Reincarnation of Lucifer

By Alesana_Marie

2.2M 74.2K 13.8K

Isang kontrobersyal na istorya na tumatalakay sa buhay ni Lucifer at ng kanyang walang hanggang pag-ibig. Ano... More

Reincarnation of Lucifer
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII

XIII

195K 7K 2.6K
By Alesana_Marie

Congrats kay Neodge Wattpad. Sya ang nanalo sa contest with 400+ likes sa kanyang drawing entry =)

XIII

Napatigil ako sa kalagitnaan ng pagta-type sa keyboard ng laptop nang pumatak ang luha ko. Pinunasan ko ang pisngi ko pero nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Ang alalahanin ang lahat at isalaysay ang mga pangyayari ay isang napakasakit na bagay para sa akin. Muli nitong binuksan ang malalim na sugat sa puso ko. Kahit na lumipas ang napakaraming taon, hindi nabawasan ang sakit at pangungulila ko para sa lalaking minahal ko nang lubos. Minahal ko sya at nagawa ko syang patayin gamit ang sarili kong mga kamay.

Tumigil ako sandali at tinitigan ang screen ng laptop ko. Ito ang huling kabanata ng istorya ni Lucifer. Ano na ngayon ang gagawin ko? Natapos ko na ang nobela na isinusulat ko. Hindi ito ang ending na gusto ng mga readers ko online.

Bumuntong hininga ako bago ko pindutin ang 'Save and Publish'. Ilang minuto lang ay nagdagsaan na ang notifications ko, marami na ang nakabasa at nag-komento sa huling kabanata na in-upload ko.

Hindi ko kayang basahin ang mga 'yon. 

Isinara ko na ang latop ko. Kahit na sabihin pa nila na umiyak sila at nasaktan, alam ko na makakalimutan din nila ang istorya ni Lucifer. Madali lang silang makakapag-move on dahil istorya lang naman ito para sa kanila. Hindi totoo sa paniniwala nila. Hindi katulad ko, araw-araw walang oras na hindi ko naalala ang mahal ko.

Makalipas ang dalawang daang taon, hindi na tumanda ang katawan ko. Matapos kong bumalik mula sa impyerno, nakulong na ako sa imortal na katawan na ito. Ito ang katawan na nilikha ni Hecate kapalit ng mga pakpak ng mahal ko. Isang imortal na katawan at buhay na walang hanggan.

Isang sumpa.

Ang paulit-ulit na makita na ang mga taong malalapit sa akin ay namamatay at ako ay hindi. Paulit-ulit kong kailangan lumayo sa mga kaibigan ko makalipas ang ilang taon kasama sila para lang hindi malaman na hindi ako tumatanda. Kung minsan natatakot ako sa sarili ko.

Bakit pa nga ba ako nabubuhay? Ano ang dahilan ko para mabuhay?

Hindi ko kayang patayin ang sarili ko. Ang buhay na ito ay bigay sa akin ng mahal ko kaya bakit ko itatapon? Dahil lang sa kalungkutan?

*beep.beep*

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa lamesa. Binasa ko ang text message.

[Ms. Otor =( un na po ba tlga ang ending ng s2ry? bakit po reincarnation of lucifer ang title? dba dapat mabubuhay xa ulit? T_T huhu please upload pa kau ng 1 chap]

Napahinga nalang ako nang malalim. Bakit ko nga ba naisip ang ganong title? Iniisip ko ba.. hinihiling ko ba na muli syang mabuhay bilang isang mortal? Naalala ko ang tanong nya sa akin noon. Kung naging mortal ba sya, magagawa ko ba syang mahalin?

Sana naging mortal nalang kami. Sana naging mas simple ang buhay para sa amin.

Maswerte ang mga tao. Ang mga iniisip nilang mahirap na sitwasyon ay hindi kasing hirap nang sa amin. Hindi nila alam kung gaano sila kaswerte na naging mortal sila. Na kaya nilang tumanda at mamatay. Hindi nila naranasan ang mapagod dahil sa tagal ng buhay nila. Hindi rin nila naranasan ang mga naranasan ko.

Hindi ko alam kung bakit lumikha si Ama ng mga tao. Para ba magkaroon ng silbi ang mga anghel o para may mangalaga at tumira sa mundo?

Bakit sya lumikha ng mga tao? Kahit na alam nyang may pagkasakim ang mga ito. Hindi dalisay ang puso ng mga tao, hindi sila kasing puro ng mga anghel. Pero bakit mahal ni Ama ang mga tao?

Bakit nya inatas sa amin ang pagprotekta sa kanila?

Tila kahit lumipas ang ilang libong taon ay hindi ko ito masasagot. Tanging si Ama lang ang nakakaalam ng mga sagot sa tanong ko.

***

"Uwaah! Nag-update na sa ROL! Grabe ang iyak ko dun! Kawawa naman si Lucci, ang mahal ko!" sabi ni Janice, ang kaklase ko. 

Isa akong estudyante. Isang kolehiyala. Kung bata akong mag-uumpisa sa isang lugar, mas matagal akong maaaring manatili dito. Limang taon ang inilalagi ko sa isang lugar. Palagi kong sinasabi na kailangan kong mag-migrate sa ibang bansa para hindi na nila ako kulitin na makipagkita sa kanila. Katulad nalang ng sa mga reunion.

"Oo nga eh. Pero malay mo naman, may next chapter pa diba? Kasi reincarnation nga eh tapos walang reincarnation si Lucifer dun? Di naman pwede 'yun!" sabi ng isa ko pang kaklase na si Meridith. 

"Kawawa naman si Aura no? Ano na kayang nangyari sa kanya? Naging anghel kaya sya?" tanong ni Karen.

"Malay nyo! Pero baka na-reincarnate ulit sya pati si Lucci tapos happy ending na sila!" sabi ni Luisa.

"Haay grabe naman kasi si miss author nun, bakit bitin? Magpo-post ako sa wall nun mamaya!"

"Bruha ka! Hwag mong awayin! Ang warfreak mo pa naman sa mga online writers dun! Lagi mo silang inaaway kapag may di ka gusto! Kakahiya ka!" 

"Di ko naman sya aawayin, kukulitin ko lang na mag-update!"

"Sus! Yan din sinabi mo nung nakaraan pero inaway mo nung di ka bigyan ng soft copy!"

"Ang sarap nilang pag-tripan eh. Di naman nila ako kilala kaya okay lang. Hahaha!"

Napailing nalang ako. Hindi ko nalang siguro bubuksan ang account ko sa site na 'yon. Tapos na rin naman ang novel ko kaya wala na akong gagawin pa don. Gusto ko lang talagang may mapag-sabihan ng nakaraan ko. Naisip ko na masyadong limitado ang pag-iisip ng mga mortal. May mga bagay silang hindi pinaniniwalaan.

Kahit si Ama ay hindi pinaniniwalaan ng iba. Kahit na napakadami nang milagro sa mundo, hindi parin sila naniniwala sa Dyos.

Ngayon kinukwestyon ko ang sarili ko.

Tama ba na isinakripisyo ko ang buhay ng mahal ko para sa ikabubuti nila? Sa paglipas ng dalawang daang taon nang pag-iisip at pakikisalamuha sa mga tao, tila naiiba na ang tingin ko sa kanila. Nahahawa na rin ba ako sa kanila at nakakalimutan ko ang parte ng pagiging anghel ko?

Nahahawa na ba ako sa pagiging sakim nila?

Pinili ko sila kaysa kay Lucifer. Dapat ba na pinabayaan ko nalang sila noon?

Tumingin ako sa katabi kong bintana. Bakit ko ba itinatanong ang mga 'yon sa sarili ko. Hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. Hindi ko na maibabalik ang buhay na nawala.

"----Lucifer Rising,"

Napalingon ako sa mga kaklase ko. Ano'ng sinabi nila?

"Ah! Yung boy band? Oo may ticket na ako para sa concert nila! Pupunta ako!"

"Grabe! After one million years pupunta na rin sila dito sa Pilipinas!"

"Ang alam ko nga hindi kasama ang bansa natin sa world tour nila pero bigla silang naglabas ng statement last week na pupunta sila dito!"

"Yiiieeehh! Sobrang hot nila!"

"Oo! Sobrang hot nila! Super sikat nila!"

"Super yaman din! Alam nyo bang billion dollars ang kinikita ng world tour nila? Pangatlo na 'to eh!"

"Napaka-successful ng group nila no? Kahit ang bata pa nila."

"Pero alam nyo ba ang balita na part daw sila ng Illuminati?"

"Illuminati? Yung mga hindi naniniwala kay Papa God? Yung anti-Christ daw?"

"Yep! Sa demons daw sila sumasamba kaya sobrang sikat nila."

"Di naman yan totoo eh. Chismis lang 'yan!"

"May mga satanic symbols daw kasi yung mga music videos nila--"

"Baka naman yung gumawa lang ng MV ang illuminati?"

"Siguro."

"Pero ang weird ng pangalan diba? Lucifer Rising? Ano 'yun?"

"Hahaha! Pakialam ko? Catchy nga eh. Astigin! Basta crush ko parin sila kahit ano'ng mangyari!"

"Sira talaga 'to! Lucci daw kasi yung pangalan ng Presidente ng Entertainment na pinagbuuan ng group nila kaya ganon. Kaya ang nangyari, ginawa nalang nilang Lucifer."

"HAAAAA?!!"

"Parang yung online story? Reincarnation of Lucifer?"

"Ay! Oo nga noh?!"

"Siguro fanfic yung story ni otor. Baka may crush sya dun sa President ng LAEnt."

"Eeew! Matanda na?"

"Twenty-six palang naman 'yun! Nag-start yung company eight years ago, unang trainees ang Lucifer Rising!"

"Wow ang galing naman ng President! May picture ka ba nya?"

"Wala, di naman kasi nagpapakita 'yun."

"Baka nga crush ni otor 'yun!"

"Haaay! Excited na ako sa concert mamayang gabi!"

"Kikidnapin ko sila at ire-rape ko hahaha!"

"Baliw! Uunahan mo pa ako sa plano ko hahaha!"

Napatayo ako sa upuan ko at lumapit sa grupo nila. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang marinig ko ang pangalan nya. Lucci ang ginamit nyang pangalan noon. 

"Ano'ng sinabi nyo?" tanong ko "Lucci ang pangalan ng Presidente ng LAEnt?"

Mukha naman silang nagulat.

"O-Oo--"

"Kasama ba nila sa tour ang presidente?" tanong ko ulit.

"Huh? Ah ehh hindi ko alam.."

"Oo kasama nila ang president. May nakita kasi akong lalaking naka-shades sa stolen shots sa airport, mukhang sya yun. Mukha pati syang importante kaya baka sya nga yun."

"Alam nyo ba kung saan silang hotel?"

"Sa Green Leaf, mga isang oras ang layo dito--"

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas. Si Lucci. Nandito sya.

Sa wakas, pagkalipas ng dalawang daang taon. Makikita ko na ulit sya.

Pumunta ako sa hotel na sinasabi nila. Halos sumabog sa kaba ang dibdib ko. 

Naglakad ako sa loob, kung tama ang iniisip ko, sa Presidential Suite ang kukunin nilang kwarto. Nasa pinakatuktok ito ng hotel, kailangan ng VIP card para makapunta don ang elevator. Kailangan kong gamitin ang hagdan sa fire exit.

TOP FLOOR.

Nilalamig ang mga kamay ko habang nakatayo ako sa pintuan ng suite.

Ano'ng gagawin ko kung hindi sya 'yon?

Bumukas ang pinto sa harap ko. Gulat akong napatingin sa lalaking nagbukas non. Tinignan nya ako bago ngumiti. Namumukhaan ko sya, myembro sya ng grupong Lucifer Rising. Hindi nga ako nagkamali ng kwarto.

"Come in," nilawakan nya ang bukas ng pintuan.

Sumilip ako sa loob. Hinila nya ang kamay ko papasok sa kwarto. 

Labing isang pares ng mga mata ang biglang tumingin sa akin. Nakaupo sila sa mahabang sofa at ang iba naman ay nakatayo.

"Is that her?"

"She looks like her."

"It's her."

Napaatras ako nang lumapit sila sa akin at titigan ako. 

Ano'ng nangyayari? Niyakap nila ako bigla isa-isa. Hindi ako nakagalaw nang isa-isa nilang gawin 'yon.

"That's enough Kai.." sabi ng isang kalmado ngunit malamig na boses.

Humiwalay sa akin ang lalaking huling yumakap sa akin. Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita. Tila nabalutan ng yelo ang katawan ko, hindi ako makagalaw. Napakatagal na simula nang huli ko syang nakita. 

"Lucci.. Ikaw nga.." 

***

HECATE.

Pinanood ko ang pagbabalik ng tatlong anghel mula sa impyerno kasama ang kaluluwa ni Aura. Nananatiling puro at dalisay ang kanyang kaluluwa. Sobrang ganda ng kaluluwa nya na naaakit akong kunin ito. Isinara ko na ang lagusan.

"Ano'ng dapat nating gawin sa kaluluwa ni Aura?" tanong ng anghel na si Miguel.

"Kailangan natin syang dalhin kay Ama," sagot naman ni Gabriel habang nakatingin sa nanghihinang kaluluwa sa mga braso nya.

"Hindi pa sya tuluyang namamatay," lumapit ako sa kanila.

Napatingin silang tatlo sa akin.

"Nilagyan ko ng proteksyon ang katawan ng mortal na 'yan. Maaari pa syang bumalik sa katawan nya at ipagpatuloy ang naudlot nyang buhay."

"Magagawa mo 'yon?" tanong ni Gabriel.

Kinuha ko mula sa kanya ang kaluluwa at ibinalik sa katawan nya na nakahiga sa mahabang upuan.

"Kailangan nyo nang umalis," babala ko sa kanila "Buburahin ko ang kanyang alaala. Mas makabubuti kung hindi nya kayo makikita."

Lumapit ang dalawang anghel sa mortal para magpa-alam. Nilapitan ko si Uriel. Tinignan ko sya nang matiim. Tumango sya sa akin. Kung ganon, tuloy ang parin ang plano. Pareho naming tinignan ang mortal.

Natapos na rin ang unang propesiya. Kailangan na naming paghandaan ang ikalawa.

Hindi dapat manatiling bakante ang pwesto ng hari sa impyerno. Kailangang may pumalit sa pwesto. Ang sinumang humawak sa espada ni Lucifer ang magiging bagong hari.

"Patawad Gabriel, Miguel pero hanggang dito nalang ang misyon nyo. Maraming salamat sa pagtulong," sabi ni Uriel sa dalawang anghel.

"Uriel! Bakit mo hawak ang espada na 'yan?!"

"Ano'ng ibig sabihin nito?!"

Hindi ko na pinanood ang sumunod na ginawa ni Uriel sa dalawang anghel. Binuhat ko ang katawan ng mortal at inilayo sa kanila. 

"Aura.. Gumising ka," utos ko sa kanya na may kalakip na mahika.

Agad syang dumilat at tumingin sa akin. 

"Hecate.." mahinang bulong nya.

"Makinig kang mabuti sa itatanong ko sa'yo. Sumagot ka ayon sa nararamdaman mo."

Tumango sya.

"Gusto mo bang maibalik sa'yo ang buhay ni Lucifer?"

"Oo," namuo ang luha sa mga mata nya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Kung ganon ano ang kaya mong ibigay sa akin kapalit ng muli nyang pagkabuhay?"

"K-Kahit ano.."

"Matulog ka na Aura, sa muling pag-gising mo hindi mo maaalala ang usapan na ito."

Gamit ang mahika ko ay sinunod ng katawan nya ang utos ko. Lumapit sa amin si Uriel. May bahid ng dugo ang puti nyang kasuotan. Ang dugo ng dalawang anghel.

"Tapos na ba? Nakuha mo na ba si Karisma?" naiinip na tanong sa akin ni Uriel.

"Mag-ingat ka sa tono mo Uriel. Maaaring magkakampi nga tayo pero hindi mo ako utusan," babala ko sa kanya.

Tinutukoy nya ang namatay nyang kasintahan na isa ring anghel. Si Karisma, ang anak ko.

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa tyan ng mortal. Mula roon ay kinuha ko ang hindi pa naisisilang na sanggol. Inilipat ko ito sa katawan ko, ako na ngayon ang muling magsisilang sa anak ko. Ang anak ko na pinabayaan ng itinuturing nilang Dyos na mamatay sa digmaan. Dahil sa walang kwentang propesiya ay hinayaan nilang mawala ang anak ko.

"Tapos na," tumayo ako at iniwan ang mortal na nakahiga sa lupa.

"Binura mo ba ang alaala ng mortal?" tanong nya sa akin.

"Hindi nya malalaman na may anak sila ni Lucifer. Hwag kang mag-alala."

"Bakit hindi mo nalang binura nang tuluyan ang alaala nya?"

"Isa syang imortal Uriel. Hayaan na natin sya. At ang isa pa, marunong akong tumupad sa kasunduan. Sila parin ang naging susi sa pagbabalik ng anak kong si Karisma. Kahit papaano marunong akong tumanaw ng utang na loob," matalim ko syang tinignan para tumigil na.

Umalis na kami ni Uriel. Hindi nila malalaman ang katotohanan na hindi sila ang isinumpang magkasintahan kung hindi ang anak ko at si Uriel. 

Hindi si Lucifer ang dapat nilang pinatay. Hindi rin dapat namatay noon si Aura. Pero ang pagbabalik ng anak ko ay matagal nang nakasulat sa libro ng tadhana. Hindi nila ito mapipigilan kahit na ano ang gawin nila. 

Kahit pa gaano kalakas ang kapangyarihan ng Ama nila, hindi parin nila magagawang kunin ang buhay ni Aura. Dahil isa syang mortal. At ang mga mortal ang kahinaan ng Dyos nila.

Nakakatawang isipin na dahil sa sobrang pagmamahal nya sa isang mortal, mabubuo ang impyerno sa mundo ng mga tao.

Ano na kaya ang gagawin nya ngayon?

Muli ba nyang ipapadala ang anak nya sa mundo para pasanin ang bigat ng kasalanan ng mga tao?

Siguro? Siguro ganon nga ang gagawin nya..

***~(;__;)~***

Blue Moon ngayon, such a coincidence XD.

May naintindihan kayo sa chapter na ito? Hohoho! Kung hindi, basahin nyo ulit. Flashback yung part ni Hecate. XD Ang nangyari.. Nabuhay si Lucci at bumuo ng mga illuminati na syang lilikha ng New World Order.. trololo! At dahil mortal si Lucci ngayon, di sya magawang galawin ni Ama. Mahal nya kasi ang mga mortal. At sa paglipas ng dalawang daang taon.. mas bumigat na ang kasalanan ng mga tao. At dahil dito.. muling tatapak sa lupa si Kristo para pasanin ang kasalanan ng mga tao. TT^TT

Pero ang totoo bumuo si Lucci ng group para mahanap si Aura. Ipinadaan nya sa musika ang paghahanap nya. Baka kasi sakaling nakikinig sya. At dahil don naging prinsipe sya ng music! Yay! Si Aura naman, nalaman ni Lucci kung nasan sya dahil sa internet novel nya. XD Kaya biglang nasingit ang Pinas sa world tour. Hahaha! Ayos diba?

Ito yung sinasabi ni Hecate noon, na magugulo ang mundo ng mga mortal. Pero syempre sya ay nagkukunwaring mabuti lamang. Trololo. At ang lahat naman ay umayon sa kanyang plano. Matalino kasi sya. Ang mga babae talaga kapag nagplano sa mga ganitong bagay, LAGOT! Malufet eh, Dyosa kasi sya katulad ko. Trololo!

Pero syempre ito ay sa kwento ko lamang. Kaya naman hwag nyong itama ang kwentong ito ayon sa paniniwala nyo. Kung naniniwala kayo sa ibang meaning ng illuminati then okay. Kung naniniwala kayong walang anak si Hecate, then okay. Ngunit ito ay kwento ko lamang. Naging makatotohanan naman hindi ba?

Hindi ako illuminati o anti-KPOP o whatever. Sinabi ko na sa inyo na nagawa ko ang story na ito dahil sa lumabas na issue na illuminati ang peyborit kong BIG BANG. Nga pala EXO--> Yung boy group hahaha! Love em!

Pero totoo ang pagdating ni Jesus kasi makasalanan ulit tayo, as in sobrang bigat na. 

Alam nyo yung John 3:16? 

For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.

At ito lang ang kabisado kong quote sa bible. TT^TT Dati alam ko yung Psalm 23 ngayon hindi ko na kabisado ang haba kasi..

Medyo bitin ang ending.. Eh kasi parang di tama kung isusulat ko pa ang pagkikita nilang dalawa. Anyway, salamat sa pagbabasa. =) Pakabait na kayo at hwag nyo na akong awayin. Trololo! Dahil ako si Aura, at isusumbong ko kayo kay Lucci. *U* 

Dadating na sya dito sa Oct >__<. Wala akong pera para sa concert kaya di nya ako makikita Ajujuju!

Salamat sa mga nag-submit ng drawings nila  - Starlene Barona, Em Andal, Kyut Daw Ako, Koline Valino, Maryann Lapso, Crisca Jallorina, Sammie Wattpad, Rhei Load, Aira Joyce De Leon, Neodge Wattpad,  Fatima Mae Galera Cua, Gel Sartin II, Katrina-Killjoy Arellano, Helena Elise, Rerushi Watabe, Lhen Pinon, Ivie Benigno, Hanna Lorraine Luna, Shaira Langitan, Mi Mhytot, Wattpad Reader at Medz Talla Eugenio XD 

See you sa isa ko pang story na NTBG.

XOXO

Alesana Marie

Continue Reading

You'll Also Like

23.7K 1.3K 33
May kinaiinisan ka ba? Binully, pinahiya, sinaktan o pinagsamantalahan? Now is the time para makaganti ka sa kanila. Use the Killer App. #TheKiller...
467K 10.8K 32
Ilang scenes ng story na 'to ay nangyari sa totoong buhay. Story ang isang ghost na hindi matahimik ang magpapakita sa kanila. Ang sunod-sunod nilang...
40.9K 2.8K 14
A COLLABORATION PROJECT -MsButterfly (Gabrielle Yana Concepcion) -Kuya_Soju (JL Rabaria) -Maxinejiji (Maxine Lat) D I A B L O: Scent of a Murderer
432K 26.8K 27
Bloodline Series, Book #1 || All she ever wanted was to celebrate her birthday, but she ended up receiving an outrageous gift -- a power.