Sino Ka Ba Talaga?

By wang_bu99

4.2K 79 7

Iba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding... More

Sino Ka Ba Talaga?
Chapter 1: Ang Unang Araw Ng Klase
Chapter 2: Ang Panaginip
Chapter 3: Si Leo at si Adrian
Chapter 4: Si Andrew
Chapter 5: Sino ba Talaga si Adrian?
Chapter 6: Mga Damdamin
Chapter 7: Si Johnny at si Lorenz
Chapter 8: Si Daniella at Ako
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11: Ang Pagsasaliwalat
Chapter 13: Bumangon Ka
Chapter 14: Grace's Birthday
Chapter 15: Grace's Birthday Part 2
Chapter 16: Killjoy Society
Chapter 17
Chapter 18: In Love with You
Chapter 19
Chapter 20: Who Am I?
Chapter 21: Ang Pagbabalik Ni Adrian - Part 1 (Si Chippy)
Chapter 22: Ang Pagbabalik Ni Adrian - Part 2 (Alaala Mo)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 2)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 3)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 4)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 5)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 6)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 7)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 8)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 9)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 10)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 11)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 12)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 13)
Chapter 23

Chapter 12: Ang Pagsasaliwalat (Part 2)

120 2 1
By wang_bu99

update muna ako guys ha

rest day ko kase hehe

oh eto ng susunod na chapter

enjoy sa pagbabasa, comment naman kau mga silent readers XD

JOHNNY'S POV

__________

Nakakahiya talaga ang nagyari kanina. 'Di ko kase inasahan na yayakapin ako ni Andrew. Parang ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa mga veins ko hahaha (landeeeee). Ang bango bango talaga ni Andrew at ang yakap nya sobrang sarap. Parang gusto kong ulitin 'yun ah hehe.

Naglalakad parin kaming apat dito sa mall. Tahimik lang kaming dalawa ni Andrew at pawang sina Lorenz at Daniella lang talaga ang nag iingay. Napagpasyahan naming manood ng sine. Tamang tama 'di pa ako nakakapasok sa movie world eh, pano kase nagtitipid ang lola nyo haayzzz. Guardians of the Galaxy ang palabas. Kumuha muna ng ticket sina Andrew at Daniella habang kami naman ni Lorenz ang bibili ng makakain namin.

"Oh Andrew, Daniela, anong gusto nyong kainin?" si Lorenz

"Hmmm, Piattos nalang sakin, 'yung roadhouse bbq ha tsaka isang bottle ng mineral water" sagot naman ni Daniella

"Okay. Ikaw Andrew? Anong 'sayo?" tanong ni Lorenz kay Andrew

"Ahh, Clover Chips nalang, 'yung Barbeque flavor ah" si Andrew

"Naku pareho pala tayo ng gusto" sabi ko naman na may kasamang ngiti kay Andrew. Ngumiti si Andrew sakin sabay sabing "Alam ko" at kumindat

"Ansavee?" naguguluhan kong tanong sa kanya

"Wala. Cge kuha muna kami ng ticket ah. Hintayin nalang namin kayo dito" si Andrew

"Okay. Oh tara bespren" si Lorenz sabay akbay sakin

At bumili na nga kami ng mga makakain. Pagkatapos naming makabili ay naglakad na kami papuntang movie world. Excited na excite na ako kasi eto 'yung unang beses na makapasok ako ng sinehan ayeeee XD. Habang naglalakad kami ay napansin kong maraming tao ang naghihiyawan at nagsisigawan. May Fashion show pala. Andun din ang mga model ng underwear at pabango, hindi ko lang matandaan ang pangalan ng company. Basta ang alam ko lang ay sikat ang Brand na 'yun.

"Lorenz, nood muna tayo saglit. Total malayo pa naman ang oras eh hehe" magiliw kong sabi kay Lorenz

"Aw sige. Pero 'di tayo magtatagal ha" sabi ni Lorenz.

"Ow sure, no problem. Tara!" sabi ko

Nakitang naming napuno agad ang center ng mall. Kapansin pansin talaga ang mga modelo sa kanilang mga sexy at hot na katawan. Haaaay ang daming mga fafa dito wahahaha, landi ko lang ano. Natapos ang fashion show after 30 minutes. May nakita akong isang malaking Streamer sa stage na may pangalang LEO MADRIGAL. Ang alam ko, siya 'yung pinakasikat na model sa pinas. Palagi ko siyang napapanood sa mga commercials ng mga pabango nya. Moreno siya at gwapo at higit sa lahat, napakaganda ng hubog ng katawan nya. Palibhasa model hmmm. Siya ang pinaka huling lumabas sa catwalk at pagkatapos niyang rumampa ay ini-interview siya about sa mga products nila at sa lahat niyang mga inindorse. Halos mabingi na talaga ako sa sobrang lakas ng mga hiyawan ng mga tao. Karamihan mga babae at bakla na patay na patay sa modelo.

"So Leo, tell us more about your new products" sabi ng interviewer

"Well, una sa lahat nagpapasalamat ako kay God at ako ang napili na mag presenta nito. At maraming salamat sa warm welcome mga taga Dumaguete." sabi ng modelo. Hiyawan na naman ng napakalakas ang mga tao. Tahimik lang ang lahat habang nagsasalita siya tungkol sa kaniyang ini-endorse na products. Bigla nalang akong nag sneeze ng napakalakas at agaw pansin talaga. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Biglang tumingin si Leo sa dako namin at nakita niya kaming dalawa ni Lorenz. Tinanggal ko ang aking kamay na nakatakip sa mukha ko at tiningnan at stage. Nagulat ako ng makita ko si Leo na nakatitig sa akin na para bang nakakita ng multo.

"Adrian?" sabi ni Leo. Biglang nagtanong ang isip ko, ako ba ya ang tinawag niya? Bigla siyang bumaba ng stage at pumunta sa kinaroroonan ko.

"Adrian!! Ikaw ba talaga yan??" si Leo

"Po? Ako po ba tinuntukoy nyo?" pagtatanong ko kay Leo na hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako.

"Adrian! Ikaw nga! Hindi ako pwedeng magkamali! Salamat sa Diyos at buhay ka!" si Leo sabay yakap sakin ng napakahigpit. Nakaramdam ako ng sobrang ginhawa sa yakap niya. Sa 'di maipaliwanag na kadahilanan ay parang gusto ko ring yakapin siya ngunit di ko siya kilala. Bigla nalang siyang hugulgol at umiyak ng umiyak habang yakap yakap niya ako.

"Adrian mahal ko! Sobrang na miss kita! Patawarin moko Adrian huhuhu" umiiyak paring sabi ni Leo

"Ahh eh, Johnny pong pangalan ko, hindi Adrian hehehe. Pwede na po kayong bumitaw. pinagtitinginan na kase tayo ng mga tao eh" nahihiya kong sabi sa kanya.

"S-sorry. Ako nga pala si Leo. Leo Madrigal ang buong pangalan ko" sabi niya habang pinunasan ang luhang dumadaloy sa mga mata niya.

"Ahh hehehe ok po 'yun. Ako nga pala si Johnny. Johnny Reyes ang boung pangalan ko" nakangiti kong sabi kay Leo.

Biglang naghiyawan ang mga tao sa likod ko at pilit inaabot ang kamay ni Leo. Sinapawan na nila ako ng tuluyan at muntik na talaga akong ma stampede. Hilnila ako ni Lorenz mula sa likuran.

"Ayos ka lang bespren?" nag aalalang tanong sakin ni Lorenz

"O-ok lang ako Lorenz" sabi ko

"Kilala mo ba 'yun? Eh parang kilalang kilala ka ah" tanong ni Lorenz sakin

"Hindi. Ngayon ko nga lang siya nakita at nakausap ng personal eh" sabi ko kay Lorenz

"Grabeh bestpren, ang sikat mo pala hihihi" si Lorenz sabay ngiti. Tiningnan ko siya ng masama at sinabi kong "Heh! Tigilan moko bespren ah. Tayo na nga lang, naghihintay na 'yung dalawa"

"Hihi cge tara" si Lorenz sabay akbay sa balikat ko. Narinig ko pa si Leo na tawag tawag pa ako ngunit 'di ko na napansin kasi tumatawag na kase samin si Andrew. Minabuti naming magmadali papuntang movieworld baka kasi nag aalburoto na 'yung dalawa hihi.

"Ang tagal niyo naman!!" sabi ni Andrew na halatang niirita na sa kakahintay.

"P-pasensiya na Andrew. Naisipan ka kase naming manood ng fashion show eh" sabi ko

"OO nga, eh bigla ba naman siyang niyakap ng model at umiyak sa harapan niya hahaha. Nagulat nga kami eh. Leo ba 'yung pangalan nya?" si Lorenz

"Leo Madrigal" sabi ko

"ANO????? Andito siya???" sabay na sabi ni Andrew at Daniella na halatang gulat na gulat ang pagmumukha.

"Luh!!! kung makatanong naman itong dalawa parang nakarinig ng kung ano" si Lorenz

Nakita kong biglang naging seryoso ang mukha ng magpinsan at nilapitan kami. Sobrang naguguluhan talaga ako sa mga pangyayari at 'di ako mapalagay.

"Bakit? Sino ba si Leo Madrigal?" naguguluhan kong tanong sa kanilang dalawa. Nagtinginan muna silang dalawa (si Andrew at Daniella) at lumapit sa akin.

"Alam mo kase Johnny, may bestfriend ako. Ang pangalan niya ay Adrian. Bisexual ang bestfriend kong si Adrian. Simula pagkabata ay palagi na kaming naglalaro. Sobrang close na kami sa isat isa at higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanya. Wala kaming lihim sa isa't isa. Kababata rin siya ng pinsan kong si Andrew. Simula pagkabata ay kaming tatlo lang ang palaging magkasama. Noong araw na pumunta na si Andrew sa America ay naiwan kaming dalawa ni Adrian sa Maynila. Nangako si Andrew at Adrian sa isat isa na walang iwanan at bestfriends forever. Pagkalipas ng mahigit na 15 taon ay dumating sa buhay niya si Leo Madrigal. Naging mag Boyfriend ang dalawa at palagi silang magkasama. Nalaman namin isang araw sa isang kaibigan na merong ibang jowa pala itong si Leo. Janelle ang pangalan ng kabit niya. Sobrang nagalit ako sa kanilang dalawa. Nung una ay ayaw maniwala ni Adrian na merong ibang jowa ang boyfriend niya hanggang sa siya na mismo ang nakakita kay Janelle at Leo na naghalikan sa isang bar. Pinatawad pa rin siyang ni Adrian nagpakamartir. Ilang beses niyang niloko si Adrian at hanggang sa 'di na nakayanan ni Adrian at nakipaghiwalay na ito sa kanya. Gustong umalis ni Adrian ng Maynila at makalayo layo muna at mag move on pero isang trahedya ang nangyari. Sumabog ang sinasakyang bus ni Adrian at namatay siya. Nung bumalik na si Andrew ng pinas ay huli na ng mabalitaan niyang wala na pala si Adrian" ang mahabang kuwento ni Daniella habang tumulo ang luha niya. Tinahan siya ni Andrew at hinimas himas ang likod. Doon ko nalaman ang lahat lahat tungkol kay Adrian. Nalungkot din ako sa sinapit niya (ni Adrian) at ramdam ko ang sobrang hinagpis ng dalawang mag pinsan. Mahal na mahal pala nilang talaga si Adrian.

"At isa pa Johnny..." pagpatuloy ni Daniella. "Kamukhang kamukha mo siya. Kamukhang kamukha mo si Adrian. Pati boses pareho kayo." dagdag pa ni Daniella

"Pero imposibleng maging ako si Adrian" sabi ko kay Daniella. Tumingin lang siya sa akin

"Tama ka!" sabi ni Daniella sabay ang pilit na ngiti

"Tama na nga ang drama guys. Baka mahuli pa tayo niyan. Ang ganda na naman ng movie hehehe" biglang putol ni Lorenz sa usapan

"Oo nga. Tara na" sabi ko sabay ang matamis na ngiti

"Okay!!" si Daniella at inakbayan ako.

SA WAKAS!!!!! Nakapasok narin ako ng cinema!. (Pagpasensyahan niyo na lola niyo ha hehehe). Grabeh sobrang dilim. Muntik na nga akong matisod. Buti nalang may neon lights sa gilid ng hagdan.

Nagsimula na ang movie at magkatabi kami ni Andrew. Nasa kanan ko siya at sa kaliwa ko naman si Daniela. Magkatabi din sina Andrew at Lorenz sa kabilang banda ng inuupuan ni Andrew. Habang nanonood kami ay napansin kong parang wala sa mood ang dalawang magpinsan. Si Andrew nga ay parang inaantok na. Si daniella naman ay parang 'di mapakali ang mukha na para bang may bumabagabag sa kanya. Tatanunging ko na sana si Daniella kung OK lang ba siya ngunit gusto kong sulitin ang pagkakataong ito. Unang beses ko kaya at minsan lang 'to so lubos lubosin ko nah. Deadma nalang sa dalawa wahahahaha.

Natapos ang movie at napagpasyahan naming umuwi na. Hinatid kami ni Andrew sa kani kaniyang bahay namin. Pagkapasok ko sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko at 'di parin mawala sa isip ko ang movie. Sobrang na amaze talaga ako sa mga scenes at sobrang nakakatawa talaga ang story waaaaah sarap ulitin haaaayzzz.

Pero ang mas 'di mawala sa isip ko ay 'yung nangyari kanina sa Mall at 'yung nangyari kay Adrian. Sino nga ba si Adrian sa buhay ko at bakit palagi ko siyang napapanaginipan? Magkapatid ba kami? Hindi! Imposible. Mayaman si Adrian samantalang mahirap lang kami. Gulong gulo ang isip ko hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip.

...........

ngayong nagkasalubong ang landas nina Johnny at Leo, ano kayang mangyayari?

ka ano ano nga ba ni Johnny si Adrian?

abangan......

ITUTULOY....

Continue Reading

You'll Also Like

56.4K 1.2K 27
Dalawang taong NAG-MAMAHALAN,Hindi mag tagpo ang kanilang LANDAS, para silang PARALLEL LINE na hindi mag tagpo ang kanilang TADHANA. "KUNG KAYO KA...
89K 1.6K 29
Isa lang akong ordinaryong babae pero bakit ako pa ang napiling paglaruan ng tadhana? hindi ba pwedeng isang simpleng relasyon na lang ang samin? yun...
32.9K 924 54
"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay...
201 16 16
Ang pag ibig ay walang pinipili, hindi natin alam kung sino ang tunay na iibig o tunay na iibigin natin maaring nasa tabi-tabi lamang natin, hinihint...
Wattpad App - Unlock exclusive features