Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Twenty-Seven

1.3K 72 37
By MicxRanjo

"I DON'T understand." Namutla ang mukha ng kaharap ni Caleb na si Kristel, lumarawan din sa mga mukha ng mga bisita ang pagkalito sa kanyang sinabi.

"I like what you did in Kastilyo Parola, it was beautiful that's why the company decided to extend your contract and do the job here in Del Rio."

"T-thank you, and we really appreciate it, Mr. Guerrier-"

"Caleb, you may call me Caleb."

"C-Caleb, pero...karamihan sa mga disenyong nagustuhan ninyo ay kay Erina galing, though she isn't licensed yet, but she is currently in school and training to become one, medyo unfair naman yata na basta ko na lang siya tatanggalin ng walang dahilan."

"Dahilan? Hmm..." Dinampot niya ang baso ng pineapple juice at sumimsim roon, nang maibaba, isa-isa niyang sinuri ang mga kahara. "This big project is good enough reason for you to do that. Isa pa, partner ka ng kumpanya ninyo, 'di ba? You have the power to fire an employee. Simple lang naman, mamimili ka lang, ang proyektong ito, o siya."

Hindi na lamang pamumutla ang bumakas sa mga mukha ng mga bisita, naroon na rin ang takot at pagkailang. Tumingin ang dalawa-sina Glenda at Marvin kay Kristel. Napatungo naman ng ulo si Kristel, ibinaba sa mesa at itinago ang panginginig ng mga kamay.

"M-mabait si Erina. Hindi naman siya masamang tao para-"

"Kindness won't bring food to your table, Glenda." Ngiti niya sa babae. Napalunok ito at agad nag-iwas ng tingin.

"P-pwede bang magtanong kung bakit?" Agaw ni Kristel.

"May utang siya sa akin na dapat bayaran." Kinuha niya ang table napkin at pinunasan ang bibig saka iyon inilapag sa mesa.

Nagtinginan ang tatlo, waring nag-uusap na mga mata lamang ang gamit.

"Huwag kayong mag-alala, taga-rito siya, katunayan ay ang dati niyang tinitirhan na mansiyon ang binili ko para gawing guesthouse at siya ring trabaho na ipinunta ninyo rito."

Muling lumarawan sa mga mukha ng mga ito ang pagkabigla.

Tumawa siya, napasinghal. "Mukhang hindi ninyo masyadong kakilala ang katrabaho ninyo." Tumayo siya. "Anyway, you have five minutes to decide whether to accept my proposal. If you decide to decline, we don't need to say goodbyes and you are free to leave. And Kristel, just to remind you, losing your connection with us means losing the future of your company as well. Nasa sala lang ako kapag nakapagdesisyon ka na." Humakbang siyang palabas ng kusina.

Huminto ang kanyang mga paa nang masilayan ang wala pa ring malay na si Erina na nakahiga sa sofa. Mabilis na namuo ang galit sa kanyang dibdib, nag-umapaw, nais makawala. Halos madurog ang kanyang mga ngipin sa sobrang pag-iigting nga mga iyon. Hindi na niya ito kailangang hanapin pa, ito na mismo ang lumitaw sa kanyang harapan. Everything was going smoothly according to his plans.

Umungol si Erina, bahagyang kumilos. Napakislot siya, nanatili sa pagkakatayo.

Nahawakan ni Erina ang ulo, sinapo ang noo. Dumilat ito, kumurap-kurap, iginala ang paningin, waring inaalala ang nangyari. Nadako ang paningin nito sa kanya, dahilan upang bigla itong mapaupo at nanlaki ang mga matang napatingin sa kanya.

His lips remained sealed. His eyes focused on her. His body stood motionless as if his feet were nailed to the ground. His heart was throbbing hard, beating so fast his breaths could hardly catch up.

"C-Caleb..."

Napapikit siya. Mariin. Nanakit ang kanyang sentido. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakuyom ng mga palad.

"I...I should leave." Sa garalgal nitong tinig.

Idinilat niya ang mga mata, matalim na itinitig dito.

"I'm s-sorry. I didn't m-mean to be here. I..."


"MR. GUERRIER?"

Hindi man madali ngunit nagawang pakalmahin ni Caleb ang nagwawalang damdamin. Huminga siya ng malalim, ngumiti saka hinarap ang tumawag sa kanya.

"Kristel. So, have you decided?"

"Y-yes." Napansin niyang mabilis nitong iniiwas ang paningin kay Erina, at muling itinutok sa kanya.

"And?" Hindi siya makapaghintay sa sagot nito.

"Please give us this project, Mr. Guerrier, we accept your proposal." Muli itong lumingon kay Erina. "I'm sorry, Erina. Sana maintindihan mo, kailangan ng kumpanya ang proyektong ito."

Hinarap ni Caleb si Erina, ngumiti. "Siguro naman ay hindi sasama ang loob mo kung mas pinili ng kumpanyang pinagtatrabauhan mo ang proyekto ng kumpanya ko kaysa sa katulad mo, Erina? I told them to fire you in exchange for this project, and they did. They chose me, and they discarded you."

"M-Mr. Guerrier-" Awat ni Kristel.

"It's alright, Kristel. Baitan ko man ang salitang piliin ko, pareho lang ang kalalabasan, nasisante pa rin siya. I will sign the contract, and all the future projects will be yours as well. Magpahinga na muna kayo, may mga silid rito na maaari ninyong gamitin, aasikasuhin kayo ng katiwala ko."

"I'm sorry." Hingi muli ng paumanhin ni Kristel kay Erina bago ito bumalik sa kusina.

Muli niyang ibinaling ang paningin kay Erina, nakatingin ito sa koridor.

"Sumama ka sa akin, may ipakikita ako sa iyo." Nagpatiuna siya sa paglabas ng sala.

Hindi siya lumingon upang tingnan kung sumunod ito sa kanya, sapat na ang yabag ng mga sapatos nito upang malamang nakasunod nga ito. Nagpatiuna siya sa pag-angkas sa pulang pick-up truck na nakaparada sa harapan ng pintuan. Pumako ang kanyang mga mata sa kabuuan ni Erina nang bumungad ito roon, malaya niya itong pinagmasdan mula sa sasakyan.

She'd change. Malaking pagbabago, ibang-iba sa Erina na huli niyang nakita. Mahaba na ang buhok, malamlam ang mga mata na dati'y kumikislap sa kasiglahan. Her cheerfulness was gone. Humigpit ang pagkakahawak ng kanyang mga kamay sa steering wheel, nanakit ang kanyang dibdib, masakit huminga, mahirap, ang bigat. Pakiramdam niya'y kayang kaya niya itong saktan.

Umangkas ito sa likuran, bagay na kanyang nais nitong gawin. He followed her by looking at the rear-view mirror. She put on the seat belt. She looked away from the mirror, avoided his gaze. Her face was pale, as if there were no blood flowing in her.

"I-I'm ready." sa mahina itong tinig, hindi tumingin sa kanya.

He broke away the gaze and started the engine. "Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Inilabas niya sa driveway ang sasakyan.

"N-no." She fixed her gaze outside the window.

"The place you call home, Erina. I am bringing you home."

Nasilip niya sa salamin ang tiim nitong pagngiti. Napangisi siya. Soon that smile will disappear when she learns it had been taken away from her. That she had no home to go back to. He would gladly watch as she despairs for all the things she had lost.


HALOS mapugto ang hininga ni Erina sa damdaming pinipigilan. Ayaw niyang makita ang Villa De Dios, hindi pa siya handa. Pakiramdam niya'y hihimatayin siya sa mga halo-halong damdaming naglalaro sa kanyang dibdib. Halos magdugo ang kanyang mga palad sa mariing pagkakatusok ng mga kuko sa kanyang balat, ngunit pinili na lamang niya ang magpadala sa mga nais ni Caleb, sa lalaking alam niyang nalulunod ngayon sa sariling galit. Anuman ang gawin niya ngayon at ipaliwanag, hindi ganoon kadaling matitibag ang pader na iniharang nito sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin ang gibang arko sa tarangkahan ng mansiyon. Halos durog-durog ang pangalang De Dios na nakalatag sa lupa. Mabilis na tumibok ang kanyang puso sa naramdamang takot. Niyakap niya ang sarili. Gusto niyang tumakbong paalis, palayo sa lalaking mahal.

Bukas ang tarangkahan kaya nagpatuloy ang sasakyan sa pagpasok. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng pintuan, hindi niya maikilos ang mga paa upang bumaba.

"Hop off. I'm sure your father will be surprised to see you here." sabi nito bago bumaba.

Nanginginig ang buong katawan na bumaba na rin siya. Pakiramdam niya'y hinahalukay ang kanyang sikmura. Halos sumabog ang kanyang dibdib. Gusto niyang tumakbo.

"Come on in. Pag-aari ko na ang lugar na ito kaya huwag kang mahiyang pumasok dahil binibigyan kita ng permiso."

Hindi na niya nakayanan ang nararamdamang panghihina ng mga tuhod, napadausdos siya sa may hagdanan. "I-I...I can't. Please...please I want to leave."

"No." sa matigas nitong tinig. "Get up. Erina. Dapat mong makita ang mga gusto kong ipakita. Tayo sabi."

She finally met his eyes-they were full of contempt; hatred; it would be difficult to penetrate to those feelings. Tumayo siya. Kagat ang ibabang labi, inipon niya ang buong lakas upang huwag maging mabuway sa kanyang paghakbang. Nang tuluyang makapasok, tumambad sa kanya ang wala sa ayos na paligid, halos nasaid ang mga kagamitan. Muling kumabog ang kanyang dibdib, hindi ito ang inaakala niyang madaratnan.

"W-what happened here?"

"Isn't it obvious?" Biglang sagot ni Caleb na nasa kanyang likuran. "This place was bought to become a guesthouse. Kasalukuyan ang paggiba sa mansiyon na ito para maipatayo na ang planong nakabinbin dahil sa tagal ng pag-alis ng iyong ama."

"Anong ibig mong sabihin?" Nagpalinga-linga siya, hinanap ang mga pamilyar na display at sulok na madalas niya noong tingnan at tambayan.

"You heard me. Dinala kita rito para siyang umasikaso sa construction nito. Wala ka namang trabaho, bakit hindi mo tanggapin ang posisyon? You will get a big sum for compensation."

"Why are you..." Why are you doing this? Hindi niya magawang itanong dahil batid niya, ibinabalik lang nito ang sakit na ibinigay niya rito noon.


"E-ERINA?" tawag mula sa kanilang likuran.

Marahang nilingon ni Erina ang pinanggalingan ng tinig. Sa halip na galit ang maramdaman, pagkaawa ang pumuno sa kanyang dibdib nang makita ang itsura ng kinilalang ama. He was covered with rubble dusts; a walking cane was beside him to support his one leg. He looked much older than what she remembered.

"P-papa?" She stood still, eyes flickered with warm tears.

"Erina." Bumilis sa paika-ikang paghakbang ni Enrique at nilapitan siya. "You're back. Bumalik ka na rin sa wakas." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay, hinaplos.

Napayuko siya, gumalaw ang kanyang mga balikat dahil sa pagpigil na magkatunog ang pag-iyak. Nalaman man niya ang totoo sa kanyang pagkatao, wala pa ring nabago sa pagkasabik niyang mapansin ng kinilalang ama, at sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ni Enrique iyon sa kanya. "P-papa..." Yumakap siya rito.

"Ang tagal ka naming hinanap, kung saan-saan. Patawarin mo ako, kami. Hindi namin alam. Pero huwag mo sanang sisihin ang iyong ina, masyado lang siyang nasaktan. Patawarin mo kami, Erina."

"Papa!" Humigpit ang kanyang mga braso sa pagkapit dito, tila siya isang bata na matapos mawala, sa wakas ay natagpuan din at naibalik sa kanyang pamilya. Humulagpos ang lahat ng sakit, hirap at pangungulila na ilang taon din niyang tiniis. She was finally home. She finally felt that she truly belonged.

"Do I get a credit for bringing you back together?" agaw ng tinig ni Caleb.

Marahang kumalas si Enrique sa pagkakayakap sa kanya, pinahid ang luhang nasa pisngi nito. Lumayo rin naman siya sa ama at pinahid din ang sariling mga luha. Muli niyang pinansin ang itsura nito.

"Why are you covered in dusts?"

Pahapyaw lamang na tiningnan nito ang sarili saka pinagpag ang damit at ngumiti. "Wala ito, may inaayos lang ako sa bakuran."

"Bakit hindi mo sabihin sa kanyang tumulong ka sa paggiba ng arko ng Villa De Dios?" Caleb suggested.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "What? B-bakit ho?"

"Huwag mo ng pansinin iyon." Umiwas ito.

"Because I asked him to." Agaw uli ni Caleb.

Pumako na kay Caleb ang kanyang mga mata, nagtatanong. Umawang ang kanyang bunganga upang magtanong ngunit hindi magawang lumabas ng kanyang tinig. Naroon ang pangamba sa maaari nitong isagot.

"Scared to ask, Erina?" Tumalim ang pagtitig sa kanya ni Caleb.

"Huwag mo na siyang idadamay pa rito, Guerrier. Nakuha mo na ang lahat ng yaman ko, maaari bang bigyan mo kami ng espasyo para mapag-isa?"

"Baka nakakalimutan mong pag-aari ko ang kinatatayuan ninyo ngayon?" Kay Enrique naman pumako ang mga mata nito. "At ang espasyong hinihingi mo ay makukuha mo lamang kapag tapos ka na sa oras ng trabaho, Mr. De Dios."

"D-don't talk to my father like that, Caleb."

"Mr. Guerrier to you, Erina. At ibibigay ko lamang ang respeto ko sa mga taong karespe-respeto." sa matigas nitong sabi.

Tumingin si Erina sa ama. "What are you still doing here if you already sold this place, Papa? Nasaan ho si m-mama?"

"Dalawang taon na silang nasa Amerika, sumama na sila kay Katerina para doon manirahan."

Hindi pa rin niya malaman kung anong dapat maramdaman para sa tunay na ina, ngunit sa dalawang taong lumipas magmula nang huli niya itong makita, naroon pa rin ang sakit ng nakaraan.

"H-hindi pa pwede, Erina. I need to be here. Ayokong tuluyang masira itong mansiyon."

"What do you mean?"

Sa halip na sumagot, tiningnan ng ama si Caleb, napasunod na rin siya.

"Pwede ka ng umalis, Mr. De Dios." Nakapamulsa si Caleb sa pantalong suot habang walang anumang reaksiyon sa mukha na nakatitig sa kanila.

"Hindi. Nangako kang mananatili ang pagkakatayo ng mansiyong ito kapag-"

"Huwag kang mag-alala, tuloy pa rin ang kasunduan nating mananatiling intact ang bawat sulok ng mansiyong ito, dahil ang anak mo ang papalit sa iyo sa pag-aasikaso sa construction nito."

"Huwag mo sabing idadamay si Erina-"

"Damay siya dahil anak mo siya." Mabilis nitong agaw. "Damay siya dahil pareho kayong mamamatay-tao. Damay siya dahil pareho ninyo akong sinaktan. Now, either you leave, or the deal is off."

"Guerrier!" malakas na sigaw ni Enrique.

"Papa..." hinawakan niya ito sa braso, "Sige na ho, sumunod na ho kayo kina mama, ako na ho ang bahala rito."

"Pero, Erina, sasaktan ka lang niya. Hindi kita puwedeng iwanan dito dahil nangako ako sa iyong ina na isasama kita."

Umiling siya. "Don't worry about me, Papa...ako na po ang bahala sa sarili ko."

"Erina-"

"Narinig mo ang anak mo, Mr. De Dios, kung ako sa iyo ay susunod na lang ako sa sinabi niya bago pa magbago ang isip ko at ipasama ko na rin siya sa inyo at tuluyang gibain ang buong lugar na ito."

"Go, Papa, just go."

"Hindi, sumama ka sa akin. Mas mahalaga ka kaysa sa bahay na ito. Ayokong muling saktan ang aking kapatid-"

"P-papa..." muling bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. Mahigpit niya itong niyakap. "Thank you, but I will stay...I must."

"S-sigurado ka ba?"

Tumango siya. "Susunod din ho ako kapag...kapag natapos ko ang dapat kong gawin dito."

"Kung ganoon, tawagan mo kami ng madalas, ha?" Hinawakan nito ang kanyang pisngi, hinaplos. "You need to forgive your mother."

"Oho...oho, Papa." Muli niya itong niyakap, mahigpit, ngunit mabilis ding tinapos.

Dahan-dahan itong lumabas ng mansiyon, binigyan iyon ng huling tingin, at mabigat ang dibdib na lumisan.


A/N:

I'm stuck! Lol...please bear with my slow updates in the following weeks, medyo hindi ko pa nakukuha ang direksiyon ng susunod na kabanata.

Your reaction is much appreciated.

Thank you,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

98.1K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?
96.6K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...