Sino Ka Ba Talaga?

By wang_bu99

4.2K 79 7

Iba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding... More

Sino Ka Ba Talaga?
Chapter 1: Ang Unang Araw Ng Klase
Chapter 2: Ang Panaginip
Chapter 3: Si Leo at si Adrian
Chapter 4: Si Andrew
Chapter 5: Sino ba Talaga si Adrian?
Chapter 6: Mga Damdamin
Chapter 7: Si Johnny at si Lorenz
Chapter 8: Si Daniella at Ako
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11: Ang Pagsasaliwalat
Chapter 12: Ang Pagsasaliwalat (Part 2)
Chapter 14: Grace's Birthday
Chapter 15: Grace's Birthday Part 2
Chapter 16: Killjoy Society
Chapter 17
Chapter 18: In Love with You
Chapter 19
Chapter 20: Who Am I?
Chapter 21: Ang Pagbabalik Ni Adrian - Part 1 (Si Chippy)
Chapter 22: Ang Pagbabalik Ni Adrian - Part 2 (Alaala Mo)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 2)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 3)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 4)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 5)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 6)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 7)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 8)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 9)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 10)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 11)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 12)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 13)
Chapter 23

Chapter 13: Bumangon Ka

134 1 0
By wang_bu99

update muna ako ha

dedicated ang Chapter na to sa pinaka best bud kong si RichardTecsonAresgad

thanks bro sa walang sawang pagsubaybay hehe

oh eto na next chapter guyz

enjoy!!!

----------

LEO'S POV

It's been almost 6 months after nang burol ni Adrian, at wala paring nagbabago sakin. Still can't move on parin. Puro si Adrian parin ang laman ng utak ko at puso ko. Gabi gabi ko siyang napapanaginipan. His face, his lips, his voice, his smile, and most of all, na miss ko ang kanyang pagtawa. Parang musikang paulit ulit na tumutunog sa aking mga tenga at ang sarap sarap pakinggan. Sa lahat ng mga naging naka relasyon ko, siya lang ang minahal ko nang ganito, but I let it slept away. I had my chance, I had it all pero nadala lang ako ng tukso. At yon ang pinagsisisihan ko habang buhay. Kung sana lang maulit ang panahon. Kung pwede lang himiling sa Diyos, hihilingin ko na sana maulit ang kahapon, nung magkasama pa kami ng Adrian ko.

Pagkatapos niyang makipag hiwalay sakin at sumakabilang buhay na siya ay wala ng direksyon ang buhay ko. Palagi na akong naglalasing, nag babar hopping, meet kung sino2x, nakikipag sex with strangers, kabilaang syota, at cybersex sa internet. Para 'san pang mabuhay kung wala na ang pinaka mamahal mo?

Lumipas ang ilang linggo at tinawagan na ako ng boss namin. Ilang linggo na rin kase akong 'di pumasok sa work. Kinausap niya ako sa phone at tinanong kung mag re-resign na daw ba ako. Bigla ko nalang naaalala ang pamilya ko. Pinuntahan ako ng boss ko sa condo unit na tinitirhan ko. Sinabi ko sa kanya kung ano talaga ako at kung ano ang aking preferences. Naiintindihan naman niya ang lahat. Naging matagal ang aming heart to heart talk hanggang nadaan sa iyakan. Sinabi ko kay boss ang tungkol sa amin ni Adrian at kung anong sinapit niya. Inaya ko rin siyang mag inuman kami sa unit ko.

"Siguro na Karma na akong chong. Ilang beses ko na siyang sinaktan at niloko" malungkoy kong sabi sa boss namin

"Alam mo chong, 'di naman sa nangingi alam ako pero dapat mo nang ayusin ang buhay mo. Lahat naman tayo dadaan sa mga pagsubok. Naiintindihan kita kung sobrang lungkot at sakit ang dinanas mo ngayon pero hindi yan rason para 'di ka na bumangon at umayos. God always gives us trials and hindi ka bibigyan niya kung alam niyang hindi mo kakayanin. Pain is just 11 minutes. Ika nga nila, 10% in life is just coinsidence and 90% is how you react. Alam kong kakayanin mo yan chong. Anjan pa naman ang mga kaibigan mo, anjan pang pamilya mo at andito lang 'din naman ako. Pwede mokong ituring na kuya mo. At tsaka alam mo tol, naniniwala parin akong 'Everything happens for a reason'" mahabang advise ng boss ko

"Wow ha, san mo napulot 'yan? Naka isang bote pa nga lang eh kung ano ano nang painagsasabi mo jan hahaha" natatawa kong sabi

"Loko! Basta tandaan mong sinabi ko. Kaya mo yan" maikli niyang tugon

"Ikaw 'din ba chong naranasan mo nang naranasan ko? Ang manloko?" nakangiti kong tanong kay boss

"Hmmm, hindi naman. Actually kabaliktaran ang nangyari sakin Leo. Dati kasi sobrang taba ko nung College. May nakilala akong isang CBA student. Her name is Anne. Isa siya samga Campus crush noon. Crush na crush ko siya at naging kami" mahabang kuwento sakin ni boss

"Tapos anong nangyare? 'Bat ka niya niloko? Sino bang pinagpalit nya sayo?" pagputol ko

"Chillax! Bigla siyang lumapit sakin at nagpakilala. Sabi niya Anne daw 'yung pangalan niya at gusto daw niya akong maging kaibigan. Nilibre nya ako ng lunch sa Canteen. Sabi ko 'wag na. Sa sobrang taba ko, baka maubos ang budget mo. Tumawa lang siya at sinabing ayos lang daw kahit maubos pera niya, ang importante ay nagkaroon siya ng mabait na kaibigan." mahabang kwento niya

"ASTIG! Tapos ano pa?" pagtatanong ko

"Eh ayon, halos araw araw palagi kaming magkasama at sabay na umuwi. Palagai nga kaming tinutukso ng mga schoolmates namin noon eh. "Ang Baboy at Ang Dalagita" ngunit hindi ko nalang sila pinansin bagkos ay pinagpatuloy ko lang ang pakikipag kaibigan ko sa kanya hanggang sa di na namin mapigilan ang aming nararamdaman para sa isa't isa. Naging kami nga ni Anne. Isa 'yun sa pinaka masayang araw ng buhay ko. Siya ang first love ko" nakangiti niyang kwento at naka smile pa

"Eh 'pano napunta sa hiwalayan?" tanong ko sa kanya

"Unfortunately, nalaman kong may BF na pala siya before naging kami. Nalaman ko 'yun sa mga classmates ko pero hindi ako naniwala" biglang nalungkot ang mukha niya

"Tapos? Anong ginawa mo?" tanong ko ulit kay boss

"Isang araw ay wala kaming klase. 1 pm til 4:30 pm ang klase ko pag MWF. Wala kaming pasok nun dahil may emergency daw sa school. Sosorpresahin ko sana siya. Pumunta ako sa classroom niya ngunit 'di raw siya pumasok. Tinext ko suya at tinawagan ngunit 'di niya sinagot mga tawag ko. Naisipan kong puntahan siya sa bahay nila at alamin kung OK lang ba siya. Pumara ako ng taxi at pagdating sa bahay niya eh nagtaka ako kung bakit may kotseng naka park sa harap ng apartment niya. 'Yun yong unang beses kong nakitang may iabang sasakyan ang nag park 'dun. Iniisip ko na baka andito 'yun mga kamag-anak nya galing Quezon. Pagkapasok ko pa lang ng gate ay napansin kong bukas ito pati na din ang main door. Pumasok nalang ako. "Anne? Anjan ka ba?" sabi ko habang pumasok sa sala niya. May narinig akong ingay na parang nag mo-moan na babae at lalaki. Kinabahan ako at minabuti kong sundan ang ingay na 'yun. Nanggaling ang ingay sa kwarto niya. Sobrang kinabahan talaga ako nung mga oras na 'yun. Balak ko sanang kumatok ngunit bukas naman ang pinto. Agad ko itong binuksan at bumungad sa harap ko ang GF ko ni pinatungan ng isang gwapong lalaki. Nakapikit pa sila habang sarap na sarap sa ginagawa nila. Biglang gumuho ang mundo ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. Parang gusto kong sumabok sa sakit na nakita ko." naluluha niyang kwento at nagsimula na 'ding umiyak si boss

"Let it out chong! Iiyak mo nalang 'yan. Tapos nun anong nangyari?" sabi ko

"Hindi nila ako napansin na nakamasid sa kanilang dalawa. Umalis ako sa sa bahay ni Anne at tumakbo ng mabilis. Wala na akong pakialam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang ay gusto kong makaalis sa dakong 'yun sa sobrang sama at sakit ng mga nakita kong panloloko sakin. Kinabukasan nun ay tnanong ko siya kung bakit 'di niya sinagot ang mga tawag at text ko. Nagpanggap akong parang walang nangyari. Sinabi lang niya na masama daw ang pakiramdam niya. Tinanong ko ulit siya kung ok lang ba siya at sabi nyay OK naman daw siya. Nagpakamartir ako. Sinubukan kong kalimutan ang nangyari ngunit naulit na naman iyon nang makita ko siyang may kahalikan sa isang bar. Kinausap ko siya at sinabi niya saking PUSTAHAN lang daw ang lahat ng iyon at nagpapanggap lang siya. Pagpapanggap lang ang lahat. May sinabi pa siyang tumatak sa isipan ko at 'di ko kelanman makakalimutan, at yun ay.....

"KAHIT KELAN, HINDI KITA MAMAHALIN AT KAHIT KELAN HINDING HINDI AKO PAPATOL SA BABOY NA KATULAD MO"

"KAHIT KELAN, HINDI KITA MAMAHALIN AT KAHIT KELAN HINDING HINDI AKO PAPATOL SA BABOY NA KATULAD MO"

"KAHIT KELAN, HINDI KITA MAMAHALIN AT KAHIT KELAN HINDING HINDI AKO PAPATOL SA BABOY NA KATULAD MO"

"KAHIT KELAN, HINDI KITA MAMAHALIN AT KAHIT KELAN HINDING HINDI AKO PAPATOL SA BABOY NA KATULAD MO"

....
nag echo ang lahat ng sinabi niya. Hindi ito maalis sa utak ko." sabi niya

"Eh pagkatapos nun anong ginawa mo?" tanong ko ulit kay boss

"Eh hayun. Hiniwalayan ako. Kaya naisipan kong mag gym at magpa payat pagkatapos ng graduation namin. Inubos ko lahat ng oras ko sa pag gy-gym. Halos maubos na nga 'yung pera ko eh haha. Kumuha ako ng magaling na instructor at hayun. Pagkatapos ng mahigit 8 months, ay pumayat ako. Nagkaroon ako ng 6 pack abs at marami ng naghahabol sakin'. May nag invite 'din sakin na mag modelo at sa awa ng Diyos ay nakapasa naman. Naging sikat nga ako at ang dami ng taga hanga sakin. Lahat sila hinihingi ang number ko. Sobrang nagtagumpay talaga ako sa pagiging modelo ko at marami ding mga malalaking company ang nag offer sakin ng pag mo-model. Nakikita ko na nga ang sarili ko sa mga billboards eh. Isang buwan ang nakalipas pagkatapos nung mga tagumpay ko ay naisipan kong gumala sa isang mall at hindi ko inasahang makikita ko ang ex kong si Anne. Umiiyak siya at nilapitan ko. Binigay ko ang aking panyo at sinabing OK ka lang ba miss? Kinuha nya 'yung panyo at biglang kumunot ang noo nya na para bang nagtatanong at parang mamumukhaan niya ako.

It's Been A while. So how Are You? tanong ko sa kanya.

And you Are? tanong nya din sakin.

Hindi mo ba ako natatandaan? Ako si Gary. sabi ko

Gary Mendez? gulat niyang tanong sakin.

Hoomygad!! Ibang iba ka na ah. Sobrang sexy at guwapo mo na. gulat na gulat parin siya

Siyempre. People Change eh hehe" nakangiti kong sabi

Sinabi nya sakin na hinwalayan daw siya ng BF niya at mas malala pa is buntis siya ng 3 buwan. Kinuha niya 'yung number ko at araw araw niya akong tinetext at tinatawagan. One time nga sabi niya na mahal parin daw niya ako at gusto niyang magkabalikan ulit kami. Napangiti na lang ako at sabi ko na.....

"Kung Mataba ba ako hanggang ngayon mamahalin mo pa ako? Di sinabi mo sakin na "KAHIT KELAN, HINDI KITA MAMAHALIN AT KAHIT KELAN HINDING HINDI AKO PAPATOL SA BABOY NA KATULAD MO", bigla siyang natahimik

Nagsorry siya sa akin at pinagsisisihan na daw niya ang mga ginawa niya. Sinabi ko naman na "Lightning Don't Strike The Same Way Twice, and as I've said, People Change"

Nalungkot siya sa mga sinabi ko pero 'di nya parin ako tinigilan. Panay text at tawag parin siya sakin kaya hayun. Nagpalit ako ng number at lumipat na 'din ako ng apartment ko." mahabang kwento ni boss

"'Di mo na ba siya mahal?" seryoso kong tanong sa kanya

"Hindi nah! Minahal niya lang ang bago kong anyo hindi ang tunay na ako" seryoso niyang sabi sabay ang pilit na ngiti

"Ilang taon na bang lumipas?" tanong ko

"Mga 4 years na kaming walang balita sa isat isa, tsaka I'm happy with my new GF now at mahal na mahal namin ang isa't isa. 'Wag na nga lang nating pag usapan 'yun. Tagala na nun eh. Change topic nalang hehe" sabi ng boss ko. Napaisip talaga ako ng matagal sa kinuwento niya. May lesson akong nakuha na dapat bumangon ka 'din at di puro puso lang ang pairalin.

"Kaya ikaw chong magbago ka nah. Bumangon ka! Patunayan mo sa pamilya ng ex BF mo na tunay kang nagsisisi sa ginawa mo sa anak nila. Bumawi ka. At 'wag mo ding kalimutang bumawi sa pamilya mo. Panay tawag pa naman 'yung tatay mo sakin" sabi ni boss

"Oo nga pala. Nakalimutan ko na sila. 'Di bale bukas na bukas din ay uuwi akong probinsya. Miss na miss ko na silang lahat 'dun" seryoso kong sabi

"Ooops! Kaltas ko sa sweldo mo 'yan ah. Haha" si boss

"Si Bossing talaga!" sabi ko

"Nga pala, Tumawag ang BENCH sakin, kaw daw 'yung napili nilang model sa kanilang bagong underwear at cologne" sabi ni boss

"Talaga? Naku salamat naman kung ganun. Kelan daw?" sabi ko

"Next Month kaya maghanda ka na" sabi ni boss

"Salamat talaga boss. 'Di mo alam kung pano mo pinagaan ang loob ko ngayon" seryosong sabi ko

"Siyempre. Ikaw pah. Basta ayusin mo 'yang buhay mo ah" si boss

"YES SIR!" pabiro kong sabi sabay saludo pa. Tuloy tuloy ang aming inuman at kuwentuhan hanggang nagpaalam na sakin si boss na uuwi na. Bait talaga ni boss.

Kinabukasan ay umuwi ako ng probinsya para bisitahin ang pamilya ko. Naging ma drama ang pagkikita namin at nauwi sa iyakan. Sobrang natuwa talaga akong makita ang pamilya ko. Miss na miss ko na sila. Nagtagal ako sa amin ng 5 araw bago bumalik sa maynila. Pagbalik ko ay inihanda ko na ang sarili ko sa bagong endorsement ng bagong company na pagtatrabahuan ko. Dumating na nga ang araw na yun. Nag contract signing ang lahat ng models na kagaya ko at within 2 weeks daw sisimulan na nila ang pictorials at commercials ng kanilang bagong pabango.

After 2 weeks ay tuloy parin ang buhay ko bilang isang modelo. Minsan ay naging extra din ako ng ilang roles sa mga talents ng ABS-CBN. Minsan nga ay isa pa ako sa mga models ng iilang commercials. Unti unti ng bumalik ang dati kong sigla. Masasabi kong ayos naman ang lahat pero 'di parin mawala sa isip ko si Adrian. Pinagdarasal ko sa Diyos na kung 'san man siya ngayon ay mapatawad na nya ako. Sobrang daming blessings ang dumating sa buhay ko at naipili pa ako bilang isa sa mga mga ELITE MODELS ng bansa at balak nila akong kuning model sa ibang bansa. Sobrang nagpapasalamat ako kay Lord na hindi niya ako pinababayaan. Araw araw akong nag dasal na sana mawala na 'tong sakit at kirot sa puso ko.

----------

10 MONTHS LATER....

----------

Today marks the 10th month after Adrian's burial at masasabi kong nakapag move on na ako. Hindi muna ako nakikipag date sa iba. Mas inuna ko ang trabaho ko at pamilya ko.

Isang araw ay nakatanggap kami ng balita galing sa BENCH company. May gagnapin daw'ng pictorials at fashion show sa Dumaguete. Bat' sa lugar pa na ganun? Eh hindi ko nga alam kung saan 'yun, first time ko lang kasing narinig ang lugar na 'yun. Tinanong ko sa boss naming kung saan 'yun at sinabi niyang nasa Visayas daw, sa Negros. Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay nakaramdam ako ng kakaibang saya na 'di ko maipaliwanag. Parang sobrang na excite ako, first ko kaseng makarating ng Visayas eh. Ang alam ko maraming festivals 'dun. Naku! Siguradong masaya 'to! Ayos!!!

3 days bago kami pumuntang Dumaguete ay umuwi muna ako ng probinsya at pumunta sa puntod ng nanay ko. Sinama ko ang dalawa kong kapatid at tatay ko. Nagpapasalamat ako na kahit wala na si nanay ay palagi parin niya kaming binabantayan.

"Nay sana andito ka. Isasama sana kita sa Visayas. 'Di ba matagal mo nang gustong makapunta 'don? Nga pala nay, salamat ah. Alam kong hindi mo kami pinababayaan. Nay nasaan ka man, gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na mahal ka namin. Miss na miss na kita nay, sorry po kung naging suwail ako nung bata pa ako. Ipapangako ko po sa inyo, aayusin ko nang buhay ko. Aalagaan ko sina Wendy at Elise (mga kapatid ko) at lalong lalo na si Tatay at ang pamilya natin." hindi ko na napagpatuloy at tumulo na ang luhang matagal ko nang pinipigilang tumulo. Niyakap ko si Tatay at ang dalawang kapatid ko.

Pagkatapos magpunta sa burol ay dumiretso kami sa bayan at makapaglibang. Pumunta kami sa plaza at bumili ng mga laruan at kung ano ano pah. Nang mapagod kami ay kumain kami sa isang sikat na kainan doon sa lugar namin. Sobrang na miss ko ang moment na 'to. Sana ganito nalang ka saya palagi. Umuwi kaming lahat na pawang masaya at sobrang na miss ang isat isa.

Dumating na 'din ang araw na kelangan ko nang umuwi ng Maynila. Nagpaalam ako kay Tatay at sa mga kapatid ko.

"Oh 'wag kayong pasaway ah at magpakabait kayo. At tsaka Tay 'wag nyong pabayaan ang sarili nyo" sabi ko

"OO naman anak. Ikaw mag iingat ka ah. 'Wag mo ding pababayaan ang sarili mo." si Tatay sabay yakap sakin

"Bye Kuya Lei. Mami miss ka namin" sabi ni Wendy

"Bye Kuya Lei, We love you" si Elise sabay halik sa pisngi ko

"I love you too Wen at Elise. Magpakabait kayo ha. Oh Cge Tay aalis na ako" pagpaalam ko sa kanila

Sumakay na ako ng bus papuntang Maynila. Habang nasa byahe ay may nakita akong isang paro paro sa loob ng bus na dumapo sakin. Kulay brown ito at malaki. Sabi ng matatanda ay suwerte daw ang taong madadapuan nito. Ewan. Pamahiin lang naman 'yun.

"The Lucky Guy!" biglang sabi ng isang babae

"Huh? What do you mean?" naguguluhan kong tanong

"Sabi ng mga matatanda, suwerte daw 'yan. Matutupad ang hinihiling mo or 'di kaya ay makikita mo ang taong matagal mo nang hinahanap or ang taong matagal mo nang gustong makita" nakangising sabi ng babae

"Hmp! Pamahiin lang naman 'yun eh at tsaka wala naman akong taong hinahanap. 'Di ako naniniwala" pagsalungat ko

"Well, minsan na 'ding nangyari sakin 'yan. Dinapuan din ako. Hindi ako naniwala nung una pero pagkatapos nun ay nakita ko ang man of my dreams. Ngayun nga ay pamilya na kami at may tatlong anak na hihi. Basta't manalig ka lang at magtiwala. Wala namang mawawala kung susubukan mo" sabi ng babae.

Sa bagay, may punto naman siya. Wala nga naman talagang mawawala kung susubukan ko. 'Di ko namalayang nakatulog na pala ako. Pag gising ko ay nasa Maynila na pala ako. Sumakay ako ng taxi at dumiretcho sa bahay. Habang nasa kuwarto ako ay may nakita na naman akong isang paro parong katulad ng dumapo sa akin kanina sa bus. Pumatong uli sya sa akin pero ngayon ay sa dibdib nah. Ano kayang ibig sabihin nito?

"Sabi ng mga matatanda, suwerte daw 'yan. Matutupad ang hinihiling mo or 'di kaya ay makikita mo ang taong matagal mo nang hinahanap or ang taong matagal mo nang gustong makita"

Biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Adrian. Imposible, wala na si Adrian.

Kinabukasan ay ang araw na pinaka hihintay namin. Ang flight papuntang Dumaguete. Habang nasa airport palang kami ni boss Gary ay 'di talaga ako mapalagay. Parang may makikita akong isang 'di ko inasahan. Ewan ko bah. Sobrang na e-excite talaga ako.

Dumating narin kami sa wakas. Pagkababa namin ay sinalubong kami ng service namin pupuntang hotel. Habang nasa byahe ay kitang kita ko ang lugar at ang lalaki ng mga tricycle nila. Prang gustong gusto ko sumakay. Magkano kayang pamasahe dito? Nakita ko din ang mga streamers at banners na nakalagay sa bawat poste ng kalye. Andun ang picture ko, Iba talaga pag sikat at guwapo 'di bah? Wahehehe XD

Nakarating kami sa hotel at nagulat kami ng bigla kaming pinatawag lahat para daw sa isang pictorial. Eh 'di pa nga ako nakapagpahinga eh. Naman! Natapos ang pictorials sa isang waterfall 45 minutes ang byahe away from the city. Pulangbato Falls ang tawag sa lugar. Umuwi na kami sa tinutuluyang hotel at nagpasya kaming mag night out sa Boulevard. Nag tricycle lang kami at sobrang na amaze talaga ako. Kahit maliit lang ang city eh mararamdaman mong sobrang bait ng mga tao dito at sobrang mainit ang pagtanggap nila sa amin dito. Nang makarating kami sa "Hayahay Restobar"ay dinagsa kami ng magpapa autograph sa amin. Kumain kami at umalis na 'din. Sinubukan naming mag rent ng Motorcycle at mag tour sa city kasama si boss Gary.

Inikot namin ang kahabaan ng Perdices St. papuntang Silliman University. Lumang skwelahan ito pero sikat na sikat ito sa buong mundo. Inikot pa talaga namin ang syudan at sobrang nawili talaga kaming dalawa ni boss. Umuwi kami sa hotel na may ngiti sa mga labi namin. Sobrang nag enjoy ako dito. Babalikan ko talaga ang lugar na 'to hehehe.

Nagising kami ng 10 am nah. Ginising kami ng isa sa mga staff ng BENCH dahil may fashion show daw kami sa Robinsons Mall by 2 pm. Naghanda na kami 'coz it's time for make up session. Naligo na ako at nagbihis. Pagkalipas ng 2 hrs ng make up ay sa wakas ay natapos 'din kami. Ako ang pinaka matagal natapos kasi ako ang pinaka huling model na lalabas at sisiguraduhin nilang maayos talaga ako.

Nag start na ang program at iilang models na rin ang nag rampa sa Catwalk. Bago ako Pumasok sa catwalk ay nakita ko na naman ang paro paro na parang sinusundan talaga ako. Alam kong may ibig sabihin ito. Nang mag Catwalk na ako ay halos nabingi ako sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga taong andun. Sobrang nakakataba ng puso ang daming nagkakaway at naghihiyawan sakin. Mahal na mahal ko 'din kayo mga fans ko.

Pagkatapos ng fashion show ay pinatawag ako sa stage para tanungin sa bagong endorsement ko.

"So Mr. Leo Madrigal, tell us more about your newly endorsed product?" tanung nung emcee. Bigla na namang naghiyawan ang mga tao.

"Una sa lahat nagpapasalamat ako kay God at ako ang napili na mag presenta nito. At maraming salamat sa warm welcome mga taga Dumaguete. Well, this is a new version of RED. Kakalabas lang nito sa market at meron ito ngayon sa lahat ng bench outlets, so please visit your nearest BENCH store. Ang masasabi ko lang ay mas clean ang scent nya with a crisp citrus scent. Try this and believe me, Magiging kasing irresistible nyo ako pag na try nyo 'to" sabi ko sabay kindat sa mga fans. Sobrang lakas na naman ng mga hiyawan ng fans. Naging mahaba ang topic namin about sa BENCH product hanggang sa umabot ang topic about LOVELIFE.

Sobrang natahimik ang lahat sa pagkukwento ng biglang may nag sneeze. Sobrang lakas nito kaya naagaw nya agad ang atensyon ko at ng ibang nanonood. Biglang itinapat ang spotlight sa kanya at nakita ko ang isang pamilyar na mukha.

Sobrang nagulat ako sa nakita ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.. Diyos ko, Totoo ba 'to? Si Adrian!! BUHAY SI ADRIAN!!!

"Adrian?" gulat na sabi ko. Bumaba ako ng stage at nilapitan siya at biglang niyakap ng sobrang higpit.

"Adrian!! Ikaw ba talaga yan??" naluluhang tanong ko

"Po? Ako po ba tinuntukoy nyo?" pagtatanong ng binata na hanggang ngayon ay naguguluhan parin.

"Adrian! Ikaw nga! Hindi ako pwedeng magkamali! Salamat sa Diyos at buhay ka!" sabay yakap ko sa kanya ng napakahigpit. Nakaramdam ako ng sobrang pagka miss sa yakap niya. Ang tagal kong pinagdarasal sa diyos na sana ay buhay pa siya. Sobrang na miss ko ang taong 'to. Bigla nalang akong humagulgol at umiyak ng umiyak habang yakap yakap ko siya. Totoo pala ang sinabi sakin ng babae nung sumakay ako ng bus. Totoo ang pamahiin tungkol sa paro paro.

"Adrian mahal ko! Sobrang na miss kita! Patawarin moko Adrian huhuhu" umiiyak ko paring sabi

"Ahh eh, Johnny pong pangalan ko, hindi Adrian hehehe. Pwede na po kayong bumitaw. pinagtitinginan na kase tayo ng mga tao eh" nahihiya niyang sabi sa akin.

Teka? Johnny ba kamo? Pero paano nangyari to? Bakit sobrang hawig niya ang mukha ng Adrian ko? 'Di kaya magkapatid sila? Pati boses ang parehong pareho.

"S-sorry. Ako nga pala si Leo. Leo Madrigal ang buong pangalan ko" sabi ko habang pinunasan ang luhang dumadaloy sa mga mata ko.

"Ahh hehehe ok po 'yun. Ako nga pala si Johnny. Johnny Reyes ang boung pangalan ko" nakangiti niyang sabi.

Biglang naghiyawan ang mga tao sa likod niya at pilit inaabot ang kamay ko. Sinapawan na nila ang binata. Para akong nasa gitna ng nag uumpugang bato.

"ADRIAN!!! ADRIAN!!!" sigaw ko habang pilit na inaabot ang kamay niya. Nakita kong hinatak siya ng isang nerd na lalaki. Bigla namang hinarang ng mga guards ang taong nagsisingitan para maabot ako.

"Sino 'yun? At bakit bigla mong iniyakan?" sabi ni Gary sa likod ko

"Ahh w-wala. Akala ko kase dati kong kakila sa maynila. Pasenxa na" nahihiya kong sabi

"Scandalo yung ginawa nyo ah. Lika na nga" sabay akbay sakin ni Gary. Tinitingnan ko parin ang kinaroroonan ng binata ngunit wala na siya. Pinagalitan kami ng isa sa mga staff ng BENCH. Kinampihan naman ako ni Gary. Alam ko namang napakalaking scandalo ang ginawa ko pero 'di ko naman 'yun sinasadya. Agad naman akong naintindihan nila at gagawa nalang daw sila ng ibang idadahilan.

Umuwi akong mag isa sa hotel at palaging inaalala ang mga nangyari kanina. Sobrang bilis ng mga pangyayari at sobrang naguguluhan parin ako.

"Johnny Reyes po ang buong pangalan ko"

Johnny. Hahanapin kita. At kaano ano mo si Adrian ko? Sino ka ba talaga?

.......ano na kayang susunod na mangyayari?

ABANGAN>>>
ITUTULOY XD

Continue Reading

You'll Also Like

264 2 22
lahat tayo ay may kanya kanyang gusto lahat tayo ay may kanya kanyang minamahal papaano kung isang araw.inisip mo na ayaw mo ng magmahal ng dahil sa...
7.8K 99 29
"Palagi nalang nami-minsinterpret ang pagiging sweet ng isang tao. 'Yan naman talaga ang nagiging dahilan kung bakit sinasabing PAASA ang isang tao e...
85K 2.4K 53
What if one day yung taong hindi mo inaasahan ay s'ya pa yung mamahalin mo nang tuluyan. Yung isa takot na masaktan at yung isa naman hindi sinasadya...
Wattpad App - Unlock exclusive features