Expect The Unexpected

Por Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... Más

Start
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

9.

534 15 4
Por Akatsuki_Haru

Dalawang araw nang wala si Rosen. Wala siyang contact number, address o whatever na dahilan para tanungin ko siya. Medyo nagtaka lang ako. Babalik pa kaya siya? Nasanay na akong may kinakausap na empleyado dahil sa kanya. Hindi ko magawang hindi kausapin ang iba dahil sa kanya. Ngayon, kada lalabas ako galing sa office hindi ko magawang kausapin ni isa man sa mga bumabati sa'kin? Bakit ba ikaw Rosen ang nagpabago kahit dalawang buwan lang ng araw araw na routine ko? Maybe, ang mga katulad mo kasi ang hinuhusgahan agad kaya nang nagkaroon ka ng chance dahil sa'kin, nagbago sandali ang paligid ko. Siguro hindi ka nag-iisa sa mundo. Marami kayong hinuhusgahan kaya pare-pareho lang ang nakakasalamuha ko araw araw.

Magalang, mabait, masipag at matalino. Nasanay na ako sa mga taong ganun. Hindi ko alam na meron pa palang tao na nahahanay sa mababang uri na ituturing akong kapantay niya lang. Lahat ng tao natatakot sa'kin bukod sa'yo Rosen. Sana naman makausap kita para malaman ko kung babalik ka o hindi. Miski si Jordan na kalevel ko, sinasamba ako dahil sa taglay ko. Nakakasawa din pala.

May kumatok.

"Ma'am, birthday ngayon ni Miss Queenie. Imbitado ang lahat. Sasama ka?" Tanong ng secretary ko.

"Hindi ako makakasama."

"Pero sasama daw si Miss Maico."

"Hindi ako pwede. I have a commitment with my boyfriend. Saka na 'yang mga ganiyan."

"Okay, Ma'am. Sasabihin ko na lang." Aalis na sana siya pero. "Ma'am bakit po hindi ko nakikita si Rose?"

"Rose?" Saglit akong nag-isip. "Rosen? Si Rosen ba?"

"O-opo, Ma'am?"

"Magkakilala pala kayo?"

"Binabati niya ako lagi."

"Bakit Rose ang tawag mo sa kaniya? Lalaki siya, napakahalay."

"Kasi, sanay ang mga kasama kong tawagin siyang Rose."

"Buti hindi nagagalit si Rosen?"

"Ewan Ma'am. Akala ko nga Rose din ang tawag mo sa kaniya."

"No, hindi! Teka, hindi siya pumapasok." Oo nga pala. "Paki tanong sa mga janitor kung may contact number sila ni Rosen. Tapos ibigay mo sa'kin, kahit address o ano para makausap ko 'yung taong 'yun."

"Pinagtanong ko na po."

"Ano ang nangyari?"

"Waley Ma'am eh."

"Ganun ba?"

"Alis na po ako."

"Okay, ipapatawag na lang kita." Umalis na siya. Hindi ko akalain na miski ang sekretarya ko hinahanap siya. Hindi ko din inakala na magkakilala pala sila.

Wala akong time umattend ng party ngayon. May date kami ni Jordan mamayang gabi. Actually matagal ko nang alam 'yung birthday kaso walang confirmation pa kung sasama ako. So, nalimutan ko, ngayon nga pala 'yun. Si Maico, sure akong aattend siya dahil tropa sila. Tropa ko din naman si Queen. Kaso, may boyfriend na ako na kailangan kong unahin.

Dumating ang hapon. Lumabas ako ng office. Tumingin sa paligid. Tumingin sa lahat ng janitor, pero wala talaga si Rosen. Sakto tumawag si Jordan. Habang lumalakad ako at binabati ng mga empleyado ay kausap ko siya. "I have a surprise date to you." He said. Alam kong hindi niya ako planong dalhin sa labas. Humiling kasi ako na gawin namin ang date, privately. Pwede na siguro kahit sa kwarto niya.

"Ikaw talaga. 'Wag ka nang mag-abala. Hindi na importante sa'kin ang mga kandila, o ano-anong props. Napanood ko na 'yan. Make it simple."

"You don't want a romantic date?"

"Hindi naman sa ganun." Panay parin ang bati sa'kin sa paligid pero hindi naman distracted. "Whatever it is. For me, a simple date is enough to say romantic. We loved each other and soon, magiging asawa na kita 'di ba? Hindi mo na kailangang manligaw pa o mag effort."

"Kailangang kahit sa akin ka na, araw araw parin kitang liligawan."

"Gawin mo kapag asawa na kita. Baka isipin kong nagpapakitang tao ka lang." Ewan ko ba. Hindi dapat pero bakit ba binabara ko siya. Dapat kinikilig na ako. Siguro hindi na naman maganda ang mood ko. "We'll just talk later, honey. Kahit ano pa 'yang nakahanda sa kwarto mo, masaya ako."

"Thanks baby." Huminga ako ng malalim at binaba ang phone. Nagpunta ako sa office ni Daddy.

May kausap siyang tao. Halatang bagong business partner niya. "Hi." Bati agad ni Daddy ng makita ako. "I want you to meet Mr. De Rocca."

As usual, nakipag kamay ako. Marami naman akong nakikilalang mga kaibigan ni Daddy. "Oh nice to meet you. Talaga palang amazing ka." Sabi ko na nga ba. Laging ganyan ang sinasabi ng mga businessman na kakilala ni Daddy everytime na makikita ako. So, I just smiled as like as I always do.

Umupo lang ako sa isa pang mesa. Tambayan ko 'yun pag nasa office ako ni Daddy and then, kwentuhan kami. But now, maghihintay ako dahil may kausap siya. "Mr. De Rocca. Sana pumayag ka. Kung pagkakatiwalaan mo ako, hindi kita bibiguin." My Daddy said. Mukhang si Daddy ang nanliligaw ngayon ah.

"Well, hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo. Masyado lang kasing mabusisi ang negosyo na 'yan. Kung okay lang sana ang Anak kong lalaki, walang magiging problema. Kaso, busy din 'yun." Huminga siya ng malalim. Karamihan sa mga lalaking katulad ko ang buhay ay walang ginawa kundi mag-saya lang. Hindi ko naman nilalahat pero mukhang ganoon ang Anak ni Mr. De Rocca. Maigi din 'yung ganito, nakakarinig ako ng seryosong usapan. Nalilimutan ko ang mood ko. "Kung may Anak lang akong babae, sinasabi ko sa'yo, hindi sana mangyayari ito. Iba parin talaga kapag babae ang Anak." Nakangiti lang si Daddy habang enjoy na nagsasalita si Mr. De Rocca. "Pinagsisihan ko man, huli na ang lahat."

"Alam mo.." Hinawakan pa siya ni Daddy sa balikat. "Hindi natin pwedeng sisihin ang sarili natin kung ang magiging Anak man natin ay walang hilig sa business. Hindi mo kasalanan 'yun."

Wala din naman akong hilig sa totoo lang. Naging masunurin lang ako. Hindi ako pressure dahil ayaw ni Daddy. Siya ang lahat ng nag-aasikaso ng businesses namin. Maybe malapit na akong magtrabaho nang seryoso. "Tama ka din naman." Tumingin sa ibaba saglit si Mr. De Rocca. "Pa'no, mauuna na ako. Dinaanan lang kita." Maybe galing siyang ibang bansa. Usually, dumadaan sa office ni Daddy ang mga taong malapit sa kaniya kung kabababa lang ng eroplano.

Umalis na siya. Kami na lang naiwan ni Daddy. "Kamusta ang maghapon, Anak?" Bungad niya.

"Medyo tinamad lang Dad kaya andito ako."

"Ganiyan talaga pag nagkakaboyfriend. Gusto nang umuwi agad." Siguro nga. "Busy si Jordan eh. Siguro naman naiintindihan mo 'yun. You've prepared for that I know. Na makapang-asawa ng businessman."

"Yah! But maybe, hindi naman ako maiinip, Dad. Ewan lang, bakit ganito ako? Baka umuwi ako ng maaga."

Nagkwentuhan pa kami at eto na ako ngayon. Nag-iisa sa kwarto. Wala akong makakasama dahil busy si Maico. May aattenan pang party mamaya tapos may date kami ni Jordan. Walang pagbabago sa buhay ko. Ewan ko ba. Hinawakan ko ang batok ko. Nananakit ito. Siguro kakahanap kay Rosen kanina. Hindi ako pwedeng uminom ng alak ngayon. Naghihintay lang ako ng oras. Matapos kong makausap si Jordan, dahil nakaready na pala ang romantic date namin. Tumawag si Maico. Hindi ako excited. Hindi ko alam kung bakit. "Hello Ken, wala ka bang birthday wish man lang kay Queenie, regalo o anong ipapaabot ko."

"Hay naku. Pag nagkita na kami. Baka masabunutan ko lang siya!" Medyo kalog kasi si Queenie kaya medyo awkward ang turingan namin.

"Bakit ba ibang iba ka ngayon ha?"

"I think may nagawa akong mali eh. Hindi ko alam. Nung isang araw pa ako ganito."

"Di ba kasama mo si boyfriend kahapon?"

"Mamaya may date kami sa mismong bahay niya. Sana lang mawala 'tong pangit kong mood."

"Oh sige, pinakamusta ka lang sa'kin ni Mark!" Nagulat ako.

"Rosen?"

"Oo! Bakit?"

"Nakausap mo siya?"

"Bakit ba gulat na gulat ka? Tinawagan niya ako para kamustahin tayo. Kasama ko siya ngayon. Driver ko siya. Nagyayaya mag-inom eh kaya sinama ko na. Para may driver na rin."

"Kailan mo pa nagustuhan magkaroon ng driver?"

"Ngayon! He's nice naman. Kilala naman siya ng ibang aattend. Lalo na ni bakla."

"Ga-ganun ba?" Parang gusto kong sumama. "Hindi pa ba ako huli kung sasama ako?"

"Hello, may date ka 'di ba?"

"It will be cancelled if I really want. You know me well. Gusto kong mag-inom talaga. Wala talaga akong mood." Siguro naman hindi ako hihiwalayan ni Jordan kung icancel ko ang date.

Seguir leyendo

También te gustarán

6M 235K 64
A battle between love and service.
233K 2.5K 97
Connected dust turned to painful letters. Painful letters that can kill you, your whole being. Painful letters written by a broken and enfeebled girl...
18.2K 753 61
I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mundo. Bakit? I have everything. Mabait na...
362K 18.5K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...