Miss Astig 2

By cursingfaeri

1.6M 34.7K 13.5K

"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Nam... More

Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciseis
Diecisiete
Dieciotso
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
~BONUS CHAPTER~
Veintidos
Veintitres
Veinticuatro
Veinticinco
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta y uno
Treinta y dos
Treinta y tres
Treinta y cuatro
Treinta y cinco
Treinta y seis
Treinta y siete
Treinta y otso
Treinta y nueve
Cuarenta
Cuarenta y uno
Cuarenta y dos
Cuarenta y tres
Cuarenta y cuatro
Cuarenta y cinco
Cuarenta y seis
Cuarenta y siete
Cuarenta y otso
Cuarenta y nueve
Cincuenta
Cincuenta y uno
Cincuenta y dos
Cincuenta y tres
Cincuenta y cuatro
Cincuenta y cinco
Cincuenta y seis
Cincuenta y siete

Veintiseis

24.7K 631 220
By cursingfaeri

~26~

Tuesday

"...kunin mo na yan! Bilis na! Nakawin mo sabi eh."

Napakunot-noo ako sa narinig kaya napaangat ang ulo ko mula sa binabasang comics. Or should I say, sa tinititigan ko lang na drawing sa comics?

Nagtatakang nagpalipat-lipat ako ng tingin kina Nina at sa lalaking kausap nito. Pero tila hindi ako napapansin ng dalawa at patuloy lang sa pagtatalo. Naramdaman ko ang pagkalabit sakin ni Thea na siyang katabi ko kaya naman napatingin ako dito.

"Nasa Earth ka na ba? You're so tulala. You're not really reading that comics naman eh," natatawang saad nito sakin.

"May iniisip lang ako," sabi ko saka iniba ang paksa. "Sino pala yang kasama ni Nina?"

Nasa Chowking kasi kami. Kaninang alas tres nang matapos ang klase ko ay pinunthan ako ng mga ito sa classroom para sabihing maggroup meeting daw kami para sa Philo. Pero hindi makakasama si Teofy kaya kaming tatlong babae lang at sumunod lang doon ang boyfriend ni Nina. Nagpaalam na lang ako kay Sand kanina na mauna na ako sa kanya at hindi ko na muna ito masasamahan sa library.

"Ano ka ba, kanina pa kaya na-introduce ni Nina yan to us. He's her boyfriend—" napahalakhak ito sa reaksyon ko. Bigla kasi ang pagkunot ng noo ko, "—I know right. Ang weird ng love nila for each other, hahaha."

Weird is an understatement. Slave driver ang tingin ko kay Nina. Akala ko nga sa klase lang pati pa pala sa relationship, hahaha. And she's even asking her boyfriend to steal the... Oh I forgot, it wasn't that clear to me yet.

"Kapag hindi mo kinuha yan, hindi mo ako mahal," narinig kong saad nito sa lalaki at halos ikatawa ko ang pagmamaktol niya. Ngayon ko lang siya nakitang childish umasta eh, haha.

"Nina, stop it. That's so grabe na talaga!" saway ni Thea na hindi man lang pinansin ng isa.

Pero natagpuan ko na lang ang sariling napapanganga nang makita kong biglang kunin ng boyfriend nito ang isang bowl ng pinagkainan nila ng wanton at isinilid iyon sa dalang backpack.

What the hell was that?!

"Happy now?"

Limipad ang tingin ko sa lalaki na tila maamong tupang sumusuko sa girlfriend.

"More than you ever know baby..." sagot dito ni Nina na may satisfied na ngiti sa mga labi.

God, what a weird couple.

Di nagtagal ay nauna na din akong nagpaalam sa mga ito. Plano ko kasing bumalik pa sa school para gawin ang homework ko sa Math. Mabilis lang naman ang byahe dahil sa Philcoa lang naman kami at may sakayan na din ng jeep doon papuntang UP. Ayoko lang kasing masyadong magpuyat mamaya dahil uwian ako lately sa bahay.

Ewan ko, pero dahil talaga sa nangyari kay Mama ay sobrang paranoid ko na. Parang gusto ko siyang nakikita lagi 'pag umuuwi kaya tinitiis ko ang pagod ng byahe. Hindi nga niya alam iyon eh. Akala niya lang talaga umuuwi ako kasi namimiss ko ang lutong bahay. Iyon kasi ang sinabi kong reason dito. Minsan tuloy naiisip kong siguro mas safe pa siya noong nasa Canada siya kaysa nang nandito siya sa Pinas.

Hays.

Halos inabot din ako ng isang oras sa library at kung hindi pa siguro tumawag si Charlie ay baka sumabay na naman ako sa librarian sa pagsara nun, whew.

"Bespren, kamusta? Saan ka ngayon?" bungad nito nang sagutin ko ang tawag niya.

"School. Why? Wala ka nang klase?"

Pasimple ko ding tiningnan ang relo ko. It was quarter to six kaya kailangan ko na ding magmadali dahil paparating na si Tatay para sunduin ako.

"Wala na. Kakatapos lang, huehue."

"O, bakit ka napatawag?" tanong ko dito.

"Hala, oo nga no? Bakit mo kasi sinagot! Magmimiscall lang ako eh! Ibaba ko muna ha? Tos tawagan mo ko. Bye!"

Literal na napatitig ako sa cellphone ko nang putulin ni Charlie iyon.

Walanghiya. Ayos 'tong trip ng babaeng 'to ah.

Wala pang isang minuto ay nakatanggap agad ako ng text mula dito.

Charlie:

Bespren, tawag ka na!

Mas marami kang load eh!

Dali, may sasabihin pa ko.

Tawag na please. ^_^>

"Utusera 'to ah," mahinang bulong ko saka nilapag muna ang cellphone sa mesa. Hindi ko muna iyon pinansin at pinalipas ko ang limang minuto dahil pinagsisilid ko din ang mga gamit ko sa bag. Nang tuluyan na akong makalabas ng library ay saka ko pa lang siya tinawagan.

"O, ano na?"

"Ang tagal namang tumawag. Ano bang ginagawa mo?" Halata ang pagkainip sa boses nito na ipinagkibit ko lang ng balikat.

"Sigurado kang gusto mong malaman ang ginagawa ko? Sa library ako galing."

"Ay, wag na. Alam ko na yan, huehue. Ano, bardey ni Mase, punta ka ha? Magdala ka din ng regalo mo, mahiya ka naman. Makikikain ka na nga lang eh!"

"Haaa?"

Parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa mga sinasabi ng babaeng 'to ah?

"...Tapos, tapos hingi din ako ng favor. Magdala ka ng pizza ha? Yung family size na sana. Kainis naman kasi eh, bawal akong kumain ng hindi luto ni mama pero sigurado akong 'pag sayo galing iyon, palalampasin nila, huehue. Tapos ano—"

"Teka lang, teka lang! Ikaw ba ang may birthday?"

"Hindi—"

"Iyon naman pala eh, ba't ikaw nag-i-invite? Gusto mo lang akong magdala ng pizza eh. Mga diskarte ng katakawan mo ah." Hayup lang 'tong maka-demand.

"Hindi! Hala, akala ko ni-text ka ni Mase? Tingnan mo nga cellphone mo baka hindi mo lang nabasa!"

"Hello, wala akong natanggap na text 'no. Nakakabit lang sa kamay ko ang—"

"Pero friends naman kayo nun eh kaya dapat kang pumunta!"

"Titingnan ko."

"Bespren naman eh! Bahala ka 'pag di ka pumunta haharangan ko si Hiro-panget sa gate!"

"Para namang ikakatakot ko yun? De kami na lang ang magde-date ni Hiro at kakain ng pinapabili mong pizza, hahaha."

"Eeeeehhh! Bespreeeeen! Para sakin 'yon eh! Nakakainis naman! Hindi na tayo bati!"

"Sa Sabado pa naman ang birthday ni Mase ah, ba't ka parang atat dyan?"

"Oo nga! Pero teka, ba't mo alam ang date? 'Di ko naman sinabi na sa Sabado ang..."

"W-Wala, ano, kasi—"

"Ah oo nga pala 'no? Last year na birthday niya pinilit pa kitang pumirma sa gip ko sa kanya, huehue."

"Oo, oo. Tama. Uhm, wuy, sige na. Uuwi na ko eh. I have to put the phone down."

"Ha? Ambilis naman. Sige, sige. Basta sa Sabado ha? Humanda ka 'pag di ka nakarating, magtatampo talaga ako!"

"Oo na. Ge, bye." Hindi ko na hinintay na makasagot ito.

Pero shit naman, pinagpawisan yata ako bigla dun. Whew.

***

Wednesday

"Saan na ba iyon?" mahina kong kausap sa sarili habang hinahanap ang iPhone.

Kanina ko pa hinalukay ang mga gamit ko sa bag pati na din ang buong condo pero hindi ko pa rin makita. Kanina ko lang din kasi na-realize na baka nga nagtext sakin si Mason at hindi ko lang talaga nabasa kasi ibang cellphone ang ginagamit ko. Hindi ko pa kasi nalilipat ang ibang contacts sa isang phone ko eh.

Argh. Di bale na nga lang. Mamaya ko na lang ulit hahanapin.

Naglakad na ako patungo sa sala kung saan naghihintay si Mama.

"Oh, nakita mo na ang hinahanap mo?"

"Hindi eh. Okay lang Ma. Makikita ko din iyon."

"Ano ba iyon?"

"Yung... Iphone," kumakamot na sagot ko dito.

Napailing-iling na lamang ito at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Mga bagay na halos idikit na ng kabataan sa katawan nila 'wag lang mawala sa paningin nila... Namimisplace mo,"saad nito bago pabulong na dinagdag. "Lord, sabihin mong normal ang anak ko..."

Natatawang hinabol ko siya sa pintuan at niyakap mula sa likod. "Siraulo ka Ma ah, narinig ko iyon."

"Ewan ko sayo."

"Ewan ko din sayo," ganti ko dito bago napatingin sa kanya nang makapasok na kami sa elevator. "Saan ba tayo pupunta Ma?"

"Bibili ng damit mo sa business launch. Ayaw mo namang magpatahi di ba? Baka mawalan na ako ng time this month na samahan kang magshopping."

Business launch. Oo nga pala sa September na iyon.

"Dapat ba talagang semi-formal ang attire Ma? Can't I just be on my jeans and shirt?"

"Anak naman... Your mother will represent the entire company tapos ang anak niya nakapipitsuging t-shirt at pants lang? How can you let the people think na kuripot ang Mama mo?" tila nagtatampong sumbat nito sakin.

But I know better, hahaha. "Ang yabang," natatawang saad ko dito.

"On a serious note, the event is really formal anak. Lahat ng mga bigtime business persons ay nandoon. Marami ding mga kaedad mo doon na anak ng mga negosyante so I want you to mingle with these people para at least magkaroon ka ng idea sa business world... Or malay mo, makilala mo doon ang prince charming mo, hahaha."

"Prince charming, tss."

"Kuu... Ito talaga. Pasima-simangot ka dyan baka magulat na lang kami may tinatago ka na pa lang nobyo ha?"

"Whatever, Ma."

Nang marating na namin ang baba ay inakala ko pang sa Galleria lang kami mamimili ngunit pinapasok ako nito sa naghihintay na sasakyan kung saan naroon din sina Kuya J at Kuya K.

"Where to?" tanong ko sa mga ito.

"Rockwell, sis," sagot naman ni Kuya J at umusog ng upo para makaupo kami ni Mama. Siya ang nasa dulong pwesto sa may bintana banda na sinundan ni Kuya K, ako at ni Mama.

Napasilip ako sa driver's seat at napansin kong hindi ko kilala ang bagong driver. Marahil siya iyong sinasabi ni Tatay na bodyguard ni Mama. Kaya pala katabi namin si Mama sa likod umupo dahil nasa passenger naman si Tatay nakapwesto.

"Hi Tay, hi kuya. Good evening po," nakangiting bati ko sa mga ito.

"Magandang gabi din, anak," bati naman ni Tatay.

"Magandang gabi Madam," saad naman ng bodyguard ni Mama habang nakatingin sa salamin saka sumaludong nakangiti.

"Hala. Si Mama lang po ang 'Madam' niyo."

Saglit pang nagtawanan ang mga kasama ko sa sasakyan dahil sa sinabi ko. Totoo naman di ba? Si Mama lang ang boss niya.

"Louie na lang po ako. Ilang taon na po kayo?"

"Naku, hija. Limang taon nang lagpas sa kalendaryo," saad nitong amused pa ring nakangiti.

Magaan din naman palang kausap 'tong si kuya. "Hmm."

Saglit akong napaisip bago muli itong binalingan. "Kung Feb ka po pinanganak so bale thirty three or thirty four ka kasi may leap year. Kung around January, March, May, July, September, October and December so thirty six ka nun and if you fall sa mga months na hindi ko nasabi... thirty five ka. Alin ka po dun?"

Nakita kong tila naguluhan yata ito sa sinabi ko.

"Ahh..."

Ay teka.

Pero tama naman ang mga sinabi ko pati ang computations ah!

"Thirty five siya, anak," salo ni Mama na hinawakan pa ako sa braso at may alanganin nang tawa. "Now, hayaan mo muna si Drigo na makapagdrive ng maayos at mamaya mo na siya interviewhin sa bahay pag-uwi. Okay?"

"Pagpasensyahan mo na ho itong bunso namin kuya Drigs. Medyo weird lang talaga yan," natatawa namang pakli ni Kuya J.

Ano bang ginawa ko? Parang nagtatanong lang naman! Hmp.

Tumikhim naman si Kuya K saka inakbayan ako. "Anyway. Nakabili ka na ng beag—"

"Kuya K," nakangiting putol ko habang tinatapunan ito ng makahulugang tingin. "Kamusta na si Ate Dorothy?"

"Dorothy? Sino 'yon? I thought si Nikki ang current mo?" sabat ni Kuya J.

"Oh c'mon! Makapagsalita 'to parang ang sama ng reputas—"

"Hindi ba?" nakangising balik naman ni Kuya J sa nanghahamong tono.

Ayun. Nagtalunan na ang mga ito tungkol kung sino ang pinakababaero. Nakalimutan pang katabi lang namin si Mama, hahahahaha.

Ayoko lang talagang pag-usapan ang beagle sa harap ni Mama. Matanong 'yon eh. Napapagod akong magsalita. Ang totoo niyan ay may nakita na akong pagbibilhan ko na malapit lang din sa village. Pero bukas ko na pupuntahan para makita iyon ng personal. May pera pa naman ako dun sa binigay sakin ni Kuya J nang manalo kami sa pustahan against Puno at kapatid niya kaya iyon na lang ang gagamitin ko. Hindi ko nga halos nagagalaw iyon.

Nang makarating kami sa Rockwell ay nagdinner na din muna kami. It was almost 7 na din kasi. Tapos bumili din sina Kuya ng tux at sapatos ng mga 'to. Sa akin naman ay isang simple ngunit eleganteng tabas na evening dress. Binilhan din ako ni Mama ng accessories at sapatos na babagay sa magiging damit ko.

Pagkauwi namin ng bahay ay inaya pa ako nila Kuya na magbilliards. Wala dapat akong planong sumali sa kanila— o kahit ang bumaba man lang dahil plano kong matulog na— kung hindi lang ako sinabihan ni Kuya K na nasa game room lang pala naiwan ang iPhone ko. Halos liparin ko tuloy ang hagdan makarating lang dun. Saka ko lang din naalala na may passcode naman ang phone kaya hindi naman nila mababasa sakaling may nagtext, di ba? Hihi.

"May text ka galing sa boyfriend mo. Five days ago," nakangising saad ni Kuya K pagkapasok na pagkapasok ko ng pintuan. Doon kasi banda nakahanay ang lagayan ng mga tako at kasalukuyang pumipili ito ng gagamitin.

Shit, five days ago. Sana hindi si Mason, sana hindi si Mason.

Then I heard Kuya J chuckled na siyang may hawak ng cellphone ko habang tila may binabasa. "Nagpasalamat, nagsorry then sinabing okay na si Charlie. Feeling ko may continuation pa yan. Ano'ng nangyari sa kaibigan mo?"

Shuuuucks! How could I forget na mababasa pa rin ang mga first parts ng messages pati ng sender?!

"Wala akong boyfriend," sabi ko na lang dito at kinuha sa kamay niya ang cellphone.

Kainis naman. Kahit hindi nila full na nabasa ang message pero nabasa pa rin nila eh. Kahit kelan ang chismoso lang nila Kuya, tsk.

"Hayup," narinig kong komento ni Kuya J maya-maya. "Dinaig ka pa nila Lolo't Lola sa pagiging techy ah. Tingnan mo si Lola kapag nagpapatext, tinitipa mo pa lang ang message na kakasabi niyang ipapadala, nagtatanong na kung may reply agad eh. Ang digital. Eh ikaw? Tss. Kawawa ang mga textmates mo," napapalatak pa talaga ito habang tinitingnan ang pagkalikot ko sa phone. Nakita ko din ang pasimpleng paglapit ni Kuya K na kunyari ay inaayos daw ang mga bola sa table.

"Mind your own business. Napanghahalatang chismoso," nandidilat na saad ko sa kanila while discreetly reading the whole message of...

Gaaah. Si Mason nga!

Nang tuluyan kong mabasa ang kabuuan ng text nito ay napatingin na lang ako sa huling mga salita ng mensahe habang binabasa iyon sa utak.

...kung wala kang pupuntahan sa Sabado, punta ka sa bahay. May pakain lang. Smiley?

"He did invite me," kagat-labing napalakas na anas ko. "Oh my god."

"O bakit?" sabay na saad nila Kuya at akmang makikisilip na naman sa phone ko pero mabilis kong ibinulsa iyon sa suot na pajama set.

"Wala. Ge, good night!" sabi ko sa kanila at mabilis nang tumakbo papunta sa silid ko.

"Sumbong ka namin kay Mama!" pasigaw pang habol ni Kuya K.

Napatigil ako sa gitna ng hagdan at pasigaw ding sumagot sa mga 'to. "Go ahead! Pinatunayan niyo lang na chismoso nga kayo!" Tatakutin pa 'ko, tss.

Nang makahiga na ako ng tuluyan sa kama ay hindi ko alam kung bakit ang tagal ko yatang pabiling biling sa higaan.

"Shit, 'di pa pala ako nagrereply." Parang tangang kausap ko sa sarili saka inabot ang cellphone sa side table.

To Mason:

Sorry for the super late

reply. Ano'ng meron? :)

Syempre kunyari lang hindi ko alam na birthday niya, hehehe.

Sa totoo lang, hindi ko na inaasahang magrereply pa ito kasi almost twelve midnight na din yata ang pagtext ko, pero nagulat ako nang biglang umilaw ang phone ko in just a matter of minute nang magtext ako dito.

Mason:

Dseburt ko. :)

"Ha? Ano daw niya?"

Ang tagal ko yatang tinitigan ang reply nito.

Nagbabasa siguro 'to ng works ni Dan Brown? Digital Fortress? Mukhang encrypted code ang text niya eh.

"Ano kaya ang dseburt?" tanong ko habang napapatitig sa kisame.

Nang wala talaga akong mahugot na existing word na iyon sa vocabulary ko ay ni-replayan ko na lang ito ng patanong.

To Mason:

Ha?

"Feeling ko, hindi na siya magrerep— ay joke lang pala!"

Napakislot kasi ako sa text tone na nilagay ko nang bigla na lang tumunog. Shit lang talaga. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko na ewan. Sa gulat siguro, tss.

Mason:

Sorry, na-namali ang type.

Debut ko. Ibig kong sabihin. :)

"Ah, debut. Wait, debut?" ulit ko habang 'di mapigilan ang pagngisi. Sakyan na nga ang trip nito, haha.

To Mason:

Ahh, okay. Required ba

ang gift?

Pinaandar ko na ang ilaw sa side table habang pinakikiramdaman ang sarili ko.

Shit. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko na parang excited sa— ewan.

Mason:

De, wag na. Basta

naka-gown ka. Debut eh. :)

"Haha, adik. Nagbibiro ba 'to?"

To Mason:

So, naka-gown ka din?

Kasi debut, di ba? :)

"Hala, hindi na siya nakareply! Baka na-offend ko?" kagat-labing usal ko at hindi ko namalayang nakaupo na ako sa kama.

Tinakasan pa yata ako ng antok ko, tss. Yung pakiramdam ko na gusto kong umihi pero pinipigilan ko kasi baka magrep—

Mason:

Ibibigay ko na nga sayo ang

spotlight ko eh, ayaw mo pa? :)

I mean, kasi hindi naman pala ako naiihi. Yun talaga iyon. Pramis.

To Mason:

Ay kahiya naman sayo.

Thank you ha? -_-'

Mason:

Oo naman, basta ikaw.

May cotillon nga din eh. :)

"May sense of humor din pala 'tong tinatago."

Fine. Para na akong tangang pinipigilan ang sarili kong ngumiti ng malapad.

Kasi naman eh!

"Shit, naiihi na talaga ako!"

Mabilis kong tinakbo ang banyo at dali— at umihi ng maayos. Nang makapagflush ng toilet ay mabilis akong— I mean nagbrisk— nag... walking ako pabalik sa kama. Saka nagreply.

To Mason:

Magugulat ako kung

wala. :)

Mason:

Basta punta ka na lang.

Kahit ano pa suot mo. :)

"Kahit magtwo-piece?" natatawang saad ko na tila kaharap lang ito. Mabilis akong tumikhim at pinaseryoso ang sarili habang kagat-labing nagreply dito. Nagdadalawang isip pa ko kung smiley na lang ba ang sa dulo ng 'Okay!' o 'hahaha' na lang. Dun pa talaga ako natagalan dahil ilang ulit ko pang— eherm. Yun. Ilang ulit kong... basta okay na nga yung smiley.

To Mason:

Okay! :)

Mason:

Sige, see you! :)

Hindi ko alam kung bakit mas lumapad yata ang ngisi ko sa— uhmm.

Sa pag-angat ng tingin ko sa wall clock ay— "Grabe, mag-aalas dos na?!" nanlalaki ang mga matang bulalas ko. "Eh bakit gising pa siya?"

Hala, baka nag-aaral pa tapos naistorbo ko. "Tsk. Matutulog na 'ko."

To Mason:

Ah, sige. Matulog ka na. :)

Mason:

Mauna ka na. Mag-aaral

pa ko. :)

"Sabi na eh!" napalakas na sabi ko saka mabilis ding tinakpan ang bibig. "Ay."

Pero langhiyang— Why can't I stop myself from replying?!

To Mason:

Baka pumutok na utak

mo niyan sa dami ng

laman. Tulog tulog din. :)

Mason:

Pampaantok ko 'to.

Mauna ka na. :)

"Pramis, last na 'to. Matutulog na talaga ako..."

To Mason:

Okay, good night! :)

Pagkasend ay in-off ko na agad ang phone ko. Baka 'di na ako magising bukas sa sobrang... Puyat.

Oh please. Hindi kaya ako nakangiti nang natulog.

Maniwala ka.

Please lang.

Continue Reading

You'll Also Like

138K 11.3K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
554K 28.4K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...