Fool Me Twice -Editing - (Com...

By turning_japanese

1.6M 17.6K 2.9K

Ito ay kwento ng masalimuot at kumplikadong love story ni Jessica, ang bestfriend ni Haley. Will she give Amb... More

Prologue
Chapter 1: Ambrose
Chapter 2: How it All Started
Chapter 3: Twice a week
Chapter 4: Carl
Chapter 5: The Reason
Chapter 6: The Transferee
Chapter 7: Another Transferee
Chapter 8: The Decision
Chapter 10 : White Christmas
Chapter 11: Kazi
Chapter 12: Fhaye
Chapter 13: Missed Call
Chapter 14: All Gone
Chapter 15: I should go.....
Chapter 16: The Mystery Guy ( Part 1)
Chapter 17: The Mystery Guy (Part 2)
Chapter 18: Homecoming
Chapter 19: Is it over?
Chapter 20: Again
Chapter 21: Deja Vu (With External Link)
Chapter 22: Revealation
Chapter 23: One-sided
Chapter 24: Here's To Us
Chapter 25: Still
Epilogue
FMT: Jess and Ambrose (Restricted)
Fool Me Twice : Deja Vu ( Restricted)

Chapter 9: Stripes

57.3K 532 71
By turning_japanese

Jessica's POV

~~~~~~~~~~~

" Cancelled daw yung final rehearsal natin ngayon." si Dana. Isa sa mga ka grupo ko sa mini stage play sa isa sa mga subjects namin.

" Cancelled? Sinong nagsabi? Ilang araw akong nag antay ng aprroval nun at ngayonng kumpleto tayo tsaka makacancel?" napalakas ata ang ang boses ko. Napataingin yung iba sa cafe sa side namin. Pati si Haley at si Irish parang nakakita ng alien. Hindi kasi ako yung tipong nawawala sa control ng ganun ganun na lang.

Kahit sino naman siguro magagalit kasi kailngan namin ang gym ngayon Ito kasi ang actual na venue para sa play so dapat ang final rehearsal.

" May mga naglalaro kasi. Sabi nung isang lalaking mayabang nag sign up din daw sila sa ganitong oras." paliwanag ni Dana.

"Ano?! Nagpapaniwala ka naman kung sino man yung kumag na yun. Akala ko pa naman sa office ng admin galing ang statement na cancelled ang reservation natin sa gym. Teka nga." walk out ako sa kami.

"Uy san ka pupunta?" pahabol na tanong ni Haley pero hindi ko na ito napansin.

Pupunta akong gym. Hindi pwede saken yang ganyan. Hindi pwedeng magkaroon ng dalawang reservation sa isang time slot. At hindi ako pwdeng magkamali dahil may confirmation slip ako.

Nakarating ako ng gym ng ilang minuto lang. Tatlong tao lang naman ang naita kong naglalaro. Yung dalawa kilala ko sa mukha dahil nakikita ko sila sa school. Pero hindi ko alam ang pangalan. Yung isa, malamang ito ang tinutukoy ni Dana na mayabang. Nasa pinto pa lng ako ng gym ramdam ko na ang lakas ng dating niya. Napakapit nga ako sa pinto eh. Weh?

Naglakad ako palapit sa kanilang tatlo. Pumwesto ako sa tapat ng ring. Saktong magshoshoot si yabang nang mapansin niya ang beauty ko.

Kita mo ang iritasyon sa mukha niya. " Hindi mo ba nakikita may naglalaro? Bka pwdeng tumabi ka?" pigil na pigil pa siyang hindi maging bastos nung lagay na yun ha.

" Hindi niyo ba alam na nakareserve ang gym ngayon para sa final rehearsal namin?" gigil kong tanong sa kanya.

" Matagal na kong nagpareserve dito sa oras na'to kaya imposible yun. Kaya pwede ba umalis ka na at nasasayang ang oras namin." masungit na sabi nito.

Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to. Mukhang transferee lang to kung makapag salita at home na at home eh. Ngumiti ako ng nakakaloko.

"Hindi ako aalis dito. Kayo ang dapat umalis. Kailngan namin tong lugar na to at matagal ko na ring pinareserve ito kaya imposible rin akong magkamali. " hindi ako nagpatalo sa kanya.

Lumapit ito saken. " Ah ganun? Kapag hindi ka umalis bubuhatin kita palabas ng gym." banta nito.

" Whoaah! Nakakatakot ka pala. Pero hindi ubra saken yang mga ganyan banat. Sige gawin mo." hamon ko sa kanya.

Umiiling ito na natatawa. " Akala mo nagbibiro ako." tumingin pa siya dun sa dalawa niyang kasama. Maya maya lumapit ito at hinawakan ako sa beywang at pinasan ako na parang isang sakong bigas.

Napasigaw ako. " BITIWAN MO NGA AKO! BASTOS KA!" pinaghahampas ko ang likod niya.

Natatawa pa siya. "Ayaw mo kasing makinig yan ang napapala mo." mayabang na sabi nito.

" IBABA MO AKO!!!!" sumisigaw na talaga ako.

" ANONG NANGYAYARI DITO?"

Napatigil ako sa paghampas sa likod niya. Napahinto naman ito sa paglalakad. Tumingin ako sa side nung nagsalita. Si coach Jonah. Coach nila Vince sa basketball. Naramdaman ko binaba na ako nung lalaki.

" Anong kaguluhan to?" tanong nito.

" Siya kasi.../Ito kasi..." at sabay pa kaming nagsalita talaga.

" Tumigil kayong dalawa." galit na sabi nito at tumingin dun sa lalaki. " Kazi, can you explain this?"

" Kami kasi naunang nagpalista dito coah eh. Sabi niya sila daw ang nauna. Eh imposible naman yun kasi may approval din kami galing sa admin." sabi nito.

Tumingin samen yung si coach at parang ako naman ang tinatanong nito.

" Last week ko pa po pinareserve ito para sa final rehearsal namin sa play. Meron din po akong approval slip." paliwanag ko.

Nakapameywang kaming hinarap nito. " Oh eh ba't umabot pa kayo sa pisikalan, wala bang nakaisip sa inyo na pumunta sa office at magtanong kung bakit ganun."

Uhm....oo nga noh. Actually dun naman dapat ako nagpunta at hindi sa gym.

"Ito kasi coach bigla na lang sumugod dito tapos humarang sa gitna." sabay turo saken.

" Eh ba't mo pa ko kailangang kaladkarin palabas ng gym!?" singhal ko sa kanya.

" Siya, siya tama na yan. Pumunta kayong dalawa sa opisina para malaman niyo kung kanino tlaga nakareserve tong gym. Pag ako mainis sa inyong dalawa hindi kayo makakagamit nito."

" Sorry coach." pagkasabi ko nun halos takbuhin ko ang ofis ng admin. Nasa pinto na ako ng may biglang sumingit papasok. Yung mayabang na naman na lalaking yun.

" Ang kapal mo talaga, nauna ako dito." sabi ko na nakahawak sa door knob.

" Eh ano ngayon iisa lang naman ang pinto nito. Buksan mo na para makapasok na tayo." ayos ah. Kung makapag utos wagas.

Binuksan ko nga ang pinto at pabalibag na sinara.

" Nananadya ka ba? Muntik nang tamaan yung mukha ko!" gigil na sabi nito.

"Kasalanan ko ba? Ang bagal mo kasing kumilos." sagot ko sa kanya.

"Anong kailngan niyo?"sabi ng isang boses lalaki.

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Lumapit agad ako sa lalaki sa admin office.

" Sir ako po yung nagpareserve sa slot ng gym ngayon." sabi ko.

" Sir ako rin po may reservation ngayong oras." singit nung lalaki.

"Teka lang isa isa lang." awat nung lalaki. " Ibig niyong sabihin, dalawa kayong nakareserve sa time slot na'to?"

Hindi ako sumagot. Nagkatinginan lang kami nung lalaki. Mamaya lumabas ang isang babae mula sa pinto ng isa pang room. Nagulat ito ng makita ang lalaki na kasama ko. Initrapan naman siya nito. Yumuko lang yung babae. Parang magkakilala sila.

"Pakicheck nga yung list  kung sino nakareserve ngayon sa gym." utos nung lalaki dun sa babae.

May kinuha ito na parang logbook. Tumingin siya samen pareho matapos tingnan ang nakasulat dito.

"Sir, dalawa po yung nakasulat sa reservation." sabi nito.

" Ano? Di ba ikaw ang in charge dyan. Pa'no nangyaring dalawa sa isang time slot." tanong nung lalaki. "Ayusin mo yan. Pati ba naman yan poproblemahin ko pa." sabi nito at iniwan kaming tatlo.

Lumapit samen yung babae. " Pasensya na kayo. Nagkamali ako sa pag lalagay ng schedule. Dalawa kayong nagpalista pero....nauna si miss Jessica." sabi nito.

Taas ang dalawa kong kilay na hinarap ang lalaki.

" Niloloko mo ba ako? O nananadya ka talaga?" galit nitong hinarap ang babae. "Wala akong panahon sa'yo if this is your one way of getting my attention. Wala kang mapapala saken. Ayusin mo ang buhay mo." tumalikod agad ito at padabog na sinara ang pinto.

Ansabeh? Napatingin ako sa mangiyak ngiyak na babae. Antaray ni kuya. Parang may pinaghuhugutan.

"Pasensiya ka na miss. Sorry talaga. Hindi na mauulit." sabi nung babae.

Nginitian ko siya para gumaan naman ang pkiramdam niya. "Ok lang yun. Pasensya ka na rin kung umabot pa kami dito. Kailngan ko rin kasi yung gym."

"Ang sungit naman nung lalaki na yun. Bastos pa. Pumapatol sa babae. Bakla at yun eh." sabi ko.

Tumawa yung babae. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin parang pamilyar ito.

"Ano nga palang name mo?" tanong ko.

Ngumiti rin siya. " I'm Fhaye."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bakasyon na pala next week. Nag aayos na si Ambrose ng mga gamit nilang magkapatid para sa holiday. Sa Saturday ang flight nila for LA. Tig isa lang sila ng maleta for check in at tig isa na carry on luggage.

Gusto ni Ambrose ma meet ang parents ko at mga kuya ko. So pag dumalaw ako sa LA  papunta sa kanila sasama siya pabalik ng San Francisco para ihatid ako. Nasabi ko na ito kay mommy. At excited siya na meet si Ambrose. Matagal na niya itong kilala sa pangalan lang. At hindi niya alam na naghiwalay kami. Hindi ko na kasi ito pinaalam sa kanya kais baka mag alalala pa siya. Kaya para kay mommy matagal na kami ni Ambrose.

" Ate Jess aren't you gonna be with us sa flight?" tanong ni Jess.

Lumapit siya saken para kumandong. Alam niya kasi na aalis din ako for holiday.

" No. Pero susunod ako dun I'll visit you." sabi ko.

"Yeheyy!" tuwang tuwa sabi nito. "Are you gonna spend christmas eve with us?" kulit ulit nito.

Hindi ako nakasagot. Kasi sa bahay syempre ako magcecelebrate ng Christmas eve. Lumapit si Ambrose at tumabi siya sa aming dalawa.

"No baby. " sabi nito at kinuha si Alexa para siya naman ang kumandong dito. " She misses her mom, so she will celebrate Christmas eve with her mom and dad." paliwanag nito sa kapatid.

Lumungkot ang mukha nito. " Don't worry, I'll be there the the following." sabi ko.

"Promise?" tanong nito.

"I promise." nakangiti kong sagot.

"Yeheey!" tuwang tuwa ito at yumakap saken. At nung ayaw bumitaw kinuha ito ni Ambrose at kinarga papasok sa kwarto niya.

" Sa room ka muna ha, Ate Jess and I will talk. "sabi nito.

Nakakatuwa silang magkapatid pagmasdan. Lalo na si Ambrose. Mahal na mahal nito ang kapatid niya. Parang kapatid na rin  naman ang turing ko kay Alexa kahit nung hindi pa kami ni Ambrose. Magaan ang loob ko sa bata kahit nung masungit pa siya.

Tumayo ako para sumunod sana sa kwarto ni Alexa. Time na kasi para sa bedtime stories niya. Nang makaramdam ako ng hilo. Umupo ulit ako. Tumingin ako kisame. $hit. Umiikot tlga ang paningin ko. Pinilit kong tumayo para kumuha ng malamig na tubig sa ref. Pero walang tubig. Mga juice in cans ang andun at mga sofdrinks.

Kumuha ako ng isang juice in can at ininom ko agad ito. Muntik ko ng iluwa ito. Ang sama ng lasa. Takte ano bang flavor to. Tiningnan ko ang label. Mango juice naman ito. Pero bat ganun iba ang lasa. Parang mapakla a ewan.Tsaka umiinom naman ako madalas nito. Ba't ganun parang nag iba ang lasa. Umino ulit ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Tumakbo ako palapit sa lababo. Pilit ko sinusuka ang juice na nainom ko.

Nakaramdam na naman ako ng hilo. Actually kanina pa talaga ako nahihilo. Bago mag uwian pero hindi ko ito pinansin. Baka napagod lang ako. Pero hindi lang ito yung pagkakataon na nahilo ako at tuwing hapon ito. Hindi kaya....bago pa ako makapag isip tumakbo ulit ako papuntang lababo. Nasusuka na naman ako.

Nang mahimasmasan ako, kinuha ko agad ang bag ko. Nilabas ang isang box ng pregnancy test na matagal ng bukas pero hindi ko magamit gamit. Ngayon ko na gagamitin ito. Tumingin ako sa kwarto ni Alexa. Hindi pa rin lumalabas si Ambrose.

Pumasok agad ako sa banyo. Nag antay ako dun hanggang sa maihi ako. Matapos ang ilang minuto naihi na ako.

Maingat kong pinatakan ang strip at walang kurap ko itong pinagnasdan hanggang sa tuluyan nang maabsorb nito ang ipinatak ko. Unti unting lumabas ang resulta nang...

TOK TOK TOK!

" Jess, are you okay?" si Ambrose. Nagtataka siguro siya kung bakit ang tagal ko sa loob.

Kinuha ko ang strip at binuksan ko ang banyo. Nakaabang siya sa pinto.

" Anong nangyari sa'yo? Nag alala tuloy ako ang tagal mo sa loob." sabi nito. " Namumutla ka pa."

Hindi ako sumagot. Napatingin siya sa strip na hawak ko. Inabot ko ito sa kanya. Alam niya kung ano ito. At alam rin niya kung paano mag interpret ng resulta. Nung hindi pa ako kasi nag pipills nung first  3 months pa lang kami nakagamit na ako nito at kasama ko siya nung time na yun.

Tumingin siya saken. " Two stripes............" pabulong niyang sabi.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Private chapter is posted,  nasa last chapter po, after ng Epilogue. Paki-check na lang po.

Thanks for reading....

Hanggang sa muli.....

*_* fujeeko

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 54.1K 104
Si Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na lang iyon. Isang araw ay bigla na lamang s...
86.7K 3.2K 26
"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising...
84.9K 589 6
Babala: Ang istoryang ito ay Rated SPG. Maaring maglaman ng masasarap na pagkain, katabaan, mantika at over confidence na hindi naaangkop sa mga se...
153K 5.3K 46
Imbyernang-imbyerna si Marian sa mahaderang may-ari ng kakompetensiya niyang funeral parlor na si Aling Poleng. Tumitindi ang kompetensiya sa pagitan...