Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.1K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

20.

273 13 0
By Akatsuki_Haru

Wala naman kaming ginawa bukod sa walang katapusang pag uusap tungkol sa bagay bagay. Halata na hindi basta iisa lang ang alam ni Rosen. Halatang marami na siyang pinagdaanan sa buhay. Ayoko nang magtanong ng tungkol sa nakaraan niya dahil natatakot akong mag-iba ang tingin namin sa isa't isa. I'm sure sa lunch time, sabay kami. "Nagugutom ka na?" Tanong ko. Alam kong kailangan siyang busugin. Well, naalala ko na diet siya. Siguro ayaw niyang tumaba. He has a beautiful build of physical structure. Madalas meron niyan ang mahihirap pero iba pa din 'yung gwapo kaya mas napapansin.

"Hindi pa pero need na nating kumain."

"So, ayaw mong magutom?"

"Hindi naman sa ganun. Alam mo, naisip ko na iba ka talaga sa lahat. Maybe ganun din si Maico. Dapat sa inyo, sa restaurant ang breaktime. Bakit mas gusto niyo sa cafeteria?"

"Malakas kumain si Maico, ayaw niya sa restaurant."

"Meron naman sigurong restaurant na pwede ang matatakaw."

"Sa cafeteria na lang kung meron man. Walang pinag-iba 'yun."

Napaangat ang kilay niya. "Sabagay."

Napatingin ako sa kaniya. Kanina pa kami nasa loob ng office. Parang ito yata ang first time na hindi ako lumabas dito ng ilang oras. Kasi, wala na akong gagawin sa labas. Andito na ang gusto kong kasama. Kaso, baka maboring. Ngayon naisip kong hindi nagbago ang isip ko. Mas gusto ko siyang kasama kaya medyo natakot akong maboring siya. "Bakit mo ba tinanong? Napapansin mo pa ang ginagawa namin." Alam ko na ang isusunod ko pag sumagot siya.

"Wala lang. Masama bang magtanong. Nagtaka lang."

"Baka gusto mo lang kumain sa restaurant. Pagbibigyan kita." Naisip kong dalhin siya doon. 'Yung tipong hindi ko siya sasawayin, ano man ang gawin niya. At isa pa, kailangan din 'yun para mawili siyang sumama sa'kin.

"Payag ka?" Nagduda pa talaga.

"Kaya ayaw ko sa restaurant dahil mas masaya ako sa cafeteria. Ang iba naming kasama like Queenie and Ayie, minsan hindi sila sa cafeteria kumakain."

"Ayaw mong iwan si Maico?"

"Ayokong humiwalay sa kaniya pag kakain. Sila Daddy, pwede akong sumama sa kanila pero ayokong yayain na sumama sa'min si Maico dahil mapipilitan lang siya. Laki siya sa hirap kaya mas prefer siyang kumain kung saan siya komportable."

Nag-isip siya. "Kaya pala iba ka dahil ang kaibigan mo ay laki sa hirap."

"Hindi ako iba."

"Iba ka."

Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Kasalanan ko bang magustuhan ko siya? Hindi na ako nakipag talo pa. "Gusto mo na bang kumain? Isasama kita sa restaurant."

"Paano si Maico?"

"Bahala siya." Tumingin ako sa kaniya na medyo natatawa. Marami pa kasi siyang hindi alam sa'min ni Maico.

"Kanina sabi mo--"

Tumayo ako. "Lika na. Hindi na magrereklamo si Maico." Alam ko 'yun dahil kahit iwan ko siya't hindi sumabay sa kaniya, alam niyang may dahilan. Matagal nang dasal ni Maico na maging masaya ako para maging masaya din siya. Kaya kahit medyo weird ang gagawin ko, buong puso niya itong tatanggapin.

"Baka sisihin niya ako ah."

"Talagang sisisihin ka niya dahil wala siyang kasabay." Nakatayo ako pero nanatili siyang nakaupo.

"Sabagay, paki ko ba sa taong 'yun." Alam kong hindi talaga siya 'yung tipong walang pakialam sa iba. Naghahanap din lang siya ng happenings minsan. Alam kong close naman sila. Tumayo siya. "Libre ah." I nodded. "Akina ang bag mo."

Binigay ko ang bag ko. Lumabas kami ng room. Sasakay kami sana ng elevator, inawat niya ako. "Bakit ayaw mong mag elevator?" Tanong ko.

"Mas sanay kang maglakad 'di ba?"

"Nahihiya naman po ako sa'yo kaya pwede na sigurong mag elevator."

"Mas trip kong maglakad. Sanay din naman ako dahil janitor ako 'di ba? Gusto ko din na mapansin ako ng mga tao." Kulang ba siya sa pansin?

"Baka mapagod ka. Tapos magresign ka."

"Sarap na ng buhay ko, magreresign pa ako." Lumuwag ang paghinga ko. Naglakad kami. May driver ako kaya hindi na niya need magdrive. Dinala ko siya sa mamahaling restaurant. Sa labas pa lang ay nagtanong na siya. "Bukod sa paglalakad mo araw araw, ano pa ba ang ginagawa mong madalas gawin ng mga mabababa?"

Napakunot ang noo ko. Maybe ito na 'yung sinasabi niyang 'Iba ako' kasi napapansin niyang iba ako kumilos. "Wala na. Napaka-boring lang ng buhay ko."

Naglakad kami papasok. Umorder. Nakita ko naman na walang problema sa kaniya dahil hindi siya kumain ng marami. First time niya yata pero kahit wala siyang masyadong alam, pinakikibayan niya ang lugar. Maybe fast learner siya or pamilyar na sa kaniya ang ganito kahit wala siyang alam sa pagkain, tinuro lang niya ang inorder niya. Basic lang na makakapagpabusog sa kaniya. Hindi siya umorder ng hindi pamilyar sa mahihirap. "Wala kang hilig sa negosyo?" He suddenly asks me as we're eating.

"Hindi din. Walang challenge ang lahat sa'kin. Walang mawawala kahit malugi ako sa negosyo kaya walang thrill. Hindi na ako sumubok dahil marami namang binigay na ari-arian ang Daddy ko sa'kin tapos tanggap lang ako ng tanggap ng pera dahil maraming mapagkakatiwalaan' tao sa paligid ko." Naging seryoso ang reaksyon niya. Hindi ko alam pero parang may meaning ang pagkakatingin niya sa'kin. I'm almost perfect. Kaya ako lumalakad, kaya ako kumikilos ng simple.

Lumabas kami ng restaurant. Bumalik sa office. "Pati pala ako maboboring sa buhay mo." He said. Ano nga kaya kung makausap niya si Daddy? Magugustuhan kaya siya? Malamang oo dahil wala akong gusto na ayaw ni Daddy. Wala talagang thrill ang buhay ko. Ngayon lang dahil malaki ang binago ni Rosen sa buhay ko. Ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kailan.

"Gusto mo bang magsaya tayo?"

"Anong saya?"

"Wala. Kasi wala naman akong hilig sa happenings pero gusto ko ang adventure. Walang hilig si Maico sa adventure. Hindi pwedeng maghanap ako ng bagong kaibigan dahil mahal ko siya. Ngayong kanang kamay kita, pwede kitang makasama sa gusto kong gawin."

"Tulad ng ano?"

Ano nga ba? Kahit ano. "Gusto kong machallenge sa isang bagay."

"Wala akong hilig sa challenge dahil matagal ko nang kasama 'yan. Ganito na lang. Gawin natin ang mga bagay na hindi pa natin nagagawa o kaya kahit hindi mo nagagawa. Marami akong alam."

I am super excited. Hindi ko lang pala siya makakausap, makakasama at makakainuman, magkakaro'n din kami ng bonding moment. Hindi kaya may plano siyang masama sa'kin? Pwes hindi ako natatakot basta wala siyang planong patayin ako. "Kailan naman?"

"Kahit kailan."

May kumatok. Pumasok si Maico. "Hoy kayong dalawa. Hindi na kayo nagpunta sa office ko?" Tanong niya agad. Nalimutan ko na kasing makipagkwentuhan sa kaniya dahil kasama ko si Rosen.

"Istorbo ka. May pinag-uusapan kami." Sabi ni Rosen kaya pinadilatan siya ni Maico.

"Hoy kanang kamay!" Sa closeness nila, alam kong wala nang problema kay Rosen na ganiyanin siya ni Maico. Natawa lang ako. "Kailan pa naging istorbo sa kanang kamay ang isang tulad ko?"

"Ngayon." Sinabunutan siya ni Maico.

"Akala mo yata magbabago ako ng tingin sa'yo ah."

Inawat siya ni Rosen. "Ano ba? Si Rosen ako 'di ba? Ano ang nagbago doon?"

"Kaya 'wag kang mayabang."

Medyo hindi ako relate. Maybe dahil mataas ang kanang kamay ng isang daughter of CEO kaysa sa janitor. Timingin sa'kin si Maico. "Hindi pa ba tayo kakain?"

"Kumain na kami." Agaw ni Rosen.

Umiling si Maico pero alam kong wala sa kaniya 'yun as long as masaya ako. Lahat alam na niya sa'kin kaya walang ibang mararamdaman na lumalayo ako sa kaniya dahil parang magkapatid na kami. "Sabi ko na nga ba eh. SABI KO NA NGA BA!!" Wow, galit siya.

"Sinama ko lang siya sa restaurant. Pinagbigyan ko na." I said it calmly with a smile. Hindi kaya magkatampuhan naman kami?

"Bukas, kasama ka na namin."

Wala namang nangyaring importante sa pagdating ni Maico. Wala kaming madalas pag-usapang importante. And the first thing she wanna happen is my happiness. It's enough to make me smile while we are in argue with Rosen.

Lumipas ang ilang oras. "Maaga tayong uuwi." I said habang kasama ko si Rosen para tuparin ang pangako namin na pupunta kami sa office ni Maico.

"Uuwi na din ako?"

"Hindi ah. Kanang kamay nga kita 'di ba? Kailangang kung sa oras na matutulog na ako saka ka palang uuwi."

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 478K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
167K 4.2K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
40.8K 1.1K 84
"Wait the one who is destined for you, don't rush time, right time will come, with the right person and with the right use of love" -Maganda, Matalin...
25.4M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...