Bad Girl for A Girlfriend (1...

By Chelsea_13

9.9M 122K 25.3K

Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick... More

BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND (#BGFAG)
⚠️This is important: PLEASE READ⚠️
Season 1 |1|#TheBreak-Up
Season 1 |2|#TheBitch
Season 1 |3|#TheFirstCall
Season 1 |4|#TheUnHolyTrinity
Season 1 |5|#AngProbinsyanoSaBar
Season 1 |6|>>#OnlyHope
Season 1 |7|>> HappyBirthdayKen!
Season 1 |8|>> #Pagsisimula
Season 1 |9| >> #JadeAndGem
Season 1 |9| >> #JadeAndGem (Part Two)
Season 1 |10| >> #WillYouSignTheContract?
Season 1 |11|>> #MyTemporaryGirlfriend
Season 1 |12|>> #LetTheGamesBegin
Season 1 |13| >> #FirstLesson
Season 1 |14|>> #AngGwapongBabaero
Season 1 | 15| >>#TastesLikeChocolates
Season 1 |16|>> #Papabebe
Season 1 |16|>>#Papabebe (Part two)
Season 1 |17| >> #Kundiman
Season 1 |18| >> #AngMalandingBakla
Season 1 |18| >> #AngMalandingBakla (PART TWO)
Season 1 |19| >>#NewBeginningsAndLies
Season 1|20|>>#ThousandSunsets
Season 1|21| >>#PanlolokongInako
Season 1|22| >>StillInLove (Part One)
Season 1|22| >>StillInLove (Part Two)
Season 1 |23| >>#MagTiwalaKaSaAkin
Season 1 |24|>>#GayLove
Season 1 |25|>> #TheGameIsOn
Season 1 |26|>>#Beldrick (Part One)
Season 1 |26| >>#Beldrick (Part Two)
Season 1 |27| >>#AngBabeNgBayan
Season 1 |27| >>#AngBabeNgBayan (Part Two)
Season 1 |28| >>#QuantumLoveAffair
Season 1 |29|>>#ILoveHimNotYou
Season 1 |30|>>#LetUsDoVanilla (Part One)
Season 1 |30|>>#LetUsDoVanilla (Two)
Season 1 |31|>>#OneYear
Season 1 |32|>>#UglyBarbie
Season 1 |33|>>#SleepOver
Season 1 |34|>>#PlayingWithHisPopsicle
Season 1 |35|>> #JustOneKiss
Season 1 |36|>>#ILoveTheWayYouLie
Season 1 |37|>>#FckBuddies
Season 1 |38|>>#Taken
Season 1 |39|>>#TheCheater
Season 1 |40|>>#GoodNightKiss (Part One)
Season 1 |40|>>#GoodnightKiss (Part Two)
Special Chapter #1 (Justin's Back story)>>#StayBreatheLove
Special Chapter #2 (Leo&Jesse's Back story) >>#LoveIsADangerousGameToPlay
Special chapter #3 (Nico's Backstory) >>#TheOtherSideOfLove (Part One)
Special chapter #3 (Nico's Backstory) >>#TheOtherSideOfLove (Part Two)
SEASON 2
Season 2 | A |>> #OneChance
Season 2 | B |>> #Babo
Season 2 | C |>> #HugsAndKisses
Season 2 | D |>> #MeAndMyJealousy
Season 2 | E |>> #AkinLangSiya
Season 2 | F |>>#MgaNgiti
Season 2 | G | >> #MakasalanangMgaLabi
Season 2| H | >> #MakingMeBreathless
Season 2 |H| >> #MakingMeBreathless (Part Two)
Season 2 | I |>> #SecretsAndRevelations
Season 2 | I | >> #SecretsAndRevelations (PART 2)
Season 2 |J |>> #EnemyFromTheStart
Season 2 |K | >>#JeepneyLove
Season 2 |L | >> #FamilyDrama
Season 2 |M|>> #MyPossesiveBoyToy
Season 2 |M| >>#MyPossessiveBoyToy (PART TWO)
Season 2 |N| >> #The Adventures of YOLO King and Queen
Season 2 | ñ|>> #First Love, Frenemies, Promises & Other Bullsht
Season 2 | NG|>> #It'sOver (PART ONE)
Season 2 | NG|>> #It'sOver (PART 2)
Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 3)
Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 4)
Season 2 Chapter | O | >> #IStillLoveYou (PART ONE)
Season 2 Chapter |O| >>#IStillLoveYou (PART TWO)
Season 2 |P| >> #TalkDirtyToMe
Season 2 |Q| >> #TheTruthAboutUs (PART ONE)
Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART TWO)
Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART THREE)
Season 2 | Q | >> #TheTruthAboutUs (PART FOUR)
Season 2 | Q | >> #TheTruthAboutUs (PART FIVE)
Season 2: Chapter | R |>> F.U. (PART ONE)
Season 2 | R | >> #F.U (PART TWO)
Season 2 | R | >> #F.U (PART THREE)
Season 2 | S | >> #HitMeHard
Season 2 | T | >> #TheLastWomanStanding
Season 2 | U | >> #ChooseMeLoveMe
Season 2 |U| >>#ChooseMeLoveMe (PART TWO)
Season 2 | V | >>#AngUnggoyAtAngAso
Season 2 | W |>> #Ignorance,Love,Revenge,Goodbye
Season 2 | X |>> #GlorienneJadenSilva (PART ONE)
Season 2 | X |>> #GlorienneJadenSilva (PART TWO)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART THREE)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FOUR)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FIVE)
Season 2 | Y| >>#AsLongAsYouLoveMe
Season 2 |Z |>>#Always&Forever| BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND | #BGFAG
Season 2 | Z |>>#Always&Forever| | #BGFAG (part two)
Season 2 | Z |>>#Always&Forever| | #FHBGFAG (part three)
Season 2 |Z |>>#Always&Forever|#BGFAG (Part four)
Season 2 | Z | #Always&Forever | #BGFAG (part 5)
Author's Note
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART ONE) #TheOneThatGotAway
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART TWO) #TheOneThatReturned
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART THREE) #TheOneThatGotHerHappyEnding
BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND (SPECIAL CHAPTER #4 ) >> #LoveIsASacrifice
[Special Chapter : Christmas]
BGFAG playlist | 13 Facts
Bad Girl For A Girlfriend UPDATE!
THANK YOU NOTE <3 Updated!
New Story: The Ugly Club of Brent University
New Story: Destroy Me

BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND: LAST CHAPTER #BGFAG

36.9K 681 363
By Chelsea_13

a/n

This is the LAST CHAPTER. After nito ALTERNATE EPILOGUES NA.

PLEASE READ: The ORIGINAL EPILOGUE will be unpublished and will only be available sa book version under POP FICTION.

Ang mababasa niyong mga epilogue na naka private ay ALTERNATE EPILOGUES lang po. They happened in an alternate universe haha meaning hindi sila OFFICIALLY kasama sa kwento. Hindi sila ang kinikilala kong epilogues at sinulat ko lang siya for fun dahil nalungkot ang mga older readers sa ORIGINAL EPILOGUE na nasa book version. So 'yun lang. Enjoy!

Again, ALTERNATE EPILOGUES ARE IN PRIVATE. Thank you!

Music: All of me :)

****

~~~

BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND: LAST CHAPTER #BGFAG

"I am hopelessly in love with a memory, an echo from another time, another place."- Michael Faudet


|Forever|

Kendrick's POV

Nang nasa rehab ako, natutunan ko kung paano unti-unting ayusin ang buhay ko. Pinagsisihan ko ang mga kagagauhan kong ginawa dati. Grabe. Halos sambahin ko na pala noon ang droga at ang alak.

D-amn. I will never go to that road again. Once is enough. Ayoko nang isangla ang kaluluwa ko sa alak at sa droga.

Pero may isang bisyo lang talaga akong hindi makalimutan...hindi mabitawan. Kahit anong gawin kong pag pukpok sa sarili ko hindi ko mapigilang malulong.

At yun ang mahalin si Belle Silva.

"Kendrick? Tapos ka na ba? Isasabay ko na kasi yan sa letter nila Ma'am Aly."


"Oo tapos na, salamat Sheena. Don't worry I'm going to visit you guys, regularly."


"Sus! Siguraduhin mong bisita ka lang ah, wag yung mag papa admit ka ulit." Humalakhak ang kaibigan ko at ang iba pang kasama ko dito sa rehab.

One of my routine in rehab aside from the activities that they've presented is to write letters for Belle. Oo alam ko. Heto na naman ako at nagpapaka martir. Sinabi ko na dati na talo na ako. Na nakawala na siya sa akin. Pero isa sa mga natutunan ko dito sa rehab ay wag sumuko. Kaya naman heto ako, martir na naman sa isang babaeng milya milya ang layo sa akin.

Walang araw sa loob nang isang taon mahigpit kong pagkaka rehab ang nilagpasan kong hindi nagsu- sulat sa kanya. Bawal ang gadgets kaya kahit e-mail o tawag ay hindi ko magawa. Ni hindi nga ako sigurado kung tama ang nakuha kong address kay Justin o hindi.


"Basta Kendrick ah, wag mo kaming kalimutang bisitahin dito. At balitaan kung ano na nangyari sa inyo ng babaeng lagi mong sinusulatan."

Tumango ako at ngumiti sa kanilang lahat. Kahit na isang linggo na lang ang itatagal ko dito ay ginagawa ko pa din ang mga nakasanayan na. Katulad na lang ng papapadala ng sulat.

"Sana sa susunod na dumalaw ka din Ken, asawa mo na yang pinopormahan mo."

Nakisabay ako sa mga tawa nila.

Sana nga.

~~

Pero kahit anong dami nang sulat ko na ipinadala sa address na ibinigay sa akin ni Justin ay ni isa wala sa aking bumalik.

Hindi man lang siya sa akin sumagot.

Matapos ang isang taon ay natapos ko ang term ko sa rehab. Nag balik aral ulit ako. Inayos ko ang gusot ko kay Mama. Nagkasama sama ulit kami nang mga kapatid ko.

Nilibang ko ang sarili ko sa pag-aaral. Kumuha pa ulit ako nang panibagong kurso matapos maka graduate para lang mai-ahon ko muli ang nalugi naming kumpanya. Napatawad ko na din si papa at sinasamahan ang mga kapatid ko na bisitahin siya sa kulungan kung makakuha nang oras. Oo, nakulong siya dahil sa mga business partners na nag-akusa sa kanyang mandaraya.

Naging matagumpay ang mga unang taon nang panibagong bangkong itinatatag ko. I didn't stop working hard and striving for the best. Naging lakas ko ang pag-asang balang araw pag nagkita ulit kami ni Belle ay may mapapatunayan na ako.

Na hindi na ako ang dating Kendrick na mahina at patapon ang buhay.

Marami akong naririnig na balita na naging successful na din siya sa ibang bansa. Siya na daw ang naghahawak ng entertainment company ng dad niya doon. Pero hanggang dun na lang yung alam ko. Tiniis kong hindi makarinig ng kahit anong balita sa kanya. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka sundan ko na siya agad sa ibang bansa. Pitong taon mahigit ang tiniis ko.

Pitong taon ang tiniis kong wala siya sa piling ko.

D-amn.

Nang may na schedule akong business meeting sa may Baguio ay hindi na ako tumanggi. Nag babalak kasi ako na kausapin ang investor na i-meet ko para maging business partner sa itatayo kong panibagong kumpanya.


"Sir, ilan po ang gusto niyong additional body guard na sumama bukod sa amin ni Tony?"


Itinupi ko ang death threat na hawak ko at napabuntong hininga. Pang lima na 'to sa linggong 'to.

"Wag na, Baguio lang naman."

Mukhang na-alibad baran si Brandon sa pagtanggi kong mag dagdag pa ng mga body guards. Simula ng makatanggap ako ng balitang nakatakas daw si Ash Fernandez sa kulungan ay nagsimula na din akong makatanggap ng mga ganitong death threats sa opisina at sa bahay, kaya hindi na kami nagduda na siya nga ang nagpapadala. Lalo na at malaki ang galit niya sa akin dahil sa pagkanta ko sa mga pulis noon.

"Sir, hindi po pwede. Pang limang death threat na po yang natanggap niyo ngayong linggo. Magsama po tayo kahit lima o sampu para makasigurado."

Iniligay ko ang papel kasama ng apat pang nauna at nagsimulang asikasuhin ang mga naiwan ko pang trabaho sa lamesa.

"Relax, man. Chill. Walang mangyayari sa akin, isang linggong bakasyon lang 'to."


"Pero sir----"


Isang tingin ko lang ay napahinto na siya. "I'm still the boss here. Do what I tell you to do. Makakaalis na kayo," Napailing na lang siya at umalis na kasama si Tony at ang iba pang miyembro ng security ko.

Kung sila nag-alala sa pwedeng gawin sa akin ni Ash, pwes ako hindi.

Wala yang si Ash. He's pure talk s-ht. He can't do his threat. No. Not with me handling, his family's fortune by the neck. Sa susunod na linggo ibebenta na sa akin ang mga titulo ng lupain nila sa Montego. Ako na lang ang pag-asa nila para maisalba ang ekta-ektarya nilang plantation doon.


For the rest of the week, wala naman na akong natanggap galing kay Ash kaya natuloy akong papuntang Baguio. Pumunta ako doon ilang araw bago ang napag-usapan. Buti na nga lang at ginawa ko yun dahil may paparating palang bagyo. Mas maigi na'to dahil pahirapan kung sakaling mag drive sa matarik na daan papunta dito.

Ginamit ko din ang panahon yun para makapag pahinga. Ngayon na lang kasi ako ulit nakalabas nang opisina.

"Kendrick?"

I decided to go to the market to buy something for my employees pag balik ko sa Manila. Hindi ko naman inaasahan na sa pag-iikot ko ay makita ko ang dating kaibigan.

"Jade?"

Gulat na gulat siya at mukhang hindi siya makapaniwalang buhay pa ako. Agad ko siyang niyakap at tinapik sa ulo. Wala pa din siyang ipinagbabago.

"Kendrick! Long time no see! Anong ginagawa mo dito sa Baguio?"



"Business meeting lang Jade, kayo?"


Pumalakpak siya at inilagay ang kamay niya sa braso ko. "We're here for the wedding tomorrow! Tamang-tama! Wait, are you free? Sumama ka na muna sa akin sa rest house for sure matutuwa si Justin pag nakita ka na nun! Let's have dinner!"

Dahil wala naman akong gagawin buong araw at bukas pa naman ang meeting ko sa investor ay sumama na ako kay Jade. Pitong taon na din naman nang huli kong makita si Justin, gusto kong makita kung tumino na ba ang kaibigan ko o hindi pa.

"Kamusta ka na? My gosh! Ken, 7 years tayong hindi nagkita! Kamusta na si Gem? May anak na ba kayo?!"

Tuloy tuloy niyang tanong sa akin habang papunta kami sa kotse. Nakita kong lahat ng security ko na nagkalat sa paligid ay nag simula ng sumunod sa amin. Pero sumenyas na ako kay Brandon para wag na nila akong sundan. Sila Jade lang naman etong kasama ko.


"Uy Ken, security mo ba yun? Bakit ang dami? Big time ah!"

Ngumisi lang ako at nagsawalang bahala. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Kung nandito sila ni Justin may posibilad kayang nandito din si...

"Ay balik tayo sa tanong ko, Kamusta na kayo ni Gem? To tell you the truth nagtampo talaga ako sa inyo. You disappear suddenly! Kung magtatanan pala kayo sana ipinaalam niyo naman sa akin hindi ba?" pabiro niyang sinabi sa akin.

Umiling lang ako at pumasok na din sa kotse. Wala siyang driver kaya nag-alok na lang ako, na ako na ang mag drive sa amin at ituro na lang niya ang daan. Pero katulad ng pagkaka-alala ko dito ay matigas pa din ang ulo at hindi nagpapatalo. Kaya sa huli, umupo na lang ako sa likod. "No. We broke up Jade. Okay naman si Gem. " Malamig kong sabi. Hindi ko naman sinasadya ang tono ko. Pitong taon na din lumipas at nasanay na ako sa tonong ginagamit ko sa opisina.

Nanlaki ang mata niya at napasipol siya. Alam ko na yan ang magiging reaksyon niya kapag narining niya yun galing sa akin. Hindi na ako magtataka kung yun ang inisip nila dahil nung huling pagkikita namin sa isla ni Gem ay kami pa.

Pero...teka...wag mong sabihin yun din ang iniisip ni Belle?

Imposible.

Sa lahat nang sulat kong ipinadala sa kanya, imposible niya yung isipin.

"Oh, that sucks. Akala nga namin kasal na kayo. Kasi ang dali mong iniwan si Belle noon para kay Gem 'di ba?"

Fck.

Nanigas ako sa kinauupuan ko. At Itinago ang pagpintig nang panga ko sa sinabi niya. Hindi na dapat ako sumama. Walag preno ang mga bibig nang mga babae.


"We're here. Oh by the way, ikakasal na pala kami ni Justin. Buti na lang at nakita kita ulit. Invited ka ha,"

"Sure," Umaambon pagkababa namin sa sasakyan. "Bukas na ba ang kasal ninyo?" Tumambad sa amin ang isang malaki at lumang bahay.Hindi ko alam kung saang parte ito ng Baguio. Pero malapit lang ata sa The Mansion at madami namang dumadaang taxi kaya hindi na ako nangamba paano umuwi mamaya.

"Nope. Wait, ano nga pala ang kina-aabalahan mo Kendrick? I heard about your bank years ago, I am sorry for that loss,"Pumasok na kami sa rest house nila. Walang tao doon bukod sa maraming kalat ng mga batang laruan sa may sala.

"I own several companies now, kaya nakabawi naman ang pamilya namin." Simpleng sabi ko sa kanya at pinuntahan ang mga laruan yun. Pambabaeng mga laruan dahil maraming manika na nakakalat.


"May anak ka na Jade?" Nakangisi ko pang tanong sa kanya. Sumipol ako. Aba't parang hindi pa din nagbabago si Justin ah, ang bilis dumiskarte.

"Oh my Gosh! Ano ka ba Ken!" Sabi niya habang humahalakhak. Lumibot muna ako sa sala nila bago umupo sa sofa. Hindi lang mga laruan ang nagkalat kung hindi pati na din mga drawing nang bata. "Hindi yan sa akin. Kay Serendipity yan yung anak ni----"

"Tita Jade!!!"

Napalingon ako sa may pintuan dahil sa boses na narinig ko.

Mag pi-pitong gulang lang siguro ang batang babae. Hindi ako sigurado pero may pakiramdam akong ganun lang ang edad ng bata. Morena siya at kulot ang buhok. Para siyang manikang naglalakad. May kasunod din siyang isang binatang lalaki na mukhang pamilyar. Hindi ko lang alam saan ko siya nakita. Pero hindi katulad ng kasama niyang batang babae na puno ng buhay at puro ngiti may hindi tama sa binata.

Lumapit silang dalawa kay Jade pero yung batang babae lang ang biglang yumakap at humalik sa pisngi ng tita niya. Natutuwa akong panoorin ang bata. She reminds me of someone I know.


I tried to approach the litte girl but Jade hides her from my view. "Baby wag ka masyadong makulit sa tita Jade mo. Lika----"

Hindi pa ako nakakaproseso ng magandang dahilan kung bakit ginawa yun ni Jade at itinago sa likuran niya ang batang babae, ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Yung boses na hindi ako pinapatulog sa gabi.

The moment I see her...everything just fades into the background. Tuluyan ng naglaho ang lahat.

Nakatayo siya dun, nakauwang ang bibig at nanalalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

Hindi mawala ang titig ko sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Minsan pumapasok sa isip ko na pwede pa lang magmahal nang ganito katagal...nang ganito katindi.

Pitong taon at walang nagbago. Siya pa din. Fck. Walang nabawas. Mas lalo pa yatang dumagdag.


Bakit nga ba ako nahulog sa babaeng 'to? Sa babaeng walang ginawa kung hindi saktan ako nang paulit ulit? Bakit sa dinami dami nang pwedeng magustuhan ay sa babae pang walang ginawa kung hindi sirain ang katinuaan ko sa palaging pang-iiwan niya?

Bakit siya pa?

Ipinikit ko ang mata ko at huminga nang malalim

Pagkamulat ko ay nandon pa din siya sa harapan ko at nakatitig.

Hindi nga ito isang panaginip. Nasa harapan ko na nga si Belle Silva.

"Kendrick..."

Nanginig ang kalamnan ko nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko. F-ck ilang taon ko din yan pinagarap na marinig ulit. Ilang gabi ko yan pinaniginipan.

Yung mga paa ko parang naging bakal sa bigat at dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Tumigil lang ako nang magkatapatan na kami. Nawala lahat nang bagay sa paligid at tanging siya lang ang nakikita ko.

Parang bumalik ako sa pinaka unang beses na nakita ko siya sa club. Yung hindi ko pa siya kilala. Yung hindi ko pa alam ang pangalan niya. Yung gabing wala akong kaalam alam na magiging isa siya sa pinakamalaking parte nang buhay ko... na siya pala ang magiging buhay ko.


Hindi natinag ang titigan namin sa isa't isa. Sht. Kahit habang buhay pa ako dito nakatayo at pagmamasdan lang ang maamo niyang mukha gagawin ko.

She's still the same woman I loved seven years ago. Ang sikip sa dib-dib tingnan siyang nakatayo sa harapan ko. F-ck yung puso ko nagsimula na namang maghuhurumentado. Bumabaliktad ang lahat nang laman sa tiyan ko at namumuoo na ang malamig na pawis ko sa noo.

Baliw. Oo. Mas nabaliw ako sa kanya ngayon.

Napakarami kong gustong sabihin at itanong sa kanya pero ni isa walang lumabas sa bibig ko. Umurong ang dila ko at natakot ako. Sa loob ba nang pitong taon may ipinalit na kaya siya sa akin? Naging sila ba talaga ni Reed?

F-ck!

Pero...imposible. Yung paraan nang pagtitig niya sa akin...sht! She still loves me! I knew it! She still loves me!

"What are you doing here?" Biglang nabasag ang lahat ng pag-asa kong mahal niya pa din ako ng sabihin niya yun gamit ang napakalamig niyang boses. Hindi niya ako hinintay sumagot at bumaling kay Jade na agad na pumunta sa may likuran ko. "What's the meaning of this, Jade?"

Umiling ako at napangisi.

Wala pa ding nagbabago. Masungit pa din siya.

"I saw Ken kanina e, so I invited him for dinner,"

"You did what?" Mabilis siyang naglakad papalayo sa akin at parang nawala ang kalahati nang katauhan ko nang gawin niya yun. I will never let her go this time. Kung kailangan ko siyang suyuin ulit araw-araw ay gagawin ko.

"Belle,"

Nakatalikod na siya sa akin kaya hindi ko nakita ang reaksyon niya pero sigurado ako...nakita ko...naramdaman ko...naapektuhan din siya sa sinabi ko.

Nakataas na ang kilay niya at nakasimangot ng humarap siya ulit sa akin.

D-amn. Muntik ko nang maalimutan kung gaano kapula ang labi niya.


"Don't call me that. And I think you should leave. It's getting late. Maabutan ka pa nang bagyo." Hindi ako nag focus sa mga sinasabi niya o gaano kalamig ang boses niya, nag focus lang sa paggalaw ng labi niya habang nagsasalita siya.

"Kendrick! Nakikinig ka ba?!"

Iniwas ko ang mga mata ko sa nakakapang-akit na labi niya at napangisi na lang. D-amn this woman! After seven years! Hindi pa din nawawala ang pagka humaling ko sa kanya! "K-ken..ano na?"

Nawala na lahat ng rason na nasa utak ko kung bakit kailangan kong magpigil at tuluyan ko ng tinanggal ang distansya namin sa bawat isa.

Wala akong paki kung may nanonood sa amin. Hindi ko nga alam kung may paki pa ako na ngayon lang kami ulit nagkita sa mahabang panahon. Wala akong paki. Basta gusto ko lang malapit ang buong pagkatao ko sa kanya.


"Yes?" bulong ko. Konti na lang...konti na lang at mararamdaman ko na ang malambot na labi niya. Isang galaw ko lang papalapit sa kanya ay magagawa ko na siyang halikan. Magagawa ko na din maramdaman kung paano mabuhay.

"What do you want to say to me Belle?" Hinang hina na ako. Hindi ko na napigilan na haplusin ang malambot na pisngi niya. D-amn. Pitong taon na paghihintay.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam. Pero fck nalulunod na ako sa gulat na titig niya. Nahihilo din ako sa bawat paghinga niya. Nanginginig sa bawat pagpikit ng mga mata niya. F-ck. I'm still totally... and irrevocably in love with this heartless woman.


"I...I s-said you should leave."

Para siyang napaso sa haplos ko ng bigla niya akong itinulak papalayo at sumimangot.

Fck naman. Hindi makatarungan 'to. Pati yung pagsimangot niya nakakapang-akit.

Illegal na ang ginagawa niya sa katinuaan ko.

Huminga ako ng malalim, kailangan ko mag pigil. Hindi pwedeng sunggaban at halikan ko na lang siya basta-basta. Tiningan ko ang kamay niya. Walang wedding ring, kaya naman nakahinga ako ng maayos. Wala palang narating silang dalawa ni Reed.

"Tita sino yung lalaki?"

Napalingon ako bigla sa batang babae...kay Serendipity. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

Lumuhod ako sa harapan niya para lang maka-usap ko siya nang maayos. Nagtatago kasi siya sa likod ni Jade. "Hi, ako nga pala si Tito Kendrick mo."

Tumawa nang malakas ang bata at lumapit sa akin. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Hi po, my name is Serendipity soon to be De la Torre! Nice to meet you Tito Kendrick!" Nagulat ako nang hindi niya pansinin ang nakalahad kong kamay at bigla niya na lang akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Sweet nang batang 'to. Kung ako ang tatay nito baka paglaki niya ay bantay sarado ito sa akin. Wala akong papalapiting ni-isang manliligaw.

Tumawa ulit siya sa akin. Yung binatang kasama niya, pinagmasdan lang kami na parang mga nasisiraan ng bait. Naaalala ko ang sarili ko sa kanya. Ganun din ako katahimik dati.

Napatingin ako kay Belle at nakita siyang namumutla at nakatingin sa aming dalawa. May probelma ba sa ginawa ko?

"Dela Torre?"

Teka Dela Torre ba ang sinabi niya?

Tumingala ako kay Jade nang bigla nitong hilain si Serendipity papalayo sa akin. Dela Torre? Nagkatuluyan pala sila Glorie at Nico? O sa kanila 'to ni Justin? Pero bakit Dela Torre at hindi Enrique?

"Is this Glorie's daughter?" Tanong ko sa kanilang dalawa ni Belle.

Mukhang na-aalarma silang dalawa pero hindi ko alam kung bakit. "Sht! Kendrick, let's talk!"Hinigit ako bigla ni Belle. "Jade, don't disturb us okay?" Nilingon ko si Jade na abot tenga din ang ngiti katulad ko. "Usap lang ha,"

Umiling ako kay Jade. Sana makapagpigil ako ng matino para hanggang sa pag-uusap lang talaga ang maabot naming dalawa. Kung heto nga lang na hawak niya ang kamay ko ay parang gusto ng kumawala ng demonyo ko sa katawan ano pa kaya pag naiwan kaming dalawa?

Bago pa mawala kami sa corridor ay kinindatan ko ang batang babae at sinabi ko na mamaya na lang ulit. Swerte ang tatay nito sa kanya. Mabait at parang si Belle.

Sa pinaka dulong kwarto niya ako dinala. Hanggang ngayon hindi pa din napapawi ang ngiti ko. Iba talaga ang epekto ng kahit ang simpleng paghawak niya sa kamay ko.

Halos mapunit ang mukha ko sa kakangiti, habang pinapanood ko siyang isinisirado ang pinto. Pero ng ma-ilock na niya ito ay bigla siyang humarap sa akin at walang ano-ano ay sinampal niya ako.

What the?!

Awtomatikong napalagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang braso niya para hindi niya na ulit yun magawa sa akin. "Sht! Paano mo ako nasundan dito? Are you stalking me?! My god Kendrick! Ano ba yan! Kakauwi ko lang sa Pilipinas at ikaw ka agad ang nakita ko!" sigaw niya sabay hawi sa dalawang kamay ko. Pero hindi ako nagpatinag. Tinanggap ko ang lahat ng sampal at hampas na ibinibigay niya sa akin.

Puno ng galit ang mga mata niya at may tumutulo na ding luha dito.

"Walangya ka! Matapos mo ako iwanan ganun-ganun lang, bigla kang susulpot?! Seven years! Jeez! Pitong taon walang balita tapos ngayon ka pa sumulpot! Sht!"Hinampas hampas niya ako nang paulit-ulit. "Ano? Kamusta na kayo ni Gem? Fck! Kendrick! Bakit ka pa bumalik!"

Anong sinasabi niya? Nagpaliwanag na ako sa mga sulat na ipinadala ko sa kanya noon! Siya nga 'tong hindi man lang sumagot at nagparamdam!


"What? Tell me! Hindi mo man lang i-dedeny? Ano? Magsalita ka!"

I don't know what to say. I've been dreaming for this moment for the last seven years. I am expecting that we will have a happy reuninon. Not this. I don't understand.

"Tsk."

Sinampal niya ulit ako. Pero imbes na mainis ay mas lalo pa akong nahulog sa patibong niya. Call me crazy, but F-ck! I miss the feeling of her hands on my face! "F-ck ken! Yan lang ang maisasagot mo sa akin? Tsk?! What the hell?" Binitiwan ko siya. Galit na galit pa din siya at mas lalong bumilis ang pag hinga niya dahil sa pagsisigaw niya sa akin.

F-ck me. This woman is perfect. And fck me. I am getting my woman back tonight.

"You know what? I think you should leave. I'm getting ma---" Itutulak niya sana ako muli pero hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at bumaling ulit sa kanya...hinigit ang braso niyang nakahawak sa dib-dib ko...at hinalikan siya.

Nawalan ka agad ako ng hininga pag dampi palang ng labi ko sa kanya. Uhaw ako. Nauuhaw ako sa pakiramdam na'to. I fcking miss this feeling. I fcking miss her...

The moment I feel her lips against mine is the moment I knew that without her, I can't continue on living. I love her so much that it hurts. But I can't stop. I don't want to stop. Because I know, this is the only thing that can make me happy. Being with her. Kissing her like this. Holding her. Loving her. That's the meaing of happiness for me.

And I don't fcking know how I can survive another fcking seven years without her.

Wala na akong paki kung bakit siya nagagalit sa akin. Wala na din akong paki kung bakit hindi siya sumagot sa mga sulat ko o bakit hindi man lang siya sa akin nagparamdam. Matagal ko na din siyang pinatawad sa hindi paghintay sa akin at sa pagtakbo niya. Matagal ko na siyang pinatawad sa panloloko niya sa akin dati.

Ngayong gabi wala na akong paki sa mga detalye. I just want to make up for the lost time.

Tonight I'll make up for the past seven years that were lost to us.

Tonight I'll show her, how much I love her.

I will make love to her. Hanggang sa makaya niyang aminin na kahit kalian hindi din siya tumigil sa pagmamahal sa akin.

~~

"I bought us a home..."

Pinagmasdan ko ang pagod niyang mga mata. D-amn. Inabot na kami ng madaling araw. Tumila na ang ulan sa labas ng makatapos kami.

I think, I am the luckiest man alive. Kahit ano pang problema at hirap na nadanas namin noon ay parang bulang naglaho lang dahil sa pagpikit ng mga mata niya.

Pero ang hindi ko lang talaga alam ay kung...iiwan at sasaktan niya ulit ako...makakaya ko pa. Kung makakaya pang matanggal yun ng pagpikit niya lang.

Agad kong itinapon ang idea na yun sa utak ko. No. Hindi ko hahayaan na masira ng mga ganyang idea ang gabi naming dalawa.

"Ano ulit y-yung binili mo?"

I smiled at her when she looked at me. "Ang sabi ko, bumili na ako ng bahay para sa ating dalawa," Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko ng araw na yun pero ng makita ko ang bahay na yun ay siya agad ang naisip ko.

"B-bakit mo ginawa yun?"

Mas hinigpitan ko ang pagkayakap ko sa kanya at hinaplos ang napaka kinis niyang kutis. I never thought that this will happen again after so many years. Buong akala ko hindi niya isusuko ang sarili niya sa akin. Na hindi na siya nagtitiwala sa akin.

Last night was the best night of my life. Bukod pa ito sa gabing nalaman kong mahal niya din ako.

"Ken?"


Hinalikan ko siya sa noo. "Are you happy?Yun ang unang binili ko sa sweldo ko. Pagkakita ko palang sa bahay ikaw ka agad ang naisip ko tapos---"


Nagulat ako ng napa-upo siya at gamit ang bed sheet ay tinakpan niya ang sarili niya.

"W-why?" rinig na rinig ko ang basag niyang boses at pangi-nginig ng labi niya. Fck! May nasabi ba akong masama?

Umupo na din ako at ikinulong ang mala-anghel na mukha niya sa dalawang palad ko. Habang nakatitig ako sa mga mata niya, hindi ko maiwasang isipin ang kinabukasan naming dalawa.

"Hindi ka ba masaya? Sorry nanguna ako..."


"No...hindi iyon."

"Bakit malungkot ka?"

Umiling siya at nagbigay ng isang mapait na ngiti.

"Why do you have to be so perfect?"

Naguguluhan ako sa mga aksyon niya pero hindi ko na ito binigyan ng pansin. Nalululong na kasi ako sa paghimas niya sa palad kong nakadikit sa pisngi niya.

Nang kagatin niya ang mapulang labi niya para mapigilan ito sa panginginig ay hindi na naman ako nakapagpigil at inatake ito ng halik. D-amn. Lasing na lasing na talaga ako. "No. I am not perfect Belle. I am an imperfect person...loving a perfect girl like you."

Nang sabihin ko ito sa kanya, may mga takas na luha na bumaybay sa pisngi niya. Lumapit ako at isa-isa itong halikan para lang mawala. Pati ako nanginginig na ang buong kalamnan sa sobrang lapit naming dalawa.

I don't want to see her cry. Kahit na ba iyak yun sa sobrang tuwa ay hindi ko makakaya.

"Don't cry love. You don't fcking know how I feel everytime I see you crying because of me. Baliw na baliw na ako sa'yo. Wag mo ng pahirapan ang buhay ko at baliwin mo na naman sa mga luha mo," malambing kong sabi pero miski ako ay bibigay na din yata. Masyado niyang pinipiga ang puso ko.

"I love you..."

Kahit na hindi siya sa aking sumagot ay ramdam ko na mahal niya din ako. Hinalikan ko ulit siya sa pinaka dulo ng labi niya bago ako tumayo. Binilisan ko ang galaw ko dahil kahit isang segundo ayokong malayo sa kanya. Agad kong kinuha sa bulsa ng pantaloon ko ang palagi kong dalang velvet box at bumalik sa higaan namin.

"Belle..." sabi ko sabay lahad ng velvet box sa palad niya. Binuksan ko ito at kitang kita ko ang gulat sa mukha niya.


"A-ano 'to?"


Kinuha ko ang sing-sing na may ruby sa box at inilagay ito sa palasing-singan niya. Natatandaan ko pula kasi ang paborito niyang kulay kaya ng makita ko ito sa istante ay agad ko itong binili. "Please. I want to give this to you years ago. Remember? Nag-propose din ako sa'yo noon pero wala akong singsing na ibinigay. Simula ng umalis ka, bukod sa bahay ito ang una kong binili. Araw-araw ko 'tong dala para lang ipa-alala sa akin na kapag nagkita ulit tayo ay kaya ko ng ibigay sa'yo 'to." Pinunasan ko muli ang pisngi niya ng magsimula na naman siyang umiyak.


"Ken, listen to me. May sasabihin ako sa'yo. May kailangan kang malaman,"


Umiling ako at pinigilan ang kahit ano pang sasabihin niya ng halik. Wala na akong kailangan malaman bukod sa dalawang bagay na kailangan kong marinig mula sa bibig niya.


"Dalawa lang ang gusto kong malaman Belle,"

Tumingin siya sa akin. At humigpit ang hawak sa mga braso ko. Ako naman ay ipinagdikit ang mga noo namin para matingnan siya ng diretso sa mga mata. I need...I need to know her answers... kailangan kong makasigurado na totoo ang mga isa-isagot niya sa akin.

"Mahal mo ba ako?"

Napakagat na naman siya sa labi niya. "O-oo...so-sobra..."

Sa sagot niyang yun ay mas piniga na ng tuluyan ang puso ko. Wala na. Tama nga ako dati. Talo na ako. Dahil hawak na niya ang buong pagkatao ko.


"Ano...ano pa ang gusto mong malaman sa akin?"

Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at huminga ng malalim.

"Ma. Isabelle Asuncion Silva...Will you marry me?"

~~

Malamig na ang kama pagkagising ko.

"Belle?"

Syempre hindi pa din naman naalis ang napaka-laking ngiting nakaplastar sa mukha ko .. I'm fcking happy about what happened last night. Siguro nga mapag-laro ang tadhana at pinagtagpo ulit kami ng mahal ko. Siguro nga ito na yung hiningi kong katahimikan sa buhay.

Tumayo na ako at tiningnan ang orasan na nakalagay sa table sa tabi ng kama. Sht! 10 am na?

Tumingin ako sa bintana at nakita kong maaraw na at walang bakas ng ulan kagabi. Where's Belle? Maaga kaya siyang nagising para maghanda ng agahan naming dalawa?

Napailing ako at napangisi sa sarili ko. Nah, hindi ganun si Belle. Hindi yun marunong magluto. Agad kong hinanap ang damit kong nakakalat sa lapag. Pati na din ang velvet box ko kagabi. Mabuti pa sigurong sundan ko siya sa kusina at ako na mismo ang magluto ng agahan naming dalawa.

Pagkalabas ko sa kwarto ay nagtaka ako at walang katao-tao. Ni yung mga laruan ni Serendipity na naka-kalat kagabi ay wala na din. Para ngang walang nakatira ditong tao.

What the hell is going on?

Lumibot ako sa buong bahay, pero wala akong nakitang tao. Miski gamit ay wala na. Hinanap ko kung nasaan ang kusina at nadatnan din na wala na ding tao dito. Kinabahan na ako...fcuk!

Nilibot ko ang buong kusina pero wala akong nakita doon bukod sa nag-iisang inivitation na nakalagay sa may lamesa. Lumapit ako dito at kinuha ito. Hindi ko pa nababasa ay bigla na lang may nahulog mula rito. Nang tingnan ko kung ano ito para pulutin ay halos magwala na ako sa nakita ko.

Yung sing-sing na ibinigay ko kay Belle kagabi.

Yung sing-sing na tinanggap niya.

Nanginginig ang kamay na binasa ko ang hawak kong invitation. Wedding inivitation yun.

Wedding invitation sa kasal ni Nico Dela Torre at isang babaeng nagngangalang Isabelle Silva.

Parang gumuho ang buuong mundo ko ng matapos kong basahin ang invitation. Nabitawan ko ang invitation at nagtatakbo sa labas. Tinakbo ko papalabas sa garahe nila hanggang sa highway para mag-abang ng Taxi. Walang tumatakbo sa isipan ko kung hindi nagkamali lang ang pangalan na nailagay doon sa invitation ni Belle.

Hindi pwede ang Belle ko ang ikakasal ngayong araw. Hindi pwede siyang ikasal kay Nico. Hindi...Hindi pwede....

Halos wala nang maitibok ang puso ko, pagdating doon sa nag-iisang simbahan malapit sa Rest house. Madaming nagkwe-kwentuhang tao sa labas pero hindi ko sila inasikasao. Dumeretso ka agad ako sa babaeng mukhang punong tagapamahala.

"Miss? Pwede po bang magtanong?"

Siguro nakita niya na ang desperasyon sa mukha ko kaya hindi niya na ako tinanong kung sino ako.

"Yes sir?"


"K-kasal po ba'to ni Isabelle Silva?"

Halos Hindi na ako makasalita ng maayos sa bara sa lalamuna ko. Hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. F-ck! F-ck! Belle! Totoo ba talaga?! Totoo ba talagang ikakasala ka na?

"Yes sir. Kaano ano po kayo ng bride?"

Wala na...huli na ba talaga ako? Parang unti-unti itong gumuguho ang mundo ko sa harapan ko.

I love her. I f-cking love her! I f-cking proposed to her last night! Alam kog mahal niya ako! Hindi siya pwedeng ikasal!

"Miss, please. Where is she?" Napapikit na lang ako ng mga mata ko at napakapit sa babae. Para akong nasusuka sa nalaman kong balita.


"Sir?"


"WHERE IS SHE!"

Wala akong paki kung natakot ko ang babae. Hindi pa nagsisimula ang kasal pwede ko pa itong pigilan. Tinuro niya sa akin ang isang tent na nakatayo malapit sa simbahan. Madami ngang tao ang naka-abang dito kaya tumakbo ka agad ako papunta doon.

Walang kapantay na panlulumo at kaba ang nararamdaman ko.

Alam ko... naniniwala akong sasama sa akin si Belle. Mahal niya ako. Alam kong mahal niya ako.


"Belle!"

Pagkapasok ko sa tent na pinaghahandaan nila, halos lahat ng taong nandun ay nagulat sa pagpasok ko.

Madaming pamilyar na mukha katulad nila Jade, Justin, Glorie at sila Jesse at Leo ang nandun sa loob. Pero para lang silang anino. Buong atensyon ko ay na kay Belle. Sa babaeng nakasuot na ng puting trajedeboda na nakatitig sa akin.

She's wearing a long white and detailed gown. Kinilabutan ako. Ganito ang naiisip kong itsura niya sa kasal naming dalawa. Hindi sa kasal na'to o ng kanino man. Sa aming dalawa.

Sumugod ako sa kinatatayuan niya. Kahit na hinarang na ako nila Justin at ng iba pa ay hindi ako nagpatinag at itinulak sila papalayo. Wala akong makita kung hindi siya lang. Siya lang naman ang imporatnetng ipinunta ko dito at hindi sila.

Nang marating ko siya ay ngumiti ako at hinawakan na ang kanyang kamay para maitakas na siya dito. Pero halos magwala ang puso ko ng hindi siya sa akin sumunod.

"Lika na Belle. You don't have to do this. I know you don't love Nico. Alam ko ako lang ang mahal mo..."

Nagsimula na naman siyang umiyak. BAKIT? Bakit palagi na lang siyang umiiyak? Hindi ba't dapat maging Masaya siya dahil itatakas ko siya sa kasal na ayaw niya?


"I am so sorry Kendrick," humagulgol siya sa harapan ko at ipinilit niyang alisin ang pagkakahawak ko sa kanya.

Wala akong maintindihan. Anong ibig sabihin nito... akala ko ba...

"Belle? Ano...ano ang ibig mong sabihin?"


"I am going to Ma-marry Nico...Kendrick...i-ilang beses ko sa'to to sinukan sa-sabihin kagabi!"

Napasinghap ako. Sa sinabi niyang yun ay ako na mismo ang kusang bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanya.

No

Hindi 'to pwede

Hindi niya pwedeng gawin sa akin 'to


"Belle, napakinggan mo ba ang sinabi ko sayo kagabi? Sinabi kong mahal kita, hindi mo ba narinig yun? "

Humarap na akong tuluyan sa kanya. Hindi to pwede. F-ck! Bakit ang sakit! Fck! Bakit? Anong ginawa kong kasalanan sa mundo at bakit pa 'to nangyari?

"Ken, stop. Naka plano na'to wala nang magagawa ang mga sinasabi mo."

Nanginginig na ako sa galit at sa pagkadimaya. Unti-unti na ding pumatak ang mga luha ko pero pinilit kong kim-kimin ito. Hindi. Hindi maaari Ayokong maniwala. Panaginip lang 'to. Masamang panaginip lang 'to. Hindi 'to pwedeng gawin sa akin ni Belle. Hindi pwede...mahal niya ako

"Wala lang ba yung nangyari kagabi sa'yo?"


"Sorry..."

Napasipa ako sa upuang kahoy na malapit sa akin. Sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko ay natumba ito at nasira. Nilapitan ulit ako nila Justin para hilahin ako papalayo kay Belle. Hindi ko na makontrol ang pag-iyak ko. Tang ina. Tang ina. Minahal ko siya. Tang ina.

Rinig na rinig ko ang pagkawasak ng boses ko. Tang ina! Putang luha! Putang pagmamahal!

"Anong sorry? You said that you love me back! Belle! Lahat ng tao alam na kapag nag sabi ka ng mahal mo ang isang tao ay kinabukasan hindi makikita sa isang simbahan at ikakasal sa ibang lalaki!"

Umiiyak lang siya at tinakpang ang bibig niya. Bukod kila Justin ay wala ng gustong lumapit sa aming dalawa. Mabuti na din siuguro yun dahil wala na ako sa katinuan ko ngayon. "Hindi mo man lang sinabi na ikakasal ka na!"


"Pre, tigil na. Lumabas muna tayo at---"

Sinuntok ko si Justin. Bwisit! Putang ina! Ang sakit! Ang sakit-sakit ng ginawa niya sa akin!

"Bitawan mo ako!"Kumawala ako sa pagkakayapos ng mga lalaking nagpipigil sa akin. Nagwawala na ako. Oo , alam ko. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Bakit? Bakit Belle?

"Ano na Belle? Hindi man lang sumagi sayo na sabihin sa akin ang tungkol dito?!"

Lumapit ulit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso para pilitin siyang tingnan ako. Pero may isang kamay ang pumigil sa akin at itinulak akong papalayo kay Belle.

"Dude. Go away. Belle and I will be married and you can't do anything about it."

Ng makita ko ang mukha ni Nico na tumambad sa harapan ko ay wala na akong nakita kung hindi puro pula. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na suntukin siya. Fck! "Wala kang karapatan! Hayup ka! Ikaw ang unang nanakit sa kanya!" Sumalampak siya sa sahig. Kitang kita ang dugo sa labi at sa ilong niya. Kulang pa yan...kulang pa yan!

Aambang na sana ako para higitin ang kwelyo niya para pilitin siyang tumayo at lumaban, nang si Belle mismo ang sumugod at hilain ako papalayo sa putang inang fiancée niya.

"Ano ba! Kendrick umalis ka na!"

Nagkalat na ang mascara sa mukha ni Belle at gulo gulo na din ang buhok niya. Patuloy siya sa pag luha katulad ko at hindi ko alam kung anong mas masakit. Kung ito bang nangyayari sa aming dalawa o ang makita na naman siyang umiiyak ng dahil sa akin.

Huminga ako ng malalim at pininusan ang luha na nanggaling sa mata ko.

"Belle---" Nag mulat ako ng mata at nagsimula na naman lumapit sa kanya. Kailangan ko siyang itakas dito. Kailangan naming mag-usap.

"Umuwi ka na! Ano ba!" Itinulak niya ako papalayo

"Tang-ina naman Belle! Ginawa ko na ang lahat para sayo! Binago ko ang buhay ko! Nagpakatino na ako! Binalikan kita! Putang ina naman! Minahal mo ba talaga ako!?"

Hindi niya ako sinagot at nanginginig na itinutulak ako papalayo.

"Ano? Ha? Hindi? Oo? Tang-ina sumagot ka!"

Nang hindi pa din siya sumagot nanghina na ako tuluyan at napaluhod na lang ako sa harapan niya. Naawa na ako sa sarili ko sa pag-iyak sa paanan niya pero hindi ko na talaga kaya. Pagod na pagod na ako...tang ina.

"Please Belle...hindi ba pwedeng wag mo na lang ituloy? Akin ka na lang ulit...wag na siya...please..."Tumingala ako sa kanya. Hindi ko makakayanan pag nawala pa siya sa akin. Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi pwede....

Nanginginig ang mga kamay niya na hinawakan ako sa balikat at pinilit na itayo. Pero ako...ako hindi ako bumitaw...kumapit ako sa may binti niya at doon umiyak at nagmakaawang wag na niya ituloy ang kasal.

"KENDRICK TUMAYO KA NA DIYAN! TUMIGIL KA NA!"


"Please...umalis na tayo dito..."


"Kendrick...ako din nakikiusap...umalis ka na..."


"Belle..."


"TUMIGIL KA NA!"

Napatitig ako sa kanya.

Eto ba?

Eto ba talaga ang gusto niya?

Na tumigil na ako?

Na iwanan ko na siya?

Na pakawalan ko siya?

Eto ba talaga ang gusto niya?

Unti-unti akong tumayo.

Ang sakit sakit na.

"Belle...mahal na mahal kita...pero hindi ko na yata kaya..."

Tumalikod ako at tinalikuan ko siya. Tinalikuran ko silang lahat.

Tinalikuran ko ang pangarap ko sa aming dalawa.

Tinalikuran ko ang lahat....at dinala ang pagod na pagmamahal ko papalabas ng kwarto...at papalabas ng buhay niya.

~~

"Nico, do you take Isabelle to be your wedded wife, to live together in marriage? Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live? "

"I do."

Pinunasan ko ang mga luhang taksil na lumabas sa mata ko. Ang tanga ko. Talunan na ako dati hindi pa din ako natuto.

Hindi ko din alam kung bakit hindi pa ako umaalis dito. Kung bakit hindi pa ako tumatakbo papalayo sa kasalang ito. Siguro nga at gusto ko makakita ng ebidensya na wala na talaga siya sa akin. Na kahit kailan simula sa araw na'to mawawala na siya sa akin. At wala na akong magagawa doon.

"Isabelle, do you take Nico, to be your wedded husband to live together in marriage? Do you promise to love him, comfort him, honor and keep him for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health and forsaking all others, be faithful only to him so long as you both shall live?

Ngayon ko lang naintindian ang lahat.

Habang pinagmamasdan ang napaka gandang babae sa may altar naintidiahan ko ang rason kung bakit ako nahulog sa kanya. At kung bakit ako sobrang nasasaktan, ngayong ikakasal na siya sa iba.

Hindi dahil sa maganda siya, hindi dahil sa matalino siya o hindi dahil sa pinupunan niya ang kakulangan sa buhay ko...minahal ko siya dahil siya si Belle silva. Minahal ko ang buong pagkatao niya at hindi ang indibidwal na parte ng katawan niya. Minahal ko siya hindi dahil sa kung ano ang pinapakita niya sa iba, na matatag at palaban kung hindi dahil sa pinapakita niya sa akin kapag kaming dalawa lang.

Minahal ko siya...

Pero ngayon, kailangan ko sigurong tanggapin na hindi talaga siya para sa akin.

Na hindi ko talaga ipilit ang sarili ko sakanya.

Natigilan siya sa tanong ng pari at tumingin sa paligid.

Hanggang sa magtama ang aming mga mata.

Hindi ko sigurado kung nakikita niya pa rin ba ako sa layo ko sa kanya o nakatingin siya sa ibang tao sa direksyon ko... pero kahit na masakit ay pinilit ko pa ding ngumiti sa kanya.

I smiled not because I am happy about what happened to us but I smile to show her, that whatever happens I will continue to love her...kahit na masakit. Kahit na mahirap. Kahit na malayuan.

I told her before that loving her is like breathing. Hindi ako titigil. Hanggang sa huminga pa ako. Hindi ako hihinto sa pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ko tinanggal ang pagkatitig ko sa kanya hanggang sa Ibinaba ko na ang sing-sing na hawak ko sa isa sa mga upuan. At tahimik na umalis na ng simbahan.

I lost her.

Game over.

~~

Siguro dala na din ng kalungkutan ko at hangad na matapos na ang lahat ay hindi ko agad napansin na nakatayo nap ala si Ash Fernandez sa harapan ko. Hindi na ako nagulat na makita siya dito. Nagpapasalamat pa nga ako. Dahil sa dinami dami ng pagkakataon, ngayon niya pa naisipang magpakita.

"Long Time no see pare," Mala demonyo ang ngisi niya ng itinaas niya ang hawak niyang baril at itutok ito sa ulo ko. Hindi ako natakot sa baril na itinutok niya. Hinid ako naglaban. Para saan pa? I already lost the biggest battle in my life. Kahit na iputok niya ang bala, talunan na ako.

Mabilis ang nangyari ang lahat. Wala man lang akong naramdaman. "O, nasaan na ang mga body guards mo? Iniwan ka na? I told you, I'll find you and will kill you. Namiss mo ba ako pre?" Tumawa siya ng malakas habang ako nakatayo lang at tinitingnan lang siya, diretso sa mata.

Let him fire the gun.

Wala naman ng silbi ang buhay ko.

Kasabay nang pagtawa at pagputok nang baril niya, ay ang pagkarinig ko ng pangalan kong isinigaw mula sa likuran.

Sabi nila pag mamatay na daw ang tao, ay mag babalik sa kanya ang lahat nang nakaraan niya.

Mabuti na at isa sa pinaka masasayang memorya ang naalala ko ng mga oras na yun.

~~

Ngumuso siya sa sinabi ko. Sht. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko nang marahas ang kanyang nakangusong labi.


"D-amn woman, wag kang ngunguso ulit kung gusto mo pang makaalis sa kamang 'to."


Hindi alam nang karamihan na ganito kami pag hindi sila nakatingin. May sarili kaming mundong dalawa. Siya lang at ako. Siya lang ang importante sa mundo ko.


"Ikaw kasi, kung ano-ano ang sinasabi mo!" utas niya.


Hinampas niya pa ako sa braso at nagpupumiglas na makawala sa yakap ko. D-amn. Alam kong hindi pa tama ang mag propose sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong alukin siya nang kasal.


Sa tuwing iisipin ko kasi ang hinaharap ko, imposibleng wala doon si Belle. Imposibleng wala siya sa tabi ko.


Alam ko, hindi pa 'to ang tamang panahon. Ga-graduate pa kami nang sabay, mag ta-trabaho at madami pa kaming pagdadaanan bago ko siya masola at maiuwi, pero ayoko nang maghintay. Gusto ko nang makasigurado na wala nang makakaagaw sa kanya. Gusto kong makasigurado na akin lang siya.


"Love, I'm serious. I want to marry you." Sumeryoso ang mukha ko nang hindi siya sa akin sumagot at kagatin lang ang labi niya at tumingin sa akin.Today is our anniversary. Apat na buwan na simula nang sagutin niya ako. At araw-araw nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ibinigay siya sa akin.


"So? Will you marry me, Love?"


Kinakabahan ako. D-amn. Masyado ata ako nagmadali.


Lumapit siya sa akin at dahan-dahang hinalikan. Nanginig ang buong laman ko nang gawin niya yun. Para akong sasabog na hindi ko maintinidihan. Bumaba ang paghalik niya papunta sa panga ko at pumataas naman hanggang makarating sa tenga ko. D-amn this woman. Hindi ko na yata hawak ang katinuan ko. Wala na akong hawak sa buhay ko. Inangkin niya na lahat.


Hinalikan niya muna ang tenga ko bago siya bumulong sa akin. "Okay,"

Para akong nabingi sa narinig ko.


"Okay? Pumapayag ka na? You will marry me?" Napaupo ako at bigla siyang tumawa "Hindi pa naman ngayon, Belle. Syempre sa susunod pa. Ga-graduate pa tayo. Magta trabaho pa ako. Bibili pa ako nang bahay. Sht! Pumapayag ka na?"


Hinawakan niya ang braso ko at hinigit ako pabalik sa pagkakahiga.


"Chill, Love. I'll wait for you. Maghihintay ako but I promise you. I'll marry you,"


Hindi ko na kayang masabi sa kanya kung gaano niya binago ang buhay ko. Kung gaano niya inalipin ang puso ko. Masyado nang sobra ang pagmamahal ko sa kanya para magawa pa sa salita. Sobra pa sa sobra.


When I kissed her, alam ko, hindi ko na kayang magmahal nang iba katulad nang pagmamahal ko sa kanya.


Walang makakapantay sa pagmamahal ko kay Isabelle Silva.


Hindi ako makapaniwala. Hanggang sa huling sandali ng buhay ko dito sa mundo, boses pa din ni Belle na isinisigaw ang pangalan ko ang naririnig ko. Si Belle... sa huling patak nang hininga ko...siya pa din ang mamahalin ko.

Walang makakapigil sa pagmamahal ko sa kanya. Kahit na ang sakit na nararamdaman ko dulot ng tama ng baril. Kahit na yung tumutulong dugo sa napakalaking sugat sa dibdib ko...kahit na ano walang makakapagpapigil sa pagmamahal ko.

Pero...

Hanggang dito na lang ata ako.

Ipinikit ko na ang mga mata ko. Sa huling pagkakataon, inisip ko siya.

Si Belle...

Ang babaeng minahal ko ng sobra.

Continue Reading

You'll Also Like

26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
9.2K 130 19
May mga bagay na nakasanayan mo nang andiyan, kaya hindi mo na gaanong nakikita ang halaga. Familiarity breeds contempt, sabi pa nga. Pero paano kung...
12.8M 179K 53
[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na...
11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...