Playlist

By GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. More

Starlight
The One That Got Away
Huling Gabi
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
Happier
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
The Last Time
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

The Only Exception

247 12 0
By GreatGatsby08

Vice's POV

Pagpasok ko palang sa bahay ni dad eh bumungad na agad saakin yung mga bote ng whiskey na nagkalat sa sahig. Tumigil ako sa harap ng pintuan ng kwarto niya at binagsak sa sahig yung backpack ko bago pinihit yung doorknob.









Inabutan ko siya na nakaupo sa may paanan ng kama niya. Naka-suot ng puting t-shirt at boxer shorts. Mahaba nanaman ang bigote at balbas habang nakasubsob ang mukha sa mga palad niya.









Umiiyak.










I was 14.








Pinanood ko siya habang patuloy siya sa pag-iyak. Isang taon na mula nung maghiwalay sila ni Mama pero tuwing pinupuntahan ko siya dito ay sa ganitong estado ko siya inaabutan. Lasing at umiiyak. Dahan dahan akong naglakad papalapit sakaniya pero hindi niya ako kaagad napansin.










"JM, anak. Bakit nandito ka? Di ba sa weekend pa tayo dapat magkita?"







Sabi niya nung nakatayo na ako sa tabi niya at sawakas ay mapansin niyang andun ako. Nagpunas siya ng luha at sinubukang ngumiti. Namumula ang mga mata niya pero nakangiti siya saakin. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh ganito pa din siya. Pilit iniintindi ng murang isip ko ang dahilan pero hindi ako makahanap ng sagot.









"Namimiss na kasi kita dad. Okay ka lang ba? Kumain ka na? May dala akong pagkain eh."





Sabi ko bago umupo sa tabi niya at umakbay sakaniya. Sa aming magkakapatid ay ako talaga ang pinaka-close sakaniya at ang pinaka nasasaktan sa nakikita ko. Gusto ko sana na dito na lang tumira para may kasama siya pero ayaw pumayag ni mom at pinakiusapan din ako ni dad na mas kailangan daw ni mommy ng makakasama.








Niyakap ako saglit ni dad at nagpupunas nanaman siya ng mga luha nung humiwalay siya bago ako nginitian.








"Sige. Pero mag-shashower muna ako at nakakahiya naman sayo. Ang pogi pogi mo tapos ganito itsura ng kasabay mong kakain."




Natatawang sabi niya. Tumango naman ako bago tumayo at hinila din siya patayo. Hinintay kong makapasok muna siya sa bathroom bago ako lumabas ng kwarto para dumeretso sa kusina at ihanda yung pagkain na dala ko.









Hindi ko alam kung paano nagsimula yung gulo nila mama noon. Nagulat nalang din kami isang araw eh naghiwalay na sila. Sabi ni dad, kasalanan daw niya kaya siya nalang ang umalis. Naiwan kaming magkakapatid kay mom, na parang naging distant sa mundo. Madalas ay tulala lang siya at alam ko na nalulungkot din siya kahit pinapakita niya saamin na okay siya.




Minsan naririnig ko siyang umiiyak mag-isa sa kwarto nila ni dad noon.







"Tama si mama at papa. Bakit ko kasi pinairal tong puso ko kesa sa utak ko."



Paulit-ulit niyang sinasabi yun. Nagtataka man ay hindi na kami nagtanong pa sakaniya. Hinayaan nalang namin siya.











Ilang taon din na pinapanood ko silang ganun. Andun ako habang nagistruggle si dad na bumalik sa buhay niya. Kung gaano siyang nahirapan na gawin yun pero kahit papaano ay nagawa niya din.




Si mom naman ayun, araw-araw sinusumpa ang pagmamahal. Tuwing makikita niya si dad anywhere eh hindi niya ito pinapansin bukod nalang kung tungkol saaming mga anak nila. Hindi naman sila nagkulang bilang mga magulang. Sadyang sa isa't isa lang ata sila allergic.














Naputol ang pagmuni-muni ko nung kalabitin ako ni Anne. Kanina pa pala ako tinatawag ng prof ko para sa recitation pero hindi ako tumatayo. Bigla akong pinagpawisan at kinabahan bago tumayo kaagad. Mejo masama na ang tingin ni Attorney saakin at nakahalukipkip na ito.





Lagot nanaman ako nito. Mukhang tatayo nanaman ako hanggang matapos ang klase.














"Ano nanaman kasi iniisip mo kanina? Yan standing ovation nanaman tuloy yung klase."

Paninisi ni Anne sakin habang naglalakad kami pababa mula sa klase namin. Madilim na nun at sarado na yung main gate kaya kailangan naming umikot sa at dumaan sa gate 3 na nasa likod pa ng school. Umiling lang ako bago sumagot.




"Natrigger lang ako nung topic kanina. Alam mo na."

Sabi ko. Bestfriend ko si Anne kaya alam niya yung tungkol sa parents ko. Bumuntong hininga siya bago umakbay saakin at inuga-uga ako.





"Ayos lang yan. Mabuti pa, uminom nalang tayo. Wala tayong pasok bukas, unwind naman."



Sabi niya habang nakangiti saakin. Napailing naman ako sa topak ng babaeng to. Mas lasenga pa sakin eh. Sakto naman na nakita namin yung iba pa naming mga kaibigan na papalabas na din ng gate.




"Vhongsky! Huy! Tara inuman daw tayo sabi ni Viceral. Sagot daw niya."

Napalingon naman ako kay Anne tapos ko siya sinamaan ng tingin pero ngumisi lang siya saakin. Agad naman lumapit si Vhong at kasunod pa niya si Jhong at Billy na parang mga nakarinig na bingi.





"Talaga ba! Tara. Basta hindi tayo susundan nanaman ni Judge Viceral sa bar ha. Muntik na akong ibagsak ng nanay nito nung minsan na umuwi ng lasing eh."




Panunudyo ni Vhong bago tumawa at nakipag fist bump saakin. Fist bumpin ko kaya to sa pagmumukha niya. Pero hindi ko ginawa. Nakipag-fist bump nalang din ako at nakitawa.












"Huy! Tigilan niyo nga yan paglalandian niyo. Nakakainis na."


Sabi ko kay Anne at Vhong na noon ay magkadikit na magkadikit sa isang love seat at nagkukulitan. Ilang months na silang ganito pero hindi naman daw sila mag-on.







"Ano ba, kayo na ba o ano?"

Tanong naman ni Jhong na noon eh mejo namumula na din dahil nakarami na. Natawa naman yung dalawa bago sabay na kumuha ng beer sa bucket na nasa harap namin. Bago bumaling saamin.







"Hindi nga kasi. Ang kulit niyo naman eh. Ineenjoy lang namin yung company ng isa't isa. Kailangan agad mag-on. Bakit hindi itong si Viceral pagusapan natin."

Baling ni Vhong saakin. Lumagok ako ng beer bago nagsalita.




"Ako nanaman. Pwede ba. Hindi ako naniniwala sa love na yan. Di totoo yan."


Sabi ko. Sa nakita ko sa parents ko, napatunayan ko na hindi naman talaga nagtatagal yung love. Baka nga hindi pa nageexist yun eh. Gusto lang siguro natin minsan ng kasama sa buhay, kausap at katuwang. Pero pagmamahal na ba yun na matatawag? Tss. Lumagok ulit ako ng alak.




"Wow. Bitter much. Anak ka nga talaga ni Judge. Pareho kayong bit--"




Hindi na natapos ni Billy ang sasabihin dahin nasapak ko na siya sa mukha. Before we know it nagkakagulo na sa loob ng bar at hinihila na kami papalabas ng dalawang bouncer.








"Ano ba yun, Vice!!"

Galit na sabi ni Anne habang naglalakad kami papunta sa parking. Mainit pa ang ulo ko kaya hindi ako kumikibo. Nakakuyumos ang mga kamao ko habang nasa loob ng bulsa ng suot kong jacket. Hinila ni Anne yung braso ko para mapaharap ako sakaniya.






"Vice!! Kausapin mo ko. Ano bang nangyari dun sa loob."



Sabi niya. Marahas lang akong umiling bago huminga ng malalim. Ayokong makipagusap sakaniya ngayon. Naiinis pa ako. Gusto ko munang magisip isip.






"Mauna ka na. Maglalakad nalang ako pauwi."

Sabi ko bago tumalikod at naglakad na ulit palayo. Narinig kong tinatawag ako ni Anne pero hindi ko nalang siya nilingon. I can take all the beating pero wag lang sa mga magulang ko.




Hindi ko alam kung gano ako katagal naglalakad pero ang alam ko lang eh wala ako sa tamang dereksyon. Umabot ako sa plaza. Wala masyadong tao dun dahil hating gabi na. Kulay dilaw ang ilaw ng mga lamp na andun kaya mejo nakaramdam ako ng melancholy. Umupo ako sa isang wooden bench na nasa harap ng fountain na kung mas maaga-aga lang sana akong nakarating dito eh naabutan ko sanang sumasayaw sa makukulay na ilaw.






Sana. Kaso nga hindi.





Hindi naman ako manhid pero ewan ko ba. The moment na nagsisimula na akong magkagusto sa isang tao, umaalis na agad ako sa sitwasyon na yun bago pa mahuli ang lahat. Siguro natatakot akong maranasan din yung nakita ko sa mga magulang ko kaya ako ganito o baka takot lang talaga ako. Natatakot lang talaga ako na maging vulnerable to pain.










"Bossing, bili ka na ng balut."




Kalabit saakin ng isang batang lalake na may dala dalang basket. Tinignan ko siya. Siguro nasa 10 years old, payat at mejo madungis din. Umusog ako kaunti papalapit sakaniya.





"Bawal saakin yan eh. Pasensya ka na ha."


Sabi ko. Bawal kasi naman talaga saakin yun kung bakit naman sa lahat ng di ko pwedeng kainin eh yun pang masarap. Ngumiti siya kahit mejo disappointed bago naglakad palayo.







"Grabe ka naman dun sa bata. Sana bumili ka nalang din."



Napatingin ako sa isang babaeng bigla nalang sumulpot at umupo na din sa tabi ko. Naginat siya ng mga paa kaya napansin kong naka-suot siya ng high heeled shoes. Mukhang professional. She's wearing a black suit over white collared blouse tapos itim din na skirt.











"Bawal talaga sakin. Pero gusto ko naman talaga. Kung pwede lang."



Sabi ko bago binalingan ulit ng tingin yung bata na nasa harap naman ngayon ng dalawang nilalang na nakaupo sa kabilang bench. Naramdaman kong tinignan ako nung babae na nasa tabi ko.









"Bakit nga kasi ganun no? Kung ano yung gusto mo, yun pa ang bawal."



Napalingon ako sakaniya at di ko naiwasan na mapangiti. Parang binabasa lang niya yung iniisip ko kanina eh. Ngumiti siya saakin na para bang matagal na niya akong kakilala.









"Ang lalim ng hugot mo dun, miss ah."


Biro ko. Natawa naman siya bago nilahad ang kamay niya saakin.








"Jackie."



Sabi niya. Kinamayan ko siya. Ang lambot ng kamay niya kaya hindi ko nabitawan kaagad.










"J-- hmm. Vice."


Sabi ko bago pakawalan ang kamay niya. Sabay naming tinignan ulit yung batang nagtitinda ng balut na nakaharang dun sa mag-jowa. Maya maya pa ay bigla nalang tumayo yung babae at umiiyak na tumakbo papalayo. Natawa naman ako.







"Wala talagang magandang maidudulot ang pagmamahal sa tao. Masasaktan ka lang."


Wala sa sariling sabi ko. Narinig kong natawa naman yung katabi ko bago ako nilingon.






"Ang bitter mo naman. May pinagdadaanan ka? Pag-usapan natin yan."

Sabi niya bago umayos ng upo para humarap saakin. Nilingon ko naman siya at tinitigan ng saglit. Sabagay, hindi naman niya ako kakilala. Hindi niya alam kung sino ang mga magulang ko. Safe ako kahit magshare ako sakaniya.






"Wala naman. Nakita ko lang kung paano sinira ng pagmamahal yung dalawang taong nagmamahalan noon. Kung paanong yung masaya eh mauuwi din naman sa masakit."

Sabi ko habang nakatingin sakaniya. Napailing nalang siya sa mga narinig niya bago ngumiti.







"Mas pipiliin ko pa din magmahal kahit paulit-ulit akong masaktan."

Sabi niya. Ako naman ang napailing. Nababaliw na ata tong babaeng to eh. Sino bang gugusyuhing masaktan ng paulit-ulit.








"Bakit ka pa magmamahal kung masasaktan ka lang din naman sa huli? Bakit hindi mo nalang isave yung sarili mo, diba?"

Sabi ko. Gusto ko talagang ipaglaban tong point ko. Nag soften yung mukha niya tapos ngumiti ulit at tumayo pero hindi naglakad. Tinignan niya ako.





"Halika, may ipapakita ako sayo."


Sabi niya bago nagsimulang maglakad. Tumayo ako at sumunod sakaniya kahit hindi ko alam kung bakit ko ginagawa yun eh ngayon ko lang naman siya nakilala at isa pa sobrang late na.










"San ba tayo pupunta?"


Tanong ko habang sabay kaming naglalakad sa isang mejo madilim na eskinita. Nilingon niya lang ako bago sumagot.






"Tignan natin kung ano ang pagmamahal."



Sabi niya bago huminto sa may tapat mg simbahan. Kunot noo ko siyang tinignan. Ngumiti siya bago inginuso ang isang kariton sa di kalayuan. Hindi ko maintindihan nung una kung paano ko maiintindihan ang pagmamahal dahil sa kariton na yun pero unti-unti ay nakuha ko ang ibig niyang sabihin.








"You stick to the people yoh love no matter what. Kahit gaano pa kahirap ang buhay, kahit ano pang pagsubok ang dumating at kahit gaano ka pa nasasaktan. Wala sa pagmamahal ang problema, Vice."



Sabi niya habang sabay naming tinitignan yung isang pamilya na pinilit pinagkasya ang mga sarili sa kariton at doon natutulog habang magkakayakap. Napalunok ako. Hindi ko magawang sumagot sa sinabi niya. Kaya tumalikod nalang ako at naglakad papalayo pero sinundan niya lang din ako.







Maya maya ay bumagal ako sa paglalakad para sabayan siya.









"I never saw that, sa mga magulang ko. Kaya ang hirap paniwalaan na pwedeng panghawakan ang pagmamahal kahit masakit o mahirap."


Sabi ko bago siya nilingon. Seryoso siya at mukhang malalim ang iniisip. Halata naman sakaniya na lumaki siya sa yaman at hindi nadapuan ng karalitaan. Bumuntong hininga siya bago ako tinignan sa mga mata.










"My parents decided to end their marriage when I was about 10 years old."

Sabi niya. Nagulat ako dahil nagsasabi siya saakin ng mga personal na bagay na ganito samantalang ngayon niya lang ako nakilala. She just smile at me at sa reaction ko.







"Sorry to hear that."

Sabi ko dahil ano pa ang pwede kong sabihin? Umiling siya tapos tumawa ng kaunti bago ulit naglakad. Tahimik ko lang ulit siyang sinundan at hinintay na magsalita ulit.







"It's okay. Mahirap at masakit, oo. Lalo na yung makita mo yung parents mo na nasasaktan at nagagalit sa isa't isa. At some point sabi ko, ayoko na mainlove kung ganito lang din naman. Pero bakit ko naman ipagkakait sa sarili ko yung pagkakataon na magmahal at mahalin din? Dahil lang takot ako? "




Sabi niya. Napalunok nanaman ako at wala nanamang masabi. Para niyang binabasa ang bawat pahina ng buhay ko sa mga sinasabi niya. Parang kinukuha niya yung mga nararamdaman ko at tinatranslate iyon sa mga salita.










"Pero bakit nga pala nasa plaza ka din ng ganitong oras?"

Bigla kong naalala. Nakabalik na kami nun sa bench kung saan kami nakaupo kanina. Nauna siyang umupo doon at tumabi ako pero nagiwan pa din ng distance between us.










"Well! I just found out that my boyfriend for 2 years is cheating on me. Nakita ko sila sa bar. Magkatabi sa isang love seat at naglalandian."


Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Una dahil sobrang kalmado naman niya ata para sa isang babaeng niloko ng boyfriend at pangalawa eh dahil biglang naalala ko si Anne at Vhong sa scene na sinabi niya.





"Bakit parang kalmadong kalmado ka naman ata? Parang hindi ka masyadong affected."

Hindi ko na napigilang itanong. Bumuntong hininga siya bago sinubsob sa mga palad niya yung mukha niya tapos pinunasan din kaagad yung mga luha niya bago nagsalita.






"Masakit. Sobra, hindi ako magsisinungaling pero ganun talaga eh. Ang mahalaga sakin hindi ako nagkulang sakaniya."

Sabi niya. Hinagod ko yung likod niya kaya napatingin siya saakin.







"Eh ikaw ba? Bakit ka andito?"


Sabi niya. Umiling lang ako. Napakababaw ng dahilan ko kumpara sakaniya kaya di ko nalang sinabi. Ngumiti lang ako at ngumiti din siya.










Ayokong maniwala sa pagmamahal dahil hindi ko pa naman naranasan yun sa magandang paraan.








Pero habang tinitignan ko si Jackie ngayon parang may kung anong tumutulak saakin na subukan.







Siguro kung susubok ako, sana kung susubok ako. Sana sa katulad niya. Sana sakaniya.






Napatingin siya sa relo niya at biglang napatayo.





"Wow. 4am na. Ang late na pala. Hmmm. Saan ka ba uuwi? Gusto mong sumabay? Unless may sasakyan ka? Of course may sasakyan ka. Mukha kang may sasakyan."




Derederetsong sabi niya na parang mejo natataranta. Natawa naman ako bago tumayo at umiling ulit.









"Wala akong sasakyan pero malapit lang naman ako dito. Ihahatid kita hanggang sa parking."





Sabi ko bago nagpatiuna nang maglakad. Naramdaman ko naman na sumunod siya saakin. Tahimik nalang kaming naglakad hanggang sa harap ng kotse niya. Binuksan niya yun at papasok na sana pero huminto siya saglit.












Napatingin siya saakin. Napangiti naman ako.












I would love to do this again with her.








"Can I have your number? Just to be sure na hindi ko imagination lang 'to?"













Sabi ko sakaniya. Natawa siya ng kaunti at napaisip bago sumagot.










"Meet me here after 3 months. Same time. Same place. Pag hindi ka dumating, then this night isn't real."







Sabi niya sabay tawa tapos kaway at pasok sa loob ng kotse niya. Aapila pa sana ako pero umalis na siya. Napailing nalang ako. 3 months? Antagal nun, madaming pwedeng mangyari sa loob ng tatlong buwan.







Pero darating ako.













I know darating ako at sana ay ganun din siya.




















Sana.






















End.

----------------
The Only Exception
By Paramore

Darating kaya sila? Luh. Excited na ako. Hahaha



Continue Reading

You'll Also Like

1M 21.7K 59
I am Jacqueline Swan. When I was younger I had a accident that left me blind. Though I could not see I spent time away from my twin with a benefactor...
3.5M 149K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
19.1K 560 46
Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo titiisin yun sakit na nararamdaman mo dahil...
1.2M 28.5K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...