Expect The Unexpected

By Akatsuki_Haru

18.2K 753 39

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mun... More

Start
Prologue
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57
58.
Epilogue

1.

983 21 4
By Akatsuki_Haru

I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mundo. Bakit? I have everything. Mabait na Mommy at Daddy, mababait na kaibigan, mabait din ako sa lahat, safe ako all the time dahil mayaman man ako, walang kaaway ang Pamilya ko. Nasa akin na ang lahat. I'm the apple of the eyes of our Clan, I was even the girl who's men need valuably the girl of every man. I am the future. I have a brain, inteligently see the future. That's why I have a sorrow in my eyes. Nasa akin na ang lahat pero may kulang pa. Bakit hindi ako masaya? My Mom was told me. "Don't judge every person you'll encounter. Hindi mo kasi minsan alam na pinapalampas mo ang bawat taong may chance na pasayahin ka." Sinabi niya sa'kin 'yan ng minsan na nakita niya akong malungkot. Well, everyday naman akong ngumingiti pero syempre dahil magulang ko siya, alam kong alam niya na may kulang pa sa buhay ko. Pati si Daddy alam 'yan kaya walang limit pagdating sa'kin. I'm only 25 para magkaproblema sa love life at I'm a lady enough para pag bawalan pa sa gusto ko o gugustuhin ko. Dahil mukhang desperado na si Daddy, may sinabi siya sa'kin na hindi ko inaasahan. "Kahit mahirap lang siya. Basta masaya ka sa kaniya. Congratulations. You stabbed your lonely life and face your fulfilled wishes that has been arrived." Tinandaan kong lahat ang mga sinabi nila. Mahal nila ako, alam ko 'yun.

I just face my future. I don't know what will happen ten years from now. I won't expect for the better but I would. Umaasa ako na may magandang mangyayari, 'yung ayon sa gusto ko. Kaya kung three years from now ay pumili ako sa mga manliligaw ko, magkakapamilya ako at sasaya. I knew but it hurts me 'cause I don't want it to happen. I would've competed as I want to.

Ngayon panay ang bati sa'kin ng mga empleyado. Hindi ako suplada kaya I greeted back. Ayoko ng elevator dahil mahilig ako sa adventure. Sanay na ang mga tao na makita ako sa paligid. I am the one of the board of directors of this company. May mga empleyado na nahihiyang batiin ako pero monitor ko kung sino ang masipag o hindi kaya I don't judge them. May nagrereport naman. Kung kinakailangang maging mabait ako sa alam kong masipag ay ginagawa ko, 'wag lang kaming mawalan ng taong pagkakatiwalaan. May nasalubong akong tao na halatang mag-aapply.

May dala kasi siyang envelope. "Ma'am, pwede pong magtanong, saan po dito 'yung applyan?"

Nginitian ko siya. "Sa fourth floor. Sumakay ka ng elevator, hanapin mo si Maico." So, mas mauuna pa siyang puntahan si Maico. Maglalakad lang kasi ako. Actually, sinanay ko ang sarili kong maglakad para nae-exercize ako. Mas sanay pa ako kaysa sa mga regular dito kahit ako ang anak ng CEO. Si Maico ang pinaka malapit kong kaibigan. Nang makarating ako sa taas ay nakita kong pauwi na ang lalaking nag apply. Gusto ko siyang kamustahin dahil mukha siyang mapagkakatiwalaan. Gusto ko siya sa makatuwid.

"Maico, anong nangyari sa nag-apply?" I asked her.

"Paano mo nalaman na meron?"

"Napagtanungan ako eh. Mukhang mapagkakatiwalaan pa naman. Tinuro kita."

"Hindi ko siya tinanggap!"

"Bakit?"

"Six years walang trabaho, walang working experience sa mga company o pabrika, baka mamaya pekeng diploma ang ipasa niya. Alam mo naman na I want a complete and perfect applicant."

Miski ang kompanyang ito ay judgmental. Hindi ko sila masisi dahil kailangang salain ang mga applier dito. Mahirap nang pumalpak. Mas maiging maraming reserba kaysa nga naman hindi magawang tanggalin ang empleyadong palpak dahil kulang sa tauhan. Well, I understand Maico. Pero ano ba talaga ang kailangan namin dito, Loader na walang pinag-iba sa kargador sa palengke?

Araw araw ganito. Araw araw may manliligaw. Araw araw naglalakad ako. Araw araw ngumingiti. Araw araw natutulog nang nagbabasa. Minsan naisip ko, kaya ako ganito ay dahil nagbabasa ako ng Fiction. Fiction na apektado ako dahil gusto kong magkatotoo. Si Maico ay walang hilig magbasa ng libro. Mas gusto niya ang Magazines. Kaya siguro masaya siya. Ako? Masaya din naman pero may kulang pa. Umiinom ako ng alak mag-isa dito sa kwarto ko. Natuto na akong umiinom hindi dahil sa gusto ko ang lasa ng alak. Dahil masarap sa pakiramdam pag oras na ng tulog. Masarap matulog.

Days had passed.. One time nakasalubong ko si Daddy. "Oh Ken, may gagawin ka ba?" Niyakap at nagbeso siya sa'kin.

"Wala naman. Bakit, Dad?"

"Make it different or unlikely one. Mag hire ka ng applicants. May tatlo sa office ni Maico. Pakipuntahan mo muna. I'm very sorry to say this kahit alam kong okay lang sa'yo."

Ngumiti lang ako. "Makakapaghintay ba sila? Maglalakad lang ako paakyat."

"Siguro. Kailangan yata nila ng trabaho eh." Ganiyan si Daddy. Para lang sumaya ako, natuto na ng mga korning pilosopo joke pero it effectively makes me smile. Oo nga naman 'di ba? Kung hindi nila ako mahihintay, so that means, hindi sila kailangan dito sa kompanya.

May nakita akong tatlong lalaki. Dalawa lang ang nakaupo dahil dalawa lang ang upuan. Ang isang lalaki ay nakatayo. Naka-cap with earphones, matangkad. Kung judgmental ka, iisipin mong tarantado siya kahit gwapo. Pwedeng loader pero mas bagay ang model. So, ngumiti ang dalawa maliban sa lalaking nakatayo. Nakaformal ang dalawa at ang lalaking nakatayo ay parang manliligaw sa isang badgirl o maggagala sa mall. Halatang yosi boy at magugulat ka siguro kung ang katulad niya ay hindi umiinom o walang alam sa alak. I don't judge him. 'Yung nauna kong tinanong ay very impressive, pangalawa ay pareho lang. Sinabi ko sa kanilang itetext ko sila dahil hindi naman talaga ako taga-hire. Kailangan siguro ng second interview kay Maico. Maigi na rin dahil impressive naman sila. So, umalis na ang dalawa. Ang pangatlong lalaki naman. Hindi ako ginalang. Ano ba talaga ang pinunta niya? And he submits biodata sa halip na resume. Uso pa ba 'yun? I don't mind as long as magugustuhan ko siya. Rosen Mark Ang name niya. nacurious ako kung ano ba ang palayaw niya. "So, your name was Rosen Mark." Bungad ko. "And also??"

"Rosen." Sagot niya. Okay, marunong sumagot.

"Bakit hindi na lang Mark? Medyo girly ang Rosen 'di ba?"

"Malay ko sa mga 'yun. Hindi ko hawak ang gustong gawin o sabihin ng ibang tao. Hindi ako ang tipong papangunahan ko sila." Shocked ako sa sagot niya.

"Ano ba ang pinunta mo dito?"

"Nag-aapply?" Oh my god. Napapikit ako.

Don't judge him

Don't Judge him

Don't judge him

Napansin ko na maraming blank sa biodata. Wala nang lastname ang mga magulang niya at ang height, what the hell.

'To see is to believe' ang nakalagay. So I better ask his height. "What's your height? Dapat nilalagay mo." Tumayo siya. Napatingin lang ako. "Ano nga?!"

"5'11." Simpleng sagot niya. Halata naman na 5'11 siya. The next is obviously horrible.

Weight: Same as the above

"Niloloko mo ba ako? Nagaapply ka ba talaga?" Kailangan ko ng isang daang pasensya sa mga oras na ito. Ayokong sirain ang araw ko.

"Opo, Ma'am."

Don't judge him

Don't judge him

Don't judge him

My Mom said. 'Kung sino pa ang taong sa tingin mong hindi mo pagkakatiwalaan ay siya pa pala ang makakatulong sa'yo.' Hindi ko nakalimutan 'yun kaya I don't judge him. Bahala na. Basta ginawa ko ang part ko. Tatapusin ko ang interview.

"So, single ka pala?"

"Of course at kung may asawa man ako, single parin ang ilalagay ko diyan dahil baka hingian niyo pa ako ng marriage contract."

Muntik na akong mapaubo sa sinabi niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. "I asked you so, you suppose to answer formally." Pero ang hindi mawala sa isip ko ay ang katawan niyang halatang naggygym. Pwede siyang loader pero mukhang tamad siya. Ang tanong, bakit nag-apply siya kung hindi trabaho ang hanap niya?

"Tama naman ang sagot ko, Ma'am. Kung ayaw niyo akong tanggapin, okay lang."

"Kung ganiyan ang sagot mo, for life kang hindi makakapagtrabaho!"

"Edi may forever!" Napatingin ako sa sagot niya. Hindi siya nakatingin sa'kin.

May forever. Nasaktan ako sa sinabi niya. I just calm down. I continue. "Bakit ka nag apply?" I won't give him a torture interview dahil may nakita akong kakaiba sa kaniya. Tanggapin ko kaya ito, katuwaan lang. Siguro, ngayon lang ako magkakamali sa buong buhay ko pag ginawa ko 'yun kaya tingin ko, pagpapasensyahan ako ng mga tao. I like him dahil kay Mommy.

"Dahil may nakita akong hiring sa labas."

"Ano ang posisyon inaapplyan mo?"

"Hindi ko din alam, baka may bakante sa Manager pero ayokong magtrabaho. Kailangan ko lang ng palatandaan na nag apply ako. Saka na siguro kapag ready na ako."

Bakit ganiyan siya? Napangiti ako pero halatang disappointed but I really faked my reaction. I like him. "Bakit wala kang contact number? Pa'no kita matetext?"

"Alam kong hindi na kailangan."

"So, para pag natanggap ka, diretso training na dahil hindi na kami makakakuha pa ng katulad mo pag pinalampas ka pa namin, ganun ba?"

"Tama!" Tumawa siya.

Sinira ko ang biodata niya tapos tinapon ko sa basurahan. Tumayo siya. "Pinapatayo ba kita?" Awat ko sa kaniya. Alam na niya na galit ako, ganun ba?

"Halata naman na hindi mo ako tinanggap. Sige 'yung picture ko diyan, isama niyo nang itapon kahit 120 pesos ang ginastos ko. Ganiyan naman kayo 'di ba?"

"Umupo ka." Utos ko. May hinanakit ba siya sa buhay?

"Bakit pa?"

"You can judge that trash but not me."

"Ano ang gagawin mo? Ipapabugbog mo ako? Aba, siguraduhin mo lang na hindi nila ako bubuhayin, dahil pagkakamali ang buhayin ako."

"Tanggap ka na." Doon siya nagtaka. "Training mo na ngayon."

"Bakit?"

"Pag sinabi kong training mo na, training na. Hired ka na kaya under na kita ngayon. I'm the only daughter of the CEO of this company kaya simula ngayon, alipin na kita."

"Wala akong magandang suot. A-ayos lang ba?"

"Basta inutos ko, inutos ko! Hindi ka pa tanggal kaya sundin mo ako. Under kita." Natuwa ako sa reaksyon niya.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
360K 18.5K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1.5K 187 16
Awit Series #3 Ang highschool crush ni Adel ay muling nag balik upang guluhin ang nananahimik niyang buhay. May pag asa pa rin ba si Raiden sa pusong...
12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...