Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 114K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 29

42.9K 1.2K 290
By Ineryss

Tsismis

"Bakit di kayo lumuwas ng pamilya niyo sa syudad? Magbakasyon muna kayo roon total Summer naman. Maraming magagandang pasyalan sa syudad..." mungkahi ni Ate Rici nang magawi ito sa aming bahay.

May dala na naman itong mga chocolates at ako palagi ang nakikinabang. Ilang araw narin kasing pumupunta si Ate Rici rito.

"Di namin afford ang ganoon, Ate..." Marahan pa akong natawa at sinipat ng tingin ang suot niyang may mamahaling brand. Parang katulad noong bigay niya sa aking Chanel daw.

"Huh? Kung may 5K ka pwede kanang gumala sa syudad, Trace... Wait." Kinuha niya ang kanyang slingbag na dala na ikinalaki agad ng aking mga mata.

Nilingon ko pa si Kuya na nagluluto at napalingon narin dito sa amin.

"Bibigyan kita ng pera-"

"Riss." Tawag sa kanya ni Kuya na ikinakurap naman agad ni Ate Rici.

"5K lang naman Bram. Mabubulok si Tracey rito sa bahay niyo eh summer naman," paliwanag niya.

"Okay lang po. Sanay narin ako eh... 'tsaka hindi po ako mahilig sa ganoon... Mas gusto ko ring sa bahay lang," sagot ko.

"Huh? Bakit naman? May pagka introvert ka pala talaga 'no?"

Ngumiti ako ng tipid kay Ate Rici. Sa t'wing nandito siya minsan ay nagkukulong nalang ako sa kuwarto para mabigyan sila ng privacy. O di kaya ay nasa likod ako ng bahay para magdilig ng mga bulaklak doon.

Palagi silang masaya pag magkasama sila. Nababasa ko pa naman sa libro na pag bago pa ay sobrang saya raw talaga ng ganoon. Para ka raw dinuduyan sa ere... Pero pag tumagal na ay bigla ka nalang ihuhulog sa lupa at masasaktan kana ng husto.

"Kumusta na ang higad mong kapatid, Trace?" tanong ni Mama sa akin noong pumunta ulit ako sa bayan para tulungan siya.

Ayun Ma... Kumati lalo.

Iyon sana ang isasagot ko pero iniba ko nalang.

"Masaya naman si Kuya Higad, Ma..." pagbibiro ko narin.

"Nako! Ang sarap rin talagang latiguhin ni Bram! Kung hindi lang talaga ako nakakapagtimpi diyan sa lalakeng iyan..." Gigil na gigil si Mama at makikita mo iyon sa mga ngipin niyang pinagdidiinan niya.

Iyon ang palagi naming topic tuwing magkasama kami. Pinagt-tsismisan namin si Kuya.

"Ayaw mo talaga kay Ate Rici, Mama? Mabait naman iyon at mahal na mahal rin si Kuya..." Nililingon ko ito paminsan minsan habang hinahawak hawakan ko iyong bouquet na tulips.

"Ang akin lang... Wala pang napapatunayan si Bram. Dapat ako sa kanya nagtapos muna siya at naghanap ng magandang trabaho saka niya nilalandi iyang si Rici! Kaso ang higad nagmamadali at kinakati na ata!"

Ngumuso ako para pigilan ang aking tawa.

"Saan nagmana si Kuya, Mama?"

"Syempre sa-" Naiwang nakaawang ang kanyang bibig sa ere at mukhang may napagtanto.

Dahan dahan siyang napatingin sa akin sa kalmadong ekspresyon.

"Naging higad nga rin pala ako noong kabataan ko." Tumawa si Mama at nailing.

"Kay Papa po ba iyan, Ma?!" Lumiwanag na ang aking mukha at gustong makarinig ng kwento sa kanya tungkol kay Papa.

Umirap naman si Mama sa akin at nagawa pang ilagay ang iilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang tenga.

"Noong nasa edad mo ako Trace... Maniwala ka man o hindi... Maraming nagkakagusto sa akin. Iyong iba ay mga mayayaman pa! At noong napadpad ako sa syudad para magtrabaho... Ayun... Imbes na igapang ang sarili sa kahirapan... Ako itong ginapangan ng kalandian." Nailing pa si Mama at natampal ang noo.

Maganda talaga si mama. Maraming nagsasabi noon dito sa amin. Mala modelo ang tindig ni mama. Matangkad. Maputi. At maliit ang mukha. Sa tangos ng kanyang ilong, alam mo na maraming nagkagusto sa kanya noong bata pa lamang.

Iyon nga lang... Iyong dimple niya ay namana ni Kuya Bram at hindi napunta sa akin. Mapupungay ang mga mata ni Kuya Bram at natural rin na maalon ang buhok pero dahil lalake ito ay nagmumukha iyong magulo. Mas supladong tingnan si Kuya at sabi sa akin ni Mama ay namana raw iyon ni Kuya kay Papa. Ang pagiging maamo ko naman ay nakuha ko na sa kanya.

"Paanong hindi ako mabibihag ng intsik na iyon. Ang kisig... Ang bango... Ang guwapo..." Napatingala pa si Mama habang sinasambit ang bawat katangian ni Papa.

"Pero noong malaman kong may fiancée pala ito at buntis pa... Bumalik nalang ako rito sa bukid. Di ko alam na nagbunga pala ang unang gabi namin kaya ayun... Nabuntis ako kay Bram."

Huh? Bumalik siya noong buntis na siya kay Kuya rito sa bukid edi ibig sabihin... Iba ang tatay ko?

"Ma... Sino ang tatay ko kung ganoon?"

"Siya parin, syempre!"

"Huh? Paano nangyari eh..."

Nagkatinginan kami ni Mama. Nasira pa ang kanyang ekspresyon.

"Oo nagkita kami ulit at bumigay ako ulit. May sakit kasi noon si Bram at kailangan ko rin ng perang pampahospital sa kuya mo at bukod doon..."

Niyakap ko si Mama na bigla niyang ikinagulat.

"Salamat Mama... Salamat at di mo kami ipinalaglag ni Kuya kahit na wala kang maibibigay na Papa sa amin... Salamat at tumayo kang Papa namin..."

Namula si mama at hinaplos ang likod ko.

"Kaya mag-aral nang mabuti. Huwag kang tumulad sa akin. Igagapang ko kayo sa abot ng makakaya ko nang hindi niyo maranasan ang naranasan ko."

Isang linggo nang hindi bumibisita si Ate Rici sa aming bahay noon. Ang sabi ni Kuya ay nagbakasyon daw sila ni Israel at nangibang bansa. Babalik daw naman agad ito.

"Ngumiti kahit na napipilitan... Kahit pa sinasadya... Mo akong masaktan paminsan minsan bawat sandali nalang..."

Ang malamig na boses ni Kuya habang naghuhugas ako ng plato sa hapong iyon. Nasa may upuan siya, hawak ang kanyang gitara at kumakanta ito gamit ang malungkot na boses.

Simula rin kasi noong maging sila ni Ate Rici ay madalas na niyang ginagamit ang talento niya sa pagkanta. Malamig ang boses ni Kuya at para kang dinuduyan sa ere. Bumili pa nga ito ng gitara at mukhang palagi niyang kinakantahan si Ate Rici.

"Yan ba ang theme song niyo, Kuya?" tanong ko sa kanya na ikinaangat ng tingin niya sa akin at ngumisi lamang.

Nakasandal ito sa likod ng lamesa habang patuloy na inistrum ang kanyang gitara. Ang isang paa ay nakapatong pa sa kanyang tuhod.

Imbes sagutin ako ay pumikit lamang siya at nagsimula ulit na kumanta. Nakatingala ito at makikita mo sa kanyang mukha ang emosyon at kung gaano siya kaseryoso sa inaawit niya.

"Tulad mo ba akong nahihirapan, lalo't naiisip ka... Di ko na kaya pa na kalimutan... Bawat sandali nalang!"

"At aalis... Magbabalik... At uuliting sabihin na mahalin... ka't sambitin... kahit muling masaktan! Sa pag-alis... Ako'y magbabalik... At sana naman..."

Madalas iyan ang kanta ni Kuya kaya pamilyar narin ako sa kantang Nobela na kinanta raw ng Join the Club. Nararamdaman ko palagi ang pighati ni Kuya at ang lungkot ng pagkakakanta niya noon sa t'wing di sila nagkakasamang dalawa. Minsan ay doon siya sa likod ng aming bahay, sa harapan ng mga bulaklak, habang hinahangin ang kanyang buhok at nakaupo siya roon sa aming bangko, kakanta siya ng buong puso at makikinig lamang ako sa aking kwarto.

Lunes iyon. Isang buwan nalang at magsisimula na ulit ang pasukan. Ganoon kabilis ang panahon at magG-Grade Eleven na ako. Si Kuya naman ay magdadalawang baitang na sa college. Ang sabi niya pa sa akin, pag nakapagtapos siya at nakahanap ng magandang trabaho ay sa syudad niya raw ako paaaralin. Mag-aaral daw ako sa isang mamahaling private school. Tumawa pa nga ako at nakisabay narin na dapat 500 ang baon ko araw araw.

Magt-twenty na si Kuya. Doon ko napagtantong dalawang taon ang agwat nila ni Ate Rici, katulad namin ni Israel. Pakiramdam ko tuloy kung ano ang mangyayari sa pagmamahalan nila Ate Rici at Kuya Bram, magiging ganoon din ang kahahantungan ng sa amin ni Israel.

Naamoy ko kaagad ang isang matapang na alak nang pumasok si Kuya at sobrang pungay ng kanyang mga mata. Napatayo ako sa gulat pero sinikap kong ikalma ang aking sarili.

"Oh? Gising ka pa?" tanong niya sa matabang na boses at hindi na maayos ang paglalakad.

Mabilis ko siyang tinulungan at pinaupo roon sa upuan. Hindi naman mahilig uminom si Kuya. Wala siyang bisyo ni isa kaya nakakapagtaka talaga. Ilang araw na siyang ganito. Masyado niya na bang namimiss si Ate Rici at nangungulila na siya nang ganito?

"May binabasa kasi ako Kuya... Uhm... Teka iinitin ko iyong sabaw na baka. Medyo maanghang rin iyon." Nagmadali akong pumunta sa ref saka iyon inilabas at pinainit ko nalang.

Habang nasa harap ako ng aming stove, nililingon ko si Kuya na naroon, hawak ang buhok at halos diinan ang kamay niyang nakasabunot doon. Nakayuko pa ito at hindi pa hinuhubad ang suot na bag. Ni ang sapatos na nakaugalian niyang hubarin pagdating ay hindi niya rin hinubad.

Kinakabahan ako sa inaasal ni Kuya. Hindi ko gusto... Kahapon... Noong nagising siya ay nagrereklamo siyang masakit ang kanyang ulo kaya naghinala akong baka umiinom nga siya. Hindi nga naman ako nagkamali.

Gumalaw ang kanyang balikat dahil sa napakahabang hininga. M-May problema ba siya?

Pagkatapos ko iyong mainit ay inilagay ko agad iyon sa bowl at inilagay sa kanyang harapan. Kinuha ko ang aking libro na nasa tabi noon at isinara iyon.

"May problema ka ba, Kuya?" tanong ko at hindi na magawang isawalang bahala nalang iyon.

"Palagi naman..." Ngumisi siya ng matabang at humigop noong sabaw.

Huh? Pero masaya naman siya ah? Ngayon lang talaga simula noong umalis si Ate Rici dahil nagbakasyon sa ibang bansa.

"Diba bukas na ang uwi ni Ate Rici, Kuya?" pasimple ko nalang tanong.

Natigilan siya pero ilang sigundo ay nagsimula ulit humigop ng sabaw.

"Sana nga hindi nalang umuwi," matabang niyang sagot sa akin na ikinagulat ko.

"H-Huh?"

Kumalabog ng husto ang aking puso. Para akong nabingi sa sagot ni Kuya sa akin. A-Anong nangyayari?

"Nag-away ba kayo ni Ate Rici, Kuya? Pero di pa naman siya nakakauwi ah?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Nailing lamang siya at humilig sa mesa.

"May mga pag-ibig talagang hindi napapanindigan hanggang dulo," makahulugan niyang sabi saka siya tumayo at ginulo ang aking buhok.

"Matulog kana," sabi niya lang bago tuluyang pumanhik sa kanyang kwarto.

Wala akong ideya sa inaasal ni Kuya Bram. Maaga narin itong pumapasok sa kanyang trabaho at hindi na nagtatagal sa bahay pa. Noon kasi ay nagtatagal siya dahil pumupunta si Ate Rici rito. Pero ngayon ang dating ni Ate Rici!

May kumatok sa pinto kaya natigil ako sa paghuhugas ng plato at mabilis na nagtungo sa may pinto. Nakita ko agad ang maaliwalas na mukha ni Ate Rici. May dala itong mga paperbag at nakapaskil ang ngiti sa kanyang labi.

"Ang Kuya mo, Trace?" Sinilip niya ang aking likuran at bakas sa tono ng pananalita ang excitement doon.

"Uh... M-Maaga kasing umalis si Kuya Bram eh."

Kumunot ang kanyang noo at napakurap.

"Sa trabaho?"

Tumango ako kay Ate.

"Okay sige! Pupuntahan ko nalang! Oo nga pala... Ito sa'yo..." Ibinigay niya sa akin ang isang malaking paperbag.

Tatanggi pa sana ako nang inangatan niya ako ng kilay kaya napanguso ako at tinanggap nalang iyon.

"Salamat po... Ate..."

Ngumiti siya sa akin ng matamis.

"Ate mo narin ako dahil magiging asawa ko na ang Kuya mo after 5 years." Tumawa pa siya. "Aalis na ako, Trace... Bye!" Kumaway siya sa akin na ikinangiti ko ng tipid at kumaway narin.

Ang advance naman nilang magkakapatid? Nababasa ba nila ang future nila?

Nagmamadali siyang umalis dala iyong isa pang paperbag. Noong tuluyan itong mawala sa aking paningin ay nanghina ako. Sa inaasal ni Kuya... Sa pagiging cold niya at sa mga sinagot niya sa akin kagabi, di ko alam kung ba't gusto kong habulin si Ate Rici at pigilan itong h'wag nalang puntahan si Kuya Bram.

Pumunta ako ulit sa bayan para tulungan si Mama. Malayo ang palengke rito at nasa kabila pa iyon. Kung pupunta rin ako roon para silipin si Kuya ay baka pagalitan lang ako ni Mama. Marami rin kasing kargador doon katulad niya at baka mabastos pa ako.

"Oh heto, bumili ka ng meryenda mo." Binigyan ako ni Mama ng singkwenta na ikinabalik ko sa aking sarili.

"Ano pong bibilhin ko Mama?" tanong ko sa kanya habang tumatayo ako.

"Kahit ano Trace basta kumain ka lang. Kinakabahan ako sa'yo dahil tulala ka at mukhang nalipasan ng gutom. Sige na." Sinenyasan niya pa akong umalis na.

Ngumuso ako at naglakad paalis.

"Nakakaawa iyong si Rici... Nako! Kung ako sa kanya hindi ako maghahabol sa kargador na iyon! Halatang niloko lang siya noon! Pagkatapos perahan ay pinagsawaan rin naman!"

"Baka naman nakuha na noong lalake kaya tinataboy na. Isang Buenaventura pa talaga ang biniktima."

"Eh parang dinidiskartehan niya iyong isa rin sa anak ng supplier ng mga karne sa palengke. May kaya rin ang pamiya noon at mukhang iyong anak na naman nila ang target noong kargador dahil mayaman! Akala mo kung sinong guwapo!"

Natigilan ako sa narinig ko sa dalawang kaedad lamang ni Mama na nag-uusap dito sa bakery at bakas sa mga mukha ang galit. K-Kargador? Si Kuya Bram ang pinag-uusapan nila? At ano raw... May ibang babae ang Kuya ko?

"Miss... Anong bibilhin mo?" tanong noong tindera ng tinapay sa akin kaya itinuro ko iyong paborito kong tinapay na Cinnamon.

"Dalawa po niyan at isang Sprite po..."

Tumango naman iyon at kinuha ang tinapay na gusto ko. Nilingon ko ang dalawang matandang iyon na may disgusto parin ang mga mukha.

Baka naman tsismis lang iyon? Si Kuya ipagpapalit si Ate Rici? Imposible.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 94.1K 61
Chey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about...
114K 3.3K 102
Eli Landon x Kirsten Jaysel (Epistolary)
3.5K 268 15
It was love. Race Eleyn Miriazo knew that it wasn't a typical moment of time. It was a season of butterflies and sunrise. Their feelings were at the...
6.1M 181K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...