Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

27.

229 31 0
By Akatsuki_Haru


Gumising ako nang maaga. Bumangon agad ako. Hindi ako ganito noon. Kadalasan, iniisip ko pa ang panaginip ko bago ako bumangon. Pero naalala ko ang nangyari sa panaginip ko, hindi ko alam ang eksakto pero isang cute na pusa ang naging tigre tapos si Picachu daw nag evolve into Raichu? Mas cute si Picachu kaya mas maigi nang huwag muna siyang mag evolve. Feeling ko, namatay si Picachu and kahit hindi ako nanonood ng anime, kilala ko sila dahil aksidente ko silang napapansin sa paligid.

Excited na akong malaman ang phone number ni Rosen. Tinignan ko ang notebook ko sa phone, kung saan ko sinulat kagabi 'yung nagawa kong story. Ipapabasa ko ito mamaya sa kaniya. I tryna hook him with this but I think walang kahilig hilig sa story 'yun. Baka pagtawanan lang niya ako at sabihing hindi ko na kailangan pang ituloy dahil sobrang common ng ganito. Well, hindi naman yata lahat ng book reader may alam sa common. Kahit gumawa ako ng common, sa sobrang dami nila, may first time na makabasa ng ganito. Sana si Rosen 'yun kung book reader man siya.

"Hello Maico." Siya agad tinawagan ko.

"Papunta pa lang ako, nasa'n ka na?"

Oh my, itatanong ko pa naman sana kung alam na niya ang phone number ni Rosen. Bakit ba kasi nagmamadali ako? "Maaga pa pala?"

"Hindi, medyo late lang ako. Bakit ka ba napatawag na naman?"

"May itatanong lang sana but just wait me. Nevermind it." Binaba ko ang phone. Napansin kong may isang lalaki na naka-american suit ang naghihintay sa bababaan ng kotse ko. Naalala ko tuloy 'yung Groom Tuxedo na gusto kong suutin ng mapapang-asawa ako. Sino kaya 'yun?

Nasaan kaya si Rosen? Hindi kaya siya 'yun? Baliw talaga. Malamang pera ni Daddy 'yung pinangbili. Okay lang. Wala naman sana akong paki kahit nakapangbahay pa siya. Hindi na kailangang ma-impress ang tao o makitang bagay kami. Basta ang alam ko, masaya ako. Nung medyo nakalapit na kami, saka ko siya nakilala. Oh my god. Nakashades pa siya. Tumigil ang kotse. Napatitig ako habang bumababa galing sa kotse. Wow! Parang kulang ang salitang gwapo sa kaniya. A gorgeous man. He's quite so. "Bakit nakaporma ka ngayon?" Biglang naalala ko kahapon na nagpaganda ako. Akala ko pagtatawanan niya ako? Pagtawanan ko kaya 'to?

"Sabi ng Dad mo, kailangan ko 'to." Tumaas pa ang kilay niya. Tumawa ako at medyo umiling. I'm so in love right now.

"Wow! Nice." Pinagpag ko ang balikat niya. Pinilit kong tumawa ng kunyari natatawa ako even nakakatawa talaga kasi, hindi bagay sa katauhan niya.

"Ken, akala ko masisiyahan ka sa porma ko."

"Nasiyahan naman ako ah." I'm not so serious but humanga talaga ako kasi kung ngayon mo lang siya makikita, baka kiligin ang isang tulad ko kahit walang hilig sa gwapo. I dunno if it happens. Maybe.

He nodded. Kumapit ako sa braso niya. Tinanggal niya ang shades. "Nakakaasiwa, para akong model."

Naglakad kami papasok. "Bakit ba kasi ganiyan pa. Pwede namang polo na lang. Sabagay, masanay ka na."

Para pag asawa na kita, hindi ka na naiirita sa ganiyang suot. But kahit hindi ka sanay, it's okay. Ang importante, masaya tayo pareho. Kasama ang mga anak natin.

"Madali lang magsuot ng ganito, hindi naman nakakahiya. Ang kaso, pati yata matatanda, nagagwapuhan na sa'kin."

Tumawa tuloy ako. "Ayaw mo ba? Sasabihin ko kay Daddy na huwag na para hindi ka pinagtitinginan." Binabati ko lang ang lahat ng bumabati sa'kin. Medyo nagtaka ang pagkakatingin ng iba dahil kasama ko si Rosen. Mababalitaan niyo na lang na asawa ko na 'tong kasama ko. Actually he's my boyfriend. Hindi officially pero mas close pa sa pagiging couple ang turingan namin even hindi kami nagkikiss in private. "Phone mo?"

Nilabas niya. "Eto."

"Good." Kinuha ko agad ang number niya. Pumasok kami sa office ko. Umupo siya sa harap ko at ako naman ay sa table. Ano naman ang gagawin namin ngayon? Magtititigan? Masaya na akong nasa harapan ko siya. Parang wala akong gustong gawin ngayon kundi gumala kasama siya. Baka hindi na namin isama ang secretary ko dahil nakikita kong storbo siya. Ang sama ko naman yata. Pero paano kami magiging sweet? Nakakainis lang ang nakaraan niya. "May ipapabasa ako sa'yo." Sabi ko then binigay ko ang phone ko. Sinimulan niyang basahin.

Nakatingin lang ako. Maiksi lang naman kaya natapos siya agad. "Bakit bitin?" Napakunot ang noo niya. Hindi naman kasi siya nagpapanggap lang kaya alam kong hindi siya naguilty.

"Hindi ko alam ang kasunod."

"Alam kong may katulad mo ngang malungkot kahit nasa'yo na ang lahat. Kaya siguro gumawa ka niyan. Pero pwede namang maging sila kahit mahirap lang 'yung babae kasi totoo naman siyang nagmamahal."

"Tama. Kaso it is a story. Kailangang may kilig ang ending. Hindi pwedeng nalaman niyang mayaman ang lalaki, basta basta na lang mag-eending matapos nilang magpakasal."

"Magagalit pa ang babae kasi parang niloko siya nung lalaki. Kailangan lang ng magandang paliwanag na mang-gagaling sa lalaki."

"Mahilig ka sa ganito?"

"Common lang 'yan. Pero nakakatuwa kasi iba 'yung angle ng sa'yo. May nabasa akong isang Prinsipe ang nagpanggap para makalapit siya kay Cinderella. And then, naging magkaibigan sila. Malapit na kaibigan. Sa paningin ni Cinderella, magkaiba sila ng crush niyang Prinsipe. Pero hindi niya alam na iisa lang pala ang kaibigan niya at ang crush niya. So, pagkatapos, isang sayawan ang nangyari sa kaharian. Birthday yata. Gustong pumunta ni Cinderella kaya tinulungan siya ng diwatang kakilala niya. Sobrang bait kasi niya kaya malapit siya sa diwata. Likas ang ganda ni Cinderella kaya isang make-over transformation lang, naging super ganda na niya. Kaso, may oras ang pagiging maganda niya. Para siyang tunay na Prinsesa kaya siya ang napili ng Prinsipe na crush niya na hindi niya alam na kaibigan din niya. Naubos ang oras. Nagmamadaling niyang iniwan ang Prinsipe dahil babalik sa dati ang itsura niya. Hinabol man siya ng Prinsipe ay hindi na naabutan. Siya ang pinakamagandang babaeng nakilala ng Prinsipe. Naiwan ni Cinderella ang kabiyak ng sapatos niya kaya dinampot ito ng Prinsipe. Kinabukasan dahil hindi makatulog ang Prinsipe, hinanap niya ang may ari ng sapatos. Alam niyang isa ito sa nakatira sa bayan. Sa fiction story, ang paa ng mga tao ay magkakaiba kaya wala ni isa man sa mga babaeng pinuntahan nila ang may ari ng sapatos dahil hindi kasya. Katulong si Cinderella kaya hindi naisip ng Prinsipe na ipasuot sa kaniya. Pero dahil kaibigan niya ito ay sinubukan niya kahit tutol ang mga kapatid ni Cinderela. At isa pa, ang alam ni Cinderella ay hindi siya kilala ng Prinsipe. Napilitan siyang isuot dahil utos ng Prinsipe. Alam mo na. Nagkasya ang sapatos kaya gulat na gulat ang Prinsipe. Dalawang bagay ang napatunayan niya. Si Cinderella na kaibigan niya at ang Prinsesang naisayaw niyang pinaka-maganda ay iisa. Naging komplikado ang lahat dahil sa halip na siya ang magpanggap, parang si Cinderella pa ang gumawa noon. Kaya nabroken heart siya dahil mahal niya si Cinderela bilang mahirap. Ang kaso, pangarap ni Cinderella ang Prinsipe na kung tutuusin ay siya rin naman. Siguro, feeling ng Prinsipe, nabaliwala ang isang katauhan niya. Nasaktan siya."

Well, maganda ang story ni Cinderella kaya alam ko, sa masaya ito nagtapos. Pero bakit sobrang komplikado ng kwento niya? "Ano ang ending?"

"Hindi ko na alam. Matagal na 'yun, nalimutan ko na."

"Ano ba 'yan? Nabitin ako sa kwento mo."

"Siguro, umamin na 'yung Prinsipe na nagpanggap siya dahil umayaw si Cinderella sa Prinsipe. Alam mo naman sa fiction, ang isang matuwid na babae ay hindi ginagamit ang kapangyarihan ng leadingman niya. And then, si Cinderella kasi ay mayaman talaga. Inagaw lang ng peke niyang mga kapatid at madrasta ang lahat dahil namatay ang Ama niya. Nabawi nila 'yun alam ko kaya naging mayaman siya uli. So, maraming pwedeng mangyari. Mapapatawad nila ang isa't isa tapos they lived happily ever after na."

"Maganda no? Hindi detalyado pero mai-imagine mo ang nangyari."

"Lahat naman iisa ang ending. Ang mahalaga lang ay ang nilalaman. Hindi naman pwedeng matalo ang bida. May natatalong bida o namamatay pero mag-iiwan ito ng konting sakripisyo kaya masakit man, magatatapos din sa panalo. Hindi pwedeng hindi."

"May alam ka nga. Mahilig ka ba sa tragic ending?"

"Lahat gusto ko. Hindi pwedeng mamili ako ng papanoorin o babasahin."

"Which do you prefer? Tragic o happy?"

"Tulad nga ng Armagedon. Namatay 'yung Ama niya. Hindi maganda kung walang sacrifice. Nakakaiyak lang. Pero nakaligtas naman ang milyong tao. Maganda 'yun dahil magaling ang writer ng story. 'Yung ganda o 'yung aral ang hanap ko, hindi ang ending. Mahirap mamili kaya huwag mo na akong tanungin."

"Ako kasi mas remarkable ang tragic para sa'kin. Ang hirap kalimutan ng mga ganoon."

"Kayo 'yung mga madaling maapektuhan sa story kaya gusto niyo ang tragic. 'Yung tipong madaling intindihin dahil kita mo ang nangyayari. Pero mas gusto ko 'yung tahimik na story lang. Puro usapan pero nakakaiyak. Mas maganda 'yun. Wala kang makikitang namatay, pero dahil naappreciate mo ang aral, parang tragic na din."

"Meron ba nun?"

"Meron. Ikwento ko pa?"

"Sige."

"Huwag na. Mahaba masyado. Kalimitan 'yung about Family. Mas mahirap isipin 'yun kaysa sa Armagendon. Pero kung hanap mo ay madaling maintindihan, mas maganda para sa'yo ang Armagedon o Titanic. O whatsover na patayan dahil sa pagmamahal o may taong may sakit na nagsakripisyo. Binigay ang puso, ang mata, na napakadaling isipin pero nakakaiyak."

"Mahirap din 'yun ah."

"Pero maganda din ang aral sa mahirap intindihin na story. Oras na maappreciate mo, parang tragic na din. Parang Cinderella. Buong palabas maganda. Kada episode may aral. Merong tragic na sa huli lang maganda. Wala pang gaanong aral. Kung meron man, hindi doon umikot ang story. Kundi sa pag aabang ng viewers dahil may inaasahan na silang mangyayari."

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko akalain na mas may alam pa siya sa'kin. Matalino din pala siya. Parang napakacommon na para sa kaniya ang tragic. "Okay." Nagtrabaho na lang ako.

"Kaya lahat maganda sa'kin, hindi lang ang tragic. Wala akong paborito. kahit Frozen pa 'yan na akala ng marami ay pang bata, papanoodin ko 'yan. Dipende din minsan sa galing ng writer. Kahit action pa 'yan na kalimitan ay tragic din. Parang kanta na kahit gaano ka hardcore o kaboring, basta gusto ko ang lyrics, naappreciate ko. Wala akong paborito sa mundo, lahat gusto ko." Nakatitig ako sa kaniya. Pero minsan, may tao siyang pinipili. At may nabasa naman ako na tahimik, puro kwentuhan, pero tragic ending pala. Ewan, baliw talaga. Sa lahat ng nakilala ko, siya ang kakaiba. "Ah Ken, pwedeng magpaalam sa'yo?" Biglang iniba niya ang topic.

"Saan?"

"Siguro kung janitor parin ako, hindi ko gagawin 'to. Kasi bawal. Pero dahil malakas na ako sa'yo, pwede na."

"Sige sabihin mo."

"Uuwi ako sa'min kaya dalawang araw akong mawawala."

Ganun? Teka, ang tagal naman. Pero hindi pwedeng hindi ko siya payagan. Ngayon pang sigurado akong hindi siya mawawala. "Bahala ka." Tumingin ako sa kaniya. Pinakita kong hindi ako dismayado.

"Bukas na, pwede ba?"

"Pu-pwede. Bakit biglaan naman?"

"May kailangan akong gawin eh. Anytime pwede, kaya bukas ko napili."

Pumayag na ako. Pero ang tagal ah. Nakakainip. Simula ng aminin ko sa sarili kong mahal ko siya, ito na ang pinakamatagal na hindi ko siya makikita. Walang problema doon. Ang mahalaga, hindi ako kagaya ng mga nakilala niya. Ano kaya kung sumama ako sa kaniya? Papayag kaya siyang makilala ko ang Family niya?

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 792K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
1.5K 187 16
Awit Series #3 Ang highschool crush ni Adel ay muling nag balik upang guluhin ang nananahimik niyang buhay. May pag asa pa rin ba si Raiden sa pusong...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
1.9K 262 21
What does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga kata...