Playlist

De GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. Mais

Starlight
The One That Got Away
Huling Gabi
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
The Only Exception
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
The Last Time
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

Happier

267 16 31
De GreatGatsby08

Happy Valentines Day!

Wait... Ano ba yun? Charot.

May sensitive na part tong kwento so gaya ng palagi kong sinasabi kung depressed kayo wag basahin.

Wag lalong tularan.

---------------------
3rd Person's POV

Abalang abala ang lahat sa pag-aayos ng events hall sa resort kung saan nag-stay si Vice at Jackie. It is their 4th year anniversary at gusto ni Jackie na magpropose na kay Vice.

Para maiba naman daw sabi niya.

Pinakiusapan niya lahat ng mga kaibigan nila para tulungan siyang mag set-up sa events hall at para na din may audience siya.

De biro lang.

Darating din ang family ni Vice at ni Jackie sa gabing yun para sumupport.

"Excited ka na ba?"

Tanong ni Madc kay Jackie habang sabay nilang tinitignan ang flower arrangements na nasa paligid. Abala pa din yung mga kasama nila sa paninigurado na perfect lahat sa paligid. Perfectionists silang lahat.

"Excited, kinakabahan na ewan. Hay."

Sabi ni Jackie sabay akbay sa kaibigan. Pinunasan niya yung ilang patak ng luha mula sa mga mata niya bago siya niyakap ni Madc.

"Huy! Wag kang umiyak jan mamumugto yang mata mo. Mamaya na yan!"

Biro ni Madc sa kaibigan bago hinaplos ang likod nito. Pinunasan ni Jackie ang mukha at ngumiti sa kaibigan bago ulit binalingan ang buong lugar.

"I hope mag yes siya."

Sabi niya sabay buntong hininga. She looked happy.

Is she really?

Jackie's POV

Ito na yun. This will be the start of our forever. Napangiti ako habang tinitignan ang buong events hall. Napapalamutian iyon ng kulay puti at pink na roses.

"Satisfied?"

Sabi ni Ate Buern saakin bago ako binigyan ng isang flute ng champagne. Kinuha ko yun at yumakap sakaniya bago uminom mula sa champagne flute.

"Halika na. Magayos ka na at nagtext saakin si Vhong, hinahanap ka na daw ni Vice."

Sabi niya pa bago kinuha muli ang baso mula sa kamay ko at hinila na ako papasok sa villa na inuukupa nila. Walang kaalam-alam si Vice sa plano ko. Ang akala niya ay simpleng get together lang ito.

"Sure ka na ba talaga? As in 100%"

Tanong ulit ni Ate Buern saakin habang inaayos ang buhok ko. Ngumiti ako sakaniya at tipid na tumango.

"Opo naman. Sure na sure ako ate."

Sabi ko. For four years, naging masaya maayos kami. May mga oras na hindi kami nagkakaintindihan pero he would always find a way to make things right. Hindi niya ako hinahayaan na magalit or malungkot ng sobra at pinakamahalaga sa lahat, hindi niya ako kahit minsan pinabayaan na mag-isa.

Napangiti ako sa idea na habang buhay ko siyang makakasama. Magkaka-baby kami or babies. Magkakaroon ng mga apo tapos tatanda kami ng sabay sa bahay na sabay naming ipapatayo. Siguro mag-aampon pa kami ng ilang aso o pusa tapos kasama nilang maglalaro sa gardsn yung mga anak namin.

Basta. Basta kasama ko siya magiging masaya lahat. Alam ko yun.













"Ready?"

Tanong ng ni Madc saakin. Nasa loob na kami nun ng events hall at inaantay na si Vice na dumating. Kinakabahan ako. Kanina naman kalmado ako pero hindi ko alam kung bakit ngayon eh pinagpapawisan ako tapos sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Lalo pang kumabog yung dibdib ko nung bumukas na yung double door ng hall at iniluwa nun si Vice. Nakita kong nagulat siya sa nabungadan. Isa isa niyang tinignan ang mga tao sa loob ng hall bago kabadong tumingin saakin. Ngumiti lang ako sakaniya habang pinapanood siyang maglakad sa gitna ng mga lanterns na sinet up namin kanina. Ito ang nagsisilbing ilaw sa hall kaya.

Napaka-pogi talaga ng boyfriend ko, kahit naka puting polo lang ito at casual khaki shorts. Napalunok ako habang tinitignan siya sa mga mata. He is so beautiful at lalo pa siyang naging guwapo dahil sa malamlam na ilaw ng mga lanterns sa paligid.

Nagsimula nang tumugtog ang kanta namin. Ilang hakbang nalang ang layo niya saakin nun at mas lalo lang akong kinabahan to the point na pumapatak na ang mga luha sa mga mata ko.

"W-what is this?"

Takang tanong niya bago kunin ang kamay ko at tignan mula ang mga tao sa paligid namin. Yung iba sakanila ay nagpupunas na ng luha wala pa man akong sinasabi. Ngumit ako kay Vice, the only person who matters tonight.

"Happy Anniversary, baby."

Umpisa ko. His face soften into a smile before he kissed me on my forehead and gave me a hug.

"Happy Anniversary din. Pero bakit andito silang lahat?"

Tawa niya pero halatang may kaba. Natawa din ako pero dinala ko muna sa mga labi ko yung kamay niya na hawak ko at hinalikan yun bago ko siya muling tinitigan sa mga mata.

"Baby, i love you. I love you so much. I know I am not perfect, nagkakamali ako and hindi ko maiipangako sayo na hindi na ako magkakamali pa pero susubukan ko palagi na maging maayos tayo."

Sabi ko. Tumutulo na nun ang mga luha ko habang titig na titig pa din saakin si Vice. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya. Mukhang na shock ko ata talaga siya. Hinaplos ko ang mukha niya.

"May mga oras na makukulitan ka sakin at maiinis sa mga kalokohan ko pero sana wag ka pa din magsasawa na hawakan yung kamay ko at yakapin ako. Sana wag kang magsasawang intindihin ako kahit hindi na ako kaintindi-intindi. Dahil ako, hinding hindi ako magsasawa sayo."

Sabi ko before I went down on one knee. Nanlaki ang mga mata ni Vice kasunod ng halos sabay sabay na pag singhot naming lahat sa loob ng hall. Kinuha ko yung singsing mula sa lumapit na si Madc at pinakita yun kay Vice. It was a plain platinum ring na may celtic design.

"Vice, alam ko hindi ito conventional, pero will you marry me?"

Tanong ko sakaniya.

Vice's POV

Kanina ko pa pinaglalaruan sa kamay ko yung engagement ring na binigay ni Jackie saakin nung gabi na nagpropose siya. Nakaupo ako nun sa may pool sa bahay ko at tahimik lang na nakamasid sa kawalan.


"So? Ano na? It has been a month, Vice. Wala ka pa din bang decision?"

Sabi ng bestfriend kong si Billy. Nakaupo siya nun sa katabing beacb chair at nakatingin saakin. Nagkibit balikat lang ako sakaniya bago ininom ng straight yung vodka na nasa basong hawak ko.

"Alam mo kung ako si Jackie, hiniwalayan nalang kita eh. Siya na tong nagpropose, ikaw tong nanghingi sakaniya ng time para mag-isip tapos ikaw pa tong isang buwan nang walang kibo sakaniya."

panenermon ni Billy saakin. Bumuntong hininga lang ako bago pumikit at sumagot.

"Hindi ko alam, bestie. Mahal ko siya, sobra sobra sobra. Pero iniisip ko parang mas okay siya na wala ako sa buhay niya."

Sabi ko bago nabukas ulit ng mata. Ipinatong ko sa side table yung singsing bago inalala yung mga pangyayari nung gabing yun after lumuhod ni Jackie on one knee sa harap ko at magpropose. Hindi ako nakasagot kaagad.


I saw how hurt she was pero hindi ko pa din magawang sumagot ng oo. I remembered how much she cried infront of our families and friends pero nagawa pa din ngumiti saakin at sabihin na itago ko yung singsing at mag-isip muna ako bago magdecide.



"Bestie! You've been together for four years. Hindi pa ba enough na reason yun to see na sapat ka na para sakaniya?"






Sabi ni Billy. Napailing ako bago umupo ng maayos at humarap kay Billy.

"I may be enough for her pero pakiramdam ko talaga na hindi ako tama para sakaniya. She's always so giving, I do not deserve that."



Seryosong sabi ko kay Billy. Napabuntong hininga naman ito bago umupo din ng maayos at humarap saakin. Tinitigan niya ako saglit bago nagsalita.


"Is this still about K? Kasi matagal na yun. It's all in the past. Forgive yourself."






Sabi niya. Napayuko ako sa sinabi niya. Is it still about Karylle? I don't know.





"I honestly don't know, bestie. Pero ever since, feeling ko I will never be good enough for any one. Lalo na pag kasing buti ni Jackie. They both are. Natatakot ako na mang ulit yun."

I said bago minasahe ang sentido ko. I let my mind wander nung mga panahong wala pa si Jackie sa buhay ko.

Flashback...

"K, please. Bumaba ka na jan. I'm sorry. Please."

Pakiusap ko kay Karylle na noon ay nakatayo sa edge ng rooftop ng condong inuukupa namin. Magulo ang buhok niya at halatang ilang araw at gabi nang walang matinong kain o tulog. Mas pumayat siya kesa nung huli kaming nag-kita.





"This is better for the both of us. Atleast hindi mo na kailangan pang magpretend na mahal mo ako o okay tayo. Magiging masaya ka na."



Sabi niya bago dumungaw sa baba. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko na kanina ang mommy niya pero nasa Hong Kong pala ito at palipad palang pauwi.





"What are you saying? Honey, mahal kita. Please halika na pag-usapan natin to. Halika na dito please."


Sabi ko bago sinubukang humakbang muli papalapit sakaniya pero umatras lang siya at itinaas ang kamay niya senyales na ayaw niyang lumapit ako. Nakatingin ako sa inaapakan ng mga paa niya dahil malapit na malapit na ito sa dulo at kaunting pagkakamali lang niya ay mahuhulog niya siya.







Nasa rooftop kami ng building na may 60 floors. Kahit anong ilaglag mo mula dito ay siguradong hindi buong babagsak sa ibaba.









"Vice, stop. You do not have the capacity to love someone. You are a selfish son of a bitch and we both know it. All you ever cared about is yourself. Kung anong makakapagpasaya sayo, kung anong gusto mo!"











Hysterical niyang sabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Walang salitang gustong lumabas sa mga labi ko. We had a fight a few nighta ago at umalis ako sa condo para magpalamig ng ulo. She tried to call me several times. Sending me messages and begging me to come home.














I simply ignored all of them dahil akala ko mas makakabuti saamin na bigyan muna ng oras ang mga sarili namin para mag-isip bago mag-usap pero ganito pala yung iniisip niya.










"That's not true. Please halika na dito so we can talk. Mag-eexplain ako. Please, K."











Pakiusap ko. Umiling lang siya bago nagpunas ng mga luha at ngumiti ng pero hindi umabot sa mga mata niya.












"You do not need to explain anything. Pinapayaan mo akong mag-isa, Vice. I was begging you pero pinabayaan mo ako. Sapat nang explanation yun para maintindihan ko na wala akong halaga sa'yo. Four years mo na tong ginagawa saakin! I hate you. By the way, I'm pregnant. "















Sabi niya bago ulit humakbang patalikod. Nanlaki ang mga mata ko bago tinakbo at sinubukang habulin siya pero huli na.












"Nooooooo!!!!!!!!"










End of flashback....

Napapikit ako ng madiin sa bagbalik ng mga ala-alang akala ko ay nakalimutan ko na. I still blame myself everday for what happened. I was young and foolish.











I keep on asking myself kung selfish nga ba ako. Baka totoong wala akong kapasidad na magmahal. Then Jackie came and loved me.












Alam niya yung nangyari kay K. I told her na andun ako pero hindi ko nasabi sakaniya what drove her to do that. Hindi ko kaya. Wala akong napagsabihan nun kahit sino.









"You have no idea, Billy. I love Jackie pero these past few months, even before she proposed, nagagawa ko sakaniya yung mga bagay na nagawa ko din kay K noon."












I feel so conflicted and disappointed with myself. Baka ito na talaga ako at hindi na ako magbabago pa.













"Bestie, hindi yan totoo. Alam mo yan. Nakita kita kung paano ka kay K noon at kay Jackie ngayon. Hindi pareho. Patawarin mo na yang sarili mo."















Sabi ni Billy saakin. Tinignan ko siya habang nag-iisip kung sasabihin ko ba sakaniya yung mga bagay bagay na nasa isip ko.












"Ayaw ni Jackie na may ibang nakakaalam sa mga bagay bagay tungkol sa relasyon namin. Pero sigurado ako na hindi ako yung taong akala mo eh ako."












Sabi ko sabay iling at hilamos ng palad sa mukha ko. He was taken aback sa sinabi ko. Hindi siya nagsalita pero hindi din ako nagsalita.












Jackie wanted to protect me, I know. Pero hindi ko kayang isipin na buong buhay niya eh pagtatakpang niya sa sarili niya at sa ibang tao kung anong klaseng boyfriend ako.











May mga oras noon na nasasaktan ko siya physically pag nag-aaway kami. Pinagsisisihan ko ang mga oras na yun pero hindi ko magawang iwasan. She would always tell me na okay lang, hindi naman daw severe. Pero aantayin ko pa bang may malala akong magawa sakaniya?











I would leave her pag sobrang away namin and hindi ko siya kakausapin ng ilang araw hanggat hindi ko pa gustong kausapin siya.














She would not bother me or kukulitin ako. Tapos sasabihin niya sakin na naiintindihan niya kung bakit ko ginawa yun.











"I don't deserve her, bestie. I can't destroy her kagaya kung paano ko nasira si Karylle noon."













Sabi ko. Narinig kong bumuntong hininga si Billy bago muling bumalik sa pagkakahiga sa beach chair.












"Bull. She loves you, man. That's it. She loves you so much and you are just deflecting. Natatakot ka sa pagmamahal na yun kaya ka ganyan. Pero! Pero once na natanggap mo sa sarili mo yun at napatawad mo na yang sarili mo, you will realize that love is not about who deserves it."











Sabi nito saakin. Bumuntong hininga ako ulit bago binalingan ulit yung singsing na hawak ko. I smiled.







I know what I have to do.










1 week later....

I invited Jackie for a dinner sa isang restaurant malapit sa beach. Nag-iwan ako ng instructions sa mga tao dun kung anong gagawin pag dating niya habang naghihintay ako sa may gilid ng dagat.













I specifically told them na walang ibang taong dapat makaalam na andun kami dahil gusto kong kaming dalawa lang ang andun. I rented the whole place to make sure of that.












Kanina pa ako kinakabahan at paulit ulit kong iniisip yung decision ko at may ilang beses ding gusto kong magbago ng isip. I looked at the box on top of the table for two na naka set up sa may boardwalk.











There's a lantern in the middle of the table and a beautiful bouquet of pink roses.












The path leading to the boardwalk is decorated with tiki torches na siyang nagsisilbing ilaw sa madilim na gabi. Nagkalat din ang petals ng red roses sa paligid. Pinaghawak ko yung mga kamay ko dahil hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga yun kasabay ng malakas na tibok ng puso ko. Baka mauna pa akong mahimatay bago ko masabi sakaniya yung mga gusto kong sabihin.













On cue naman ay natanaw ko na sa dulo ng pathway si Jackie na naka-blind fold habang inaakay ng isang waitress. Huminto sila saglit bago nito inalis ang blindfold ni Jackie.











Napamaang ito sa nakita at halatang hindi alam ang magging reaction. She looked at me kaya napansin ko kaagad na nagsimula nang pumatak ang mga luha niya. Nakasuot siya ng green na knee length dress na nagpalutang lalo sa maputi niyang balat.












Habang naglalakad siya papalapit saakin ay hindi ko maiwasang balikan yung apat na taon naming pinagsamahan. How she looked when I first saw her sa isang ball and how she smiled when I told her how beautiful she was that night. Napalunok ako.













Kinuha ko yung box na naglalaman ng singsing na binigay niya saakin at nagsimulang maglakad din pasalubong sakaniya. Tears are rolling down my face at paulit ulit kong pinupunasan ang mga yun gamit ang likod ng palad ko.















"Vice..."








Sabi niya nung magkaharap na kami. I smiled at her and took both of her hands at hinalikan ang mga yun ng paulit ulit.










All these years she's been nothing but good to me.








"First, sorry kung nawala nanaman ako ng matagal. Kung hindi nanaman ako nagparamdam sayo or ibinalik ang mga calls or messages mo."









Umpisa ko. Suminghot ako ng kaunti dahil kanina pa ako iyak ng iyak na parang bata samantalang wala pa naman akong nasasabi sakaniya.












Ngumiti lang siya at tumango like she always do. Niyakap niya ako kaya alam kong ramdam niya ang panginginig ng buo kong katawan dahil sa pinaghalong kaba at pag-iyak. Inilayo ko ng marahan yung katawan niya saakin bago ko siya tinignan sa mga mata.










"Jackie, all these years naging understanding ka. Minsan kahit hindi mo na ako maintindihan, iniintindi mo pa din ako. You loved me despite these flaws at sa kabila ng pagkukulang ko sa'yo. Please don't think na hindi kita mahal."










Sabi ko bago bumuntong hininga. Bigla nanamang nagsusumiksik sa isip ko yung thought na wag nalang. I want to back out pero bumalik ako sa mga dahilan kung bakit ito ang desisyon ko. Pumikit ako saglit bago ulit tumingin sa mga mata niya. Kagaya ko ay hindi din mapatid patid ang mga luha sa mga mata niya.












Hindi pa man ako nagsasalita ay alam kong alam na niya ang susunod kong mga sasabihin.









"Walang kahit ano sa mundo na mas gugustuhin ko bukod sa kaligayahan mo. Gusto kong magging masaya ka."












Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit naisip ko yung time na may iba nang yayakap sakaniya at iba nang mamahalin siya. May kirot sa puso ko pero ayokong manaig ito ngayon.















Binuksan ko yung hawak kong box to reveal the ring that she gave me.












"Vice, kinakabahan ako sayo."








Maya kaunting pagaalinlangan sa boses niya pero ngumiti siya at ngumiti din ako sakaniya.
















"I want you to be happier. You deserve so much more, Jackie. I..."













Napalunok ako dahil biglang nanunuyo yung lalamunan ko. Biglang parang hindi na ako sigurado sa decision ko at gusto ko nalang siyang yakapin.











"I'm giving this ring back to you so you can find the person who deserves you. Hindi ako yun, Jackie."












We stood there with saying anything. Hindi ako manhid para hindi makita kung gaano ko siyang nasasaktan ngayon pero kung papakasalan ko siya mas lalo ko lang siyang masasaktan.












"I saw you. Yung tunay na ikaw, Vice at yun yung minahal ko. Pero... Tatanggapin ko."











Sabi niya bago hinaplos yung mukha ko at humalik saglit sa mga labi ko. She took the box from my hand ang quickly hugged me before walking away.















Nung mga oras na yun gusto ko siyang habulin. Yakapin tapos sabihin na nagkamali ako. Na mahal ko siya at papakasalan ko siya.










Pero hindi ko ginawa. She will be happier without me. I know that.
















Pinanood ko siya hanggang sa makarating siya sa dulo ng pathway. Huminto siya saglit at lumingon saakin bago ngumiti.











"Last chance to change your mind."









Sabi niya. How can she even look at me like that?






Na parang hindi ko siya nasaktan ngayon lang. Napatiim bagang ako habang hindi pa din bumibitaw sa titig niya.









Last chance, Vice.








Anong gagawin ko?




















End.

-------------
Happier
by Marshmello and Bastille

Walang Happy Valentines. 😎

Char.

Continue lendo

Você também vai gostar

434K 24K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
3.5M 148K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
308K 7K 41
I'll be adding your age in the chapters and you will be with BTS as siblings!! Also BTS will always be older than you or Jungkook as your twin. Taehy...
1K 187 51
私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else...