BHO CAMP #7: The Moonlight

By MsButterfly

1.9M 55.5K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... More

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 22: Stitch

50.1K 1.8K 219
By MsButterfly

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

A/N: This is my last update for this week and next week. Updates will resumed next next week since magiging busy ako sa death anniversary ng mami ko. Have a nice Valentines everyone :)

AIERE'S POV

Ilang mga agent na dumadaan sa harapan ko ang napapatingin sa akin pero kahit isa ay walang huminto sa kanila para lapitan ako at kausapin. Hindi ko sila masisisi. Kahit ako siguro hindi ko gugustuhing lapitan ang isang taong binabalot ng negative vibes ang buong pagkatao. That's what exactly I look like right now.

It's been two weeks since the fan meet. Tatlong location pa ang pinuntahan ng Royalty pero hindi na ako kasama dahil iyon ang bagay na hiniling ni Archer kay Dawn. Hindi na nagawang makatanggi ng babae dahil wala namang kahit na sino ang hindi nakapansin sa tensyon sa pagitan namin ng binata.

I asked Dawn to not let him remove me from the agents that will tour with the band. Iyon nga lang ay wala na rin akong nagawa ng kahit si Thunder ay sinabihan na ako na 'wag na munang sumama. Dawn even said that I could just focus on the mission now that I have more information than before.

Pero sino bang niloloko namin? Kahit anong gawin kong pagtatrabaho ay hindi naaalis ang isipan ko sa katotohanan na iniiwasan ako ni Archer.

Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko at maging ang mga message ko sa kaniya. I tried messaging him on social media lalo na kapag nakikita kong online siya pero hindi niya ako sinasagot. They call it inbox-zone nowadays.

I know this too well. Ilang beses na bang nangyari 'to sa akin? Even with Matteo, this happened too. They started pulling away, act cold towards me, and then they'll eventually let me go.

Ang tanging pagkakaiba lang ay alam ko na hindi kasimbabaw lang ng mga dating dahilan ng mga ex ko ang rason ni Archer. He's doing this because he wants me to stay away. Hindi niya gustong madamay pa ako sa kung anong nangyayari sa kaniya. Which is worse than anything. The fact that I know I could do something for him and he don't want me to.

"Pasko na Pasko mukhang Halloween yang mukha mo."

Nag-angat ako ng tingin sa nag-iisang tao na naglakas loob na lapitan ako at hindi man lang natakot na bugahan ko siya ng apoy. "Ikaw naman mukhang pang Araw ng mga Puso."

He shrugged his shoulders while smiling. Mukhang aminado na kita sa mga mata niya ng mga puso na hindi niya maitago kahit anong gawin niya. Umupo siya sa tabi ko at ginaya ang pwesto ko; nakatukod ang siko sa lamesa habang ang mukha ay nakapatong sa kamay. "Anong problema ng bunso namin?"

I rolled my eyes at my brother. Bunso talaga eh ilang minuto lang naman ang pagitan namin ng ipinanganak kami. "Wala."

"Right. Kaya pala lahat ata ng napatingin sa'yo sa araw na 'to ay paniguradong babangungutin pag-uwi. You're like the cute version of the Grinch."

"Thank you sa pag-puri...at pag insulto sa'kin."

Napangisi siya sa sinabi ko at tinulak ang noo ko gamit ang hintuturo niya. Naiinis na pinanlakihan ko siya ng mga mata pero parang hindi man lang siya tinablan ng pagtataray ko. He's my brother after all. Bukod sa may natural siyang shield sa mga bad mood moments ko ay alam niya naman na hindi ko rin siya matitiis. Sa sinapupunan pa lang best friends na kami.

"Wala ka bang balak ikuwento sa akin ang mga nangyayari sa'yo nitong mga nakaraan?" tanong niya pagkaraan at umayos na ng upo mula sa pagkakapalumbaba niya.

"Wala namang nangyayari."

"Aiere kapatid mo ko. Hindi kaibigan mo lang." he said with a hardness in his voice yet his face is soft with concern. Typical big brother. "Hindi mo kailangan sa'kin itago ang totoo."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Dati madali lang magkuwento sa kaniya. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko sa mga dati kong naging karelasyon. Alam niya rin kung paano ako nahihirapan na makabangon mula sa pagkakalugmok ko kada masasaktan ako. He's my brother and I know he worries.

Kaya natuto ako na hindi sabihin sa kaniya ang lahat maging sa mga magulang ko. Dahil hindi lang ako ang nasasaktan kada luluha ako para sa isang taong binigyan ko na naman ng tiwala ko. They're my family so they love me and because they love me, they hurt with me and for me.

"I'm fine, kuya. Wag mo na akong alalahanin."

"I will never stop worrying because you're my sister. You're not a burden, Aiere."

"Of course I am." I said, not being able to stop myself.

"Hindi ka pabigat. Pag ako ba may problema tatalikuran mo lang ako? Hindi mo ba ako tutulungan?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. "Hindi ba't tutulungan mo pa rin ako? That's what family do, Aiere. But more than that, that's what people who cares do."

Natigilan ako sa sinabi niya dahil iyon ang eksaktong nararamdaman ko kay Archer. Pilit niya akong pinapalayo kahit na ang gusto ko lang naman ay tulungan siya. His situation started as a mission. Pero nang makilala ko pa siya ay naging higit pa roon ang noon ay misyon ko lang. Because I care about him.

Hindi niya gustong madamay ako dahil ayaw niyang makita ko kung ano ang klase ng buhay na meron siya. Hindi niya gustong makita ko kung paano siya nahihirapan sa mga nangyayari. He don't want me to breathe the air of what he thought as his past that is full of dirt. But I want to help him. Dahil kaya ko. Dahil mahalaga siya sa akin.

It's more than just the pride of an agent. Hindi dahil sa gusto kong mission accomplished ang nakatatak sa bawat misyon na dadaan mula sa mga kamay ko. It's not just because he's part of BHO CAMP thus making him part of our family. A family that will always take care of their own. It's more than that.

It's because I love him.

"Aiere..."

Sa nanlalabong paningin ay nag-angat ako ng mukha sa kapatid kong bakas sa mukha ang pag-aalala. Pilit na ngumiti ako pero kahit iyon ay hindi ko magawa. "I don't want to lose him, kuya."

"Then you won't."

"Kung sana gano'n lang kadali. Kahit kumapit pa ako siya na mismo ang bibitaw." mahina kong bulong sa kaniya. "I should just let go of the mission."

"And risk losing him in a different way?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Alam kong poprotektahan nila si Archer but I don't know the future. Kapag binitawan ko ang mission ay mananatili ako sa tabi na naghihintay at walang control sa mga maaaring mangyayari. I would die not knowing what would happen next.

My brother playfully tugged at my hair. "Kapakanan ng mga tao ang lagi nating iniisip. But more than that we always take care of the ones we love. That's who we are."

"Ayoko siyang mawala." ulit ko.

"Then don't. Make him understand."

"Pero-"

Hinawakan ng kapatid ko ang kamay ko at direktang tinignan niya ako sa mga mata ko. "Make him understand, Aiere. Hindi mali ang gusto mong gawin. Hindi mali ang kagustuhan mo na protektahan ang taong mahalaga sa'yo kung kaya mo namang gawin iyon. Kung may maitutulong ka bakit kailangan maging dahilan iyon para mawala siya? Make him understand. And if despite everything that you are willing to do for him that he will still let you go then that's his lost. Ang mahalaga nagawa mo ang bagay na alam mong tama."

Tuluyan ng bumalong ang mga luhang kanina ay nangingilid lang mula sa mga mata ko. "Kuya..."

Pinahid niya ang mga luha sa mga mata ko gamit ng dalawa niyang kamay at gaya ng ginagawa niya noong mga bata pa lang kami ay pabirong inipit niya ang magkabila kong pisngi sa pagitan ng mga kamay niya.

"When will you understand, Aiere, that you won't ever lose a person? They will lose you."







HINDI ko mapigilan na hindi mapangiti nang makita ko ang mga magulang ko na magkaakbay pa habang tumatalon-talon sa isang panig ng training area. May suot pa silang pula na couple sweatshirt na may sulat sa gitna na 'Naughty List'.

Inayos ng mga agent ang training area para ganapin dito ang pagsalubong sa Pasko. Mahirap kasi na maghanap ng lugar na kakasya ang lahat ng mga agent pati na ang mga Original Elites at Second Generation agents na nakarating ngayon pabalik sa BHO CAMP.

Kasalukuyang nakikipaglaro ng beer pong ang mga Original Elites laban sa Second Generation Elites na tinuturuan ang mga ito kung paano laruin iyon. Iyon nga lang imbis na beer pong ay napagdesisyunan nilang gawing 'Wine pong' 'yon dahil sa pagka-choosy nila. Kaya nga nagdala ang lolo ko ng 'Sosyal na wine'.

"Woo! I'm so amazing!" Nanggaling ang sigaw na iyon mula sa unang head ng BHO na si Poseidon Davids ng magawa niyang talunin ang kalaban niya na si Mishiella Night na imbis na maasar ay nakangisi lang na ininom ang wine na siyang consequence kapag nagawang i-shoot ng kalaban ang table tennis ball sa cup. "Myghas, Mishy. Mukhang may rayuma na ang kamay mo ah?"

"Ikaw ang bumili ng mga wine di ba?"

"Yup!" masayang sagot niya.

"Sino talaga ang talo sa ating dalawa eh ako madami ng naiinom ng mamahalin mong wine tapos ikaw wala pa?"

Napailing na lang ako nang ma-realize ko na sadiyang nagpapatalo lang ang lola ko para asarin ang kalaban niya. Kaya pala pangiti-ngiti lang siya habang umiinom.

Natatawang ibinaling ko ang mga mata ko sa mataas na kisame ng training area. Mamaya pa makita nila akong naaaliw sa kanila at madamay pa ko. I just trained my eyes to the decorations that took all the time and patience of the trainees who were compelled to do them by their mentors. Mukha tuloy sinabugan ng pasko ang training area.

Kabila-kabila ang mga garlands na kulay pula at gold, habang sa pinakataas naman ng kisame ng training area na hindi ko alam kung paano nila naikabit ay may mga foil curled garlands na kapag tinatamaan ng ilaw ay nag-iiba iba ng kulay.

Kahit saan din ako tumingin ay may mga poinsettia at Christmas balls. Bukod doon ay sa gitna ng training area ay nakatayo ang malaking Christmas tree na tatalunin ang main attraction ng BHO CAMP sa gitna ng public area.

Lahat nagkakasiyahan at excited ng lantakan ang mga niluto ni Hermes at Ocean na mga pagkain na ngayon ay nakalatag sa mahabang buffet table. Ilang sandali na lang kasi ay malapit ng mag Pasko.

Muli kong sinuyod ang paligid na ilang ulit ko ng ginawa mula pa kanina pero katulad ng inaasahan ay hindi ko pa rin nakikita ang taong gusto kong makita.

"Gusto mo ng wine ate Aiere?"

Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko roon si Harmony na may hawak na dalawang wine glass. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at tinanggap ko ang inaalok niya. "Thanks."

Umupo siya sa tabi ko at tinignan ang kasiyahan sa harapan namin. I can even see her own parents mingling with the crowd. After all may ugnayan ang ama niya na si Lake sa nanay ni Ocean. Tito Lake was tita Eika's ex-husband.

"Nakakatuwa rin talaga pag dito kami nagpapasko." pagkaraan ay sabi niya. "Though sometimes I can't help but wonder how my parents seems at ease here. Given their past."

Iisa lang pala ang direksyon ng isipin namin. "Hindi naman naging pangit ang nakaraan nila. I guess that's why they're still friends."

"Yeah." she said with a shrug. "Maybe that's why the holidays are such a big deal. It can either remind you of what you have. Or for some...what they don't."

Hindi ko nagawang makaimik ng sumimsim siya sa baso na hawak niya habang nakatingin na sa akin ngayon ang nangungusap niyang mga mata. Kahit hindi niya sabihin ng direkta ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"He's not coming here is he?"

Umiling siya. "Kahit na noon pa ay hindi talaga siya nag ce-celebrate ng ganitong okasyon. He doesn't want too."

Bago pa siya makapagsalitang muli ay napatayo na ako mula sa kinauupuan. Tila may sariling buhay na naglakad ako papunta sa malaking pintuan ng training area. And as I walked towards it I saw my parents still happily dancing while they include my brother this time with their festivity.

Only a few minutes left and it's already Christmas.

My family looks happy. Kada pasko na dumadaan ay wala akong nakikita mula sa kanila kundi kasiyahan. Because like what Harmony said, this kind of occasion can remind you of what you have. And my family has a lot.

I grew up receiving love from them. Pag-aalaga at pagmamahal. Walang pasko na hindi pinaramdam sa akin ng mga magulang ko kung gaano ako kahalaga sa kanila. Kami ng kapatid ko. At kahit na malalaki na kami ay hindi naging rason iyon para hindi nila samin iparamdam iyon tuwing sasapit ang Pasko.

As if feeling my gaze, my mother's eyes went to my direction. Kahit walang salitang nagdaan sa aming dalawa ay pakiramdam ko naiintindihan niya kung saan ako pupunta at kung bakit. Her lips curved into a smile...a mother's smile. It was as if she's telling me that it's okay and that she understands.

I mouthed 'I love you' to her before I finally walked out of the room.

Hindi ko pinansin ang napapatingin sa aking mga agent at mabilis na tumakbo lang ako palabas ng headquarters. Sa kabila ng lamig na tumatama sa mukha ko ay hindi ko nararamdaman iyon dahil sa suot kong hoodie ni Archer.

I run towards the familiar path and in no time I reached his villa. Tumaas ang kamay ko para pindutin ang door bell niya pero bago ko pa magawa iyon ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Hindi ko na sana papansinin iyon pero sa kung anong dahilan ay pakiramdam ko kailangan kong basahin 'yon.

I fished out my phone and look at the message that I received and to my surprise it came from my uncle, Rain Dale Night. Wala siyang sinabi na kahit na ano maliban sa anim na numero na alam ko kung para saan.

I looked up at the hidden camera that I know is located at the lamp post near Archer's villa and I winked at it.

Mabilis na inilagay ko sa security panel ni Archer ang numero na nakuha ko at gaya ng inaasahan ay tama iyon. Bumukas ang pintuan at kaagad akong pumasok.

His villa is warm...yet cold at the same time. It's bare from any colorful decorations. Kahit ata isang patak ng okasyon ay wala sa villa niya hindi katulad sa headquarters o maging sa kabuuan ng BHO CAMP. It looks normal but empty.

Tahimik na naglakad ako paikot sa villa niya pero kahit sa kusina ay hindi ko siya nakita. I didn't call out for him and instead I went up to the second floor. Direktang tinungo ko ang kwarto niya na alam kong natitirang lugar kung saan siya mananatili.

Walang pag-aalinlangan na binuksan ko ang pintuan. I saw him casually sitting on a sofa, his curtains thrown wide open, and he's holding a glass of liquor while looking outside. Kita ang gulat sa kaniya nang marinig niya ang pagkilos ko at makita akong nakatayo sa pintuan niya.

"Aiere..."

"Yes. Aiere. Ako 'yon. 'Yung babae na iniiwasan mo nitong mga nakaraan."

Bumadha ang guilt sa mga mata niya at nag-iwas siya ng tingin. "Hindi kita iniiwasan. We were busy with the fan meet."

"I'm not stupid, Archer. I know what you are doing."

Lumapit ako sa kaniya pero bago ko pa siya magawang hawakan ay tumayo siya na para bang napapaso siya sa lapit ko sa kaniya at kaagad niyang nilagyan ng distansiya ang pagitan namin. A short distance but it feels like he's miles away.

"I know you feel betrayed because I didn't tell you about the mission." I whispered.

"It's okay." he said as quiet as I am. "Just promise me that you'll drop it."

"At pagkatapos okay na tayo?"

Kita ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. "We could be."

Mapait na ngumiti ako at umiling. "Of course we won't be. Dahil kahit anong gawin ko ay itutulak mo pa rin ako palayo dahil iyon ang sa tingin mong tama."

Alam kong tama ang sinabi ko dahil hindi niya nagawang itago iyon mula sa mga mata niya. He will continue to push me away because he thinks that that's what he deserves. "I can't let go of the mission."

"Aiere-"

"No'ng una hindi ko ito mabitawan dahil trabaho ko ito. Once we start a mission we always carry it out until it's finish. But now I'm doing this because of you."

"This is not your problem." he said, frustration lacing his voice. "Hindi mo kailangang gawin 'to. I already told you everything I know."

"And still it doesn't make what your father is doing, right."

"Aiere, this is my problem."

"And now it's mine too." balik ko sa kaniya.

Umiling siya at sa pagkagulat ko ay lumapit siya sa akin. Umangat ang kamay niya at hinawakan niya ang pisngi ko bago ako tinignan ng diretso sa mga mata. "Aiere, let go."

"Bakit? Bakit ba ayaw mong tulungan kita?"

"I told you. Ayoko na pati ikaw madamay dahil sa kung ano ako. I have no means to protect you so I shouldn't let you suffer from what I'm going through."

"Hindi mo ako kayang protektahan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"I'm not like your father. I can't protect you from anything. So let me protect you from me."

"Hindi ka katulad ng ama ko dahil hindi ikaw ang ama ko. My mother doesn't need his protection because she can handle herself. Ang kailangan niya ay iyong tao na hindi siya susukuan. Iyong mananatili sa tabi niya. It's not about who can throw a punch the hardest. It's about who will stay beside her even if she break her bones and can't even lift a finger. " Ipinatong ko ang kamay ko sa kaniya na nakahawak pa rin sa akin. I didn't let him go even when he tried to move his hand away. "I need you to understand that this is who I am. This is my life. You said you want to protect me when I don't even need it. Your idea of protection is just about the physical ones. I don't need it because I can do it for myself. You should realize that you are the only one that can protect me from the one thing that I can't handle. Hindi ko kaya kapag nawala ka."

Nang hindi niya magawang makapagsalita ay nagpatuloy ako. I want to make him understand. I want him to see.

Binaba ko ang kamay ko at inilagay ko 'yon sa tapat ng puso niya. "I love you, Archer."

The emotions in his eyes looks pained as if I'm lashing him with my words and inflicting hurt on him. Kita ang pagtatalo sa mga mata niya. Pagtatalo na manatiling nakahawak sa akin o tuluyan ng bumitaw at pakawalan ako. And as I looked at him, I can feel my heart sinking as I realize that he's not choosing what I want.

It's funny how it always come to this. Ibibigay ko ang puso ko sa isang taong akala ko ay ang huling pipiliin ay ang saktan ako.

I know loving him was a risk. I know that he wasn't ready. Pero akala ko pwede akong manatili sa tabi niya at maghintay. I could wait forever if that's what he wants. Kasi alam ko hindi naman mahirap maghintay kasi napapasaya niya ako higit pa sa kayang gawin ng iba. But how can I wait for a person that won't let me wait beside him? How can I wait if he's pushing me to think that I'm waiting for nothing?

"Aiere, I can't."

"Why?" my voice laced with the pain coloring it.

"I care for you. Alam kong alam mo 'yon. You're important to me and you're the most beautiful thing that ever happened to me. But I'm not in love with you."

I can hear it and I know he did too. Kahit sino na makakarinig sa sinabi niya ay alam ang kasinungalingn na nakapaloob roon. He said it with his words but his eyes says otherwise. I'm not stupid and I see that. Wasn't it him that said that his heart are mine?

He knows my pain. He was my solace when I was drowning. But now he will go as far as intentionally hurting me just to push me away.

A single tear escaped my eyes that were immediately followed by the rest. They cascade down from my eyes, wetting my cheeks. "Sinisisi mo ang sarili mo dahil kung hindi ka pinanganak sana hindi naging ganoon ang ama mo sa iyo at sa mama mo? Na sana hindi naging masama ang trato niya sa iyo? Na sana parte ka ng pamilya na meron sila? Sana hindi namatay si Ashley?"

Naramdaman ko ang mahinang pagpitlag ng katawan niya na para bang ang mga salitang sinabi ko ay tila mga patalim na bumabaon sa kaniya. "Aiere-"

"Naririnig mo ba ang mga katanungan na 'to Archer? These questions were not made for you to answer. Ang sitwasyon na meron ka ay sitwasyon na hindi mo magagawang kontrolin. Hindi mo magagawang kontrolin ang sariling desisyon ng nanay mo at hindi mo kayang baguhin ang pagkatao ng nakagisnan mong ama. They were the ones who made the decisions that changed your life and Ashley's. Sila ang mga magulang n'yo. Even if Christopher Chase is not your biological father, you are carrying his name. Whatever decisions they made that does not reflect on you because you and Ashley were just children. You two were children who suffered because they can't act as parents."

"Hindi mo naiintindihan."

"Alin ang hindi ko naiintindihan?" tanong ko. "Archer, my job taught me to opened my eyes to a lot of things in this world. Iba't-ibang mukha ng kasamaan dahil sa desisyon ng mga tao na walang pakielam kahit sino ang sagasaan nila. Men and women getting tortured, children dying, kahit ang sarili kong pinsan akala namin mawawala na samin ng tuluyan because she's been tortured and raped."

"Aiere-"

"You know, I even experienced it first hand. We were snooping around with Phoenix ex, Mira, when I got kidnapped with the other female agents. Lahat kami naghirap. I even saw Storm, after going through everything she's been through, got so far in her heard that it was like she's not experiencing the reality of where we are. They don't even need to do anything to her because her own nightmares consumed her." I continued speaking, telling him about the things that I thought I already forgotten. "And do you know what happened to me? I was stripped naked so those men can look at me and touch me. They didn't go as far like they did with Storm but I have different nightmares of my own. It took me everything not to break, believe me. Lahat kami dala ang bangungot na iyon pero nasa tabi namin ang mga pamilya namin para magawa naming lagpasan 'yon. Pero hindi gano'ng kadali. So we do all we can to cope. The others do it by sharing...talking about it until it feels just like a memory. But I'm not a sharer. Kinulong ko ang sarili kong mga salita sa kaloob-looban ko dahil ayokong masaktan ang pamilya ko. Ayokong makita nila akong nahihirapan."

Kita ko sa mga mata ni Archer ang paghihirap hindi lang sa mga narinig kundi sa sitwasyon na meron kami. May kung anong emosyon ang naglaro sa mga mata niya pero hindi katulad noon ay tila pinipigilan na ng sarili kong alamin pa iyon. Like my self preservation is finally kicking in.

"It was different with you. I shared my pain with you. Kahit hindi ko pa alam noon, kusang nagtiwala ang puso ko sa'yo. You let my heart breathe when it was drowning."

Inalis niya ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko at bumaba iyon sa kamay kong nakahawak sa tapat ng puso niya. He grasped it, and with his glistening eyes, he raised it and planted a kiss on my hand. "Hindi kita gustong masaktan, Aiere. I would never do that to you. I... I just don't think that I'm right for you. I can't let you be one of my demons if you get hurt because of me."

"Can't you see, Archer? What happened to you, what happened to all of us, or what will happen in the near future is not our fault. If I get hurt, that's not because of you. We are all victims. Suffering from the evil that other people have brought upon us does not make us one of them."

Hindi niya kasalanan kung bakit ako nasasaktan. Hindi niya kasalanan kung bakit nahihirapan siyang makita ang nakikita ko. It's not his fault that he's been damaged too much by the people who should have protected him. Hindi niya kasalanan pero nandito pa rin kami. Parehas kaming nasasaktan.

But I've been hurt enough times to know now that there's nothing I could do. Hindi ko magagawang ipakita sa kaniya ang bagay na gusto kong makita niya kung hindi siya mismo ang magbubukas ng mga mata niya. I can never make him understand if he's not willing to help himself.

"I love you. I do love you. But it's not my responsibility to fix you. I don't think I should get wounded just by trying to stitch you up. I can't be broken in the process of loving you, because how could I love you if you break me too?"

Hindi na ako nag-intay ng sagot mula sa kaniya at tumingkayad na lamang ako para bigyan siya ng halik. I felt his arms wrap around me, pulling me towards him. I could taste my own tears with the kiss, and when he finally let me go and I moved away, I saw that it wasn't just my own but also his.

"Merry Christmas, Archer. I hope that you'll find the right woman for you. Iyong babae na hahayaan mong manatili sa tabi mo."

____________________End of Chapter 22.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 95.7K 33
I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Triton Lawrence, ang nag-iisang tao na may...
13.6M 647K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
315K 4.4K 29
BABALA: Ang Storyang ito ay kinakailangan ng patnubay at gabay. Ito'y may maseselang lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror at droga sa mga INOSENTENG...
665K 29K 45
A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pain, and even...love. Mali man o tama. B...