Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

10.

518 16 0
By Akatsuki_Haru

Malapit na ako. Oo malapit na akong makarating. Kasama ko ang driver ko. Hanggang sa nakita ko na ang kotse ni Maico. "Tito, ayun sila. Pakitigil mo na po." Sabi ko sa driver ko.

Bumaba ako. "Iiwan na ba kita?" Tanong lang ng driver ko.

"Sige, sasabay ako kay Maico." Umalis na ang kotse.

Napansin ko na bumukas ang bintana ng kotse ni Maico tapos nasilip ko na nakahiga ang upuan sa driver's seat. Usapan kasi namin na hihintayin nila ako para sabay sabay na kaming makarating sa birthday. Iniwan ko na ang phone na ginagamit kong pangtawag kay Jordan. Matapos kong itext na hindi na kami tuloy ay umalis na ako. 'Di bali nang magalit siya. Gusto ko talagang sumama. Hindi ko kayang magmukmok kasama siya habang ang isip ko ay nasa birthday. Dahil gusto ko ding makita si Rosen. Gusto ko lang naman na linawin ang lahat. Baka ito na ang huli. Pero sa'min ni Jordan, marami pang pagkakataon. Malaki ang pagkakagusto niya sa'kin kaya I think he never breaks me even I won't be broken if it will happen.

"Ang tagal mo?" Sinilip ko agad si Rosen. Lumingon siya sa'kin. Totoo nga na siya si Rosen. Itinayo niya ang upuan. Sa unahan sila nakaupo. Pwes umupo ako sa likod but hindi ako sumandal para malapit ako sa kanila.

"Hi, Ken!" Napatingin ako kay Rosen. Nakangiti siya sa'kin. Napapatanong ako this time sa sarili ko. Alam ko na, wala na siyang balak pumasok kaya hindi na niya ako ginalang. Saglit na napatingin ako sa kaniya.

"Hayaan mo na nga lang, Ken." Reklamo ni Maico. "Sa'kin nga Maico lang ang tawag niya. Hindi naman daw oras ng trabaho."

Ano ba 'tong naiisip ko? Paranoid ako. It means may chance na pumasok pa siya. "A-alam ko! Oo nga. Hindi niya tayo dapat galangin." Sagot ko tapos binalik ko ang tingin ko kay Rosen. Binuksan niya ang makina at pinaandar na ang kotse. "Bakit ba kasi bigla kang nawala?"

"Hindi ako nawala. Sabi sa'kin ng supervisor na umuwi muna ako. Umuwi ako. Tapos huli na nang malaman kong binawi na pala ang parusa."

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? 'Wag kang aalis?"

"Nawalan na ako sa mood mag trabaho matapos nun. Pinanindigan ko lang 'yung suspension. Ayokong may masabi sa'kin 'yung mga magkakakampi na 'yun. At isa pa tinatamad akong magtrabaho."

"Sana kasi nag-iwan ka ng contact number." Napatingin ako kay Maico. Nangangamot siya sa noo. Parang nakakita ng kakatwang bagay. Oo, nakakahiya kay Maico dahil ang OA ko.

"Ken, umabsent lang ako ng dalawang araw. 'Yung iba nga, walang dahilan, tatlong araw pa, headman lang ang tropa niya ah. Tapos ako, Anak ng CEO? Aminado ako na tinanggap mo ako. Malay ko bang perdigana ang laban sa'yo." Pangalawang beses na niyang binanggit ang perdigana na 'yun. Hindi ko maintindihan pero lumuwag ang paghinga ko. "Sino naman ang pinalit mo kay yabang?"

"Kay Danilo?"

"Oo." Napatingin uli ako kay Maico.

"Hindi pa official eh. 'Yung partner mo muna. Alam ko na kung bakit siya ang pinili mo. Masipag siya."

"Ganun ba? Buti naman."

"Kailan ka papasok?"

"Bukas."

"Sige." Tumingin uli ako kay Maico. "Ikaw na lang muna ang headman nila kung gusto mo." Napangiti si Maico. Pinalo ko na lang siya sa balikat ng mahina.

"Sure ka, Ken?"

"Ayaw mo ba? O baka hindi mo kaya? Medyo napansin kong may leadership ka kasi."

"Kaya ko 'yun. Ako pa. Tropa ko ang lahat. Kahit kaibigan pa ni Danilo. Walang palag sa'kin." Pagyayabang pa niya. Ginawa ko talaga para sipagin siyang pumasok.

"Baka naman gumaya ka kay Danilo?"

"Hindi ah. Hindi ako kukuha ng tropa ko sa labas at ipapasok ko sa trabaho. Ayokong mapahiya."

"Judgmental!!" Napairap ako.

"Joke lang. Hindi hilig ng mga 'yun magtrabaho."

"Anong klaseng tropa ba meron ka?"

"May sarisarili na silang buhay. Ako na lang ang wala. Kaya napilitan akong mag-apply kahit ayoko."

Sumingit si Maico. "Hindi pa ba kayo tapos?" Napatingin uli ako sa kaniya. "Two days lang kayong hindi nagkita, wala kayong tigil sa pag-uusap. Don't you say na aalamin niyo pa ang lahat lahat sa nakaraan niyo. Saka na 'yan. Malapit na tayo."

Binalik ko ang tingin kay Rosen. Seryoso lang siya pero halatang maganda ang mood niya. Napansin kong magaling siyang mag-drive. Sports car ang dala namin pero hindi siya nanibago. Maybe hindi ito ang unang nagdrive siya. Nakarating kami sa venue. "Keeeeeeeeennn!" Sigaw agad ng birthday girl. Dumiretso kasi kami sa room niya. Malapit kasi kaming kaibigan. "Happy birthday to me. Hindi ko expected na pupunta ka! Sabi mo kasi hindi."

Marami kami sa kwarto niya. Hindi pa siya tapos ayusan. "Sarili ko na lang regalo ko. Wala akong pera eh." I said. Nagtawanan ang lahat. Minsan naisip kong masaya pala'ng maging mahirap. Dahil medyo totoo ang mga ganung dahilan. Tapos sasabihin ng may birthday. 'Walang silbe sa'kin ang pera o anong bagay. Ang mahalaga, ikaw.'

"Ken, alam mo. Hindi na importante sa'kin ang material things. Ikaw lang, umiiyak na ako sa tuwa." Sagot ni Queenie kaya lalong lumakas ang tawanan. Napansin ko si Rosen na nakangiti lang. Ito ang isang regalo sa'kin ng Diyos. Ang mga kaibigan ko na nagpapasya sa'kin. Walang away, walang inggitina, walang siraan.

After a short while ay umupo na kaming lahat. Sinimulan na ang party. Ewan ko ba. I'm so sick of being part of birthday parties pero ngayon, excited akong uminom. Katabi ko si Rosen dahil sinadya kong, siya ang pumili ng upuan ko. Habang nagsasalita sa unahan ay special mention pa ako. Hay naku. I'm so sick of that. But nakangiti ako syempre. At si Rosen. Kung sa unang pagkakataon mo lang siyang nakita ay pwedeng mapagkamalan na isa siya sa'min. At dahil na din sa'kin, hindi na iba ang tingin nila kay Rosen. Napansin kong hindi siya gaanong umiinom.

"Bakit nakakadalawa na akong baso ng alak, ikaw wala pang isa?" I asked him. Kasi nakakapanibago. Hindi siya halatang lasenggo dahil nakapolo siya unlike before.

"Baka may masabi pa akong sikreto." Kinabahan ako. Hindi kaya in love siya sa'kin? Kung in love man siya, sana 'wag na siyang umamin. Sabagay, mukhang alam naman niya kung saan siya lalagay. Hindi! Nakakaawa siya. Ako ang dahilan ng lahat. Naging mabait ako sa kaniya. Sana pag-nagkataon, hindi siya umalis sa trabaho.

"Saan ka ba nakatira." Busy ang lahat sa pag-uusap kaya chance na para kunin ang impormasyon sa kaniya.

"Bakit pa? Pupuntahan mo ako?"

"In case lang. Nasaan ba ang phone mo?"

"Hindi lahat ng tao may cellphone."

"Tinawagan mo daw si Maico."

"Nakitawag lang ako."

"Bukas din ibibili kita."

"Talaga?"

"Oo basta pumasok ka ah." Mali 'to. Bakit ba ako ganito. Pafall ba ako?

"Hindi ako mahilig sa phone eh. Ganito na lang, ibibigay ko 'yung number ng Nanay ko." Tumawa siya.

"Niloloko mo ba ako?"

"Hosya. 'Wag mo na akong ibili. Nakakahiya naman baka malaman ng boyfriend mo."

Paano niya nalaman? Sinabi ba ni Maico? "Paano nga kita macocontact?"

"Hindi na ako uulit. Pangako. Mula bukas, hindi na ako mawawala."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Parang isang taong nangangako na hindi ako iiwan. Panatag ako pag nasa paligid lang siya. Kahit kasama ko ang pinakaimportanteng tao na si Jordan. Hindi ako mapakali pag hindi ko alam kung babalik ba siya? "Huwag ka nang uminom ng marami. Driver ka namin."

Ngumiti lang siya. "Rose!!" Tawag ni bakla. Si Ayie. 'Yung baklang manager namin. "Walang waiter, busy lahat, pwede bang pakuha ng yelo? Need lang."

"Ikaw na!" Sagot ni Rosen.

Teka, baka mapikon si bakla. "Guys ako na. Malapit lang naman."

"Ako na nga!" Tumayo si Rosen.

Nag-alala ako. Parang hindi siya ang tipo na uutusan lang. Parang may ugali talaga siyang kakaiba sa lahat. "Ken, hayaan mo na lang siya. Lalaki naman siya." Sabat ni bakla.

'Oo janitor siya kaya niyo siya uutus utusan lang. Pero kung totoong tropa namin, hindi niyo kayang utusan ng ganiyan.' Hindi ko masabi kasi wala akong lakas ng loob. Bumalik na si Rosen na may dalang yelo. "Last na 'to ah. Wala tayo sa oras ng trabaho. Sa office, pwede niyo akong utusan, 'wag naman dito." Rosen said. That's what I'm thinkin.

Sagot kita Rosen kahit alam kong hindi sila dapat ginaganiyan dahil under ka nila. May katwiran ka. "Kanino namin iuutos? Pasalamat ka, gwapo ka." Nagtawanan lang sila. "Ang tagal kasi nung gwapong waiter."

Oo pinuri niya si Rosen pero kung hindi janitor ang tingin nila kay Rosen, hindi nila masasabi sa ganoong way. Hindi na kumibo si Rosen. Napansin ko si Maico na hindi naman nakitawa. Ganoon din naman si Maico pero kilala kasi ako ni Maico. Alam niyang kaibigan ang tingin ko kay Rosen at hindi kasama lang. "Hayaan mo na sila please." Bulong ko kay Rosen.

"Dahil sa'yo. Pero kung wala ka. Kanina pa ako nangatwiran diyan."

"Mabait naman sila eh."

"Alam ko. Pero iba ang level nila. Alam ko ang takbo ng isip nila. Kahit mabait sila sa'kin, hindi ko sila gusto."

"Basta, ako ang bahala sa'yo."

Tumagal ang sandali. Pansin kong iba nga ang pakikitungo nila kay Rosen. Pero alam kong magpapasensya lang siya. Hiniling ko sa kaniya 'yun. Alam ko kasi ang ibang lalaking umupo malapit sa'min ay ginagalang talaga nila. 'Di tulad kay Rosen, may please nga, iba naman ang tono nila. Mabait silang lahat. Pero hindi kasi si Rosen ang tipo na dapat mong maliitin. Tinanggap ko siya sa trabaho para maiba lang. Pero dahil hindi naman niya ako pinahiya, alam kong mabuting tao siya. Unang kita ko pa lang habang nag-uusap kami noon, kilala ko na siya.

Oras na para umuwi. Kahit hindi lasing si Rosen, alam kong may tama na siya dahil nakailang baso din naman siya. Ako, parang bitin pa. Ayoko pa kasing umuwi pero kailangan. Hindi dahil sa trabaho. Dahil hindi ko ugaling tumambay pa. Ngayon ko lang kasi naranasan na mabitin sa party. "Rose!" Lumapit si Bakla. "Ikaw pala ang driver nila." Tinuro niya kami ni Maico. "Babayaran kita, paki-hatid mo kami after mo silang ihatid." Mabait ang tono ni Ayie.

Ako na ang sumagot. "Ayie naman. Huwag na lang siya." Alam kong magkakaproblema.

"Bakit ba panay ako?" Medyo inis na tanong ni Rosen. Kinurot ko siya.

"Sorry po. Nagbabaka sakali lang." Ayie apologized.

Tinignan lang siya ng masama ni Rosen. "Tingin mo yata sa'kin mukhang pera ano?" Oh my. Hinila ko si Rosen.

"Ayie, mauuna na kami." Sabi ko lang para matapos na.

"Yabang naman. Tse! Akala mo kung sino ka." Sabi ni Ayie. Napikon na. Nakainom na kasi sila. Hindi ko masisi.

"Kung lalaki ka lang, kanina pa kita sinapak!" What the hell did Rosen say? Pinandilatan ko siya.

"Lalaki ako!! Ano?!"

"Lalaki ka? Babae ang tingin ko sa'yo dahil kung lalaki ka, hindi mo ako uutus-utusan. Hindi ugali ng lalaki 'yun sa kapwa lalaki. Maliban na lang kung masama ang ugali o arogante!"

"Rosen! Tama na!" Awat ko.

"Bakit ba ang yabang mo? Akala mo hindi kita uurungan? Arogante ako?" Sabi ni Ayie. Hindi talaga siya ganiyan, lasing lang. The best 'yan si Ayie. Kung iba ang kaaway niya, baka tulungan namin siya.

"Hindi na. Baka hindi ka pa nakakalapit, bumulagta ka na." Hindi din nag papaawat si Rosen.

"Tama na nga 'yan." Sabi ni Maico at iniwan na namin sila. Hinila niya si Rosen.

Masama lang ang tingin ni Ayie kay Rosen. Kita ko habang naglalakad kami. "YABANG!!" Habol pa niya. Umalis na kami. Ngayon nasa daanan na kami. Badtrip si Rosen alam ko.

"Pagpasensyahan mo na ah." Maico said. Ganun na naman ang pwesto namin.

Naisip ko lang 'yung sinabi ni Rosen na babae ang tingin niya kay Ayie. Pwedeng hindi niya ito patulan pero may nasabi siyang dahilan. Babae nga naman ang isip ng bakla kahit lalaki sila. Hindi nga dapat sila sinasaktan ng lalaki physically. Hindi porke may katawan silang kasing lakas ng lalaki, may damdamin silang damdamin ng isang lalaki. Bakit ba 'pag si Rosen ang nagsalita, maraming meaning para sa'kin?

"Ano pa nga ba? Nabigla lang ako. Sorry." Sabi ni Rosen, umaandar na kami. Ni hindi namin sinabi sa kaniya kung saan kami pupunta.

Continue Reading

You'll Also Like

357K 18.4K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
98.8K 1.4K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1.5K 187 16
Awit Series #3 Ang highschool crush ni Adel ay muling nag balik upang guluhin ang nananahimik niyang buhay. May pag asa pa rin ba si Raiden sa pusong...