Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.1K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

32.

169 20 0
By Akatsuki_Haru

Andito na ako sa tapat ng airport. Sana hindi na ako maghintay ng matagal. Nagpunta ako sa Waiting area. Nakakaboring talaga. Trabaho ba 'tong ginagawa ko? Taga sundo lang. Maya maya lang nakita ko na si Mommy. Kumaway ako. Kasama niya ang dalawang body guards niya. "RR!" Tawag niya sa'kin. Sermon na naman. Hinihintay ko siyang makalapit sa'kin. "Dumaan muna tayo sa Daddy mo."

"Okay." So, inaasahan niya na pala na ako ang susundo sa kaniya. Kumapit siya sa braso ko.

Pinagdrive ko na sila. "Okay na ba kayo ng Daddy mo?" Tanong niya.

Actually, ramdam kong okay na kami. "Ewan." Sagot ko lang.

"Alalang-alala ako sa'yo sa totoo lang. Daddy mo ang nagsabi sa'kin na natuluyan ka na daw makulong, sinundo ka lang ni Rogelio. Paano pala kung walang pera? Mabubulok ka na sa bilangguan."

Umiling lang ako. "How many 'Hindi na mauulit' do I have to say, Ma?"

"How many crimes do you have to do to receive those words came from you?"

"Kailan ko ba sinabi 'yan? Ngayon lang 'di ba?" Ganito kami 'pag nagkikita, iisipin ng hindi nakakakilala sa'min na nag-aaway kami.

"Sana nga totoo na 'yang sinasabi mo."

"Kain muna tayo." Hindi ko talaga siya niyayaya. Bahala na silang magyaya sa'kin pero kung hindi ko gagawin, hindi mangyayari kaya medyo kailangan ko din na gumawa ng paraan. Nakakasawa nang kumain mag-isa. Hindi naman madalas na kumain ako mag-isa dahil kadalasan kasama ko ang mga kasambahay at si Ate Paulina.

"Busog pa ako." Umuling ako. "Mamaya na pag dating natin sa office ng Daddy mo. Sabay sabay na tayo."

Wow! Ano 'to, first time? Parang imposible. Sabagay, noon kasi pag nangyayari ito, hindi naman ako nagyayaya. Nakarating kami sa office ni Dad. Parang bata lang ako sa kabila ng itsura kong ganito. Palibhasa kasi naka pantalong maong ako. Hindi ako naka office attire. Hindi naman kami agad nagpansinan ni Dad pero nagyaya si Mommy na kumain kaming tatlo. Sana nga mapag-isip isip naman nilang magkaroon ng time sa'kin. Nagsisisi na nga ako tapos lalo pa silang walang time. Umorder kami at nagsimulang kumain. Masaya ako pero hindi ko alam kung magiging ganito kami lagi. "RM! Ano ang plano mo?!" Tanong ni Dad.

Tutal, kasalanan ko naman ang lahat, aayusin ko na. Para na rin sa kaligayahan ko. Basta sana lang huwag nila akong pigilan sa gagawin ko. "Dadalawin ko ang resort tapos magtatayo ako sa mall ng stall." I said. Naisip ko 'yun para matuto sa mas malaking responsibilidad. Napansin kong nakatingin sila pareho sa'kin. Seryoso. Ano kaya ang iniisip nila?

"R, ano naman ang plano mo?" Tanong ni Mommy.

"Wala lang. Gagawin kong training ground ang ganun." I said as we're eating. Sana maging ganito kami lagi.

"Ang maliit ay pareho sa malaki. At ang naisip mo ay pagsasayang ng pera. Ano ang ibebenta mo? Sumbrerong pang tambay at gamit pang basketball? Kung ano anong gusto mo? Hindi ka matututo kung malugi ka. Pero natutuwa ako dahil plano mong matuto."

Napatigil ako sa pagkain. "Dad, kahit eroplanong sumabog sa ere ang pagmamay-ari mo. Hindi ka malulugi. Kaya pumayag ka na. Kung malugi man ako, may next time pa naman."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Umiling si Dad. "Kahit piso pa ang malugi sa'yo, talo ka. Pag-aaksaya parin 'yun. Paano ka magtatayo ng negosyo sa lugar na maraming kakompitensya? Katangahan 'yun? Nagtapon ka ng pera. Kahit gaano kaliit ang pera, mas maganda kung dadalhin mo sa sigurado. Wala ka kasing alam kaya ginagawa mo lang laro ang lahat!"

Wala akong sama ng loob this time pero kailangan kong ipakita na galit ako dahil 'yun ang image ko. "Ano ang gusto niyong gawin ko?!" Umiling lang ako.

"Alam mo ba nung bata pa ako? Nagtayo ako ng tindahan sa isang lugar kung saan inalam ko muna ang kulang sa lugar nila. Hanggang ngayon dala ko 'yun. Nagkakanegosyo o kumikita ako sa lugar kung saan walang nasasagasaang negosyo. Nagtayo ako ng amusement park sa isang hindi gaanong dinadayong lugar na may maliliit na restaurant. Ano ang nangyari? Nagpasalamat pa sa'kin ang mga restaurant dahil lumaki ang kita nila at nadagdagan pa sila? Hindi mo kailangang labanan ang mga tindahan sa mall. Maging mautak ka lang. Sigurado at hindi sapalaran lang. Pero sige, kung may gusto kang gawin, tutulungan kita. Perdigana pala ang gusto mo."

Yeah I know why he says it. Kasi sinabihan niya akong walang silbeng Anak pero sa nakikita ko sa mata niya, seryoso man, walang pagkadismaya. "Tama ang Dad mo, R. Hindi pwedeng magtayo ng hindi kilalang fastfood restaurant sa lugar kung nasaan ang Jollibee, Mc Do at iba pang famous branches. Pag-aaksaya 'yun."

Sabagay, minsan pag gusto ko ng burger, bumababa talaga ako sa sikat. 'Yun siguro ang tulong ng pangalan. Kahit hindi nalalayo ang lasa sa hindi sikat, doon parin pumupunta ang tao. "Kung saan madalas pumunta ang tao, doon ka magtatayo ng negosyo. Negosyo na wala sa iba. Sa mall, kumpleto na diyan." Sabi uli ni Daddy.

"Ano ang gagawin ko para matuto?" Tanong ko na lang na may tonong galit.

"Ganito, unang una, you need to know what the employees' point of view. Para kung kukuha ka ng tao, mapapaangat mo ang negosyo dahil may empathy ka sa tao mo. Ang unang unang kailangan ay 'yung mapagkakatiwalaan na tao. Kung makasarili ka, 'yung tao ay magagawan ka ng masama unlike sa taong mahihiya kang gawan ng masama. Do you understand?"

Okay. Salamat kay Dad. Kaya pala lahat ng kasambahay namin mababait. Mabait naman ako ah. Natutunan ko 'yun kay Ate Paulina. "At mag-aral ka." My Mom said.

It is not a good idea. "Matanda na ako." I said.

"Paano ka makakapagsimula sa umpisa kung hindi ka mag-aaral? Ang pinakatarget ko sana sa'yo ay mag-apply ka ng walang tulong dahil gusto kong tumayo ka sa sariling paa mo. Training lang 'yun. Pero kung highschool grad ka lang, katawan ang puhunan mo at mabigat pa. You need to take 4 years course and ako na ang bahala sa'yo. Kailangan mong maging ordinary employee para hindi mo lang malaman ang nasa sa loob nila, mararanasan mo pa."

Ayokong mag-aral. So, ano ang mangyayari sa'kin? Paikot ikot lang? "Kailangang mag-aral ka Anak. Kamusta na si Arseli?" Tanong ni Mommy.

"Break na kami."

Napatingin sa'kin si Daddy. "Isa pa 'yan. Kung nakatapos at may posisyon ka sa kompanya, hindi mangyayari sa'yo 'yan. Makakahanap ka pa ng pamilyang tatanggapin ka." Sabi uli ni Mommy.

Simpleng babae lang ang gusto ko kaya hindi problema sa'kin ang mapapang-asawa ko. Natapos kaming kumain ay umuwi ako. Iniwan ko na sila doon. Hindi kasi sila pwedeng umuwi sa'min dahil malayo. Ang saya ng naging araw ko. Nagsisisi na ako. Mula pa noong bata ako, birthdays, graduations, wala sila. Wala pa akong isip noon pero nung nag highschool ako, saka na ako nalungkot dahil ako lang ang walang magulang. Tanging si Ate Paulina ang tumayong magulang ko. Payo sa'kin ng classmate ko, gumawa ako ng kalokohan para mapansin ako ng mga magulang ko. Nagpauto naman ako dahil sa inis ko. Sobra kasi ang laki ng hinanakit ko sa kanila. Natakpan noon ang dapat na meron akong kaligayahan ngayon. Kinabukasan ay dumalaw ako sa resort. Pumasok ako at nakapamulsa sa entrance. "Sir, may kailangan kayo?" Tanong sa'kin ng isang empleyado. Tinitigan ko siya.

"Paki tawag ang manager niyo." Sabi ko. Tinawag naman niya.

May dumating na lalaki. "May kailangan kayo?" Bungad sa'kin. Tinitigan ko siya.

"Mr. De Quiros. Tatanggalin kita pag hindi mo ako nakilala." Nakipagtitigan siya sa'kin hanggang sa..

"I'm very sorry Sir RM! Nagpagupit ka kasi."

Tawa ako ng tawa. "Okay lang 'yun. Mamamasyal lang ako. Dinalaw ko lang kayo."

"Teka Sir, tatawagin ko--"

"Huwag na. Napadaan lang ako. Ang mahalaga ay maayos kayo. Maglalakad lakad lang ako. Mamaya na ako kakain."

Naglakad ako sa paligid ng resort. Plano kong tignan ang view ng buong lugar na ito. May mataas na bahagi dito na tinatambayan ko. Kita ang lahat pati ang labas. Kita ko ang maraming cottages. Walang hotel pero air-conditioned ang ibang cottages. Ang saya ng mga tao. Nakaka-inggit sila. I'm sure kung malalaman ng iba na ako ang may-ari nito, sila naman ang maiinggit. Naalala ko si Mr. De Quiros. Ginagalang niya ako pero langit at lupa kami. Langit siya, lupa ako dahil may narating siya samantalang ako ay wala. Napansin ko ang babaeng empleyado na naglalakad. Hindi niya ako kilala kaya ngumiti lang siya sa'kin. Maganda siya. Simple. Kung liligawan ko siya at sasagutin niya ako, dalawa lang ang habol niya, pera o kagwapuhan ko. Maaaring maging tapat siya pero kung siya si Ate Paulina, hindi niya ako magugustuhan. Mahirap palang makahanap ng tulad niya. Hindi naman pwedeng magsuot ako ng uniporme nila para lang masabing magkalevel kami.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako. Isang laruan lang para sa'kin ang resort na 'yun na nakakasawang laruin dahil iba ang naglalaro. Dinaan ko si Waine sa bar niya. Andoon siya ngayon. Maingay na naman ang mundo ko. "EM, akala ko hindi ka muna pupunta?" Nakilala niya agad ako. "Bagong gupit ah." May kasama siyang babae.

"May babae ka na naman?" Bulong ko. Si Waine, anak siya sa labas kaya wala din siyang magulang na nag-aruga sa kaniya.

"Kailangan ko 'yan." Balik niya.

"Magseseryoso na ako."

"Seryoso ka naman lagi sa babae 'di ba?"

"Hindi 'yun. Maghahanap ako ng posibleng maging asawa ko. 'Yung simple lang. Ayoko nang kasama mo. Gusto ko 'yung tulad ni Ate Paulina."

Binigyan niya ako ng beer habang tumatawa. "Meron bang katulad ni Ate Paulina sa mundo natin? Wala. Kaya magtyaga ka sa mga bitch or sa mga matitino na kailangan ng pera."

"You don't know shit about love."

"Wala ka nang mahahanap na gusto mo dahil walang babaeng katulad niya. Kung meron man, sa simbahan ka pumunta."

"Matino sana si Arseli kaso ayaw naman sa'kin ng magulang niya. May babae pang tatanggap sa'kin alam ko 'yun pero walang babaeng katulad ni Ate Paulina."

"She's one in a million."

Ganito kami ni Waine. Hindi lahat ng oras puro kalokohan kami. Seryoso ang ibang usapan namin. "Siya kasi 'yung babaeng kahit murahin mo, hindi siya magagalit sa'yo. Bihira nga lang siya. Kaso, wala siyang asawa dahil walang makatapat sa kaniya."

"Kaya nakakahiyang murahin siya." Miski si Waine ay humahanga din kay Ate Paulina. Pero hindi naman niya tipo ang katulad ni Ate Paulina. Magka-iba kasi kami ng ugali. Hindi na ako nagtagal dahil gusto ko nang umuwi.

Nagulat ang lahat dahil bagong gupit ako. Maraming tumutukso sa'kin na kamukha ko si Jesus kaya nagising na ako sa katotohanan. Masyado kaming baliktad ni Jesus pero sabi ni Ate Paulina, sa pelikula ko lang kamukha si Jesus. Si Jesus daw ay hindi naman gwapo.

Tinawagan ako ni Daddy. Bihirang mangyari. "Hello RM. Ayaw mo ba talagang mag-aral?"

"Ayoko na, Dad. Nahihiya ako."

"Ganito na lang. Magtrabaho ka ayon sa natapos mo. Kahit ilang buwan lang. You will get a job then you have to feel the pressure. Makinig ka, Anak. Daig pa ang nagsunog ng kilay ng isang unti unting umangat dahil sa pagpupursigi. Ipaparanas ko sa'yo ang mga naranasan ko mula nung pagtawanan ako hanggang ngayon. Gusto mo bang habang buhay kang walang silbeng Anak? Sa ngayon lang 'yan. Since I know gusto mong mag-iba ang buhay mo kaso pakiramdam mo huli na ang lahat, hindi pa, Anak. Kaya mo pa 'yan basta magsimula ka sa ibaba. Pero gawin mo ang lahat para maging mahusay na empleyado. I know you can make it, Son. I trust you."

Continue Reading

You'll Also Like

287K 8.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
2.9M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...