Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

22.

260 13 1
By Akatsuki_Haru

Nasalubong namin si Daddy. Kitang kita niya na nakahawak ako sa braso ni Rosen. Napatingin siya sa'ming dalawa. "Hi Daddy." Bumitaw ako kay Rosen saglit.

He turns his eyes onto Rosen. "Where are you going?" Tanong niya.

"May pupuntahan lang." I said dahil hindi ko pwedeng sabihin na sa mansyon ko planong dalhin si Rosen.

"Rose..." Rose? Rose din ang tawag niya kay Rosen? Walang binitawang salita si Daddy pero tinuro niya si Rosen. Parang inuutusan sa tingin.

"Sir, huwag kayong mag-alala, ako ang body guard niya." Sagot ni Rosen.

"Siguraduhin mo lang ah. Sige na, may pupuntahan pa ako." He passed us.

Alam kong baka tumutol siya pero pinagdasal kong huwag na lang kahit labag sa kalooban niya. Ang importante masaya ako. Ngayon ko inisip ang damdamin nila. Ano ang magagawa ko kung dito ako masaya. "Nakakausap mo ba si Daddy?"

"Oo minsan?"

"Alam ba niya na close tayo?"

"Oo, pero nangako ako na nasa kamay ka ng isang super hero."

"Sinabi mo 'yun?"

"Joke. Nasa mabuting kamay ka kaya hindi na siya dapat mag-aalala pa."

Naisip ko din ang pinag-usapan namin ni Maico. Nasabi kong hindi ako ipapahamak ni Rosen. Tama ako doon. Umalis kami. Hindi niya alam kung saan kami pupunta. Dinala ko siya sa mansyon na pag-aari ko. Sinalubong kami ng mga kaibigan kong kasambahay. "Ken, kahapon iba ang kasama mo ah." Sabi agad ng isa at tumawa. Ganiyan sila. Palabiro minsan.

"Araw araw ibang lalaki ang kasama ko. Walang magagalit dahil hindi ko siya boyfriend." Hindi nila ako mabibiro lalo't baliw ang kasama ko.

Napansin kong nag-iba ang tingin ni Rosen habang tumatawa ang kaibigan kong kasambahay. "Gwapo siya. Bakla ba?" Oh my.

"Hindi, bakit mo natanong?"

"Wala, Ken kasi hindi ka naman nagdadala ng lalaki 'di ba? Naisip kong bakla siya."

"Hoy, kung hinahalikan kaya kita?!" Napikon yata si Rosen.

"Sorry!" Nagtago siya sa likod ko dahil galit si Rosen yata. Ewan, halikan daw. Hindi sasabihin ng taong galit 'yun. And ang mga komidyante ay nagkakaintindihan dahil pareho sila ng isip kaya alam ni Rosen na hindi seryoso ang kasambahay ko. Hindi totoong takot siya.

"Rosen, ikaw pa lang ang dinadala ko kaya pagpasensyahan mo na." I said para ipagtanggol ang kaibigan ko.

"Paano ang boyfriend mo? Nakapunta ba siya dito?"

Tumingin ako sa kasambahay. "Mag-iinom tayo. Iready ang kwarto." Utos ko.

"Yes, Ma'am!"

Pumasok kami sa loob. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko?" Mahirap aminin sa kaniya na may naganap sa'min ni Jordan dito.

"Siya ang pumunta. Sinusundo lang niya ako pero ni minsan, hindi ko siya dinala dito. Natural na ihatid niya ako dahil boyfriend ko siya."

Hindi na siya sumagot. Dapat maging masaya siya dahil siya lang ang lalaking inuwi ko. O inuwi ko ba siya? Ang pangit pakinggan. Bisita na lang. Napansin kong tinitignan niya ang mga larawan. "Ang cute mo, Ken."

"Diyan ka muna. Magbibihis lang ako." Iniwan ko siya then after that, sinenyasan ko siyang sumunod sa'kin. Nakahanda na ang kwarto. Isang kasambahay para maging bar tender. Ilang kasambahay ang nasa ibang lamesa. At isang kasambahay ang DJ. Madalas naming gawin ni Maico ito. Para narin kaming nasa bar na boring pero iba pag sinadya kaya feel namin ang atmosphere na parang nasa ibang lugar kami. Kahit tatlong kasambahay lang ang nasa ibang lamesa, dama namin na marami kaming kasama. Ganito ang gagawin namin ni Rosen. Alam kong mawiwirduhan siya.

"Wow!" Nice reaction.

"Nagustuhan mo ba?"

"Kayo kayo din lang naman ang tao dito."

Natawa ako sa isa pang reaksyon niya. "Hayaan mo na. Maigi 'to para iwas tayo sa gulo and at the same time, pakiramdam natin nasa tahimik na bar tayo."

"Sinabi ba sa'yo ni Maico na warfreak ako sa bar?"

"Hindi bakit ba?" So, inamin niyang nakikipag-away siya sa bar. Sabi ko na nga ba, marami na siyang experience.

"Pag may kasama ako, hindi ako pala-away, lalo na kung katulad mong babae."

"Wala nga siyang sinabi, bakit ba ang kulit mo?"

"Baka siniraan niya ako sa'yo eh."

"Edi sana sira ka na. Umupo na tayo." Umupo kami. "Waiter!" Tawag ko sa waiter na nakatayo.

Napansin kong napatawa siya ng nakakaloko dahil ang waiter ay kasambahay din. Weird na kung weird. Isa ito sa naisip kong idea para sumaya ako pero hindi umubra na ngayon ay effective talaga dahil masaya. Natawa ako sa reaksyon ni Rosen, napapangiti ako. "May menu pa talaga?" Iiling iling siya.

"Pakialam mo ba?! Umorder ka na."

Maya maya lang ay dumating ang order namin. May alak syempre. May aalamin ba ako sa kaniya ngayon? Masaya ang pinapatugtog ng DJ namin. Tapos nagrequest ang kabilang tao sa mesa ng love song. Naging love song ang tugtog. "Baka naman may pekeng away dito ah. Ito na talaga ang pinaka-nakakatawang bagay na nakita ko."

Natawa ako. Oo nga. Bakit hindi? Habang may nag aaway sa kabilang mesa, kami continue lang sa pagsasaya. Ang cool. "Awayin mo sila." Umiling lang siya.

Tumagal pa ang sandali. Medyo nakailang shot na din ako. Nagiging madaldal na ako. Hindi ako ganito dahil kadalasan ay sumisigaw ako noon. Pero iba ngayon. Tawa ako ng tawa dahil naaalala ko si Rosen kahit kaharap ko siya. "Alam mo Ken, ang babaw ng kaligayahan mo. Kaya siguro, ganiyan ka. Kahit halatang matalino ka, inosente ka sa paningin ng iba."

"Inosente ako, dahil hindi naman lahat nakakasalamuha ko."

"Bakit mo ako nagustuhan?"

And suddenly may dalawang lalaking pumasok. Isang hardinero at isang driver ko. Umupo sila sa bar tender. Napatingin ako kay Rosen. Kahit seryoso ang itsura niya ay nababasa ko ang isip niya. 'Ano ba 'tong lugar na 'to? Hindi ko kakayanin.' Yan ang nababasa ko sa isip niya kaya hindi ko napigilan na tumawa. "Huwag mo na silang pansinin. Costumer sila."

"Bakit ka tumawa?"

"Balik tayo sa tanong mo. You're so funny and nice. Masipag kaya nagustuhan kita."

"Alam mo na ba ang ugali ko sa umpisa pa lang? Hindi 'di ba pero tinanggap mo ako."

"Alam mo ba ang pakiramdam ng may bukol sa mukha. 'Yung malimit pagtawanan ng mga tao. Pero one time, may isang tao na nakangiti sa'yo. Iniwasan mo siya dahil sa pag-aakalang pinagtatawanan ka niya. Ang hindi mo pala alam, hindi 'yung bukol ang tinitignan niya kaya siya nakangiti. Ang kalooban mo pala. Iniwasan mo siya kasi sa pag-aakalang ayaw niya sa'yo. Pero hindi mo alam na may pinalampas ka palang tao na dapat magpapasaya sa'yo."

Tumagay siya. Uminom. "Alam ko ang ibig mong sabihin pero wala akong kapansanan para isipin na ayaw sa'kin ng mga tao."

"Meron, Rosen. Ayaw mo sa'kin dahil akala mo hindi kita gusto. Umiwas ka sa'kin kaya sumagot ka ng kakaiba. Tama ba?" Napatingin siya sa'kin ng seryoso. Umiwas ng tingin. Tumagay at uminom. "Pero ang totoo, ako ang may kapansanan sa'tin. Ako ang dapat umiwas sa'yo dahil wala sa itsura mo ang magpapasaya ng taong katulad ko. Hindi kita hinusgahan." Tumagay ako. Ganado akong magkwento. "Ayokong palampasin ang isang tao na posibleng magpasaya sa'kin. Ang inakala mong kapansanan mo ay hindi naging sagabal. Even I know it was an error. Sinubukan ko. Hindi ako nagkamali. Ang iniisip kong error ay naging acceptable. Hindi ako nagkamali."

"Alam mo Ken, halos pareho lang tayo. Alam mo bang nahahati sa tatlo ang ugali ng tao?"

"First of all, thank you very much Rosen. Inaamin kong kung hindi dahil sa'yo, malungkot ako ngayon. I can't imagine if I'm going back right from the start without you. Tama ka, nahahati nga ang ugali natin." Tinitigan ko siya. Titig na may malisya. Alam kong nangako siya sa Daddy ko at kay Maico pero sana naman hindi niya lahat tuparin. Sana naman hindi siya maging manhid. Handa akong tanggapin siya dahil sa mga oras na ito, wala akong katiyakan kung magpapatuloy ang aking dinadanas na kaligayahan.

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo, Ken. Ang tagal na hindi lumabas ng ugali kong pinapakita sa inyo." What does he mean?

"Bakit? Ano ba ang ugali mo before?"

"Gaya nga ng sabi ko. Ang ugali natin ay nahahati sa tatlo. Malungkot, masaya at galit. Kaya mali ang sinasabi nilang lumalabas ang totoong ugali ng tao pag siya ay nagalit."

"Pero iba pa ang seryoso."

"Ang seryoso ay nahahati din sa tatlo. Hindi siya kasama. Galit na seryoso, masaya at malungkot na seryoso."

"But what you're gonna try to explain that I couldn't figure out?"

"Ang ugali kong masaya. 'Yun ang ugaling pinapakita ko sa inyo."

"Pero ang isang palabiro, minsan nagpapanggap lang. But deep inside, malungkot sila. Pwedeng ganun ka."

"Hindi sila totoong malungkot. May problema lang. Naranasan ko ang totoong lungkot. Alam kong ganun ka din."

Oo nga. Maybe tama siya. May problema ang mga taong nakakatawa pero nananatiling nakakatawa sila na akala natin nagpapanggap lang. "Pero akala ko, lahat ng tao may problema."

"Tama. Pero may taong hindi kayang magpanggap. Siguro may taong nagpapanggap dahil sa trabaho nila na masaya silang maging komidyante pero may Anak silang may cancer. Pero iba ako. Hindi ko kayang magpanggap dahil hindi naman ako masaya."

"Parang sinabi mo na masaya ka kaya ganiyan ang ugali mo."

"Oo, kahapon ko lang yata narealize ang lahat. Hindi ko namalayan na nag iba pala ang ugali ko nang pumasok ako sa kompanya niyo."

Hindi ako makapaniwala. So, I should be the one to thank? Ako pala ang nagpasaya sa kaniya. Ito na ang oras para tanungin ko ang nakaraan niya o kung sino siya. Aalisin ko muna ang topic namin about sa'ming dalawa na parehong nagbigay ng kasiyahan sa isa't isa. "Rosen, magtapat ka sa'kin. Ano ba ang meron ka sa nakaraan? O ano ang meron ka ngayon. I badly need to know. Close na tayo 'di ba? After all the pains were eventually faded, it should be our friendship will end up high to begin another chapter. Rosen, sana magsabi ka ng totoo. Walang dahilan para isuko ko ang kaligayahan kong ito para lang iwasan ka. 'Wag kang matakot."

"Nakulong na ako dati."

"A-ah ganun ba?" Pero hindi ko siya dapat husgahan. Pwedeng nagbago na siya. Hindi naman talaga malayong mangyari 'yun.

"Oo, halos itakwil na ako ng magulang ko dahil wala nang mangyayari sa buhay ko. Tumanda akong ganito. Walang alam. Hindi nakapag tapos. Walang future."

Nalungkot ako para sa kaniya. "Pero bakit ka nakulong? Nakapatay ka? Ano? Hindi totoong wala kang alam, Rosen. Hindi lahat sa pag-aaral nakukuha."

"Hindi ako nakapatay pero ako ang dapat na mamamatay. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Kahit lumabas na kriminal ako, baliwala din."

"Bakit ka nakalaya?"

"Dahil sa kaibigan ko. Ayoko nang pag-usapan ang nakaraan. Nalulungkot ako. Kung may gusto ka man na alamin sa'kin, kaya mo 'yung tuklasin. Ayoko nang sabihin pa sa'yo."

Dahil may tiwala ako sa'yo. At isa pa, ayokong may malaman dahil ayokong mawala ang kaligayahan na dinasanas ko. Malamang, inalam ni Maico ang lahat. Madaling magbayad sa tao para may malaman kang bagay na hindi mo alam. Hindi ko kayang gawin 'yun dahil baka malungkot ako. Ayoko! Naramdaman kong inaantok na ako. Marami na akong nainom. Naramdaman kong karga na ako ni Rosen. Hiniga niya ako sa kama. Hindi ko na kayang uminom. Ngayon lang ako nasobrahan sa inom. Natulog na ako. Pero bigla kong naramdaman si Rosen na hinahalikan ako pababa sa leeg.

'Rosen, be gentle!' Sabi ko sa isip ko. Hinayaan ko lang siya. Sayang lang at lasing ako kaya nagising akong nakahubad. Tumingin ako sa katabi ko. Rosen? Nakatalikod siya sa'kin. Kita ko ang hubad niyang likod.

Continue Reading

You'll Also Like

12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
233K 2.5K 97
Connected dust turned to painful letters. Painful letters that can kill you, your whole being. Painful letters written by a broken and enfeebled girl...
1.9K 262 21
What does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga kata...