Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 113K 22.6K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 54

58.7K 1.5K 202
By Ineryss

Chance

Iyon ang gawain ko sa Summer. Pinupuntahan ko siya sa kompanya kung masyado siyang busy. Ayoko namang panay siya cancel ng mga meeting o kung ano pang importanteng ginagawa niya dahil lang naroon ako at gusto niya akong asikasuhin.

Nakaupo ako sa kandungan ni Israel habang binubuksan ko iyong folders na nasa desk niya at tinitingnan iyon kahit wala akong naiintindihan. May tinitipa siya sa kanyang laptop habang ang kanyang baba ay namamahinga sa aking balikat.

"Sinabi mo na sa brat mong kapatid?" tanong niya bigla sa akin habang ang mga mata ay nasa laptop.

"Di pa eh... Di ko nga alam kung paano..."

"Just tell her I'm already in love with you since I was eighteen. And you were in love with me too since you were...sixteen?"

Sixteen ba? Hindi niya alam na...kahit noong hindi pa siya eighteen at high school pa lang, may lihim na akong atraksyon sa kanya. Siya lamang ang nagustuhan ko noon sa Bukidnon. Ang mga lihim kong mga sulyap sa kanya...

"Paano mo naman nasabing in love na ako sa'yo noong sixteen ako?"

He shrugged. "I felt it. Kaya kayo madalas balik nang balik sa lupain namin dahil crush mo ako. Kaya ka nandoon sa batis dahil sinusundan mo ang crush mo."

Nalaglag ang panga ko. "Hindi ah! Nagkataon lang 'yong sa batis! Ang feeling mo!" natatawa kong sabi.

"Well then...during those times I caught you peeping?"

"Mga mangga nga ang sadya namin doon! At gusto lang din nilang kumpirmahin kung...totoo bang nanunungkit ka—"

"There. You went with them because you want to see your crush."

Natawa ako. Pag galing kay Israel tunog mayabang kahit totoo naman.

"And you told the brat you can't remember your first kiss, huh? Crush na crush mo nga..." tukso niya.

"Ayaw ko lang talagang maalala... Pero worth it naman 'yon." Pag-amin ko.

"It's worth it since it was me who kissed you not just anybody," mayabang niyang sabi na ikinatawa ko ng marahan.

"Yabang..."

Nilingon niya ako, inangatan ng kilay saka bumaba ang tingin sa leeg kong nakamuwestra sa kanya lalo na't nakahigh ponytail ang aking buhok saka niya pinatakan ng halik.

"Oo nga pala... Bukas di ako makakapunta rito ha," sabi ko na ikinatigil niya sa pagtitipa roon.

Humilig siya sa kanyang swivel chair at hinaplos ang aking pisngi.

"Why?" Nagkasalubong ang kanyang kilay habang mataman na ang tingin sa akin.

"May lakad kami ni French eh. Bibili kami ng school supplies... Isang linggo nalang klase na ulit namin, Israel."

"Kung ganoon, sasama ako." Kinuha niya sa akin iyong hawak kong folder saka niya iyon inihagis sa desk niya.

"Hindi pwede!" agap ko agad at nahawakan ang dalawa niyang pisngi.

"Hindi pwede Israel..."

"That brat again?" He raised his brow at me, ang mga mata ay lumalalim na ang paninitig sa akin.

Ngumuso ako at tumango.

"Next time nalang tayo magkita please. Pwede sa simula nalang pasukan? May mga vacant time naman ako 'tsaka si French... walang kasama sa bahay eh. Panay na ako lakad." Sumimangot ako sa kanya.

Binasa ni Israel ang pang-ibaba niyang labi at bumaba ang tingin sa aking leeg.

"Please?" Hinawakan ko ang gilid ng kanyang leeg at hinaplos haplos iyon. Ang hinlalaki kong daliri ay hinaplos ko pa sa kanyang panga.

"So we're not going to see each other for a week? Is that it?" Paglilinaw niya at mukhang gusto niyang bawiin ko lang iyon.

Tumango ako sa kanya.

"Ayaw mong sumama sa business trip ko? That's 3 days..." Masuyo niyang sabi sa akin at hinaplos ang aking braso.

"Mas hindi ka makakaconcentrate kung nandoon ako. At palagi narin naman tayong nagkikita. Magpamiss muna tayo sa isa't isa, Israel." Suhestyon ko na ikinaliit ng kanyang mga mata sa akin.

"What the fuck? I even miss you right now when you're sitting on my lap. Anong magpapamiss? I want to be with you all the time." Suplado niyang sabi.

Bumuntong ako ng hininga at humalukipkip. Lumapit siya sa akin at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg saka iyon kinagat.

"Anong oras kayo aalis bukas?" tanong niya sa kalmadong boses nang magtamang muli ang aming mga mata.

"Siguro mga 2pm?"

"Chua's Mall?" Pangungumpirma niya na ikinailing ko.

"Sa ibang Mall ata kami mamimili... sa Abreeza."

"Okay. May lakad rin naman ako bukas," aniya na ikinakunot ng aking noo.

Lakad? Eh may trabaho siya bukas!

"Saan?" tanong ko na ikinanguso niya at nagpipigil pa.

"Somewhere..."

Mabilis akong sumimangot. Ang daya nito! Sinabi ko kung saan ako pupunta bukas tapos siya hindi!

"Ikaw bahala." Nag-iwas ako ng tingin at uusog na sana kaso hinila niya ako at niyakap na.

"I'm still waiting you might change your mind, Trace... Ayaw mo talagang sumama? Isang linggo tayong di magkikita?"

"Malapit na ang klase namin, Israel. Hindi rin ako papayagan ni Papa sa plano mo."

Isang buntong hininga nalang ang kanyang naisagot sa akin at isiniksik pa ang mukha sa aking leeg. Iyan ang paborito niyang gawin sa akin.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si French sa sofa, nakaupo at hinihimas na naman ang balahibo ni Kaki. Nagtama ang mga mata namin kaya pilya agad siyang ngumiti.

"So, hows your day?" tanong niya at tumayo na.

"Okay lang naman," sagot ko sa kanya saka ako naglakad paakyat.

Sumunod siya sa akin.

"Dad told me nagkikita raw kayo ni Israel? Kinukumbinsi mo rin ba siyang kumbinsihin sila Daddy na ako iyong dapat pumalit at uurong kana?" tanong niya na ikinalunok ko.

Hindi ko alam kung iniisip niya bang kaya ako nakikipagkita kay Israel para kumbinsihin ito o may iba pa siyang iniisip at hinuhuli lamang ako.

"Nag-eenjoy ka bang kumbinsihin siya kaya halos araw araw kanang nakikipagkita sa kanya?" tanong niya pa noong pumasok ako sa kuwarto at sumunod rin siya.

Inilapag ko ang aking bag sa aking kama saka niya nilingon na nginitian agad ako ng pilya.

"Alam ko namang hindi mo ako aahasin, 'di ba, Trace? You know I like him from the start. You know I like him so much..." Mariin niya akong tiningnan pero di parin nawawala ang kanyang ngiti.

Umawang ang aking bibig para sana sumagot pero naitikom ko rin iyon dahil wala akong maisip.

"Di na sinasagot ni Israel ang calls ko. Di niya narin ako tinatawagan. Did you say something to him?" Umarko ang kanyang kilay sa akin at ibinaba pa si Kaki.

"Hindi ko naman hawak ang desisyon ni Israel, French," tanging sagot ko na ikinahalakhak niya.

"But you can back-out! What's taking you long? Don't tell me you're falling for him, Trace?" Mariin niya akong tiningnan. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kinikimkim niyang galit.

Parang nagkabuhol-buhol ang aking dila at wala akong masabi sa kanya. Ayokong mag-away kaming dalawa. Gusto ko iyong iwasan dahil naging mahalaga na siya sa akin. Ayokong sa unang pagkakataon ay may pag-awayan kami at dahil pa sa isang lalake.

"Don't betray me... I treated you like my real sister. H'wag mong hintayin na may gawin akong hindi mo magugustuhan, Tracey. Don't test me," matigas niyang sabi na kahit ang galit sa kanyang mukha ay yumakap na.

Umawang ang aking bibig pero tumalikod ito at tumakbo rin naman si Kaki palabas saka niya iyon marahas na isinara.

Ano bang gagawin ko? Kahit anong isip ko ng pwedeng gawin ay magagalit talaga siya sa akin.

Hindi ko nasagot ang tawag ni Israel sa gabing iyon. Gulong gulo ako at nagawa ko pang tumambay sa sala para lang makapag-isip isip.

"Well look who's here? Hinihintay mo ba ako?" Ngumisi agad si Papa sa akin nang madatnan niya ako rito.

Yumuko siya saka niya ako hinalikan sa aking noo. Sa kanyang likuran naman ay ang imahe ni Tita Brenda na pagod na pagod ang mukha dala dala ang mamahalin niyang bag.

Nginitian ko si Papa ganoon rin si Tita Brenda. Ang kanyang mga mata ay umakyat sa ikawalang palapag ng bahay saka niya ako tiningnan.

"Where's your sister?" tanong niya sa akin.

"Nasa kuwarto niya po, Tita," sagot ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.

Napailing naman agad si Papa.

"I can't understand that girl... Pabago bago ang isip. Nakakahiya naman kay Lorraine kung sasabihin kong siya nalang ulit ang ipakasal," si Papa naman.

"French thought she's going to marry Jackson. Mukhang namisenterpret ng batang iyon ang nangyayari," si Tita Brenda naman.

"French will get over this. Nag-iinarte lang iyan ngayon," si Papa naman.

"She told me she likes that guy a lot, Liam." Matigas pang sabi ni Tita Brenda at nagawa akong tingnan saglit.

"Israel seems fine with Tracey. H'wag nating guluhin ang utak ng mga bata. Enough with this. She already back-out." Naggesture pa si Papa na mukhang stress na stress na siya sa topic na ito.

Namungay ang aking mga mata at napaiwas ng tingin. Wala namang imik si Tita Brenda pero ramdam ko ang naninimbang niyang mga mata sa akin.

"Come with me, Trace. Let's eat," si Tita Brenda at nagtungo na sa kusina.

Tiningala ko si Papa na linuluwagan na ang kanyang necktie at hinihilot pa ang kanyang sintido.

"I'll just change my clothes. Sumunod ka nalang muna sa Tita mo," sabi niya at sinenyasan akong sundan ito.

Tumango naman ako saka nagtungo sa kusina. Di ko alam kung ba't nakakaramdam ako ng kaba.

Iminuwestra niya ang upuan sa kanyang tabi kaya doon ako umupo. Pinagsilbihan rin ako ng isa pang kasambahay habang ang aking mga mata ay di ko kayang ipanatili sa isang direksyon.

"French is telling me you don't like that guy?" panimula niya habang hinahalo ang kanyang tsaa.

Hindi ako nakasagot agad at kabadong nag-angat ng tingin sa kanya.

"But anyway, pinagkasundo naman kayo para sa business hindi para mahulog sa isa't isa. She's telling me it's more convenient if Israel's fiancee is her since she already likes him. Sabi niya... Mas mabilis silang magwowork-out dahil may feelings na." Inangat niya ang tasa at sumimsim doon.

Wala namang bahid na galit ang kanyang boses pero para paring may bukol sa aking lalamunan at hindi agad ako nakakapagsalita. Inilapag niyang muli iyong tasa at hinawi ang buhok.

"Maybe French is just assuming things that Israel likes him or what? Dahil kung gusto rin naman siya noong lalake, dapat nagreklamo agad si Israel noong ikaw ang ipapakasal sa kanya. Lorraine told me his son is desperate to marry you." Umangat ang kilay ni Tita Brenda sa akin.

Kaya rin ba hindi rin gusto ni Tita Brenda na umurong ako? Kaya kahit kinukulit na siya ni French ay di niya rin ito mapagbigyan dahil sa nalaman niya sa ina ni Israel?

Nahipo niya ang kanyang noo at pumikit na.

"French needs to wake-up. Mapapahiya siya sa ginagawa niya at ipapahiya niya ako kay Lorraine. She's my daughter but I don't think she's right. Pinipilit niya ang isang bagay na hindi para sa kanya," inis niyang sabi.

Nailing siya saka dumilat. Inangat niya muli ang tasa at sumimsim doon kaya inangat ko rin ang kutsara para kumain sa inihandang pagkain sa akin. Dahan dahan akong ngumuya.

"Liam wants you to marry Israel. Iyon rin naman ang gusto ko dahil iyon rin ang gusto ni Lorraine. We're great friends and we want this marriage to work. Itong si French lang talaga ang bigla bigla nalang nag-iiba ang timpla. Goodness!" Nahilot niya ang kanyang noo at bakas sa mukha ang stress.

"Tita... Ayoko pong magback-out p-pero di ko po alam kung paano iyon ipapaliwanag kay French," pag-amin ko.

"You like that man too?" pangungumpirma niya.

Lumunok ako at dahan dahang tumango. Suminghap siya.

"Alam ba ni French na...gusto mo 'yon?"

Kinagat ko ang labi at umiling. I saw how her eyes looked at me with unreadable expression.

"I'd get mad at you if Israel likes my daughter and you're trying to ruin them both. Ayoko sa mga ganoong babae."

Alam ko kung saan patungo ang pag-uusap. Alam ko na...tinutukoy niya si mama. Ngunit nauunawaan ko siya, lalo na't kahit si mama, alam niyang mali iyon kaya lumayo siya sa buhay ni Papa.

"But Israel doesn't even like my daughter. Dahil kung siya ang gusto, why would he will choose you over my daughter? Kilala ko ang pamilya nila. They don't beat around the bush."

"Hindi ko nga po alam paano ipapaliwanag kay French."

"Let her. Bahala siya. Hayaan mo siyang magalit total di siya nag-iisip. Hintayin mo nalang na gamitin niya ang kanyang utak para matauhan siya sa kagagahan niya. Do what you want to do, Trace. Sundin mo ang gusto ng Papa mo dahil ayoko naring makisali at ako na naman ang aawayin noon."

Ramdam ko na sanay na si Tita sa pagiging brat ni French. Pero sa kalooblooban ko, sobra akong guilty dahil noong mga panahong nagugustuhan niya si Israel, pinili kong manahimik. Hindi ko agad sinabi sa kagustuhan kong kalimutan ito.

Topic namin ni French ang mga bibilhin at mga gagawin namin sa Abreeza Mall kinabukasan. Gusto niya rin daw magshopping at bumili ng bagong shoes kaya sumang-ayon narin ako dahil gusto ko ring bumili ng bagong dress.

Pagdating namin doon ay dumeritso agad kami sa National Bookstore. Namimili siya ng binder ganoon rin ako at pinapakita ko pa iyon sa kanya. Nalilito ako kung iyong black na binder or iyong may pagka beige ang kulay ang kukunin ko kaya tinanong ko nalang talaga si French.

"Okay lang?" Ipinakita ko sa kanya ang kulay beige na may qoutes na desinyo na ikinatango niya naman agad.

"Wait that's cute ha. Same nalang tayo," sabi niya kaya napangiti ako at tumango.

"Same tayo ng taste but we can't share you know," dagdag niya pa at tumawa na habang umaabante.

Double meaning ata iyon...

Binayaran rin naman namin iyon saka kami lumabas. Tinawagan ni French ang aming driver at pinadala niya iyon sa kotse. Bumili naman kami ng milktea sa nadaanan namin at naglakad lakad rin pagkatapos.

"Let's eat nalang kaya muna? Or magshopping na?" tanong niya sa akin habang kinukuha ko ang aking cellphone na panay vibrate sa loob ng aking sling bag.

Tiningnan ko ang screen noon at puro text ni Israel. Nilingon ko saglit si French na sinisipsip ang kanyang hawak na milktea habang gumagala ang tingin sa mga botiques na nadadaanan namin.

Binuksan ko agad ang mga text ni Israel.

Israel:
The black binder is much better for me.

Israel:
Can I sip on your milktea too?

Nalaglag ang aking panga at mabilis na iginala ang aking mga mata. N-Nandito ang lalakeng iyon at sinusundan kami!

Nagtipa agad ako ng mensahe.

Ako:
Nasan ka?

Ilang sandali lamang ay nagreply ito.

Israel:
Bumalik ka lang sa daan mo.

Nagpaalam muna ako kay French na magc-cr lang. Nagmadali akong bumalik sa aking daan habang gumagala ang aking mga mata sa bawat nadadaanan ko. Napapatingin pa ako sa mga lalakeng nasa paligid dahil baka siya iyon pero nagulat nalang ako nang may biglang humila sa aking baywang.

Kamuntik ko pang mabitiwan ang milk tea na hawak ko buti nalang talaga at nakabawi agad ako sa pagkagulat nang marinig ko ang halakhak niya sa aking tainga nang isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Nakakainis ka!" Hinarap ko ito at sinimangutan.

Ngumisi siya sa akin at malademonyo na ang tingin. Hinalikan niya pa ang aking leeg at hinalikan rin ako sa aking labi.

"Di ka naman sana makikipagkita sa akin pero ang ganda ganda mo." Umangat pa ang kanyang kilay nang hinagod niya ako ng tingin sa suot kong straps dress.

"Anong ginagawa mo rito? Sinundan mo ako?" tanong ko sa kanya.

Yumuko siya at sumipsip sa aking milktea at umiling rin naman.

"I bought some pens." Dinukot niya sa kanyang bulsa ang dalawang ballpen na nakacellophane at inangatan pa ako ng kilay.

"Sinabi ko na sa'yo kahapon may lakad rin ako ngayon." Inosente niya pang sabi at binalik sa bulsa iyong ballpen.

Seriously? Ballpen? Pumunta siya sa National Bookstore para bumili ng ballpen? Dalawang ballpen?!

"Ang rami mo kayang ballpen sa office mo!" Tinuro ko pa ang kanyang mukha na ikinanguso niya.

"I want a new ballpen." Yumuko siyang muli at hinagkan ako.

Sinungaling ito!

"And of course, I want to make sure if you're okay," agap niya.

Umamin na!

"Idadahilan mo pa na bumili ka lang ng ballpen..." Nanliit ang aking mga mata kaya niyakap niya ako ng mahigpit at natawa na sa gilid ng aking tenga na kahit ang kanyang napakamanly na pabango ay madikit narin sa akin. Nailing nalang ako at niyakap nalang rin ito.

"You can't blame me. I told you I'd grab all of my chance, not just to kiss you but also to see you once you're mine," nangingiti niyang bulong.

Napangiti nalang din ako. Ewan ko talaga sa'yo Israel Buenaventura...

Continue Reading

You'll Also Like

85.1K 4.9K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.4K 268 15
It was love. Race Eleyn Miriazo knew that it wasn't a typical moment of time. It was a season of butterflies and sunrise. Their feelings were at the...
3.4M 98.2K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...
114K 3.3K 102
Eli Landon x Kirsten Jaysel (Epistolary)