Operation: Gawing Lalaki Si B...

By QueenBlxckArsenic

174K 5.2K 867

UNEDITED. HIGHEST RANK ACHIEVED: #9 in WATTYS2020 #52 over 1.35k participants in WATTYSAWARDS 1st place in H... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 26.1
Chapter 26.2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Epilogue
Announcement for BOOK 2

Chapter 29

2.9K 80 2
By QueenBlxckArsenic

Chapter 29: GabLine

Votes and Comments are highly recommended! Thanks!

Third Person’s POV

Pumunta sila Gab at Kyline sa isang kilalang restaurant sa lugar nila. Doon naisipan ni Kyline dahil gutom na siya kasabay pa no’n ang kunting kirot na nararamdaman niya sa paa.

“Anong gusto mong kainin?” tanong sa kaniya ng gwapong si Gab.

“Lahat ng salad dito, gusto ‘ko.” Saad ‘ni Kyline saka himas sa paa niyang sumasakit. Sumakit ito dahil sa heels ang suot nito, at hindi flat shoes.

“Kahit ‘yung garden salad?” wika ni Gab na nagtataka. Dahil ang garden salad na sinasabi niya ay puro gulay lang talaga wala ng halo pang iba.

“Oo, bakit?” masungit na tanong ni Kyline, at tumango na lang sa kaniya si Gab saka inorder sa waiter ‘yung mga gusto nilang kainin.
Ilang sandali lang ay dumating na ang inorder nila at sinimulan na itong kainin, sinimulan na din ni Kyline na magtanong sa mga nangyari kay Gab sa loob ng isang linggo.

“Anong ginawa mo sa loob ng isang linggo?”

“Sasabihin ‘ko talaga?”

“Oo, bakit hindi? Girlfriend mo ‘ko diba?”

“Ah, girlfriend pala kita, bakit hindi ‘ko alam?” saad ni Gab saka tumawa.

“Ganon ba? Hindi mo alam?” masungit na saad ni Kyline saka tumawag ng waiter. “Pahingi nga ako ng kutsilyo, kahit bread knife ayos lang.”

“Para saan po, mam?”

“Ipanghihiwa ‘ko lang ng hotdog, nakakainis na kasi e.” Saad ni Kyline at in-emphasize pa yung hotdog kasabay no’n ang titig niya kay Gab.

“Bread knife po? Sa hotdog?”

“Oo, bakit may problema? Kumuha ka na! Yung matalas ah!” saad ni Kyline saka tingin kay Gab. Binigyan niya ito ng nakakaasar na ngiti.

“Oy! Love, biro lang ‘yun!”

“Biro mo mukha mo!” saad ni Kyline saka kumain. “Anon a? Magkwento ka na.” Kalmado niyang dagdag.

“Pumasok lang ako no’n, may pasok diba? Yun lang.” Wika ni Gab sabay inom ng tubig.

“Are you sure?”

“Yes, why, love?”

“Tell me more.”

“Is that needed?”

“Of course!” saad ni Kyline at pinanglakihan pa ng mata si Gab. “Nasa inyo pa ba, si Lorraine?” tanong nito.

“Wala na. She left Wednesday morning, may emergency daw sa kanila.” Nasamid si Kyline sa sinabi ni Gab.

“Wednesday? So nagtagal siya sa inyo? May nangyari naman ba?”

“Wala ‘no. Kapag nakakakita ako ng babae, ikaw ang naiisip ‘ko. Iniiisip ‘ko kung anong gagawin mo kapag ginawa ‘ko yun.” Wika ni Gab. Napaisip naman si Gab sa sinabi niya. “Paano nga kung mangyari yun? Anong gagawin mo kapag tumingin ako sa ibang babae?”

“Anong gagawin ‘ko?” saad ni Kyline saka nag-isip. Dumating naman bigla ang waiter na hiningian ni Kyline ng bread knife.

“Mam, ito na po yung kailangan niyo.” Saad ng waiter saka umalis.

“Anong gagawin ‘ko? Hmmm” saad ni Kyline saka pinaglaruan ang bread knife na hawak niya.
“Teka love, wala namang ganyanan.” Saad ni Gab saka napakamot sa ulo niya.

Natatawa naman si Kyline sa nagiging emosyon ng nobyo.

“Biro lang.” Saad ni Kyline. “Kung mangyari man yun, ipaglalaban kita hanggang sa makakaya ‘ko, at hanggang sa bumalik ka sakin. Ipapamukha ‘ko sa babaeng may gusto sayo na, ako ang mahal mo, na mas mahal mo ko kaysa sa kaniya, na laruan mo lang siya.” saad niya pa.

Napatawa naman si Gab sa mga sinasabi ng girlfriend niya dahil alam nito na kaya siyang ipaglaban ng nobya kung mangyari man ang mga ganoong bagay.

“Pero...gagawin ‘ko lang naman ‘yun kung may nakikita akong pag-asa, kung nakikita ‘kong kaya mo din akong ipaglaban, kung kaya mong gawin na ibalik ako sayo kahit na magulang pa natin ang humadlang.” Seryosong saad ng dalaga. Ininom nito ang nasa harapan niyang milktea, at saka tumingin sa nobyo na kanina pang nananahimik dahil sa mga sinasabi ng girlfriend niya. 

“Oh, bakit?” saad ni Gab.

“Bakit ganon ‘yung topic natin? May balak ka ba ha? Subukan mo lang! Nako, Gabrielle Shan dalawang beses kang matutulian!” saad ni Kyline saka tumayo, at hindi na ininda ang sakit ng paa.

“Tara na nga.” saad pa ni Kyline saka hinila ang nobyo palabas ng restaurant na iyon.

Sunod na hinila ni Kyline si Gab sa isang arcade malapit sa Plaza. Ang Plaza’ng iyon ay puno ng tao –may magjowa din, buong pamilya, magkakaibigan, kapatid at iba pa.

Naisipan nilang maglaro sa isang arcade doon. Pinili nila ang arcade na pwedeng kumuha ng laruan, basta’t maghuhulog ka lang ng token. Bumili na sila nito saka naglaro.

“Alin d’yan ang gusto mo?”

“Yun! Yung isa sa ‘We Bare Bears’ na si Ice bear!” saad ni Kyline saka inilapat ang mukha sa salamin na pumoprotekta sa mga laruan.

“So love, watch and learn.” Saad ni Gab saka may gestures pang ginawa.

Ilang minute at oras na ang lumipas pero hindi parin nakukuha ni Gab ang laruang iyon.

“Oh, ano na? 5 pm na, love, nakuha mo na ba?”

“Ano, hindi pa.” Saad ni Gab sabay kamot sa ulo.
“Ang yabang kasi e! Ako na nga, tabi d’yan!” saad ni Kyline, saka tinabig si Gab sa harap ng machine.

“Parang galing mo, love ah. Sige nga, pakita mo galing mo.”

“Talaga, Mr. Hindi Marunong!” saad ni Kyline at naglaro na.

“Wow, wow, wow!”

“Ugh, luhmeh!” saad ni Kyline. Sinimulan na niyang maglaro, at nakalimang token na siya ay hindi parin niya nakukuha.

“Saan mo yan natutunan?”

“Alin?”

“’Yung ‘ugh, luhmeh’ mo.”

“Kanino? Edi sa asawa ‘ko. Kanino pa?” saad ni Kyline, and she rolled her eyes.

“Asawa? Sino?”

“Si Fafa Kyo! Ihhhhh!” saad ni Kai, at halata na kinilig.

“Sinong Kyo yan?” inis na tanong ni Gab.

“Asawa ‘ko nga! Kulit mo.”

“Halika nga, kausapin kita. Doon tayo.” Saad ni Gab, saka hinila si Kyline sa may malapit na lamesa doon.

“Sino yang Kyo na yan, ha?” saad ni Gab, at kumamot ito sa ulo nito. “Sa isang linggong yun, ang ginawa mo yata manglalaki! Langya!” saad pa niya.

Napaisip si Kyline sa ginagawa ng nobyo niya, naisip nito na nagseselos ang boyfriend kaya ganoon na lamang ang kaniyang reaksyon. Kaya naisip niya na ituloy ang kaniyang kalokohang ginagawa.

“Ang gwapo kaya niya, tapos lalaking lalaki pa siya, tapos may sense of humor pa na gustong gusto ko talaga sa isang lalaki, tapos ang tali-talino pa niya, ang tangkad pa! Awieee! Kyomahlabs!” saad ni Kyline saka nagpaikot-ikot doon. Hindi niya naiisip na may sugat nga pala siya sa paa. Pero dahil sa may nilagay namang gamut doon ang nurse ay gagaling na iyon at hindi na mararamdaman pa ang sakit.

“Tsk.” Singhap ni Gab. “Sino mas gwapo sa amin?” saad niya saka nagpacute sa gf.

“Uhmm, si...Kyo?” saad ni Kyline at napakamot na lang si Gab sa ulo niya.

“Aanakan kita ng wala sa oras, Kyline, kapag hindi ka umayos.”

“Teka, nagseselos ka ba?”

“Hindi.”

“Weh?”

“HIn--”

“Ugh, luhmeh.” Bulong ni Kyline kay Gab. Sinabi niya ito with feelings.

“P---”

“Cute mo magselos.” Saad ni Kyline saka niyakap si Gab.

“Selos? Hindi nga sabi!” sigaw ni Gab.

“Oh, kalma, love. Vlogger lang yun ‘no. Nagagwapuhan lang ako sa kaniya, pero syempre mas gwapo ka.”

“Tsk.” Saad ni Gab saka tumayo doon.
“Mayroon pa ngang isa e, si Mark Re---”

Hinalikan ni Gab ang girlfriend upang matigil ito sa kakadaldal tungkol sa mga crush niyang yuotuber. 

Pagkatapos ng pag-aaway na iyon ay ayos na ulit ang dalawa. Kumain sila ng tusok-tusok o ‘yung mga fishball, kwek-kwek, kikiam na tinatawag. Halata na masaya ang dalawa sa kanilang ginagawang pagkain kahit na ito ay street foods lang.

“Love?”

“Hmm?” saad ni Kyline, habang puno ang kaniyang bibig.

“May dumi ka sa bibig.” Saad ni Gab, pupunasan na sana ito pero inunahan na siya ni Kyline.

“Sorry. Gutom lang.” Saad ni Kyline saka ipinagpatuloy ang pagkain niya.

Maya-maya ay tumigil na ang dalawa sa pagkain dahil busog na.

“Ang sarap-sarap talagaaaa!” saad ni Kai, saka hinawak-hawakan pa ang t’yan niya.

“Pero mas masarap ‘yung nagsabi.”

“He! Padali mo na naman ha! Tumigil ka, nasa public places tayo.”

“Oh? Anong problema don?”

“Nahihiya lang ako.” Saad ni Kai.

“Nahihiya ka?” saad ni Gab, saka hinila si Kyline at isinakay sa likod nito. Nagtatakbo siya hanggang sa sasakyan niyang nakaparada sa may tapat ng restaurant na kanina nilang kinainan.
Tawa naman ng tawa si Kyline habang bumaba sa boyfriend.

“Hahahahaha! Ang saya no’n!” saad ni Kyline saka hinalikan ang nobyo.

“Gusto kitang maging masaya kaya ‘ko ginagawa ang mga bagay na ‘to.” Saad ni Gab, saka sumakay silang dalawa sa harapan ng sasakyan saka umaktong nakahiga habang nakatingin sa buwan.

“Lagi naman akong masaya kapag kasama ka.” Nakangiting wika ni Kyline.

“Sorry nawala ako ng isang linggo sa buhay mo.” Saad ni Gab.

“Bakit ka nga ba nawala?”

“Sa totoo n'yan, pumunta ako sa America to visit my mother, she’s in a stage 3 cancer. Nalaman ‘ko lang yun no’ng narinig ‘ko si Daddy na kausap ang nag-aalaga kay mommy.” Saad ni Gab.

Napabangon naman silang dalawa at doon niyakap ni Kyline si Gab.

Nasa isip niya na ngayon siya kailangan ng boyfriend niya.

“Matagal na daw ‘yun, hindi lang niya ipinaalam sa amin until sinabi ng nag-aalaga sa kaniya na nasa ganoon nga siyang sitwasyon. Kung kailan malala na saka lang namin nalaman. She left us, she’s with her another family, nagkulang si Dad –oo, pero hindi nagkukulang ‘yung araw na namimiss ‘yung nanay ‘ko,  yung kahit malayo siya, pero hindi ko masasabi na; simula noon hanggang ngayon parehong pagmamahal ang nararamdaman ko. Dahil bawat na lumipas, nababawasan; kapag dumating nadadagdagan 'yung pagmamahal. Dahil bata pa lang ako umalis na siya.” Saad ni Gab, at sa kalagitnaan ng pagkekwento niya ay napaluha ito.

“Love, gagaling din ang mama mo, tiwala lang.”
“Alam ‘kong kaya niya yun, kakayanin niyang lumaban.” Saad ni Gab.

Niyakap ng mahigpit ni Kyline si Gab, para naman kahit sa ganoong paraan ay maramdaman ni Gab na dinadamayan niya ang kaniyang nobyo.

“Hahaha, buti nandito ka love. Salamat.” Saad ni Gab, saka niyakap ang girlfriend at hinalikan.

“Tara na, ihahatid na kita, naghahating gabi na rin.” Saad pa ni Gab.

Bumaba na sila doon, at pumasok na sila sa loob ng sasakyan.
----
Votes and comments are highly recommended!

Continue Reading

You'll Also Like

44.6K 1.2K 12
"Ang boyfriend kong pogay" super comedy , sure na tatapusin nyo tong story dahil macu-curious kayo pag d nyo tinapos to. xD jk! wag niyo po seryosoh...
120K 5.6K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea
46.3K 1.4K 32
May abs? ✔️ Gwapo? ✔️ Matalino? ✔️ Mayaman? ✔️ Lahat nasa kaniya! Lahat ng hinahanap ng babae nasa kanya na, kaya lang ang may isang bagay di...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...