Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 114K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 37

46.3K 1.5K 304
By Ineryss

Chua

Habang nasa gitna ng byahe, iniisip ko ang magiging kalagayan doon ni Mama. Mag-isa lang siya. Kakayanin niya ba? Paano pag nagkasakit ulit siya, sinong mag-aalaga sa kanya?

Nang rumehistro iyon sa aking utak ay gustong gusto ko ng bumaba sa bus at bumalik sa aming bahay. Naiiyak na naman ako idagdag pa ang pangungulila ko kay Kuya. Ang huli niyang sinabi sa akin ay tumakas ako. Gusto niyang takasan ko ang lugar na iyon. Ayaw niya siguro akong madamay sa tuso ng pamilyang iyon.

Anong iisipin ni Papa pag bigla akong nagpakita roon? Hindi ba siya magtataka? Paano kung di ako matanggap noong pamilya niya?

Nagising nalang ako noong huminto na ang bus at pinagpapalo na noong konduktor ang pwetan noon habang sumisigaw na lumabas na lahat ng pasahero.

Mabilis kong kinuha ang isa kong malaking bag at isinuot ng maayos ang maliit na bag sa aking likuran saka ako lumabas ng bus. Kinusot ko ang aking mga mata habang gumagala ang aking tingin. Namangha agad ako sa mga nakita ko. Ang matatayog agad na buildings ang kumuha ng aking atensyon at ang mga taong pakalat kalat rij sa daanan.

Nasa syudad na ang isang tagabukid! Nasa syudad kana ng Davao City, Trace!

"Uy Miss... Saan ang punta mo? Tara ihahatid na kita." May lumapit na lalake sa akin.

Umawang ang aking bibig pero napakurap rin nang sinimulan niyang kunin ang aking dalang bag at ipasok iyon sa likod noong puting sasakyan na may nakalagay na taxi. Binuksan niya naman iyong likod kaya doon ako pumasok. Ang lamig agad ng loob ang sumalubong noon sa akin.

Ilang sigundo akong naghintay sa loob hanggang sa pumasok rin naman ang lalake sa driver's seat.

"Saan ba kita ihahatid Miss Ganda?" Ngumiti siya sa akin doon sa itaas ng salamin.

Kinuha ko agad iyong card na kinaroroonan ng Residence ni Papa.

"Dito po sa Woodridge Subdivision." Ibinigay ko iyon sa kanya.

Kinuha niya iyon saka tiningnan.

"Ah dito..." Tumango tango siya saka ulit ibinalik iyon sa akin.

Buong byahe ay iniisip ko lamang ang magiging reaksyon ni Papa. Pumasok ang taxi sa aking malaking gate. Huminto pa kami dahil sa dalawang gwardya na chineck-up ang loob.

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita kong mga bahay. Noong sinabi ni kuya na mayaman si Papa, unti-unti nang nagsisink-in sa akin kung gaano sila kayaman.

Huminto ang taxi sa isang napakalaking bahay na may puti at itim ang exterior design na ikinalaglag lalo ng aking panga. Sobrang laki rin ng kulay itim na gate nila. I-Ito na ba ang bahay ni Papa?

"Mukhang iyan na ang Chua Residence Ma'am..." sabi noong taxi driver habang sinisipat rin ng tingin ang bahay.

Lumunok ako ng laway at ramdam ang pangangatog ng aking mga paa. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Anong magiging reaksyon nila sa akin?

"Magkano po ang bayad?" tanong ko pa.

Pinindot niya iyong gitna kaya nakita ko rin ang halaga na naroroon. Nanlaki ang aking mga mata at hindi alam kung tama ba iyong nakikita ko.

"Three hundred eighty lahat, Ma'am."

"H-Huh? Ba't ang laki po?" takang taka kong tanong.

"Taxi kasi ito at aircon pa. 'Tsaka malayo rin ang lokasyon ng pinaghatiran ko sa'yo kaya ganito na kalaki. Tagabukid ka ba, Miss?" Tumawa pa ito at sinipat ako ng tingin.

Ngumuso ako at kinuha ang aking pitaka. Nakagat ko agad ang aking pang-ibabang labi noong makita ang pera na 200 na lamang.

"K-Kulang po ang pera ko..." Bigo ko itong tiningnan na nilingon pa ang bahay.

"Manghingi ka nalang diyan sa pupuntahan mo oh. Maghihintay nalang ako dito sa labas," sabi nito na ikinapula agad ng aking pisngi.

Ni hindi pa nga ako sigurado kung matatanggap ako sa loob tapos manghihingi pa ako ng pamasahe.

"P-Pero-"

Hindi pa ako nakakatapos sa aking sasabihin ay lumabas na siya roon at magawa pang buksan ang backseat. Umikot ito sa likod at kinuha narin ang aking bag.

Ang lakas ng kalabog ng aking dibdib nang magpasya akong lumabas ng taxi. Tahimik ang buong paligid at bukas ang ilaw ng mga bawat street lights. Medyo malayo rin ang agwat noong kapitbahay nila at malalaki rin ang mga bahay.

"Sige na, magdoorbell kana. Mag-aapply ka bang katulong diyan? Amo mo ang nasa loob?" Pang-uusisa pa noong taxi driver at tinitingala rin ang bahay na sobrang laki nga.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Bigla nalang akong nilamon ng takot. Magpahatid nalang kaya ako pabalik? Pero Trace... kulang na nga ang pera mo eh. Akala ko kasi malaking pera na iyong 500 na dala ko. Di ko alam na pagdating sa syudad ay nagmumukha nalang pala iyong barya.

Bago pa man ako makapagdoorbell ay may umagaw na ng aking atensyon. Nakasakay ito isang skateboard habang nakapamulsa. Singkit ang mga mata nito nang matapat siya sa ilaw at noong mas lumapit na ito. May suot itong itim na sleeveless, short na parang camouflage ang desinyo at ang nakapulupot na headset sa kanyang leeg. Para siyang cold na badboy...

Swabe niyang inihinto ang skateboard na tumayo pa saka niya ito kinuha. Matangkad ito at supladong suplado ang pagmumukha dala narin ng magulong buhok at hanggang batok iyon.

"Need anything?" tanong niya sa akin sa baritonong boses at umangat pa ang kilay.

Napalingon narin sa kanya ang taxi driver at natigil na sa kakatitig sa bahay.

"Ah... Mag-aapply atang katulong sa inyo itong babae. Nagpahatid kasi rito at kulang ang pamasahe niya."

Nilingon niya saglit ang taxi driver sa pamamagitan lamang ng kanyang mga mata pero ibinalik rin naman agad sa akin. Ang mga mata nito ay awtomatikong hinagod ako mula ulo hanggang paa.

"She's not our maid," matigas nitong sabi sa isang engles na mas nagpakaba sa akin.

"A-Ano... N-Nandiyan po ba si Mr. Uh... Mr. Chua?" tanong ko sa kabadong boses na awtomatikong ipinagsalubong ng kanyang kilay.

"You're his second illegitimate child?" deritsahan niyang tanong sa maanghang na pananalita at matalim niyang tingin na ikinaputla ko.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at yumuko agad para hindi niya iyon makita. Mabilis kong pinunasan ang aking mga mata para lang di iyon pumatak.

"H'wag mo namang paiyakin si Miss Ganda, Sir," sabi noong taxi driver.

Nag-angat ulit ako ng tingin at niyakap na ng takot.

"S-Sige... D-De bale nalang..." Ngumiti ako ng pilit sa lalakeng sobrang suplado parin ng pagmumukha. Naaalala ko si Kuya Bram pero siya itong doble ata pagiging suplado.

"Pwede niyo po ba akong ibalik sa paradahan ng Bus?" tanong ko sa taxi driver na nagkamot agad ng ulo.

"Pero diba 200 nalang ang pera mo at lagpas 300 ang kailangan mo pang bayaran sa akin, Miss. Kahit maganda ka di kita patatawadin dahil gipit din ako," reklamo niya.

Namula ang aking pisngi at binalot ng pagkabahala ang aking mukha. Iyong supladong lalake naman ay nagkakasalubong na ang kilay habang dinudukot palabas ang isang itim na pitaka.

Naglahad siya ng 1000 bill sa taxi driver na kinuha rin naman iyon agad.

"Ah... Keep the change na po ba Sir?" tanong pa nito at ngumiti na.

"Gipit din ako. I need my change," sabi niya sa baritonong boses at hindi parin nagbabago ang ekspresyon.

"Kuripot talaga ng mga instik," narinig ko pang bulong noong lalake habang bumabalik na sa kanyang taxi.

Nasa akin na ulit ang tingin noong supladong intsik kaya yumuko agad ako para di ko makasalubong ang kanyang mga mata. Noong ibinalik na sa kanya ang sukli ay umabante rin naman ito at nagdoorbell na.

"Ah Sir, itong gamit po ni Miss Ganda," sabi niya ulit.

Nilingon kami noon. Sasabihin ko na sana na kaya ko naman iyong dalhin pero nabulol na ang aking dila sa loob.

Tiningnan niya iyong bag ko saka rin ibinalik sa harap.

"Carry your things since it's yours," cold niyang sabi.

"Ay... Nako... Di gentleman," bulong muli noong taxi driver.

Nginitian ko ng tipid iyong taxi driver saka ko rin binuhat ang aking bag. Di rin naman iyon mabigat dahil puro damit ko lang naman ang laman noon.

Nanatili akong nakatayo habang binubuksan na iyong maliit na gate. May sinabi pa siya roon sa katulong saka ito dumeritso papasok.

"Akin na ang bag mo, hija, pumasok kana..." Nilapitan niya ako at kinuha ang aking bag..

Umiling agad ako.

"H'wag na po. Nakakahiya po 'tsaka kaya ko naman..." Nginitian ko pa ito.

"Ay nako masesesante ako sa ginagawa mo. Akin na iyan. Tungkulin namin bilang mga maid ang sundin ang utos ng amo." Kinuha niya iyon sa akin kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang ito.

Sinenyasan niya pa akong sumunod kaya tuluyan rin akong pumasok sa gate. Ang aking mga mata ay kumislap agad sa pagkamangha dahil sa nasaksihan ko. Mayaman nga sila...

"Halika na, hija. H'wag kang mahiya." Hinila noong maid ang aking pulso nang mapansin niyang tumigil ako sa paglalakad.

Dinala niya ako papasok sa loob ng bahay. Sa sobrang kintab ng sahig, pakiramdam ko ay mabubuwal ako ano mang oras. Ang magarang hagdan agad ang aking napansin at ang kumikinang na malaking ilaw sa itaas. Para iyong mga sinabit na diamond na ewan. Masyadong magarbo.

"Where is she?" May narinig akong boses sa kung saan at ilang sandali lamang ay may nakita akong lalakeng bumababa na nga sa magarang hagdanan na iyon.

Habang bumababa ito ay nililingon niya ako at sa bawat pagtama ng aming mga mata, hindi ko alam kung ba't bigla akong kinutuban na kahit ang balahibo ko ay tumindig at idagdag pa ang nanlalabo kong mga mata.

"Trace?" he called me using a deep yet stern voice.

"Oh God... You looked like Tasha," pagbanggit niya sa pangalan ng aking ina.

Hindi ko alam kung ba't bigla akong humikbi habang papalapit siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay pinapaalala sa akin si Kuya. Nakikita ko rin sa kanyang mukha si Kuya na kung tatanda siguro ang aking kapatid ay magiging kamukha niya ito.

"Oh... Don't cry..." Ngumiti siya sa akin at binuksan agad ang dalawa niyang mga bisig.

Tinakpan ko ang aking mukha at umiyak doon. Narinig ko itong tumawa ng marahan hanggang sa tuluyan na ako nitong niyakap.

"You don't know how happy I am right now... I am your father, Trace. I am Liam Chua," sabi niya sa baritonong boses habang hinihimas ang aking likod para patahanin ako.

Tumawa itong muli at sinilip pa ang aking hitsura.

"Oh... you inherit my eyes! Look at that beautiful eyes! Di naman singkit iyong Mama mo kaya sigurado akong mga mata ko iyan..." Pinunasan niya ang luha roon na ikinanguso ko lalo na't nanginginig ang aking mga labi.

"Dad? Bumalik na si Kuya Bram?!" Isang matinis na boses ang nanggaling sa itaas kaya napatingala ako sa may itaas. Nakita ko ang babaeng nakatingin dito sa ibaba habang iyong lalake naman ay nakasandal ang mga kamay doon at nakasalikop pa ang mga palad habang nakayuko rin at nandito ang tingin.

"Come here you two. I'll introduce you to your second step-sibling..." Sinenyasan niya ang dalawa na bumaba.

Binigyan ako ng tissue noong katulong na nginitian ko agad saka ko ibinalik ang aking mga mata sa babaeng bumababa na.

"Aware naman kayong dalawa na may kapatid pa si Bram, diba? She's Tracey Adjeanne, am I right?" Nilingon niya ako at sinilip ang aking ekspresyon habang ang kanyang kamay ay nasa aking likod parin.

Tumango agad ako at ngumiti ng pilit.

"And Trace... This is Brennan Chua, my older son. And my daughter French Chua. Treat them like they're your siblings too from now on," kalmado niyang sabi na may galak pa ang boses.

Lumapit sa akin iyong babae at bebeso na sana pero naglahad nalang ng kamay.

"Hey... Nice to meet your sis..." Ngumiti siya sa akin ng pilya. Ang cheekbone niya ay agad na nadepina dahil sa pagkurba ng kanyang labi.

Tinanggap ko naman iyon at ngumiti rin ng tipid. "H-Hi..." nahihiya kong banggit.

"Brennan," tawag niya sa lalake na iwinagayway lang ang kanyang kamay sa akin sa tamad na paraan dala narin ng malalamyang mga mata.

Ngumiti rin ako sa kanya at iwinagayway ang aking kamay. Parang...si Kuya Bram. Suplado.

Napansin kong masyado silang pormal sa loob. Parang mga maharlika na sinanay kung paano kumilos na may tamang postura at dapat palaging presentableng tingnan kahit nasa bahay lang naman.

Umakyat rin naman ang dalawa habang ako naman ay iginiya narin ni Papa sa magiging kuwarto ko. Hindi ko matukoy kung nagustuhan ba nila ang aking presensya o sa loob nila ay may tinatago na agad silang galit sa akin. Sino rin ba ang magugustuhan kung nalaman mong may anak pala ang ama mo sa ibang babae? Di na ako magtataka kung ngayon palang ay itaboy agad ako noong dalawa.

"When I found out that Tasha has a daughter I immediately fixed this as your room since this is vacant," paliwanag niya at binuksan ang ilaw.

Lumaki agad ang aking mga mata nang makita ko nang tuluyan ang loob. Ibang iba siya sa kuwarto ko. Hindi...buong bahay na yata namin ito sa sobrang laki! Parang sinampal ako kung gaano kami ka dukha sa Bukidnon.

"Bram told me he'll bring you here. But where's your brother?" tanong sa akin ni Papa na kusang ikinalaglag agad ng aking mga luha.

"P-Patay na po si Kuya."

Kitang kita ko kung paano siya natigilan at kung paano ito nagulantang. Ilang sigundo siyang ganoon hanggang sa namula ang kanyang mga mata. Kinwento ko sa kanya ang lahat at sa galit niya, gusto niyang sampahan ng kaso ang nasa likod noon.

Ngunit alam ko, mas gugustuhin ni Mama na huwag nang idawit ang Buenaventura sa bago kong mundo.

Nalaman ko kay Papa na kaya pala bumalik si Kuya Bram sa bahay para daw sunduin ako at dalhin kay Papa. Iyon ang napag-usapan nila dahil narin sa kagustuhan ni Papa na makita ako pero mukhang iba naman iyong sinabi sa akin ni Kuya.

"Noong pumunta rin si Bram dito, tulala ang batang iyon at namumugto ang mga mata. Umiiyak pa ito ng husto kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya," pagkukwento ni Papa habang pulang pula rin ang mga mata kakaiyak.

"I can't believe I lost my son in just a blink of an eye! Ilang araw palang kaming nagkasama... Nakakadismaya at ipinagkait sa akin ni Tasha ang karapatan ko sainyong dalawa ni Bram!"

"H-H'wag niyo pong sisihin si Mama... May rason po siya kaya niya iyon inilihim dahil ayaw niya raw po na makasira ng pamilya. Napalaki naman po kami ng maayos ni Mama at ginagapang niya kami sa kahirapan. Nagtitinda po siya ng bulaklak at araw araw pa po iyon."

"I know hija... Iyan rin ang depensa ni Bram kay Tasha and I am very proud she raised you well... My poor son..." Mariing pumikit si Papa at nahilot ang sintido habang umaagos parin ang mga luha.

"Kung alam ko lang... Di ko na talaga iyon pinayagang bumalik sa lugar niyo at ako nalang mismo ang pumunta sainyo!" Hirap na huminga si Papa at bigong bigo ang boses habang nagkukwento.

Siguro nagpumilit ring umuwi si Kuya dahil kay Ate Rici. Nabanggit niya rin sa akin kung babalik pa ba siya rito pero ang sabi niya ay ayaw niya na raw at doon nalang.

"Sa'yo ako babawi, Trace... I'll give you the wealth you deserve as a Chua. From now on, this is your home and you're my daughter." Niyakap ako ng mahigpit ni Papa na ikinaiyak ko.

"Salamat, Papa..."

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 98.4K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...
114K 3.3K 102
Eli Landon x Kirsten Jaysel (Epistolary)
3.4K 268 15
It was love. Race Eleyn Miriazo knew that it wasn't a typical moment of time. It was a season of butterflies and sunrise. Their feelings were at the...
92.1K 5.3K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.