Endless Reality (SERIES 2) [...

By PecheaL

257K 7.7K 817

[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone... More

Authors Note:
Prologue
Endless~[01]
Endless~[02]
Endless~[03]
Endless~[04]
Endless~[05]
Endless~[06]
Endless~[07]
Endless~[08]
Endless~[09]
Endless~[10]
Endless~[11]
Endless~[12]
Endless~[13]
Endless~[14]
Endless~[15]
Endless~[16]
Endless~[17]
Endless~[18]
Endless~[19]
Endless~[20]
Endless~[21]
Endless~[22]
Endless~[23]
Endless~[24]
Endless~[25]
Endless~[26]
Endless~[27]
Endless~[28]
Endless~[29]
Endless~[30]
Endless~[31]
Endless~[32]
Endless~[33]
Endless~[34]
Endless~[35]
Endless~[36]
Endless~[37]
Endless~[38]
Endless~[39]
Endless~[40]
Endless~[41]
Endless~[42]
Endless~[43]
Endless~[44]
Endless~[45]
Endless~[46]
Endless~[47]
Endless~[48]
Endless~[49]
Endless~[50]
Endless~[51]
Endless~[52]
Endless~[53]
Endless~[54]
Endless~[55]
Endless~[56]
Endless~[57]
Endless~[59]
Endless~[60]
WAKAS?
OUR ENDLESS HAPPY ENDING
OUR FOREVER REALITY ENDING
EPILOGUE
Authors Note: [MUST READ]
Series 3

Endless~[58]

4.8K 164 45
By PecheaL


◇WAIT FOR YOU◇

Hazelle's POV,

Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng makalabas si Dylan sa ospital. Naging mabilis ang recovery niya at ngayon ay nakakapasok na siya ulit sa school at unti unti ay nahahabol niya ang mga lessons at klase na nakaligtaan niya. Syempre tinutulungan ko rin siya para mas mapabilis ang paghahabol niya at para matapos niya ang year na 'to.

Ngayon ay niyaya ko siya sa likod ng school garden at sinabi kong duon kami mag aral para sa finals namin.

Naglatag ako ng picnic blanket sa damuhan at nagdala din ako ng mga paborito naming kainin dito nuon.

"Mukhang pinaghandaan mo 'to ah? Anong meron mag aaral lang naman tayo? Umi-Iscore ka sakin noh?" Bungad niya sakin at umupo sa tabi ko.

"Hindi noh! Masama bang gusto kong mag aral tayo sa komportableng lugar? Tsaka gusto mo magutom tayo kaka aral. Huwag mo nga bigyan ng malisya" sagot ko at tumango nalang siya.

"Pero may hinala ako, ginagawa din ba natin 'to noon? Itong lugar na 'to... dito ba tayo madalas nagdedate?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Oo, kaya rin talaga kita dinala dito dahil baka sakali may maalala ka. Pero huwag mo pwersahin, kung wala pa talaga hindi naman kita minamadali" sabi ko.

"Salamat Hazelle, alam ko mahirap para sayo ang sitwasyon natin... Kung napapagod ka na handa naman akong-"

"Hindi, kahit kailan hindi ako mapapagod sayo. Bukod sa nangako ako sa Mama mo na hindi kita iiwan, mahal na mahal kita at kahit hindi mo ko tuluyang maalala ulit, handa naman ako gumawa ng bagong ala ala kasama ka, kung tatanggapin mo parin ako?" Ani ko.

Bigla naman niya hinawakan ang kamay ko at tinignan ako.

"Bakit naman kita hindi tatanggapin? Gaya ng sabi mo sakin, mahal na mahal natin ang isa't isa at makalimutan ko man ang ala ala natin noon, alam kong ikaw parin ang laman ng puso ko" sagot niya na ikinangiti ko.

Nagsimula na kaming mag review habang kinakain namin ang mga pagkain na hinanda ko.

"Saan tayo unang nagkita?" Bigla niyang sabi kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko.

"Sa minimart sa isang gasoline station, naalala mo?" Sagot ko at nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya.

"Sa Minimart sa isang gasoline station? Sigurado ka?" Tanong niya ulit kaya medyo natawa ako.

[FLASHBACK]

Pagkapasok ko ay hinanap ko agad kung ano ang kailangan kong bilhin.

Papunta na sana ako sa cashier kaso may biglang humarang saking lalaking matangkad.

"Excuse me Kuya, May pila po" sabi ko.

Hindi nya ko pinansin.

Gusto ata niyang mag init ang dugo ko ah?

Kinalabit ko sya pero ang bait nya talaga dahil hindi nya ko nilingon.

Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako sa harap nya para ako ulit ang una sa pila. Ako naman kasi talaga ang una sumisingit lang siya bigla.

"Hoy miss, pwedeng paunahin mo na ko? Nagmamadali ako eh!?" Biglang may narinig akong boses sa likod ko.

Tumaas naman ang kilay ko at nilingon ang nakaka pang-init ng ulo na lalaki.

"Hoy rin kuya, nagmamadali rin ako and baka nakakalimutan mo? Ikaw kaya ang sumisingit sa pila. Ako dapat ang mauuna pero sumingit ka sa harap ko ang galing mo eh noh!?"
Dere deretso kong sagot.

Napatingin naman ako sa mukha nya.

Agad napansin ng mga mata ko ang makisig niyang mukha. Ang matangos niyang ilong, ang mapula at manipis niyang labi. Kahit naka shades siya ang sigurado akong magaganda din ang mga mata niya.

Dahil ata sa inis niya sakin ay inalis niya ang shades niya at duon ko nakumpirma ang magaganda niyang singkit na mga mata at mahahabang pilikmata.

"Tsk ma kaalis na nga!" Sagot nya at lumabas na sya ng minimart.

[END OF FLASHBACK]

"Yung mga kaibigan ko, naalala mo pa ba sila?" Tanong ko sakanya at agad naman siya umiling.

"Si Dahlia, siya ang kababata kong kaibigan, magkapitbahay din kami doon sa dati naming bahay. Fiance niya ang isa kong kuya na si Kuya Evan pero may hindi sila pagkaka intindihan ngayon kaya nagbigay muna sila ng oras para magkalayo sa isa't isa. Nasa New York ngayon si Lia para duon ituloy ang pag aaral niya, kasama niya don ang isa naming kaibigan na si Pauline"

"She's name sounds familiar" komento niya.

"Si Pauline ang isa sa mga naging alipin niyo ng BX5. Siya din ang nagbigay impormasyon samin tungkol sa inyo para mas makilala namin kayo. Naging girlfriend din siya ni Grayson pero. Komplikado ang sitwasyon nilang dalawa dahil engage si Grayson sa ibang babae. Arrange marriage ang kasal nila, ginawa ng mga magulang nila ang kasal para mas lalong lumakas ang kompanya at para tuluyang mag merge ang kompanya ng dalawang pamilya" paliwanag ko.

"Si Melanie naman ay isa sa mga una kong naging kaibigan nung pumasok ako dito sa FEU. Hindi ko alam na may koneksyon din sya sa isa sa mga kaibigan mo na si Kyle. Matagal na silang magkaibigan at matalik din na magkaibigan ang mga magulang nilang dalawa. Maraming hindi magandang  nangyari sa buhay ni Melanie, sinakripisyo niya ang pagmamahal niya kay Kyle para lang hindi ito mapahamak. Ampon lang si Mel ng kamag anak niya at ang magulang niya ay matagal ng pumanaw kaya naiwan sakanya ang lahat ng mana. Pero sakim sa pera ang mga umampon sakanya at kinuha halos lahat ng mana na nakuha niya mula sa magulang niya at hanggang ngayon... ginagamit parin siya ng mga ito para makuha ang pera na hinahangad nila"

"Nilagay din siya sa isang arrange marriage sa anak ng mga Madigan na si Riley. Isa sa grupo ng RV5, sadyang maliit ang mundo at nagtatagpo ang mga landas nating lahat"

"Si Elyzza, ang kaibigan kong medyo nakakaangat sa buhay. Pero kahit marangya ang buhay niya, marami rin siyang pagsubok na pinagdaanan. Hindi ko rin akalain na may relasyon sila dati ni Levi, alam namin na may naging boyfriend siya nung highschool pero hindi niya ito pinakilala samin"

"Dahil nga sa hindi sineseryoso ni Levi noon ang mga babae, hindi sila nagtagal ni Elyzza at nagkataon na dito sila nagkita ulit. Nagkalinawagan sila ulit hanggang sa nagkatuluyan muli sila. Sa ilang taon nilang pagsasama, nagulat nalang kami ng mabalitaan namin na buntis si Elyzza. Oo may pamangkin ka na at Everly ang pangalan niya"

"Pero bago ipanganak si Everly, dumaan nanaman sa matinding pagsubok sila Elyzza at Levi. Pinagbantaan siya ng isa sa grupo ng RV5 na si Handrix dahil sa malaki ang galit nito kay Levi, pinagbintangan niyang pinatay ni Levi ang sarili niyang kapatid na kasintahan ni Handrix na si Levis, sinisisi niya ito sa pagkamatay niya"

"Hindi ko alam ang buong detalye ng kwento nila pero, alam ko namang sasabihin din ito ni Levi sa huli"

"Ang mga Kuya mo, pwede ko ba sila maka usap? Gusto ko kasi silang personal na makilala, kung ayos lang sakanila?" Tanong niya.

"Syempre naman, tamang tama bibisita sila mamaya sa bahay. Sumabay ka na sakin papunta sa bahay mamaya" sagot ko.

Matapos ang mahaba naming kwentuhan ay tinulungan niya kong ligpitin ang mga pagkain.

Sabay kaming dumaretso sa klase namin.

***

"Mabait ba talaga ang mga kuya mo? Para kasing kinakabahan ako na makaharap sila... hindi naman siguro sila pumapatay ng tao diba?" Tanong niya na ikinatawa ko.

"Ano ka ba hindi kriminal ang mga kuya ko, mababait yun maniwala ka sakin. Halika na nga at paandarin mo na 'tong kotse mo para makapunta na tayo sa bahay" sagot ko at sinunod naman niya ang sinabi ko at pinatakbo na ang kotse niya.

"Diba nabanggit mo sakin kanina na matagal ng magkakilala ang Ate ko at ang Kuya Ethan mo? Kelan pa naging sila at bakit hindi ko alam na magkakilala na sila noon pa?" Bigla niyang tanong.

"Oo matagal na silang magkakilala at matagal narin silang may relasyon, ang pagkaka alam ko ay walang masyadong nakaka alam ng relasyon nila noon kaya baka siguro hindi mo rin alam. Ako naman hindi rin naman nababanggit o pinapakilala sakin ni Kuya Ethan si Ate Drianne kaya wala rin akong alam"

"Pero sobrang naapektuhan si Kuya simula nung naghiwalay sila. Akala kasi ni Kuya noon kaya nakipag hiwalay sakanya ang Ate mo dahil may mahal na itong iba, pero hindi niya alam na prinotektahan lang siya ng Ate mo kay Felix... balak niyang patayin si Kuya Ethan noong panahon na 'yon at hindi ko alam kung bakit" paliwanag ko.

"Ilang taon narin ang nakakalipas, simula ng ipinadukot kami ni Felix at dinala niya kami sa isang warehouse. Pina alam niya na nasa mga kamay niya ang mga buhay namin kaya agad kayong pumunta doon para tulungan kami. Pero nagulat kami noong makita naming walang malay, hinang hina, at puro dugo ang katawan ng mga Kuya ko, sinubukan nilang ubusin ang tauhan ni Felix, pero hindi nila kinaya"

Napatungo ako habang bumabalik sa isipan ko ang trahedyang nangyari samin noon.

"Habang nakikipag laban kayo sa mga tauhan ni Felix, aksidenteng nasaksak si Kuya Ethan sa tagiliran kaya minabuti niya nalang na hanapin kami kung saan kami tinago ni Felix, sakto namang nakatakas na noong panahon na 'yon si Ate Drianne kaya nagkita sila. Noong mga oras na 'yun, halos magpaalam na si Kuya Ethan sakanya at sinabing mahal na mahal pa siya ni Kuya Ethan"

"Sa awa ng Diyos naagapan si Kuya Ethan at umayos na ang kondisyon niya, habang nagpapagaling siya ay sa condo muna ng Ate mo siya tumira... duon sila nakapag usap ng maayos hanggang sa nag ka ayos na muli sila. Ngayon nalalapit na ang kasal nila, hinihintay ka nalang nila tuluyang gumaling" paliwanag ko.

"Ang dami ko pala talagang nakalimutan" aniya.

"Maalala mo rin ang lahat Dylan, magtiwala ka lang sa sarili mo" sagot ko at ngumiti sakanya.

Nakarating na kami sa bahay kaya agad naman na kaming bumaba ng kotse at binuksan ko na ang gate ng bahay namin para makapasok na kami.

Pagbukas ko ng pinto ay agad kong narinig ang mga tawanan at biruan ng mga Kuya ko.

"Kuya na miss ko kayong lahat!" Agad kong bungad sakanila.

Tumingin naman sila lahat sakin at isang malalawak na ngiti ang binigay nila sakin at nag unahan na tumakbo palapit sakin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"Bunso miss na miss ka rin namin!" Agad na sabi sakin ni Kuya Evan.

"Gagraduate ka na sa isang taon pero hindi parin talaga nagbabago ang height mo, pang elementary parin Bunso" biro sakin ni Kuya Matt kaya agad ko siyang nahampas sa balikat.

"Kumakain ka ba sa oras? Namamayat ka ata? Tigil tigilan mo ko sa kaka diet mo nilalakihan namin ang allowance mo para hindi ka magutom tapos hindi mo rin naman pala-" pinutol ko na agad ang sermon sakin ni Kuya Ethan.

"Kumakain po ako Kuya, tsaka hindi ka na nasanay sa itsura ng katawan ko, dati pang ganto ang katawan ko at kahit kailan yata hindi tataba 'to" sagot ko.

"Tama na ang paglalambing niyo kay Hazelle, batiin niyo naman si Dylan. Magandang gabi iho sumabay ka na samin kumain ng hapunan ha?" Sabi ni Mama kaya napatingin naman kami bigla lahat kay Dylan.

"Magandang gabi din po Tita, nako huwag na po alam ko namang po na salo salo niyo ngayong gabi na kompleto kayong pamilya, ayoko po maka abala" sagot niya.

"Ano ka ba 'Tol halos pamilya natin turing namin sayo diba, huwag ka na mahiya at hindi ka abala samin. Inumin tayo pagtapos ha?" Yaya sakanya ni Kuya Matt.

"Kuya magmamaneho siya pauwi tapos yayayain mo uminom? Gusto mong maaksidente siya?" Agad kong sagot.

"Oo na hindi na, pero basta mag usap tayong apat mamaya ha, marami tayong pag uusapan tagal mong tulog eh" sagot ulit ni Kuya Matt.

"Oo sya halina kayo at lumalamig na yong hinanda kong pagkain" sabi ni Mama kaya pumunta na kami sa dining at nag si upo na.

"Oh Dylan nandito ka rin pala" biglang bungad samin ni Papa kaya tumayo kami nila Kuya at nagmano isa isa, si Dylan ay nagmano din bilang paggalang.

"Magandang gabi po Tito" bati sakanya ni Dylan.

Nag si upo ulit kami at bago kami kumain ay maimtim muna kami nagdasal ng pasasalamat.

"Kamusta ka na nga pala Dylan? May naalala ka na ba tungkol sa inyo ni Hazelle?" Tanong ni Mama.

"W..wala pa po Tita, pero nagpapasalamat po ako sa anak niyo dahil tinutulungan niya ako" sagot ni Dylan at tumingin sakin at nginitian ako.

"Huwag ka mag alala 'Tol, kekwentuhan ka din namin ng tungkol sa nakaraan mo para makatulong din sayo" sabi ni Kuya Evan.

"Salamat" tipid na sagot ni Dylan.

Nagtuloy tuloy ang kwentuhan at pagkain namin hanggang sa matapos na kaming lahat.

"Dalhan mo nalang kami ng pulutan doon sa bakuran Bunso. Promise hindi namin siya paiinomin ng alak" paninigurado ni Kuya Matt kaya tumango nalang ako.

Bago pumunta si Dylan sa bakuran ay tinignan niya muna ko kaya binigyan ko siya ng simpleng ngiti at ganun din ang binigay niya sakin.

***

Dylan's POV,

Nandito ako ngayon kasama ang tatlong Kuya ni Hazelle sa likod ng bakuran nila.

Inaamin ko na kahit mabait ang pakikitungo nila sakin kanina ay kinakabahan parin aki ngayon at kaming apat nalang ang nandito ngayon.

"Huwag ka matakot samin Dylan, hindi mo pa man naalalala ngayon pero magkakabarkada na ang turingan natin sa isa't isa simula ng maging boyfriend ka ng kapatid namin" sabi ni Evan kaya napa ayos ako ng upo.

"T..Talaga?" Tanong ko.

"Inaamin namin na hindi kami boto sayo noong simula, pero ng nagkwento ang kapatid namin tungkol sa buo mong pagkatao, at sa pakikitungo mo samin... base rin sa lahat ng sakripisyo na ginawa mo para sakanya... napaniwala mo kami na mahal mo talaga sya" sagot ni Ethan.

"Ayaw ka namin para kay Hazelle noon dahil alam kong konektado ka kay Felix, alam namin na kapatid mo siya sa ama at alam namin na konektado din siya sa kinilala naming totoo ama pero hindi pala. Sa tingin ko sinadya ng Philip na 'yon na iutos kay Felix na pagbantaan si Drianna para makipaghiwalay siya sakin" paliwanag niya at nakita ko ang pag igiting ng bagang niya.

"Nagkamali rin kami na hindi agad namin sinabi ang nalalaman namin sayo kay Hazelle, hindi na sana siya napahamak noon at nadamay pa sa gulo niyo" sagot ni Matt.

"Pero huli na kami dahil noong mga oras na 'yun, mahal ka na ng kapatid namin. Sino ba naman kami para pigilan siyang mahalin ang lalaki na gusto niya? Oo strikto kami sakanya pagdating sa pagpili niya ng lalaki, pero hindi namin alam kung bakit ka namin tinanggap para sakanya kahit alam naming mapapahamak lang siya sayo" sagot ni Evan.

"Hanggang ngayon, kahit sobra siyang nasasaktan na hindi mo siya maalala, ang mga masasayang ala ala ninyong dalawa... mahal na mahal ka parin niya. Sa totoo lang kahit nakikita namin siyang ngumingiti ngayon, kita namin sakanya na malungkot parin talaga siya... Hindi mo ba nakikita 'yon?"

Agad naman akong napatigil sa tanong ni Ethan. Bakit nga hindi ko nakikita na sa loob ng mga ngiting pinapakita niya sakin... puno pala yun ng sakit at lungkot dahil sakin?

"Alam naming sinasabi sayo ni Hazelle na huwag mong madaliin ang sarili mo na maka alala ka. Pero huwag ka magpakampante na kahit nakikita mo sakanya na okay lang na kinikwento niya ang lahat ng nakaraan niyo, ang lahat ng mga nakalimutan mo... kung siya tinutulungan ka niya, tulungan mo din ang sarili mo. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit para kay Hazelle na ang lalaking mahal niya ay hindi maalala ang sarili niya, hindi mo maalala na minahal mo siya?" Sabi naman ni Matt.

"Hindi ka namin pinipilit na maalala ang lahat ngayon, pero para lang mabawasan ang lungkot at sakit na nararamdaman ng kapatid namin... huwag mo naman ipakita sakanya na nakalimutan mo narin na mahal mo siya. Isip mo lang ang nakalimot Dylan, ang puso mo hindi makakalimutan ang taong nag mamay ari nyan" sabi ni Evan.

"Alam ko, naiintindihan ko lahat ng sinabi niyo. Hindi ako bulag para hindi makita na nasasaktan siya sa bawat araw na magkasama kami na parang halos wala siyang ginawa kundi kwentuhan ako tungkol sa sarili ko, sa sarili niya, sa nakaraan naming dalawa, kung paano namin minahal ang isa't isa. Ako mismo, nasasaktan na ang babaeng minahal ko, hindi ko siya kilala, hindi ko siya maalala, wala akong matandaan tungkol sakanya kahit pangalan niya, nakalimutan ko. Anong klaseng pagmamahal ang binigay ko sakanya?" Sagot ko at nararamdaman ko narin ang pamumuo ng luha sa mata ko.

"Siguro nga tama kayo, hindi ako karapat dapat sakanya dahil puro sakit at lungkot lang ang ibibigay ko sakanya. Sa lahat ng sakit at pagsubok na pinagdaanan namin, palaging sa katapusan ang bagsak namin. Paulit ulit nalang kami nilalabanan ang realidad na mundo sa gitna ng walang katapusang pagsubok na patuloy kaming pilit na pinaglalayo. Palagi niyang sinasabi na hindi siya mapapagod na ipaglaban ang pagmamahal namin, pero alam ko kung gaano na siya napapagod sakin. Nasasaktan ako na bawat araw nakikita ko sa mga mata niya ang saya habang kinikwentuhan niya ako tungkol sa sarili ko pero mas nangingibabaw sa mga mata niya ang lungkot at sakit"

"She doesn't deserve all the pain I've gave to her, she don't deserve to be loved this way... She don't deserve my tortured loved... No one deserves it"

"Kung pakakawalan mo siya, masasaktan siya ng husto Dylan. Oo tinitiis niya ang lahat ng sakit na dinadanas niyo ngayon dahil umaasa siya na ang kapalit nito ay habang buhay niyo na mamahalin ang isa't isa, wala ng makakapag hiwalay sa inyo at pupunuin niyo ang isa't isa ng pagmamahal. Kung ngayon mo siya bibitawan... hindi ba mas masakit 'yon para sakanya? Na sa lahat ng sakit at puot na tiniis niya mahalin mo lang siya, maalala mo ulit siya, sa huli maghihiwalay din kayong dalawa?" Sagot ni Ethan.

"Bitiwan ko man siya o hindi... masasaktan at masasaktan parin kaming dalawa. Kung hindi ko siya bibitawan, baka habang buhay nalang siya mabuhay kasama ako na puno ng sakit at lungkot, habang buhay nalang kami mabubuhay na paulit ulit sinasaksak, sinasaktan ang isa't isa dahil pinipilit naming magmahalan ng magkasama kahit alam naming ayaw ito ng tadhana. Hindi ba mas mabuti na pakawalan ko nalang siya... dahil alam kong balang araw may mas karapat dapat na lalaki ang matatagpuan niya, mas hihigitan niya ang pagmamahal na binigay ko sakanya, at hinding hindi na siya makakaramdam ng sakit at lungkot katulad ng naramdaman niya noong kasama niya ako" sagot ko.

"Tatanungin kita ngayon Dylan, Mahal mo ba si Hazelle?" Seryosong tanong ni Matt.

"Oo, Mahal na mahal ko siya... pero alam kong pagod na siya, alam kong pinipilit niya lang ang sarili niya na pakisamahan at intindihin ako dahil nangako siya sa Nanay ko na hinding hindi niya ako iiwan... pero ako na mismo ang magsasabi sakanya na ayos lang naman sakin na sukuan na niya ako... ako rin naman napapagod na sa sarili ko, sa sitwasyon naming dalawa. Kung sakali mang bumalik ulit ang mga ala ala ko, naming dalawa... siguro nga habang buhay nalang ito magiging isang ala ala at hindi na ito maibabalik pa. Mas maganda nga siguro na huwag ko nalang maalala ang masasaya naming nakaraan noon... baka ikamatay ko pag nakita kong mas masaya na siya kasama ang ibang taong mahal niya"

"Dylan..." isang pamilyar na boses ang narinig namin mula sa likuran ng inuupuan namin.

Agad akong nakaramdam ng lungkot at kirot sa dibdib ko ng makitang si Hazelle nga ang babaeng nasa likod namin at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mata niya, narinig niya ang lahat ng pinag usapan namin.

"Maiwan na namin kayo" sabi ni Evan at tinapik ang balikat ko bago sila tuluyang pumasok ng bahay.

Lumapit naman ako sa harap ni Hazelle na ngayon ay nakatungo.

"Hon, Tignan mo ko... please?" Pilit kong mag tonong malambing sakanya pero hindi ko magawa.

Dahan dahan naman niyang inangat ang ulo niya at agad nagtama ang mata naming dalawa. Namumuo parin ang mga luha sa mata niya habang tinitignan niya ko.

"Dylan... Kahit kailan hinding hindi ako napagod sayo, hinding hindi rin ako mapapagod na intindihin ka dahil sa totoo lang... ako naman ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan" aniya kaya biglang kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Naalala mo si Delaney diba, magkamukha kaming dalawa... hindi mo ba napapansin" aniya kaya tinitigan ko ang bawat detalye ng mukha niya at napansin ko ngang malaki ang pagkakahawig nilang dalawa.

"A..anong kinalaman nito don Hazelle? Paki usap naman deretsuhin mo na ko-"

"Kapatid ko siya Dylan. Kapatid ko siya sa ama, kahit ako nahirapan din akong paniwalaan ang lahat, pero ito ang totoo. Nalaman din ito ni Philip kaya dinukot muli nila ako at tinago ako sa basement ng ilegal nilang pabrika. Pinagbantaan nila si Ate Delaney na kapag hindi niya dinala si Mama sa pabrika... papatayin nila ako"

Napahawak ako sa sentido ko habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya.

"Gusto ni Philip na ipaghiganti si Felix dahil sa pagpatay ni Ate Delaney sakanya kaya niya ako pinadukot at ginamit na pangbanta kay Ate"

"Ayaw ni Ate na mapahamak si Mama kaya mag isa siyang pumunta sa pabrika para iligtas ako, katulong niya si Franzei na nagsilbing mata niya sa bawat sulok ng pabrika. Pero dahil nag aalala din si Franzei kay Ate Delaney ay minabuti na niyang ipaalam sa inyo ang kalagayan naming dalawa, nagkataon din na nalaman na ni Lincoln ang lahat na bumalik na si Ate Delaney kaya agad siyang sumugod sa bahay at nalaman niya rin na nasa pabrika kaming dalawa"

"Magkasamang bumaba si Ate Delaney at Lincoln para puntahan ako p..pero, kailangan may maiwang isang tao sa labas ng elevator para pindutin ang button ng elevator para maka akyat ito pataas... at si Ate Delaney ang nag pa iwan"

"Kaming dalawa lang ni Lincoln ang naka akyat pabalik sa pabrika, dumating narin ang mga pulis non at pinuntahan na nila kayo para tulungang makipag laban sa tauhan nila Philip, pero huli na dahil duguan na kayong lahat, at ikaw ang pinaka napuruhan"

Unti unti ko ng nararamdaman ang sakit at pagkirot ng ulo ko pero hindi ko yon pinapahalata sakanya.

"Ito ang dahilan kung bakit na commatose ka ng ilang buwan. Kaya huwag mong isipin na ikaw ang nagbibigay pahamak sakin... dahil sa totoo lang, nalagay narin sa pahamak ang buhay mo dahil sakin" aniya.

"Kung ikaw sa tingin mo na ikaw lang ang nagbibigay sakit at lungkot sakin, nasaktan din kita ng ilang beses Dylan. Hindi tayo pareho perpekto at pareho nanatin sinaktan ang isa't isa sa iba't ibang dahilan, sa lahat ng sakit na dinanas natin... ngayon ka pa ba susuko? Ngayon mo pa ko bibitawan kung kailan pa na manhid na kong masaktan ng pagmamahal mo makasama lang kita?"

"Walang taong manhid Hazelle, lalong lalo na kung sakit ang pag uusapan. Walang tao ang namamanhid sa nararamdaman niyang sakit... Kaya huwag mong pilitin ang sarili mo na maging manhid sa lahat ng sakit na nararamdaman mo dahil sa pagmamahal mo sakin. Oo may mga taong manhid at bulag na maramdaman na may taong minamahal sila... pero walang taong kayang hindi maramdaman ang sakit at puot na dinadanas nila kasama ang taong mahal na mahal nila. Oo kaya nating tiisin ang sakit, pero hanggang kailan natin kayang labanan ang sakit Hazelle? Pagmamahal pa ba 'to para sayo? Sa tuwing sasaya tayo, agad tayo ulit malulungkot? Sa tuwing magsasama, pilit ulit ipaglalayo? Kaya mo pa ko mahalin kahit durog na durog ka na kakasalo ng pagmamahal ko na puro paghihirap, pasakit lang ang binibigay?"

"D..Dylan mahal kita, Mahal na mahal kita. Kaya kong magtiis ng paulit ulit, saluhin ang lahat ng pasakit at paghihirap ng pagmamahal mo dahil ganoon kita kamahal. Oo, maraming beses ko ng gustong sumuko dahil may pagkakataon na hindi ko na kaya ang sakit at paghihirap na nararamdaman ko... pero sa sobrang pagmamahal ko sayo... mas gugustuhin ko ng tiisin ang lahat ng sakit na 'yon kesa tiisin na hindi ka makasama" sagot niya.

"H...Hazelle, tama na. Hindi mo dapat dinadanas at nararamdaman ang lahat ng sakit at paghihirap dahil sakin. Ako na mismo ang naawa sayo, hindi ako ang taong magpapasaya at magmamahal sayo ng sobra sobra katulad ng binibigay mo sakin. Pakawalan nanatin ang isa't isa... kailangan natin tanggapin at harapin ang buhay ng magkalayo tayong dalawa. Mahal rin kita Hazelle, pero sobra na kitang nasasaktan. Kung ikaw kaya mong tiisin ang sakit, ako hindi. Pauli ulit mo ko pinapatay sa tuwing sinasabi mo na ayos ka lang kahit nakikita ko sa mata mo na pagod na pagod ka na. Huwag nanatin pahirapan ang isa't isa... Maghiwalay na tayo para sa ikatatahimik ng buhay nating dalawa" ani ko at patuloy ng umagos ang luha sa mga mata naming dalawa.

"D...Dylan, hindi ko kakayanin... hindi ko kaya ng wala ka. Huwag mo naman ako bitawan ng ganito..." pagmamakaawa niya na lalong napadurog ng puso ko.

Patawad Hazelle, pero hindi ko narin kayang nakikita kang nasasaktan dahil sakin.

"Kung nakaya mo tiisin ang lahat ng sakit at paghihirap na dinanas mo sakin... Mas makakaya mo mabuhay ng wala ako, dahil simula sa araw na 'to... hindi ka na ulit makakaramdam ng hirap at sakit, kakayanin mo Hazelle. Balang araw pasasalamatan natin ang isa't isa na pinalaya natin ang landas nating dalawa" ani ko habang pinupunasan ang luha sa mata niya at hinaplos ko ang pisngi niya.

"Mahal na mahal kita Hazelle, palagi mo sanang matandaan yan. Hindi kita binitiwan dahil hindi na kita mahal, pinalaya kita dahil alam kong mas sasaya ka sa piling ng iba, mas karapat dapat kang mahalin ng taong mas magpapasaya at magmamahal sayo"

Hinawakan niya din ang mukha ko at pinunasan ang luha sa mata ko.

"Kung darating man ang taong 'yon, sigurado akong ikaw parin ang lalaking ibibigay sakin ng tadhana. Dylan... maghihiwalay tayo ngayon hindi dahil pagod na tayong dalawa, kailangan natin ng panahon para sa sarili natin. Kailangan natin mas ayusin ang mga buhay natin para kung sakaling dumating ang tamang panahon sa ating dalawa, hinding hindi na tayo maghihiwalay. Alam kong matapang kang tao Dylan, makakaya mong muli buuin ang sarili mo kahit walang sinong tao ang gagabay sayo, 'yon ang Dylan Chua na minahal ko at nakilala ko. Hindi ako maghihintay ng iba, hihintayin kong bumalik ka. Mahal na mahal kita Dylan, wala na kong ibang lalaking mamahalin at hihintaying makasama habang buhay kung hindi ikaw lang" aniya na sobrang ikinaligaya ng puso ko.

Agad ko siniil ang labi niya at agad din niyang tinugon ang halik ko.

Walang sinong babae ang makakapag pabaliw sakin ng ganito.

Pangako Hazelle... babalik ako. Hintayin mo ang pagbabalik ko, Mahal ko.

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
453K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...