Playlist

נכתב על ידי GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. עוד

Starlight
The One That Got Away
Huling Gabi
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
The Only Exception
Happier
Decode
Tequila
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
The Last Time
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

The Fault In Our Stars

289 12 4
נכתב על ידי GreatGatsby08

Vice's POV

Ilang minuto na akong nakapark sa harap ng gate ng bahay nila Jackie at mejo naiinis na ako sa katagalan ng babaeng yun. Kahit kelan talaga. Napailing nalang ako bago nilakasan yung volume ng car stereo.

Pero ilang kanta na ang lumipas ay wala pa ding Jackie na lumabas ng gate. Inis kong kinuha yung phone ko mula sa bulsa ko at dinial yung number niya, madali kong nagawa yun dahil nasa speed dial naman. Ang important niya no, eh tropa lang naman ang tingin niya sakin.






Tatlong ring ang dumaan bago niya sinagot yung tawag. Tila nagmamadali at aligaga ang boses.



"Palabas na po! Ito na lalabas na ng pintuan ng bahay, naglalakad na papunta sa gate, palabas na ng gate!"



Sabi niya kasabay ng pagbukas ng gate ay paglabas niya mula doon. Napabuntong hininga nalang ako kasunod ng pagbaba ng call. Naiinis ako kanina sa katagalan niya pero ngayon naiinis na ako sa sarili ko.






The mere sight of her makes me forget that I am even mad at her for making me wait.






Nagmamadali niyang binuksa yung pintuan sa likod at hinagis lang basta doon yung dala niyang backpack bago pumasok at umupo sa tabi ko. Ngumiti siya sakin ng pagkaganda-ganda na akala mo eh walang ginawang kahit anong nakakainis.




Mas lalo naman akong nainis dahil wala nanaman akong nagawa kundi mapangiti nalang. Napailing ako bago pinaandar ang sasakyan.







"Ang tagal mong nag-ayos. Tapos wala namang pinag-iba."

Biro ko sakaniya habang palabas kami ng subdivision nila. Mahinang suntok lang sa braso ang naging sagot niya bago humalukipkip at sumimangot kunwari.






"Eh ikaw nga, ganyan na nga itsura mo tapos di ka pa ata naligo. Mahiya ka naman sakin."

Ganting biro niya na nagpatawa lang saakin. Itinaas ko ang kanang kamay ko at kunwaring inamoy yung kilikili ko bago natatawang sumagot.





"Kahit amuyin mo pa. Naligo ako kanina kahapon lang hindi kasi malamig."

Biro ko. Natawa naman siya ng slight bago ako tinignan habang nakangiti. Nagbawi naman kaagad ako ng tingin dahil bigla akong naconcious sa ginawa niya. Feeling ko namumula yung mukha ko sa magkahalong hiya at kung ano pa.






Sa lahat lahat naman kasi ng magugustuhan, kaibigan ko pa mula pagkabata.






"Saan tayo? Saan mo nanaman ba ako dadalhin?"

Sabi niya bago binaling ang atensyon sa daang tinatahak namin. Excited naman akong napatingin sakaniya pero hindi kaagad sumagot. Alam kong ayaw na ayaw niya ng surprises, ayaw na ayaw niya ng binibigla siya. Pero kabaliktaran naman ako, dahil gustong gusto ko ng nambibigla. Natawa ako ng kaunti bago ko naramdaman na sinuntok nanaman niya ako sa braso pero this time mas malakas na.






"Biseral!!! Sinasabi ko sayo pag hindi mo sinabi bababa ako ng kotse mo!"

Mejo napipikon nang sabi niya na lalo lang nagpatawa saakin. Kaunti pa maiinis na to ng tuluyan tapos buong byahe niya na akong hindi kikibuin hanggat hindi ko siya sinusuhulan ng pagkain. Nilingon ko siya, kunot na kunot na ang noo niya at masama na ang tingin saakin.






"Isa!"

Sabi niya sabay kurot sa braso ko ng pinong pino na nagpasigaw naman saakin sa sakit. Pero imbes na mainis ay tinawanan ko lang siya. Ang cute niya kasi pag naiinis. Namumula yung mukha niya tapos naka-pout yung mga labi. Pero yun na ang magic word.






"Disneyland."



Sabi ko bago binalik sa daan ang pansin. Hinampas naman niya ako sa braso bago nagsalita. Napaka-brutal talaga nitong babaeng to pero sa iba naman hindi. Lalo na sa mga naging boyfriends niya na nasubaybayan ko lahat. Bukod tanging saakin lang lumalabas ang ka-brutalan niya.




"Seryoso na kasi!! Sasapakin ko mukha mo, sinasabi ko sayo!"

Mejo high pitched na niyang sabi. Naiinis na talaga to. Nilingon ko siya bago ako sumeryoso.






"Open the glove box. Ayaw mo maniwala eh."

Sabi ko. Inirapan niya muna ako bago sinunod ang sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya nung makita sa loob ng glove box yung mga passports namin, tickets at amusement park pass. Napalingon siya saakin, still in awe.





Same look she gave me a few years ago nung narealize ko gusto ko siya.



Flashback....

Nagluluto ako sa kusina ng condo ko. Friday night nun at andito si Jackie. Nakaugalian na namin na nagispend ng friday nights para manood ng movies at magkwentuhan about sa buong linggo namin. Pareho kaming graduating na pero magkaibang schools kaya madalang na kaming magkita ng weekdays, puro nalang kami text or call.




"Ambango naman niyan! Kelan ka pa natutong magluto?"

Sabi niya saakin habang nakasandal sa kitchen counter at may hawak na bote ng beer. I rolled my eyes at her bago tinuloy ang pag luluto ng steak sa butter and herbs.




"And you call yourself my best friend slash kababata? Pero di mo alam na marunong akong magluto?"

Sabi ko sakaniya. Pano naman nga niya malalaman eh puro pizza ang kinakain namin pag friday nights. Uminom siya ng beer bago nagkibit balikat at ngumiti saakin pero halatang hindi umabot sa mga mata. Alam na alam ko yung mga ganun niya.





"Ano nanaman ginawa this time?"

Patay malisya kunwaring tanong ko. Napakurap-kurap siya nung una na parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba saakin o hindi. Huminga siya ng malalim bago ipinatong ang bote sa ibabaw ng counter at humalukipkip.





Ipinasok ko na sa oven yung steak bago nagpunas ng kamay sa kitchen towel at tumayo sa harap niya.




"So? Inano ka nanaman?"

Sabi ko. Hindi ko pinigilan na mailabas sa tono ko yung inis. Ilang beses ko na kasing sinabihan tungkol jowa pero ayaw makinig. Umiling siya ng kaunti bago tumingin saakin at pilit na ngumiti.




"May bago nanaman."

Sabi niya sabay kibit ng mga balikat na para bang sinasabing 'ganun talaga'. Inis na inis kong kinuha yung bote niya ng beer at uminom mula doon. Nakalahati ko kaagad sa sobrang inis.





"Kelan ka magigising sa katotohanan na pinaglalaruan ka lang niyang lalakeng yan. Hindi mo deserve yan Jackie."

Sabi ko bago uminom ulit. Tinitigan niya lang ako bago ulit ngumiti, this time mas magaan na. Nagulat ako nung bigla siyang yumakap saakin. Kung gaano yun kabilis nangyari ay ganun din kabilis natapos.





"Hayaan mo na siya. Nakipag-break na ako sa hayup na yon. Mabuti pa--"

Sabi niya bago nilabas ang phone at nagpatugtog. Napa-roll eyes nanaman ako. Alam ko nanaman saan papunta ito.




"Dance party!"

Sabi niya sabay tawa. Naghuhumiyaw sa Bluetooth speaker ang bandang paborito niya at sinasabayan niya ng sayaw. Natatawa nalang akong kumuha muna ng dalawang bote ng beer mula sa ref at binuksan ang mga yun bago iabot sakaniya ang isa.


"Beer, miss?"

Biro ko. Kinuha niya yung bote mula sa kamay ko bago bumalik sa pag sasayaw. Hindi ko maalis sa mukha niya yung mga mata ko. Hindi ko alam kung yung ilaw ba ng kusina o sadyang sobrang laki ng pinagkaiba niya ngayon.



Parang ngayon ko lang siya nakikita ng totoo.



Napalunok ako sa mga pakiramdam na sabay sabay akong inaatake. Realization?




"Huy! Sayaw! Dadalawa na nga lang tayo eh."

Sabi niya sabay patong ng mga braso sa balikat ko at sayaw. Napalunok ako sa lapit ng katawan niya saakin. Dati naman wala lang saakin yung mga ganitong bagay pero ibang pakiramdam ang binibigay nito ngayon saakin.



Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako. Summer ngayon pero malamig naman yung aircon.




"Huy!! Galaw galaw. Parang virgin naman to."

Biro niya saakin. Saglit kong inalis sa isip ko yung mga bagay na kanina pa gumugulo dito at ngumiti sakaniya bago sumabay ng sayaw. Napahinto kami pareho nung biglang nagging slow yung song pero dahan dahan ko lang kinuha yung bote mula sa kamay niya at pinatong ang mga yun sa ibabaw ng counter.





"Can I have this dance?"

Nakangiti kong sabi sakaniya bago kinuha ang dalawang kamay niya at pinatong yun sa balikat ko. We swayed silently to H.E.R's Best Part.




Bakit ba natagalan ako bago makita at narealized na yung inaantay ko eh nasa harapan ko na pala. Hindi ako naniniwala dati na magkakagusto ako sakaniya.

She is the exact opposite of what I want in a woman. Madaldal, maingay, nanakit at higit sa lahat nasasabi lahat ng gusto, no-filter, saakin.




Sabi ko noon, gusto ko pag magmamahal ako eh yung mabait, yung dalagang Pilipina, hindi makabasag pinggan. Natawa ako sa description na yun ngayon lang dahil heto ako, nagkakaroon ng feelings para sa babaeng kabaliktaran ng lahat ng bagay na gusto ko.

"Hindi na ako magmamahal ulit."

Maya maya ay sabi niya. Napahinto ako sa pagsayaw bago ako bahagyang lumayo sakaniya at kunwari ay natawa pero ang totoo ay mejo kinabahan ako sa statement na yun. Parang ngayon ko lang kasi yun narinig mula sakaniya.






"Sus. Sabi mo lang yan. Baka bukas lang may bago ka nanamang prospect."

Biro ko sakaniya pero hindi siya tumawa. Tanging iling lang ang sinagot niya saakin na mas lalo namang nagpa-worry saakin. Napasimangot ako bago ko sinipat kunwari ang noo niya.



"May sakit ka lang ata eh."

Biro ko ulit. Natatawang tinabig niya lang ang kamay ko bago kinuha yung bote ng beer mula sa kitchen counter at uminom mula doon. Ganun din ang ginawa ko bago naglean sa ibabaw ng counter.





"Seryoso nga. Palagi lang naman akong nasasaktan. Wag nalang din."

Sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya bago inubos ang laman ng boteng hawak ko kasunod naman ng pag tunog ng timer ng oven na tanda na ready na yung dinner.




"Alam mo yung pagmamahal kasi parang lutuin lang yan, may tamang oras. Kailangan sakto para mas masarap. Dapat tama yung timpla and combination."

Sabi ko na nagpatawa lang sakaniya ng malakas. Inayos ko yung skillet sa ibabaw ng burner at iniwan muna yun saglit bago binalikan si Jackie na mukhang nagtataka.





"Lalim naman ng hugot ng steak na yan. Pero asan na? Kala ko kakain na eh. Gutom na ako."




Sabi niya sabay himas pa sa tiyan. Napailing nalang ako bago nangalumbaba at tumingin sakaniya.




"Kailangan pang magrest nun, katulad din pag nasaktan ka, kailangan mo muna magpahinga para pag nagmahal ka na ulit, handa ka."

Birong banat ko nanaman sakaniya. Inirapan niya naman ako bago siya uminom ulit ng beer mula sa boteng hawak niya.



"May pinagdadaanan ka ba? Pag-usapan natin."

Seryosong sabi niya na nagpahagalpak saakin ng tawa. Iniwan ko siya saglit para ihanda yung lamesa pero sumunod din naman siya at tinulungan ako.




"Ang swerte ng magiging girlfriend mo. Bakit nga ba kasi kayo naghiwalay ni K?"

Usisa nanaman niya. Napatingin naman ako sakaniya in disbelief. Hanggang ngayon ba naman si K pa din ang tinatanong niya saakin.




"K? Ano ka ba. High school pa yun eh. Bigla mong naalala. Umupo ka na nga."

Biro ko sabay hila ng upuan para makaupi siya. Umupo naman siya kaagad bago sumagot.


"Eh siya lang naging girlfriend mo ever eh."

Sabi niya saakin. Hindi nalang ako sumagot pa dahil totoo naman. Ewan ko pero hindi ko naman naramdaman na kailangan kong mag-girlfriend eh.




"Paano ako mag-girlfriend eh kung sayo pa nga lang sumasakit na ulo ko."

Biro ko bago naglakad pabalik sa kusina para icheck yung steak. Iniayos ko ang mga yun sa plates bago dinala sa table bago ko binalikan yung mashed potatoes na kanina ko pa nagawa.





Umupo ako sa harap niya at pinanood siya saglit na kumain. Ngumiti siya saakin bago nag thumbs up, lumunok at nagsalita.




"Marunong ka nga talagang magluto. Pasado na to."

Sabi niya na nagpasmid naman sakin. Nagsimula na din akong kumain habang nakikinig sa non-stop niyang kwento. Ito talaga yata yung role ko sa buhay, yung taga pakinig sa mga kwento ni Jackie. Pero ayos lang yun saakin. Ayos lang lahat saakin basta nakikita ko siyang masaya.




"Bakit ka ganyan makatingin saakin? Siguro crush mo ko no? Nakaaaa!!"

Sabi niya na nagpakunot naman sa noo ko. Tumawa ako kunwari pero kahit ako eh dinig yung guilt sa tawang yun. Saglit na natigilan si Jackie bago tumawa ng malakas.



"Leche ka, Biseral! Bakit ka namunula? Siraulong to."

Sabi niya. Bigla naman akong naconcious kaya napayuko ako ng kaunti at nagkunwari nalang na naghihiwa ng steak.




"Di kita type, kadiring to. Kumain ka na nga, nakakawalang gana yang mga pinagsasabi mo."

Sabi ko pero ang totoo sumasangayos ako sa sinabi niya. Mukhang, oo, crush ko nga siya o baka higit pa. Palihim ko siyang sinulyapan ulit. Mejo namumula ang mga pisngi niya dahil sa nainom na alak pero mas magaan na ang aura niya kumpara sa kanina. Mabuti naman.


"Eh pero paano kung.."

Sabi ko. Bakit ko ba to gagawin? Bakit ko ba gustong sabihin sakaniya na gusto ko siya? Kabebreak lang nila ng jowa niya tsaka kakarealize ko lang naman ngayon na parang gusto ko na siya?


Wag na Vice. Wag mo munang sabi---

"Gusto kita?"

Wtf! Taksil ka self. Napaabot ako ng baso ng tubig na nasa harap ko sabay inom ng laman nun. Sinulyapan ko si Jackie na parang mejo nagulat sa nasabi ko pero nakarecover din kaagad at tumawa lang.




"Siraulo. Wag mo kong inistir, Biseral. Parang yung concept ng pag mamahal, hindi bagay saatin. Magkaibigan tayo."

Sabi niya. May parang pinong kurot akong naramdaman sa puso ko na hindi ko nalang pinagtuunan ng gaanong pansin. Itinawa ko nalang iyon.




Hindi ko na inulit pa sakaniya yung sinabi ko buong gabi at nagtyaga nalang ako sa kung ano mang meron saamin.






Okay naman eh. Gusto lang naman to. Mababaw lang.










Nung una.



End of flashback...

Apat na taon.

Apat na taon akong may pag-tingin sakaniya. Sa apat na taon na yun ay ilang beses ko ding sinabi sakaniya na mahal ko siya.









"Vice, gusto kita. Pero hindi sapat para gustuhin kong itaya yung pagkakaibigan natin. Hindi ko kaya."


Palagi niyang sagot saakin. Mga salitang paulit-ulit na bumabaon sa puso at damdamin ko pero tila wala namang epekto dahil heto pa din ako. Umaasa na baka naman mapansin niya o bigyan niya ng chance.









"Biseral! Huy! Naka-go na."

Kalabit saakin ni Jackie. Napatingin naman ako sa stop light na naka-green na at magkakasunod nang busina ang narinig ko mula sa mga sasakyan sa likuran ko. Dali dali kong pinaandar ang sasakyan.






"Lalim nanaman kasi ng iniisip mo. Share?"

Seryosong sabi ni Jackie saakin. Ngumiti lang ako bago umiling. Ilang minuto pa ay nasa Park and Fly na kami, iniwan ko dun kotse para mas madali kaming makauwi pag balik.













"Window seat ako ha!"

Sabi ni Jackie habang naglalakad kami sa loob ng tube. I rolled my eyes at her bago sumagot.





"Window seat ang gusto pero matatakutin sa heights. Masokista ka ba?"

Biro ko sakaniya habang papasok na kami ng eroplano. Ang hindi niya alam, window seat naman talaga ang kinuha ko para sakaniya dahil alam ko na yung ang request niya. Masayang masaya siya habang inaayos ang seatbelt nung makaupo na kami.






Para siyang bata na first time pag bibigyan ng magulang sa isang bagay na matagal na niyang hinihiling.








"Deretso na ba tayo sa Disney? Saan tayo pupunta mamaya pag dating?"

Sunod sunod na tanong niya saakin habang nakangiti at nakatingin saakin. My heart ached habang nakatingin ako sakaniya. Parang sasabog yung puso ko sa nararamdaman ko para sa babaeng to. Napabuntong hininga ako bago sumagot.





"The Peak muna tayo mamaya tapos bukas tayo mag-didisney."

Sagot ko. Nakaset na kasi lahat ng pupuntahan namin sa apat na araw na stay namin sa HongKong. Long weekend kasi nun kaya naman sinulit ko na. She's beaming again nung itinuon niya na yung pansin niya sa labas ng bintana ng eroplano.






Ang saya at ang aliwalas ng mukha niya. Sobrang kuntento niyang tignan. Pero may kasamang sakit yung contentment na nakikita ko sakaniya, lalo na pag naiisip ko na kuntento nalang din siya na magkaibigan lang kami.











"Hindi pala makita yung mga stars dito no?"

Sabi ni Jackie saakin habang nakatayo kami sa labas ng the Peak. Puro ilaw lang ng mga buildings ang makikita mo mula sa itaas. Gabi na noon at napagod na din kami sa kakalakad, kaya umupo na kami sa labas para panoodin yung light show ng isang building doon.







Tumingala ako sa langit bago sumagot.







"Oo nga no? Paano kasi grabe yung light pollution. Tignan mo nga yan."

Sabi ko sabay turo sa paligid. Hindi naman sumagot yung katabi ko, instead ay isinandal lang ang ulo niya sa balikat ko at sabay naming pinanood yung mga ilaw na parang sumasayaw sa madilim na gabi.








Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya pero ako, isa lang naman ang iniisip ko.








Kelan kaya, Jackie? Kelan mo kaya ako titignan na mas higit pa sa isang kaibigan?









Baka mahuli na ang lahat pero hindi pa din nangyayari yun. Haaaaaayy!!










Bakit ba naman kasi, maiin-love na rin lang sa taong hindi ka pa kayang mahalin. Mejo nakakainis din talaga yung tadhana.








"May sasabihin ako sayo bukas."

Nagulat ako sa biglang pagsasalita niya. Napaisip ako pero alam ko naman na kahit tumambling ako sa harap niya, pag sinabi niyang bukas. Bukas talaga. Kaya gumanti nalang din ako.








"Ako din, may sasabihin sayo bukas."

Sabi ko. Gaya ko ay hindi na din siya nangulit. Tinapos namin ang gabi na magkatabi, tahimik lang na nanood sa mga ilaw.









Makulay na gaya ng buhay pag kasama ko siya.














"Biseral! Gumising ka na!! Ayokong ma-miss yung parade!!"


Marahas na pag yugyog sa balikat ko ang gumising saakin mula sa pagkakatulog. Umungol ako ng bahagya bago nagbukas ng mga mata. Si Jackie kaagad ang bumugad saakin. Mukhang nakaligo na ito at nag-aayos na.












Himala. Disneyland lang pala ang makakapag-pabilis sa kilos ng babaeng to. Hinila niya yung isa kong braso na akala mo naman talaga eh kaya niya ako. Pinagbigyan ko nalang at bumangon na ako para maligo.













"Bilis!! Naririnig ko na yung music eh!"

Excited na sabi niya habang hila hila ako sa isang kamay. Kahit wala pa naman talagang music, para lang magmadali din ako.









Mejo marami rami nang tao nung makarating kami sa loob pero naka-pwesto pa din kami sa harapan. Umupo kami pareho sa sidewalk at sakto naman na naghahanda na sila para sa parade. Agad inilabas ni Jackie yung phone niya mula sa bulsa at ivinideo ang parade.





Inilabas ko din yung phone ko pero hindi para ivideo yung parade kundi para kunan siya ng pictures.








Gusto kong iimmortalize tong moment na to. Yung genuine na saya sa mukha niya. Yung excitement.









Ayokong kahit kelan ay makalimutan tong oras na to.
Lumingon siya saakin na ngiting ngiti kasabay ng pagkuha ko ng picture. Eksaktong eksakto.











Parang siya at ako.











Eksaktong eksato para sa isa't isa pero parang ayaw naman ng tadhana.













"Halika na kasi. Ang duwag naman nito eh. Sige na!"

Pamimilit ko sakaniya na sumakay ng Hyperspace Mountain na gusto kong sakyan. Nakasimangot at hindi nagsasalitang nagpatianod nalang siya saakin. Habang nasa pila ay hindi niya ako kinakausap pero natatawa lang ako.








Alam ko kasi na takot siya sa dilim. Pag hindi niya nakikita yung paligid niya.








"Conquer your fear, Jackie. Andito naman ako eh. Kasama mo."

Bulong ko bago kami sumakay sa cart. Magkatabi kami nun. Naramdaman kong napahawak siya sa braso ko nung magsimula nang umandar yung cart na sinasakyan namin. Hinawakan ko lang sa kamay ko yung kamay niya.



















"Ang saya nun!! Isa pa!!!"

Masayang masayang sabi ni Jackie pagkalabas namin ng rides samantalang namumutla at parang nasusuka naman ako sa nangyari. Nagback-fire ata saakin yung trip ko.













"Ta-ma. Tama na!"

Uutal utal na sabi ko habang derederetsong naglakad palapit sa isang bench at pabagsak na umupo dun. Narinig ko naman na tumawa si Jackie.








"Conquer your fear, Vice. Halika na isa pa."

Nangaasar na sabi niya saakin bago umupo sa tabi ko. Inirapan ko lang siya. Ilang minuto kaming tahimik bago niya binasag ang katahimikang yun.










"Salamat sa paghawak ng kamay ko kanina. Nawala yung kaba ko."

Sinserong sabi niya. Napatingin ako sakaniya. Bigla siyang sumeryoso habang nakatingin sa malayo. Tumango lang ako bago sumagot.









"Hahawakan ko lang yung kamay mo palagi, hanggat kaya ko. Hanggang pwede pa."

Sabi ko sakaniya. Tumingin siya saakin at ngumiti. Iba yung ngiting yun. Ang gaan tapos umabot sa mga mata niya. Parang totoong totoo at galing sa pinakamalalim na parte ng damdamin niya.













"May sasabihin ako."

Sabi niya without breaking eye contact. Tumango lang ako at hinintay siyang magsalita. Hinaplos niya yung mukha ko at mataman akong tinignan.











"Tapusin na natin tong pagkakaibigang to."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano magrereact.







"Ha?"

Wala akong ibang nasabi kundi iyon. Umiling siya bago natatawang tumayo at naglakad papalayo na parang nangaasar. Napakunot ako ng noo.









Tumayo.





Naglakad pasunod sakaniya habang inaanalisa ang sinabi niya. Napangiti ako bago humabol sakaniya.










"Teka! Ibig mong sabihin...??"



Nakangiting sabi ko sakaniya. Tinignan niya lang ako at ngumiti din bago kinuha sa kamay niya ang isa kong kamay at mahigpit na hinawakan yun.








Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Naguumapaw sa tuwa yung puso ko pero hindi ko magawang itodo yung saya. Inalis ko muna sa isip ko ang mga bagay na gumugulo saakin at hinayaan kong tangayin ako ng kaligayahan ng moment na yun.












Masaya naming nilibot ang buong theme park at magkayakap na inantay yung night show sa harap ng Sleeping beauty castle.







Nakayakap ako mula sa likod niya habang pinapanood namin ang mga clips ng disney movies na nakaproject sa castle kasabay ng theme songs ng mga yun.









"A Whole new world..."

Sabay namin pareho sa kanta kahit mejo sintunado ay sinabayan niya ako sa pagkanta. Hinigpitan ko ang yakap ko sakaniya bago siya hinalikan sa gilid ng ulo.














"I love you, baby"

Bulong ko. Nilingon niya ako bago ngumiti.








"Baby talaga? Parang sanggol, ganun?"

Sabi niya. Kunwaring nainis naman ako sa pang aalaska niya. Kaya natawa siya saglit.








"I love you too, baby."

Sagot niya after ilang minutes. Kakaibang saya yung hatid nun saakin. Sa tinagal ng oras na hinintay ko yun, sobrang saya na finally eh narinig ko na din. Kuntento na ako sa moment na to.









Pwede na akong mamatay.











Maya maya pa ay humarap saakin si Jackie at nagtanong.







"Ano nga pala yung sasabihin mo?"

Sabi niya. Ngumiti lang ako at umiling bago siya niyakap ulit at hinalikan sa noo.









"Nasabi ko na eh. I love you."

Sabi ko. Kinurot naman niya ako sa tagiliran bago ulit humarap sa castle at inenjoy ang fireworks habang nakakulong sa mga yakap ko.










Paano ko pa sasabihin ngayon?





Ang saya namin. Ang saya saya niya.














Paano ko magagawang sirain ang gabing to? Wag na.




Wag na muna.







2 weeks ago....




"Doc, sure ka ba? Baka naman mali lang yung results?"

Mangiyak ngiyak na sabi ni Babot sa doctor na kausap namin. Pangatlong doctor na ito na pinagpakunsultahan namin pero pareho pa din ang resulta. Hinawakan ko ang kamay niya.








"I'm sorry, pero 3rd opinion na ito at pareho lang ang nakita kong results."




Sabi nung doctor. Nagsimula nang magbreak down si Babot kaya naman marahan kong hinaplos ang likod niya na naging mitsa ng bigla niyang pagyakap saakin.









"Tumigil ka na nga. Kung makaiyak ka jan akala mo naman ikaw tong mamamatay."

Biro ko para gumaan ang atmosphere. Sa totoo lang, dun palang sa second opinion ay tinanggap ko na ang katotohanan.









"Vice! Ang bata mo pa."



Humihikbing sabi niya saakin bago humiwalay. Hinarap niya ulit yung doctor at nagtanong.


"Doc, wala na bang option? Please. Ang bata pa ng kapatid ko."

Halos lumuhod na siya sa harap ng doctor pero malungkot lang na umiling yung doctor.









"Inoperable ang tumor na nakita namin sa brain ni Vice. We can try to operate pero less than 10% ang possibility na magging successful iyon."


Sabi ng doctor. Huminga ako ng malalim bago kalmadong nagsalita.






"Gano pa po ako katagal mabubuhay?"

Pinaka-masakit na tanong na binitawan ko bukod sa tanong ko noon kay Jackie kung mahal din ba niya ako. Malungkot akong binalingan ni doc bago nagsalita.










"By the looks of it, you have 3 months bago magstart yung mga discomfort na nadiscuss ko kanina. You have 6 months at most."

Parang binuhusan ng malamig na tubig yung buong katawan ko sa sinabi ng doctor pero hindi ko pinahalata kay Babot dahil nagsimula nanaman siyang umiyak.














Umuwi ako sa condo ko nung araw na yun na literal na wala ng pag-asang mabuhay.







Si Jackie.







Paano ko sasabihin sakaniya.













Paano?


Tanong ko sa sarili ko.










"Mabuti nalang at hindi siya in-love saakin. Mas makakayanan niya pag nawala ako. Mabuti nalang."


Pagcomfort ko sa sarili ko. Baka ito ang dahilan kung bakit ayaw ng tadhana na mahalin niya ako.













Dahil mawawala din naman pala ako at gaya ng lahat ng taong minahal niya, ay masasaktan ko lang din siya pag nagkataon.











Mabuti nalang.






------------
The Fault In Our Stars
by Troye Sivan

Wala na akong maisip na kanta. Hahahaha.😎
Goodnight.


המשך קריאה

You'll Also Like

654K 68.1K 26
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
3M 196K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.8M 115K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
79.2K 2.3K 19
Leni Robredo transfers to a new university for personal reasons, there she meets the scary gang leader Rodrigo Duterte and the smooth talking rich ki...