko lang nadarating ka sa point na yayain mo ako para sumama sayo sana hindi ko na tinanggap ang offer mo noon na maging matalik na magkaibigan na lang tayo. Debbie, maawa ka sa pamilya mo, kailangan ka ng asawa't mga anak mo."

Napahawak si Lizette sa bibig niya.

"Pero sayo ako masaya." Sagot ni Debbie sa kanya, "Sabihin mo nga sa akin ang totoo may mahal ka na bang iba?"

"Meron na."

"Sino siya?"

Biglang kinabahan si Debbie Patay! Naku po! Jerwin, wag mong sabihin ang totoo, wag po! Malaking gulo ito.

"Wag mo na siyang kilalanin pa, tanggapin mo na lang na siya na ang nagpapasaya sa akin ngayon."

"Hindi ko hahayaang maagaw ka niya sa akin, akin ka lang, may pamilya man ako o wala."

Narinig niyang palapit na ng pintuan si Debbie kaya biglang nagtago muli si Lizette.

7

Pauwing naglalakad si Lizette at iniisip pa rin niya ang mga pinag-usapan nila Jerwin at ng hipag niya, ano ba itong pinasok kong gulo, magiging karibal ko pa yata ang hipag ko, kung magkataon baka ako ang awayin ng kuya ko nito, kasi naman siympre kakampihan niya yung babaeng yun. Pero dapat hindi magalit sa akin si kuya, dapat pa nga matuwa siya kasi tuluyan ng naghiwalay si Jerwin at ang asawa niya dahil sa akin, pero kahit pa ganon for sure paghihiwalayin pa rin kami ni Jerwin, liliit kaya ang mundo naming apat, matatakot si kuya at sasabihan niya sa akin, ayoko siyang maging hipag. Sayang naman pala kung magkaganon. Napailing si Lizette, hay dapat hindi ako nag-iisip ng ganito kasi hindi naman ako sure kung ako nga ang bagong pag-ibig ni Jerwin, wag kang feeling Lizette. Basta isa lang ang naiisip kong gawin, bago pa man magkagulo ang lahat, dapat layuan ko na si Jerwin, yun ang tama bago pa man ako tuluyang mainlove sa kanya. Mamimiss ko nga lang siya, pero kailangan kong gawin. I'm so sorry Jerwin.

"Hello?" bati ng isang kasamahan niya ng sinagot nito ang phone, "Si Lizette, sino ito? Jerwin, Jerwin sandali lang ha."

Sumenyas agad si Lizette ng wala.

"Ah, Jerwin, out of the room siya eh, tawag ka na lang mamaya. Oh sige, sasabihin ko na lang sa kanya. Bye."

Napansin ni Trofer ang ginawa ng assistant niya, "Hoy kahit ilang beses mo siyang pagtaguan, hindi mo pa rin maiiwasan ang katotohanang nagugustuhan mo rin siya." At bumalik sa trabaho niya ang kanyang boss.

"Hay naku, nakakapagtaka na talaga." Sabi ng isang kasamahan ni Lizette kay Trofer nang minsang naglalakad sila sa lobby, "Hindi ko talaga alam kung bakit parang pinagtataguan niyang si Lizette si Jerwin. Tumatawag sa phone si Jerwin, di naman niya sinasagot ang telepono, tapos umeeffort na nga yung tao para puntahan siya pinagtataguan naman niya. aba nakakapagod ding magsinungaling noh, saka nakakaawa din yung lalaki, pinahihirapan niya ng ganon, siguro may utang siya ron na di niya mabayaran."

"Talaga? Ganon niya katinding pinagtataguan yang si Jerwin?" napag-isip si Trofer, "Ako ang bahala sa babaeng yan."

Nagtatype si Lizette sa computer ng sinabi ng kasamahan niya na tinatawag siya sa phone ni Trofer, "Hoy, wag kang mag-alala si bosing ito hindi si Jerwin."

Tumayo agad si Lizette at kinuha ang phone, "Boss bakit po?"

"Lizette, pakikuha naman yung laptop ko oh, nasa parking lot lang ako."

"Si-sige po." Sagot ni Lizette.

Pagbaba ni Lizette sa parking lot ay nagulat siya nang makita siyang may mga nakaset up na ilaw roon.

"Okey last pose." Sabi ng photographer, napatingin si Lizette nang makita niya na si Jerwin ang kinukuhanan, napatingin din si Jerwin sa kanya.

Nang mapansin yun ni Lizette ay inalis niya ang tingin niya sa lalaki at nilapitan agad si Trofer para ibigay ang laptap.

"Boss, heto na po yung pinakukuha niyo."

Kinuha naman ni Trofer ang latop, "Thank you ha."

Natapos naman ang pictorial ni Jerwin, "Okey guys, break muna."

"S-sige sir, babalik na po ako sa taas." Nagmamadaling umalis si Lizette at hinabol siya ni Jerwin.

"Lizette, sandali lang." Pahabol na sinabi sa kanya pero hindi niya ito napansin, patuloy siyang naglakad ng mabilis hanggang si hinawak na ni Jerwin ang braso niya para huminto siya.

"Ano ba? Madami akong trabaho't nagmamadali ako."

"Lizette, nilalayuan mo ba ako? Ba't parang pinagtataguan mo ako? May ginawa ba akong masama parang ganituhin mo ako."

"Ano bang gusto mo talaga at bakit ang kulit-kulit mo?" tanong ni Lizette.

"Gusto kong malaman kung bakit mo ako ginaganito kasi mahal kita!"

Napatigil sumandali si Lizette.

"Sabihin mo sa akin ngayon, anong problema?" tanong sa kanya ni Jerwin.

"Ang problema, yang sinabi mo."

"Dahil ba sa hindi mo ako gusto?"

"Hindi mo pa ako kilala, Jerwin. Ayoko lang kitang masaktan."

"Ano bang kailangan kong malaman?"

"Hindi mo na kailangang malaman, masasaktan ka lang." At tumalikod na si Lizette para iwan sa parking lot pero sa pagtalikod niya ay hindi niya mapigilan ang lumuha sa mga sinabi niya.

8

Naglalakad ng mag-isa sa mall si Jerwin nang makita siya ni Debbie at agad siyang nilapitan nito, "Jerwin..."

"Debbie, anong ginagawa mo rito?"

"Tumawag ako sa call center at sinabi nila sa akin na ditto raw ang tuloy mo kaya sinundan kita."

"hay, sino kayang madaldal na yun."

"Hindi ko sasabihin, basta ang masasabi ko lang ay napakabait niya dahil itinuro ka niya sa akin." Sabi ni Debbie.

"Debbie, gusto ko munang mapag-isa, please hayaan mo muna ako."

"Ayoko nga, ngayon nafifeel ko na may pinobrolema ka maslalo kitang hindi iiwan." Napansin ni Debbie sa di kalayuan sina Lizette na naglalakad sa mall kasama ang mga kasamahan niya.

'Debbie, kaya ko to." Nagulat si Jerwin nang agad siyang hinila Debbie at nagtago sila sa likod ng isang poste.

"Ano na naman ba ito Debbie?"

"Teka lang, yung kapatid ng asawa ako andiyan."

Sumilip si Jerwin at nakita niya si Lizette na naglalakad.

"Sino diyan?"

"Yun oh." Tinuro siya ni Debbie, "Yung nakapink na blouse na nakaputing palda, si Lizette, naku baka isipin kasi niyan nakikipagdate ako at isumbong ako niyan sa kuya niya."

"Lizette? Kaya pala." Nasabi ni Jerwin sa sarili niya.

Habang nagpapahinga sa kanyang sofa sa condo ay napapag-isip si Jerwin, inalala ang kanilang mga pag-uusap noon nila ni Lizette:

"Hi! Taga Red Magazine ako, Im Miss Lizette Santos."

"Teka have we met before, para kasing pamilyar na yung mukha mo sa akin?"

Napapikit si Jerwin, pumasok sa isip niya ang kasal ni Debbie, ang babaeng natalisod habang nagmamartsa sa aisle, "Siya nga yun."

"Jerwin, matanong nga kita, anong tingin mo sa mga kabit."

"Kabit?"

"Oo, as in kabit, mistress, another woman, another man o di kaya another lover, kalaguyo."

"Ewan ko, pero ang sure ako mahal na mahal niya ang asawa niya."

"Natural lang yun, ang pangit naman kung di niya mahal ang asawa niya di ba?"

"Kahit may ibang lalaki ang asawa niya?"

Napag-isip muli si Jerwin, "Iniisip niyang kabit ako ng hipag niya, kaya rin ba niya ako nilalayuan?"

"Hello? Si Jerwin po?" tanong ni Debbie sa kasamahan ni Jerwin sa call center.

"Ay wala siya na sa Red magazine siya ngayon."

Nagtaka si Debbie "Sa Red Mag, anong ginagawa niya ron."

"eto ano pa rumaraket. Ay di mo ba alam bumalik uli siya sa pagmomodel?' sagot ng lalaki sa kanya.

"H-hindi ko alam eh, hindi niya nabanggit. Sige, thank you ha." Sa Red Magazine, teka, doon nagtatrabaho si Lizette ha, patay! Magkakilala kaya sila ni Lizette?

Sa labas ng opisina ay nagkasalubong sina Lizette at Jerwin, iiwasan na sana siya ni Lizette nang biglang may sinabi sa kanya si Jerwin, "Kamusta na ang kuya mo?"

Napahinto si Lizette.

"Hinahanap-hanap pa rin ba niya ang asawa niya?" napatingin si Lizette sa kanya, "Sabihin mo sa kanya, wag siyang mag-alala hindi ako kabit ng asawa niya, naging kami noon pero kahit kailan hindi niya ako naging kabit."

'Jerwin, let me explain." Sabi ni Lizette.

"Tama ba ang hula ko, sinasadya mo ang lahat. Sabihin mo nga sa akin Lizette, ano yung totoo sa lahat ng mga ginawa mo, sabihin mo nga ano ang hindi mo sinasadya?"

"Yung malaman ko na ikaw ang ex ng hipag ko at sana hindi ikaw ang pinag-isipan kong kabit niya."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong sa kanya.

Napaiyak si Lizette sa harapan niya at di nila namamalayan na sa di kalayuan ay nakikita na pala sila ni Debbie.

"Ngayon siguro, malinaw na sayo ang lahat kung bakit ko sinabi sayo noon na masasaktan ka lang. Jerwin, kaya ako umiiwas sayo dahil komplikado ang sitwasyon natinbg dalawa kaya kahit mahal mo ako at mahalin kita walang mangyayari dahil walang pwedeng mangyari." Tumalikod na si Lizette at iniwan sa labas si Jerwin na umiiyak.

Kinagabihan paglabas ni Lizette sa opisina ay sinalubong siya ni Debbie.

"Oh ba't andito ka?"

"May gusto lang akong malaman." Sagot sa kanya ni Debbie, "Anong ginagawa ni Jerwin ditto sa opisina niyo?"

"Jerwin?"

"Wag ka ng magkaila, nakita ko na kayong nag-uusap, mukha ngang seryoso ang pinag-uusapan niyo eh."

"Dito siya nagtatrabaho, model siya rito."

"Ikaw ba ang bagong babae sa buhay niya?" tanong sa kanya ng kanyang hipag.

'Ano ba yang pinagsasabi mo?"

'Aaminin ko sayo ang totoo, first love ko si Jerwin. At siya ang dahilan din kaya ko iniwan ang kuya mo dahil hanggang ngayon si Jerwin pa rin ang mahal ko, nakakainis nga lang at ayaw niya na akong balikan pa, meron na raw kasing ibang babae riyan na nagmamay-ari na ng puso niya. Ito ang tatandaan mo Lizette, hindi mo siya makukuha sa akin, ay oo nga pala, hindi talaga siya mapapasayo, komplikado nga pala ang sitwasyon niyo, di ba? Napakabigat naman kasi na ang hipag mo pala ang karibal mo, kawawa ka naman. Sige ha, ikamusta mo na lang ako sa mga anak ko." At lumayo na sa kanya si Debbie.

Sa condo ay nakatingin sa bintana si Jerwin at pinagmamasdan ang mga nagdadaanang sasakyan sa labas, ang malas-malas ko talaga sa pag-ibig,nagpakasal sa iba ang babaeng minahal ko noon tapos ngayon komplikado naman ang sitawasyon naming ng minamahal ko ngayon, kailan pa ba sasaya ang love life ko, wala naman ako ginawang masama sa ibang babae para abutin ko itong kamalasang ito. Pero bakit ganon, kahigt pinag-isipan pa niya ako ng masama, namimiss ko pa rin siya.Miss na miss na kita, Lizette. Mula sa kanyang bintana ay nakita niyang nakatapat sa harapan ng building si Lizette at pinagmamasdan lang niya ang building, "Lizette?" agad na lumabas si Jerwin ng kuwarto niya para pabain si Lizette.

Pagkalabas niya ng building ay namataan niya si Lizette na pumara ng taxi at sumakay ditto, agad namang tumawag agad ng taxi si Jerwin para sundan ang sinasakyan ni Lizette.

Pinahinto ni Jerwin ang taxi nang makita niya ang pinagtapatan ng taxi na sinsakyan ni Lizette, bumaba si Lizette sa taxi at pumasok sa gate. Pinalapit ni Jerwin ang taxi sa tapat ng bahay nila Lizette.

Pagpasok sa salas ni Lizette ay natagpuan niya na ron si Debbie na kausap ang mga anak niya.

Tuwang-tuwa ang mga pamangkin niya pagkakita sa kanya, "Tita, tama ka bumalik na si mommy."

Hindi makapagsalita si Lizette sa nakita.

"Oh ba't parang gulat na gulat ka, hindi mo iniexpect ito di ba?" sabi sa kanya ni Debbie.

Lumabas ng kusina si Henry na may dalang spaghetti, "Lizette, buti dumating ka na, binalikan na kami ni Debbie."

"Oo nga, buti bumalik ka na, namiss ka na kasi ni kuya."

'Naisipan ko na talagang bumalik, hindi lang naman kasi sila ang na-miss ko, ikaw din."

Napataas ng kilay si Lizette, "Talaga? Namimiss mo rin pala ako noh. Sige papasok muna ako sa kuwarto ko."

Pagpasok ni Lizette sa kuwarto niya at napatingin siya sa bintana at nakita niya ron si Jerwin na nakatayo sa tapat ng bahay nila kaya agad naisara ni Lizette ang kurtina, Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalamang ditto ako nakatira? Ang tanga niya gusto ba talaga niya ng gulo, andito pa naman si Ate Debbie.

"Lizette!"

Agad tinignan ni Lizette si Debbie na nasa pintuan ng kuwarto niya.

"Kamusta ka na? Kamusta na kayo ni Jerwin?"

"Matagal na rin kaming di nag-uusap non eh. "

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Ate, buti naman naisipan mo ng bumalik." Sabi niya sa hipag.

Umupo si Debbie sa kama niya, "Actually, hindi ko alam kung hanggang kailan ako magistay ditto."

"So you mean hindi pa ito for good?"

"Alam mo ba kung bakit ako bumalik?" tumayo ito at nilapitan si Lizette, "Para sayo, di ba ito naman ang gusto mo ang bumalik ako sa kuya mo. Ngayong nakabalik na ako baka naman pwede mo ng tantanan si Jerwin.":

"Matagal ko na siyang tinanantanan, kahit alam kong walang mali kung lalapitan ko siya. eh ikaw? Hindi katulad mo maling-mali na nga, hindi ka pa niya mahal pero pinagsusumiksikan mo pa rin ang sarili mo sa kanya."

"Tandaan mo lang, Lizette, andito lang ako, babantayan kita."

"Eh di bantayan, as if matatakot ako sayo, hindi pa ako naprapraning para matakot sa mga selfish na katulad mo. Sa tingin ko nasabi mo na ang lahat ng gusto mong sabihin sa akin pwede ka ng lumabas ng kuwarto ko at matutulog na ako.".

Pagkalabas sa kuwarto ni Lizette ay sumilip muli sa bintana ito at nakita niya si Jerwin na nakatingin lang sa bahay nila.

9

Umagang-umaga pa lang ay nagpunta na si Jerwin sa tapat ng bahay nila Lizette at sinisilip niya ito. Lulan ng tricycle ay dumating naman ang nanay nila Lizette na may dalang isang bayong ng mga gulay. Pagkababa nito ay nahulog ang mga gulay kaya sumugod si Jerwin para damputan ang mga nahulog na pasalubong ng nanay nila Lizette.

"Ayos lang po kayo?" tanong ni Jerwin sa kanya.

"Naku, ayos lang. Maraming salamat iho ha, ang bait-bait mo naman. Teka, bago ka ba rito parang ngayon lang kita nakita."

"Naku hindi mo pa may tinitignan lang po ako rito."

Nagkataong lumabas naman ng bahay si Lizette at nagulat siya ng makitang nag-uusap sina Jerwin at ang kanyang ina, "Jewrin? Anong ginagawa mo rito?"

"Kilala mo siya anak?" tinagnan ng kanyang ina si Jerwin, "Ang anak ko ba ang tinitignan mo."

Namula si Jerwin sa sinabi ng ina ni Lizette kaya ngumiti na lang ito.

"Nay, model po naming sa opisina si Jerwin."

"Ay kaya pala ang guwapo-guwapo eh."

Ngumiti si Jerwin, "Naku salamat po."

"Sige ihatid mo na ang anak ko." Sabi niya kay Jerwin, "Lizette, entertainin mong mabuti yang manliligaw mo."

"Nay, hindi ko saiya manliligaw noh."

"Sige na, umalis na kayo't baka ma-late ka pa."

Pumasok ang ina niya sa loob ng bahay nila at walang magawa si Lizette kundi sumabay sa paglalakad kasama si Jerwin.

Pagkapasok ng nanay nila Lizette sa bahay ay agad ikinuwento nito ang tungkol kay Jerwin, "Ikaw talaga Henry, di mo man lang sinasabi sa akin na may umaaligid-aligid na pala riyan sa kapatid mo."

"Umaaligid-aligid?" tanong ni Henry sa ina.

Napahinto naman sa pagkain si Debbie nang marinig iyon.

"Oh ba't di niya patuluyin sa bahay yung manliligaw niya?" tanong ni Henry sa ina.

"Bumalik na si Ate Debbie sa amin." Sabi ni Lizette habang naglalakad sila Jerwin sa kalye.

"Talaga?" tanong ni Jerwin.

"Binantaan niya ako, tantanan na raw kita, kaya Jerwin please lang layuan mo na ako."

'Ba't di na lang kasi tayo lumayo? Lumayo tayo sa kanila."

"Para ano? Para gumulo muli ang pamilya ng kuya ko."

"Iniisip mo ang kuya mo, ba't di mo isipin ang sarili mo? May karapatan ka rin maging masaya."

"Magiging masaya lang ako kapag nakita kong nasa maayos na ang buhay ng kapatid ko."sagot ni Lizette.

"Katulad ka rin ng hipag mo, hindi mo rin ako ipaglalaban." Sabi ni Jerwin.

Huminto sa paglalakad si Lizette, "Tama ka, hindi nga kita kayang ipaglaban. Hindi ko deserve ang pagmamahal, hindi mo ba naisip na hindi ako karapat-dapat sayo, kay pwede ba layuna mo na ako!' agad pumara ng taxi si Lizette at sumakay siya rito at iniwang nag-iisa si Jerwin.

Pag-uwi sa bahay ni Lizette ay agad tinanong ng kuya niya ang tungkol sa manliligaw niya, "Ba't di mo naman pinapatuloy ditto ang manliligaw mo?"

Saglit na tumingin sa kanya ang hipag na kasalukuyang nanonood ng TV kasama ang mga anak.

"Si nanay talaga oh, hindi ko naman manliligwa yun, kaibigan ko lang yun."

"Naku Sumoshowbiz ka pa." Sabi ng kanyang ina, "Kung ako sayo sagutin mo na yun."

Nagkatinginnan sila ng kanyang hipag sa sinabi ng kanyang ina.

"Nay kung magsalita ka parang kilalang-kilala mo na yun ha."

"Ewan ko ba, parang kasing ang gang-gaang ng loob ko sa kanya." Sagot ng kanyang ina.

"Alam mo tol, hindi ka na bata para ipagpaliban pa yang pagboboyfriend kung gusto mo sya eh di jowain mo na, di ba Debbie?"

Sumagot si Debbie ng matipid na ngiti sa kanyang asawa.

Nagliligpit ng pinagkainan niya si Lizette ng nilapitan siya ng hipag nito, "Akala ko ba hindi na kayo nag-uusap ni Jerwin?"

Nabad trip si Lizette sa tanong sa kanya ng hipag, "Hindi ko rin akalain na matutunton niya ito pero sinabihan ko na siya na huwag niya na akong sundan pa."

"Sabihin mo nga sa akin, anong bang meron ka para mabaliw sayo si Jerwin."

Nilingon niya ang hipag, "Simple lang naman, ganda lang." At lumabas siya ng kusina.

Magsasara na sana ng gate si Lizette nang namataan niyang nasa labas si Jerwin agad niyang pinuntahan ito at hinila sa isang tabi.

"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong niya sa lalaki.

"Gusto lang kitang makita."

'Eh sira ka pala, mag-isip ka nga. Ipapahamak mo lang ako sa ginagawa mong yan, alam mo ba tinithreat na ako ng magaling mong ex."

"Paano mo nagagawa sa akin ito? Hindi mo ba ako namimiss."

Hindi nakapagsalita si Lizette sa sinabi ni Jerwin, "Kung talagang mahal mo ako, intindihin mo ang sitwasyon ko."

"Magtanan kaya tayo. Mas okey yun di ba, makakalayo tayo sa kanila."

"Kahit makalayo tayo sa kanila, ganon din yun. Komplikado pa rin ang sitwasyon natin. Sige na umalis ka na, baka makita ka pa niya."

"Lizette?" lumabas ng gate ang kapatid niyang si Henry.

"Oh, ba't di mo pinapapasok yang bisita mo?"

"Naku kuya wag na napadaan lang naman siya rito."

"Ay oo, sige na po uuwi na po ako."

"Alam mo kasi pare, ayokong nililigawan ang kapatid sa kalye." Sabi ni Henry, "Gusto ko rin namang makilala ng lubusan ang manliligaw ng utol ko."

Nagkatinginan sina Jerwin at Lizette, "Kuya di naman nanliligaw sa akin si Jerwin, talagang napadaan lang siya."

"Ang totoo niyan, mahal na mahal ko po talaga ang kapatid niyo." Sagot ni Jerwin.

Napayuko si Lizette sa sinagot ni Jerwin, Jerwin ano ba yang pinagsasabi mo, gusto mo talagang lumalapit sa gulo noh.

"At hindi ko kayang tuluyan siyang mawala sa akin."

Napatingin si Lizette sa kanya.

"Okey yan." Sagot ni Henry sa kanila, "Pumasok ka muna ng bahay ha, Jerwin?"

Pagkapasok ni Henry sa bahay ay nagbubulungan sina Lizette at Jerwin.

"Hindi mo ba marealize ang gulong pinasok mo?" tanong sa kanya ni Lizette.

"Gusto ko lang patunayan sa kuya mo na seryoso ako sayo. Hindi ko kayang ideny ka, kahit na dinideny mo ako. Paano ko matutupad ang mga pangarap ko kung hindi ko sila haharapin."

"Anong pangarap ka riyan?" tanong niya sa lalaki.

"Na makasama ka habang buhay."

Pagpasok ng dalawa sa bahay ay napalinga si Debbie ng makita niya si Jerwin.

Nagtanong agad si Hannah, "Sino siya tita boyfriend mo?"

Agad siyang sinita ni Debbie, "Hannah! Tumahimik ka nga riyan."

"Sige umupo ka." Sabi ni Lizette kay Jerwin.

"Ano bang gusto mong kainin Jerwin." Tanong ni Henry sa kanya, "Gusto mo ba ng juice?"

"Wag na lang po." Sagot ni Jerwin.

Napansin ni Lizette na masama na ang tingin sa kanila ng hipag, napayuko na lang siya nang mapansin ang nanlilisik nitong mga mata. Nakaramdam siya ng takot sa mga mata ng hipag kaya napahawak siya sa braso ni Jerwin.

Nahalata ni Jerwin ang mahigpit na pagkahawak ni Lizette sa braso niya kaya napangiti ito at hinawakan ang kamay ni Lizette na nasa braso niya.

Napatingin si Lizette sa kamay ni Jerwin kaya bigla niyang inalis ang pagkakahawak niya sa braso nito.

Nang inihatid palabas ni Lizette si Jerwin ay nakaramdam pa rin ito ng takot sa hipag, "Grabe, nakakatakot yun para siyang monster."

"Saan ka naman natakot?" tanong ni Jerwin sa kanya.

"Kanino pa eh di sa magaling mong ex! Ano ka ba? Hindi mo ba nahalata ang sama-sama ng tingin niya sa ating dalawa, parang kakainin niya tayo ng buhay. Hay naku Jerwin kapag may nangyari sa aking masama kasalanan mo lahat ito."

"Problema ba yun? Kung natatakot sa hipag mo eh di sumama ka sa akin."

Binatukan ni Lizette si Jerwin, "Ayan ka na naman eh, ayan ka na naman sa tanan-tanan na yan."

"Oh sige kung ayaw mong magtanan tayo, eh di ditto na lang ako, babantayan na lang kita."

"Ang galing ano? Ang galing-galing mo ring mag-isip. Sa tingin mo ba papayag ang kuya ko kung titira ka rito!"

"Hindi naman ako matutulog sa inyo, diyan lang ako sa labas."

"Sira, eh di cargo se consencia ko pa kung may masamang mangyari sayo. Ayoko nga, ayoko!"

"Ikaw na nga itong binabantayan ikaw pa itong galit." Sabi ni Jerwin.

"Ba't ba kasi ang kulit-kulit mo, lagi mo na lang akong ipinapahamak."

"Hindi ko gustong ipahamak ka, ginawa ko yun dahil hindi ko kayang itago ang feelings ko sayo. At ang gusto ko rin, kung dumating ang araw na malaman ng kuya mo ang tungkol sa nakaraan naming ni Debbie maisip pa rin niya na seryoso talaga ako sayo." Sabi ni Jerwin.

"Hindi ganon kadaling tanggapin yun, baka nakakalimutan mo na dahil sayo kaya nakipaghiwalaya si Ate Debbie sa kuya ko dahil sayo."

"Ang importante napatunayan ko sa kanila na talagang mahal kita. Kahit ganito ka komplikado ang sitwasyon nating dalawa naging matapang ako na harapin sila."

"Alam mo di ko alam kung hahanga ako sa katapangan mo o maiinis."

Niyakap ni Jerwin si Lizette at binulungan ito, "Mainis ka na kung gusto mong mainis, kung di mo ako kayang ipaglaban, ako na lang ang lalaban."

Naiiyak na si Lizette sa ibinulong sa kanya ni Jerwin yayakapin na sana niya ito pero nakita niya ang hipag niya na nakasilip sa kanila kaya naitulak niya bigla si Jerwin, "Umalis ka na may pasok ka pa bukas di ba? Baka mapuyat ka pa."

"Sige, goodnight." At kinurot niya ang pisngi ng babae.

10

Pagpasok ni Lizette sa bahay ay sinalubong siya agad ng kanyang hipag, "Pagkatapos pa ba ng mga nakita ko idedeny mo pa rin ang relasyon niyo ng ex ko."

"Ano ka ba? Wala naman talaga kaming relasyon."

"Binabalaan kita..."

"Oo na, oo na, binabalaan mo na ako, takot na takot na nga ako at mas pipiliin ko pang maging malungkot dahil natatakot ako sayo."

Lumabas ng kuwarto si Henry ng marinig na sumisigaw na si Lizette, "Napapagod na ako, gusto ko ring maging masaya, ba't ba napakaselfish mo!"

"Lizette? Ano bang nangyayari ditto? Ba't mo sinisigawan ang ate mo?" tumingin lang si Lizette sa kapatid at saka nagpaalam ditto, "W-wala, matutulog na ako." At pumasok na siya sa kuwarto niya.

"Ano bang pinag-aawayan niyo ni Lizette? Ba't parang galit siya sayo?" tanong ni Henry sa asawa.

"Naku, wag mo ngang pinagpapansin yang kapatid mong yan. Baka sinusumpong lang ng tantrums." Sabi ni Debbie.

'Anong tingin mo kay Jerwin, mukhang mabait naman siya di ba? Saka bagay sila ni Lizette, alam mo sa tingin ko type din siya ni utol eh."

"Masyado ka namang palagay sa lalaking yan, isang araw mo pa lang yan nakikilala."

"Alam mo naisip ko, tumatanda na rin si utol, halos siya na nga ang nagpalaki sa mga anak natin, siguro naman this time na nagkakalove life na siya, maganda siguro kung hahayaaan na lang natin siya, malaki na siya at alam niya na ang ginagawa niya."

"Paano kung masaktan siya sa bandang huli?"

"Natural na lang siguro ang masaktan mas okey nga yun, natututo ka sa buhay. Kilala ko ang kapatid ko, matatag siya, noong panahon na magkahiwalay tayo, siya ang nagpapalakas ng loob ko, lagi niya akong pinapayuhan, matapang siyang hinaharap ang bawat pagsubok sa buhay niya. kaya kung masasaktan man siya alam kong babangon din siya." sabi niya sa asawa.

Habang nagtatype si Lizette ay inilapag ni Trofer sa harapan ni Lizette ang bagong issue ng Red Mag kung saan na ka post don si Jerwin.

"Para naman magising-gising ka, inaantok ka na naman eh." Sabi ni Trofer.

"Ilang araw na kasi akong puyat sa kakaisip, lumiliit na ang mundo naming tatlo nila Ate Debbie at ni Jerwin, parang di na ako makahinga." Sabi ni Lizette.

"Ano bang iniisip mo?"

'Kaninang umaga kinausap ako ni kuya, sabi niya ayos lang daw sa kanya kung bumukod na ako. Naisip ko, tama yun, at least mapapalayo na ako sa asawa niya, hindi ko naman alam kung saan ako tutuloy."

Pumalakpak si Trofer, "Tamang-tama, bakante ang isang apartelle ko ngayon, doon ka na tumuloy, sige, dahil assistant kita bibigyan kita ng 50% discount sa upa mo."

"Hindi nga bosing? Papatitirahin mo ako sa apartelle mo?"

"Oo nga, sa napaka murang halaga, naaawa na rin kasi ako sayo, kumakapal na rin yang eye bags mo sa kakaisip diyan sa hipag mong maldita."

Napayakap si Lizette sa boss niya, "Salamat talaga bosing ha, utang ko talaga sayo ang buhay ko."

"Ba't mo naman pinayagang bumukod yang kapatid mo. Paano na tayo?" tanong ni Debbie sa asawa niya.

"Anong paano na tayo? Hindi naman natin kailangan na si Lizette, pareho naman tayong may trabaho, saka hindi naman niya tayo responsibilidad."

"Hindi ka ba nag-aalala sa kapatid mo once na nag-iisa na siya, baka gumawa ng mga kabalakbulan yun."

"Debbie, bakit ko naman pag-iisipan ng ganon ang kapatid ko, kilala ko siya at saka gusto ko na rin magkaroon ng sariling buhay si Lizette. Teka ano bang magiging problema non sayo kung bumukod na si Lizette."

"Paano kapag wala tayo rito sa bahay, sino ang mag-aasikaso sa mga anak natin."

"Debbie, hindi yaya ng mga anak natin ang kapatid ko." Sagot ni Henry at pumasok na ito ng kuwarto niya para matulog.

"Oh di ba ang ganda!"

Pumasok sila Lizette at Trofer sa apartment nito. Maliit lang ang apartment pero ayos na ayos na ito para kay Lizette.

"Bosing salamat talaga ha. Siguro naman ditto matatahimik na ako, wala ng hipag na nanakot at manliligaw na makulit."

"Kunwari ka pa, masasad ka rin kapag narealize mong wala na talaga siya. Naku ha, sinasabi ko sayo, wag mong ipanalangin na mawala siya sa buhay mo kasi baka ikaw din ang magsisi sa bandang huli. Namimiss mo na siya noh."

"Hindi noh, gusto ko na nga siyang mawala sa buhay ko tapos mamimiss ko." Sagot ni Lizette. "Mamiss ko ang mga pamangkin ko."

"Ganon talaga, kasalanan kasi yan ng impaktita nilang nanay."

"Ano na kaya ang nangyayari sa bahay? Hindi kaya inaaway na naman niya ang kuya ko?"

"Wag mo ng isipin yung mga yun. Ngayong wala ka na sa poder ng kuya mo siguro its time na sa kanya na dumepende sa sarili niya noh."

Patulog na si Lizette nang biglang may kumatok sa bahay niya, "Naku si bosing siguro ito."

Nang pagbukas niya ng pintuan ay laking gulat niya nang nakatayo don si Jerwin, agad niyang sinarado ang pintuan pero itinutulak ito ng lalaki, "Ano ba paano mo ako nasundan ditto, stalker talaga noh."

"Hoy baka nakakalimutan mo, sinundan mo rin ako non sa condo ko. Ikaw ang unang nagstalk sa akin noh."

"Iba ang sitwasyon non. Ano ba, gusto ko ng tahimik na buhay layuan mo na ako!"

"Alam kong kahit gustuhin mo di ka pa rin matatahimik..."

"At paano mo nasabi?"

"Kasi mamimiss mo ako."

"Ang kapal mo..." at bigla siyang hinalikan ni Jerwin.

Nabitawan ni Lizette ang pintuan sa ginawang yun ni Jerwin.

"Sira ulo ba't mo ginawa mo yun?' tanong niya sa lalaki.

"Eh iniipit mo ako. Ang sakit-sakit na kaya ng katawan ko. Papasukin mo naman kasi ako."

"Ba't naman kita papasukin?"

"Papasukin mo ako kasi una wala naman ditto ang magaling kong ex, walang mananakot sayo at we are both free. Free as a bird. Dali na maawa ka naman sa akin, ang sakit-sakit na ng katawan ko, inipit mo eh."

"Pag-iisipan ko muna..."

"Oh sige habang nag-iisip ka uupo muna ako sa sofa niyo." Tumuloy agad sa loob ni Jerwin at umupo sa sofa.

"Hoy sira ka talaga noh, pinauupo na ba ako."

"Ano ba napag-isipan mo na ba kung papasukin mo ako o hindi."

"Ano pa bang magagawa ko, nakaupo ka nga riyan sa sofa ko eh." Sagot ni Lizette.

Ngumiti si Jerwin.

"Ngiti-ngiti ka pa riyan, sampalin kita riyan."

Tumayo si Jerwin at nilapitan si Lizette, "Alam mo ikaw kahit ang dami mong iniisip at takot na takot ka sa hipag mo." Kinurot niya ang pisngi ni Lizette, "Cute na cute ka pa rin."

Inalis ni Lizette ang kamay ni Jerwin sa pisngi niya, "Ba't ba gustong-gusto mo ng problema? Ba't ba habol ka pa ng habol sa akin? Niloko kaya kita, pinag-isipan ng masama. Bakit andito ka pa rin?"

"Ang totoo niyan di ko alam. Basta ang alam ko, kahit na ganon ang mga nangyari sa atin ikaw pa rin ang gusto kong makasama habang buhay."

"Talaga bang ako ang gusto mong makasama habang buhay o wala ka lang choice kasi may pamilya na yung talagang mahal mo."

Hinawakan ni Jerwin ang kamay ni Lizette, "Ikaw ang mahal ko." At niyakap ni Jerwin si Lizette, "Mahal na mahal kita, kung nabigo man ako non, ngayon hindi ko na hahayaan mabigo ako ulit."

Nadala si Lizette sa pagkayakap sa kanya ni Jerwin kaya napayakap na rin siya rito.

Nang maramdaman ni Jerwin ang pagkayakap sa kanya ng babae ay hinarap niya ito saka hinalikan.

Magkahawak ng kamay na nakaupo sa sofa sina Jerwin at Lizette.

"Lizette, mula nang nagkakilala tayo, sa lahat ng mga inkinuwento mo sa akin. Ano ang totoo ron?"

"Ang totoo ron? Five years ago napanood na kita na rumarampa at inihagis mo yung bandana na suot mo noon. Kakausapin sana kita non para sabihin sayo na nakuha ko yung bandana mo, kaya lang laging nagkakataon na may kausap ka sa phone o di kaya busy ka. Nakita pa nga kita noon sa isang bar lalapitan na sana kita noon kaya nga lang bigla kang umalis."

"Noong time kasi na yun, nalaman kong ikakasal na sa iba si Debbie."

"Masakit ba? Sorry ha, kasalanan kasi ng kuya ko."

"Naku ayos lang yun. Kung hindi rin din naman sa kuya mo, hindi kita makikilala. Past is past, okey?"

Tumango si Lizette sa sinabi ni Jerwin.

Sa kuwarto nila Henry ay nagulat na lang ito nang makitang nag-aayos ng maleta si Debbie.

"Debbie, anong ibig sabihin nito?" tanong ni Henry sa kanya.

"Hindi ko na kaya Henry. Hindi ko na kayang magtiis ng ganito. Akala ko nong una makakaya ko pero hindi."

"Teka, teka. Anong nagtitiis? Ano bang ginawa ko?"

"Wala kang ginagawang masama Henry. Hindi na lang talaga ako masaya. At kahit kailan di ako naging masaya."

"Dahil ba sa hindi naman talaga ako ang mahal mo, dahil ba sa napilitan ka lang pakasalan ako. Di ba ginawa ko naman ang lahat para paligayahin ka, hindi pa ba sapat yun. Ang totoo, Debbie, napapagod na rin akong paligayahin kasi nararamdaman ko, kahit kailan hindi kita napaligaya. Ang gusto ko lang malaman, bakit ka pa bumalik sa amin, alam mo namang di ka na magiging masaya ditto di ba?"

"Wala akong choice Henry, iniwan na ako ng tuluyan ng taong mahal ko. Pinagpalit niya na ako..... sa kapatid mo."

Nagulat si Henry sa mga narinig sa asawa.

"Si Jerwin ang boyfriend ko noon nang may nangyari sa atin. Nasaktan siya nang malaman niyang ikakasal na ako sayo. Hindi niya matanggap ang mga nangyari.."

"Anong ibig sabihin, nililigawan ni Jerwin si Lizette para gantihan ako."

"Ayoko sanang isipin yun. Kilala ko si Jerwin, mabait siya pero concern lang naman ako sa kapatid mo. Ito na nga yung matagal kong gustong sabihin sayo eh. Ayoko lang masaktan ka. Binalalaan ko na ang kapatid mo tungkol ditto pero hinahabol pa rin siya ni Jerwin. Henry payo ko sayo, ingatan mo ang kapatid posibleng may masamang balak sa kanya si Jerwin."

11

Pagkatapat ng motorsiklo ni Henry sa apartment ni Lizette ay nakita niyang magkasama sina Lizette at Jerwin.

"Kuya? Napadalaw ka."

Nilapitan ni Henry si Jerwin, "Anong balak mo sa kapatid ko?"

"Po?"

"Kuya ano yang sinasabi mo?" tanong ni Lizette sa kapatid.

"Kung balak mo akong paghigantihan wag mong idamay ang kapatid ko."

Inawat ni Lizette ang kapatid, "Kuya let me explain."

"Wala akong balak gantihan ka." Sagot ni Jerwin, "Sa maniwala ka man o sa hindi mahal ko talaga si Lizette."

"Wag mo akong daanin sa mga ganyan mo!"

Inawat muli ni Lizette ang kapatid niya, "Kuya kasalanan ko lahat ito! Ako ang nagsimula ng lahat, kaya wag mong sisihin si Jerwin. At kung niloloko ako ni Jerwin dahil deserve ko yun, dahil sinungaling ako, dahil niloko ko siya, dahil gusto kong I-save ang pamilya mo."

Naiwan sina Henry at Lizette sa apartment. Ikinuwento ni Lizette ang mga naging balak niya noon kay Jerwin.

"Ginawa mo yun para sa akin."

Tumango si Lizette, "Ayoko kasing makitang nagkakaganon. Nahihirapan ako. Gusto kong makita ang kuya ko na masayahin at walang inisip kundi paligayahin kami."

"Hindi ko alam na dahil sa katangahan ko, maiiisip mong gawin yun."

":Gusto kong maging masaya ka kuya."

"Wala na si Debbie, tuluyan niya na kaming iniwan. Sa tingin ko, hindi siya talaga babalik." Humngi ng malalim si Henry, "Okey na rin yun, pagod na rin akong ipagpilitan ang sarili ko sa isang taong di naman kami minahal. Wag kang mag-alala hindi na uli ako magpapaka-gago. Babangon ako para sa mga anak ko. Magiging masaya ako kahit wala si Debbie, dahil kaya ko namang pasayahin ang mga anak ko di ba?"

"Kuya, love na love ka ng mga anak mo. Idol ka nga nila eh. Basta wag mong pabayaan ang sarili mo, para sa mga anak mo."

"Ikaw din, wag mong pabayaan ang sarili mo. I'm sorry Lizette, alam kong dapat hinahangad ko sayo na maging masaya ka pero sana wag si Jerwin."

Napayuko si Lizette.

"Para kasing sa ngayon di ko pa siya kayang tanggapin. Naiintindihan mo naman ako di ba?" tanong niya sa kapatid.

"Oo naman kuya. Siyempre naiintindihan kita noh." Sagot ni Lizette, "Sige sasabihin ko na lang yun kay Jerwin, siguro naman, ngayon maiintindihan niya na."

"Isa pang favor, bumalik ka na sa atin. Kailangan ka ng mga anak ko, kailangan nila ng tita mommy."

"Sige ba. Ilang araw pa lang nga akong nawawala na mimiss ko na ang dalawang yun."

"Mag-impake ka na ha, saka kausapin mo na si Jerwin."

Tumango si Lizette, "Sige kuya."

Pumasok ng studio si Lizette kung saan nakita niya si Jerwin na kinukuhanan ng litrato. Nang makita ni Jerwin si Lizette ay humingi muna ito ng break saka nilapitan si Lizette. "Anong problema? Na miss mo na ba ako at dinaanan mo ako rito?"

"Sira ka talaga. May gagawin ka ba mamaya?" tanong niya sa lalaki.

Umiling si Jerwin, "Wala naman bakit gusto mong lumabas tayo?"

"Kung pwede sana."

"Sure. Pupuntahan kita sa office mo mamaya ha."

Tumango si Lizette, "Sige hihintayin kita."

Sa isang restaurant ay masayang ikinukuwento ni Jerwin ang mga offer pa sa kanyang pictorial.

"Sabi nila next month dapat may schedule kami for Thailand pictorial, sana nga matuloy eh. Tapos ang balak ng Red by next year may special edition sila na gagawin sa Las Vegas."

"Okey yun. Nakakapagtravel ka."

"Gusto mo bang sumama? "

"Wag na lang trabaho mo yun. Saka nagbigay na rin ako ng resignation letter sa Red. Hindi ko nabanggit sayo pero natatanggap na ako sa isang advertisng company na inaapplyan ko."

"Ha? Eh di hindi na pala tayo madalas magkakakasama."

"Hindi na, hindi na talaga." Napayuko si Lizette, "Jerwin gusto kong malamn mo na ayokong gawin ito dahil sa ilang araw ng pinagsamahan natin masasabing kong naging masaya ako. Sana maintindihan mo dahil matagal ko na rin itong naipaliwanag sayo. Komplikado ang sitwasyon natin."

"May kinalaman ba ito sa kuya mo?"

"Intindihin mo siya, natural lang na hindi ka niya matanggap."

Nagsimulang umiyak si Jerwin at hinawakan ang kamay ni Lizette, "Makikiusap ako sa kuya mo. Sasabihin ko sa kanya na seryoso ako sayo."

"Intindihin mo na lang siya please."

"Anong gusto mong gawin ko? Ayokong mawala ka."

"I'm sorry. Pero ganon talaga." Tumayo si Lizette na umiiyak pa rin, "Sige na, yun lang naman ang gusto kong sabihin sayo." At iniwan si Jerwin sa restaurant na yun.

12

Papasok ng bahay niya si Henry nang tinawag siya si Jerwin. "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol ba kay Lizette?"

"Alam kong mahirap akong tanggapin pero gusto kong malaman mo na maghihintay ako hanggang sa dumating ang panahon na tanggapin mo ako."

"Ganyan kaporsigido sa kapatid ko, maghihintay, paano kung wala ka pang hinihintay?"

Napayuko si Jerwin, "Maghihintay kung yun lang ang dapat kong gawin para magkabalikan kami ni Lizette, maghihintay ako. Hindi naman siguro panghabambuhay ang galit mo sa akin di ba?"

"Hindi naman ako galit sayo, ayoko lang ng sitwasyon nating tatlo, masyadong komplikado. Alam mo ba ang feeling ko ngayong kaharap kita, naaalala ko si Debbie, naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin noong iniwan niya kami na ikaw pa rin ang mahal niya."

"Hindi ko sinsadya yun. Noon pa man sinabihan ko na siya na balikan niya kayo." Sabi ni Jerwin.

"Naikuwento na sa akin ni Lizette yan. Mabuti kang tao, Jerwin, alam kong hindi ka masama, alam kong ayaw mong may nasasaktan. Lilipas din ang mga araw Jerwin na siguro na masasabi ko sa saruli ko na, wala na nga si Debbie. That time makakamove on na ako, that time siguro pwede ka ng pumasok sa buhay ng kapatid ko."

"Sana nga dumating ang araw na yun, hihintayin ko yun."

Tinapik ni Henry ang balikat ni Jerwin, "Wag mo lang hintayin, paghandaan mo dahil hangad ko ang magandang kinabukasan sa kapatid, she deserved the best."

Pumasok na sa bahay si Henry at umalis na rin sa lugar na yun si Jerwin.

Inaayusan ni Lizette ang mga pamangkin niya habang umiinom ng kape ang kuya nang biglang tumunog ang celphone niya, nang makitang si Jerwin ang tumataway ay napatingin siya sa kuya mo saka siya pumasok muna ng kuwarto at sinagot ito.

"Hello? Ba't ka napatawag?"

"Magpapaalam lang ako, bukas na kasi yung simula ng pictorial naming sa Thailand. Mga isang linggo rin ako ron."

"Wow, paThailand-thailand ka na lang ha. Ang bongga-bongga na talaga."

"Gusto sana kitang isama kaya lang nakipagbreak ka sa kin eh."

"Gusto mo pa yata iregret ko na nakipagquit ako sayo eh."

"Medyo. Baka pag nagregret mapilitan kang balikan ako."

"Hay patawa ka talaga, as if mababalikan kita."

"Namimiss na kita."

Hindi agad nakasagot don si Lizette, naiiyak na lang siya dahil namimiss niya na rin ang lalaki.

"Hoy, mag-ingat ka ron ah. Baka tatanga-tanga ka ron ah, mawala ka pa, hindi pa naman marurunong mag-English yung mga tao ron." Sabi ni Lizette, "Sige na, magpahinga ka na, baka kapag hindi ka nakapagtrabaho ng mabuti ron, sisihin mo pa ako."

Lingid sa kaalaman ni Lizette ay nasa pintuan na ng kuwarto niya ang kanyang kuya at pinagmamasdan siya.

"Hindi nga kuya? Kahit six years na ang nakakaraan kinonsider pa rin nila ang application mo sa Dubai?" tanong ni Lizette sa kapatid.

"Hay hindi nga ako makapaniwala, kailangan talaga daw nila ng engineer ron, at ang nakakagulat pa ron by next week na ang alis ko agad."

Napayakap ang ina nila kay Henry, "Ay Salamat po Diyos ko akala ko hindi na po matutupad ang mga pangarap naming sa anak kong ito."

"Yun nga lang maiiwan ko ang dalawang bata, nay, Lizette, kayo muna ang bahala sa dalawa ha."

"Oo naman anak, basta pagbutihan mo ron ha. Go, go, go lang anak. Go, go, go."

Ginaya siya ng mga apo niya, "Go, go, go daddy! Go, go, go!"

Natawa si Henry sa ipinakita ng mga anak niya at niyakap niya ang mga ito, "Magpakabait kayo habang wala ako rito ha, wag niyong pagagalitin ang tita Lizette niya, broken hearted pa yan."

"Kuya?" sabi ni Lizette.

"Joke lang."

Inaayos ni Lizette ang maleta ng kuya niya, "Oh kuya, kapag andoon ka wag mong kakalimutang magdasal ha."

"Oo naman." Sabi ng kapatid niya, "Tumawag nga pala si Debbie, nagulat nga ako. Overeas call sa Australia. Doon na siya nagtatrabaho, secretary daw siya ron. Sabi niya may ipapadala raw siya para sa mga anak niya, tanggapin mo na lang ha."

"Galit ka pa rin ba sa kanya?"

"May karapatan ba akong magalit? Ako ang sumira sa buhay niya. Kahit iniwan niya kami gusto respetuhin pa rin siya ng mga anak niya. Alam kong kung hindi nya ako na kayang mahalin, mahal na mahal naman niya ang mga anak niya."

"Alam mo kuya, kahit gago noon, mabait ka. O siguro, you become matured from what happened."

"Siguro nga, saka andiyan ka kasi, hindi mo ako iniiwan." Inakbayan niya ang kapatid, "Youre the best utol in town."

"Dapat lang noh, ako lang naman ang kapatid mo."

"Gusto kong malaman mo utol na mahal na mahal kita, kahit isipan mong kontrabida ako sa love story niyo ni Jerwin, mahal na mahal pa rin kita. Sorry sa mga panahong pinabayaan ko ang sarili ko dahil kay Debbie at hindi ko napansin ang effort na ginagawa mo para mabuo ang pamilya ko. Pero ngayon, magiging matatag na ako para sayo at para sa pamilya ko. Okay?"

"Promise mo yan ha. Hindi ka na maglalasing ulit."

"Hindi na po." At nakipag-appear si Lizette sa kuya niya.

Buwan-buwan ay nakaktanggap ang dalawang bata ng package galing Australia at lagi ring nagpapadala si Henry ng pera para sa mga anak niya. Sa huling pag-uusap nila Henry at ni Lizette ay sinabi ni Henry na sa pagbabakasyon sa Pilipinas ay baka isama niya na sa Dubai ang dalawa niyang anak. Natutuwa naman si Lizette sa balitang yun, alam niyang tuluyan na ngang nakamove on ang kuya niya, pero malungkot din siya dahil malapit na silang maghiwalay ng mga pamangkin niya.

"Mag-asawa ka na kasi." Sabi ng kuya niya sa phone.

"Mag-asawa ka riyan, baka nakakalimutan mo ikaw ang sumira ng love life ko."

Natawa si Henry sa nabanggit ng kapatid, "Naku hinihintay ka lang naman nun eh. Ano bang balita ron?"

'Sabi ni bosing, ang dalas daw sa ibang bansa para sa pictorial. May nag-offer nga raw don na mag-artista, inayawan lang hindi raw kasi siya magalibg umarte."

Natawa muli si Henry, "Artistahin naman pala yang ex mo eh. Ano namiss mo na yun noh."

"Ang arte ko naman kung sabihin kong hindi. Ikaw kasi ang may kasalanan kuya, pinaghiwalay mo kami. Naku kapag nabalitaan kong hindi ako hinintay non at nagkagirlfriend ng iba yun, patay ka sa akin."

"Sinusubukan ko lang ang pasensya at pagtitiis niya."

'Sana nga... sana nga naaalala pa ako non."

13

Sa airpot ay hinatid ni Lizette sina Henry kasama ang mga anak niya.

"Hoy kayong dalawa ha, wag kayong makulit don ha."

"Yes tita mommy." Sagot ng dalawang bata.

"Tita mommy anong gusto mong pasalubong naming sayo." Tanong ni Hannah sa kanya.

"Magpakabait na lang kayo yun na lang ang ipasalubong niyo sa akin. Hay mamimiss ko kayo, pahug nga."

At niyakap ng dalawang bata ang tita nila.

"Hoy kuya wag mong pabayaan ang mga anak mo ha, ang lakilaki ng Dubai, baka mawala yan ron."

"Pabayaan ko ba ang mga anak ko. Ikaw ang wag mong pabayaan ang sarili mo. Magkalove life ka na para hindi ka nag-iisa ditto. Siya nga pala may sasabihin ako sayo, nakamove on na ako."

"Ang ibig mong sabihin..."

"Gusto kong maging masaya ka, alam ko namang wala akong magagawa siya lang ang pwede makapagpaligaya sayo. Pag nagkita kayo ikamusta mo na lang ako sa kanya ha, eh yun ay kung naghihintay pa rin siya."

"Salamat kuya ah."

"Oo na, basta ingat ka rito, balitaan mo na lang kami kapag ikakasal ka na para naman makauwi kami rito."

"Hay sira ka rin talaga kuya."

"Sige na, kailangan na naming pumasok."

Nang makapasok na ng airport ang mag-ama ay naglakad-lakad muna si Lizette at sa kanyang paglalakad ay napansin niya ang isang lalaki na nakashades. Napatingin sa kanya ang lalaki saka sumakay ng van nito.

Teka.. parang si Jerwin yun ha, ang sira ulong yun, nakashades lang hindi na ako nakilala.

Pumara agad ng taxi si Lizette para pasundan ang van.

Sa loob ng van ay nag-alis ng shades si Jerwin at tumingin sa likuran niya, napangiti siya ng makitang nakasunod sa kanila ang taxi na sinasakyan ni Lizette.

"Manong, ituloy mo na sa parking lot ha." Utos niya sa driver.

Nang makitang pumasok sa loob ng parking lot ang van ay nagpababa na roon si Lizette sa taxi. Nabasa ni Lizette na NO ID NO ENTRY kaya napaupo na lang siya sa gate ng parking lot. Nakakainis naman, sana pala nagdala ako ng ID. Hayaan ko nga yung lalaki na yun. Ba't ba ako magpapakamatay na habulin siya, hindi na nga niya ako naaalala eh. Nagmukha pa siyang mayabang. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo, "Makauwi na nga lang."

"Hoy Lizette!" pagkalingon ni Lizette ay nakita niya si Jerwin na tumatakbong palapit sa kanya at bigla siya nitong hinalikan.

"Namiss mo ba ako?" tanong sa kanya ni Jerwin at tumango si Lizette, "Sobra." Saka ito niyakap ng mahigpit.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Love And Affliction Jamie

Любовные романы

2.8K 465 25
[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Sat...
Hey Sir! I Love You! (FINISHED) ℳ. ♛

Подростковая литература

832K 16.2K 61
Eh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physics teacher niya. O diba ang swerte? Ay ma...
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
Sickness Love (COMPLETED) TINE

Подростковая литература

74.9K 1.8K 27
There was a girl who known as one of the MATH WIZARDS at their campus. But one day, She was called by her math teacher to answer the question on the...