Kaizer's POV
Pagdating ko sa palasyo ng Arcadia Kingdom ay agad akong sinalubong ni Jules mula sa gate ng palasyo kasama ang iilang mga kawal
"Maligayang pagbabalik Kaizer" masaya niyang bati sa akin na siya ko din namang masayang tinugunan
"Salamat Jules" sabi ko sa kanya tapos ay nagkamay kaming dalawa
"Halika na sa loob ng palasyo" yakag niya sa akin "Matagal ka nang hinihintay nila King Chrono, pati si Queen Zelfa at lalong lalo na si Princess Shaira" dagdag niya pa kaya naman napangiti na lamang ako
Sa totoo lang namiss ko din naman silang tatlo lalo pa't ngayong sila na lamang ang natitirang mga nabubuhay na maituturing kong ikalawang pamilya ko na
Bawat madadaanan naming mga kawal ay nagbibigay galang sa aming dalawa lalo na sa akin, at ang nakakatuwa pa ay kinakamusta pa ako nang iba sa kanila
Hindi ko tuloy matanggal ang mga ngiti sa labi ko, pakiramdam ko kasi kahit na ma kulang sa akin ngayon may mga tao pa ding nagmamahal sa akin, may mga natitira pa ding mga tao na matatawag kong mga 'kaibigan' ko
Ilang saglit pa ang lumipas at nakarating na din kami sa harapan nang malaking pinto ng throne room at ang kwarto kung nasaan daw ngayon ang buong royal family
"Let me open this big door Jules" nakangisi kong sabi sa kanya na siya namang naging dahilan upang humugis ang isang malaking smirk sa kanyang mga labi kasabay nang pagthumbs up niya sa akin
Inilagay ko ang aking kanang kamay sa handle ng pintuan pagkatapos ay sandali akong bumuntong hininga, pagkatapos noon ay mabilis kong binuksan ang malaking pintuan kasabay nang paglabas nang mga salitang "I'm baaack!" sa aking mga labi
Natigil ang lahat ng mga tao sa loob ng throne room, nakarinig pa nga ako ng ilang mga basong nabasag kaya naman napa 'oops' na lang ako, pero ang pinakanakakatuwa sa kanila ay akala mo nakakita sila ng nilalang na namatay at muling nabuhay
"Uhh guys?" tanong ko sa kanila dahil magiisang minuto na ang lilipas at hindi pa din sila nagalaw sa mga kinatatayuan nila at mukha ngang hindi na nahinga ang iba pa "Hello?" muling sabi ko at this time napabalik na sa realidad ang karamihan sa kanila
Pero nagulat na lamang ako ng bigla na lamang ako makakita ng dalawang mga nakabukang braso sa aking harapan
"Daark!" masayang bati sa akin ni Prinsesa Shaira kasabay nang pagpulupot nang dalawa niyang braso sa aking bewang at ang pagyakap niya sa akin nang napakahigpit
Napangiti na lamang ako dahil sa pagbati niya sa akin pero nabawasan iyon nang maramdaman ko ang unti unting pagbasa ng aking damit
"Daark! I hate you! I hate you!" paulit ulit niyang sinasabi sa akin habang mahinang hinahampas ang aking dibdib, hinayaan ko lamang siyang gawin ang gusto niyang gawin pero nanatili pa din akong nakayakap sa kanya "Sa susunod na mawawala ka, sabihan mo muna ko para hindi ako nag-aalala sayo" naiiyak niyang sabi sa akin
Hinaplos haplos ko na lamang nang aking kaliwang kamay ang kanyang malambot niyang buhok, habang siya'y patuloy pa din sa paghampas sa akin habang nahikbi
Napatingin ako sa kaliwang bahagi ko nang makaramdam akong mayroong kamay na pumatong sa aking mga balikat, nang idako ko ang aking paningin sa pinanggalingan nang kamay ay bumungad sa akin ang nakangiting si King Chrono
"Glad to see you again Dark, matagal tagal na din mula noong huli tayong nagkita" masayang sabi niya sa akin habang si Queen Zelfa naman ay nakangiti lang sa akin sa gilid
"Yeah, it's been a while" sagot ko naman sa kanya habang nakangiti din
Pagakatapos noon ay nagkamayan kaming dalawa, kasabay noon ay ang pagtigil na din ni Prinsesa Shaira sa pagiyak pero humihikbi hikbi pa din siya
Ibinalik ko ang tingin ko kay Prinsesa Shaira na ngayon ay nakasandal na ang ulo sa aking dibdib habang nakakahawak siya sa aking dibdib sa may parte din ng aking dibdib, nararamdaman ko ngang gusot na yung parteng yon ng aking damit pero pinabayaan ko na lang siya
Ilang saglit pa ay humiwalay na siya sa akin pero hinawakan niya ang kaliwang kamay ko ng napakahigpit at para bang ayaw niya na yung pakawalan pa
Tiningnan ko na lamang siya pero umirap lang siya sa akin kasabay ng pagpisil niya sa aking kamay ng mahina kaya naman napangiti na nga lang ako sa kanyang inasta
Definitely the same Shaira, a cute tsundere to be precised haha
"Anyways King Chrono may iba pa kong sadya kaya naparito ako ngayon" seryosong sambit ko sa kanya kaya naman agad na nagbago ang kanyang ekspresyon at mabilis siyang tumango sa akin kasabay ng pagsenyas niyang sumunod ako sa kanya
Muli kong ibinalik ang aking tingin kay Shaira na ngayon ay nakatingin na din sa akin at kahit na hindi niya na banggitin pa ang nais niyang sabihin ay alam ko na kung ano ang gusto niyang ipahatid sa akin
"Mamaya na ko magpapaliwanag Shaira" saad ko, tumango na lamang siya pagkatapos ay muli niyang pinisil ang aking palad kasabay ng mahina niyang paghagikhik at ang pagbitaw niya sa aking kamay
Nginitian ko na lamang siya dahil sa kanyang ginawa pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa sikretong kwarto sa loob ng kwarto, tago ang kwartong iyon at talagang ginagamit lamang kapag sobrang confidential ang paguusapan
Nang makarating ako sa nasabing kwarto ay agad kong napansin ang mga nakatagong magi circles sa buong paligid at tiyak akong tanging ang mga may death wish lamang ang magtatangkang iactivate ang lahat ng mga iyon
Anyways tumungo na ako sa pinto at dahan dahan ko iyong binuksan, doon ay sumalubong sa akin sa loob si King Chrono kasama si Jules na nakaupo sa dalawang upuan sa tabi ng isang pabilog na lamesa
Pagpasok ko sa loob ay dumiretso agad ako sa isa pang bakanteng upuan sa tapat nilang dalawa pagkatapos ay bahagya akong huminga ng malalim saka nagsimulang magsalita
"Didiretsuhin ko na kayo King Chrono at Jules, naririto ako ngayon dahil mas pabor akong nais na hingin sa inyo" diretsong sabi ko sa kanilang dalawa "Gusto kong pamahalaan mo King Chrono ang pagpapatakbo sa Ignis City dito sa Thera at sa mundong pinanggalingan ko" dagdag ko pa
Napansin ko ang pagkabakas ng pagtatanong sa kanilang mga mukha dahil sa malamang ito ang unang pagkakataong narinig nila ang pangalang 'Ignis City'
Muli na sana akong magsasalita nang bigla na lamang kaming makarinig ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki sa madilim na bahagi ng kwarto
"Hayaan mong ako na ang magpaliwanag kung ano at para saan ang Ignis City Kaizer" sabi ng lalaki kasabay ng paglalakad niya papalapit sa amin at nang masinagan ng liwanag ang mukha ng lalaki ay bumungad sa amin ang mukha ni Gramps na may maliit na ngiti sa kanyang labi
"D-Dakilang..." balak sanang yumukod ni King Chrono at Jules upang magbigay galang kay Gramps pero mabilis silang pinigilan ni Gramps sa pamamagitan ng pagsenyas nito gamit ang kamay niyang huwag na nilang ituloy ang gagawin nila
Nagdadalawang isip man ay sumunod na lang sila King Chrono at Jules sa utos ni Gramps sa kanilang dalawa
"Ngayon ay sisimulan ko na ang pagpapakilala sa Ignis City" pagsisimula ni Gramps pagkatapos ay huminga siya ng malalim saglit saka muling nagpatuloy "Ang Ignis City ay isang syudad ni itinayo nang mga magulang ni Kaizer upang maging pansamantalang tirahan ng lahat ng mga nilalang sa parehong mundo ng Thera at ng Earth sa nalalapit nang pananakop ni Divaevus" tila ba bigla na lamang namutla ang mukha ni Jules at King Chrono matapos nilang marinig ang pangalang DIvaevus
"P-p-pero a-akala ko tanging alamat lamang ang kwento sa napakamakapangyarihan at napakasamang nilalang na iyon!" hindi makapaniwalang bulalas ni Jules
"Mas maganda nga sana kung talagang hanggang sa mga alamat at libro na lamang maitala ang kasamaan ng nilalang na iyon pero kailangan nating tanggapin ang katotohanan na ang nilalang na iyon ay tunay talagang buhay at nananatili lamang sa madilim na bahagi ng mga dimensyon" paliwanag ni Gramps kay Jules
"K-kung ganoon pala ay m-malapit n-na ang k-katapusan n-nating lahat?" nauutal na sambit ni King Chrono na para bang nilisan na ng pagasang mabuhay pa
"Huwag mo na munang isipin ang tungkol sa bagay na iyan dahil may natitira pa naman tayong pagasa upang paslangin ang nilalang na iyon" seryosong sabi ni Gramps na naging daihlan upang tingnan siya ni Jules at King Chrono nang diretso na para bang nagtatanong kung nahihibang na ba si Gramps
"Paumanhin kung magiging bastos ako ngunit anong ibig mong sabihing may natitira pa tayong pagasa? Sa mga libro pa lamang na nabasa ko natatakot na ako sa mga nakatala doon kung gaano kalakas ang nilalang na iyon at ngayon sinasabi mong mayroon tayong pagasa upang paslangin ang nilalang na iyon?" tanong ni King Chrono kay Gramps
"Ganoon na nga" diretsong sagot ni Gramps kasabay ng paghimas niya sa kanyang noo "Sa totoo nga ay nasa harap mo na ang nilalang na tinutukoy mo" dagdag niya pa kaya naman napatingin na lamang sa akin sila King Chrono at Jules na may purong pagkagulat sa kanilang mga mukha
"S-si K-Kaizer ang nilalang na tinutukoy mo?" tanong ni Jules kay Gramps habang nakatingin sa akin ng diretso "Totoong malakas si Kaizer pero kung ikukumpara ang lakas ni Kaizer sa lakas ni Divaevus..." hindi na itinuloy pa ni Jules ang kanyang sasabihin ng magpakawala ako nang napakabigat na aura sa buong kwarto
Naging dahilan ito upang yumanig ang buong paligid at kumalat sa hangin ang isang nakakatakot na pakiramdam at base sa nakikita ko kaya nitong pahalikin sa lupa ang sinumang nilalang na makakaramdam nito
"Kaizer" napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Gramps "Alam kong galit ka kay Divaevus at naiintindihan ko ding naiintindihan mo na sa estado mo ngayon di hamak na talagang mas malakas siya sayo pero ikalma mo muna ang sarili mo, may tamang panahon para magtuos kayong dalawa ni Divaevus" payo niya sa akin na siyang tinanguan ko na lamang
Kung nagtataka kayo kung anong nangyari well ganito kasi yan, simple and short
The moment na sabihin ni Jules na kapag nagharap kaming dalawa ni Divaevus sa estado ng lakas ko ngayon na talagang mapapaslang ako ay bigla na lamang naginit ang ulo ko
Tanggap ko naman sa sarili kong hindi pa sapat ang kapangyarihan ko upang makipagsabayan sa halimaw na iyon pero dahil sa naalala ko din ang kawalanghiyaang ginawa niya at nang mga peste niyang tagasunod sa akin hindi ko maiwasang ilabas ang galit ko na naging sanhi upang kumawala ang aura ko sa buong paligid
Anyways back to reality na tayo, ayoko na munang isipin ang mga ala-alang iyon
"A-ano yung aurang yon?!" hindi makapaniwalang tanong ni Jules sa amin na naging dahilan upang makuha niya ang aking atensyon
"Ang aurang iyon ay sabihin na lang nating piraso pa lamang ng kapangyarihan ni Kaizer mula sa kapangyarihan niya bilang isang Exceed" paliwanag ni Gramps at sa pangalawang pagkakataon ay napanganga na lamang sila Jules at King Chrono sa kanilang narinig
"S-si-si K-Kaizer ay i-isang Exceed?" hindi makapaniwalang tanong ni King Chrono na sinagot naman ni Gramps ng isang mabilis na tango "K-kung ganon pala ay matagal ko nang kaharap ang isang binatang mula sa maharlikang lahi ng mga supreme beings?" bakas sa tono nang pananalita ni King Chrono ang labis na pagkagulat... pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa
"Paumanhin sa aking pagiging bastos Kaizer, hindi ko alam ang buong katotohanan sa buo mong pagkatao" sambit niya habang nakaluhod siya sa lupa at nakatungo na siya din namang sinundan ni Jules na naging dahilan naman upang makaramdam ako ng uneasy feeling sa buong katawan ko
"H-hindi mo na kailangang gawin pa yan King Chrono" sabi ko sa kanya kasabay ng paglapit ko sa kanilang dalawa ni Jules at pagtayo ko sa kanila "Nakilala mo... niyo ako bilang isang normal na binatang manlalakbay at kilala sa pangalang 'Dark' , magkasama nating hinarap at niresolba ang mga problema ng kahariang ito ako bilang isang normal na binata at ikaw bilang isang hari, nagtawanan at nagkwentuhan tayong dalawa ako bilang isang binata at ikaw bilang isang hari at higit sa lahat naging magkaibigan tayong dalawa na AKO BILANG ISANG NORMAL NA BINATA AT IKAW KING CHRONO BILANG ISANG Hari. Wala na akong balak pang baguhin sa relasyon nating iyon, kung ano ang tingin mo sa akin noong una tayong nagkakilala ay gusto kong iyon pa din ang maging turing mo sa akin na ngayong alam mo na ang tunay kong pinagmulan, mataas ang respeto mo sa akin pero mataas din ang respeto ko sa iyo kaya naman hindi mo na ako kailangan pang ituring na nilalang na mas mataas pa sa inyo dahil kahit naman na mula ako sa makapangyarihang lahi ng mga Exceed tinuturing ko pa din ang sarili ko bilang isang normal na binata... na naglalakbay at nakilala kayong lahat na naririto sa Arcadia ngayon" mahabang litanya ko sa kanya habang nakaguhit ang isang matamis na ngiti sa aking labi
Ayoko nang magbago pa ang turingan naming dalawa at nang mga tao dito sa Arcadia sa akin dahil lamang sa dumadaloy sa katawan ko ang dugo ng isang Exceed, gusto kong ituring nila ako hindi bilang nakakataas na nilalang kung hindi bilang isang kaibigan... isang kapamilya na palagi lamang nasa kanilang tabi sa kasiyahan man o problema
Dahan dahang iniangat ni King Chrono at Jules ang kanilang mga ulo at tanging isang matamis lamang na ngiti ng isang kaibigan at hindi ng isang nakatataas na nilalang ang sumalubong sa kanilang dalawa
"I'll always be the Dark that you guys know" saad ko pagkatapos ay inihayag ko ang aking kamay sa harapan ni King Chrono at Jules
Panandalian nilang tinitigan ang aking dalawang palad na nasa kanilang harapan pagkatapos ay nagkatinginan silang dalawa saka sabay na bahagyang tumawa at tinanggap ang inaalok kong kamay
"Marahil ay tama ka nga... Kaizer" nakangiting sabi sa akin ni King Chrono na siya namang sinangayunan ni Jules
Pagkatapos nang madrama naming eksena na iyon ay ipinagpatuloy na namin ang usapan patungkol sa hinihingi kong pabor kay King Chrono na pamahalaan ang Ignis City
Ipinaliwanag namin ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa Ignis, kung paano ito pamahalaan hanggang sa kung paano ito patatagin pa
Sa huli ay masayang tinanggap ni King Chrono ang pabor na hinihingi ko kaya naman mabilis kong kinontact ang pansamantalang namumuno ngayon sa Ignis dito sa Thera upang ipaalam ang bagong balita
Pagkatapos ng paguusap naming iyon ay sinabi ko muna kila King Chrono na isikreto muna ang tungkol sa tunay kong pagkatao na siyang tinanguan na lamang nila, sabi ko kasi ako na ang bahalang magsabi sa lahat kung sino talaga ako sa wastong panahon
Nagkaroon lang ng munting handaan sa palasyo ng Arcadia pero sa totoo lang yung maliit na handaan na iyon ay napakalaki na para sa akin at sa tingin ko ay pwede nan gang paghatian ng aabot sa libong katao ang mga handa
Liit diba? Anyways nakipagkwentuhan lang naman ako sa mga tao sa palasyo habang nakikipagsaya ako at syempre mas malaki ang oras na ginugol ko na kasama si Shaira dahil matagal tagal ko din siyang di nakita at namiss ko din yung babaeng yon haha
Wala naman masyadong importanteng nangyari habang naguusap kami ni Shaira, simpleng palitan lang ng mga storya at mga ginawa namin ang naganap
Kinagabihan ay nagpaalam na din akong aalis na, marami nga ang nagulat dahil kararating ko lamang daw ay aalis na ako pero sabi ko ay may importante pa akong kailangan asikasuhin at babalik din naman agad ako sa susunod na araw kaya naman wala na silang nagawa pa kung hindi ang payagan akong umalis
Pagkaalis ko sa Arcadia Kingdom ay tumungo ako pabalik sa Earth, dumiretso ako sa bahay namin sa Japan, nasa Japan kasi ang bahay na ipinatayo sa akin nila mama at papa at dahil nga isa akong otaku syempre mahal na mahal ko yung bahay na pinatayo nila sa akin sa Japan
Wala naman sigurong otaku or weeb na tatanggi kung aalukin silang patatayuan sila ng bahay sa Japan hindi ba? Well enough about that
Anyways pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng caretaker nito at nang ilang mga katulong
Pagkatapos ng maikling pagbabatian ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko pagkatapos ay diretso ako ng banyo at pasok sa bath tub para irelax ang sarili ko
Pagkatapos ng 15 minutes lumabas na din ako ng banyo at kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan ang head nang mga servant naming pamilya upang magbigay ng isang utos
"Hello Sebastian" bati ko sa taong nasa kabilang linya
"Hello Young Master" bati niya din naman sa akin
"Gusto kong magset ka ng important meeting bukas sa lahat ng mga leader ng mga bansa" diretsuhang sabi ko sa kanya at napansin ko ang pagkagulat niya sa kabilang linya pero mabilis din naman agad iyong nabawi
"Masusunod Young Master" sagot niya sa akin
"Salamat Sebastian, maraming salamat at magandang gabi"
"Magandang gabi din po, Young Master" sambit niya at pagkatapos ay tinapos ko na ang tawag
Inihagis ko ang cellphone ko sa gilid ng kama pagkatapos ay isinunod ko nang itapon ang sarili ko sa kama nang nakadapa
Napakalambot ng kama ko kaya naman hindi ko na napansing unti unti na pala akong kinakain ng antok hanggang sa nagdilim na ang lahat
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dulot na din nang tawag sa akin ni Sebastian na ayos na daw ang lahat at nakaset na ang meeting ko sa lahat ng mga pinuno ng mga bansa dito sa Earth
Anyways kasalukuyan ako ngayong nakain ng agahan, simpleng fried rice lang at itlog at bacon ang pinaluto ko sa mga katulong namin at syempre kasabay ko din sila sa pagkain
Pagkatapos kumain ay umakyat na din agad ako sa kwarto ko upang magbihis na dahil eksaktong 12 o clock ang meeting ko sa US kung saan napagkasunduang ganapin ang meeting
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na din agad ako, simpleng white v neck shirt lang ang suot ko na pinatungan ko ng itim na hoodie, hinayaan ko lang na nakabukas ang zipper ng hoodie dahil medyo mainit tapos ay nakafitted jeans din ako na color black at isang white rubber shoes
Akala mo gagala lang ako eh no haha, well wala naman akong pake sa formality attires hindi dahil sa bastos ako or whatever, it's just that alam kong may mga makikitid ang utak sa mga makakausap ko mamaya kaya naman why waste the effort to look formal kung ang mga makakaharap mo naman ay mga abnormal hindi ba?
Anyways tama na paliwanag, nagpaalam na ako sa mga tao sa bahay sa Japan pagkatapos ay nagsimula na akong byumahe patungong US and nung sinabi kong byumahe ako ang ibig kong sabihin noon ay lumipad lang ah haha
Simula nang matuklasan ko ang pakpak ko ay hindi na nauso sa akin ang salitang means of transportation na mga sasakyan, why ride them If I have my own right?
Errm anyways, back to reality na tayo pagkatapos ng kalahating oras ay nakarating na ako sa US, binagalan ko talaga yung paglipad ko kaya inabot ako ng halos kalahating oras sa pagpunta besides maaga aga pa naman
11:00 am pa lang ng umaga, may isang oras pa ako para gawin ang gusto ko bago uminit ang ulo ko mamaya dahil katulad ng sinabi ko kanina may mga makakasagupa ako dyang makikitid ang utak
Errmm... bigla na lang tuloy akong nawalan ng gana na maggala so dumiretso na lang ako sa meeting place which is the White House, sosyal no? Well wala ko pake hahaha
Kahit sa kubo lang kami magmeeting ok lang sa akin eh, but sa kanila ewan ko
Anyways pagdating ko sa White House ay nakaabang na agad doon si Sebastian kasama ang ilan sa mga butlers namin na masasabi kong slightly above human level na din ang lakas since si Sebastian ang nagtrain sa kanila and ayon sa info na nakuha ko isang Demon si Sebastian from Thera na nakilala nila mama noong bata pa lang siya
Anyways tama na throwback at mukhang hindi lang si Sebastian ang naghihintay sa akin, sheez napakadaming press ang nandito sa labas ng White house at siguradong kapag nakita nila ako kukuyugin ako niyan at ayun ang ayaw na ayaw kong mangyari
Well stealth mode on huehue
I put my hoodie on and at the same time I make my presence low in visibility so masasabi kong para na akong invicible sa mata ng mga tao ngayon unless makagawa ako ng ingay
Like a boss akong dumaan sa mismong grupo ng mga press sa labas ng white house at nang makarating ako sa harap ni Sebastian ay agad siyang bumati sa akin at ganon din naman ako sa kanya at doon lang din napansin ng mga press na nasa harapan na nila ang isa sa mga taong gusto nilang mainterview
Welp malalaman din naman nila yung buong kwento, mga uhaw lang talaga to sa ratings kaya gustong mauna
Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na kami sa loob, dumiretso na ako sa kwartong pagmemeetingan namin at masasabi kong malaki talaga ito
Mayroong malaking bilog na itim na lamesa sa gitna at mayroong aabot siguro sa isang daan ang nakapalibot doon
Well napagdesisyunan ko na lang na umupo sa isa sa mga bakanteng upuan na natipuhan ko at hinintay na lang na dumating yung mga makakapulong ko
Ilang saglit pa ay isa isa na silang nagsipagdatingan, ang iba'y nagkukwentuhan habang ang iba naman ay tahimik lang at ang iba mukhang may mga pinaplano nang hindi kanais nais kaya naman napabuntong hininga na lang ako
Damn it! Sabi na nga ba at tama ang iniisip kong may mangyayari talagang ganito, well too bad for them dahil kapag nainis ako sa kanila I can kill them on the spot
Nagkanya kanyang upo na yung mga makakausap ko at nagsimula ng tumahimik, may mga kasama silang mga body guards sila na nakatambay lang sa gilid ng kwarto kaya naman napangiwi na lang ako
It's better to be prepared than to be killed huh
Anyways since kumpleto na kami ngayon mabuti pang maumpisahan ko na tong pulong na to at balak ko na ding agad na bumalik na sa Thera para tuluyan ng ihabilin kay King Chrono ang Ignis at nakadepende pa sa magiging resulta nang pagpupulong na to ang magiging plano ko sa Earth
At pagkatapos kong maisaayos ang dalawanag yon proceed na ko sa pagtuklas ng mga natitira pang lugar sa Thera at buksan ang mga natutulog ko pa daw na mga kapangyarihan
2 buwan na ang nakakalipas at 3 buwan na lang ang meron kami, masyado ng maiksi lalo pa't ngayong magsisimula pa lang kami ulit ng panibagong hakbang
Well marami na kong napagdaanang mga pagsubok at problemang mas malala pa sa mga problemang kinakaharap ko ngayon kaya naman sigurado akong mapagtatagumpayan ko din to
Para sa Thera, para sa Earth at para sa mga nilalang na nakatira sa parehong mundo at sa mga nilalang na malayo sa amin at lalong lalo na para sa mga taong mahal ko sa buhay
I'll continue and end this shit, and after that everything's going back in it's place
No more threat and we will have our peace back... and I'll have THEM BACK
A/N: So ayuuuuun filler chap lang muna huhu, kailangan para sa flow ng story eh. Next chap back to Thera na ulit yung story which means more adventures and actions na ulit hoho excited na ulit ako magsulat ng fight scenes haha, sana di pa ko kinakakalawang T^T. Anyways yun lang muna po sa ngayon and expect new update this Friday. Sayonaraaaaa!
-DarkNiiChan