Obey Him

By JFstories

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 14

355K 14.9K 2.5K
By JFstories

"ARE YOU OKAY NOW?"


Okay na nga ba ako after what happened?


Hindi ko makuhang sumagot kay Kuya Calder. Ang gulo ng gabing ito. Muntik na akong mapahamak, pero may natutunan ako. Lesson learned. Na hindi ako dapat basta-basta sumasama at nagtitiwala.


Natuto ako sa pagkakamali.


"By the way Fran, iyong sinabi ko kanina."


"What about it?" mahinang tanong ko. Isa pa iyon sa nakakagulo sa akin. Mahal niya ako? Paanong mahal?


"I know you're still young, there's a chance you won't understand even if I explain it to you. And to be honest, I can't understand myself either. Siguro puwede na lang nating isipin na nasanay at komportable lang tayo sa isa't isa." Ngumiti siya nang maliit. "If I am your first friend here in Manila, ganoon ka rin kasi sa akin."


Tumango ako dahil ang totoo ay naiintindihan ko siya. Oo at kulang pa ang kaalaman ko sa tunay na mundo, mapusok pa ako, sabik, at maraming bagay ang bago sa akin, pero madali akong matuto. 


"I'm sorry I blurted it out all of a sudden. I shouldn't tell you that. Please forget about it. At may problema pa tayo. Kailangang relax ka ngayon, okay? Sa mga oras na ito, malamang nagkakagulo na sa mansiyon dahil sa paghahanap sa 'yo."


Sinulyapan niya ang naka-off na phone sa kanyang tabi. Kanina pa iyon tumutunog kaya niya pinatay. Kung hindi si Uncle Jackson ay malamang mga tauhan nito ang kumu-contact sa kanya. Malamang sa malamang na pinaghahanap na kami. Ako.


Nakaparada ang kotse sa kalsada na malapit sa gate ng subdivision namin. Kinakabahan ako lalo pa at mag-a-alas diez na sa oras ng suot kong wristwatch. Pagkatapos kasi naming kunin ang mga damit ko sa bahay nila Olly ay tumambay pa kami malapit sa school. Hinintay niya pa kasi na mahimasmasan ako.


Umusod si Kuya Calder papunta sa akin. "Come."


Napatingala ako sa kanya nang maramdaman ko ang pagkabig niya sa akin palapit. May hawak siyang panyo. Masuyo niya iyong ipinunas sa mukha at leeg ko. Mayama ay suklay naman mula sa glove compartment ang kanyang inilabas. Pinatalikod niya ako nang bahagya saka niya marahang sinuklayan ang buhok ko.


"May panali ka?" tanong niya.


Naghanap ako sa loob ng bag ko pero isang pirasong naligaw na sanrio lang ang nakita ko. Inagaw niya iyon sa akin.


"Pwede na 'to." Itinali niya nang pa-ponytail ang aking buhok. Maluwag na pagkakatali dahil manipis lang ang goma, ngunit sapat na para hindi magkalat ang buhok ko. "Put some powder, Fran."


Kinuha niya sa kandungan ko ang aking bag at siya na ang nagbukas niyon this time. Nakatingin lang ako sa kanya habang naghahalughog siya sa loob. Inilabas niya ang maliit kong pouch saka siya naghanap doon ng pulbo. Nang makakita siya ng loose powder ay walang pasabing binuksan niya iyon. Balak ko sana siyang sawayin ang kaso ay nakatapat na sa akin ang sponge.


"Wag kang malikot." Inangat niya ang aking mukha gamit ang kanyang daliri.


Kahit naiilang ay hinayaan ko na lang siyang pahiran ng pulbo ang aking magkabilang pisngi. Isinunod niya ang gawing mata ko. Kinapalan niya ang pahid partikular sa ilalim ng mga mata.


"There." Napangiti siya habang nakatingin sa akin pagkatapos. "Hindi na masyadong halata na namumugto."


Hindi ko sure kung ano kinalabasan ng ginawa niya kaya kinuha ko ang salamin para icheck ang itsura ko. Okay naman. Pantay naman. Maputla nga lang dahil makapal ang pagkakalagay niya.


Muli siyang nagbutingting sa bag ko. "Do you also have a lipstick here? O kahit lip tint lang?"


"Don't tell me ikaw rin ang maglalagay niyon sa akin?" hindi ko napigilang tanong sa kanya.


Nagkamot siya ng pisngi. "As much as I want to... hindi na keri ng powers ko. Baka magmukha kang clown."


"May lip tint ako riyan." Sakto na nakita niya ang cherry tint sa pouch. Inabot niya iyon sa akin


"Manipis lang ang ilagay mo. Natural lang dapat."


Nagpahid nga ako nang kaunti lang sa mga labi para hindi naman ako ganoon kaputla. Ibinalik ko ang pouch sa bag ko pagkatapos. Si Kuya Calder naman ay inayos ang necktie ko na bahagyang nakatabingi.


"Tara nang umuwi?"


Tumango ako kahit muling bumalik ang kaba sa aking dibdib.


He turned the engine on. "Relax lang." Kinuha niya ang isang kamay ko at hindi binitawan.


Agad sumaludo ang mga guwardiya pagpasok ng sasakyan namin sa gate ng subdivision, at malamang na may magra-radyo na sa mansiyon na paparating na kami.


Napatuwid ako nang pagkakaupo. Matapos ang ilang liko ay nakita ko na ang street namin.


"S-sandali." Nakagat ko ang ibaba kong labi nang nasa tapat na kami ng mismong gate ng mansiyon.


"You're cold." Pisil niya sa kamay ko na hawak niya pa rin.


"B-baka kasi galit na siya..."


Anong baka? Imposibleng hindi pa galit si Uncle Jackson sa mga oras na ito. Ilang missed calls and text messages niya ang hindi ko nasagot, siguradong salubong na ang mga kilay niya ngayon.


"You'll be okay. Do you trust me?"


Napahikbi ako. Natatakot talaga ako.


"Just do what I've told you and you'll be okay. Ako nang bahala sa iba." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Hindi naman kita papabayaan."


Yumuko ako at minasdan ang magkasalikop naming mga palad. Sa tensyon ay napakapit na rin pala ako sa kanya.


Hanggang sa makauwi kami sa mansiyon ay hindi binitawan ni Kuya Calder ang kamay ko, binabawi niya lang iyon kapag gagamit siya ng kambyo, pero mabilis na mabilis lang. Isang kamay niya lang ang nasa manibela.


"Relax. He can never hurt you."


How can he be so sure?


Hindi ko pa alam kung paano masagad si Uncle Jackson. Hindi ko pa naman siya nakakasama nang matagal. 


Hindi sa garahe nag-park si Kuya Calder. Inihinto niya ang kotse sa harapan mismo ng giant fountain. Nauna siyang bumaba. 


Sa lawn ng mansiyon ay pabalik-balik ang mga lalaking naka-black suit, may mga baril sa holster na nakasukbit sa tagiliran ng mga ito. Sinalubong agad nila si Kuya Calder.


"Knight, you're uncontacted. Kanina ka pa hinahanap ni Boss."


"I forgot my phone in the car. May dinaanan pa kasi ako."


"Where's Miss Fran? Tumawag ang guards sa gate, kasama mo na raw."


"Yeah. She's with me."


Saka ako bumaba ng sasakyan. Nang makita nila ako ay may nagradyo agad at mayamaya lang ay pababa na sa hagdan si Uncle Jackson. Pormal ang mukha niya nang senyasan niya ang mga tauhan na iwanan kami.


His eyes darted between me and Kuya Calder, as though measuring us. "Inside, Frantiska."


Kinakabahan akong sumunod. Ngunit agad ding nabawasan ang kaba ko nang maramdaman kong kasunod ko si Kuya Calder. Huminto sa gitna ng sala si Uncle Jackson habang ang mga kamay niya ay nakapaloob sa bulsa ng suot niyang itim na pantalon.


"Saan ka galing?" nakatalikod na tanong niya sa akin.


Sumulyap ako kay Kuya Calder na titig na titig sa akin. Ang mga mata niya ay ipinapaalala ang hinabi naming kwento sa sasakyan kanina. "Sa school library."


Tinatagan ko ang nanginginig kong mga tuhod. "After kong maglibrary, I mean. N-nagkaroon kasi kami ng biglaang meeting sa ibang place para sa groupings namin. Doon ako natagalan."


Humarap siya sa akin.  Walang anong emosyon sa mga mata niya maliban sa kalamigan, kaya mas lalong nakakakaba.


Bumaling ang malalamig niyang mga mata kay Kuya Calder. "How did you find her?"


"Pagbalik ko sa school, nandoon na sila ng mga classmates niya."


Tumango-tango siya. "I see."


Nagkatinginan kami ni Kuya Calder. Hindi ko alam kung naconvinced na ba namin si Uncle Jackson o hindi. Walang makapagsabi.


"You can now go to your room, Fran."


Napatuwid si Kuya Calder. "Sir, hindi pa siya kumakain—"


"She will not eat," matigas na putol ni Uncle Jackson.


Ngunit matigas din si Kuya Calder. "With all due respect, Sir, Miss Fran must be starving from all the schoolwork."


"I don't care."


"But, Sir—"


"You heard me, Frantiska will not eat tonight."


Napalunok ako nang magtagis ang mga ngipin ni Kuya Calder. Tinatambol ang dibdib ko sa kaba. Baka magkainitan sila at saan pa sila humantong.


Sumabat na ako. "Okay lang ako. Hindi naman ako gutom—"


"Sir, I insist that Miss Fran must eat first before she gets some rest."


"I think you forgot your position in this house." Paismid na ngumisi si Uncle Jackson at saka humakbang palapit.


Dahil halos magkasing tangkad sila ay para tuloy akong napagigitnaan ng dalawang poste na anumang oras ay sabay na puputok dahil sa overheat.

Sana wag na uling magsalita si Kuya Calder. Sana wag niya nang ipilit iyong gusto niya, kaya ko namang magtiis ng gutom.


"Would you like to lose your job, bodyguard?"


Kitang-kita ko ang pamamawis ng leeg ni Kuya Calder. "N-no, Sir."


Tinapik niya sa balikat si Kuya Calder. "You can go back to work now." Bumaling siya sa akin pagkuwan. "And you, young lady, you can go to your room now."


"Y-yes..."


Bago umalis si Kuya Calder ay tinawag niya itong muli. "Know your place next time."


"Yes, Sir."


"Don't stick your dick in other's business again."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

54.5K 1.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
3.8M 141K 28
Yuka wants nothing in the world more than a good old rags-to-riches kind of story. She's dealt with the rags part of it and trying to get to the rich...
46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...