Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

12.

437 17 0
By Akatsuki_Haru

Nagising ako. Umupo saglit. 'Ikaw Rosen! Kung hindi dahil sa'yo...' Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko sana kagabi matapos kong bumaba sa kotse at sumilip sa driver's seat nang ihatid nila ako dahil inawat na ako ng sumalubong na kasambahay. Ang iba ay hindi ko na natandaan. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong sinabi na nakakahiya. Muntik lang. Teka! Naalala kong ngayon na pala magiging headman si Rosen. Walang nakakaalam kaya agad kong tinawagan ang supervisor.

Maya maya lang ay hawak ko na ang maliit na bag. Andiyan na pala si Jordan. "Hi, I'm very sorry, biglaan lang. Maybe next time natin gawin." Apologize ko sa kaniya. Hindi ko na nga inaasahan na susunduin niya ako.

"Sayang lang dahil hindi natuloy, ihahatid sana kita kagabi but you didn't accept my phone call."

"Ah oo!" Lumakad ako at sumakay sa kotse. Sumunod na siya. "Naiwan ko kakamadali." Ngumiti lang ako. Kung ano man ang sasabihin niya, tatanggapin ko na lang dahil mali talaga ang ginawa ko. But I have no regret for what happened. Kung magagalit siya, okay. Lilipas din naman. Pero hindi ko kayang palampasin ang pagkakataon na alam kong baka pagsisihan ko kung hindi ko ginawa.

After that, we give each other a smack. "Bye!" Hindi na siya pumasok sa office ko pero alam kong dadating ang araw na sasama siya sa loob. Ano pa ba ang dapat kong itago. Alam na din naman ni Rosen at wala akong paki kung malaman pa ng lahat. Medyo late ako. Hindi na ako nagmadali dahil wala namang naghihintay sa'kin. Napansin ko ang mga uniporme ng janitor sa second floor. Alam kong isa sa kanila si Rosen kaya nagmadali ako, hindi pa ako nakakalapit ay narinig ko na ang boses niya. "Kayo, magtrabaho kayo ng ayos ah. Nakakahiya kay Miss Ken. Nagtiwala sa'kin tapos tatamad tamad kayo!" Papalapit na ako ng papalapit. Ang yabang naman. "Gagawa tayo ng play." What? Sabay humarap siya. "Miss Ken! Andiyan ka na pala." Nagtawanan ang mga nasa paligid. Miski ang mga babaeng empleyado ay hindi na naiwasan na tumawa.

"Hoy, ano 'yang pinagsasasabi mo?" Tanong ko.

"Ako na ang headman 'di ba?"

"Hindi pa nga yata alam ng supervisor eh."

"Hindi na papalag sa'kin 'yun."

"Oo kasi tinawagan ko na!"

"Kaya pala." Nagtaka ang itsura ni Rosen sabay nagtawanan na naman ang lahat. Ano ba Rosen, nagiging komedyante ako sa'yo. "Okay ba 'yung narinig mo?"

Magsasalita na sana ako pero may sumingit na isang babaeng empleyado. "Ma'am, nakita ka niyang parating na kaya kunyari masipag siya." Nagtawanan ang lahat. Dinuro ni Rosen ang babae dahil binuking siya pero napansin ko na lang na nakangiti din pala ako. Umiling na lang ako.

"Sige na, see you around." Nagpaalam na ako at naglakad. Actually, ayoko na talagang umalis. Gusto kong maghapon siyang kausap pero hindi pwede. Pumasok ako sa sarili kong office, nakita ko pang nagwawalis ang sekretarya ko.

"Hi Miss Ken. Pumasok na si Rose."

"Alam ko." Umupo ako. Lumabas na siya pagtapos nun. Isang oras ang lumipas. May kumatok at pumasok.

"Ken..." Si Ayie. Lumapit siya. "Ihingi mo naman ako ng dispensa kay Rosen." Napailing ako at ngumiti. Akala ko talaga from yesterday, galit na siya kay Rosen. "Please, nakakahiya eh."

"Ikaw ang magsorry sa kaniya. Hindi pwedeng ako."

"Nakakahiya nga kasi eh."

"Bakit kasi hindi ka muna nagpaalam sa'kin kung may sasabihin ka sa kaniya. At sana, ako na lang muna ang tinignan mo bago mo siya awayin. Hindi ka na nahiya sa'kin eh."

"Siya ang nang-away kahit alam kong ako ang mali at isa pa, alam kong maiintindihan mo ako kaya malakas ang loob ko. Hindi ka naman bias sa mga kaibigan mo alam ko. But still I want to apologize."

"Ikaw na, ewan ko sa'yo. Sarap mong saksakin ng ballpen eh."

"Samahan mo ako." Oh well, not bad. Tumayo ako. Para makita ko na din siya. Sabay kaming sumakay ng elevator. Tamad maglakad 'yan si bakla. Hanggang sa nagtanong na kami.

"Where's Rosen?" I asked one of the janitors who's busy.

"Nasa Cr po."

Nagpunta kami doon. Napansin kong pinupunasan niya ang dingding ng Cr. "Rosen!" Lumingon siya. May upuan pa siyang tinatayuan para maabot ang nasa taas. Sinasabon niyang maigi ang dingding. "Hindi mo dapat ginagawa 'yan. Ikaw ang maglead sa mga janitor." I said then naramdaman kong nagtago sa likod ko si Ayie. Natatakot o nahihiya kay Rosen? Bumaba si Rosen sa upuan para harapin kami. Nagkalat ang sabon sa kamay niya.

"Okay lang. Matagal ko nang napapansin 'tong ding ding. Ang pangit tignan. Nagtatrabaho ang lahat."

"Okay lang kung sa kanila mo ipagawa 'yan. Para saan pa't na promote ka?"

"Hay naku. Wala akong tiwala sa mga 'yun. Ako na para sure." Napansin niya 'yung taong nagtatago sa likod ko. "Sino naman 'yan?" Hindi niya alam. One of the managers. But this time, takot sa isang janitor.

"Ayie, magsorry ka na." Sabi ko. Lumabas siya.

"Rose. Sorry."

Nagtaka si Rosen. "Nagsosorry ka? Imposible naman."

"Eto na nga eh."

"Kung 'yan ay pinag-utos lang, hindi ko tatanggapin."

Umapila ako. "Rosen, pinag-utos man o hindi, nagpapakumbaba siya."

"Oo nga, Rosen and as a matter of fact, kusang loob 'to." Sabi ni Ayie.

"Oo na." Dismayado ang itsura niya.

"Rosen, naramdaman kong mabait ka. Sorry. Pero kung galit ka sa'kin, sige. Aalis na ako. Tse!"

Inawat ko si Ayie. "Hoy ano ba?"

"Ikaw naman. Andali mong magtampo. Sa totoo lang, hindi ako galit sa'yo. Hindi ka namin naging topic pag-uwi namin at alam kong ako ang topic niyo, tama ba?"

"Hindi ah." Tanggi ni Ayie. "Okay, sige, aaminin kong napahanga mo ako. Iba ka sa lahat ng lalaki na nakaaway ko. Lalo na't hindi ko kilala. Kaya, pwede bang maging magkaibigan tayo. Hindi ako 'yung gay na iniisip ko. Matino ako."

Tumawa lang si Rosen. Nakikita kong okay na sila. "Libre mo ako ng lunch mamaya. Sabay sabay tayo." Mungkahi ni Rosen. Nice idea. Bumalik na kami.

Habang naglalakad kami. "Alam mo, ang bait ni Rosen. Masipag pa. Headman na pala siya. Hindi ako makapaniwala. Alam mo ba 'yung feeling ko, babaeng babae ako?" Nagpacute pa si Ayie kahit walang gwapong lalaki sa paligid. "Pinadama niya sa'kin na dapat akong mahalin ng gabing 'yun. Priceless."

"Tumigil ka. Kaya ko siya kaibigan dahil may naramdaman akong kakaiba. Sana naman nakiramdam kayo. Alam niyong hindi ako kukuha ng kaibigan na magpapahamak sa'kin."

"Oo nga eh. Hayaan mo, lagi namin siyang isasama sa lakad."

Umiling lang ako. Mukhang mapapasabak ako sa lakaran nila ngayon. Dumaan muna ako sa office ni Maico. May napansin akong tatlong babae na mag-aapply. Ang isa ay sa itsura pa lang, halatang kagalang galang na. Ang isa ang simple lang. At ang isa ay naka-earphone pa, nageenjoy sa mga pinapatugtog niya dahil medyo umiindak pa. Alam ko na kung sino sa tatlo ang hindi tatanggapin ni Maico.

"Okay.." Matapos tignan ni Maico ang tatlong babae ay tumingin siya sa'kin. "Ken, we need a secretary, mamaya na tayo mag-usap, saglit lang 'to." She said. Gusto ko siyang makausap eh.

"I'll wait."

"Okay."

Tumingin siya sa mga babae. Sinenyasan niya ang isa na lumapit. "Good morning." She greeted Maico confidently.

"Tell me about yourself."

"Hi Ma'am, my name si Luisa, you can also call me luis. I'm an energetic girl who can do a lot of things. Lot of experiences.." Inawat siya ni Maico sa pagsensyas ng kamay.

"Ano ang hobby mo?"

"Watching movies."

"Like what?"

"My favorite is Titanic."

"So, your favorite is Titanic?"

"Opo, Ma'am."

"Pwede mo bang sabihin sa'kin kung sino ang direktor ng Titanic?"

Hindi nakapag salita ang babae. "I'm sorry Ma'am, hindi ko po kilala."

"Okay, sabi mo energetic ka. Kaya mo bang mag-akyat baba kung sira ang elevator?"

"Kayang kaya."

"Bakit mo napili dito?"

"Nagsearch po ako at napag-alaman ko na maganda dito."

"Okay, I'll text you."

"Thanks, Ma'am."

Grabe naman si Maico. Sumenyas siya sa pangalawang babae. "Tell me about yourself."

Napansin kong ganun din ang tanong ni Maico. Itetext na lang din. May mga tanong si Maico na mahirap sagutin. Pangatlong babae. Naalala ko sa kaniya si Rosen.

"Hi Ma'am!!" Tinanggal niya ang earphone.

"Tell me about yourself."

"Ako po si Jamie. Masipag."

"Ang bata po pa. First time mo bang mag-apply?"

"Opo."

"Pa'no ka magiging masipag?"

"Masipag po ako sa gawaing bahay." Buhay na buhay ang delivery niya.

"Hobbies?"

"Watching Anime! Favorite ko po sila. Pero ngayon baka hindi na kasi magtatrabaho na ako."

"Sure kang makakapasa ka?"

"Hinanda ko lang po ang sarili ko."

"Ano pa?"

"Mahilig ako sa music..." Nagbanggit siya ng mga Korean artist na hindi namin kilala. "Kakabreak lang namin ng boyfriend ko kasi gusto kong magfocus sa work ngayon."

"Pwede naman sigurong pagsabayin 'yun."

"Nagagalit kasi siya pag busy ako eh. Minsan kasi hindi ako pinapayagan. Sana po tanggapin niyo na ako please!!"

Napatingin ako kay Maico. Seryoso siya. May binigay sa kaniyang papel. "Dalhin mo 'yan kay Mr. Silva. Sige makakalis ka na." Tumayo ang babae. "Wait, alam mo kung saan ka pupunta?"

"Ipagtatanong ko na lang po."

Ngumiti ako. Pero alam kong sa tatlo, ito ang tinanggap niya. Bakit kaya? "Hanapin mo siya sa first floor."

Umalis ang babae. Tinanong ko agad siya. "Bakit siya ang tinanggap mo?"

"Dahil totoo siya. 'Di tulad ng mga nauna, nagpapa-impress lang. Halatang sinungaling. At isa pa, halata na may extra effort, aalis nang hindi tinatanong kung saan matatagpuan si Sir. So, I know may mga bagay na madali para sa kaniya."

"Ang hirap kasi ng tanong mo."

"Doon kasi malalaman kung sinungaling sila o hindi. Ikaw, favorite mo ang Titanic pero hindi mo kilala ang direktor. Nagsisinungaling lang siya. Hindi katulad ni Anime Girl, kilala niya ang mga Korean singer. Totoo siya. 'Yun ang kailangan. At halatang wala siyang alam. 'Yung dalawa halatang nagpractice pa sa bahay ng interview. Masyadong aral. Pa'no kung pagdating sa trabaho wala na sila? Sa interview lang magaling!"

"Nagjudge ka kasi agad. But anyway, isa lang ang tatanggapin at 'yung anime girl ang nagustuhan ko."

"Ikaw din pala eh."

"Parang ang mas huhusgahan mo ang may gagawing tama."

"Ayoko kasi sa mahiyain eh. But anyway, lahat naman sila pwede eh. Kaso isa lang ang tatanggapin."

Matapos kong magkwento sa kaniya ng nangyari kay Ayie at Rosen kanina lang. Bumalik na ako sa office.

Continue Reading

You'll Also Like

99K 1.4K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
893K 7.8K 13
Asher experienced downfall when his first love died. He shut everyone out of his life. He became addicted to all his vices and he chase death just s...
21.4M 792K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...