Love at its Toughest (Love Se...

By FGirlWriter

4.9M 77K 5K

With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging mata... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue: How tough is love?
Chapter 1: A Tough Beginning
Chapter 2: A Tough Formula
Chapter 3: A Tough Welcome
Chapter 4: A Tough Enactment
Chapter 5: A Tough Doubt
Chapter 6: A Tough Deceit
Chapter 7: A Tough Cling
Chapter 9: A Tough Closure
Chapter 10: A Tough Timing
Chapter 11: A Tough Past
Chapter 12: A Tough Response
Chapter 13: A Tough Truth
Chapter 14: A Tough Marriage
Chapter 15: A Tough Coincidence
Chapter 16: A Tough Test
Chapter 17: A Tough Principle
Chapter 18: A Tough Role
Chapter 19: A Tough Challenge
Chapter 20: A Tough Condition
Chapter 21: A Tough Confusion
Chapter 22: A Tough Trust
Chapter 23: A Tough Acceptance
Chapter 24: A Tough Faith
Chapter 25: The Toughest One
Epilogue: Love at its Toughest

Chapter 8: A Tough Consequence

167K 3K 166
By FGirlWriter

Chapter 8: A Tough Consequence

"Everyone says love hurts, but that isn't true. Loneliness hurts. Rejection hurts. Losing someone hurts. Envy hurts. Everyone gets these things confused with love, but in reality, love is the only thing in this world that covers up all pain and makes someone wonderful again.

Love is the only thing in this world that does not hurt."

–Anonymous.

❤❤❤

SA muling pagkarinig nila sa pag-iyak ng bata ay doon lamang parang nakahinga si Eunice. Hindi pa rin kumakalma ang tibok ng puso niya habang nakatingin siya sa kama ni Renz na pinapalibutan ng maraming doktor at nurses. Na-revive ito! Nagawang muling patibukin ang puso ng bata.

"Kayo po ba ang mga magulang ng bata?"

"I-I'm the father, Doc," sagot ni Terrence. "Kumusta na po ang anak ko?" nag-aalalang tanong nito.

"We can't say he's safe. Dahil kailangan pa namin ng maraming test. Kaunti lang ang cases na nare-revive ang pagtibok ng puso. And your son is lucky. The child needs to be admitted in the hospital for further tests. Baka anumang oras ay kailanganin ng bata ang heart surgery."

Patuloy sa pag-uusap ang doktor at si Terrence. Habang siya naman ay hindi hinihiwalayan ng tingin ang bata na pinapakalma na ng mga nurses. Bawal pa silang lumapit kaya walang magawa si Eunice kundi tumingin na lang. O mas akmang sabihing, nakatulala na lang siya.

Although the child was brought back to life, nanginginig pa rin sa takot si Eunice. She was like thrown back to the time when she and Terrence got in the car accident a few months ago.

Sa pagkapa niya sa hindi na pagtibok ng puso ng bata kanina ay tila narinig niya ulit nang sinabing wala nang buhay si Terrence noon.

It was horrible.

"Eunice? Baby?"

Napapitlag si Eunice at napalingon kay Terrence. Napakurap-kurap siya.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Eunice, are you okay?"

Wala sa sariling napailing-iling siya. "N-No... I-I'm not o-okay. I w-will n-never b-be okay..." she murmured, trembling. Napabaling ulit ang atensyon niya kay Renz na napatahan na. Tahimik lang ang bata habang inaasikaso ng mga nurse.

Nakita niya na lang ang sarili na kinakabig ni Terrence sa loob ng mga bisig nito. She's still shaking.

Maya-maya pa'y humahangos na dumating ang dalawang malalapit na kinakapatid ni Rachelle na sina Cara at Chelsea. Nag-usap ang mga ito at si Terrence.

"Anong nangyari kay Eunice?" nag-aalalang tanong ni Chelsea nang makita siyang nanginginig pa rin sa takot.

"She's still in shock. But she will be okay. Ako nang bahala sa kanya."

"Sige, kami muna ni Chelsea dito. Kami nang bahalang umasikaso muna kay Renz," ani Cara.

Tumango si Terrence. "Kayo na rin ang tumawag kay Alfred."

"A-Akala ko patay na siya..." pabulong na nasambit niya habang nakatingin pa rin sa bata. Nililipat na ito sa isa pang kama na magdadala sa bata sa pribadong kuwarto. Napatingin siya kay Terrence. "P-Parang katulad noon. When the medics said your heart wasn't beating anymore, I c-can't cry. It was like I died, too."

"Shhh. Tapos na iyon. Renz was revived. I'm still alive," kalmadong wika nito. Sa mga sumunod na sandali ay natagpuan na lang ni Eunice ang sariling nagpapaakay sa asawa palabas ng emergency room.

Nasa labas na sila ng ospital at papunta sa kotse nila. Nang nasa kotse na ay pinaupo lang siya ni Terrence sa backseat habang nakabukas ang pintuan. Maya-maya ay pinatong ni Terrence sa balikat niya ang isang jacket.

"How are you feeling now?"

Napatingin siya rito. Pagkuwa'y napalinga-linga sa paligid. "Nasaan si Renz?"

Napabuntong-hininga si Terrence. "Wala ka sa sarili mo. Kanina pa."

Napayuko siya. "S-Sorry... I just don't know what to think. I-I..."

"Iuuwi na lang muna kita. Nandoon naman na sila Chelsea sa loob. Babalik na lang ako mamaya." Hinila na siya nito papunta sa harapan ng kotse. Mabagal na umaandar na sila palabas ng ospital pagkatapos.

Niyakap ni Eunice ang sarili habang nakatingin ng diretso sa kalsada. "Bakit ka pala nagmamaneho?" natanong niya rito. After he woke up from comatose, nahihirapan na si Terrence umupo sa harapan ng kotse, lalo na ang magmaneho.

"I think it's the adrenaline rush. Natataranta na tayo kanina kaya, heto... Wala sa oras na nakapagmaneho ako—which is kinda good. Ibig sabihin, nawala na ang trauma ko."

Hindi na siya sumagot. Nawala na ang trauma nito at siya naman ang nagkaroon ngayon. Hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari kaninang umaga at kung paanong sa mismong mga bisig niya ay wala na talagang buhay ang bata habang karga-karga niya hanggang sa emergency room kanina.

Thank God, the child was revived. But she can't bear witnessing the people she loves playing with death. Una si Terrence, ngayon naman ay si Renz. She became too attached with the kid that she does not know what to do if they were too late to rush him in the nearest hospital.

            Nakagat niya ang ibabang labi nang tumulo ang luha sa mga mata niya. When she started loving, she always experienced almost losing the people she learned to love wholeheartedly. Ganoon siguro ang tunay na nagmamahal. Kahit isipin lang na mawawala sa'yo ang mga taong mahal mo, nakakabaliw na. Who can even bear loving then losing someone?

❤❤❤

NANG malaman ni Alfred ang nangyari kay Renz ay agad itong umuwi ng Maynila kahit pa hindi pa tapos ang trabaho nito.

            Nakikipag-usap si Terrence sa mga kamag-anak ni Rachelle na nandoon at ipinapaliwanag niya ang kalagayan ng bata nang dumating si Alfred at natatarantang hinahanap ang anak niya—o anak nito.

            Iyon pa ang isang kailangan niyang linawin kay Alfred.

            "Lalabas po muna ako," paalam niya sa isang tiyahin ni Rachelle. Wala doon ang mga magulang ng huli dahil nasa probinsya daw ang mga iyon.

            Pagkalabas niya ng kuwarto ng bata ay saktong pagpasok ni Alfred. Hindi na siya nito napansin at tuluy-tuloy lang na nilapitan ang natutulog na si Renz. He saw the relief on Alfred's face. Niyakap at hinalikan nito sa noo ang bata.

            Hindi niya anak si Renz, but Rachelle claimed he's his. Something is really wrong. Dahil kung iba naman ang ama ng bata, hinding-hindi gagawin ni Rachelle na sabihin sa kanya na siya ang ama at pagkatapos ay hindi pala. Nabasa niya pa ang sulat ng yumaong dating nobya sa asawa niya. Malinaw na malinaw doon na ang alam talaga ni Rachelle ay sa kanya ang bata.

            Something must be really wrong.

            Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto. Gusto niya sanang tawagan si Eunice na hindi niya na pinasama pa sa kanya roon dahil nararamdaman niyang na-trauma na ito. What happened to Renz could have triggered something inside of her.

            He sighed. Nag-uumpisa pa nga lang sila sa pagsasama nila bilang mag-asawa, heto at may kinakaharap na agad silang pagsubok. He thought after waking up from a long sleep, everything will be just fine for him and Eunice. But when reality strikes, a very tough road is ahead of them. It's far from being "just fine".

            "Terrence!"

            Napaangat siya ng tingin at nakita ang pinsang si Matthew na papalapit sa kanya. Naka-NBI uniform pa ito na black polo-shirt at cream slacks.

            "Kumusta na?" bati nito sabay abot sa kanya ng isang brown envelope na agad niyang kinuha. Nandoon nakalagay ang mga reports nito.

            "Renz is fine but he's under observation by the doctors. Malaki na ang posibilidad ng heart surgery para sa bata."

            Napailing-iling ito. "Heart surgeries are cruel. Fifty-fifty ang chances. Dinaig pa ang surgeries ng cancer patients. Anyway, nasabi mo na ba sa kanila?"

            He crossed his arms. "I think it's not the right time. Gusto ko munang mag-focus sa kalagayan ni Renz. Maybe he's not my son," aniya sa mahinang tinig, "pero anak pa rin siya ni Rachelle. I learned to love the kid. Lalo na si Eunice."

            "Nasaan nga pala ang asawa mo?"

            "Hindi ko muna pinasama rito at pinagpahinga ko sa bahay." Nahagod niya ang batok. "She was quiet yet trembling, kahit pa okay na si Renz."

            "Trauma."

            He sighed.

            "Hindi malayong ma-trauma si Eunice," ani Matthew. "Nakuwento niya noon sa'min na concious na siya nang nailigtas kayo ng medics sa aksidente niyo noon. You were declared dead, Terrence. Narinig niya iyon. Then, she wakes up earlier and seeing Renz not breathing? It would really shake her."

            He rested his head on the wall. "Dahil sa'kin, apektadong-apektado si Eunice."

            Tinapik-tapik siya ng pinsan sa balikat. "Bawi-bawi na lang sa kama."

            Pabirong sinuntok niya ito sa braso. "Gago." Pero napangisi na lang rin siya.

            Matthew laughed. "Alam kong mabigat ang sitwasyon, pero hindi masamang pagaanin natin ang ating mga damdamin sa mga simpleng biruan paminsan-minsan."

            "Saan mo nahugot sa iyan?"

            "Sa balong malalim," nakangising sabi nito na may dalawang kahulugan.

            Gago talaga. "Kung saan-saang balon ka na naman sumisisid. Be serious, man."

            Nagkibit-balikat ito. "Nah! Can't afford the feeling of losing someone, again," simpleng sabi nito na parang hindi naging mapait rito ang pagtalikod ng babaeng dating minahal nito. "I'll better go ahead. Hinatid ko lang talaga sa'yo 'yang reports. Next time ko na lang sisilipin ang bata," biglang paalam nito. Sumaludo pa ito sa kanya bago tuluyang tumalikod at umalis.

            Nawala na ito sa paningin niya nang saktong lumabas si Alfred mula sa loob ng kuwarto. Nang makita siya nito ay parang nagulat pa ito.

            "N-Nandito ka pala, Terrence."

            Tumayo siya ng tuwid. "Hindi mo siguro ako napansin. Buti nakauwi ka."

            "Naintindihan naman ng supervisor namin ang rason ko. Kaya nakauwi ako kaagad nang itawag sa'kin kaninang umaga ang nangyari." Humugot ito ng malalim na hininga. "S-Salamat sa inyo ni Eunice."

            "Hindi mo kailangang magpasalamat. Anak ko naman si Renz," sabi niya at saka matamang inobserbahan ang reaksyon nito.

            Napakurap ito at parang wala sa sariling napatango.

            Gustung-gusto na itong diretsahin ni Terrence pero alam niyang hindi iyon ang tamang oras. Kailangan niyang paghandaan ang mga sasabihin at malalaman mula kay Alfred kapag sinabi niya nang alam niya na ang totoo.

❤❤❤

PAGKATAPOS ng isang linggong pag-o-obserba kay Renz ay nanatiling normal naman ang pagtibok ng puso nito basta tama sa dosage at oras ang pag-inom niyon. Ngunit minsan, may mga pagkakataong hindi tumatalab sa bata ang gamot at minsan pa itong na-ICU ng isang araw. Kaya naman nagpayo na ng doktor ng isang heart surgery para kay Renz.

            And all of that made Eunice stressed. A lot. Apektadong-apektado talaga siya sa mga nangyayari sa bata. Ayaw niyang isipin na kailangan nitong dumaan sa surgery dahil hindi naman malaki ang percentage ng nakakaligtas sa ganoon. Napaka-komplikado ng sakit ng bata na hindi na daw iyon makukuha sa gamot.

            "You're too young..." pagkausap niya sa bata habang buhat-buhat niya ito. Silang dalawa lang ang nasa private hospital room nito ngayon. Umiiyak ito kanina kaya binuhat niya. Ingat na ingat pa siyang hindi maipit ang suwero nito. "You should be playing outside with other kids..."

            The little boy just murmured baby words that were hard to understand. Ngumingiti-ngiti ito habang hinahaplos ng maliliit nitong kamay ang pisngi niya. She smiled back at the child and played with him.

            Maya-maya ay napahikab ang bata. At saktong dumating si Chelsea at ito na daw muna ang bahala sa bata.

            Paglabas niya ng kuwarto ay tumunog ang cellphone niya. Ang kaibigan niyang si Lorraine ang tumatawag.

            "Girl! I heard about what happened," bungad agad nito pagkatapos niyang mag-"hello". "Kumusta na ang baby?"

            "Madi-discharge na tomorrow. But this day, magbibigay na ng schedule ang doctor kung kailan gagawin ang surgery."

            "Oh. You sound so stressed, Eunice. Gusto mo magkita tayo? Let's have a coffee or tea? Bibigay ko na rin sa'yo ang pasalubong ko from India."

            Galing nga pala ito roon para magbakasyon. Pumayag siya at saka nagsabi rito kung saan sila puwedeng magkita. Having a talk with her friend over a coffee or tea sounded nice.

            Habang naglalakad papunta sa elevator ay nakasalubong niya pa ang asawa. Katatapos lang ng huling therapy nito sa parehong ospital.

            "Hey, baby," nakangiting bati nito sa kanya sabay yakap. "Going somewhere? Sinong nagbabantay kay Renz?"

            "Nandoon si Chelsea. Ahm, tumawag kasi si Lorraine. Magkikita kami sa coffeeshop. You want to come?"

            Umiling ito. "Kakausapin ko pa ang doktor ni Renz. Maybe next time."

            "Gusto mo samahan na lang kita?"

            "Hindi na. It would be better na makalabas ka at makakita ng kaibigan. I know how everything affected you. Sige na. Have a good time." Sabay halik nito sa pisngi niya. "Take care for me."

            She smiled and nodded. Tama nga siguro si Terrence. Kailangan niya munang huminga.

❤❤❤

SAKTONG pagkatapos kausapin ng doktor sina Alfred at Terrence ay tumunog ang cellphone ng huli.

            Kinuha ni Terrence sa bulsa niya ang cellphone at binasa ang text message sa kanya ng asawa. Napangiti siya at saka binulsa ulit ang phone. Base sa text, mukhang mas okay na si Eunice kaysa sa mga nakalipas na araw. Tatawagan niya ito mamaya ngunit may kailangan muna siyang gawin.

            "Alfred," tawag niya sa lalaki na naunang naglalakad sa kanya patungo sa kuwarto ng bata.

            Nilingon siya nito. "Bakit?" he curiously asked.

            "We need to talk," seryosong sabi niya.

            "Tungkol saan?"

            Hindi na siya sumagot at nagpatiuna na siyang naglakad. Sinundan naman siya nito hanggang sa makarating sila sa hindi masyadong ma-tao na hardin ng ospital.

            Nag-ipon ng hangin si Terrence bago marahang pinakawalan iyon. Humarap siya sa lalaki na halatang takang-taka pa rin.

            "I know the truth, Alfred," mahina ngunit mariing sabi niya. "Hindi ko anak si Renz."

            He saw him became uneasy and tense. Nag-iwas ito ng tingin. "A-Anong pinagsasasabi mo?"

            Pinigilan ni Terrence ang sariling magalit. Ayaw niya sa lahat ay ang nagmamaang-maangan. "Alfred, hindi mo na kailangang itago. Alam ko nang hindi ako ang ama ng bata. At hindi puwedeng hindi mo alam ang totoo. Niloloko mo kami!"

            Nagtagis ang mga bagang nito at kumuyom ang mga kamay. Ngunit hindi ito nagkomento. Nanatili itong tahimik.

            "Alam ba 'to ni Rachelle? Kasabwat ba siya sa panloloko?"

            "Huwag mong idamay ang asawa ko."

                "Paanong hindi siya madadamay?" Tumaas na ang boses niya. "Rachelle claimed that the child's mine but he's not. Until she died, she said that Renz is my son. But he's not! Anong kalokohan iyon, Alfred? Bakit kailangan pang ipaako sa'kin ni Rachelle si Renz kung hindi ko naman talaga siya anak? Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Rachelle. Kaya takang-taka ako. Bakit kailangan niya 'kong lokohin?"

            "Hindi manloloko ang asawa ko. Wala siyang alam dito!"

            "Then, tell me, Alfred! Alam mong hindi ko anak ang bata, pero si Rachelle hindi iyon alam?" sarkastikong wika niya.

            Lalong kumuyom ang kamay ni Alfred. Halatang nanggigil na ito. Nagagalit.

            "You're the true father of the child, Alfred, aren't you?"

            Nanatiling tikom ang bibig nito ngunit tumalim ang mga tingin sa kanya. Hindi niya inurungan ang tingin nito. Ayaw niyang magalit. Ayaw niyang salubungin ang emosyon nito. He just needs to know the truth.

            Ngunit nagulat si Terrence sa sumunod na nangyari. Alfred fell at his knees and started crying.

            "Oo! Ako! Ako ang totoong ama ni Renz! Oo, walang alam si Rachelle! Walang nakakaalam na ako ang ama ng bata kahit siya. Wala siyang alam..." His shoulders were shaking. "H-Hindi niya nalaman hanggang sa mawala siya. Masama akong tao! Nandidiri ako sa sarili ko! Hindi ko magawang maamin kay Rachelle na sa'min may nangyari at hindi sa inyo! Hindi ko magawang masabi na sinamantala ko ang kahinaan niya ng gabing iyon. H-Hindi ko mismong matanggap na nagawa kong pagsamantalahan ang tanging kaibigan ko na minahal ko ng sobra-sobra... hanggang sa mawala na siya!" Alfred confessed.

            Terrence's eyes widened. Nagimbal siya sa mga narinig.

            "B-But, nagising ako na kami ang magkatabi. We were both drunk that night and, and—"

            "Sa buhanginan ka natulog buong magdamag pero nang nagising ako kinaumagahan, sa takot ko na malaman ni Rachelle ang ginawa ko, hinila kita mula doon at dinala sa kuwarto niya. Takot na takot akong lumayo siya sa'kin o kamuhian niya 'ko kung ako ang nakita niyang katabi niya. Pagkagising niyo, parehas kayong walang matandaan dahil sa sobrang kalasingan. Mabilis mong inako na may nangyari sa inyo dahil wala ka namang dahilan para tumanggi. Dahil wala ka ring matandaan. Wala kang alam."

            Doon na nagtagis ang mga bagang ni Terrence. "At sinamantala mo rin iyon para makatakas sa katarantaduhan mo!" Hindi na napigilan ni Terrence na higitin ang kuwelyo ni Alfred at malakas na suntukin ito sa mukha. "That's for taking advantage of Rachelle!" sigaw niya at saka niya sinuntok muli ito ng malakas. "And that's for your chain of lies!"

            Tinulak niya ito nang malakas at napalugmok ito sa damuhan. Hindi ito nanlaban kahit pa pasuray-suray na bumangon ito.

            Nagdidilim ang paningin ni Terrence. Hindi niya inaasahan na ganoon ang mga totoong nangyari. Damn it! Alfred deceived everyone! That's the damn truth! Man, he could kill Alfred for that!

            Isang suntok pa sana ang pakakawalan niya sa pagmumukha nito nang mabilis na dumating na ang security ng ospital at mabilis na silang pinaghiwalay ni Alfred.

            Pinakalma siya ng mga guard na pumipigil sa kanya habang si Alfred ay dinala na sa loob. Dahil siya ang halatang nagsimula ng gulo ay pinalabas siya ng ospital at hindi muna puwedeng pumasok para sa buong gabing iyon.

            Hindi na siya umalma at nagtungo na lang siya sa kotse sa parking lot. Pilit kinakalma ni Terrence ang sarili. He forgot to hold his temper because of everything he just found out!

            Sa ganoong sitwasyon siya nakita ni Eunice. "Terrence?" Agad itong lumapit sa kanya. "What are you doing here outside?"

            He let out a breath and pulled his wife closer. Kahit papaano ay nakalma siya. "I'm banned from entering the ospital until tomorrow morning."

            Napaharap ito sa kanya. "Huh? Why? What happened?"

            "I confronted Alfred." At saka kinuwento niya ang lahat nang nalaman mula kay Alfred. Napatanga na lang sa kanya si Eunice pagkatapos niya magkuwento.

            "H-He deceived everyone..." nasambit nito.

            Nahilot niya ang sentido. "That night... wala talaga akong maalala kundi kasama ko nga si Rachelle. So, I didn't even doubt that something happened to us when we woke up the next morning.  I mean, paano ko pang maiisip na sa buhanginan pala ako nakatulog at hinila lang ako ng gago papunta sa kuwarto ni Rachelle para ang labas, sa'min may nangyari? Damn! I'll never drink that hard again!"

            Terrence was ever the gentleman. Hindi na niya napansin noon ang pagdadalawang-isip kung totoo bang may nangyari sa kanilang dating nobya. He's a fool! Paanong hindi niya naramdaman kung may nangyari ba o wala?

            Ngunit, ganoon niya siguro kamahal si Rachelle noon. Kaya niyang akuin lahat para rito. At pagkatapos ay malalaman niyang pinagsamantalahan pala ito ni Alfred? Kaya pala napakabilis nitong magprisinta na panagutan si Rachelle noon dahil ito pala talaga ang may pananagutan!

            What's worst, Rachelle never got the chance to know the truth!

            Napahinto sa pag-iisip si Terrence nang biglang humiwalay sa kanya si Eunice at nagmartsa ito papasok ng ospital.

            "Eunice! Where are you going?" pagsunod niya rito.

            "I'm going to talk to Alfred," kaswal na sagot nito. He can't see a hint of anger or any emotions on her lovely face.

            He grabbed her arm. "No! Huwag mo siyang kausapin ngayon. I don't want you near him!" pigil niya rito.

            Humarap ito sa kanya. "Magpakalma ka muna rito. Sandali lang ako."

            "Eunice," saway niya pa rin rito. Ngunit mabilis na binawi nito ang braso at tumakbo sa loob ng ospital. "Eunice!"

            Hindi niya ito nahabol dahil bawal nga siyang pumasok ng ospital at naharangan agad siya ng mga security.

            Napailing-iling na lang siya. Nothing's never gonna change with Eunice. She can be really stubborn if she wants to.

❤❤❤

NATAGPUAN ni Eunice ang sarili na nasa harap na ni Alfred. Nasa nurse's station ito at ginagamot ang pasa sa mukha at pumutok na labi.

            She secretly winced. Nagawa ni Terrence iyon? Hindi niya akalaing may capacity ang asawa niya na manakit. But she can understand her husband for doing that. His temper bursted out upon knowing the whole truth—that from the start they were decieved by the man in front of her now.

            Umalis na ang nurse na gumamot kay Alfred. Nakayuko lang ang lalaki at tila napakalalim ng iniisip habang nakaupo sa isang bench.

            Hindi alam ni Eunice kung anong pumasok sa utak niya. Hindi siya makaramdam ng galit kay Alfred katulad ng inaasahan niya. Para siyang naaawa rito ngayon.

            Tahimik na umupo siya sa tabi nito. Napatingin ito sa kanya at gilalas ito ng makita siya. "E-Eunice!"

            Sinalubong niya ang tingin nito. "I heard about everything."

            Nagbaba ito ng tingin. Tinukod nito ang mga siko sa tuhod at saka sinapo ng mga kamay ang mukha.

            "I'm really mad at you. You deceived all of the people around you."

            Wala itong sinabi na kahit ano.

            "Bakit mo nagawa iyon kay Rachelle? Bakit pati identity ng anak mo, nakaya mong ipaako sa iba? You're selfish, Alfred," prankang sabi niya rito sa mahinang tinig. Wala sa tono niya ang nang-uusig o ano. It's like she's just voicing out what's in her head.

            Hindi na naman ito kumibo. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila ngunit maya-maya ay nagsalita ito. "Alam mo ba ang pakiramdam na magmamahal ka at alam mong mawawala iyon kahit anong oras? At walang-wala ka nang magagawa..."

            Napatingin siya rito. That was exactly her sentiments the whole weeks—loving then losing.

            "Buong buhay ko si Rachelle lang ang minahal ko. Ang tagal-tagal kong naghintay na mahalin niya rin ako pabalik. Kaya siguro hindi ko maamin sa kanya ang ginawa kong pananamantala noon dahil mawawalan na ni katiting ang pag-asa ko na mahalin niya rin. Pero nang nandyan na... nang mahal niya na 'ko, b-biglang wala na siya," gumaragal ang boses nito. "Wala na siya. Kasi wala akong nagawa para mapanitili siyang buhay. Ayaw niyang magpagamot o gastusin ang nahingan namin ng tulong. Idagdag na lang daw sa panggamot ng anak namin. Ayaw niya daw maging pabigat pa. Halos gapangin ko na nga ang pagpapagamot sa anak namin, dadagdag pa daw ba siya? Kung may dapat daw mabuhay sa kanilang dalawa, si Renz na lang.

            "Alam mo iyong pakiramdam na kahapon, nasa iyo na ang matagal mo ng gusto pero kinabukasan, binawi agad? Karma ko siguro iyon. Kasi inunahan ko ang tadhana. Hindi ako naghintay. Mamahalin din pala ako ni Rachelle, di ko pa hinintay. Nagbaon pa ko ng tinik sa dibdib ko. Dahil kahit minsan, hindi ko masabi sa asawa ko na... n-na 'M-Mahal, anak natin si Renz. Anak ko siya. Akin siya. Sa'tin siya'. Duwag ako, eh. Natatakot akong mawala si Rachelle sa 'kin kapag nalaman niya ang totoo. Nang may plano naman na 'kong umamin... inunahan na 'ko. W-Wala na siya."

            Napaka-emosyonal at napakabigat ng bawat salitang lumalabas mula kay Alfred. Eunice can feel his grief, his sadness, his love for his late wife. Parang bumigat din ang puso niya lalo na nang makita niya ang luha sa mga mata nito.

            "D-Dahil di ko na naamin kay Rachelle, hindi ko na rin magawang sabihin sa mga kamag-anak namin ang totoo. Natakot na naman ako. Para naman sa anak namin. Kasi, eto na naman, mawawalan na naman ako kung di ko gagawan ng paraan ang pagpapagamot ni Renz. Oo, mali akong panloloko ko sa inyo. Maling-mali. Araw-araw dala-dala ko sa konsensya ko iyon. Pero, kailangan ko tong gawin. Kailangan kayo ng anak ko. Hindi ko na kayang mawalan ulit, Eunice. Nakakabaliw. Nakakawalang-ganang mabuhay.

            "Kaya kahit hindi na 'ko ang kilalaning totoong ama ng anak ko, wala na kong pakialam basta mabuhay lang siya. Mabuhay siya na kagaya niyo ni Terrence. Iyong, hindi nararanasang maghirap. Iyong lahat ng gustuhin niya, puwede niyong maibigay. Dahil, ako, kahit anong gawin kong kayod, pagmamahal lang ang maibibigay ko sa anak ko." Napasabunot si Alfred sa buhok nito. "Sa tingin ko rin, mas mabuting lumaki ang anak ko sa inyo. Masamang tao ako. Ang dami kong lihim. Ang dami kong pagpapanggap. Ang dami kong kasalanan. Paano pa 'ko magiging mabuting ama sa kanya?

"Patawarin niyo 'ko ni Terrence. Patawarin niyo 'ko sa pananamantala ng sitwasyon. Patawarin niyo 'ko. Ito lang kasi yung alam kong paraan para patuloy na mabuhay ang anak ko. Wala na 'kong pakialam kung sino man ang kalakihan niyang tatay basta ang mahalaga sa'kin, buhay siya, nakakahinga siya, makakapaglaro siya, makikita ko pa rin siya, kaysa iyong tuluyan siyang mawawala. Si Renz na lang ang rason ko kung bakit kailangan ko pang gumising araw-araw na wala na si Rachelle."

Napalunok si Eunice at nahirapang pigilin ang mga luha niya. Suddenly, she was crying with him.

"Masakit na hindi ko magawang ipagsigawan sa lahat na anak ko siya. Habang buhay ko nang pagbabayaran ang ginawa ko kay Rachelle at Terrence noon. Mahal ko si Rachelle. Mahal ko si Renz. Iyon lang ang rason ko sa lahat ng ito. H-hindi ko akalain na sa pagmamahal ko, masasaktan at maghihirap ako ng ganito."

            Kumuha si Eunice ng panyo sa kanyang bag. Imbes na gamitin iyon ay inabot niya iyon kay Alfred. Ayaw pang tanggapin iyon ng lalaki noong una pero ipinilit iyon ni Eunice rito.

            Pinahid niya lang ang mga luha gamit ang mga kamay. "You know, Alfred... sometimes we really do foolish things because of love. Alam mo siguro ang ginawa ko noon kaya nagkahiwalay ang asawa ko at asawa mo. I went across the limits. Pinikot ko si Terrence. Kasi mahal ko siya. Gusto ko akin lang siya. Kung sinu-sino nang tinapakan ko, just to get the love that I thought I deserved. And when bad results came to us, we always say 'nagmahal lang naman ako'. When in fact it's not love's fault, it's the actions we did that should be blamed. It's the effect of what we've caused. I came to realize, hindi 'love' ang dahilan kung bakit ako nasaktan sa huli. It's the choices I made. It's the actions I did."

            Hindi makapaniwala si Eunice sa mga nasabi niya. But that's what she learned that she didn't know kung bakit kay Alfred niya pa talaga naibahagi. She empathized with Alfred, because once in her life, nagawa niya ring manloko, magmanipula, at makagawa ng mga maling desisyon sa buhay niya dahil naghangad siyang mahalin ni Terrence sa madaling paraan.

            Sabay silang napabuntong-hininga ni Alfred. Nagkatinginan pa sila. Alfred smiled a bit while she lightly chuckled.

            "Kung nasaan man si Rachelle ngayon, alam na niya ang lahat. Napatawad ka na rin siya siguro. Kasi mahal ka niya."

            Napapikit si Alfred na napatingala. "Ilang beses na kong pumunta sa puntod niya p-para humingi ng tawad. Pero alam ko sa sarili ko na kahit kailan, hindi na 'ko papatahimikin ng konsensya ko dahil sa mga ginawa ko."

            "That's not true," apela niya. "Mayroon din akong kasalanan kay Rachelle. And hindi na ko nagkaroon ng chance na makahingi ng tawad sa kanya ng harapan. Pero noon niya pa pala ako napatawad. And then, pinatawad ko na rin ang sarili ko. Dapat siguro iyon ang gawin mo. Pagkatapos, humarap ka na rin sa mga tao at sabihin sa kanila ang katotohanan."

            Tumingin sa kanya ito. "Kumusta ka na nga pala? Balita ko, na-trauma ka daw sa mga nangyari?"

            Lumabi siya at napatango. "Naging malapit na 'ko sa anak mo. I love the kid. Kaya nang mismong ako ang makaramdam na hindi na siya humihinga, natakot talaga ako. Para akong binalik sa oras na sinabing patay na daw si Terrence. Kaya nga sa tanong mo kanina kung alam ko ba ang pakiramdam ng nagmamahal at pagkatapos ay nawawalan... yes, I felt it almost. At ayoko nang maramdaman ulit iyon," pag-amin niya. "Pero kanina, nagkita kami ng isa kong close friend.  May sinabi siya sa'kin na medyo nagpaintindi sa'kin na dito talaga sa mundo, walang permanent."

            She closed her eyes and recalled what Lorraine told her while they were sipping a cup of tea earlier. "Sometimes losing someone is for the best. Sometimes letting the past go is for the good. Sometimes moving on is all you can do."

            "Pero masakit..." nasasaktang sabi nito.

            Inabot niya ang kamay nito. "I read this one quote on the internet and it says... 'Sometimes, we must hurt in order to know, fall in order to grow, lose in order to gain, because most of life's greatest lessons are learned through pain.'" Pagkuwa'y tinapik-tapik niya ang kamay nito. "Sabi pa sa'kin ni Terrence, the Lord is close to the brokenhearted and saves the crushed in Spirit. This is the time when You need him the most."

            Napailing-iling ito. "Ang dami kong kasalanan. Ang dami kong niloko. Tatanggapin pa kaya ako ng Diyos? Diretso na ata ako sa impyerno."

            "Nobody's righteous. You cannot be clean in front of the Lord, because He will be the one to change you."


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 2K 55
â€ĸ Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL â€ĸ Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is a simple cashier in a department store...
9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
41.6K 1.4K 27
â€ĸ 𝗖đ—ĸ𝗠đ—Ŗ𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ đ—Ŗđ—ĸđ—Ļ𝗧𝗘𝗗: 𝟮đŸŦ𝟭𝟱 - 𝟮đŸŦ𝟭đŸŗ â€ĸ (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓đĢđĸđĨ𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)
26M 785K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...