Road to your Heart: Starting...

By Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... More

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 17

39 0 0
By Kristinoink

Kabanata 17

Cute

Maybe days like this are my kind of normal day. Ang malunod sa kakaisip kay Xander habang tumatagal. Wala nang araw na hindi ko siya iniisip. Wala nang araw na tahimik ang puso at isipan ko dahil lang sa isang tao.

It's been, what, weeks? Months? I don't know. Bumibilib na nga ako sa sarili ko dahil nakakayanan ko ang ganitong sitwasyon sa loob ng matagal-tagal na panahon. But I don't think it's something to be proud of though.

At katulad ng lagi kong ginagawa, nililibang ko ang sarili ko sa mga bagay. Katulad na lamang ng pag tulong muli kay Evan para sa paghahanda sa acquaintance. Minsan iniisip ko na nasasapawan ko na ang lugar ng vice governor. Mas madalas pa ata kasi ako na kasama ni Evan sap ag hahanda ng mga detalye sa bawat occasion sa school. I don't mind being this busy. Kaysa naman ang mamalagi sa bahay.

We went to a boutique shop that weekend. Sinabi ko kay Evan na hindi muna ako makakapunta sa kanila dahil iyon ang bilin ni Mommy. Maaga akong gumising at gumayak. Uniform na agad ang suot ko dahil sabi ni mommy ay didretso na ako sa school pagkatapos akong sukatan at pag usapan ang gown na plano para sa akin.

Expected ko na rin na naroon na agad si Xander ng ganon kaaga. At hindi nga ako nag kamali ng pagka baba ko ay naroon na rin siya sa sala kasama si Brent at nanonood ng TV. His head is lazily resting on the sofa's backrest. Ang mga mata'y napipikit. Napabuntong hininga ako. He must like Penny so much na sa ganito kaaga ay narito na siya. Naaalala kong late na siya umuwi kagai dahil nag inuman ata sila ng mga kuya at pinsan kong lalaki sa pool side kaya siguro antok na antok pa.

Kung iisipin, bakit nga ba ganito kaaga siyang nandito? Hula ko ay alas siete pa lamang ay narito na siya. Malapit man ang bahay niya paniguradong maaga parin siyang gumigising. Pero siguro ganon nga niya kagusto si Penny. Siguro ay sabay rin silang pumapasok. Or not? Nag aaral pa ba si Penny? Because I don't remember seeing her on the campus.

"Morning, ate," bati ni Brent ng makitang pababa ako ng hagdan.

Mabilis na dumilat si Xander. Tumuwid siya sa pag kakaupo at nakatanaw sa akin ng bumaba na ako ng tuluyan.

"Morning," bati ko. Para iyon kay Brent pero hindi ko napansing kay Xander pala ako nakatingin nang nagsalita ako.

"Hindi mo ba babatiin si kuya Xander, ate? He came here early just to see you," nasa tv ang mata ni Brent nang una pero lumipat iyon sa akin nang matapos siya magsalita.

Bahagya akong natigilan roon pero mabilis rin na nakabawi lalo na at hindi naman kumibo si Xander para ideny iyon. He did not even flinch on what my brother just said. Instead, his attention is on me. Binaba ko ang dalang back pack sa sofa na nasa harap ko. Hilaw akong tumawa.

"Hindi ako ang ipinunta ng kuya Xander mo dito, Brent." Sabi ko at matamis na ngumiti sa kapatid ko kahit ba napaka pait na ng nararamdaman ko.

Kumunot ang noo ni Xander ng masulyapan ko siya. Bakit? Totoo naman 'di ba?

"And besides, he's always here. He's always early," sabi ko.

"But Kuya Xander just said that. He wants to see you and you should appreciate it ate." argumento ng kapatid.

Pinagkrus ko ang braso sa dibdib. Ano bang pinakain ni Xander sa kapatid ko? He's head over heels, huh.

"Oh I would really appreciate it, Brent. Kung ako nga lang talaga ang sadya,"

Huli na ng marealize ko ang ibig kong sabihin sa mga nasambit na salita nang makita ang ngisi ni Xander sa mukha niya. Ramdam na ramdam ko ang init sa mukha ko kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Sino pa nga ba kasi, ate?" umiling si Brent. Aba't.

Hindi na ako kumibo. Buti na lang at sabay na bumaba si mommy at daddy. Nakasimangot si mommy habang mahinahon siyang kinakausap ni daddy.

"I can drive you, Beatrice. Idadaan ko na lang kayo dun bago ako pumunta sa munisipyo," si Daddy at nakasunod na naglalakad kay mommy.

"Mali-late ka pa sa hearing mo," si mommy.

Bumati ako sa kanilang dalawa nang makababa sa hagdan. Nag mano naman si Xander sa kanila.

"Bakit, my?"

"Ang mga kuya mo kasi. Binilinan ko na kagabi na ipapagdrive tayo papunta sa Del Pilar ngayon at susukatan ka na. Kita mo at ayon parehong tulog mantika," si mommy ag dumiretso na sa dining area.

Sumunod na rin ako. Ganon din si Brent at Xander. Wala ang dalawa kong kapatid kaya dun ako umupo sa tabi ni Daddy habang siya ang nasa gitna. Kaharap ko si mommy at nasa tabi niya si Brent. Si xander na lang ang hindi pa nakaka upo. At ang upuan sa tabi ko na lang ang bakante at may nakalapag na plato.

Tinignan siya ni Daddy.

"Xander, doon ka na sa tabi ni Jessica,"

Hindi na ako nagtaka pero hindi ko rin maikaila ang kaba sa akin. Relax, Jessica. Uupo lang siya sa tabi mo dahil doon lamang may bakante. That's just normal.

"I said I can drive you,"

"Hindi nga maaari at mali-late ka," mariing sinabi ni mommy.

When it comes to things like this daddy is always ready to sacrifice everything, matugunan lang ang pangangailangan ni mommy. Mommy appreciates it but she doesn't want to be a burden to daddy's work and profession. Lalo na sa mga ganitong bagay. Hindi marunong si mommy mag drive. Daddy wouldn't let her because he wants to be her personal driver. And that's one thing I want for a guy. Exactly like daddy.

Hindi na ako kumibo. Maliit na bagay lang ito pero pinag aawayan pa nila. Bacon, eggs, fried rice at hotdogs ang niluto ni manang. Inabot ko ang lalagyanan ng fried rice. Xander reach for it too pero nang nakita ang kamay ko ay hindi na itinuloy ang pag kuha. Dahil nauna ako sa kanin, una siyang kumuha sa bacon. At nang matapos ako sa kanin ay inabot ko sa kanya iyon.

Our fingers touched. Mabilis kong inalis ang kamay ko doon. Agh! Too clichè!

Inabot ko ang bacons. Kaso hindi ko maabot nang nakaupo. Tatayo na sana ako para abutin pero kinuha na iyon ni Xander at hinawakan. Itinapat niya iyon plato ko. Mabilis akong kumuha.

Sumulyap ako sa kanya at naroon parin ang ngiti na nakita ko kanina sa sala. Hindi naman niya ako nakita kaya yumuko na ako.

"It won't take that long, Beatrice."

"Sa munisipyo ka pupunta. Nariyan na lang sa tabi iyon at kung ihahatid mo kami ay malalayo ka pa. Sasakay na lang kami sa tricycle,"

Nag patuloy sa pamimilit si daddy kay mommy. Tahimik naman ang pag kain namin tatlo nila Brent at Xander.

"Tita, I could drive you. Kung saan man po 'yun,"

Napataas ako ng tingin kay Xander. Napatigil rin sa pag tatalo si mommy at daddy nang narinig ang pinsan ko.

"Hindi ba nakaka istorbo, Xander?" tanong ni mommy.

Umiling si Xander.

"Hindi, tita. Ala una pa naman po ang pasok ko," aniya at sumulyap sa akin.

"O' sige at sayo na lang kami magpapa drive." si mommy bago uminom sa kape niya.

Agad na nag react si daddy sa sinabi ni mommy.

"You let Xander drive you? Pwede namang ako,"

Hindi ko na napigilang ngumiti. They look like a young couple fighting. Napailing lang si mommy kay daddy at hindi na pinansin.

"Mommy, can I come?" si Brent.

"Basta huwag kang mag lilikot,"

At iyon nga ang ginawa. Sa Ranger ni Xander kami sasakay. Nanliliit parin ang nga mata ni Daddy kay Mommy nang papalabas na kami ng bahay. Mommy seems oblivious about it, though.

"Bye, Daddy," magkasunod kami ni Brent na humalik kay Daddy nang nasa labas na kami ng gate.

Pinatunog na ni Xander ang pick up niya na nakaparada sa tapat ng kalsada. Mabilis na tumakbo ang kapatid ko sa pick up ni Xander. Sumunod naman ako. Pinag buksan ni Xander ng pintuan sa passenger's seat si Brent. Naisip ko na doon na lang rin sumakay para sa harap na si mommy kaya lang ay itinulak ako palabas ng kapatid ko nang magbalak ako na sumakay.

"Doon ka, ate," aniya at itinuro ang front seat.

"Hindi ba pwede na dito?" naiirita kong tanong.

"Hindi! Dito si mommy," aniya at mabilis na humiga sa backseat para maoccupy ang buong space.

Nagkatinginan kami ni Xander. Nakangiti niya ng lingunin ko siya. Nagpigil lamang siya.

"Tara na," si mommy nang nakarating sa amin.

"Mommy! Dito ka. Sa harap si ate," si Brent na agad tumayo sa pagkaka higa.

"Okay," yun lang ang sagot ni mommy.

At dahil doon ay sa harap nga ako sumakay. Naunang umalis ang sasakyan ni Daddy bago ang kay Xander. Tahimik ang byahe. Si Mommy at Xander lang ang nagkakausap dahil sa pag tatanong kung saan pupunta.

"Sa Rene Vicencio, Xander. Malapit sa cathedral iyon sa plaza," pag bibigay ng directions ni mommy.

Wala naman akong kibo kaya tutok lamang ako sa cellphone ko. May iilang text doon si Evan at nag tatanong kung anong klaseng gown pa ang ipatatahi ko lalo na ng mapag usapan na retro nga ang theme. May iilan rin text na mula kay Vaughn.

Vaughn: I have an invitation from your acquaintance. Though it's illegal.

Vaughn: So I guess I'll see you that night?

Vaughn: Good morning!

Kagabi pa ang ilan at ang pinaka bago ay kanina lang umaga kaya nag tipa na ako ng reply.

Ako: Yes. My brothers and cousins will attend, too. Mag ingat nga lang kayo na hindi kayo mahuli. Good morning.

Nang isend iyon ay napansing nakatingin si Xander sa cellphone ko. The car is in a complete stop because of the red light. Iniwas ko ang cellphone ko sa paningin niya at tumuwid na lang sa pagka upo.

Wala naman siyang sinabi hanggang sa makarating kami sa boutique. A middle aged woman came to greet us. Naunang bumaba si Mommy. Siya na rin ang nanguna para bumati sa matandang babae habang nasa likod niya kami ni Brent. Si Xander sa likod ko.

"Nag bibihis lang po si Kuya Ronald." sabi ng babae.

Tatlong boutique na magkakatabi itong nasa harap namin. Pareho ng exterior design at isang malaking Rene Vicencio ang nakalagay at nasasakop ang tatlong store. Siguro ay sakanya ang tatlong isa. The first store has a glass door. Sa Tabi noon ay glass pane din kung saan kita ang dalawang gown na nakasuot sa manequin.

Rene Vicencio is known for his unique and elegant designs. Kaya kahit na local lamang ang pwesto ay dinadayo parin. He could transfer to a bigger city but he doesn't want to leave this province.

"Saan kami mag hihintay?" si Mommy.

"Bilin po ni Sir na doon na kayo sa office niya," itinuro ng babae ang pangatlong store na may glass door rin.

Mayroon din glass pane at may tatlong mas magagandang gown na naka display.

"Tara po," anang babae. Nilagpasan namin ang pangalawang store. Ganoon rin at may nakadisplay rin na gown.

"Dito po,"

Pumasok kami sa pangatlong office. Air conditioned iyon at may magandang office table ang nasa gitna. May isang mahabang sofa malapit sa pintuan at nakasandal iyon sa wall kung saan ang kabila ay pwesto ng mga manequin. Sa kaliwa ay may floor-to-ceiling na salami at sa kanan naman ang mga istante ng iba'y ibang tela.

Umupo si Xander at Brent sa sofa samantalamg dumiretso naman kami ni mommy sa dalawang upuan sa harap ng table na nasa gitna. Mayroong mga brochure doon kaya kumuha si mommy ng dalawa. Ang isa ay ibinigay sa akin.

Nagsimula akong tumingin ng mga gown doon. Everything is screaming elegant. Tinignan ko ang pinaka title ng brochure na napunta sa akin at nakitang puro original designs pala ito ng may ari ng boutique na ito.

Lumapit si Brent habang nag titingin ako kaya napatingin ako sa katabi niya kanina. He looks out of place. His legs were spread out habang ang mga braso ay kamay ay nakapatong roon. He was scanning the place that's why his oblivious when I look at him.

"Ate, don't pick something too revealing," sabi ng kapatid habang nakatutok rin sa brochure. Nagkatinginan kami ni mommy at natawa.

Ilang minuto lang ang nakalipas at may pumasok na lalaki mula sa glass door. He's wearing a simple polo shirt and a khaki shorts. It this the designer? Agad siyang ngumiti samin.

"Beatrice!" maarte niyang bati kay mommy at agad nakipag beso.

Oh! So he's...

"Ronald," mommy smiled.

Lumipat ang mata sa akin ni Ronald kaya tumayo ako.

"So. Is this your daughter? Yung mag papatahi?" mahinhin pero may arte niyang sambit.

"Yes. It's for their up coming acquaintance,"

Lumapit sa akin si Ronald. He looked me from head to toe bago ngumiti.

"She has the body, Beatrice. Madali lang itong gawan," aniya at bumalik sa table niya.

Tumango naman si mommy.

"May napili na ba kayong design? Perhaps you want a custom design?"

Tinignan ako ni mommy. Hindi pa ako nakakapili ng design sa internet pero nang nakita ko ang iilang designs sa brochure ay may natipuan naman ako.

"Any choices, Jessica?" si Mommy.

"Uh..." nag isip ako.

"Mommy, don't pick something too revealing," pag uulit ni Brent.

"Alright, Brent. Pero doon ka na muna sa kuya Xander mo," si mommy.

"Pst. Brent," tawag ni Xander kay Brent.

At dahik doon ay agad na lumipat ang mata ni Ronald kay Xander. Nagtagal ito sa paninitig sa pinsan. Is he... What the hell?

"Xander? Your two sons' names are Marcus and Kendrick, right?" si Ronald na hindi pqrin maialis ang mata kay Xander.

"Ah, yes. Nasa bahay sila," si mommy habang nag titingin sa brochure na hawak.

"Then, who's this?" aniya at nilingon ako.

"Boyfriend mo, hija?" halos masamid ako sa sariling laway sa tanong niya. Napaubo tuloy ako.

"Oh..." si mommy at hinagod ang likod ko.

"Ate, are you okay?" si Brent na medyo napatayo. Ganon rin si Xander.

Tumango ako at naiayos muli ang sarili.

"Uh... hindi po," sabi ko at sumulyap kay Xander. He raised an eyebrow. He looks amused by this, huh.

"Naku, hindi. Pamangkin ko iyan. Anak ni Kuya Alejandro," paliwanag ni mommy na nakapag patango kay Ronald.

Hindi parin maialis ni Ronald ang mata sa kay pinsan na nakaupo sa sofa. I'm starting to feel annoyed now. Kaya kahit na hindi nag iisip ay may itinuro agad ako na design.

"Ito po," sabi ko at mabilis na inilapag ang malaking brochure sa tabke niya. Agad niya namang tinignan iyon kahit na pasulyap sulyap sa pinsan.

"Oh. This is an excellent design, hija. Simple but elegant," aniya.

It's a red wine colored flowy charmeuse gown. It's backless and a deep v-neck brodice. It has a skirt slit that end in mid-thigh. Kung titignan ay masyado nga itong revealing lalo na sa taas pero hindi na ako naka apila nang matanto ko iyon. Lalo na ngayon at mukhang nagustuhan rin ni mommy ang choice ko.

Pinatayo ako ni Ronald para sukatan. May hawak siyang medisa, papel at lapis. Nakaupo si mommy at nagtitingin parin sa brochure na hawak niya. Normal lang naman ng sukatin ang ula sa talampakan ko hanggang sa baywang ko. Ganon rin g sukatin ang mismong baywang ko. I know Xander is watching me. Busy kasi si Brent sa iPad niya. Kahit na medyo naiilang akoay okay lang pero nang sukatin na ni Ronald ang dibdib ko ay nawalan na ata ako ng dugo sa mukha. It's not flat okay. I'm blessed with my body but I don't know why I feel like this. Kaya nang nasulyapan ko si Xander na nakatingin pa rin sa akin ay medyo humukot ako. MAdilim siyang nakatingin sa akin.

Nag iwas lang siya ng tingin nang nakita niyang nakatingin ako. I felt butterflies in my stomach. Hindi ko alam kung saan nang galling ang mga paru-parong iyon. Nang natapos sukatan ay nag sketch si Ronald sa isang malaking sketch pad. Iyon ang nasabi kong gown. Sila na ni mommy ang nag usap dahil medyo naging occupied din ako.

Nang matapos silang mag usap ay nag aya na si mommy.

"Sabihin mon a lang kung kelan ang fitting at si Jessica na lamang ang papuntahin ko dito." Tumango si Ronald kay mommy.

Pinag buksan ni Xander si mommy at Brent ng pintuan. Kaya naman halos tunawin na rin ng bakla sa harap ko sa tingin si Xander. Sumunod akong pinag buksan ni Xander. Sumakay agad ako roon. Isasarado n asana ni Xander ang pintuan nang kausapin siya ni Ronald.

"Sa fitting, hijo, ihatid mo ulit si Jessica ditto ha." Malambing naman na sambit ni Ronald sa nakangiting si Xander.

Umirap ako. Di pa ba niya isasara yung pinto?

Tumango si Xander.

"Opo," at sumagot panga siya.

Isang irap ang ginawa ko bago hatakin ang handle ng pinto at mabilis na isinara iyon. Napabaling si Xander doon dahil hawak nga niya iyon kanina. Wala na akong pake. Bahala ka makipag harutan diyan.

"Galit ka?" biglang isinungaw ng kapatid ko ang mukha niya sa gilid ko. Nag iwas lang ako ng tingin.

Nakatingin na sa akin ngayon si Xander. Hindi naman siguro niya ako nakikita dahil tinted ang bintana. Patuloy parin na nakikipag kwentuhan si mommy kay Ronald. Sumulyap ako sa wrist watch ko at nakitang alas dyis y media pa lang. 'E kung mag tricycle na kaya ako?

Naroon parin si Brent sa pwesto niya kanina at kinakalikot na ang stereo ng sasakyan ni Xander.

"Ako na," sabi ko at ako na ang umayos nun.

"Play a good song, ate. Connect your phone," aniya at sumandal.

Iyon nga ang ginawa ko. Nag connect ako sa blutooth. Kasalukuyan akong pumipili ng kanta nang bumukas ang pintuan sa driver's seat. Mabilis akong pumindot ng kahit ano na nasa list ng kanta sa cellphone ko at nilakasan agad ang volume. Sumandal ako sa kinauupuan ko at bumaling na lamang sa labas. Alam ko kasi na nakatingin si Xander sa akin.

"Ang lakas, ate," pag rereklamo ni Brent pero hindi ko pinansin.

Hininaan iyon ni Xander sa stereo. Nakatingin parin sa akin. Pag hina niya nun ay kasabay ng paglakas kong muli sa volume sa cellphone ko kaya lumakas muli ang kanta. Hindi na niya iyon ginalaw. Instead, he signaled something to Brent. Lumapit ang kapatid ko sa kanya.

"She's mad..." bulong ni Brent kaya lang ay hindi ko na nasundan ang kasunod.

Binalingan ko silamg dalawa at tinitigan pareho ng masama. Agad naman umatras si Brent at sumandal.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumukas rin ang passenger's seat sa likod at sumakay si mommy.

"Ano ba 'yan? Ang lakas naman ng sounds," reklamo niya. Agad kong hininaan ang sounds.

Walang kumibo sa dalaw at nag umpisa nang mag drive si Xander. Kahit na pasulyap sulyap parin sa akin.

"Paki ikot muna sa cathedral. Bibili lang akk ng sampaguita," si mommy.

Ginawa naman ni Xander at utos at umikot ng sa cathedral.

"Dito na lang kami ni Brent at magsisimba na rin kami. Dumiretso na kayo sa Wesleyan," si mommy.

Mabilis akong umikot para balingan si mommy na ngayon ay pababa na.

"What? 'E bababa na rin po ako," sabi ko at sumulyap kay Xander na ngayon ay pinapanood na ako.

"Bakit, Jessica? Pwede ka naman sumabay kay Xander at doon rin naman siya papunta,"

"1 pm pa po ang pasok niya," I glanced at Xander.

"Didiretso na ako sa school," si Xander.

Hindi ko siya pinansin at patuloy na tumitig sa nanay.

"Huwag na at sayang rin ang pamasahe." si Mommy bago ako halikan sa pisngi.

"Bye, ate," si Brent at kumaway sa akin.

Sinarado na ni Mommy ang pintuan pero patuloy ko silang tinanaw namg tumawid sila sa kalsada at tuluyang pumasok sa mataong simbahan ng St. Nicholas de Tolentine.

Nang ramdam na ang awkward na katahimikan ay umayos na ako sa kinauupuan. Xander is still watching me.

"Kung may pupuntahan ka pa, bababa na ako dito." sabi ko. Hindi siya nililingon. Baka kasi gusto niya pang bumalik sa bahay o di kaya ay dumiretso na mismo sa bahay ni Penny. Who knows.

"Wala naman akong ibang pupuntahan," aniya at ginalaw na ang gear at pina andar na ang sasakyan.

"Okay..."

Inilakas ko ang sounds dahil sobrang tahimik namin. Nga lang ay hininaan niya iyon kaya sinulyapan ko siya.

"You mad?" tanong niya at madalas ang pag sulyap mula sa kalsada at sa akin.

"Nah..."

"Uh-huh?"

"Tss." Umirap ako.

"So you are mad."

Hindi ako nagsalita. Damn right I am. But it is useless to admit it. Wala naman akong rason para doon.

"Well. What is the point of asking, right? It's obvious you're mad." Aniya.

Akala ko ay seryoso siya sa sinasabi niya pero nang lingunin siya ay nakita ko ang pag pipigil niya sa ngiti.

"Huwag ka na nga lang mag salita at lalo pa akong naiinis," masungit kong sambit. Kanina pa ito ngiti ng ngiti.

Sumulyap siya sa akin. Isang nakaka panindig balahibong tawa ang narinig ko mula sa kanya.

"You're so cute when you're jealous,"

Continue Reading

You'll Also Like

119K 243 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report
4.3K 237 22
Jendra's Menphis mission maybe dangerous, but her job was simple enough. Bilang si JC ay kailangan niyang makipaglapit, protektahan at iligtas mula...
5.9K 356 36
- L O N G D A L E S E R I E S # 1 - Chris did not expect the changes in her life right away until she met Val, a very mysterious boy at first who is...
25.9K 328 11
A Sequel to the Jenry Oneshots book. This consists of mainly fluffy oneshots.