Violin Tears (Edited)

By Direk_Whamba

106K 2K 218

Paano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo... More

Preface
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Final Note!

Chapter 21

1.9K 39 1
By Direk_Whamba

Chapter 21

Krisha:

I puffed in the air after reading Rho's text message. Ang sagwa niya! Para i-invite lang niya ako sa isang party, nanakot pa! Can't he just ask me nicely? At ni hindi nga niya nabanggit kung ano’ng oras! Fine. It wouldn't hurt if I cancel my violin practice on Saturday since hindi naman ako i-a-accompany ni Aki.

To: Master Rho

Sige. Pero what time? And what event?

——

Nagreply siya kaagad.

From: Master Rho

Susunduin kita ng 7pm. Birthday ni mommy.

——

Ang tipid niya sa details in fairness. Naghanap agad ako sa closet ng puwedeng maisuot sa birthday ng Mommy ni Rho. Since there's a scarcity of time at tinatamad akong pumunta ng mall, pinagpilian ko na lang ‘yung mga dating isinuot ko sa mga concursong in-attend-an ko.

Nakita ko ‘yung white tube dress na hanggang tuhod ko lang ang haba. Frilly ang skirt niyon at may malaking white rose sa gilid ng bodice. Na-love-at-first-sight ako sa dress, same feeling when I saw it on a boutique last year lang.

Habang isinusukat ko ang dress, iniisip ko kung ano ang hitsura ng Mommy ni Rho dahil wala akong idea, neither any of my classmates. Hindi pa kasi pinapunta ni Rho ang mommy niya sa school kahit kailan. I bet she's super pretty based on the good looks na namana nina Kuya Sigma at Rho.

Ack! Oo nga pala, I must give her a gift! Pero ano?

Nagtanong ako kay mama kung ano ang magandang iregalo para sa isang mother. Jewelries? Cakes? Eh baka isipin naman nung Mommy ni Rho na napaka-feeling close ko.

In the end, nagdecide na lang kaming um-order ng isang nice bouquet sa flowershop na saktong madedeliver before 7pm on Saturday.

****

Rho:

Sumapit ang araw ng Sabado, petsa ng birthday ni Mommy, at isang linggo bago ang graduation. Gaya ng plano ay nagpamisa nang umaga tapos dumalaw ang pamilya ko sa sementeryo.

6:55 PM ang latest kong basa sa wristwatch ko. Tamang-tama lang ang oras na ‘yun nang huminto ang kotse ko sa tapat ng bahay nina Lukring. Ipinagmaneho ako ni manong Jun this time. Tsk. Wala man lang extra parking space para sa bisita sina Lukring! Bumaba ako ng sasakyan tapos ay lumapit sa gate at nagdoorbell. Pinagbuksan ako ng mama ni Lukring.

"Goodeve po, tita. Ready na po ba si Luk— si Krisha?" I flashed my best killer smile.

"Oo. Pasok ka muna sa loob?" Yaya niya na pinaunlakan ko para makita ko naman ang loob ng bahay nila. Okay din ang interior ng bahay nila. Unique. Pinag-isipan at pinagplanuhan nila ang motif.

Naengkanto yata ako nang bumaba si Lukring ng hagdan. Wavy ang buhok niya ngayon at bagay sa suot niyang puting mini dress. Wala siyang kamake up make up at hindi siya nakaheels. May hawak pa siyang magandang bouquet. Fairy wings na lang ang kulang sa kanya para matawag siyang fairy.

Lumapit ako sa kanya at hinaltak ko ang braso niya. Ginawa ko ‘yun habang ‘di nakatingin ang nanay niya. "Tara, tara ano’ng oras na, oh? Slowmo ka pa diyan!" I grunted.

Hindi totoong siya ‘yung slowmo; Ang paningin ko lang ‘yun. Para kasing bumagal ang takbo ng oras nang makita ko siya.

"Ah, tita, aalis na po kami. Don't worry dahil ihahatid ko din po siya pauwi," paalam ko nu’ng makasalubong namin sa doorway si tita.

"Mag-ingat kayo, ha? Have fun, Krish!" humalik muna si tita sa pisngi ni Lukring bago niya kami pinaalis nang tuluyan.

Pinagbuksan ko si Lukring ng cardoor. Nang nasa loob na kaming pareho, hinawakan ko ang kamay niya. "Tara na, manong Jun," sabi ko. Paglingon ko kay Lukring nakasimangot siya. "What?"

Nakasimangot pa rin siya nu’ng itinuro niya ang magkahawak naming mga kamay. Kailangan ko nga pala siyang bigyan ng kaunting debriefing. "Ipinagkakalat ni kuya na girlfriend raw kita. My Dad was dying to meet you because of that. Look, sumakay ka na lang, okay?"

Hindi pa rin natatanggal ang simangot niya. Sa inis ko, inilagay ko ang hintuturo at hinlalaki ko sa gitna ng kanyang mga kilay at ipinatag ang mga ‘yun. "Ngumiti ka nga, Lukring! Wala lang talaga akong choice."

"Para namang ako, mayroon?" She retorted.

"Kaya nga tulungan mo na lang ako, ‘di ba? Pagbutihan mong maging girlfriend ko ngayong gabi para naman goodshot ako sa Daddy ko."

"Bakit? Palagi ba kayong nag-aaway ng Dad mo?"

Tumango ako. "Ewan ko ba. Palagi na lang kaming may misunderstanding samantalang hindi naman sila ganu’n ni Kuya. Siguro sinisisi niya ako sa pagkamatay ni Mommy."

****

Krisha:

"Ha? W-wala na ang mommy mo?" gulilat kong tanong dito kay Rho.

"Ah... Patay na ang mommy ko. Namatay siya pagkapanganak sa’kin. Birth complications. Nagseizure daw siya noon." Kung makapagkuwento si Rho ng tungkol sa Mom niya, ni wala man lang kaemote-emote.

At patay na pala Mom niya? And then pupunta kami sa birthday party niyon? His Mom must be beloved. Hay… maigi pala at flowers ang gift ko. Pero seriously, nakakalungkot. I was saddened dahil lumaki pala si Rho na walang ina. Tapos hindi pa siya nagkachance na makapiling ang mom niya, at hindi na kahit kailan.

Napatingin ako sa mga mata ni Rho. There were no tears in his eyes pero deep inside I knew he's crying. Crying with invisible tears. I raised my hand para pahirin ang luhang hindi nakikita. "Don't cry. I'm sure no one's at fault kung bakit maagang kinuha ni God ang Mom mo. Remembrance ka niya bago siya pumunta ng heaven. So why would your Dad blame you? Baka pasaway ka lang talaga sa ibang bagay."

Natigilan ako nang unang beses kong makita ang visible teardrop na bumagsak sa cheek ng isang lalakeng troll. Mabilis siyang kumilos. He hugged me, just so I couldn't see him crying. I patted his back.

****

Aki:

Patay ang phone ni Lucrezia at isa sa mga naiisip kong rason ay ang sarili ko mismo. Malapit na ang Concurso niya pero hindi pa kami nagpapractice nang magkasama. Kailangan ko na talagang makipag-usap sa kanya.

Pumunta ako sa bahay nila bandang alas otso ng gabi na may dalang ilang personal na gamit para makapag-overnight. This is a surprise kaya hindi ako tumawag kay mamita. Si oka-san ang naghatid sa’kin tapos susunduin niya ako bukas ng hapon.

"Oh, Chi! You missed Krish by an hour! Sayang. Sinundo siya dito ng friend niya para um-attend ng isang formal party, eh." Nagulat si mamita pagkakita sa’kin pero mas nagulat ako sa ibinalita niyang wala ngayon si Lucrezia.

"Maaga naman po siguro siyang uuwi." I knew her. Parties are boring for her. "Aakyat na po ako sa room ko," paalam ko para makapag-usap na sila ni oka-san.

"Sige na, Chi go upstairs."

Pumasok ako sa inilaan nilang room para sa’kin dito sa bahay na ito. I switched on the light. Kahit pa walang nagkukuwarto dito, malinis na malinis pa din at walang makakapang specks of dust. Inilapag ko sa isang sulok ang dala kong bag at naupo ako sa harap ng isang keyboard. Ni-plug ko ‘yun at tinugtog.

Tinawag na lang ako ni mamita nung uuwi na si oka-san.

"Oka-san, kiotsukete ne?" [mag-iingat ka, ha?]

Ginulo ni oka-san ang buhok ko. "No. You take care. Ja."

Pagkaalis ni oka-san, kami naman ni mamita ang nagcatch-up. Kung wala ako ngayon dito, malamang na mag-isa na lang siya ngayon. Day off bukas ng cook nila at isang kasambahay at pumapayag siyang umuwi ang mga ito sa kani-kanyang bahay ng Sabado nang gabi. Si papa, malamang ay ka-meet ‘yung mga colleagues niya kaya late siyang uuwi.

Nag-ice cream kami ni mamita habang pinapanood ang mga sinusubaybayan niyang teledrama. Nawala sa pandama ko ang oras.

****

Krisha:

Gaya nga ng sinabi ni Rho, 'kumalat' na girlfriend niya ako amongst the Alcuran family and friends. Nakaka-OP talaga dahil wala akong kilala sa mga nakasalamuha ko pero naging OK naman since hindi ako iniwan ni Rho at ni kuya. Si kuya ay mukhang walang girlfriend at the moment. Enjoy siyang maging paparazzi na nakabuntot sa’ming dalawa ni Rho.

Na-meet ko na rin sa wakas ang Dad ni Rho. He's really good-looking. Napaka-compelling ng personality at malakas ang charisma nito— ganu’n siguro ang mga sikat na lawyer. He's also the busy type. Maya't maya iyong may kausap sa phone bukod pa sa mga guest na ineestimate nito.

Na-meet ko rin ang ilang pinsan ni Rho. Puro kaedaran ni Kuya Sigma o mas matanda pa ang mga iyon na karamihan ay may mga asawa na. So, maraming pamangkin si Rho aging from 2-8years old. Ang cu-cute nila! Past ten na nang kalabitin ko si Rho para ipaalam sa kanya na gusto ko nang umuwi since nagampanan ko naman na ang role ng pagiging pretend girlfriend niya ngayong gabi.

Wala naman siyang naging objections. Bago kami nagpunta sa carpark nila, nagpaalam kami sa Dad niya at kay kuya. Si Kuya pa nga ‘yung nagvovolunteer para ihatid ako, but then he was caught up with a group of pretty girls na mukhang mga model.

"Ako na lang ang maghahatid sa’yo. Pinauwi ko na si mang Jun dahil may pamilya ‘yun," paliwanag ni Rho habang hinahantay niya akong makasakay sa front passenger's seat ng kotse niya. Umikot siya pagkatapos niyang isara ang cardoor at sumakay ng driver's seat. He fastened my seatbelt first bago ‘yung sa kanya.

"Thoughtful ka pala kahit paano," I chuckled.

He just scowled at me as he was starting the engine. Thank God at nakarating kami nang ligtas sa tapat ng bahay ko. To tell the truth, wala akong tiwala sa pagdadrive ni Rho. Ewan ko. Smooth at maingat naman siyang magmaneho ng kotse; naiisip ko lang na he's too young to drive. In-unbuckle niya ang seatbelt ko at in-unlock ang door. "Bubusina pa ba ako para pagbuksan ka ng gate?" tanong niya.

I shook my head. "Thank you."

Bababa na lang ako nang mahigit niya ang braso ko. Paglingon ko sa kanya, he pecked me on my cheek. Napasimangot ako bilang initial reaction. But then I smiled. Hinintay kong mawala sa paningin ko ang kotse niya bago ako nagdoorbell. I was dazed after seeing who opened the door for me— Aki!

Continue Reading

You'll Also Like

26.2K 907 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story ๐Ÿ˜˜ ALL EVENTS AND...
12.2K 363 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
2K 70 15
si Charlie ella at si Angel ay magkambal ngunit magkaiba ang kanilang paguugali si charlie ella ay isang fashionate at si angel naman ay puro aral an...