What If (one shot short story)
By: theothersideoflj
What if lahat ng ilusyon ko ay mangyare?
What if magising na lang akong mayaman, kilala sa society and can get all things I want?
But what if hindi pala yun ang makapagpapasaya saken? Susundin ko ba ang pangarap ko? O ang puso ko?
I’m Devonne Aragon, simpleng college student pero napakataas ng pangarap.
Gusto kong yumaman. Yan ang pinapangarap ko. Ulila na kase ako sa magulang. Wala din akong kapatid.
Tanging lola at lolo ko na lang napalaki sa akin.
Gusto kong makaahon kami sa kahirapan kaya nagtitiyaga akong mag-working student.
Nagtatrabaho ako sa sa KFC sa umaga at pumapasok naman ako sa gabi.
Two-year course lang ang kinuha ko, HRM kinuha ko pero balak ko tong ituloy ng another 2years kapag nakaluwag-luwag na kame.
Tanging bigasan at sari-sari store lang kase ang ikinabubuhay namen. Sina lolo at lola ang nangangasiwa.
Maswerte ako kase kahit hindi nila ako kadugo ay itinuring nila akong tunay na apo.
Oo, ampon lang ako nila lo at la.
Ang kwento nila saken, nakita lang daw nila ako sa kalsada na puno ng dugo pero di naman daw saken naggaling yung dugo.
Malamang sa ibang tao, hindi nga saken diba? Bwahaha..
Anyways, labs na labs ko sina lolo at lola..uber labs ko sila. Gusto mo ikaw rin?
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanila, lahat ng trabaho pinasok ko na except ang maging prostitute.
Diko keri yun! Bwahaha..
Bukod kina lo at la, may isa pang labs na labs ko, si besplen ko.
Siya si Keith Nicolai.
Maayos ang buhay nila, his parents are both government employee kaya naman minsan, tinutulungan nya ako sa mga gastusin pero sabi ko babayaran ko lahat ng yun kapag nakaluwag-luwag na kami.
Palaging andyan sa tabi ko si Keith. Andyan sya lagi para tulungan ako, kami nina nila lolo at lola.
One time, niyaya nya ako kumain sa labas. Libre nya daw sabi nya, diko rin magawang makatanggi sa kanya.
Nangingibago nga ako eh at naiilang kase hindi naming to nagagawa at isa pa, sa bahay lang o kaya ay sa kanto kami nag-ku-kwentuhan habang kumakain ng kwek-kwek at ispasol.
“Dev’z, may importante akong sasabihin sayo.”
Medyo naiilang talaga ako kase sobrang seryoso ng mukha nya.
“ano bang sasabihin mo?”
Tanong ko sa kanya, sabay pakita ng dimples ko. Lels. J
“pwede ba kitang mahalin?”
“0_0 hah? Eh diba mahal mo naman talaga ako, besplen kita.. dibadibs?”
“hindi yun.. gusto ko yung hinahawakan ko kamay mo, niyayakap ko, inaalagaan at hinahalikan.”
W-whaat?..ano ba nasa isip nitong si Keith? Nakahithit ba sya ng drugs?
Nakaamoy ng rugby? O nakainom ng muriatic acid? Weeeeh..
“teka keith…naguguluhan ako sayo. Ano ba ibig mong sabihin?” Sabi ko sa kanya. Ayaw pa kase ako diretsuhin.
“M-mahal kita Devonne. Matagal na.
pero hanggang besplen lang tingin mo saken kaya naglakas loob na ako na sabihin sayo to, baka kase mamaya umalis kana o lumayo kana samen.. saken!”
“eh teka! Di naman ako aalis eh at isa pa Keith marami pa akong pangarap sa buhay at alam mo yan kaya sana maintindihan mo.”
Hindi na kami nagkapaalaman ng maayos. Bumalik na ako sa duty ko at sya naman ay umalis na.
Pagkatapos ng duty ko, umuwi na rin ako sa bahay pero bago ako pumasok sa gate, may napansin akong magarang kotse.
Hindi naman to kina Keith kase wala pa silang kotse. Pagkapasok ko ng bahay, bigla na lang ako niyakap ng Ale.
“devonne, iha.. ikaw na ba yan?”
“s-sino po kayo?”
“ako ang tita Annie mo, kapatid ako ng mommy mo!!”
“h-hah? Eh nasan po sila?”
“w-wala.. wla na sila, labing walong taon na silang patay dahil sa car accident.”
Natigilan ako at medyo naiiyak na pero pinigilan ko bago pa man maunang tumulo ang uhog ko. XD
Kung ganun, sa kanila galing yung dugo na nakita nina lola saken? Ako lang nakaligtas sa aksidente.
“devonne, simula ngayon.. sa amin ka na titira ha. Don’t worry, you will be fine sa bahay. Tatlo lang naman kami sa bahay.”
“eh nako, pano po sina lolo at lola. Ok na po ako dito.”
“devonne, matagal ka naming hinanap kase ikaw ang tagapagmana ng kompanya ng pamilya naten.
You were the eldest grandchild of mom and dad kaya ikaw dapat yung nakaupo bilang president. Don’t worry, naipaliwanag na naming sa mga lolo at lola mo ang lahat.”
Mas lalo akong naguguluhan ngayon. Diba nga pangarap kong yumaman? Pero baket ganito ako ngayon..nalulungkot ako. Nawala na saken si Keith, pati ba naman sinaa lo at la?
“oh sige devonne, hahayaan ka muna naming mag-ayos ng gamit mo. By tomorrow, susunduin ka na naming ng tito mo.”
Nakatanga lang ako. Aalis na ako? Pano na sina lolo at lola? Pano na si besplen?
Kinabukasan, nakapagdecide na ako. Wag sana maging mali ang desisyon ko. Tatanggapin ko ang alok nila.
Pero kahit tanggapin ko yun, hinding-hindi ko makakalimutan sina lolo at lola.. pati si Keith.
{after 2 weeks}
Nangangapa pa rin ako sa pagpapatakbo ng kompanya. Palagi akong pinapagalitan nina tita at tito.
Akala ko mabait sila. Hindi pala. Pati yung anak nila si Zeus, ang sama ng ugali, may pagkamanyak pa.
Walang gabing hindi ko naisip sina lolo at lola, lalo na si Keith.
“what if mahal ko na pala sya?”