THE WRONG MR. RIGHT By RJ NU...

By arjaynuevas

34.9K 803 318

THE WRONG MR RIGHT By rj nuevas They say, looking for Mr Right is hard. But not for Welcome (the girl na ipin... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER TWENTY ONE

1K 27 9
By arjaynuevas

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER TWENTY ONE

Ayoko na sanang magpresumida; ayokong isipin na si Edge ang nagtext sa akin. Dahil napahiya na ako nung mag-presume akong si Ward ang nagtext sa akin na gustong manligaw, yun pala ang kapitbahay naming si Jerson.

            Pero sino ang magtetext sa akin nang ganito, just after akong ipagtanggol ni Edge? Just after naming mag-Starbucks? Just after niya akong ihatid dito sa bahay.

            Kakainis naman kasi si Edge. Manong inilagay niya ang pangalan niya. Masyado naman kasing mahilig magpa-mysterious effect.

            Itanong ko kaya kay Ward kung number iyon ni Edge? Waaah, para namang ipinaparamdam ko pa sa kanya na nagtext nga sa akin ang kakambal niya? At paano kung hindi pala iyon si Edge? Di napahiya lang ako. Saka iisipin niya na kung sinu-sino ang nagte-text sa akin nang gano’n.

            “What’s wrong?” si Ward yon.

            “Ha?”

            “Ang quiet mo. Sino’ng nagtext sa iyo?” tanong niya.

            “Wala. Wala. Si…si Ramil lang,” pag-iwas ko. At muli, nagfocus na lang ako kay Ward at sa pakikipag-interact niya sa family ko. Nagjo-joke siya at mabentang-mabenta iyon kay Nova at kay Mader. Okay talaga itong si Ward.

            Sino kaya talaga ang nagtext sa akin? Si Edge kaya talaga?

            Teka, teka, balik ulit kay Ward. Sa joke niya. At kita mo si Nova, kumapit pa sa kanya.

            “Mahilig ka pala sa bata,” sabi sa kanya ni Nanay.

            “Oho, tita, kasi wala akong kapatid na mas bata sa akin kaya sabik ako talaga sa mga bata,” paliwanag ni Ward.

            “Oo, nay. May kakambal siya. Si Edge.”

            “Talaga?” tanong ni Nanay. Na akala ko ay mapupunta na ang topic sa kakambal niya. Pero iba ang tinanong ni Nanay. “Saan ba kayo nakatira?”

            Sinagot naman siya ni Ward. Kung anu-ano na ang tinanong ni nanay, parang imbestigador. At lahat naman, sinasagot ni Ward.

            Pero ako, iba ang mga tanong sa isip ko. Si Edge kaya? Mahilig din kaya siya sa bata? Magkakasundo kaya sila ni Nova? At si Edge nga kaya talaga ang nag-text sa akin?

            Si Edge na naman?

            Focus, Welcome. Focus kay Ward.

            Kay Ward na unang kita mo pa lang, gusto mo na. Na ang tawag mo na ay ang iyong Mr Right.

* * * * *

            “I like your family, Welcome.” Si Ward yon. Nasa labas na kami. Inihahatid ko na siya dahil nagpaalam na siya sa nanay ko.

            “Masaya talaga ang family ko kahit mahirap lang kami,” sagot ko naman. “At in fairness sa iyo, ha? Tanggap ka ng Nanay ko.”

“Bakit naman takang-taka ka? Good boy naman ako e.”

“Ayaw pa kasi akong paligawan niyan. Gusto niya grumadweyt muna ako.”

“Pero mabait siya sa akin, o. Does that mean, puwede na kitang ligawan?”
            Bakit ba ang boys, ang hilig tanungin iyan? Ano ba ang isasagot mo? Kapag nagpakipot ka at nagsabing, hindi: manliligaw pa ba sila? Kapag naman sinagot mo ng, oo: di parang ine-encourage mo pa at lumalabas na parang sinagot mo na rin.

“Don’t answer that,” nakangiting sabi ni Ward. “Basta ako, I will court you. And I will prove to you that I’m a nice person and that I am good boyfriend-material.”

            Yun lang at tumalikod na siya. Pero lumingon pa at ngumiti at kumaway sa akin. Saka sumakay sa naghihintay na CRV (na wala kanina noong inihatid ako ni Edge).

            Hindi na kailangang sabihin sa akin ni Ward na he’s a good boyfriend-material. I know. Ano pa ba naman ang hahanapin mo sa tulad ni Ward?

            Pero tinext nga kaya ako ng kakambal niyang si Edge?

            Ano ba, Welcome?! Focus! Focus!!!

* * * * *

            “Mukhang disente yang si Ward,” sabi ni Nanay nang pagbalik ko sa loob ng bahay. Nagliligpit na siya ng pinagkainan.

            “Hindi lang mukha, Nay. Talagang disente yon. Mabait. Gentleman,” sagot ko naman. “Ako na diyan, Nay.”

            “Nanliligaw ba sa iyo?” tanong ulit niya habang pinapanood ako sa paghuhugas ng pinggan.

            “Sabi niya manliligaw siya,” sagot ko. “Sabi ko, ayaw mo pa akong paligawan.” Tumingin ako sa kanya para kapain kung ano ang totoong reaksyon niya.

            “Hindi ko naman mapipigilan kung may manligaw sa iyo. Maganda ka. Mana sa akin. Naks!” biro pa ni Nanay. Totoo namang maganda si Nanay. Mas maganda nga lang ako sa kanya hahaha! “Naisip kong mas maganda nang dito ka pinupuntahan kesa sa kung saan-saan ka nililigawan. Ang tatay mo noon, dinadayo ako sa bahay kahit malayo sa kanila. Gano’n din ang gusto ko. Ang lalaki, mahahalata mong disente, pag dinadalaw ang babae.”

            “So, payag ka nang ligawan ako ni Ward?”

            “Oo na. Pero ligaw lang ha! Hindi pa puwedeng sagutin,” pagdidiin pa niya.

            Sasagot pa sana ako pero tumalikod na siya. Masaya na rin ako. Pinayagan na akong maligawan e. Saka kung na-charm siya ni Ward ngayong gabi, I’m sure, lalo niyang magugustuhan ito kapag nakilala niya nang husto. I’m sure, papayag na rin siyang maging boyfriend ko ito eventually. I mean, ngayong fourth year. May deadline ako, no?

            Kapag si Edge kaya nanligaw sa akin, boto kaya si Mader?

            Poknat! Bakit ba laging sumisingit sa isip ko ang Edge na yon?

            Kay Ward ako! Ward! Ward! Ward!

* * * * *

            Bago ako matulog, tumunog ulit ang cellphone ko. Lumundag ang puso ko. And this time, hindi ko kinailangang manghula. Dahil si Ward ang nagtext sa akin.

                        WARD: Sweet dreams J

            Eeeeeeh! Nakakakilig palang makatanggap ng mga ganitong text.

            Siyempre, kailangan kong magtext back. Teka, ano ba ang sinasagot sa ganitong text? You too? Sweet dreams also? Think of me tonight?

Ang corny!

            Pero alangan namang thanks? Napaka-unromantic.

            Magtextback kaya ako ng: I love you?

            Naka, baka ma-turn off you. Baka isipin niyang masyado akong forward. Si Edge, galit sa babaeng forward e. Si Edge, siguradong mate-turn off pag gano’n.

            Si Edge nga kaya ang nagtext sa akin ng I like you?

            Ay, si Edge na naman, lekat!

            Balik kay Ward! Balik!

                        ME: You too. Sweet dreams J J J

            Yun na lang ang nai-text ko. Wala e. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Sensiya na, ngayon lang naligawan. Tinatlo ko naman ang smiley e. Tatlo for I love you. Magets kaya niya?

            That night, nanaginip ako. Hindi ko lang alam kung sino ang napanaginipan ko: kung si Ward ba o si Edge. Magkamukha sila, e.

* * * * *

            The following day, pagpasok ko pa lang sa school, sinalubong na ako ni Ramil. “Welcome, pinapatawag ka ni Miss Gonzales.”

            Si Miss Gonzales ang principal namin. Istrikto yon. Kinabahan tuloy ako. “Bakit daw?”

            “Hindi ko alam,” sagot naman ni Ramil.

            Kumakabog ang dibdib ko habang papunta ako sa Principal’s office. Pagpasok ko, tinanong agad ako ni Miss Gonzales.

            “Welcome, totoo bang binastos ka nina Dennis at Carlo yesterday?”

            Nagulat ako. “Paano n’yo nalaman, Ma’am?”

            “Sabi ni Mr Carballo.” At itinuro niya ang isang lalaking nakaupo sa chair sa tapat ng table niya. Hindi ko lang napansin dahil nakatalikod sa akin. Pero tumayo siya at humarap sa akin.

            Si Edge.

            Isinumbong ni Edge ang ginawang pambabastos sa akin nina Carlo at Dennis? Bakit?

            “I’m sorry, Carmela. I know ayaw mong ireport ang nangyari, but I can’t allow these creeps to get away with what they did,” pagpapaliwanag ni Edge.

            “I agree with him,” sabi ni Miss Gonzales. “Maling palampasin ang pambabastos nila. Mamimihasa sila. Next time, baka hindi lang gano’n ang gawin nila.”

            Wala na akong nasabi.

            Ipinatawag sina Carlo at Dennis. Pinagalitan. Pinag-sorry sa akin. At isinuspend for three days. Ang sama ng tingin sa akin nina Carlo at Dennis nang lumabas ang mga ito. Pero tumabi sa akin si Edge at tiningnan naman sila nang matalim din. Kaya parang susukut-sukot na lumabas ang mga ito.

            “Thank you for telling me the truth, Mr Carballo,” nakangiting sabi ni Miss Gonzales kay Edge.

            Ngumiti lang si Edge.

            Tumingin sa akin si Miss Gonzales. “Aren’t you going to thank your knight-in-shining armor, Welcome.”

            Hindi agad lumabas ang salita sa bibig ko. Pero pinilit kong ngumiti at halos pabulong akong nagpasalamat.       

            After that, lumabas na si Edge. Sinundan ko siya.

            “Bakit mo pa sila isinumbong?” tanong ko.

            “So this is the real thanks I’ll get,” naiiling na sabi niya sa akin.

            “Lalo akong pag-iinitan ng dalawang yon.”

            “Don’t worry, I’ll be here to protect yon,” nakangiti niyang sabi, sabay talikod na.

            “Edge!” pahabol ko.

            Tumigil siya. Lumingon.

            Hindi ko alam kung paano ko itatanong ang gusto kong itanong.

            “What?” tanong niya, a bit impatiently.

            “Ikaw ba yung…yung nagtext sa akin kagabi?” paglalakas-loob ko.

            Hindi siya sumagot. Tumingin lang sa akin. Ngumiti nang bahagya. Saka tumalikod.

            Lokong ito, ah! Nagpapa-mysterious talaga. Teka nga.

            Inilabas ko ang cellphone ko. Hinanap ko ang text sa akin last night na unregistered number. I pressed the call button.

            At tumunog ang cellphone ni Edge.

            Huminto siya sa paglakad. Lumingon sa akin.

            Ipinakita ko ang hawak kong cellphone, letting him know na ako ang tumatawag. Ngumiti ako. O, loko. Bistado ka.

            Ngumiti lang siya, kinuha ang cellphone at sinagot iyon without taking his eyes off me.

            Hindi ko naman makuhang sagutin ang cellphone ko. Dahil magmumukha akong tanga. Magkaharap lang kami sa hallway sa labas ng Principal’s Office. Saka gusto ko lang naman siyang ipahiya. Ako pala ang mapapahiya. Or at least, ako pala yung hindi malalaman kung ano ang gagawin. Samantalang siya, always confident of himself. Confident sa kung ano ang gagawin.

            He finished the call. Ibinulsa niya ang cellphone niya. “Now, you know,” seryosong sabi niya sa akin sabay talikod at lumakad palayo.

            Wala na akong nagawa kundi sundan na lang siya ng tingin. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam ang iisipin…o ang mararamdaman.

            Pero yung unlisted number, nilagyan ko na ng pangalan. EDGE.

            Pero baka may makabasa. Wala namang nagbabasa ng cellphone ko nang walang paalam pero baka…baka may biglang magbasa. Natakot ako. Paranoid lang?

            Tinanggal ko ang pangalang Edge.

            At pinalitan ko ng Mr. Wrong.

           

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 142K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
109K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
106K 3.7K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...