Playlist

By GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. More

Starlight
The One That Got Away
Huling Gabi
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
The Only Exception
Happier
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
The Last Time
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

Overboard

326 11 44
By GreatGatsby08

This one's for you.

3 words, 8 letters.

------------------------

Vice's POV

"Hindi, mali eh. Ulitin natin mula umpisa. Wala sa timing yung drums."

Sabi ko sa mga kasama ko sa banda. Nasa loob kami noon ng garahe sa bahay ng lolo ko at nagpapractice para sa paparating na battle of the bands. Pero hindi namin magawang magtugma-tugma ng gustong mangyari. Papadilim na din at panigurado na mamaya lang eh lalabas na yung lola ko para pagalitan kami.

"Dali na bago pa lumabas si lola or si lolo dito."

Mejo stressed ko nang sabi. Kinuha ko na ulit yung electric guitar ko sa stand niya at nagsimula na sa intro ng kantang. Maayos ang naging simula namin pero kalagitnaan ng kanta ay biglang pumasok si lolo na may hawak na beat timer. Napahinto kami lahat nung pinatong niya yun sa ibabaw ng speaker at namewang saamin.

"Wala kayo lahat sa beat. Sundan niyo 'to. Sakit niyo sa tenga."

Sabi niya sabay labas ng garahe. Nagtinginan kami bago natawa nalang.

"Kailangan ko na umuwi. Bukas nalang ulit to."

Sabi ni Jhong habang inaayos ang bass guitar niya. Napabuntong hininga nalang ako at inilagay ang guitar ko sa stand nito bago umupo sa isang wood stool na nasa loob.

"So palagay niyo, may pag-asa tayo?"

Naiinis na sabi ko sakanila bago napahilamos sa mukha ko. Naiinis ako dahil parang wala namang interesado na manalo o na sumali manlang.

"Vice, chill ka lang. Hindi naman natin to buong bahay. So what kung matalo tayo? Ayos lang naman yun. Mahalaga ma-enjoy natin."

Sabi ni Jugs. Yung drummer namin. Inaayos niya nun yung mga cymbals. Napatingin ako sakaniya ng masama at napabuntong hininga ako in surrender bago tumayo. Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko sa bulsa ng suot kong pantalon kaya agad ko yung kinuha. Alam na alam ko kung sino yun.

Napangiti ako nung makita yung pangalan ng sender. Agad kong binasa yung message at agad ding napangiti.

Jackie:

Baby! I miss you. Tapos na ba kayo?

Sabi niya. Yun lang naman sinabi niya di ba? Pero napangiti na ako agad. Nawala na kaagad yung inis ko sa mga tao na kasama ko sa paligid. Magrereply na sana ako nung may biglang humablot ng phone ko.

"Baby!!?? Hoooo!! Kayo na? Kayo na ba?"

Sabi ni Vhong. Agad ko namang hinablot sa kaniya yung phone at pailing iling nalang na tumipa ng reply kay Jackie habang sinusubukan ni Vhong na makibasa.

To Jackie:

Hi. Katatapos lang namin. Asan ka? Meet me?

Sabi ko bago sinend yun. Nagkantyawan naman lahat ng mga nasa paligid ko. At isa-isa pa silang tumapik sa likod ko na parang may nagawa akong deserve ng isang 'job well done'.

"Tumigil kayo. Hindi kami."

Sabi ko. Dahil totoo naman. Hindi naman talaga kami. Walang kami. Naglalandian lang kami. Napalunok ako dahil hindi na ako sigurado kung yun pa ba talaga ang gusto ko o baka iba na.

"Sus. Antagal niyo nang ganyan. Akala ko kayo na. Ba naman yan. I'm disappointed in you my man."

Nangaasar na sabi ni Jhong saakin bago ako inakbayan at niyugyog ng kaunti bago pinakawalan. Tama siya. Mejo matagal na nga kaming ganito.


Saan ba kasi kami nagsimula?


Ahhhh tama. Social media.

Dumb? Yes. Don't really care.

"Pero di nga? Wala pa din?"

Ulit ni Vhong nung mapadaan siya saakin habang inaayos yung cord ng mic na ginamit namin kanina. I rolled my eyes bago ako sumagot.

"Wala nga! Ang kulit naman."

Sabi ko. Paano nga naman namin maaayos to? Everytime na susubukan kong pag-usapan namin tungkol saamin eh nagsha-shut down siya. Paulit-ulit lang kami. Napabuntong hininga ako, katatapos lang namin sa away. Ngayon lang kami ulit nag-usap after, ewan. 1 week?

It still stings pag naaalala ko.





1 Week Ago....

Nasa apartment ko si Jackie nun. Katatapos naming magpractice nila Vhong at kakaalis lang din nila bago dumating si Jackie. Nakaupo siya sa sofa habang nakahiga naman ako sa lap niya at nanonood kami ng.... Wait for it....





Tinkerbell.



"Kamusta practice niyo?"

Tanong niya habang sinusuklay ng kamay ang buhok ko. Nanatili sa screen ng tv yung mata ko. Hinuli ko yung kamay niya tapos hinalikan yun.


"Kamusta sa school?"

Tanong ko sakaniya. Natawa lang siya ng kaunti bago nagsalita.

"Ganun pa din. Nakakaboring yung klase tapos ikaw pa tong palaging nasa isip ko, so pano?"

Sabi niya. Napangiti naman ako. Hinalikan ko ulit yung kamay niya bago umupo at humarap sakaniya. Ipinatong ko yung siko ko sa sandalan ng upuan bago ko siya hinalikan sa cheek.

"Bakit kasi ako ang iniisip mo eh nasa klase ka?"

Biro ko sakaniya bago ko siya hinila palapit saakin para ikulong sa mga braso ko. Ipinatong ko sa ulo niya yung baba ko habang nakasandal naman siya sa dibdib ko.

"Hindi ko din alam eh. Palagi kitang namimiss kahit magka-text tayo or magka-usap sa phone, namimiss pa din kita."

"Hmm. Namiss din kita."

Sabi ko bago ko hinalikan yung ulo niya. Tumingala naman siya sakin bago ngumiti at humalik sa labi ko. I kissed her and gently bit her lower lip bago ko yun binitawan.

"Mas namiss po kita baby ko. Love you."

Sabi niya bago ulit ako hinalikan sa mga labi ng saglit bago ulit sumiksik sa dibdib ko at yumakap sa bewang ko. Napangiti ako. Hindi ko alam kung gano na kami katagal na ganito. It is just so easy for me to love her.

"Love you more."

Sabi ko bago ulit siya hinalikan sa ulo at ibinalik kay Tinkerbell ang pansin ko.



Kahit nasa TV yung pansin ko ay hindi naman yun ang tumatakbo sa isip ko. Alam kong pag tinanong ko siya eh hindi din niya ako sasagutin. Napabuntong hininga ako kaya bigla siyang napatingin saakin.



"Oh, lalim nun ah. Bakit?"

Tanong niya. May pag-aalala sa mga mata niya kaya ngumiti lang ako at umiling. Pero habang nakatingin ako sa mga mata niya ay hindi ko nanaman naiwasang mapabuntong hininga. Hinaplos niya ako sa mukha habang nakatitig pa din sa mga mata ko.











"Jackie, I love you."

Ramdam ko ang bigat sa bawat salitang binitawan ko. Damang dama ko ang katotohanan sa bawat salita at alam kung ganun din siya. Pinilit niyang ngumiti bago ako hinalikan sa mga labi gaya ng palagi niyang ginagawa pag nararamdaman niya na I'm about to start 'the talk' with her.







"I love you, too baby. I love you, mahal ko. I love you, Vice."

Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Ramdam ko din naman na totoo yun pero alam kong may pangamba at pagaalinlangan pa sa parteng yun. Hindi ko alam kung saan nanggagaling because she is always deflecting. Kinuha ko yung kamay niya bago ulit siya tinitigan at seryosong nagsalita.







"Seryoso ka ba saakin?"

Tanong ko. I've been through a lot already. Ilang ulit na din ba akong nasaktan at ilang ulit na din ba akong naloko?







Ilang ulit na din akong naiwan sa ere pagkatapos sabihan na mahal ako at hindi iiwanan. Sa huli, lahat sila nawala din. Gusto kong makasiguro na hindi mangyayari saamin yun. Dahil ayokong mawala siya.







"Vice, madaming bagay na hindi ako sigurado. Mga bagay na hindi ko mapaliwanag. Pero kahit hindi malinaw itong kung ano man tayo, sigurado akong mahal kita at seryoso ako sayo."





Sabi niya. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Napansin kaagad niya nagbago ako ng mood kaya agad niya akong niyakap at hinalika sa magkabilang pisngi bago hinalikan sa labi.



"Oh? Magsusungit nanaman ba? Halika nga dito. Pa-hug ako."



Sabi niya bago ako ulit niyakap. Nanatili siyang nakayakap saakin at ganun din ako sakaniya.





"Hindi ka sigurado kung anong meron satin? Bakit di natin pag-usapan? Para malinaw?"


Lakas loob kong sabi matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi siya kaagad kumibo pero naramdaman kong mas humigpit yung yakap niya saakin bago ako pinakawalan tapos tinignan ng seryoso. Umiling siya ng kaunti bago nagsalita.





"Tsaka nalang natin--"




"Kelan pa? Palagi mo nalang bang tatakasan yung usaping ito?"


Mejo naiinis na ako. Nakita kong nagulat siya sa pagtataas ko ng boses pero nanatiling kalmado. Yumakap nalang ulit siya saakin.





"Sorry. Hindi pa lang ako ready."




Sabi niya. Bumuntong hininga ako pero hindi nagsalita. Handang handa ako eh. Ready akong pag-usapan kung saan ba papunta to. Kahit yun manlang magging malinaw saakin. Pero palagi nalang ganito.





"Anong iniisip mo?"

Maya maya pa ay sabi niya. Saglit akong nagisip bago nagsalita.





"Na napaka-unfair mo. Naiintindihan ko naman na hindi ka pa ready. Pero atleast manlang pag-usapan natin. Hanggang kelan tayo ganito?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pwedeng mag-meet halfway kami. Pag-usapan lang namin yung kaya ngayon tapos we'll work things out along the way? Bakit hindi pwedeng ganun?







"Sorry. Hindi ko maibigay yung gusto mo."

Sabi niya. Napapikit ako ng madiin habang nagpipigil ng inis dahil ayokong mag-away nanaman kami. Pabalik balik nalang kami sa usapang ganito at pareho lang din ang sagot na nakukuha ko.



"Pakiramdam ko ako lang yung may gusto nito. Ano pa bang kulang?"

Mahina kong sabi. Umayos siya ng upo sa tabi ko at seryosong tumingin saakin. Tumitig lang din ako sa mga mata niya.





"Yun ba talaga yung tingin mo? Ikaw lang may gusto nito?"

Mejo naiinis na din niyang tanong saakin. Nagisip ako ng saglit bago tumango at nag-iwas ng tingin. Everytime na susubukan kong linawin yung mga bagay bagay at ganito ang sinasagot niya saakin, nasasaktan ako. Pakiramdam ko hindi naman talaga siya seryoso. Na isa lang ako sa mga conquest niya. Ako yung pang landian lang pero hindi pang relasyon. Napatiim bagang ako.


Napabuntong hininga siya bago hinaplos yung braso ko at kinuha ss kamay niya yung kamay ko.







"Makinig ka sakin, Vice. Mahal kita. Sobrang mahal kita. Pero nasasaktan na kita, everytime na paguusapan natin to, wala akong maisagot. Palagay ko..."




Sabi niya. Tinitigan ko siya. Nagsimula nang may pumatak na mga luha sa mga mata niya kaya napalunok ako. Andito nanaman ba kami? Sa point na gusto nanaman naming itigil itong kung ano man to.








"Kailangan na natin itong itigil."

Sabi niya. Napatiim bagang ako. Pero hindi ako sumagot. Tanging tango lang ang naisagot ko. Hindi ko alam kung paano siyang nagpaalam at paano ko siyang hinatid sa labas o kung paano ako nakabalik sa loob ng bahay at ngayon ay nakaupo nalang mag-isa sa sofa. Tahimik na umiiyak.









Nung unang araw na hindi niya ako kinikibo. Walang messages o tawag, akala ko okay lang. Sabi ko kaya ko. Sabi ko okay ako.








Nakikipagkwentuhan ako sa mga kaibigan ko sa umaga. Nakikipagtawanan sakanila pero ang totoo sobrang hirap mag-adjust. Minu-minuto kong sinisilip yung phone ko, nagbabakasakali na mag text siya pero wala.







Ilang araw akong ganun. Maayos ako sa umaga pero pag mag-isa ko nalang, kinakain nanaman ako ng sakit. Para akong nalulunod sa lungkot dahil sa pagkamiss ko sakaniya.





"Tanga mo, Vice. Namimiss mo yung taong hindi ka naman namimiss. Minamahal mo yung taong wala namang pakialam sayo."


Bulong ko sa sarili ko isang gabing napagdesisyunan kong uminom mag-isa sa apartment ko. Pwede naman akong umuwi kina lolo pero ayokong makita nila akong ganito. Pinagdadasal ko na sana mag-umaga na para pwede na ako ulit magkunwari na ayos ako, dahil may mga kausap at kasama ako.







Nakabukas lang sa harap ko yung phone ko. Umaasa. Naghihintay kung mag tetext manlang siya pero wala talaga. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ayoko sanang gawin pero hindi ko na kaya.




I sent her a message.


Una...

To Jackie:

I miss you.

Pero hindi pa ako nakuntento at nagsend pa ako ulit ng pangalawa.

To Jackie:

I love you.


Bahala na bukas. Pagagalitan ko nalang sarili ko sakali man na umabot akong buhay. Kinuha ko yung huling bote na nasa lamesa at inubos yun ng isang lagok lang bago ako bumagsak sa sofa pero hindi pa din ako nakatulog.





"Kung sino pa yung nakakasakit satin, sila pa talaga yu g hinihintay natin to ease the pain."




Bulong ko sa sarili ko. Ilang oras ang lumipas pero walang reply. Sana hindi ko nalang ginawa yun eh. Para hindi ko nararamdaman lalo ngayon yung sakit ng iniignore ka nung mismong taong makakapagpawala din nung sakit.









Sana hindi ko napapatunayan ngayon na wala talaga akong halaga sakaniya.






"I hate my life. Bakit di pa ako namatay."

Sabi ko sabay punas ng mga luhang kanina pa ayaw paawat. Una, yung nanay ata tatay ko. Tapos lahat ng taong minahal ko.





Pakiramdam ko tinapon ako. Para akong bigla nalang hinagis sa dagat kahit alam naman niya na hindi ako marunong lumangoy. Dahan dahan akong nalulunod eh. Tapos yung taong dahilan ng lahat ng to eh siya din yung kaisa-isang kaya akong hilain paahon.






"Fuck this. Might as well just end it."

Hindi ako nagisip ng tama. Naunahan ako ng sakit na nararamdaman ko na gusto ko nang wag kong maramdaman.






I took a knife.




I was ready to do it then I stopped.






Binitawan ko yung kutsilyong hawak ko and went back to the sofa and just cried.




Sa mga oras na yun iniisip ko kung gaano din siya nasasaktan. Alam kong hindi lang ako.








Apat na araw ang lumipas bago niya ako ulit kinausap. Wala pa ding sagot sa mga tanong ko pero ang mahalaga sakin ngayon eh okay na kami.





Nakakatawa kung paanong isang tao lang ang katapat ng lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko. It took her just one message tapos all of a sudden okay na ako ulit.



Magic?

No. Just love.


Present...

"Asan ka na ba?"

Tanong ko sa kausap ko sa telepono habang naglalakad papunta sa cafe na sinabi niya. Nagmadali ako nung sabihin niyang andun na siya sa labas at hinihintay na niya ako.





Inabutan ko siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng cafe at agad akong lumapit sakaniya. Mejo nagaalangan pa akong humalik sa pisngi niya. Kinuha niya yung kamay ko at hinila paalis.




"Akala ko ba dito tayo mag-uusap?"


Sabi ko nung magsimula na siyang maglakad palayo sa cafe. Tinignan niya lang ako bago siya ngumiti at nanatiling naglalakad kaya wala akong nagawa. Hindi kami nagkikibuan hanggang makarating kami sa isang street at huminto kami sa tapat ng isang bahay malapit sa dulo nun. Napakunot noo naman.








"Asan po ba tayo? Kung isasalvage mo ko, alanganin ka dito. Madaming makakakita."


Biro ko sakaniya. Tumawa lang siya saglit bago kinuha yung isa ko pang kamay tapos seryosong tumitig saakin at bumuntong hininga.








"Okay. Kinakabahan ako sa ganyan mo, Jackie."


Sabi ko sabay tawa para mawala yung kabang nararamdaman ko. Lumingon siya sa bahay na nasa tapat namin. Nakabukas ang ilaw sa loob at mukhang madaming tao sa loob dahil may naririnig akong kumakanta.












"Vice. I love you, totoo yun. Kahit ano pang isipin mo, totoo yun."


Sabi niya. Napangiti lang ako bago iiling iling na nagsalita.





"Baby, dinala mo ako dito just to say that? I love you more. I'm stupid, I know dahil inaaway kita about dun. Pero alam mong mahal kita di ba? Whenever you are ready, I'm here."



Seryoso kong sabi sakaniya. Niyakap niya ako halatang kinakabahan kaya kinakabahan din tuloy ako. Lumayo siya saakin kaunti at tsaka tumingin ulit sa mga mata ko.









"Sorry kung natagalan ako sa pag-iisip. Sorry talaga. Pero mahal kita at hindi ko gustong basta nalang pakawalan yun."

Sabi niya. Tumango lang ako bago ko siya hinalikan sa noo. Tapos ulit nagsalita.





"Mahal din kita, Jackie pero... asan nga tayo?"

Tanong ko habang nakangiti sakaniya. Nagsmile siya bago natawa ng kaunti.






"Halika na. Pumasok na tayo sa loob at gustong makilala ng tatay ko yung boyfriend ko."


Sabi niya sabay hila saakin papasok ng gate ng bahay na nasa tapat namin.

















TEKA! ANO DAAAWWW!!???




















TATAY NIYA!!!????










End.

--------------
Overboard
by Justin Bieber ft Miley Cyrus

Muntik nang magging malungkot yung ending. 😎
























Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 185K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
1.1M 27.5K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
2.8M 184K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
3.4M 143K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...