Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

30.

179 15 0
By Akatsuki_Haru

Nagkulong ako sa kwarto pero pagdating ng gabi ay dumating si Daddy. Inaasahan ko na ang pagpasok niya sa kwarto ko. Naglilibang ako sa hawak kong baraha and then as I expected, he appears.

Naramdaman kong nakatitig siya sa'kin. "Ano RM?" Bungad niya. Napatingin ang mata ko sa kaniya but my head didn't move. Ayokong iharap ang ulo ko sa kaniya para pakinggan siya kahit alam kong pagagalitan niya ako na parang bata. "Yan na lang ba ang kaya mong gawin, ang gumawa ng gulo?" Mahinahon siyang magsalita. Ayoko nang mangatwiran pa. Kahit sabihin kong hindi kami ang nagsimula ng gulo, hindi parin siya makikinig sa'kin. "Pasalamat ka dahil may malasakit si Rogelio sa'yo. Kung wala si Rogelio, makakawawa ka sa kulungan at mas maiging makulong ka na habang buhay!!" Medyo tumaas na ang boses niya. "I made myself a kind parent. I was too busy to our businesses dahil hindi ko pwedeng pabayaan ang lahat!! Aaminin kong hindi ako naging Ama sa'yo dahil napabayaan kita. Sapat ba 'yun para gawin mong patapon ang buhay mo?" Tinutuloy ko lang ang paglalaro ng baraha kahit wala na ako sa concentration. Nakikinig ako sa sinasabi niya. Sana matapos na. "Ano na naman ang gusto mong sabihin ha.. RM? Magsalita ka!! Sabihin mong hindi madadala sa hukay ang pera gaya ng malimit mong sabihin." Ito ang sandali na ayokong magsalita. It's useless to see him full of furiousness 'cause I'd get to bring back what he was saying to me. It's nonsense. Punong puno ako ng kalungkutan ngayon. "Ano?! Magsalita ka!!" I prefer to remain silent. Binaba ko ang baraha pero hindi ako humarap sa kaniya. Nakahiga parin ako. "Ganito na lang, tutal mas gusto mo ang larong perdigana. Hindi ko na lang ipapadama na importante ka sa'kin. Sasabihin ko na lang sa'yo na hindi kita minahal. Ikukumpara na lang kita sa mga Anak ng kaibigan ko! Gusto mo ba 'yun. I didn't compare you to the other succeeders bacause ayokong sumama ang loob mo. Sampung taon ka nang nagpapakasarap sa buhay habang ang iba ay nagsusunog ng kilay! Ngayon sabihin mong hindi ka dapat pakialaman?! Puro pasarap sa buhay at gulo lang ang gusto mo! Ako na naman ba ang sisisihin mo?! Sumagot ka!! Pinagdadasal kong maging mabuting Anak ka pero hindi parin. Ngayon, ipapadama ko sa'yo ang pagmamahal na hinahanap mo. I will let you spend your money that came from me. Bahala ka na sa buhay mo dahil ang pakialaman ka ay maling gawain. Hindi na kita papakialaman simula ngayon. Gamitin mo ang kapangyarihan mo. Manggulo ka kung gusto mo. Uminom nang walang umaawat sa'yo, makipag-away o pumatay ng tao. When you near to put in jail, I'm here to help you. Pero kung mamatay ka, hindi ko na kasalanan 'yun dahil ginusto mo ang lahat ng 'yan. Ang resort na nakapangalan sa'yo--kunin mo ang kita para gastusin sa kung ano-ano! Wala na akong pakialam. Magpapaka-ama na lang ako dahil Anak kita. Kahit naman anong gawin ko, hindi mo ako susundin 'di ba? Ang gusto mo ay 'yung walang makikialam sa'yo kahit mamatay ka pa! Pwes hindi ko na panghihinayangan 'yun dahil baliwala ka na sa'kin simula ngayon!! WALA KANG SILBENG ANAK!!"

Sumigaw na siya. Nabigla ako sa mga sinabi niya. I don't speak. Gusto kong umiyak. "Marco!" Dumating si Ate Paulina. "Ako na ang bahala kay RM."

"Paulina, hayaan mo na siya. Simula ngayon, bahala na siya sa buhay niya."

"Anak mo parin siya. Huwag kang magsawa na tulungan siya. Baka mas lalong--"

"AYOKO NA! SAWANG SAWA NA AKO! LAHAT NA GINAWA KO PERO PARA SA KANIYA BALIWALA PARIN!! WALANG SILBENG ANAK! AKO NA ANG SISIHIN NIYO DAHIL HINDI AKO NAGING AMA!! BUWISIT!!"

Ngayon ko lang nakitang sumigaw ng ganiyan si Daddy. The end is near. Umalis na siya. Alam kong wala na akong magagawa pa. Wala akong alam. Nagsisisi na ako. Bakit ngayon pa?! Tumulo ang luha ko. "RM, magpakatatag ka. Hindi pa ito ang katapusan. Huwag kang maniniwala sa Ama mo. Kunyari lang 'yun. Galit lang siya dahil sa ginawa mo, RM!" Niyakap ako ni Ate Paulina. Hindi magagamot nang ganiyang salita ang nangyari ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ate Paulina, iwan mo muna ako."

"Magpapadala ako ng pagkain. Kanina ka pa yata hindi kumakain."

"Kakain ako kung gusto ko. Ayokong dadalhan niyo ako ng pagkain dito." Nagtalakbong ako ng kumot.

"RM."

"Sige na Ate Paulina, hindi pa ako nababaliw, matino pa ako. Wala akong gagawin na hindi niyo magugustuhan."

"Kung gayon, kumain ka kahit konte."

"HINDI NIYO BA AKO SUSUNDIN?!"

Tahimik na lumabas si Ate Paulina sa kwarto ko. I don't mean to hurt her. I'm sorry Ate Paulina, sa unang pagkakataon, nasigawan kita. Hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko. Tapos naalala ko pa si Arseli. Ayaw ni Daddy sa kaniya dahil manggagamit ang mga magulang niya. Ayaw din sa'kin ni Magulang niya dahil wala namang mapapala sa'kin. Gusto ko nang mamatay pero hindi naman 'yun ang solusyon sa problema ko. Kahit papaano, may naitulong din ang mga payo sa'kin ni Ate Paulina kaya hinding hindi ako magpapakamatay kahit gustong gusto ko nang mamatay. Paano ko itutuloy ang buhay ko sa ganitong sitwasyon? Umiyak na lang ako ng umiyak. Hindi na kaya ng puso ko ang mga sinabi ni Daddy. Tama nga siya, wala akong silbeng Anak. Nasa ibang bansa si Mommy ngayon para asikasuhin ang bayarin namin. Sa halip na ako ang gumagawa. Marami kaming taxes na kailangang bayaran at mga negosyo doon.

Nagising ako dahil ginising ako ng isang kasambahay. "RM, kumain ka na."

Tumingin ako sa relo ko. 9AM na. Actually kulang pa ako sa tulog. Napansin ko ang pagkain sa lamesa. "Di ba alam niyo naman na ayaw kong dinadalhan ako ng pagkain?! Lalabas ako para kumain."

"Pero RM, kagabi ka pa hindi kumakain."

"At ayoko din na iniistorbo ako. Alam niyo naman 'yun 'di ba?"

"Nag-aalala lang kami."

"And not because I allow you to enter my room anytime, papasok ka na lang basta basta!"

"Ginagawa ko lang ang dapat RM!"

"You shouldn't have! Alam mo naman ang sitwasyon, hindi ba?"

"Sige, ako na ang mali sa paningin mo. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong gina--"

"Yolly!" Dumating si Ate Paulina. Tumingin kami sa kaniya. "Sige na, ako na ang bahala dito."

"Sige po, Ate Paulina." Umalis na ang Kasambahay at nag-iwan pa nang masamang tingin na tila napakasama ko. Ang hirap maging mabait sa kanila.

"Nasaan na ang RM na nakilala ko?" Sabi niya. "Hindi mo dapat kinagagalitan ang taong gumawa ng tama."

"Pasensya na, Ate Paulina."

"Kailangan mong makabawi." Hindi ako kumibo. Paano ako makakabawi? Ano ang gagawin ko? Kahit anong idahilan ko, may ipapayo parin siya. Basta, dadamdamin ko na lang ang sakit. Lumapit siya sa'kin. Umupo sa kama. "Matuto kang lumapit sa Diyos. Magdasal ka na sana maging maayos na ang lahat."

"Hindi ko kailangan ang Diyos dahil mas kailangan Siya ng taong nangangailangan ng tulong."

"Hindi totoo 'yan. Araw araw natin Siyang kailangan."

"Pwes huwag na ako. Dahil wala naman akong problema. Wala akong mahal sa buhay na nasa ospital, walang pinapakain. I deserve to take my pain inside. Mas tulungan na lang Niya ang mahihirap kaysa sa'kin."

"Kahit sino ka pa, kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa buong mundo, mahal na mahal ka Niya. Pantay ang tingin Niya sa mga tao. Kahit isa kang Pastor at siya ay Kriminal, pantay ang pagmamahal Niya sa'tin."

"Paano Niya magagawang maging maayos ang lahat? Magic? Hindi Ate Paulina. Hindi ako galit sa Diyos. Galit ako sa sarili ko."

"Gumagawa ng paraan ang Diyos para lumapit tayo sa Kaniya. Hindi lang dahil nasa ospital ang mahal natin sa buhay. Kaya Niya tayo binibigyan ng pagsubok para maalala natin Siya. Dahil naaalala lang natin ang Diyos pag may problema tayo. Hindi porke wala kang ipagdadasal, hindi ka na magdadasal. Panahon na para lumapit ka sa Diyos, RM. Kailangan mo Siya."

"Paano ako mapaparusahan kung tutulungan Niya ako?"

"Tutulungan ka Niya dahil tinawag mo Siya. Magdasal ka ng taos sa puso mo. Magiging masaya ka."

"Paano nga, Ate Paulina? Hindi pwedeng maging maayos ang lahat nang bigla. Wala akong pinag-aralan para maituwid ang pagkakamali ko! Kahit Diyos pa Siya, hindi Niya ako mabibigyan ng sapat na kaalaman para matulungan ang Parents ko. 'Yun ang tanging kasiyahan na kailangan ko. Paano?!"

"Magtiwala ka lang. Sa ngayon, magulo pa ang isip mo."

"Hindi magulo ang isip ko, Ate. Sadyang huli na ang lahat para maituwid ko ang buhay ko."

"Unti unti lang, RM."

"Paano nga?"

"Ganito 'yan. Hintayin mong gumaang ang loob mo."

"Hindi na gagaang pa ito. Kung gumaang man ito, wala na din akong magagawa pa."

"Alam mo ba ang sinasabi ng Dentista kung sobrang maga ng ngipin mo? Papabalikin ka niya kapag hindi na namamaga dahil baka hindi mo kayanin ang sakit kung magpapabunot ka nang sobra ang maga ng ngipin mo. Bibigyan ka ng gamot para mawala ang pamamaga. Ang nangyayari, oras na mawala ang pamamaga, hindi na bumabalik ang taong magpapabunot sana dahil tanggal na ang sakit. Sayang ang pera. Pero oras na sumakit uli at mamaga, saka siya magsisisi. Sana pala pinabunot na niya. Hindi maiisip ng isang tao na magpabunot ng ngipin kung hindi ito sumasakit. Kaya oras na gumaang ang loob mo, dahil pagagalingin ng panahon ang sakit na dinadamdam mo ngayon. Ang panahon ang mabisang gamot mo. Magsimula ka sa umpisa. Gumawa ka ng tama sa paningin ng Daddy mo. Dahil baka magsisi ka lang gaya ng taong pinagpaliban ang pagpapabunot ng ngipin. Oras na simulan mong magdasal, hindi magtatagal, mawawala ang sakit sa dibdib mo. Maniwala ka RM. Saka mo gawin ang tama para makapag-isip ka ng maayos. Pwede ka pang mag-aral. Mahal ka ng Daddy mo. Maniwala ka lang na tutulungan ka ng Diyos na mangyari ang gusto mo. Minsan, kailangan ng magulang na tiisin ang Anak para mas lalong matuto pero hindi ako naniniwalang matitiis ka niya oras na humingi ka sa kaniya ng tulong. Ang Panginoon ay hindi naiiba sa magulang. Lahat tayo ay Anak Niya. Kaya RM, nakikiusap ako sa'yo. Gumawa ka ng tama. Huli na ito dahil sa susunod, baka mas lalo mong hindi kayanin."

Nakayuko lang ako. Naintindihan ko ang sinabi niya pero wala akong maisip kung paano ko sisimulan o ano ang gagawin. Naguguluhan ako. "Ate Paulina, sige, kakain na ako. Iwan mo muna ako."

"Umaasa akong magiging maayos ka. Pinagdasal na kita kaya alam kong malapit nang dinggin ng Diyos ang dasal ko. Pinagdasal na kita pero hindi 'yun sapat. Kailangang magdasal ka din para sa sarili mo. Aalis na ako." Papalabas na siya ng kwarto.

Kahit papaano ay gumaang ang loob ko. "Ate Paulina." Tumigil siya sa paglalakad. "I'm sorry dahil nasigawan kita kagabi."

"May pang-unawa akong hindi mo kayang arukin. Miski ang Daddy mo ay alam 'yan."

Umalis na siya. Pang-unawa na hindi kayang arukin? It means, the mess is being forgiven even I didn't say sorry. How amazing. It was already done before I say it. Gaya nga ng sinabi ni Ate Paulina noon. Napatawad na ako ng Diyos sa kasalanan ko bago ko ito gawin kaya kailangan lang na humingi ako ng tawad sa Kaniya. Parang si Arseli din pala. Kahit kaya kong patawarin ang mali niya, she needs to say the word that I wanted to hear. Sa lawak ng pang-unawa ni Ate Paulina, hindi na kailangan na humingi ng pasensya sa kaniya. Pero hindi ganun ka-kapal ang mukha ko para ipagwalang bahala lang ang lahat. Parang nahiya tuloy ako. Tumingin ako sa pagkain. Malamang hindi pwedeng hindi ako kumain dahil baka mamatay ako sa gutom lang.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 187 16
Awit Series #3 Ang highschool crush ni Adel ay muling nag balik upang guluhin ang nananahimik niyang buhay. May pag asa pa rin ba si Raiden sa pusong...
97.3K 1.4K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...