Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 113K 22.6K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 26

43.9K 1.3K 261
By Ineryss

Unfair

Sa gabing iyon... hindi ko alam kung ano ang iniiyak iyak ko. Umalis rin naman ito saka rin ako pumasok ng bahay. Parang nagluluksa ang aking puso. Nangangamba na baka ay hindi niya mapanindigan lahat ng binitiwan niyang salita sa akin.

Kung napagod siya edi hindi talaga kayo para sa isa't isa Trace... Diyan mo mapapatunayan kung totoo ba siya sa salita niya. Kung hindi lang ba siya hanggang salita dahil kadalasan sa mga lalake ngayon puro nalang salita pero nababali naman pagdating sa gawa.

Balang araw magiging malaya rin naman ako. At katulad ng sinabi ni Israel... balang araw ay ipaglalaban ko rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa ngayon ay kikimkimin ko muna ito. Itatago ko muna.

Palagi akong pinapaalalahanan ni Kuya Bram na iwasan na si Israel kung hindi ay isusumbong niya agad ako kay Mama. Si Mama naman mukhang walang nakakalap na tsismis dahil masyadong nawiwili sa mga bulaklak niyang nabebenta niya lahat. Noong tinanong ko kasi siya ay iba ang sagot niya.

"Huh? Anong tsismis? Eh kung magkakapera ako diyan buong araw akong makikipagtsismisan sa palengke kaso hindi naman!" Para siyang nakatikim ng isang mapait dahil sa hitsura niya.

Sa palengke kasi madalas iyong tsismisan. Si Mama malayo naman doon.

"Ano ba iyan, Trace! Bakit mo tinaboy si Israel?! Alam mo ba ang tsismis dito? Na si Israel daw ang nagsawa sa'yo?! Na nabagok na daw ang ulo at natauhan na!" Galit na galit na naman akong sinermonan ni Rinka nang makaupo ako sa aking upuan.

Alam na nila ang tungkol sa amin ni Israel dahil hindi narin naman ito nagpaparamdam sa akin. Minsan nakikita ko siyang sinusundo si Ate Rici pero hanggang doon lamang. Balik na iyong dati... Iyong pagiging misteryoso niya sa akin at tila di ako kilala.

"Dapat sinagot mo na! Ba't ka naman nagpapaapekto sa mga nakapaligid sa'yo eh mga taong may makikitid na utak lang naman ang mga iyan!"

Inilabas ko ang aking notebook doon at kumuha narin ng ballpen.

"Hayaan mo na, Rinka..." sabi ko sa kanyang nang tingnan ko siya sandali.

Nalaglag ang kanyang panga at mas lalo lang atang sumabog sa inis. Itinuon ko naman ang aking tingin sa notebook.

"Anong hayaan?! Dapat nga ay kayo na! May gusto iyon sa'yo Trace! Ano ba iyang prinsipyo mo! Hindi naman basehan ang estado sa pagmamahal ah..."

"Hindi rin naman ganoon kadali ang pumasok sa ganoong bagay. Di pa ako handa at nag-aaral pa ako," sabi ko at tiningnan siya. Sa kanyang likod naman ay ang dalawang kakapasok lamang.

"Pwede mo namang ibalanse! Lahat ng estudyante rito iba iba agad ang mga sinasabi! Na nagsawa raw si Israel sa'yo dahil ginagamit mo lang daw ito! Na nakahanap na raw ng iba iyon!"

Dumating rin naman ang dalawa sa kanyang tabi. Nakikiusyoso agad sila.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagsulat ng dapat kong isulat sa aking notebook.

"Hayaan mo na. Di ka pa nasanay sa kanila eh ganoon naman talaga ang mga tao rito..." sabi ko.

"Hay nako Rinka. Hayaan mo na nga. Paano kung ang iniisip lang ni Tracey ay ang kinabukasan niya? Pag naging sila hindi malabong magyaya agad si Israel noong alam mo na... at paano kung nabuntis si Tracey nang maaga edi yari siya kay Kuya Bram at Mama niya," si Cecille.

"May condom 'no! At halatang expert naman iyong si Israel! Okay lang na mag thrust basta may gamit na trust," si Rose naman.

Namula na ang aking pisngi sa kanilang topic.

"Pero ang aking point lang... Dapat sumugal man lang siya." Inis akong tiningnan ni Rinka. Ramdam ko iyon sa gilid ng aking mga mata.

Sana nga ganoon lang kadaling magmahal 'no? Sana ganoon lang kadali. At alam ko na pag nalaman ni Mama na nagkakagusto rin ako doon sa isa pang Buenaventura ay mahihimatay na ata iyon. Si Kuya Bram naman hanggang ngayon galit parin kay Israel. At bata pa ako! Baka di ko magampanan ng maayos ang bagay na iyon at maghihiwalay rin kami. Makakahintay naman ang pag-ibig ah? Pag nakapagtapos ako... kahit ako pa ang maghabol ay okay lang basta may napatunayan na ako sa aking sarili, kay Mama...

Sabado iyon noong napansin kong nagtatalo si Ate Rici at Kuya Bram sa labas ng aming bahay. Simula rin kasi noong nag-away si Kuya at Israel... di ko na nakikita si Ate Rici dito. Pumupunta pero si Kuya ay pinapauwi agad ito at di man lang pinapapasok sa bahay. Minsan ay naiinis na si Ate Rici pero pumupunta parin dito. Si Kuya naman pakipot at pinapanindigan ang isang bagay.

"Ano bang problema mo?! Ba't mo ako sinasali?! Nakakainis kana Bram!" Parang nagpipigil na ng hikbi ang boses ni Ate Rici noon.

Nasa may upuan lamang ako at gumagawa ng aking assignments. Nakikita ko naman sa labas ng bintana ang likod ni Kuya. Nakatingin ito sa ibang direksyon habang nakapameywang at hinahangin ang kanyang buhok.

"Akala mo ba di ko alam?! Na kaya ka umiiwas sa akin dahil kay Kuya! Pero ang sabi niya sa akin ay nilalayuan niya na raw si Tracey! Ngayon ikaw na naman ang may problema! Si Kuya itong pinapayagan na ako tapos..." naging mahina ang boses ni Ate Rici.

"Umuwi kana lang, Riss," malamig na pananaboy ni Kuya.

Natigil ako sa pagsusulat at nilingon sila roon. Di ko makita nang maayos ang imahe ni Ate dahil hinaharangan rin naman ito ni Kuya.

"Ang unfair mo naman... P-Pagkatapos mo akong pabaliwin sa'yo... Duwag ka pala eh. Lalake ka pero duwag ka."

Gumalaw ang balikat ni Kuya dahil mukhang sinuntok ni Ate Rici ang kanyang dibdib.

"Umuwi kana." Tinalikuran ito ni Kuya at umalis na sa kanyang harapan.

Nakita ko ang imahe ni Ate roon... Nanlalabo ang mga mata at dismayadong dismayado.

"Huling beses na ito Bram! Pag nakauwi ako... Pag tumakbo na ako palayo... Hinding hindi mo na ulit ako makikita! Napakaduwag mo! Sige! Magsisisi ka rin pag pumayag ako roon sa pinagkakasundo ni Papa sa akin! Iyon nalang ang pakakasalan ko! Kami nalang ang bubuo ng pamilya total ayaw mo naman sa akin! Duwag!" sigaw ni Ate Rici at humihikbing tumakbo paalis.

Mabilis akong tumayo at sinilip si Kuya sa may bintana. Natigilan na ito habang kinukuyom ang kanyang mga kamay. Umigting pa ang kanyang panga habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.

Kuya naman... Nasaan na iyong pinaglalaban mo kung sa ganito lang pala ay susuko kana?

Napatingala si Kuya at ilang mura na ang nasambit. Tuluyan ng nawala ang imahe ni Ate Rici dahil sa mabilis nitong pagtakbo.

Naging bigo narin ang aking mukha.

"Shit talaga!" sigaw ni Kuya saka nasabunutan ang sariling buhok saka ito kumaripas agad ito ng takbo.

Parang lumundag ang aking puso palabas ng bintana sa sobrang saya. Gusto kong sumigaw sigaw at icheer si Kuya sa paghabol kay Ate Rici pero kinimkim ko nalang. Siguro natablan iyon sa pananakot ni Ate Rici sa kanya!

Napapansin ko mahilig ang magkapatid manakot... mang-ipit... Iyon ang ginagawa nila para makuha ang kanilang gusto.

Niligpit ko ang aking mga gamit pagkatapos ko iyong sagutan. Si Kuya ay wala pa. Ilang oras na siyang nawawala. Hindi kaya ay pumunta na iyon sa lupain ng mga Buenaventura? May mga nagkalat pa naman na tauhan sa main gate nila. Baka kung anong mangyari...

Nagkulong nalang ako sa aking kwarto at tinupi ang aking mga damit. Medyo dumidilim na at nagsisimula na iyong kumalat sa buong paligid.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya mabilis akong tumayo at lumabas. Nagkasalubong agad ang mga mata namin ni Kuya.

Napakurap ako at nagtatakang napatingin sa kanyang buhok. Medyo magulo at natuyo lang ata? Umulan ba? Hindi naman. At basa rin ang kanyang suot na hindi na gaanong halata.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at pasipol sipol na pumunta roon sa sink. Nagsalin siya ng tubig sa baso habang ako parin itong takang taka. Anong nangyari?

"Ba't ang tagal mo Kuya? Saan ka galing?" tanong ko sa kanya.

"Ah... Sa ano... Sa batis." Tanging sagot niya at nagsalin muli ng tubig. Galing ba siya sa takbo? Ba't parang pagod?

"Huh? Batis? Eh diba hinabol mo si Ate Rici?"

Natigilan ito at tila may naalala dahil sa pagbanggit ko ng pangalan. Noong umapaw na ang tubig sa kanyang baso ay pinatay niya agad ang gripo saka iyon ininom.

Hinintay kong maubos niya iyon saka niya ako binalingan.

"Tsismosa ka." Ngumisi pa siya sa akin. Kakaiba si Kuya ngayon...

Iba talaga eh... At naaamoy ko si Ate Rici sa kanya. Kumakalat ang amoy ni Ate Rici sa buong bahay. Hindi kaya...

"Bati na kayo?" Hindi ko tinantanan ang mga matang iniiwas niya sa akin.

Sumandal siya roon at nahipo ang kanyang batok. Ngumuso pa ito at tila may naalala.

Hindi siya sumagot sa akin at nagtungo sa may ref. Binuksan niya iyon saka dinungaw ang loob.

"Magluluto na ako. Anong ulam ang gusto mo?" tanong niya habang may kinakalkal sa freezer.

"Naligo kayo sa batis ni Ate Rici?"

"Privacy na iyon, Trace. May pagka tsismosa ka talaga kahit kailan." Narinig kong sabi niya sa labas.

Napanguso ako roon.

Lunes iyon. Magbubuwan narin at malapit ng matapos ang aming klase. Valentines na bukas at hindi ko alam kung ba't may klase pa eh alam ko namang mga nagkalat lamang na mga magsyota ang ganadong pumasok. Oo nga pala. Malapit na akong mag seventeen.

Papunta kaming tatlo sa canteen noon habang topic nila kung sino ang hahabluting lalake at iisali nila sa mga booth. Marami kasing ganoon tuwing Valentines. Maraming pakulo ang mga SSG Officer.

"Si Roel nalang kaya? Total nakapares ko iyon sa dula natin. Para kasing malagkit makatingin sa akin. Malay niyo... may lihim na pagtingin..." Ngumingisi pa si Cecille habang hinahawi ang iilang hibla sa kanyang buhok sa malanding paraan.

Tumawa kaming tatlo.

"Ang assuming mo! Galit iyon sa'yo kaya ganoon makatingin kasi pinalitan mo si Tracey! Gising hoy!" Binatukan siya ni Rose na halos ikabuwal ni Cecille sa paglalakad.

"Grabe ka! Kulang nalang lumabas ang baga ko sa malakas mong hampas!" Reklamo ni Cecille at nakabusangot na.

"Baka itong si Tracey ang maraming makakadate bukas! Uy... Sigurado akong ikaw ang pupunteryahin ni Leo bukas..." Siniko siko pa ako ni Rinka.

"Hindi lang si Leo kundi halos ang mga lalake rito," dagdag pa ni Rose.

Ang tatlo na ang sumusundot sa aking tagiliran at panay na ako igtad. Natatawa kong pinaghuhuli ang kanilang mga kamay para lamang pigilan sila sa kakagawa noon.

"Wala akong hilig sa ganyan 'no..." sabi ko.

"Sus... Eh balita ko pa naman open na naman iyong eskwelahan sa mga bibisitang tagalabas na mga estudyante. H'wag kang umabsent Trace malay mo pumasok rito si..." Hindi nadugtungan ni Cecille ang kanyang tinutukoy.

Unti-unti namang napawi ang aking ngisi at isang tipid na ngiti nalang ang naiwan.

Pagdating namin sa canteen ay pumila agad kami para makabili ng makakain. May grupong pumasok na ikinuha ng aming atensyon. Ang grupo iyon ni Ate Rici at sa tabi nito ay si Feli. Nasa likod naman nila iyong dalawa pa.

"Nangangamoy bulok na higad..." pagpaparinig ni Rinka at umikot pa ang mga mata nang makita si Feli.

"Pakalat kalat parin dito. Ba't di pa iyan sinusundo ng truck ng basura?" inis namang sabi ni Rose sa aking likuran.

Simula noong araw na umiyak siya ay medyo naging mailap narin ito. Minsan ay nag-iiwas nalang ng tingin sa akin at minsan naman ay umiirap nalang. Pero may mga araw rin talagang naririnig ko siyang pinaparinggan ako ng kung ano ano.

Nagtungo si Ate Rici sa nakasanayan nilang lamesa kasama iyong may maiksing buhok habang si Feli at iyong kaibigan niya ring nakaponytail ang buhok ang nagtungo sa aming tabi para pumila roon sa pangalawang linya.

"Umusog ka ng kaonti Trace... Mahirap na baka mahawaan ka ng virus sa tabi tabi." Iniusog ako ni Rose papunta sa kaliwang bahagi.

Ganito talaga ang gawain ng tatlo sa t'wing nasa paligid lamang si Feli. Ang kanilang galit na inaalagaan ay lumalaki lang ata lalo habang tumatagal.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pag-angat ng kilay ni Feli. Iyong kaibigan niya naman ay umismid pa sa amin. Nagsimula silang mag-usap dalawa pero ibang topic na iyon at tungkol sa program bukas.

"May kadate ka Feli?" tanong noong kaibigan niya sa kanya.

"May papatol ba diyan?" bulong pa sa akin ni Rose kaya sinaway ko ito.

"Wala akong boyfriend 'no. Wala namang kasing guwapo ni Israel dito." Marahan pa itong tumawa.

Noong marinig iyon ng tatlo ay nasira agad ang mga mukha. Inilingan ko na lamang sila na h'wag ng humirit pa.

Umabante na si Rinka at nagsimulang mamili. Itinuon ko naman ang aking tingin sa pagkaing bibilhin ko pero hindi ko maiwasang makinig sa pag-uusap nila.

"Eh si Israel... Sino ang kadate noon?" tanong naman noong kaibigan niya.

Napansin ko ang paglingon ni Feli sa akin.

"Isa iyong kolehiyana eh. Dinala niya pa nga iyon sa bahay nila noong nakaraang linggo."

Huh? May girlfriend siya? May babae?

"Talaga?"

"Oo. Madalas ako sa bahay nila. Nakita ko may kasama siyang babae. Mayaman rin." Pinagdiinan niya pa ang huli niyang sinabi.

Marahang kinurot ni Rose ang aking beywang at mukhang tinutukoy ang narinig niya. Kahit si Rinka ay nakaangat na ang kilay habang umaalis na sa harapan at mukhang narinig rin ang sinabi ni Feli.

Ako naman ang napunta sa harapan. Sinikap ko nalang na kumalma at baliwalain ang aking narinig.

"Isang sandwich at sprite po..." sabi ko sa tindera saka binigay ang singkwenta na papel.

Umabante narin naman sila Feli. Nagbigay narin siya ng pera at maraming pagkain ang pinagsasabi. Iyong iba ay kina Ate Rici ata at sa isa pa nilang kaibigan.

"Kawawa naman ang iba diyan... Binilhan lang ng mamahaling kwintas nag-aassume na na gusto siya. Pinagsawaan rin naman pagkatapos gamitin. Nakakaawa." Pasimple akong nilingon ni Feli agad ngumiti pa ng matamis nang lingunin ko rin siya.

"Tumahimik ka nga Feli. Baka nga isa ka rin sa nagkakandarapang babae kay Israel at hindi napapansin. At least si Tracey napansin. Nagustuhan," sagot naman ni Rose sa aking likod.

Ibinigay na sa akin iyong pagkain ko kaya inawat ko agad si Rose na h'wag nalang itong pansinin.

Umirap si Feli at kinuha narin iyong tray na ibinigay sa kanya dahil sa dami ng kanyang order. Si Rinka ay nagtangka pang batuhin ito ng hawak niyang coke in a can pero di niya lang itinuloy.

"H'wag kang makinig sa babaeng iyon. Doon na tayo maniwala kung nakita talaga ng sarili nating mga mata. Alam naman natin ang bibig ni Feli... May pagkastorymaker ang social climber na iyan," galit na sabi ni Rose.

Ngumiti lamang ako ng tipid at hinintay na si Cecille ang matapos sa pagbili ng pagkain. Tumatawa na si Ate Rici roon sa table at hindi katulad ng kanyang mga kaibigan... siya lang itong walang nasasabi sa akin na kung ano ano.

Iniisa isa ko ang sinabi kong kondisyon kay Israel. Ang sinabi ko lamang ay layuan niya ako at h'wag ng hadlangan sila Kuya. Iyon lang ang ipinagbawal ko sa kanya. Ba't bigla akong nadismaya?

Nakakafrustrate naman itong naiisip ko. Ang unfair niya naman... May babae siya. Pero hindi rin naman kayo Trace... Wala kang karapatang magreklamo.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 98.3K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...
5.2M 130K 60
The "cold" Irah Buenaventura is having a crush with a snob Delafuente that will push her to trick him in order to get him. She's willing to play all...
3.4M 93.8K 61
Chey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about...
16.9K 928 29
one cosmopolitan, please.