Short Stories

By BALASAD0R

4.7K 902 1.7K

A collection of One Short Stories... :) I'm a romance comedy writer, but here I try to write and explore diff... More

Author's Note
Your Tears Stole my Heart
The Day I Fall
Bluetooth
Red Dress
Unveiling the Innocent
Forever
The Test
A Life without You
Memento Mori
Red String
Alita
Chance
The Perfect date
I choose to love you (날 사랑하겠어)
The prize of loving you
Ang huling halinghing

24

141 16 91
By BALASAD0R


" I dare you to kiss the first man who enters that door," said the girl they called Kira.


"Deal!" the girl with the glasses quickly replied.


After a few minutes, a middle age man entered the café. He is a decent looking tall guy. Then, the girl with glasses stood up from her chair and walked towards the man. Without hesitation, she kissed the man. Of course the man was dumbfounded by her action, and after kissing the man, she just returned to her seat like nothing happened.


Seriously, what kind of stupid game was that? Pinaglalaruan nila ang mga taong walang kamalay-malay. Hindi naman sa may pinanghuhugutan o pinagdadaanan, pero ayaw ko sa mga ganiyang klase ng tao. No choice naman ako na manood at making sa kanila, ilang table lang kasi ang layo ng pwesto ko sa kanila. Bakit ba kasi hindi ako sinipot ng kaibigan kong si Jhay? Dapat ay magkikita kami dito sa café, pero dahil abala siya sa bago niyang nililigawan na si Yam, mag isa tuloy ako ngayon dito.


Ala una na ng hapon at hindi pa ako kumakain ng tanghalian kaya naisipan ko na dito na rin kumain. May mga pasta at sandwiches naman sa menu. Kung alam ko lang na mabibingi ako sa ingay ng mga babaeng ito na pinaglihi sa mega phone, hindi na lang sana ako dito umorder ng makakain. Daig ko pa ang nakikinig ng rally sa lakas ng boses nila. Para silang nalipasan ng gutom sa ingay.


Hindi naman ako sobrang suplado, sadyang hindi lang ako sanay sa marami at maiingay na tao. Hindi naman sa usisero o chismoso ako, sadyang hindi lang maiwasan na mapakinggan ko ang pinag uusapan ng mga babae sa kabilang lamesa.


"O ikaw naman Nick, I dare you na gawin mong boyfriend sa loob ng 24 hours ang unang lalaking lalapit sa counter," hamon ng babaeng tinatawag nilang Sammy.


"Grabe naman kayo, bakit ang hirap ng dare ninyo sa akin?" reklamo naman ng hinamon na babae na nag ngangalang Nick.


"Hindi mo ba kaya? Mamili ka, gagawin mo iyong dare, o tatawagan mo ang ex-boyfriend mo na si Jay-ar?" buwelta naman ng babaeng tinatawag nilang Kira.


"Gagawin ko na lang ang dare kaysa makipag usap muli sa ex ko," malungkot na tugon ni Nick.


Natatawa na lang ako sa mga kalokohan ng mga babaeng iyon. Akalain mo nga naman makikipag relasyon siya sa lalaking hindi niya kilala sa loob ng 24 hours. Mabuti sana kung mapapayag niya ang sino man sa ganoong kondisyon. Hindi ko alam kung kanino ako maaawa sa babae o doon sa walang kamalay-malay na lalaki na mabibiktima ng pustahan nila.


Ilang saglit pa lang ay...


"Number 26... order number 26, please proceed to the counter," Tawag ng babae sa counter.


Ayan na, sino kaya ang malas na tao na pupunta sa counter? Kahit ako ay hindi ko mapigilan ang mag abang sa taong lalapit sa counter. Hanggang sa ilang beses na inulit-ulit ng crew ng café ang order number ng customer. Bigla kong naalala na may order pala ako at pagtingin ko sa number ko...


"Shit! Sa akin pala ang order number na iyon! Patay ano na gagawin ko?" bigla akong kinabahan, nanlamig ang buo kong katawan.


Sinubukan kong maghintay ng ilang minuto pa baka sakaling may lumapit na ibang tao sa counter, pero wala talaga. Naawa na ako sa babaeng tawag ng tawag sa number ko halos mapaos na siya kakahanap sa akin. Kaya wala akong choice kung hindi magtungo sa counter.


"Miss, sa akin po ang order na iyan," nahihiya kong sinabi.


Halos maglaho na ang itim sa kaniyang mga mata at tumirik ang mga ito sa sobrang pag-irap niya, dahil na rin sa inis niya sa akin. Hindi naman nakapagtataka, napakalapit lang kasi ng kinauupuan ko sa counter pero pinatagal ko pa ang pagsigaw at pagtawag niya sa number ko.


"Excuse me, pwede ba kita makausap?" nakangiting tanong ni Nick.


"Regarding what?" tugon ko sa kaniya.


Syempre kunwari ay wala pa akong alam sa sasabihin niya. Medyo nag-English na rin ako para intimidating ang dating, baka sakaling umatras siya kapag nag-English ako.


"May ipapakiusap lang sana ako sa iyo kung pwede lang sana?" mahinahon niyang tanong.


Ngayon ko lang siya napagmasdan ng maigi dahil malapit siya sa akin. Sa totoo lang, may itsura naman pala siya. Actually, she looks exactly like my ex-girlfriend. Should I be happy or sad? Matagal ko nang gustong mag-move on sa kaniya at kung kailan naman na ok na ako at unti-unti na nakaka-recover mula sa break up namin, saka ko naman makikilala ang babaeng ito. Tunay na mapaglaro ang tadhana.


"Sorry, but I'm not interested," mabilis kong tugon.


Paalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang aking braso.


"Please, kailangan ko ang tulong mo. May pustahan kasi kami ng mga kaibigan ko at kung hindi ko magawa ang pinagagawa nila mapaparusahan ako," nangungusap ang kaniyang mga mata habang nagmamakaawa siya sa akin. Mababakas rin sa kaniyang mukha ang pag aalala.


I looked straight into her eyes and for some reason I felt something weird. Do I feel pity on her? I really can't tell, I just had the urge to help her.


"Ano ba kasi iyon?" tanong ko sa kaniya. Pero ang totoo ay alam ko na kung ano ang gusto niya ipagawa.


"Pwede ka bang magpanggap.... Pwede ka bang maging boyfriend ko sa loob ng 24 hours?" seryoso ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin habang nagtatanong.


"Are you fucking kidding me?" natatawang kong wika. "Do you want me to be your boyfriend, like a real boyfriend for 24 hours?" tanong ko sa kaniya.


"Ikaw tong nangloloko sa akin eh, ini- english mo lang naman iyong sinabi ko!" nakakunot ang noo niyang sagot. "Oo, kailangan mo maging totoong boyfriend ko sa loob ng 24 hours," paglilinaw niya.


"Let me get this straight, if I am going to be your boyfriend, what would be the scope of our relationship? Will that include dating, kissing, hugging or...." She interrupts me before I even finished my question.


"Hep... hold that thought Mister. Masyado ka naman advanced mag isip. Hindi pa nga natin alam ang pangalan ng isa't isa eh," nakanguso niyang sinabi kasabay ang pagpilantik ng kaniyang mga mata.


Fuck, ang cute niya kapag ganoon ang expression ng kaniyang mukha. I had a weak spot on girls with abnormality. I mean, iyong walang pakialam kung magmukha siyang retarded sa harap mo. Paano ba ako makakahindi eh nahuli na niya ang aking kiliti.


"I'm Aled and you are?" I tried to keep my composure as much as possible.


"Monique, but you can call me Nick," nakangiting niyang sagot. "Do we have a deal?" tanong pa niya.


"May ibang choice pa ba ako?" sagot ko naman.


"Then, let's seal the deal," pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.


Hinawakan ng dalawang kamay nya ang aking mukha at hinila papalapit sa kaniyang mukha kasabay nang pagsiniil ng halik sa aking mga labi!


What the hell?! Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang ginawa nya. Wala ito sa usapan nilang magka-kaibigan at sa tingin ko hindi rin ito parte ng kanilang pustahan. Ibang-iba ito sa inaasahan ko mula sa kaniya. Mapusok at mapang-akit ang kaniyang halik kaya hindi ko na nagawang pumalag pa. Tinaraydor na ako ng aking katawan na sa higit na lumayo ay lalo ko pa siyang hinawakan sa baywang para ilapit ang kaniyang katawan sa akin. Hindi na rin ako nagpakipot pa at sinuklian ko na rin ng mala-performance level kong halik ang kaniyang halik. Hanggang sa bahagya na niyang inilayo ang kaniyang mga labi sa akin...


"Magmula ngayon, akin ka na. Boyfriend na kita," malambing niyang bulong sa akin.


Naiwan akong tulala sa kaniyang sinabi. Matutuwa ba ako o maiinis? Hindi ito ang unang beses akong nahalikan ng babae pero pakiramdam ko ninakawan niya ako ng halik! Deym, I feel so violated! Mabuti sana kung magaling siyang humalik. Pabalik na sana siya sa kaniyang mga kaibigan ng bigla kong hinawakan ang kaniyang pulso at kinabig siya papalapit sa akin.


"Sa susunod kung hahalik ka gawin mo ng tama," after saying those words I sealed her lips with my lips giving her a soft and tender kiss.


I tried to be as gentle as possible, kissing her playfully but without much pressure. I wanted to tease her a little bit. So I gently brush my lips over her lips sending small electric waves along her nerves, leaving her dazed for a moment. I don't want to cause more scene, so I ended my kiss with a gentle peck on her lips and parted myself to her. Her eyes were still closed like she's asking for more. My mouth curved into a smile. I leaned closer to her ear and whispered...


"Magmula ngayon, akin ka na. Girlfriend na kita!"


Iniwan ko siyang nakatayo at tulala habang ako naman ay bumalik sa aking upuan para kumain. Ilang saglit lang ng mahimasmasan siya ay nagbalik na siya sa kaniyang mga kaibigan. Kitang-kita ang reaksyon ng mga ito sa nangyaring eksena sa aming dalawa. Walang tigil ang kantyawan at biruan ng kanilang grupo. Patapos na ako sa pagkain ng lumapit si Nick sa aking lamesa at umupo sa katapat na upuan.


"Boyfriend, ano plano mo?" nakangiting tanong niya.


"Bakit ako? Ikaw ang may idea nito kaya ikaw ang mag isip," pasuplado kong sagot.


"Kailangan nating magsama sa loob ng 24 hours."


"What?! Wala sa usapan ang magsasama tayo ng ganoong katagal. Ano gagawin natin ng ganoong katagal? Hindi ba tayo matutulog? Saan tayo matutulog? Kailangan magkasama talaga tayo?" sunod-sunod ang tanong ko sa kaniya.


"Para saan pa ang nating magkarelasyon tayo kung hindi naman tayo magkakasama? Isa pa bakit parang takang-taka ka? Pumayag ka sa kasunduan kanina hindi ba?"


"Oo, pero hindi ko inaasahan na buong 24 hours tayo magkakasama. Ang akala ko, kailangan mo lang ipakita sa mga kaibigan mo na napapayag mo ako na maging boyfriend mo," paliwang ko sa kaniya.


"Nakalimutan ko halika at ipapakilala kita sa kanila," parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko at masigla siyang tumayo at nihila ako papunta sa kaniyang mga kaibigan.


"Uy, teka dahan-dahan naman sa paghila, madadapa na ako," pakiusap ko sa kaniya. Hanggang makarating na kami sa kinaroroonan ng kaniyang mga kaibigan.


"Girls, meet my boyfriend..." bigla siyang napahinto at bumulong sa akin. "Ano nga pala ulit ang pangalan mo?"


"Tsk, Aled," irritableng kong sagot. Nakakainis naman hindi niya naalala ang pangalan ko!


"Si Aled, ang boyfriend ko," nakangiti at proud niya akong ipinakilala sa mga kaibigan niya. "Babe, meet mo si Naye, Sammy at Emann. Sila ang mga friends ko," pakilala niya sa akin.


"Babe na pala ang tawagan natin ngayon," nakangisi kong tugon. "Hi, nice to meet you all," pagbati ko sa kanilang lahat.


Malugod naman din silang bumati sa akin. Hindi maiwasan na magbulungan ang kaniyang mga kaibigan na may halong hagikhikan. Halatang tuwa-tuwa sila sa kanilang nasasaksihan. Bago pa man sila magsimula sa pag interrogate nila ay hinila na ako ni Nick...


"Saan tayo pupunta?" pagtataka kong tanong.


"Sisimulan na ba natin ang 24 hours romance o mas gusto mo mag-stay at makipag kwentuhan sa kanila?" nakangisi niyang tanong.


Kung sabagay, wala akong planong makipagdaldalan sa mga chismosang niyang kaibigan. Private na tao ako at hindi ako kumportable na ipinamimigay ang mga pribadong impormasyon sa mga taong hindi ko kilala.


"Wala ka bang ibang lakad o gagawin at mas pipiliin mong sumama sa akin?" tanong ko sa kaniya.


"Wala, ikaw may lakad ka bang iba?" seryoso niyang tanong.


Pagkakataon ko na ito para makaiwas sa kaniya. Pwede ko naman sabihin na may importanteng lakad ako nang sa ganyun ay hindi ko na kailangan sumama sa kaniya sa loob ng 24 hours. Magdadahilan na sana ako kaso...


"Wala naman, naka-off ako ngayon. Makikipag kita sana ako sa kaibigan ko pero hindi siya sumipot sa tagpuan namin," nagulat ako sa naisagot ko.


Hindi ko inaasahan na masasabi ko iyon. Iba ang nasa utak ko na dapat ay sasabihin ko pero tinaraydor ako ng puso ko. Kaasar! Biglang umaliwalas ang kaniyang mukha at mababakas ang saya sa kaniyang mga mata kasabay ang matamis na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, biglang bumilis ang tibok ng aking dibdib, nag init ang aking pisngi at nakaramdam ng pagkailang ng mapasin kong nakatitig siya sa aking mga mata. Hindi ko tuloy maiwasan ang umiwas ng tingin sa kaniya.


"Pahiram ng cellphone mo," pakiusap niya sabay kinuha niya ang cellphone mula sa aking kamay.


"Bakit? Gusto mo malaman ang number ko?" pabiro ko sa kaniya.


"Set ko lang ang alarm sa cellphone mo," nakangiti niyang sinabi. "Eskatong 24 hours, para malaman natin kung kalian ma-expired ang contract natin," dagdag pa niya.


Nakalimutan ko may expiry date pala ang pagiging magkasintahan naming dalawa. Bakit ba pakiramdam ko ay totoo ang lahat? I needed to be reminded that this is just a bet, a game, nothing more and nothing less. I should not take it seriously. Pero kahit na isa lamang itong laro, I wanted to make the best out of it. Gusto kong mag-enjoy sa loob ng bente kwatro oras. I want to make every seconds, minutes and hours count. Wala namang masamang mangarap na sa loob ng 24 hours ay maranasan ko ang magkaroon ng masayang alala sa temporary girlfriend ko hindi ba? And I bet iyon din ang gusto niyang mangyari.


We started to hang out. For the first two hours, we spend walking around the mall, as expected girls will be girls, she went around looking for clothes, accessories and shoes. Trying it all out and in the end she did not buy anything. She just asks for my opinion if the clothes suited her. With her nice physique, anything she wear looks good on her.


"Alin ang mas bagay, dress or pants?" tanong niya habang hawak niya sa magkabilang kamay ang damit.


"Mas bagay yata sa iyo ito," nakangiti kong sagot kasabay ang pag abot sa kaniya ng two-piece swimsuit.


"GAGO!" iritableng sagot niya. Pigil ang ngiti niyang tumalikod sa akin.


"Sorry na, akala ko lang makakalusot. Iyong dress na lang ang isukat mo."


Umupo lang ako sa waiting corner sa labas ng fitting room habang naghihintay sa kaniya na matapos magsukat ng dress. Mayamaya pa ay tinawag na niya ako para silipin ang damit na isinukat niya.


"Bagay ba sa akin?" mapang-akit niyang tanong.


Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita, sinukat niya ang two-pieced swimsuit na inabot ko sa kaniya. Pinilit kong ilayo ang mga mata ko sa kaniyang katawan pero kahit pumikit ay ayaw ako sundin ng aking mga mata. Traydor talaga ang aking katawan. Nagkuyom ang aking mga kamao sa gigil lalo na ng maramdaman ko ang pagkagising ng aking alaga.


Nakakainis, halatang pinagti-tripan ako ng babaeng ito. Kitang-kita ko sa expression ng kaniyang mukha ang ngiti ng tagumpay ng makita niya ang gulat at tulala kong mukha. halos hindi ako makasagot sa tanong niya sa sobrang pagtitig sa kaniyang alindog.


"Ano hindi ka na nakasagot sa diyan, bagay ba?" nakangisi niyang sinabi na may halong pagpilantik ng kaniyang mga mata.


"O-oo, b-bagay sa iyo," pautal kong sagot. Napatawa siya ng malakas na ikinairita ko naman. "Bilisan mo na diyan, ayoko matapos ang araw na wala kang gagawin kung hindi ang magsukat!"


"Suplado naman!" Sinara na niya ang pinto ng fitting room at mabilis na nagpalit ng damit.


Lumabas na kami ng mall at nagsimula nang maglakad sa park. Ngayon ko lang napansin na puno pala ng magkasintahan at taong nagda-date ang park. Karamihan ay nakaupo sa madilim na lugar at napapalibutan ng maraming puno, para nga naman hindi makita ang ginagawa nilang kababalaghan. Palibhasa hindi naman ako pumupunta ng park at wala rin naman akong dahilan para tumambay dito.


"Hindi mo ba hahawakan ang aking kamay?" tanong niya sa akin.


"Kailangan ba iyon?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.


"Wala ka man lang kalambing-lambing," nakanguso niyang sinabi.


"Hindi ako romantikong tao," pranka kong sagot.


"Hindi ka ba pwede maging malambing kahit ngayon lang?" pakiusap niya.


Tama siya, bakit ko ba kailangan ipagkait ang bagay na makakapagpaligaya sa kaniya? Dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang kamay at hinila palapit sa akin sabay inakbayan ko siya sa balikat at niyapos ng bahagya.


"Sorry naman, hindi lang ako sanay maglambing," mahinahon kong wika. "Saan ba gustong pumunta ng girlfriend ko? Honey? Love? Baby? Babes? Sweetheart?" biro ko pa.


"OA ka na ha," natatawang wika niya.


"Naglalambing lang naman ako," sagot ko sa kaniya sabay turo sa mga makasintahang nakaupo na naghaharutan at naghahalikan sa park. "Hindi ba natin sila gagayahin Mahal?" nakangiti kong tanong.


"Ay, sumusobra ka na! Hindi ganiyan ang ibig kong sabihin na lambing," natatawang sagot niya habang inilalayo niya ang sarili niya sa aking pagkaka-akbay. "FYI, conservative ako!"


"Conservative rin naman ako, pero ngayong araw na ito kakalimutan ko ang pagiging conservative ko at itotodo ko ang pagiging romantiko, pagbibigyan kita sa ninanais mo," pabiro kong sinabi. "Tara, doon tayo sa sulok kung saan madilim para walang istorbo," dagdag ko pa.



"GAGO! Manyak lang? Hindi ako nakikipag-PDA (Public display of affection)" hirit pa niya.


"Ako rin naman, tara doon na lang tayo sa bahay niyo," sabay tawa ko ng malakas.


We walked, chatted and laughed most of the time. I never thought hanging out with her would be so much fun. I really enjoyed spending time with her. There are no dull moments, sometimes we ran out of topics, so we just talked about whatever comes first in our minds and laugh over nothing. Weird huh? Until we got tired of walking and decided to sit down and relax.


"Have you ever been in a relationship before?" she asks seriously.


"Of course, where did that question came from? Bakit bigla ka naging curious?" I asked her back.


"Wala lang, kasi sabi mo hindi ka romantikong tao at hindi ka rin sanay maglambing. Kaya naisip ko baka hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend," paliwanag niya.


"Nagkaroon na ako ng girlfriend at sweet din ako dati, sobra-sobra pa nga eh," nahihiya kong sagot.


"Bakit ngayon hindi na?"


"Mahirap ipaliwanag at mahabang istorya."


"Try me!" giit niya.


"Huh? Iba naiisip ko, " pabiro ko.


"GAGO! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" inis niyang sagot.


Natatawa ako sa expression ng kaniyang mukha, alam ko naman ang ibig niyang sabihin ang sarap lang talaga niyang asarain.


"Paano ko ba ipapaliwanag sa paraan na maiintindihan mo? Hmmm... ganito kasi iyon, alam mo ba na kapag allegic ka ibig sabihin mahina ang immune system mo sa bagay kung saan ka allegic?" nakatingin ako ng seryoso sa kaniya habang sinusubukan magpaliwanag.


"Ibig mong sabihin allegic ka ngayon sa paglalambing?" naguguluhan niyang tanong.


"Sabi nila para daw tumibay ang immune system mo dapat daw i-expose mo ang sarili mo sa bagay na allegic ka. Halimbawa sa pagkain, kailangan mong sanayin ang sarili mo sarili mo sa pagkain noon para daw mawala ang allegy mo," paliwanag ko sa kaniya. "Para rin iyang relasyon, na-inlove ako pagkatapos nasaktan, na-trauma at natakot magmahal. Pero sinubukan ko ulit hanggang sa nasaktan ako ng paulit-ulit," natigilan ako saglit.


Bigla kong naisip bakit ko ba sinasabi sa kaniya ang mga bagay na pribado? Hindi na niya dapat malaman ang istorya ng buhay ko kasi pagkatapos ng 24 hours ay back to strangers na naman kaming dalawa.


"Tumibay ba ang immune system mo sa pain?" pag aalala niyang tanong.


"Oo, pero hindi sa inaasahan kong resulta. I got immune to the point I feel nothing at all. No pain, love, emotions nor feelings," then I saw her looked at me like I'm a total mess. "Please, don't look at me like that. I don't want to be treated like I have a fucked-up life. I'm fine by the way," I gave her a bitter smile.


Then, there was a total silence. Both of us just stared at the trees and stop talking. It was so awkward that we can't even look at each other. Finally, she decided to break the silence.


"I'm hungry, let's get something to eat!" She holds my hand and smiled at me so sweetly.


"Yeah, it's getting late. Saan mo gusto kumain? I'm actually craving for a homecooked meal," sabi ko sa kaniya.


"I have an idea, gusto mo ipagluto kita? Kung hindi mo naitatanong magaling yata ako magluto!" pagmamalaki niya.


"Weh, hindi nga? Aminin mo na gusto mo lang ako dalhin sa bahay mo," tukso ko sa kaniya.


"Siraulo! Huwag na nga!" mataray niyang sagot.


"Uy, ito naman nagbibiro lang ako. Halika na mamili na tayo ng ingredients, gusto ko matikman ang luto mo," paglalambing ko.


Pumunta kami sa pinakamalapit na palengke, buti na lang at hindi pa nagsasara iyong ibang tindahan doon at nakabili pa rin kami ng mga sahog na gagamtin naming sa pagluluto. Dumiretso na kami sa bahay niya pagkatapos naming mamili. Simple lang at maayos ang kaniyang tirahan. Wala doon ang magulang niya at nagtatrabaho sa ibang bansa kaya mag isa lang siya sa bahay. Pinaghintay niya ako sa living room habang siya naman ay nagtungo na sa kusina para magluto.


"Mahilig ka pala magbasa ng libro," sabi ko sa kaniya habang pinagmamasdan ko ang bookshelf na puno ng mga iba't ibang librong babasahin.


"Oo, mas gusto ko kasi ang magbasa kaysa gumala sa labas," sagot niya sakin habang patuloy ang pagluluto niya.


Ilang sandali pa ay natapos na rin siyang magluto, at tinawag na niya ako para kumain.


"Seafood!" Bigla akong nasabik ng makita ko ang pagkain na nakahain sa hapag. "Paborito ko iyan!"


"Ano pang tinatayo mo riyan? Kain na!" pag anyaya niya sakin.


Wala akong sinayang na sandali at umupo na ako kaagad para kumain. In-fairness, masarap ang pagkakaluto niya. Ayaw ko lang masyado ipahalata na nasasarapan ako at baka lumaki ang kaniyang ulo at magyabang siya ng todo-todo.


"Masarap ba?" tanong niya sakin.


"Sakto lang," mabilis kong sagot.


"Sakto lang? Sure ka?" tanong niya ulit sa akin.


"Oo, sakto lang," sagot ko ulit.


"Sakto lang pero naubos mo lahat ng luto ko," nakangisi niyang sinabi.


Bigla akong namula sa sinabi niya, maide-deny ko pa ba? Ako halos lahat ang kumain ng luto niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumawa.


Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko siyang maghugas ng plato. Inilapag ko ang relo at wallet ko sa lamesa para komportable ako sa paglilinis ng pinagkainan namin. Nang kukuhanin ko na ay biglang nahulog ang wallet ko sa sahig. Mabilis naman niya itong pinulot at nang iaabot na niya ito sa akin ay bigla siyang natigilan at napatitig sa nakabukas kong wallet. Hinihintay ko siyang magtanong at mag usisa pero wala akong narining na kahit ano mula sa kaniya. Tahimik lang niyang inabot sa akin ang wallet at sabay kami nagtungo sa living room para manood ng TV. Napansin ko na hindi siya mapalagay at panay ang tingin niya sa kaniyang cellphone.


"Kanina ka pa riyan patingin-tingin sa cellphone mo may hinihintay ka bang tawag?"


"Wala!"


"Bakit panay ang tingin mo?" pangungulit ko.


"Malapit na kasi matapos ang 24 hours," malungkot niyang sinabi.


"Pwede ba, huwag mo muna isipin iyan. Mahaba pa ang oras saka mo na problemahin iyan." Kinabig ko siya palapit sa akin at inakbayan sa balikat. "Ayaw mo ba matapos ang contract natin?" tukso ko sa kaniya.


"Hindi ah, sa katunayan naiinip na nga ako," natatawa niyang sinabi.


If I know, halata naman sa mukha niya na malungkot siya at malapit na matapos ang kontrata naming dalawa. Lumipas ang ilang oras nang aming panonood ng TV, hindi ko namalayan na nakatulog na pala kami. Tanghali na ng magising ako, kung sabagay inabot kami ng madaling araw sa panood. Nakasandal siya sa balikat ko at mahimbing pa ring natutulog. Ilang minuto ko ring pinagmasdan ang kaniyang kagandahan bago ako tumayo at magpasyang lumabas ng bahay.


One hour later...


"Saan ka galling bakit nawala kang bigla?" pag aalalang tanong ni Nick.


"Lumabas lang ako saglit, bakit miss mo na ako?" biro ko sa kaniya.


"GAGO! Saan ka nga galing?"


"Naghanap kasi ako ng bagay na ibibigay ko sa iyo," pagkatapos kong sabihin iyon ay inabot ko sa kaniya ang supot.


"Nag abala ka pa. Ano ito?" tanong niya. Binuksan niya ang supot at kinuha ang bookmark sa loob. "Bookmark?"


"Actually, bibilhan sana kita ng bulaklak. Kaso hindi ko kabisado ang lugar dito sa inyo, kaya naisipan ko na lang mamitas ng bulaklak sa hardin ng kabit bahay ninyo. Nang pabalik na ako dito nakakita ako ng bookstore, kaya naisipan ko ipa-laminate iyang bulaklak," nahihiya kong sinabi. "Hindi man nagtagal ang relasyon natin, at least ma-preserved ko man lamang iyong bulakak na bigay ko sa iyo. Gusto ko kasi maalala mo ako sa tuwing magbabasa ka ng libro," paliwanag ko sa kaniya. "Kahit man lang ang souviner ko sa iyo magkaroon nang forever!"


Wala siyang sinabi at nakatingin lang siya ng seryoso sa akin. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang niyang hinawakan ang aking mukha at siniil niya ng mariing halik ang aking mga labi. I did not hesitate and gave in so easily to her kiss. This time it was more intense, we kissed like there's no tomorrow or the World would end anytime soon. And for the longest time, I felt something again. An undescribed feeling, not just lust but a feeling of passion.


I've been longing for this kiss, my tongue asked for an entrance and as soon as she parted her lips, I immediately slipped my tongue inside her mouth and she slides her tongue against mine and wildly exploring each other's mouth. I can feel her tightening her embraced as our lips were locked and our kiss intensifies. I pulled her closer to me to deepen the kiss almost sucking the life out of her. I know I shouldn't give in to the temptation but for a minute I got lost in her kiss. I tried so hard to snap out of it, although the feeling is right but I know what we are doing is wrong.


Suddenly, we stopped. Catching our breaths, both in shocked, speechless and panting.


"Nag-toothbrush ka ba?" tanong ko sa kaniya.


"Ay, sorry naman hindi pa," nahihiya niyang tugon.


"Sinabi na eh," napapailing kong sinabi.


"Wait lang magtu-toothbrush lang ako," nagmadali siyang kumalas sa pagkayapap sa akin.


Bago pa kami tuluyang magkahiwalay, bigang tumunog ang alarm ng aming cellphone at nagkatitigan na lang kaming dalawa.


"Tapos na ang contract," pabulong kong sinabi sa kaniya.


"Oo nga, paano ba iyan? Good bye na?" malungkot niyang tanong.


"Hindi ka ba nagugutom? Nagugutom na ako, tara kain tayo sa labas," pag aanyaya ko sa kaniya. Pilit kong iniiba ang usapan. Pero bakas pa rin sa kaniyang mukha ang kalungkutan.


"Sige, mag aayos lang ako," malumanay niyang sagot.


End of Aled's POV:


Monique's POV:


Tahimik kaming pumunta sa café kung saan kami unang nagkakilala. Um-order siya ng makakain habang ako naman ay naghanap ng table at umupo habang naghihintay. Ilang sandali pa ay dumating na si Aled hawak ang tray ng pagkain. Gustuhin ko mang kumain ay parang wala akong ganang kumain. Pero dahil sayang naman at nakakahiya kay Aled, pinilit kong sumubo kahit kaunti lang para masabi na ginalaw ko ang pagkain na binili niya.


"Kung sakaling possible na ma-extend ang contract, may balak ka bang na i-extend ito?" curious kong tanong sa kanya.


"Wala," mabilis niyang tugon.


Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib, akala ko pa naman ay may nararamdaman siya na kahit kaunti sa akin.


"Dahil ba allergic ka sa pakikipagrelasyon? Dahil ba nakikita mo ang ex mo sa akin?"


Napansin ko ang larawan sa wallet niya kagabi. Walang duda na ex niya ang babaeng kaakbay niya sa larawan.


"Oo, aaminin ko kahawig mo nga siya. Pero kahit kelan hindi ko naisip na ikumpara siya sa iyo. Alam ko na magkaiba kayo sa umpisa pa lang na magkilala tayo," paglilinaw niya. "Ikaw ba, hindi ba kaya ka pumayag na makipagpustahan para kalimutan mo ang ex mo? Para lang akong tampoon na panakip butas mo!" dagdag pa niya.


Bigla kong naisip na tama siya, ginamit ko lang siya para iwasan at makalimutan ang ex ko. Pero noon iyon, iba na ngayon. Hindi ko alam paano sasabihin o ipapaliwanag sa kaniya, pero iba na ang nararamdaman ko mula ng makilala ko siya.


"Sorry, pero hindi ko sinadya at wala rin akong intensyon na makasakit. Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw mo ituloy ang...," bago ko pa matapos ang sinasabi ko bigla siyang nagsalita.


"Hindi," mabilis niyang sagot.


"E ano ang dahilan?"


"Dahil ayaw ko na magsimula ang relasyon natin sa pustahan. Ayaw ko nang relasyon na may expiry date at lalong ayaw ko na ang babae ang unang mag-initiate ng first move," seryosong niyang sagot. "Kung sakaling makikipag relasyon ako, gusto ko iyong hindi nagsimula sa lokohan o biruan, iyong ako ang manliligaw o magyaya sa babae at walang kontrata o expiry date. Old school akong tao, believe it or not but I still practice the traditional custom. I wanted to do it on my own terms and my way," paliwanag niya.


Hindi na ako nagtanong pa. Tama naman siya, pustahan lamang ang lahat. No strings attached. Bakit ba ako umasa na mauuwi sa totonahan ang temporary relationship namin? Ang buong akala ko naramdaman niya rin ang naramdaman ko sa kaniya. Nagkamali ako na isipin na may mutual understanding kaming dalawa. Hindi nagtagal ay nagpaalam na siya sa akin. Tumayo na siya sa kaniyang upuan at naiwan akong mag isa habang pinagmamasdan ko ang kaniyang likod na naglalakad palayo sa akin.


Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maluha, bakit ba ako nasasaktan? Hindi ko naman siya lubos na kilala. Nagsama lang naman kami sa loob ng bente kwatro oras pero bakit parang ang tagal ko na siyang kilala. Pinilit kong pawiin ang lungkot na aking nararamdaman at pinunasan ko ang luha sa aking mga mata ng biglang, isang pamilyar na baritong boses ang nagsalita at nagtanong sa akin...


"Miss, is this seat taken?"


"GAGO ka! Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kaniya.


"Public place ito, masama bang pumunta at tumambay dito?" natatawa niyang sagot.


"Akala ko ba allergic ka sa...," hindi ko na nagawang tapusin pa ang tanong ko.


"Nakita ko na kasi ang antihistamine ko," mabilis niyang sagot.


"Siraulo, ang korni mo last mo na iyan!" natatawa kong sinabi.


"By the way, I'm Aled, would you like to go out with me sometime?"


The End.


A/N: Please don't forget to vote and comment. Thanks 😈😈😈 

Continue Reading

You'll Also Like

37.4K 140 8
a collection of smutty one shots :) gay warning haha ENJOY! (cover page is tamen de gushi by tanjiu)
15.4K 170 42
A WOSO Oneshot book Oneshots of favourite Women's footballers Mainly the Lionesses, Arsenal Women's team,Chelsea Women's team, Man City Women's team...
12.4K 39 19
Warning ⚠️ SPG Paki vote nadin po thank you
Fate By v xxxiri v

Short Story

15.5K 1.1K 10
A story of a young boy Vishnu who lives along with his cold brothers in India, wishing to be taken care and loved by them